SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bible. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bible. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Oktubre 4, 2020

SORRY FOR LOSING YOUR TRUST

Sorry for losing your trust

(Bible)
                                                   09/15/14                          
Dear JC,

Hindi na ba talaga kita makikita ulit sa krispy Kreme.
Alam ko, sa paulit-ulit kong pagpunta doon, umaasa parin ako, naghihintay parin na muli kang darating, na muli kang magpapakita. Gaya ng dati, mula sa likuran ko, tatakpan mo ang aking mga mata ng iyong kamay at tatanungin mo kung anong pangalan mo. Hindi ako sasagot dahil hindi na kailangan. Kilala kita. Kilalang kilala ko ang boses mo, ang malambot mong kamay. Kilala na kita, kaya natakot ako nang nagkamali ako. Nasaktan kita at alam kong hindi madali sayo ang magpatawad dahil sa dati ka nang nasaktan, pero ngayon naulit lang... inulit ko lang. Kasalanan ko, nagkamali na ko. Alam kong malabo na ang lahat. Sorry.
I feel being sorry for losing your trust. Alam kong nagkamali ako... nang minsang nalito -nabanggit ko ang ibang pangalan nang minsang kasama kita. Hindi ko naisip na maaring kang magselos. Nahihiya ako. Maaaring iniisip mo -kasinungalingan lang ba ang lahat. Ang pangako na ikaw lang, na handa akong maghintay sayo, na ikaw lang ang mamahalin ko, forever.
Ngayon alam ko na ang pangamba mo -hindi natin kontrolado ang sitwasyon, na maaring sa isang iglap mabali ang mga pangako, ang iniingatang katapatan ay mapalitan ng kasinungalingan, ng paglilihim, ng hindi pagiging tapat. Oo, mali ako. Wala palang forever. Sorry. I did, lost your trust. Now I am afraid of losing you. I clearly see your face in everywhere, but now it slowly fading. No! Too late of fixing my eyes. I don't see any hope for your forgiveness. Your trust is like a mirror, once it is broken by someone, the pieces reflects the broken image to those who broke it. And now, it draws a guilt on my veins. Nahihiya ako na sa isang iglap mabago ang pagkakakilala mo sakin.

Ilang oras ang lilipas sa pagkakaupo ko sa Krispy Kreme, tatayo ako at uuwing nagsisisi, uuwing bigo. Ilalagay ang earphone sa tenga ngunit walang tunog. Dahil alam ko, kahit anong lakas ng kanta, mas malakas ang himig ng kalungkutan. It drives me to put my life to its end.
Bukas, may bagong umaga... pero ngayong gabi bubuo ako ng sariling araw, isasara ang daigdig sa iba upang papasukin ang himig na magtatakda ng huling kabanata. Sorry JC, sana mapatawad mo pa ako.


                                                                                                  - Yours,
                                                                                                     Donfelimonposerio

P.S. Siguro isipin mo na lang na di tayo nagkatagpo, o di mo ko nakilala para di mo maisip na sinaktan lang kita. Sana mabura sa isip mo ang nagawa ko, o kaya ay ako mismo. Patawad.   

LOVE IS A KALEIDOSCOPE

LOVE is a Kaleidoscope
By DonfelimonPoserio

(Bible)

Umibig ka na ba??
 Kung oo, mas makakarelate ka dito...
Alam mo ba yung kaliedoscope? (bakit umpisa pa lang andami ko nang tanong? Pati ito tan0ng din! Hehe,)
Kaliedoscope, it's a kind art work, ito yung parang telescope na kapag sumilip ka maraming kulay, iba't iba.
Sabi kasi, maraming kulay daw ang pag-ibig. Depende sa tao kung anong kulay ng pag-ibig para sa kanila, kulay pink? Yellow? Black? Red?


Well, hindi po literal na kulay ang ibig kong sabihin kundi pananaw tungkol sa pag-ibig.
Maraming ibig sabihin ang salitang love iba-iba.
Depende din sa nararamdaman mo o nararanasan mo, we experience it surely, whether is it, puppy love? First love, platonic love? Agape love? First love? Truly in-love? One sided love? True love?...
Napakarami di ba? Ano kaya ang naexperience mo na d’yan? Anyway, sabi nila, cloud nine daw ang pakiramdam kapag umiibig.

Feels like heaven??

Talaga? Ako kasi never ko pang ma-experience ang umibig. Weh? Hindi, joke lang.. Hihi. ( ^_^)v
Yung first love ko, naalala ko tuloy.. Hihi, pero alam ko one-sided love yun e, pero nakakatuwa lang, naalala ko yung laro dati nung tungkol sa ganitong, crush-crush, love-love.. Yung larong flames,
Yung isusulat mo yung name niyo parang equation:

Hal.     REYMOND CUISON    and              BRITNEY SPEARS
Tapos ang gagawin lalagyan ng cross o ika-cancel yung letters na may kapareha sa dalawang pangalan.
  Bibilangin yung letrang na natira, tapos ito-total,

R
eyMOnD CUisON =    5 BriTney sPEARS =     + 7                                         12

Kung ilan total, yun yung bilang na gagawin mo sa bawat letra ng salitang FLAMES.

F
- friendship L- love A- anger M- marriage E- engagement S- sweetheart
Result samin: SWEETHEART.

Nakakatuwa itong game na 'to dati, o hanggang ngayon ata may naglalaro niyan. Di ko nga lang alam kung anong napapalaya naman sa paggawa nun? Para kiligin?
Yung sakin? Hehe, hindi naman kapanipaniwala yung result nun e. kailan pa naging sweet, ang one sided love?
Anyway, Love has different taste: may mapait may maasim, may mapakla , may maalat may matamis.
May iba-iba kasi tayong pananaw pagdating sa love,  bawat isa may iba't ibang point of view sa love.. Parang ganito sa quotes

[normal point of view]
"if you love someone, set her free...
...if she comes back she's yours if she doesn't, she never was..."

[sa point of view ng OPTIMIST]

"if you love someone, set her free...
...But, don't worry, she will comeback."

[sa point of view ng SUSPICIOUS]
"if you love someone, set her free...
...if she ever comeback, ask her why."

[sa point of view ng IMPATIENT PEOPLE]

"if you love someone, set her free...
...if she doesn't comes back within sometimes, forget her."

[point of view ng PATIENT PEOPLE]
"if you love someone, set her free...

...if she doesn't come back, continue to wait
Until she comes back."

[point of view ng PLAYFUL]
"if you love someone, set her free...
...if she comes back and if you love her still,
Set her free again, repeat."

[point of view ng LAWYER]
"if you love someone, set her free...
...clause 1a of paragraph 13a-1 in the second amendment matrimonial freedom act clearly states that..."

[point of view ng BIOLOGIST]
"if you love someone, set her free...

"...she'll evolve."


 See? Iba-iba ang pananaw natin pagdating sa love.  ikaw, ano ang LOVE para sayo?
Love is full of sacrifice? Love is a rosary? Love is blind? Love conquers all Love seeks good and hates bad Etsetera etsera..

Kapag ang tao tinamaan ng love, hahamakin daw ang lahat, gagawin kahit na parang imposible, handang magtiis handang magsakripisyo para lang sa minamahal. If true is their love.
Si Jacob na-love at first sight kay Raquel na anak ni Mr. Laban. Dahil tinamaan si Jacob ng pag-ibig, kinausap niya si Mr. Laban para hingin ang kamay ni Raquel,
"sige pwede mong pakasalan ang anak ko... Pero magtrabaho ka muna sakin ng pitong taon,"
7 years ang nakalipas nG pagtatrabaho para lang sa pag-ibig niya kay Raquel, natapos niya yun.  disperas ng kasalanan, nagkaroon ng kasiyahan. Nalasing si Jacob at nagsiping sila ng mapapangasawa.


 Kaya lang kinabukasan, nagulat na lang si jacob na si Lea, ang katabi niya. Si lea na mas matandang kapatid ni Raquel ang ibinigay sa kanya. Si Raquel ang mahal niya at hindi si Lea.
So, nagalit siya, at tinanong si Mr. Laban, "anduga mo naman, bakit hindi si Raquel ang ibinigay mo sakin?  Pinagtrabahuhan ko sayo ng 7 years si Raquel,"
Sagot ni Mr. Laban, "sa tradisyon namin hindi pwedeng mauna na mag-asawa ang mas bata, si Lea ang panganay, siya muna pakasalan mo,"
"pero sige, mahal mo ba talaga ang anak kong si Raquel?"
"syempre, oo" sagot ni jacob.
" Magtrabaho ka ulit sakin ng 7 years ulit tapos pakasalan mo na si Lea, "


So, 14 years na nagtrabaho si Jacob sa kanyang byenan para sa mahal niya. Antindi di ba? Well, true love kasi ang naramdaman niya para kay Raquel.

Satin ngayon, 1 buwang nanliligaw, mahaba na yon, nawawalan na agad ng pag-asa, humihinto agad e, nagsasawa agad, e kasi hindi naman true love yun madalas,"
Ano ba ang kaya nating gawin kapag nagmamahal tayo?
Kaya ba nating magtiis? Magsacrifice..
Sabi ng karelasyon, “mahihintay mo ba ako? Hanggang makagraduate ako?”
"bakit pa natin hihintayin na makagraduate ka, e pwede naman nating itago ang relasyon natin,"
If true is your love, kaya ba nating maghintay ng tamang oras?
Kapag natuto tayong umibig, tipong "ayaw mo na, pero gusto mo pa.. Ganyan daw katanga ang umiibig," kahit pinagbabawalan, sige parin. Tuloy parin. Kahit may pader sa pagitan niyo, aakyatin yun, para lang sa pag-ibig.


 Iba talaga kapag nainlove ka na,
Parang nasa ilalim ng hipnotismo..
Minsan natatawa ako kapag nakakabasa, at nakakakita ng mga awkward ang tambalan: mayaman na umibig sa labandera; sobrang pangit sa sobrang ganda; gwapo sa bakekang; matangkad sa unano etsetera etsetera.
Bakit nagkakaganun?
Kasi, it's a nature of a man to be attached in their likes. To be so called, in love.

Ether, love or lust..
Men, always to fall in love by EYES..
And women, by their EARS..
Kahinaan ng mga lalaki ang mata.. Men are visually wired and tempted (and pornography are usually design for men)
Women are usually being tempted by their ears.
(madaling mabola gamitan lang ng mga magaganda't mabubulaklak na salita) sabihan ng maganda, kilig to the max agad.


 Kaya nga mas maraming babaeng naloloko dahil ambilis naniniwala sa mga salitang binibitawan sa kanila ng kanilang mga manliligaw. Kaya madalas maligaw. Nailigaw. Naliligaw).
Sa lalaki, we have a superpower like x-ray vision, sa mata ng mga gumagamit ng ganitong powers nakadamit ang babae pero ang nakikita ay kahubaran pati ng kaluluwa.
Lubb dubb. Lubb dugg. Ang bilis ng tibok ng puso, heart beats, hindi natin kontrolado ang tibok ng puso natin.  Pero madalas kapag nagde-decide tayo, mas pinipili natin ang kung anong tinitibok ng puso natin. Heart is so decietful, wala itong kakayahan para mag-isip. Tumitibok lang ito nang mabilis kapag nakakaramdam ka ng kakaiba sa mga crushes natin, sa mga pinapangarap natin.


               So, when deciding about love, dapat magkasama ang mind and heart.

 You always weighing, balancing the situation. Para iwas pagsisisi sa bandang huli. Para hindi mo sisihin ang puso mo na wala naman talagang kasalanan noong mga oras na kailangan mo nang pumili.
Tanga nga ba ang umibig? na kahit masakit ay umiibig parin?
Love is the fulfillment of our emptiness. But don’t fill up your emptiness with the lust that sometimes we call LOVE.


           Love does not harm.

Mahal mo, kaya ka naghihigpit? Mahal mo, kaya bawal siyang makipagkaibigan, magkaroon ng privacy? Mahal mo, kaya lahat na lang pinagseselosan sa kanya at pinaghihinalaan?
Kapag ang pag-ibig, nakakasakit na, nakasasakal na.. Hindi na yun pag-ibig.

Sino nga ba ang tanga?
Yung iniwan? O yung nang-iwan?
Yung nagmahal nang sobra o yung minahal nang sobra pero binalewala lang..
Hindi tanga ang sobrang nagmahal, mas tanga ang taong minahal nang sobra-sobra ay nakuha pang maghanap ng iba.
Kung ikaw naman ang iniwan?
Huwag mong sumbatan ang taong nang-iwan sayo, dahil hindi naman niya utang na loob ang pagmamahal mo. Isipin mo na lang gumawa siya ng paraan para makita mo ang tamang tao para sayo.
Kung gusto mo ng perfect love?


 Put first God in the center, then it follows in the right path!"
Love God, love other's and also love yourself.


 Umibig ka na ba? Siya, ako iniibig ka… 3

TEMPTATION

Temptation

Temptation
by Reymond Cuison
(Bible)
------------

I am struggling with temptation, I know that everyone does. Common naman yun sa tao. Kung hindi ka tao, siguro exempted ka.

Teka, naisip ko pati hayop ata nakakaramdam din ng temptation? Yung lamok? Alam nila kayang nakakaperwisyo sila dahil sa dala nilang dengue o basta ang alam lang nila ay hindi nila kayang labanan ang temptasyon na sumipsip ng dugo ng tao? ; o kahit yung aso, even sa public place basta makakita ng ka-partner, ayun parang magnet na magdidikit. Hindi nila malabanan ang temptasyon kahit na nakakahiya ang ginagawa nila in public, pati mga bata nakikita ang mga ginagawa nila (naalala ko tuloy dati nilagyan ko ng asin na may sili yung bahaging iyon na nagdudugtong sa dalawang aso, at ayun... karipas ang takbo nung lalaking aso, habang kinakaladkad yung babaeng aso, ngayon-ngayon ko lang nare-realize na bad pala yung ginawa ko) pero kasi naman, wala nang hiya-hiya, hindi na mapigilan ang temptasyon ng katawan.

Yung pusa ng kapitbahay naming kawatan, madalas nagnanakaw yun ng ulam sa bahay ng iba pa naming kapit-bahay, parang pinapangalandakan na magnanakaw ang pinanggalingan niyang pamilya, siguro nga pati hayop nakakaramdam ng temptasyon sa katawan, yung alagang baboy ng kapitbahay namin, parang kadire yung kinakain nila na kanin baboy, ang baboy nun! pero wala e, hindi nila kayang labanan ang temptasyon,

Like what we experience.

Yung temptasyon, maya-maya yan nandyan. parang kumakalat na epidemya, parang sakit, na lahat nahahawa. Lahat striving to survive. lahat humaharap sa temptation. sabi nga, abnormal ka kapag di ka nakakaranas ng temptasyon, na matukso ng kung ano man kasi normal yun. In the first place, hindi mo naman kasalanan na may magtukso sayo o may mag-temp sayo, ang kasalanan ay kapag bumigay ka! kapag nagpadala ka sa temptasyon, yung tipong naudyukan ka, natukso ka at hindi mo na napigilan sarili mo kaya ginawa mo.

Wait, hindi lang naman ito tungkol sa sexual thing e, yung tukso kasi o temptation ay nasa iba't ibang anyo. I mean, maraming ibang uri ng temptasyon.

Halimbawa, you are tempted to take revenge, yung tipong sinaktan ka ng tao, pero pinipigilan mo lang gumanti pero dahil may nag-uudyok sayo na gumanti e ginantihan mo (naapakan yung paa mo, ayaw mo na lang sanang kumibo pero yung nakaapak e nang-irap pa, tapos sabihan ka pang "haharang-harang ka kasi e", nung narinig mo yun... kahit na gusto mong pigilan sarili mo na wag na lang siyang pansinin, pero inudyukan ka ng ego mo at ng damdamin mong nasaktan, kaya nakipagsigawan ka sa nakaapak sayo, at sinapak mo siya);

Naalala ko, para manalo ang team sa basketball nung liga, I was tempted na patirin ang kalabang ace player na binabantayan ko, ayun... sumudsod sa floor ang mukha, dugo ang labi, kaya pinagpahinga, humingi ako ng tawad at pinaniwala silang hindi ko yun sadya, nawala ang ace player ng kalaban, kaya nanalo kami. Hindi ko mapigilan ang temptasyon na maging mayabang, inuudyukan ako ng sarili ko na itago na lang ang pagiging cute ... pero I failed, naipagyayabang ko parin (hehe! joke lang ang isang ito) meron namang hindi mapigil ang inggit at selos, you are tempted to feel that envy and jealousy - kahit na pinangako mo sa gf/bf mo na hindi ka na magseselos kahit anong mangyari kasi nga mahal na mahal mo siya, pero tuwing nakikita mong may kausap siyang iba, e naiinis ka, pinagseselosan mo lahat ng mapalapit sa gf/bf mo -ang ending? ayun, nagtatalo ulit kayo. Paulit-ulit na pagtatalo!

We are tempted to be impatient. Kahit na ilang new years resolution mo na ang pinangako mo na sana'y magkaroon ka ng mahabang pasensya ay hindi parin nangyayari, mainitin parin ulo mo, tinatanong ka lang e nakasigaw ka kaagad. Minsan kahit na gusto mong wag na lang magsalita -but there are always something tempted you to get angry, then next you are tempted to be violent.

Ate ko, di mapigilan ang pagkain, kahit na lagi niyang sinasabing nagda-diet siya: kakain ng konti sa gabi, sandamukal naman ang kakainin sa umaga. Ayun, naimpatso tuloy, sumakit ang tiyan, nagka-ulcer. Ako, kahit ilang beses ko nang plinano na mag-ipon, di parin matuloy-tuloy, laging napupunta sa tindahan ang perang binabalak kong ipunin. There are these temptation in our sorroundings. Temptation to spread gossips, yung di mo mapigilang ikwento ang buhay ng ibang tao, na kung minsan ay di maiwasang dagdagan pa ang kwentong ipinapakalat mo, or we are tempted to lie when we are cornered and other kinds of temptation.

All temptation is from satan. Kasi kung galing yun kay God e hindi iyon makakasira sa buhay mo o sa buhay ng ibang tao, o hindi ka ilalagay nito sa panget na sitwasyon. Pero kahit masama man ay nagagawa parin natin. Bawal man pero nahuhulog parin tayo. Sabi ng iba, kasi 'masarap ang bawal', pero alam natin na ang bawal kapag nilabag mo maaaring may kaparusahan ito, o kaya ay may balik sayo. Kaya kung ayaw mong malagay sa mas malalang sitwasyon, we need to be aware to this temptation. Kasi kung mahulog ka sa tukso ,if we fall into temptation ay walang dapat sisihin kundi ang ating sarili din. Natutukso tayo kapag nadadala tayo ng ating masidhing pita. I mean, kung ano yung ginugusto natin, so choice mo parin kung bibigay ka sa temptasyon o hindi.

Nasa paligid lang ang temptasyon, pero mas maganda kung alam natin kung paano ito maiiwasan o matatakasan. Hindi lang naman ikaw ang nakakaranas nito, may iba rin na nasa parehas na sitwasyon, sa hinaharap na temptasyon sa buhay, pero may ilan na kayang iwasan at takasan ang temptasyon na yun.

To help us para matakasan ang temptasyon, alalahanin natin ang ilang mga bagay na ito:

1. ENVIRONMENT. Maging aware sa mga lugar kung nasaan ang temptasyon, iwasan ang lugar na madalas kang nate-tempt, at huwag dumaan sa daanan ng mga taong laging nahuhulog sa temptasyon.

Para maiwasan ang maging tsismosa, huwag kang lalapit sa tambayan ng mga tsismosa. Halimbawa, sa tindahan kung saan madalas kang bumibili ng suka ay laging nandoon ang mga tsismosa na pinagkukwentuhan ang buhay ng may buhay, na kahit ayaw mong makarinig ng tsismis dahil baka maging tsismosa ka rin, e hindi mo maiwasang marinig ito. So, isip ka ng ibang paraan, pwedeng sa ibang tindahan ka bumili, hindi lang naman siguro iisang tindahan ang nasa lugar ninyo, kung wala namang ibang tindahan, huwag ka na lang bumili.

Basta ganun, be aware in our environment. Kung nagda-diet ka, stay away from eat-all-you-can restaurant; Kung gusto mo nang pigilan ang sarili sa bili nang bili tuwing may pera, stay away from Divisoria, mall or stores kung saan maraming magte-tempt sayo na gumastos; Ayaw mo nang mag-DOTA o mag-computer games, pero lagi kang nasa computer shop, pwede kang udyukan ng nasa paligid na maglaro ulit. Maaaring maging sabungero ang laging nasa sabungan o maging sabog ang laging nasa shabuhan. At gaya ng paalala ng meralco -DANGER: KEEP AWAY! HIGH VOLTAGE! Kasi maaari kang makuryente.

Just be aware on your environment, while we are in this material world, we are so attached on material things -but when we are out in this world -you can also dettached in material things, kaya maganda rin na meron tayong spiritual affiliation para kahit papano e hindi tayo laging naka-focus sa material things, na atleast you are considering spiritual things. You see, kung malayo ka sa tubig, malaki ang posibilidad na hindi ka mabasa at kung palagi ka namang nasa tubig, malaki ang posibilidad na hindi ka matutuyo.
Ganun talaga, your environment are your first potential temptation.


Dahil unevitable ang temptasyon, na bawat galaw mo e may mag-uudyok sayo na maging ganito o gawin ang isang bagay na ito kahit na ayaw mo o pinipigilan mo, dapat kang maging aware sa paligid mo, on your environment para kahit papaano ay makaiwas at hindi mahulog sa temptasyon. Kapag alam mo kung nasaan ang kanal, maaari kang makaiwas sa pagkahulog at kapag alam mo pa kung anong mangyayari sayo kapag nahulog ka ay gugustuhin mo ang huwag mahulog.

Isipin mo, isang bata na nalaglag sa kanal... kadire, ang baho-baho, nakakahiya kasi may tae-tae pa sa kanal na yun. Isipin mo pa na pagtatawanan siya ng ibang batang nakakita ng kanyang pagkahulog, "ang bobo naman! ay! tatanga-tanga!". Tapos pagagalitan pa yun ng nanay niya na mas masaklap e nahulog na nga, nagkagalos na nga, ayun at pinalo pa! tapos maririnig mo yung sigaw ng nagagalit na nanay "sinabi nang wag kang maglalaro BANDA SA KANAL e, AYAN TULOY NAHULOG KA! ANG TIGAS-TIGAS NG ULO MO! KAILAN KA BA MAGTATANDA!"

Then, we realized na tayo yung batang iyon noon, someone gave us a warning, keep away from the place where there's the unevitable temptation. But still, we did.

2. ACCOUNTABILITY. Kapag nahulog tayo sa temptasyon, wala rin namang ibang dapat sisihin kundi tayo rin. kasi nagpadala tayo, kasi hindi natin ito napaglabanan, dahil mahina tayo at mabilis matukso. Pero isipin mo na lang, nakita mong mahuhulog sa bangin yung kaibigan mo, tapos di mo man lang tinulungan, di mo man lang sinabihan, baka sisihin mo ang sarili mo sa pagkahulog niya... that's the issue of accountability.

