SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

10. BONDING -PART 1

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

10. Bonding -part 1

[Miko Salvador's Point of View]

Kinabukasan nun, umuwi na ko. Hindi ko kailangang mag stay nang matagal sa hospital. Pero five days nang in comma si Kristina Malaya -stepsister ni Case. Short for Maria Cassandra Malaya.

"WOORRFFFFFF !!! WOORRRFFFF!!!” kasama ko si Aily ang pusa namin, at yung kumahol? Ako yun, tinuturuan ko lang na kumahol ang pusa ko. Malay ba natin na matuto itong kumahol.

"AAARRRRFFFF!! AAARRRR-" aaarraayy. Masakit parin 'tong kanang braso ko, buti na lang e, kaliwete ako. Nakakahawak parin ako ng kutsara, nakakapaghugas parin ako ng pwet ko kapag dumudumi. Medyo makirot lang talaga minsan kapag nagagalaw.

Pero isang bagay ang gusto kong linawin, hindi ako nangangaliwa. Noong umagang pag-uwi ko, gulat na gulat sila ate, bakit daw may benda ang braso ko, tsaka bakit daw umaga na ko umuwi, nasayang daw ang tinira nilang ulam noong gabing yun. "Ui, salamat po sa concern ha... nag-alala kayo sa ulam" I sarcastically responce to my ate Jenny.

"Kuya anong nangyari ba sayo?" tanong ng bata kong kapatid na nanunuod ng Naruto DVD Collection niya. Umupo ako sa sofa at kinuwento ang lahat lahat, mula umpisa -chapter 1 hanggang chapter 9 ng buhay ko, mula pag-uwi ko sa eskwelahan hanggang pag-uwi kong may benda na sa braso.

"E, baka kasi nahuli ka ni Cherryl na nangangaliwa? Naku Mikko ayusin mo yang buhay mo," pang-aalaska sakin ni ate Jenny. Gusto ko sanang ibato sa kanya yung unan sa sofa pero humarang si Tatang samin,

"Anak, kamusta yung babaeng nadisgrasya mo?" ito rin si Tatang, ako bang may kasalanan? Ako na lagi!! Ako na pumatay kay lapu-lapu, ako na bumaril kay Rizal, ako na lahat!!

"Tatang, ako ang nadisgrasya. Yun yung may kasalanan," gusto ko pa sanang katwiranan yung sa side ko. Pero naalala ko si Case. Bago ako umuwi dun sa hospital, I apologize to their family, specially to her Mom. I also tend to tell the whole story what have happened before that accident... Napaniwala ko naman sila (ata).

1 weak akong on-leave sa St. Something School -though nagte-text na sakin ang mga estudyante ko at some student PM me sa FB account
"sir bakit ka absent?" sa chatbox ko. "Sir Bakit di ka pumasok? Drop ka na!" hay! Miss ko na rin ang mga estudyante ko maliban kay Hitler Girl kong estudyante. Si Case, bakit ko siya mamimiss e, five days ko na rin siyang kasama.


Friday night ngayon, wala siyang pasok bukas, buong magdamag kaming magbabantay sa hospital. Itinext niya ko, magkita daw kami sa "MInistop- malpit s Cpitol Med. Sir, Ingaatt!!! XD" Malapit din pala yun sa paborito kong Simbahan ngayon. Oo nga pala, nagulat din ako nang makita ko ang CP ko sa ilalim ng unan ko. 47 misscall from this no. +63999*******

Ngayon, nasasanay na rin ako sa text niya. "Ayoookkoo nga mag-iingaat!! XD!" send to HITLER GIRL. Yan ang pangalan niya sa CP ko. Hehe, pa-PBB teens lang!! 2 years lang pala ang gap age namin ni Case! 20 years old si Case at ako 22 pa lang. Sabi ko nga, ako ang pinakabatang prof sa St. Something School diba.

Pumara ako ng jeep, pero nang pasakay na ko biglang may humintong taxi tapos kinawayan ako. Wait... nagdalawang isip pa ko kung lalapit, e kasi nga may trauma na ko sa mga Taxi e, lalo na kapag FX Taxi.

Nakilala ko yung mukha niya. Siya yung lalaking matanda sa hospital na kasama ng Mom ni Case, o stepmom ni Case. "Manong.." sumakay ako at binati siya. "Dionicio po, Manong Dio na lang Sir," pagpapakilala niya.

"Huwag niyo po akong tawaging Sir, Ahhh.. Miko na lang po," mabait naman pala 'tong si manong e, teka. kaano-ano kaya nito sila Case?

"Pakibigay na lang pala ito kay Mam kristina, n-naiwan niya kasi ito dito bago siya maaksidente e, hindi niya ata napansin nahulog niya 'to," inaabot ni manong yung pouch na kulay asul. Kay Kristina ang Pouch na 'to. Yung babaeng kasama kong nahulog sa itoktuk ng samibahan.

"Manong kaano-ano niyo po sila Cassandra, sila kristina?" hindi ko pa naaabot yung pouch nalaglag ito ni manong, bigla kasing nataranta sa tanong ko. Masama ba yung tanong ko? Ahhmmnn, namula bigla yung tenga ni manong. Manipis na kasi buhok niya, kaya halatang biglang pamumula ng tenga niya.

"M-malapit po akong driver nila, p-private driver po ako dati nila Manda, nila Mam Manda" pautal-utal yung sagot ni manong, parang may bagay na gumugulo pa sa kanya. Bagay na itinatago, na hindi ko alam. Pinatakbo niya ang makina ng sasakyan.

"Hatid ko na po kayo, sa hospital din po ba kayo?" napansin kong iniba ni manong ang usapan, kung ano man yung tinatago niya. Sa kanya na lang yun! Solohin niya, ayokong mangialam sa buhay nila.

"Ah, manong dyan lang po ako sa Mini-stop, magkikita pa po kami ni Case e," tinext ko na si Cassandra. D2 n aq, asan k n? wg mal8, bgti n lng pg l8.

"Kayo po ba? Kelan po kayo pupunta sa hospital?” Tanong ko bago bumaba ng taxi niya. "Kung kelan po ako makakapunta"

"s-sige po, salamat manong Dio" tinago ko yung pouch na binigay ni Manong sakin, nilagay ko sa bag kong dala. 1 message recieve. HITLER GIRL --> TGAL NYO SIIIIRRRR!!! KNINA P Q D2!!

Hehe, hindi na ko nagreply, pumasok na ko sa Mini-stop, nakaupo siya sa upuan dun. Kumakain ng Footlong burger.

"WAAAHHH!!! Anong kinakain mo? Bakit di ka namimigay!!" bungad na bati ko nang pagkalapit ko sa kanya, hindi ko alam kong kung paanong naging close kami nang ganito, basta ganito na lang kami mag-usap.

"BAWAL PO MANGHINGI!! GUTTOM AKOOO!!!"

hindi pa ko nakakaupo, "TAARRAAA NAAA POOO SSIIIIRR!!!! " , ay!! nagyaya na agad umalis?! Bibili pa ko ng mangangatngat e, para naman hindi boring kung sakaling magpupuyat nga kami sa pagbabantay sa hospital.

"Teka lang, bibili pa ko nang pica-pica. Ano sayo?" kumuha ako nang basket, kinuha ang maisipan. Pumunta ako sa fridge, pumili ng maiinom. Kumuha ako ng dalawang VITAMILK. Soya milk yun, lagi kong binibili kapag napunta akong supermarket

"OH INUMIN MO, MABULUNAN KA SANA"


"Ang sweet niyo naman my sir! TARA NA PO," hindi ko pa nababayaran 'tong hawak kong lumabas na siya. Bastos din na estudyante to! Naku lang talaga!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...