Nobela2 | The Hitler Girl I Know
25. Dance with the rhythm my valentine
[Mikko Salvadors point of view]
2 days na hindi pumasok si Cassandra, ayus! Anong meron? Hindi ako makapag concentrate sa lecture ko, nakikita ko ang bakanteng upuan, tatawagin ko ang pangalan ni Cassandra, "Sir, absent nga po," at oo nga -absent yung makulit na yun.
"buti naman, absent yun," hirit ko sa klase para di mapahiya.
"ui, Sir nahahalata kayo, namimiss niyo po si Cassandra no?" loko itong mga estudyante ko ah.
"Likewise, namiss ko kasi ang katahimikan sa klase natin, diba? kaya sulitin natin ang pagkakataong wala siya -magiging maayus ang talakayan natin," at nagtawanan ang klase sa palusot ko, buti na lang nakalusot.
Natapos ang mga klase ko. 2 meetings na absent si Cassandra e anong meron? Ayun, speaking of, naglalakad ako ng corridor at papunta na ng faculty room na siya namang paglabas nina Cassandra at ang kanyang ate si kristina.
"Sir, miko Sir," kunyari hindi ko sila nakita at lumingon-lingon ako, kunwaring hinahanap ko kung sino ang tumatawag sakin. Lumapit sila.
"ah, sir.. Pasensya na po at di ako nakapasok po, kinausap po kasi namin si sir. Dan sa P.E subject po, sinamahan ako ni ate," paliwanag ni Cassandra.
"hello sir," sumagot ako ng ngiti kay Kristina,
"kala ko kung sinong artista e, hehe anyway regarding to what??" tanong ko.
"ahhmn, about my health condition sir, bawal kasi akong mapagod e,"
"Health condition?" palusot pa, baka nahihiya lang ito sa new look niya. At grabeng dahilan ah, bawal na sa mga tamad ang P.E? Nakakapagod yun?
"sir, kagagaling ko lang po sa sakit e,"
"wow ha! Tinatamaan ka pala ng sakit Case, magandang balita tao ka rin pala," biro ko,
"seer naman eh!!"
Tumawa lang si Kristina, "biro lang,” bawi ko, “so paano pauwi na ba kayo niyan?"
"hindi pa po sir, punta pa po kaming Sm fairview e, o kaya Rustan's e bibili kaming damit para bukas e," hala, hindi ko alam na may event pala bukas, nakalimutan ko na sa dami ng aking iniisip e,
"Sir, di ba po, college valentines night? E naka-gown po kasi dapat e,"
"hehe, bukas na nga yun, kala ko ayaw mo sa mga ganun??
Tsaka magga-gown ka? Hehe," tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, anong hitsura kaya nito pag nag-gown.
"bakit? Bawal ba kong mag-gown?" tinaasan lang niya ko ng kilay,
"pwede naman, kung may babagay sayong gown,"
"ansama mo sir, bagay naman Sir ah, hmmpf. Sige hindi na nga po ako pupunta," lumukot bigla yung mukha ni Case, nagpipigil lang ng tawa si Kristina. Baka biglang umusok ang ilong ni Case, hehe
"biro lang," bawi ko
Bumulong ako sa ate ni Kristina pero pinarinig ko rin sa kanya, "ate Kristine pilian niyo po yan ng maganda-gandang gown ha, baka po magtagal po kayo kahahanap, dumeretso na po kayo agad sa children’s garments marami po d- awwwww," ansakit mangurot ng isang ito, "grabe lang sir ha, trash talk ka na naman?!"
"hehe, sir sama ka na po samin, pauwi ka na po ata e," aya sakin ni Kristina,
a "e," pauwi na ko pero bad ideya yun
"Next time na lang, e till 5pm pa ko e,"
"sir, 5 na po e," tumingin ako sa relos ko, maling palusot. E wala akong ganoong pera e, mamya mapasubo na magpalibre 'to, mahirap na walang bala.
"teka magku-commute ba kayo?"
"sir kasama namin si Kelvin, pagda-drive niya po tayo," sagot ni Kristina. Kelvin na naman?! Tsk! May bagong sideline na pala yung lokong yun, new driver ha? Sino kayang pinupormahan nun sa dalawa na 'to?
