Nobela2 | The Hitler Girl I Know
EPILOGUE:
Ilang taon ang lumipas, mainit ang buwan ng mayo, mainit ang sitwasyon dahil sa eleksyon na naman. Maingay ang lansangan, ngunit tahimik ang sementeryo nang mga oras na yun, "salamat sa binigay mong puso sakin, promise iingatan ko ito, aalagaan ko ang puso mo,
alam mo kahit na nagu-guilty ako sa ginawa ko sayo noon, hindi ko naman alam na may sakit ka noon, kung sinabi mo lang... well, hindi ko na maibabalik e.
alam mo, nagpapasalamat din ako kasi nangyari yun... wag ka sanang magagalit pero, alam mo ba Cherryl kung hindi ko yun ginawa, hindi ko makakasama ngayon si Mikko. Pasensya na kung hindi ko magagawa yung sinabi mo sakin noon. Sabi mo mahalin ko siya -para sayo, Cherryl, ayokong mahalin si Mikko nang dahil sa hiling mo... kasi mamahalin ko siya, dahil iyon ang gusto ko. Wag kang mag-alala puso mo naman ito di ba, e di sabay na lang nating mahalin si Mikko at-" mula sa likod patakbong palapit ang isang bata kasunod ang isang lalaki.
"mommy! mommy, "
huminto ang bata sa puntod gaya ng kanyang ina, at tumahimik, "si tita Cherryl ba nasa heaven na?"
tanong ng kanyang anak si -Maria Cherryline M. Salvador, "ou naman, kasi mabait ang tita Cherryl mo, kapiling niya na si Lord ngayon," kinarga niya ang anak.
"PAPAAAA," tumakbo ang makulit na bata at sinalubong ang papalapit na ama,
"Bakit po may bulaklak kayo? aanuhin po yan ni tita Cherryl," matanong ang kanyang anak, imbis na sumagot si Mr. Salvador ay ibinigay nito sa bata ang dalang bulaklak.
"ikaw maglagay, regalo natin yan sa tita Cherryl mo -kasi birthday niya ngayon, " sumunod naman ang bata.
"tita Cheryl, salamat po nang marami, ikaw daw po ang nagbigay ng puso ni Mama, kaya salamat, ito po flowers, happy birthday po,"
Nag-alay sila ng panalangin, hawak-hawak ni Mikko ang kamay ng asawa niya at karga naman ni Case ang kanilang anak. Tumalikod na sila sa puntod at nag-umpisang maglakad para harapin ang bagong kabanata ng buhay.
THE HITLER GIRL I KNOW
by Donfelimonposerio (alias)
cuison.reymond@gmail.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento