SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

15. HHWW AT THE CHINA TOWN OF THE PHILIPPINES

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

15. HHWW at the China Town of the Philippines


[MIKO SALVADOR'S POV]


Mula kaninang pag-uwi ko dito sa bahay, hindi ako makapagdecide kung pupunta ako.

"sa tingin mo Aily pupunta ba ko?" tinitigan ko siya, mata sa mata. Iniwas niya lang ang titig niya sakin,

"ayaw mong tumingin?"

"kung pupunta ako, hindi kaya ako ma-out of place lang sa kanila... ano sa palagay mo?" tumalon siya sa kamay ko nang may nakitang daga.


"hindi ka mapalagay!! Ailyy, wala kang kwentang pusa! iwanan ba naman ako. tsk!" si Aily ang pusa namin na biglang tumalon sa pagkakakarga ko, tumakbo sa batang may laruang daga.

Narinig ko na lang, biglang umiyak yung bata, dahil inagawan ng pusa ko yung bata... "waaaaaaahhhh" gusto ko sanang sumaklolo. Paluin si Aily, pagsabihan, sa susunod wag kang mang-aagaw ng laruan ng may laruan ha, wag kang salbahe, waaaahhh... baka isipin na nilang baliw na nga talaga ako.

Mga kapitbahay kasi namin, baliw na ang tingin sakin mula noong nabalitaan nilang -tumalon daw ako sa simbahan, nagsuicide, kasi daw na sobrahan sa pag-iisip kaya daw wala na ko sa tamang pag-iisip. Instant celebrity ako sa amin, buong linggo akong pinag-usapan pero binale wala ko lang mga naririnig kong kwento ng mga aleng taga-kabilang barangay.


"nakita ko yang anak ni tatang mambabalot," talsikan ang laway ng matabang babae, "yung propesor daw," sagot naman ng isang tatango-tango.

"Ou, yun! nakita ko yun sa simbahan, sa kapilya noong nakaraang gabi,"

"mukhang pulubi, ang gulo-gulo ng buhok, tapos naka-longsleeve e walang suot na sapatos," sige, pinagpipyestahan nila ang buhay ko, buhusan ko sila ng isang baldeng laway e!!

"tapos, tapos, yung batang yun, nakita kong umiiyak at parang may kinakausap sa hangin, e diba baliw yung ganun, naku baka nasiraan na talagang tuktok 'yan,"

"Ou, nababaliw na nga," tugon ng isa.

"baliw na nga!" pagsang-ayon naman ng isa.

"I second demotion," sagot ko naman sa kanila, tapos nagulat sila at nagtakbuhan dahil dun lang nila nalamang nakikinig ako sa kanila mula pa nagsimula silang pag-tsismisan ang buhay ko, nagpulasan sila at kanya-kanyang takbo habang sinasabing "Baliiiiiiiiiiiwwwww!!"

Hay!!! Mag-aalas otso na ngayon, hindi ako mapalagay sa kwarto ko. Ngayon talaga para akong baliw. Palakad-lakad, atras-abante sa salamin. Waaahhh, nakabihis ako na pulang-pula at medyo may chinese design. Tingin ko, para akong chief sa Chowking na parang tagatinda ng bulaklak tuwing valentines day! nakapolo akong pula, sabi kasi ni Cassandra dapat daw naka red para sa celebration ng Chinese new year, new years eve na mamaya. Wew, baduy ko! nakatack-in pa ko.

Nakakailang, nakabihis na ko lahat-lahat pero isip ko, umaatras parin.

"Pupunta?"

"hindi pupunta!"

"pupunta!"

"hindi pupunta?"

"toot, toot, toot,toot" calling... "my HITLER GIRL"

Ui, plain ringing tone na lang ang phone ko dahil may nag-sudjest sakin na palitan ko na lang ang ringing tone ko para maiwasan kong maalala si... siya! kilala niyo na yon, "toot.toot.toot. toot.." nabasa daw kasi niya yung story ni Haveyouseenthisgirlstories, yung story niyang 11 ways to forget your Ex-boyfriend. Yung isa sa ways dun, wag na daw babanggitin ang pangalan ni Cherryl ay putik!! Nabanggit ko na naman! Naku-naku!! Hay!!!

I answer the call.

"SIIIRRR, SAAN KA NA?! MALAPIT NANG FIREWORKS!" putik, unang bati nito sigaw agad!

Malapit na ko,” sabi ko, kahit ito nandito parin sa kwarto ko at feeling ko gusto ko nang magbihis ng pambahay at wag na lang umalis. Tsk!

"Oo, on the way na ko, b-but... text me the exact location again, saan banda sa Binondo? magta-taxi na lang kasi ako," dahil wala naman kasi akong sasakyan. mahirap lang po kami.. pero motor lang meron, kaya lang kung nakamotor ako? waaaahh, wala naman akong helmet na may seal -e nang huhuli pa naman yung mga MMDA sa highway. Tsaka ew! nakalong-sleeve na medyo pormal, nakamotor? wew!


"AHHH, SIR!! ANONG ON THE WAY POOO?? kaka-text ko lang po kay manong Dio, sabi ko sunduin ka diyan sir, parating na daw siya sir!"


"Case, no thanks.. mag ku-commute na lang akoo..."


"kUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” nagulat ako nang tinawag ako ng kapatid ko,

"mula sa bayan ng konoha, may mensahe ako.. kagibusyen teknik, times two, times two, times tw-"

"araaaaayyy!" yan, binatungan ko lang kapatid ko, adik sa Naruto e,


"kuya naman e.. may tao sa labas, matanda, hihahanap ka! Ui kuya kamukha mo si ROCKY!!! hahaha! saan ka punta?" ah.. si manong na yun. Nandyan na ang maghahatid sakin sa kabilang hantungan? teka,

"mas kamukha ko si SASUKE! saglit, aalis ako, pakisabi pupunta ako sa shukuba town, mag-aaral ng genjutsu!” kumunot ang mukha ng kapatid ko, “hehe, biro lang, pakisabi pupunta ako sa Binondo, baka mag overnight ako dun,"

"SIIRRR!!! FASTER HA!! INGAAAT!" ay sakit sa tenga ko, may kausap pa pala ko sa phone,

"aah Cassandr-" at ayon, binabaan na ko ng phone. No choice para mag inarte pa, paglabas ko nakita kong nakangiti si manong, naghihintay.

"ahhh Manong Dio. Pasensya na po't naabala ko pa po kayo," sabi ko kay Manong Dio

"ay di bali sir, si Mam Cassandra pong nagpapunta sakin dito, para po ihatid kayo, tara na po,"
sa loob ng taxi, parang sobrang tahimik kahit may nakasinding radyo, nakalagay sa fm station, 90.7 love radio, ang tugtog naman ay kay Freddie Aguilar, na ang title ay anak.

"manong ahm.. " mabasag lang ang katahimikan sa pagitan namin nagsalita na ko, tsaka may gusto talaga akong malaman e,

"a-ano po yun?" napansin ko lang kay manong parang biglang nasamid..

"malapit po ba kayo kila Cassandra? pati po kila mam manda po?" bumagal ang takbo namin,

"m-matagal ko na po silang kakilala... si m-mam manda ah, p-personal driver po nila ako mula po sila ng asawa niya ngayon,"

"ahh, bakit po sir?" balik na tanong ni manong, ou nga, bakit ko ba kasi tinatanong..

"wala naman po," pagkasabi ko nun, nag-iba na ng kanta yung radyo ni manong, let the love begin ang next song. Katahimikan. hindi na kami nag imikan ni manong.



The china town of the Philippines, nandito na kami, huminto si manong sa isang hotel, may Buddha pa sa mismong entrance gate, ng hindi lang basta hotel, mukhang pang mayaman. parang Shangrila o five star hotel.

Pagkababa ko nakita ko nang nag-aabang si Case sa pintuan kasama ang isang may katangkarang lalaki, baka iyon yung tatay ni Case, naka americana ito at.. ehh.. pormal attire ata ang dapat suot ko! Hala nakakahinga ako, mukha lang akong a-attend sa circus!


"SIIRRRRRR!" sa tawag ni Case, nawala ang kaba ko dahil napalitan ng inis, sabi niya kasi dapat may touch ng pagka-chinese ung attire ko, laaaaaaaaaaang hiya, nakapag arkila pa tuloy ako ng custome na 'to. 150 per 2 days. Ngumiti ako at kumaway, at pagkalapit ko ni-recite ko yung pinagpraktisang kong greetings.

"cong hei fat choi, Sir" tapos nakikipagshake hands ako dun sa kasama niya na,

"ah, Sir Miko this is my Dad, Dadda he's my profesor Mr. Mikko salvador," ayun mahigpit ang pagkakashake hands ng father niya. nanunubok ata. Ouchh, masakit ha!

"I'm scooth, Cassandra's father, Sir nice to meet you, your my Case's professor.. hows my daughter's grade sir? Failed po ba lahat? hehehe," halaaaaa..

"DADDA!!" sigaw ni Case sa father niya at ayun, hindi ko alam ang isasagot. kala ko nakakatakot ang papa niya pero hindi pala, mukha lang pala..

"C-Cassandra is very smart, a polite student, and i know na may pinagmanahan po siya," ngumiti lang ang papa ni Case sa sinabi ko, hehe.

"taraa na po," inakay na kami ni Cassandra..