"wow ha! May bago na kayong driver?? Hehe,"
"e, fiancée po siya ni case," singit ni kristina. Loading ang utak ko? Ano ba pag sinabing fiancée?? ikakasal na si Cassandra? At si pareng Kelvin? Totoo ba yun?
"a-ate, hindi ko yun papakasalan noh!!" papakasalan ni Case? Fiancée? Future husband?? Silang dalawa means engaged na?
"sir?? Hoy sirr?? Dapat natutulala? Grabeng reaction ha,"
"hehe, bagay naman kayo nun e, ahh, sige mauna na kayo kasi I forgot, may faculty meeting pa pala kami," pagkasabi ko nun, pumasok na kong faculty room,
"sige sir, bye," Gusto ko sanang sumama, bonding din yun with them, kaya lang e, nabigla lang ako sa engaged thingy? Aray ko naman!
Totoo ba yun? Engaged na sila ni pareng Kelvin?
Isa-isang nagfa-flash back sa isip ko yung mga bagay na yun:
"Women hen gaoxìng ni zài zhèli, Nimen dou yaoqing women liang gè sunzi, our Cassandra, and kevin Than," announcement ni Granny, na hindi ko alam kung ano ba yung nangyayari. Ano bang sinabi? ginamit ko yung Google translation device, " you'll all invited at their wedding" ang lumabas sa pagsasalin. Sinong ikakasal?
(Waaahhh!! tama ngang hinala ko, silang dalawa ang ikakasal?? E bakit ganun? Fixed marriage? e, yung nangyari samin?? Wala lang para sa batang yun,)
"I LOVE YOU SIR," sounds creep, what does it means anyway? I really don't know... but see, it's like a command word. He off the lights, then walk forward while undressing himself.
Then we kiss, this time, more desperate, being honest, without hesitation,
willing to give, and take... oh but so amateur, she help me to
unbutton her dress, and the strap..
i realize were totally uncovered, revealed our nudity, we only have undies, she feel bluss, ang awkward ng feeling na there's someone na nakatingin sa katawan mo. nakakahiya.
But still we do it!!
Walang 'yang batang yun ah, ambobo mu sir Mikko, antanga mo rin no!! Tsk! Kailangan kong malaman ang totoo, i really need to know the truth.
Pero paano? Tatawagan ko siya? Tatanungin ko kung totoo yun?? Tapos tatanungin niya ko kung bakit ko ba tinatanong? Kasi nagseselos ako? Hay!
***
Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay, naglalaro sa isip ko kung totoo bang engaged na siya kay pareng Kelvin, ahhh.
Kelangan ko siyang tawagan. Phone book, search, my Hitler girl, option, call??
Sige na nga. Dialling... nag-ring. Sinagot.
Ako: hello?
My hitler girl: o problema sir?
Ako: w-wala naman, kamusta nakabili na kayo ng damit?
My hitler girl: opo, hehe, tomorrow night naku kakainin mo sir yung sinabi mo! Walang babagay pala ha?!
Ako: hehe, joke nga lang kasi yun, maganda ka naman, lahat ng damit babagay sayo,
My hitler girl: talaga sir? Hehe
Ako: hindi joke lang.
My hitler girl: bwiset ka sir!!
Ako : (...)
My hitler girl: matulog ka na nga sir, wala kang kwenta kausap.
Ako: hehe, sinong kadate mu?? Sinong escort mo?
My hitler girl: wala nga sir e, takot sakin mga klasmeyt kong boys ewan ko ba! Hehe, kasi kapag niyaya nila ko isang sampal muna.
Ako: ambrutal mo talaga, e di isama mo na lang yung fiancée mo...
matagal bago siya nakasagot sa linya, awkward, dapat hindi ko na isiningit yun! Pero ito ang dahilan kung bakit ako tumawag,
My hitler girl: anu na naman yang issue na yan sir??
Ako: issue ba yun? So tinatago niyo pala? Hindi pa pala pwedeng i-announce??
Hehe, sa kasal niyo invite mo ko ha.
My hitler girl: e gusto ko nang matahimik na buhay!
Tsk! Andrama drama nyo po kapag nagseselos kayo, naku!
Pero sir ikaw po gusto ko, totoo po yun,
Ako: hindi nga tayo pwede noh, bagay naman kayo nun e, kaya bukas siya isama mo!
My hitler girl: e, ayaw ko nga po, hindi na nga lang ako pupunta e, wala naman akong escort. Tsaka di naman ako party people talaga e.
Ako: punta ka!! Ako na lang escort mo, pwede naman daw yun e,
My hitler girl: talaga sir? Sige po ha, ikaw escort ko,
(toot.toot)
Ako: Case, Case??
Hulala, naputol. Dinial ko ulit, you are not longer register sa 10 minutes call, promo crap! Hehe.
Haixt! Matulog nang mahimbing Cassy!! Bukas akong escort mo! Feb 14, araw ng mga puso bukas, wala naman akong official na ka-date. Wala na naman si... Toot. Toot!! Bawal nga palang banggitin ang name nun. Sino kayang ka-date ni toot.toot bukas, i admit -may konti paring pagmamahal para sa kanya dito sa puso ko (konti nga ba? Ewan!)- almost 2 officially valentines date din ang pinagsamahan namin. Bukas may ka-date na ako, naka-recover na ko sa palagay ko. ?? Handa na siguro akong magmahal ulit?? Anu ba 'to, isang buwan palang ha, hindi kaya masyadong mabilis kong nakalimutan si Cherryl? Pero di ko pa naman siya nakakalimutan e, at wala akong balak na kalimutan si Cherryl. Bahagi siya ng ilang chapter ng buhay ko. Hangga't on-going pa ang story ng buhay ko, mananatili siya sa puso ko.. Si Cassandra?? Bahala na si bathalumang ek-ek!! Goodnight
***
"the night are so cold but look at them my partner, we filled with the hottest girls here, hello freshmen girls there, with their glamorous gown wa-wow," Nagsimula na ang emcee.
"and hottest gentlemen here tonight, good evening to everyone, to our CEO, of St. Something group of companies, to the chairman of the board, the all employees -the ACADS and NON-ACADS to all the students here, please enjoy the nights"
Nasa faculty table ako, separate table ang higher officials, pati yung para sa mga estudyante, kanina ko pa hinahanap si Cassandra, ano kayang hitsura nun, hehe haixt! Nagsisimula na e wala parin.
"partner, may sinabi ka kanina e, may naaamoy ka na kakaiba?"
"yah, yah, is it the delicious food that serves to us by our st. Louies Catering services, " hehe, nangangamoy gutom na nga rin ako e, sana kumain na agad,
"of course, thanks for the food anyway, but partner there's something else that i smell, that aroma lingers in my nose,"
"wow ha, aroma, what is it partner?"
"i smell -LOVE," at ayun, ingay ng mga kinikilig na hampaslupa, lalo na ang mga estudyanteng kon todo pustura, nakasuot ng mga magagarang kasuotan, formal attire, girls with gown, and boys with coat and tie, biglang transformation ng mga estudyante ko, pero ang kanina ko pa hinahanap e di ko parin makita.
Kanina ko pa tine-text, wala paring reply.
"partner is it because, valentines kasi ngayon,"
"ou nga, batiin natin sila partner, maligayang araw ng mga puso, sayo partner, mukhang ikaw kagagaling mo lang sa date ha,"
"of course ako pa, binata na ko e, ka-date ko mama ko kanina e," tawanan ang mga tao, oo nga pala tandem nila nicole yhala at Kris tsuper ang guest emcee namin, alam ko announcer sila sa Radyo, sa fm. Ang yaman namin no? Hehe, masarap sanang makinig kaya lang tumayo na ako kasi kanina pa nagsisimula ang party e hanggang ngayon wala pa si Cassandra. Nasan na kaya yung batang yun, tawagan ko na lang kaya.
Dina-dial yung number niya, my hitler girl, call... Tsk. Ibang babae ang sumasagot -sabi, the number that you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try call later. Ahehe, tsk! Bakit walang sumasagot. Patay ang phone? Low bat? Busy? Trinay ko ng ilang ulit, 5 times pa. At ayun -ayoko na!
Aatend ba yun o hindi?? Kagabi ang usapan namin, ako ang magiging escort niya. Pinagpaalam ko naman yun, may mga estudyante na walang kapartner, puwedeng maging eskorte nila ay sinumang available faculty.
Baka nakapatay ang phone ni Case, nag-usap naman kami kagabi e, aatend siya sabi niya.
