SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

41. REUNION: OF THE ONION'S STRINGS

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

41. Reunion: of the onion's strings



"Nanay bakit ka umiiyak po?" tanong ng kanyang anak na si Nina, ang mag-inang katulong sa mansyon ng mga Malaya.


"Kasi e -yung ano -itong sibuyas e nakakaiyak -naku anak -wag ka na ngang magtanong, bilisan mo na lang diyan parating nang mga bisita,"


"talaga po bang maraming bibisita, para sa kasalan po ba yun? Ang anak ni Mam Cassandra?"


"hindi ko alam basta gawin mo na nga lang pinagagawa ko, tsismosa masyado e, oh ito dalhin mo ito doon, tapos bumalik ka agad," binigyan siya ng tray ng ina papunta siya sa pinagdadausan ng isang pagtitipon. Mabagal ang lakad ni Nina, nangangarap habang naglalakad, sa isip niya,


"Magkakaroon din ako ng ganito kalaking bahay, tandaan niyo yan, babangon ako-"

"at dudurugin kita," muntik nang malaglag ni Nina ang hawak na tray nang magsalita si Mr. Scooth,

"Ay sir, s-sorry po," muntik niya nang mahulog ang hawak niyang tray.

"pahingi ng isang baso ha, alam mo Nina, hindi imposible ang pangarap -kung magsusumikap ka lang at syempre kapag nakahanap ka ng opportunidad,"

"Sir? e, katulong lang po ako," tiningnan ni Mr. Scooth ang dalaga at nginitian

"Have a self-esteem hija, alam mo bang dati, nasa lansangan lang ako, namamalimos, napasok sa ampunan at maswerteng inampun ng mga Malaya,"


"Mahirap patunayan ang sarili ko sa mag-asawang umampon sakin,
pero pinatunayan kong magagawa ko,"

"Mr. Scooth, bakit niyo po sinasabi sakin ito," tumawa ang matandang lalaki, at kinuha ang tray sa dalagang katulong,


"akin na po yan sir," kinuha niya ang tray sa kanyang amo, pero binawi agad ito ng matanda.

"No! magbihis ka ngayon at lumabas doon, makihalubilo ka samin,"

hindi makapaniwala si Nina? Makikihalubilo siya sa kanyang mga amo? "pero si nanay po,"

baka magalit ang nanay niya kung hindi siya tutulong sa pag-aasikaso sa mga bisita, "ako nang bahala kay Nani,"

though marami pa namang katulong maliban sa kanila, "pero po,"


"Tsk! wala nang pero-pero, sinabi ko na kay Nani, nasa kwarto mo yung damit, gusto kong makita kung kasya sayo yung binili ko,"


"Sir. Scooth, sabihin mo yung totoo, ikaw ba ang tunay kong tatay? ma-may lihim kayong relasyon ni Nani at - Ouch!" aambahan pa lang sana ito ni Mr. Scooth pero umaray na agad ito.


"Baliw kang bata ka, hindi ako tatay mo no!
Pero- alam ko kasing birthday mo bukas di ba?" ngumiti si Mr. Scooth,

"Halaa! paano niyo po nalaman s-stalker ko po kayo?" tugon ng dalaga, at umamba ng pagbatok si Mr. Scooth,

"Ayt! baliw kang bata ka, anong stalker, anak nang turing ko sayo no! at nakapangako ako kay Nani,"


"Teka anong kurso bang gusto mong kuhain sa college?"


"pag-aaralin niyo po ako?" isang malaking sorpresa ito sa dalaga, graduate na siya ng highschool at hindi na naipagpatuloy sa kolehiyo dahil sa kawalan ng pinansyal,

"ayaw mo?" sarkastikong tanong nito.


"gusto po-" agad niyang bawi sa matanda.

"pag-aaralin kita, kahit anong kursong gusto mo,"

"criminology po ang gusto ko," napasingkit ng mata si Mr. Scooth dahil hindi naman talaga siya singkit,


"gusto ko pong magpulis, yun pong nasira kong ama, pulis po yun," nalungkot ang mukha ng dalaga,

"gusto ko pong mag-aral ng criminology, maging tulad ni Tatay,"

"b-bahala ka, kahit mukhang di bagay sayo ang maging pulis. Maganda kang bata,"

"At magiging maganda po akong pulis," at nagsalute ang dalaga, "Mr. Scooth reporting for duty Sir!"


"akin na po ulit yan, dadalhin ko po muna sa labas, tapos magbibihis na po ako, Sir!" kinuha ng dalaga ang tray at umalis na, naiwan namang napapailing si Mr. Scooth, masarap sa pandinig ang love song angels brought me here ang background song, puno ng ilaw ang paligid at masaya ang lahat sa magarbong handaan,

"OWW!! TSS! WHAT the hell are you.. ang coat ko," nabunggo ng naglalakad na nangangarap na dalagang katulong, itong si Zheng Zheng na isa sa miyembro ng bandang Zhenzous,


"naku! ikaw-" napatingin siya sa babaeng katulong na napapikit na lang nang pag-amba niya dito, "N-Nina? anong ginagawa mo dito?"

napadilat ang dalaga at napatingin sa nabunggo, "Ikaw?! tsk! anong ginagawa ko dito? wala ka nang pakialam dun! e ikaw anong ginagawa mo dito aber?!"

"wala ka na ring pakialam dun," sagot naman ni Zheng

"Tsk! haharang-harang ka sa daan, TABI NGA!!" napataas nang kilay ang dalaga at sabay alis.

Napakamot naman itong si Zheng Zheng, habang bumabalik sa mga kasamahan sa banda,


"o, Zheng anong nangyari diyan sa coat mo?" tanong ni Yong Jing na vocalist ng kanilang banda,

"e, yung misteryosang panget, nakita ko dito e,"


"Misteryosang panget? sino naman yun?" tanong ni Xhiang Chio, nakaabang naman sa isasagot ang iba pang mga kasamahan sa kanilang banda.

Nagsalita naman ang babaeng lumapit sa kanila, "Si Nina yun, maid namin dito,"

"ate kristina, kuya kelvin," inabutan nila ng baso ang dalawang kararating lang,

"naku Zheng ha, crush mo yung maid nila," tanong ni Kelvin, biglang namula naman ang mukha ni Zheng at parang biglang nataranta

"hi-hindi noh! tsk! may taste ako noh!"


"taste ba? e kahit nga sino e pinapatulan mo !" pambubuko naman ni Xhiang, tawanan naman ang mga kabanda nila, ang dalawa at ang kakalapit lang,


"Ate Cassandra, kuya Mikko,” bati ni Xhiang sa kadarating lang, “ui ikaw Intoy!" at lumapit naman ang batang si Intoy sa kanila, humingi ng gaya sa iniinom nilang alak,

"Intoy bawal sayo ito," agad na tutol ni Nurse Jessica, na kararating lang din, mga ilang minuto nang dumating sila Tatang, Jenny at dayang (kapatid ni Mikko) at si Nurse Jessica.

"At-ate Jessica, gus- to ko po rin,"

"okay sige ito -ito, juice lang muna sayo kasi pang ate at kuya lang ang redwine!" ang sabi ng Nurse sa batang si Intoy.

Napahinto naman ang lahat nang magsalita si Granny, she announcing about the engagement ceremony of her two grand daughter. "ui! bawal sa feng shui yun ah?" tanong ni Zheng Zheng kay Xhiang,

"Katoliko kasi kami, pero yung sukob?? tsk! Oldies na yun! parang ikaw oldies!" napakamot lang ng ulo si Zheng. Biglang lumapit naman si tatang kay Granny at may ibinulong, napatingin sila sa nag-uusap na dalawang matanda,

"uy! sila tatang at Granny ba ang ikakasal?" pasigaw na sabi ni Xhiang Chio, halata naman ang biglang pagba-blush ni Granny,

"wow GRAND wedding po ba ito? Granny at Tatang, humahabol sa romance," at tawanan ang mga naroon, lahat sila dahil sa pa-PBB Teens ng dalawang matanda -maliban ata kay Kelvin na biglang nawala at di malaman ni Kristina kung saan nagpunta.




***

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...