"wait, manong.. saglit po," ay nakalimutan ko na si manong.. "baba po muna kayo, at may hapunan po sa taas," alok nito ni Mr. Scooth. kay manong Dio -ang taxi driver at personal na tagamaneho nila.


"tara, na manong.. naghihintay na po doon si tita Manda," pagkasabi ni Case nito, parang biglang namutla si manong Dio. Napatingin siya sa ama ni Cassandra,

Tumango lang si manong at hindi makatingin ng deretso,

"S-salamat po.. hindi na rin po Mam, ah Sir, mauna na po-"

"Manong Dio!", Lumapit si Case sa matandang driver, biglang namutla naman si Manong , hindi ko alam kung anong meron.

"Pinapatawag po kayo ni Tita Manda sa taas, may mahalaga daw siyang sasabihin"

"Park niyo muna po 'yan, sunod na lang po kayo sa taas," tapos, tumango na lang si Manong na parang takot. Ito talagang si Case, pinapairal na naman ang pagka HITLER GIRL niya.

May killer eye 'to na kapag tinignan ka na ni Case sa ganoong ayos, naku humanda ka na! “Okay po,”

Winelcome kami pagpasok namin sa parang hall, waaahhh
andaming pagkain, tapos weew, andaming tao, angkan ng mga konohaa???

"Kung Hei Fat Sai,"


[PLUGGING: Madaming magagaling na writer sa Pilipinas.. Nakakatuwa di ba? Nagtatago lang sila, dito sa Wattpad world, nandito yung iba... Try to read them, and Let's support them, read their works and have a review after reading their masterpiece, why not to share it to your other friends not only the wattpad followers/ readers, it's a big help to them. Peace guys! ]


***
Ayun para lang akong tanga at ngingiti-ngiti kahit hindi ko naman sila naiintindihan. Alam ko sinasadya nilang mag-chinese para magmukha akong tanga sa harapan nila. Ayun ang tingin ko. Tsk! ako lang ata ang hindi nakakaintindi dun ng salitang intsik.

Tatlong pamilya din ata ang mga nandito, formal lahat ng bisita o Kamag-anak maliban lang sa mga matatandang si Granny na lola ni Cassandra, si Granny2 na lola naman ng Family 'Than' daw, na mayamang pamilya na kasosyo ng pamilya ni Case at ako na may pagka-chinese din ang style ng polo. Curse that Case for this!!

"Nàme, shénme shíhou juxíng hunli?" nagsasalita si Granny at syempre anong reaksyon ko? Kundi malaking HAAA???

Anyways, Nakilala ko si Xiang Chio, kahawig din ni Case itong Cousin niya -a little cute chinese. Tumatak sa isip ko yung name niya kasi parang tunog ng 'Siopao' o naiisip ko yung Siopao kapag tinatawag siya...

"Oh, siiir, kain lang po.. masasarap pong food. We have here a best chief -meet uncle Tomas, the best Chief of the family, sa cruise-ship yan nagtatrabaho, last month lang nakabalik,"

Tapos pinakilala sakin, katabi ko sa isa sa mga round table si Case, si Xiang, si uncle Tom, si Granny, tapos yung dalawang lalaki na di ko na matandaan ang pangalan. Kahit pinakilala na sila sakin ni Case. Ambobo lang sa memorization ng name. Hehe

"Ah, sir Tom, the best po 'tong Siomai,"

"Ah sir, shrimp dumplings yan,"

"Ah yun na nga po, ansarap po lahat e," hahaha, nagtawanan sila, nakitawa na lang rin ako.?? hahaha, wala akong ma-comment e, exotic kasi masyado yung mga nakahaing food. Tipong kahit kailan hindi pa sumagi sa imahinasyon namin na may lalapag na ganoong klaseng pagkain sa aming hapag-kainan sa bahay. Tuwing wala kasing pagkain sa bahay nag-iimagine lang kami ng pagkain, at ito, never 'tong pumasok sa imahinasyon ko. May nabubuhay palang ganitong pagkain. Waaahhh, abnormal lang.


May stage doon na para sa performer, ano ba 'to mini-concert?
Nagpalakpakan sila nang pumasok ang isang banda "..to serenade us, let's welcome ______ band!" Kala ko yung Syntax Error Band na, kasi kahawig nila yung Vocalist nun, Si Sync ahaha! pero hindi pala.. kasi Chinese din yung kanta. at hindi ko naintindihan yung name ng band nila.
Atsetsetse band ata yung narinig ko, hehe. Sige, Kayo na PURE CHINESE, ako na PURE ALIEN.

Pagkatapos ng mga dalawa o tatlong kanta na ata, ewan! Hindi ko naman kasi pinakinggan yung kanta, para sakin, hindi naman nagbago yung kinakanta nila, lumapit si Granny (yung lola ni Case) tapos, kinuha ang mike, and she's announcing SomethingThe crowd listen "Women hen gaoxìng ni zài zhèli, Nimen dou yaoqing women liang gè sunzi, our Cassandra, and kevin Than,"

"Xiwàng dàjia dou lái zài tamen de hunli" tapos nagpalakpakan na sila, lumapit yung lalaki, tapos tatayo na si Cassandra nang mapansin kong maluha-luha siya, tears of joy? Ano ba yung inanounce? Bigla na lang nag-grand EXIT si Case, hindi nila napansin ang pagtakbo ni Case, kasi yung mga relatives nila lumapit dun sa lalaki at kinukong-gratulate.
Astig! Ano bang sinabi? Gumawa tuloy ako nang sariling interpretasyon

"Women hen gaoxìng ni zài zhèli, Nimen dou yaoqing women liang gè sunzi, our Cassandra, and kevin Than," baka ibig sabihin nun? Maraming salamat sa inyong pagdalo, gusto ko lang ipakilala ang dalawa kong apo, ang bobo sa Math --> si Keven Than at ang bagsak sa Values si Cassandra Mal-

Wait.. Nagulat ako nang nagtanggal ng shade yung lalaking pinakilala kanina. Natatandaan ko siya, Kevin Than? e Siya yung sinapak ko sa simbahan noong gabing binasbastos niya si Cassandra ah, naaahh! Anong ginagawa niya dito? Si Case? Magkakilala pala sila.

Lalapit na sana ako, pero may humawak sa braso ko, "M-Manong Dio? Ano po bang meron?"

"Iho, huwag ka nang mangialam, negosyo nila yan e, tahimik lang tayo," sa sinabi ni Manong kumalma na lang ako, nagpipigil ng galit o nang-inis o ng kaba?

Nagkwentuhan na lang kami ni Manong habang nilalantakan ang pagkain.
Tsk! Ayoko namang makipag-socialize sa iba though marami akong nakikitang magagandang chicks? Ayt!! Bad Idea!! joke lang, hindi naman ako ganun na chiks ang laging hanap no. Hihi, minsan lang! Basta ayokong makipagsocialize, sasapatusin ko lang sila kapag inintsik nila ako.

Ah, wait... my selpon nga pala ako "Google translation device, " may net pala tong selpon ko, sakto may WIFI sila! Ano bang narinig ko kanina. " you'll all invited at their wedding" ang lumabas sa pagsasalin. Sinong ikakasal? Mayamaya nagulat ako nung nakita ko si Xiang Chio? Bakit naman ako hinatak nitong siopao na 'to!

"Siopao w-why? something wrong?" tanong ko,

"Kuyaaa come with me.. dali na," hatak lang ako nung batang 'to. At sige... wala akong magawa e, sunod naman ako. Ayt! nagtatagalog pala 'tong batang ito, kala ko kanina purong chinese din e. Buti naman pwede ko siyang kausapin.

Hindi kami gumamit ng elevator, grabeng bilis maglakad nito, anliksi, naghagdan lang kami at ilang floor din ata yung inakyat namin.
at iyon! Nasa rooftop na kami ng hotel.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, WWOOOOOWWW!!! Ang ganda ng fireworks display!

Nakita ko si Case, lumapit ako "Ang ganda, fireworks, wwooow,"
ang liwanag ng langit, nakakamangha, ang ganda ng iba't ibang kulay,

"Parang durog-durog na rainbow na sinaboy sa langit,"

"Anu yun siiirr??" tanong ni Cassandra na alam kong natutuwa rin sa nakikita.

"Heheh, cute description indeed!" sabi ni Xiang Chio.

"Sir, tomorrow po, maganda dito, may mga dragon at lion dancers," As she speak, she suddenly hold my right hands kasi siya yung nasa right ko.. Cassandra?

"Siirr, lilibot kita dito bukas ha," okay! nginitian ko lang siya, tapos nagulat ako nang hinawakan naman ni Xiang Chio yung left hands ko.. ngumiti rin siya sakin.

"I wanna join, Sir" sabi ni Xiang Chio, tapos biglang...

"WWWOOOOOOHHHHH!!" Isang ending ng Fireworks, ang liwanag ng kalangitan. kaming tatlo, nakataas ang kamay, magkakahawak kamay, nasa gitna ako...

sabay-sabay kami, "KUNG HEI FAT SAI!!!"

"WWWWWWWWWOOOOOOOOOOOOOOWWWWWW, HAAAPPY NEW YEAR!!!!"

"KUNG FFFUUU PAAANDAAA TWOOO" sigaw ko naman, tapos nagkatinginan kaming tatlo, sabay nagtawanan...


"KUNG HEI FAT CHOI!!!"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...