Ida-dial ko na sana number ni kristina baka kasi alam niya kung nasaan si Case, nang sakto, tumatawag siya. Alangan pa kong sumagot kasi first time kong makakatanggap ng tawag galing kay Kristina.
"sir, emergency po, punta ka po dito sa bahay, ngayon na po," emergency sa bahay nila? Si Cassandra?? Gusto ko sanang itanong,
"wait, anong nangyayari?? Bakit hello? Hello?" kinakabahan ako at putik lang -hindi ko alam kung anong nangyayari.
"sir, tsaka ko na po ipapaliwanag, you really need to hurry,"
"wait as-" may tatanong pa sana ko pero binaba na ni kristina ang phone. Ang naintindihan ko lang sa usapan namin e kailangan kong magmadali. Emergency? Putik ano bang meron, anong nangyayari? Tumayo ako at nagpaalam muna sa ibang co-faculty ko. Nagmadali na kong maglakad palabas ng hall kung saan kanina pang nagsisimula ang program -ang college valentines night.
Sayang itong flowers na ito, 500 plus pa naman ang bili ko nito sa dangwa, tsk! Wala naman pala yung pagbibigyan k-
"ui, sir Mikko, nagmamadali ka ah, uuwi ka na po?"
"ay, mam kristine, e-a-kasi me emergency lang po, nagpaalam na po ako sa ibang faculty, kanina -pasensya na po ah. Mam kristine happy valentines day," tapos binigay ko sa kanya yung bouquet ng bulaklak,
Then authomatically i kiss her cheecks, "h-happy valentines day din. But is it for me sir?? Baka me ibang pagbibigyan ka nito?"
"a-ah, hindi. Wala, para sayo talaga yan," dahilan ko, hindi naman kailangan ni Case ng flower, wala namang sweetbones yun e, mabuti pang para sa iba na lang mapunta. Pero, "pasensya ka na kasi emergency talaga."
"o-okay, ingat ka ha, thanks din sa flowers," si mam kristine, ewan pero napansin kong biglang pagkapula ng mukha niya, magbibigay pa sana ko ng compliment nang "your look elagant sir. Bagay sayong coat mo,"
"hehe, salamat po mam, a-alis na po ako," at di ko na hinintay ang sagot niya, umalis na ko agad.
Takbo. Lakad. Putik! Hindi ko alam kung anong pagmamadali ang gagawin ko, ni hindi ko na napansin ata yung suot ni mam, kristine... Yung suot niya, ang ganda niya sa damit niya, ganun pala hitsura niya kapag nag-make-up, ang gandaaaa.
"Sir Mikko, Sir!" pagkalabas na pagkalabas ko ng venue, papara na sana ako ng taxi nang may tumawag sakin na pamilyar ang boses,
"ui, manong Dio," paglingon ko, bakit nandito si manong?? Tsaka halos lumuwa ang mata ko nung nakita ko kung nasaan siya, grabeeeee.
"manong," pagkalapit ko, " asensado na ah, kanino 'to? Wooooow! Ikaw na naka-porsche" ngingiti-ngiti lang si manong.
"tumama ka sa lotto?" inikutan ko yung sports car na dala niya.
"sana nga po sir e tumama na lang ako sa lotto,"
"kasi ni sa hinagap sir di ko naisip na magmamaneho ko nito. Gara po no? Sana nga akin na lang ito... E, hindi po e," nahiya si manong.
Alam kong isang hamak na taxi driver lang si manong, personal driver lang ang trabaho ni manong Dio, at ang magkaroon ng ganito kagarang kotse -wow! Panaginip.
"kanino nga po ito?" pagkatapos kong maikutan yung kotse, tanong ko ulit.
"ah ke sir Kelvin po ito, pinagamit sakin para po ihatid kayo," kay pareng Kelvin 'to?? Sa... Wew,
"sa kanya po ito, grabe po palang yaman nung kelvin na yun manong?"
"sa palagay ko nga po, importer sila ng kotse dito sa Pilipinas,"
"pero mas lamang parin po ang kagwapuhan ko dun no manong?"
"ah sir, tara na po," haixt! Loko 'to si manong, isnabero. Tsk!
pumasok na ko sa kotse, "hehe, Miko, mas mabait ka kaysa dun," pagkasabi ni manong nun, gusto kong maiyak, magsumbong sa tatang ko na laging nagsasabi na anak ang gwapo mo.
"ikaw rin manong -ambait niyo po," pagkasabi ko nito biglang napatingin sakin nang masama si manong. Bwahahahaha.
"hehe, tara na nga po!" at ayun sumakay na ko sa magarang kotse at napa-wow! 3D ang kotse... Astig talaga!
"teka manong e me emergency daw po sa bahay nila Cassandra? Ano po bang nangyari?" nag-aalala talaga ko, yung buses ni ate kristina nang sabihin niyang may emergency at kailangan kong pumunta doon, iba yung kaba na naramdaman ko.
"iho, aalamin pa lang natin, kaya nga kelangan na nating magmadali," di rin alam ni manong? Ini-start ni manong ang makina at wow lang sa tunog, "ang macho nitong kotse manong, pangkarera ah,"
"waaaaaahhhh!" bigla ang pagpapatakbo ni manong ng kotse, parang nagbalik sa pagkabata si manong at iyon, enjoy na enjoy ang pagmamaneho, siguro 15 minutes lang nasa mansyon na kami -este bahay nila Cassandra.
pagkababa ko ng kotse, akala ko nasa mall kami, kasi putik lang na garahe e madaming kotse, nasa ibang mundo na ba ko? Parang mall yung garahe, waaaahh! Behave sir mikko! Bawal ignorante.
"sir miko," paglingon ko nakita kong nakangiti yung ahhmmn? Sailor moon?? Parang highschool uniform sa japan yung suot niya,
"o-opo, ako nga,"
"please come with me, sir" mukha namang mapagkakatiwalaan siya, kaya wala akong magawa kundi sumunod na lang. Nawala na lang kasi bigla si manong e. Nasa isip ko si Cassandra -emergency?? Ano kayang nangyari sa batang yun??
Baka dahil ayaw pumunta sa college night e nagbigti na lang gamit ang cable wire?? o Baka nung nagsuot ng may takong e, nadulas tapos tumama yung 5 inches na takong dun sa leeg niya?? Waaaahhhg! Brutal yun.
"ui, miss -"
"Nina po, maid po ako dito," nakahinto na kami sa isang pinto
"weh maid ka?? Hindi halata ah, hehe," napatingin ako sa kanya, at nakita kong namula ang pisngi niya.
"salamat po," ngumiti lang ako.
"wait, bakit huminto tayo- elevator ba to???" may pinindot siya sa pinto, ignorante masyado?
"sa rooftop po tayo," at napa wooow lang ako, amazing!! Hindi naman ako promdi pero nagmumukha akong ignorante, putik lang! Bahay na may elavator? "astig! Si bill gates ba nakatira dito??"
"huh? May tanong po kayo," bingi ng maid, hehe,
"ang ganda nyo pong maid,"
"s-salamat po, sir. We're here," pagkabukas ng elevator, ayun waaahh! Rooftop? Nakatiles pa rin,
"m-miss," pagkalingon ko, sumara ang elevator. Naiwan na kong mag isang nakatayo, at hindi ako makapaglakad. Asan ang mga tao? Buhay pa ba ako?
"aaaaawww," hindi naman panaginip, masakit parin naman kapag kinukurot ko ang sarili ko. Got to believe in magic by david pomerance yung kanta. Ahhhg
"tssss. Wag kang malikot," nagulat ako nang biglang may tumakip sa mata ko, at blindfold??
"k-kristina, para saan yan?" nakilala ko kasi agad ang boses niya,
"sshhh, wag kang maingay sir, just hold my hand and follow me, okay" putik, andilim, wala akong makita.
"anong wag maingay, pinapunta mo ko dito, pinamadali pa, asan yung emergency??" Narinig kong bumungisngis siya. Pinaglololoko pala ko ng mga ito e,
"sorry sir, forgive me, hehe" sorry, sorry??! Kinabahan ako dun, nag-alala ako, tapos sorry lang? Ako na uto-uto sa inyo.
"sit down sir," huminto kami. Umupo ako at ewan, gusto kong tanggalin yung blind fold, pinaglalaruan ako ng mga ito e.
"sir, bawal tanggalin mamaya na po," sige kayo na nag-eenjoy sa ginagawa niyo hay! Tumahimik ako, mas naging sensitive ang pakiramdam ko, nagpalit ng kanta, marry your daughter by Bryan Mcknight, nakarinig din ako ng footstep na papalapit sa pwesto namin,
"ouchh," narinig ko yung boses ni Cassandra, palagay ko nakablind fold din siya, at ano ito set-up?? Pero bakit ako? Bakit kami?
Hindi ako nakatiis kahit hawak ni Kristina ang dalawang kamay ko, pumiglas ako at tinanggal ang blind fold,
"bad ka sir!" lumatag sakin ang paligid...
"wattaplace!" heaven na ba 'to?
"grabe ka naman sir, heaven talaga?" sagot ni Kristina tabi ko na wala nang nagawa kasi natanggal ko na yung blindfold, at ito naka-gown din siya.
"ano bang meron?" at pagkalingon ko sa harap natulala ako. Kumurap-kurap. Namamalik-mata ba ko? Si Cassandra naka blindfold din -wew! The angel has fallen, bagay na bagay sa kanya yung new look niya na long and black hair -na kahit alam kong extension hair lang yun, bumagay din yung gown niya na pang-miss universe at binibining Pilipinas sa pang formal wear.
"hindi nga heaven 'to, e may devil na parating e,"
"grabe ka sir sa kapatid ko ha," narinig pala ako ni kristina, bulong lang yung sinabi ko e,
"pero admit it, mukhang prinsesa si Cassandra noh? Step-sister ko yan e," tumango lang ako at namumula ata ang mukha ko at biglang kinabahan pero hindi sa kilig ito -bigla na lang akong nakaramdam ng kaba nang makilala ko kung sinong umaalalay sa kanya, yung isang lalaki sa kanan niya -si pareng kelvin yun at yung isa sa kaliwa naman ni Cassandra -waaaaahhh! T-totoo ba 'to? Si- si daddy nila- dadda ni Case - si Mr. Scooth. Hala! Anong meron?
Pagkalapit nila, bigla akong tinawag ni Mr. Scooth, alangan pa kong lumapit pero parang pinandilatan ako ni Mr. Scooth o baka naisip ko lang yun dahil sa anlakas ng kalabog sa dibdib ko. Pagkalapit ko pinahawakan sakin yung kamay ni Cassandra at bumulong sa tenga ko,
"make this night a wonderful night for my daughter," napalunok ako ng laway sa sinabi ni Mr. Scooth.
"dad?? Sino kausap mo?" hindi pala alam ni Cassandra na nandito ako.
"have a dance honey, Cassandra... Sorry that i don't recognize, that your heart beats for someone else," bago magpaalam si Mr. Scooth, binigyan niya ng halik sa noo si Case, at tapos tinapik naman niya ko sa balikat,
Hawak-hawak ko na ang dalawang kamay ni Case, si pareng kelvin isinayaw naman si kristina, at dahil ang ganda ng kanta, isinaway ko na rin si Case. Nagpapakiramdaman lang kami.
"Sir plinano niyo to noh," nakablinfold pa si Cassandra nang nagsalita siya, hehe. Ako pang dinawit dito?
"if i know Case, pinipikot mo ko, you plan all this and a-aaaawww!" kinurot niya yung batok ko, nakayakap na kasi siya sakin at ako naman ay alangan sa una sa paghawak sa bewang niya, ayt!
"ang hilig mong mangurot noh? Tanggalin mo na nga 'yang blindfold mo," na-enjoy ata ang dilim kaya di na tinanggal yung nakatakip sa mata niya,
"wag!! Makikita ko po ang pangit niyong mukha," Grabe naman 'toh, napatingin tuloy ako dun sa dalawa na ang sweet-sweet nila at ayun bungisngis din ang tawa. Haixt!
"hahaha!! Trash talk case?!"
"hehe, joke lang po... Pakit-" ako na lang nagtanggal ng blind fold niya. At ayun, mas nakita kong kabuuan ng kanyang mukha.
"ang ganda mo," nasabi ko na lang.
"joke yan sir?"
"oo," sagot ko, pero ngumiti lang siya sakin -nakatulala parin ako sa kanya.
"thanks for the compliment, ikaw rin po ang gwapo niyo," hihi, nagwapuhan din sakin si Case??
May maganda ring nasabi 'tong babaeng ito, "thanks for the compliment" nahihiya kong sabi.
"joke din yan sir," tapos bigla na lang tumawa yung tatlo at... Nakitawa na rin ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento