Nobela2 | The Hitler Girl I Know
36. There's always a Thunder when there's a rain
Wala siyang payong kaya't basang basa na si Mikko, ang kanyang katawan, ang kanyang mukha. Nagmamadaling tumatakbo sa gitna ng kalsada habang umuulan. Hindi pala ulan ang dumadaloy sa kanyang mata -luha iyon -ulan na nanggagaling sa kanyang puso na nananabik sa kanyang mag-ina.
Nasa harap na siya ng hospital pero may tatlong pulis na biglang humarang sa kanya at siya ay nilapitan,
"Teka Sir, papasukin niyo po ako, ahh nasa loob pong mag-ina ko, kapapanganak lang po ng asawa ko," paliwanag niya sa pulis na humarang sa kanya.
"Saglit lang, kailangan mo munang sumama samin,"
"ako po?? ba -bakit po ba? anong ginawa ko? baka nagkakamali lang po kayo, teka-" ang awat niya sa pulis na naroong kinakapkapan na siya.
"you are the professor of my Cassandra!" mula sa likod ay nagsalita ang isang matandang babae,
Nagulat siya nang makita ang matanda -si Granny -ang lola ni Case. Naalala niya, doon sa Binondo -noong Chinese New Year, si Granny iyon.
Nahinto si Mikko sa kakapalag, "you are bullshit! you molested my grand daughter,"
"how dare you mister, please arrest him now!"
"T-teka lang po, Granny hindi ko po minolestiya ang apo niya, nagkakamali po kayo,"
"ma-mahal ko po si Cassandra. nagmamahalan po kami," hawak-hawak na siya ng pulis, "mahal ko pong apo niyo," pilit pinupusasan ang kanyang kamay.
"teka lang! bitiwan niyo nga muna ko!" pakiusap niya sa pulis!
"please Granny, hayaan niyo na pong makita ko si Cassandra at ang anak ko,"
"NO!! wala kang anak sa apo ko! Kailanman hindi ka niya kikilalanin, and she doesn't deserves a bastard man like you! a rapist?! SIGE NA, ARREST THAT MAN!"
"Teka -hindi niyo ko pwedeng arrestuhin ano ba!" papalag palag siya sa mga pulis.
"Sorry Sir Salvador, Here's the warrant of arrest, nag-file ng complain si Mrs. Milinda and you are acussing rape -"
"Sir hindi po totoo yan, hindi ko po yan magagawa,"
"sir sumama ka na muna samin," pilit nilang pinuposasan ang lalaki,ngunit pumapalag ito,
"Teka lang hindi totoo 'to, Granny parang awa niyo na wag niyong gawin to sakin,"
"Mr. Salvador maayos ka nang sumama sa kanila, wala ka na ba talagang kahihiyan??" ang payo ng matandang babae at saka agad tumalikod.
pinusasan na ang isa niyang kamay, "Granny -teka -Granny maawa kayo -" nasa isip niya kung paano na ang kanyang anak at si Cassandra, pag nakulong siya ay mas lalong hindi na niya makikita ang mga ito.
Bigla na lang ang pagpalag niya, "AAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYY!" sigaw ng matanda nang binigwasan ng lalaki ang isang pulis na pilit pumuposas sa kanya,
"TABI-TABI!!" Kung ayaw mong madamay,
Nakatutok ang baril, papalit-palit sa pulis ,sa matanda, sa pulis, sa matanda sa mga nagtatangkang lalapit.
"Mr. Salvador hindi makakatulong ang ginagawa mo, ibaba mo na yang baril,"
"TABI... TUMABI KAYO SABI E, wala akong masamang gagawin," napipe bigla ang matanda dahil sa kanya na nakatutok ang baril
"Granny, ginagalang ko po kayo, mahal ko si Case, ang mag-ina ko," umiiyak ang may hawak ng baril, hindi naman makagalaw ang mga pulis dahil sa pangambang baka biglang iputok ang hawak na baril.
"WAG KAYONG SUSUNOD!! MAGPAPAPUTOK AKO," papasok si Miko sa loob ng hospital,
"AAAAAYYYY!!" at nagtitilian naman ang makakapansin sa kanya, mabilis ang kanyang kilos, naghahanap ng kung ano.
Wala nang sumusunod sa paligid nang napahinto siya dahil sa nakita sa harap ng salaming bintana,
Nursery room, maraming mga sanggol, nasaan na ang kanyang anak? parang magkakamukha ang mga baby, "asan nang baby ko," binasa niyang mga pangalan, napahinto siya sa isang sanggol na mahimbing ang tulog, Cherryline M. Ang sanggol malago ang buhok nito. Napahagulgol ng iyak si Mikko, halos nakadikit na ang mukha niya sa salamin,
"k-kamukha niyang mama niya,
buti na lang malusog ka, Cherryline.. iyan bang pangalang binigay sayo ng mama mo.
Anak ko n-narito na si daddy-narito na ang daddy,"
Dininig ng Diyos ang panalangin ko,
Nananabik siyang mayakap ang kanyang anak ngunit nagulat siya nang may gumapos sa kanyang bisig, wala na sa kanya ang baril, "DAPA!! DAPA SABE E!" utos ng pulis.
"sa-saglit lang, ang anak ko. gusto ko lang sanang mayakap ang anak ko,"
Tuluyang naposasan ang kanyang kamay, "Bigyan niyo lang ako ng ilang minuto, please... gusto ko lang makitang mag-ina ko,"
"kaladkarin niyo na yan," utos naman ng matandang babae mula sa likuran, pinilit niyang makalapit sa matandan babae, nakayukod sa paa nito, "Granny parang awa niyo na, payagan niyo nang makita ang mag-ina ko, ang anak ko,"
"GET OFF!! YOU BASTARD! Do you want to hear the truth?
okay, listen... patay ang sanggol nang ipinanganak ni Cassandra,"
"Hindi nabuhay ang bata, at alam mo kung bakit?"
"Dahil sayo yun! DAHIL WALA KANG KWENTANG LALAKI,"
"Hindi po totoo yan, Granny," pagmamakaawa ni Mikko,
"Na-cesarian ang apo ko at hindi yun maganda sa taong kakaopera lang,
You dont know about that?! DO YOU?!
Hindi mo alam yun! because you choose to escaped from the consequences that you have made,
and the first place, you left my grand daughter, umalis ka nang bansa, dahil hindi mo kayang panindigan ang apo ko,"
"Granny, mahal na mahal ko ang apo niyo, maniwala kayo,"
"well, mabuti na ring umalis ka dahil napatunayan ko lang na hindi ka karapat-dapat para sa apo ko, kailanman hindi ako makakapayag na magpakasal ang apo ko sa isang hampaslupa, and a gold digger one, tsk!"
"Dalhin niyo na yan!" wala nang magawa ang lalaki at binitbit na nga siya ng mga pulis, "hindi totoo yun, buhay ang anak ko," buhay ang anak ko, paulit ulit niyang sinabi sa sarili, tulala siya at walang patid ang luha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento