7. Coincidental accident
[MIKO SALVADOR's POINT of VIEW]
One love...
I love you so
Love is the beautiful one
I love you so
Love is the beautiful one
All we need is love
Calling... +63999*******
Ngayon naman tumatawag...
Wala ako sa wisyo para guluhin pa ang magulo kong isip,
kasi nga magulo na siyang talaga!! Tumatawag pa tong HITLER GIRL na 'tong makulit! Ayokong kumausap muna ng kahit sino!! at wala rin ako sa wisyo na magbasa ng mga stories niya ngayon.
Arrrgghh!! Anong gagawin ko..
...Real love
Marvel at the sight of greenfields
Amazingly seen
Calling... +63999*******
Ayokong sagutin! Ayoko munang kumausap ng kahit na sino. Kahit na sino!! Sa pagkatuliro,tinago ko sa ilalim ng unan yung CP ko para di ko marinig yung pag-ri-ring!
Kaysa naman i-cancel ko yung tawag, baka masaktan kapag di ko sinagot, maiisip niya na lang siguro na baka naiwan ko CP ko!
Ay bahala ka dyan!!
Hindi na lang ako nagpalit ng damit, naka-uniform pa ko. Ayos lang siguro, kararating ko lang naman e. Magpapakalunod na lang talaga ko sa alak this time! Baka sakaling paglasing na ko makalimutan ko itong hapdi sa dibdib ko.
Malulunod din ng espiritu ng alak 'tong nararamdaman ko!
***
Wala sa isip kong pumara ng FX taxi. Sa loob ng Fx, ewan.. pero lumilipad talaga ang isip ko, kahit ayaw ko na balikan ang mga nangyari kanina kusang nagpa-flash back lahat-lahat!
"Manong padis lang, " nagbayad ako, hindi ko alam kung magkano na yung paper bill na nakuha ko sa wallet ko, basta inabot ko yun.
Ano ba talaga!! Ano kayang dahilan ni Cherryl? Hindi e.. Kilala ko siya, hindi basta-basta na magde-desisyon yun nang walang dahilan!
Yung dahilan na yun -kung ano man yun... tingin ko, mabigat yun.
Baka may problema siya, magtu-two years na kami -hindi kami magtatagal kung hindi namin mahal ang isa't isa.. Alam kong mahal ako ni Ch-
"Wag ka nang papalag, may baril kami.." napalingon ako sa nagsalita. Paksh*t lang, mga nakabonnet na sila?
"Lahat ng gamit mo.. Amin na! Pati yang relo mo!" Mabagal ang takbo ng Fx Taxi, may nakatutok saking baril. Holdap? Hinu-holdap ba ko?
"Amina lahat-lahat ng gamit mo!!" hinablot ng isa na katabi ko yung kamay ko, tinanggal yung wrist watch ko. Babae yung katabi ko kanina sa pagkakaalam ko. Putik! Aaaaggghhh! Sinikmuraan ako nang isa nang subukan kong bawiin yung wrist watch ko.
Nakaramdam ako ng kirot... halos masuka ko sa pamimilipit.
"pwede na to.. puta, pulubi pala 'to e!!" binuksan ng isa yung pintuan ng taksi, sinipa pa ko palabas. Nalaglag ako sa upuan, bumagsak ako sa lupa. Napadapa ako. Bumaba yung isa, at tinutukan ako ng baril. Gusto kong aninagin yung mukha niya pero mata lang talaga yung kita. Napakadilim pa ng lugar, walang street lights. Hindi pamilyar sakin ang lugar, liblib masyado...
"S-SIGE PUTOK MO NA YAN!" sigaw ko, na kahit namimilipit ako sa sakit. Ngumisi lang yung lalaking nakabonnet. Kahit madilim, nakita kong naninilaw yung ngipin niya. Sinikaran lang uli ako sa tiyan.
"Adre, hayaan mo na yan!" sigaw ng isang may hawak ng wallet ko,
"Wag ka munang magtumba ngayon, batse na muna tayo.." bago umalis yung tumutok sakin ng baril, isang tadyak uli ang binigay sakin. AAAHHHhhGGGG!!
Ambilis nang pangyayari. Masyado akong natulala, nakakabigla. Lahat-lahat nakuha sakin -wallet ko, cellphone, relo ko, pati sapatos ko.
Nasaan ba ko ngayon?! Kalyeng sobrang dilim. Saang lugar ba to, bakit walang street signs. Parang tagong village sa kung saan.. mabilis na pinatakbo yung Fx Taxi. Shet lang wala silang placards. Para kong basang sisiw na iniwan dito sa madilim na kalye. Tumayo ako. Pilit tinatanggap sa sarili ang nangyari.
Iika-ika akong naglakad. Gabing-gabi na, naglalakad ako nang pasuray-suray. Hindi naman lasing pero bangag! Walang signs ng highway. Walang tunog ng kotse.
AAAHHHHHHH!!!! Answerte mo naman Mikko. Ambobo mo pa, bakit di mo nakitang mga holdaper yun! Antanga ko!
Habang naglalakad sa kalsada.. sinipa ko yung bato sa daan.. Kainis!!!
"AARRRGGGHH!! GGRHH!!RR AARRFFF AAARRFF!!" ano yun? waAAAHAHHAH! Ansyete!! Tinamaan ng sinipa kong bato yung asong naghahalukay ng kung ano sa basurahan.
“GGRHH!!RR!” kinagat ko yung dila ko, instinct defence. Kapag may aso daw na tinatahulan ka, kagatin daw ang dila para- "AAARRRGGHH!! ARRFFGGHH!!" Atras.. Syete talaga oh..takbo!!
putik lang talaga, na-straight bigla yung lakad ko! Takbo!
***
Napagod na rin siguro yung asong humahabol sakin.
Gusto ko ulit umiyak! Ang malas ko naman! May balat ka ba sa puwet??! Wala akong CP, pano tatawag sa pamilya ko? Wala akong sapatos o anumang sapin sa paa! Ansakit na nang paa ko. Literally nagdudugo na ang mga paa ko.
Nakakarinig na ko nang tunog ng sasakyan. Nabuhayan ako ng loob, malapit na ang highway, may masasakyan na ko.
"Ay!! Wala akong wallet! Tinangay lahat! Shet!!" Lahat-lahat!!
Nang nakarating na ko sa highway. Nakita ko yung simbahan, Lord, gusto ko munang magpahinga. Gusto ko munang umupo. Pumasok ako ng simbahan. Hingal-kabayo ako nang umupo sa isa sa mga hanay ng upuan na yon, sa bandang bukana ng simbahan. Marami pang tao..
Hindi ko alam kung anong dapat isipin. Nakatingin lang ako sa altar banda, sa mismong krus na malaki.
Gusto kong magtanong sa kanya. Sa Diyos. Bakit ba?! "Anong kasalanan ko sayo? Bakit.. Bak- TSK!!" Naramdaman ko na lang tumutulo na luha ko, galit ako! Galit ako sa sarili ko!
Ewan, hindi ko na rin nga alam kung galit nga ba itong nararamdaman ko o pagkaawa sa sarili. Tulala akong mahigit yata isang oras.. wala akong orasan.. kaya yata lang.
Napansin kong andami rin palang tao, na nagdadasal. Nakaluhod, nakikipag-usap sa Diyos.
ako? "Totoo ka ba?..." baliw na ko.. basta, gusto ko lang ng makakausap, ng matatakbuhan ngayon.
"may next pa ba dito? p-pwede bang time-out muna ko" umiiyak na talaga ako, parang hindi ako lalaki. Naiinis ako. Simbahan naman ito e, maiintindihan naman siguro nila kung bait ako umiiyak.
"May kasalanan ba ko sayo??"
"B-bakit kasi.... Tsk!! Bakit- !! Bab- Babalik pa ba sakin si Cherryl?" ewan! Nakuyom ko ang kamao ko.
"Bahala ka na nga!!!" tatayo na sana ko nang mapansin ko yung banda sa harap ko. Ilang hanay ng upuan mula sakin.
Yung ale, taimtim na nagdadasal. May rosaryo pa sa kamay, pero hindi yun yung tumawag ng pansin ko. Doon malapit sa upuan niya yung batang marungis na mukhang magnanakaw, nakita kong may kinukuha siya sa bag ng ale.
Nakatingin lang ako sa kung ano mang ginagawa niya. Gusto ko sanang sumigaw kaya lang marami akong maiistorbo. Sinusundan ko lang ng tingin yung batang pulubi na may hawak na isang malaking wallet.
Napalingon yung bata sa pwesto ko at nagkatitigan kami. Bigla siyang nagmadali. Sakto nasa dulo ako, sa bandang pinto ng simbahan. Kailangan niya munang dumaan pa sa harap ko pero bigla na lang umakyat yung bata dun sa hagdan.
"Bakit ba andaming magnanakaw sa mundo!!" dapat sa mga 'to pinuputulan ng kamay e!! nakita kong umakyat siya sa taas. May kataasan din pala itong hagdan. At... Ayon! nakita ko yung bata na binubuksan yung pouch ng ale.
"HOY!! SA SIMBAHAN KA PA TUMIRA AH!! BALIK MO YAN SAKIN!!!" tinitigan lang ako nung bata, tapos dinilaan ako.
"BEELLAAATT!!" Ay! binuksan niya yung bintana, nag-iisa lang na bintana dito, nasa ulunan namin tong kampana.
"SIGE HABULIN MO KO!!" biglang umakyat sa bintana, kala ko tatalon siya doon. May makitid pa lang tungtungan doon. Umakyat din ako.
"HOY! BUMALIK K-" ay! sanay na sanay yung bata sa pagpulas. para kong nakakakita ng spider-man, pababa na yung bata. Naduduwal ako. Nakatungtong na rin pala ako sa makitid na hambahan. Syete! Nalulula ako! May fear of heights ako, biglang sumara yung bintana... Argggh! Wala akong makapitan.
I need help, putik, nasa tuktok na pala ako ng simbahan.
“Hoy bumaba ka dyan baliw!!” narinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa ibaba. Ako ba yon? Hindi ako baliw.. hindi ako makagalaw sa kinapupwestuhan ko, konting maling galaw mahuhulog ako.
Bakit ba kasi may fear of heights ako. AAAAAHHH!!!!!! Nakakainis! Naalala ko yung nangyari sakin noon kung bakit nagka-fear of heights ako.
Nasa taas ako ng bubong ng nasusunog naming bahay, may sinasagip ako nun, yung bestfriend kong si Jessica. Nalaglag kami sa bubong. After nun, dalawang linggo akong nakoma. na- 8 years nang nakalipas yun!
Napansin ko, unti-unting dumadami yung mga tao sa baba. At sakin lahat nakatingin, hindi ayos ang pakiramdam ko. Tae lang, may dumating pang may kamera, syete! Reporter pa ata! Ayokong pagkaguluhan ang buhay ko ng mga media, scandal express 'to pagnagkataon! ISANG GURO NA-STRESS, TUMALON SA TOKTUK NG SIMBAHAN!! Tsk! Hindi...
I need to be brave!
Hold your breath Mikko! Kaya mo yan! Kaya mo yan! Unti-unti lang ang galaw para-
Biglang bumukas yung bintana at may babaeng nagpakita, pero huli na nang makita ko kung sino siya. Napahawak ako sa kanya. At malas lang... Nalaglag kami!! Pray to God!
Sumalagit nawa ang kaluluwa ko...
***
Naririnig ko yung boses ng mga doktor pero di ko madilat mga mata ko, wala naman akong maramdamang masakit na bahagi ng katawan ko pero hindi ako makadilat, hilo parin ako, at unti-unting lumalabo ang paningin ko.
Nakapikit ako, pero gising ang diwa... may pamilyar na boses. Tinatawag niya ang pangalan ko.
"Miko!!! Miko!!" pahina nang pahina yung boses.. "Mik-..."