Kailangan din natin ng makakatulong, ng payo mula sa ibang tao, sa kaibigan at sa pinagkakatiwalaan natin. Kung kaya mong mabuhay mag-isa, e di sana wala nang konsepto ng pamilya, ng mother at father mo, ng kapwa... dahil you can exist by your own. Pero hindi e, yung phrase na "No man is an island," walang buhay sa isang isla nang siya lang mag-isa, merong mga taong napapadpad sa isang isla (gaya nung sa temptation island) pero yung konsepto na "paano nag-exist yung tao doon sa isla? wala ba siyang tatay at nanay na nagluwal sa kanya?" syempre meron, kasi kung wala? ano yun si ADAN? isipin mo, kahit nga daw si Adan, hindi naman nag-exist lang nang siya lang sa sarili niya. I mean, there's was God who created the first man. Hindi ginawa ni Adan ang kanyang sarili, God created man, base sa bible.

Man can't survive by his own, he need to seek help from others. We need to seek help from the other people. When we are sick, we head for the help of the pediatrician or doctor, to albularyo, to manghihilot; you can seek knowledge to our teachers; noon, people confess to a priest para di siya makonsensya sa ginawa niyang kasalanan (kasi accountability ng priest yun); Every people are accountable to everyone. kaya nga, in some part ay may pananagutan ang magulang sa pagkaparewara ng kanilang anak, kung anong natutunan ng estudyante sa kanyang guro, kung anong kalagayan ng mamamayan sa isang bansa ay madalas nasisisi ang pamahalaan.

Yung batang nahulog sa kanal kanina, kung nakinig lang sana siya sa kanya matalak na nanay, sa babala nito na wag maglalaro sa malapit sa kanal, di sana siya nahulog, pero hindi siya nakinig. So, maganda rin yung may nagpapayo sayo at may nagpapaalala para makaiwas at makatakas sa temptasyon o sa tukso.

Pangarap kong tumanda nang single ako, pero itong pangarap ko na ito maaaring hindi ko pa matupad kasi lagi akong nate-tempt na manligaw, yung temptasyon na magkaroon ng girlfriend o ng karelasyon kasi yun ang uso ngayon, at parang ang hirap iwasan, kaya nga ang sabi ko sa bestfriend ko -paalalahanan niya ko lagi tungkol sa pangarap ko, na sabihan niya ko kapag nakikita niyang nate-tempt na naman ako. I badly needed the help of my friends, kasi kung ako lang mag-isa e ang hirap nun. kasi kahit na ipinangako ko sa sarili ko e hindi ko parin masasabi.

Nakakatuwa nga yung mga anak na open sila sa kanilang magulang, yung kaya nilang i-share yung secrets nila sa parents nila- kasi mas malaki ang posibility na magabayan sila, mapayuhan sila tungkol sa nararanasan ng anak, pero dahil hindi lahat ng anak ay ganun sa kanilang magulang o hindi lahat ng magulang ay ganun sa kanilang anak, ay atleast have a friend o people you can trust para matulungan ka sa pag-iwas sa mga temptasyon.

I do sharing my burden to my cat 'Aily', and it is a big ease kapag naikwento ko na yung problema ko about this temptation, kapag nagkukwento na ko sa pusa ko at hindi niya ko pinapansin -narerealize ko, na iyon ang payo ng pusa ko sakin, na yung burden ko dapat hindi ko pansinin. Kasi the more na nagpo-focus ka sa nagdudulot sayo ng temptasyon, the more the possibility na mahulog ka dito.

I do not mean, do a public confession, kasi di lahat ng tao mapagkakatiwalaan mo. Kung nakapanood ka na ng face to face, parang ang ganda kasi the program aims to reconcile the two sides na may conflict. pero paano yung public opinions? anong tingin mo sa kanila? anong tingin ng kakilala nila sa kanila? I did sometimes laughed with these people, na ang landi naman nung babae, ang bobo naman ng lalaki masyadong martyr, natapos man ang kanilang usapin dahil sa mga trio-tagapayo, pero pag-uwi nila sila parin ang usapin... ng kapitbahay, ng buong baranggay, ng bansa.

kung gusto mo maging sikat, okay sige, let it go!

i-share mo ang story mo sa publiko, at mag-abang ka sa sasabihin ng nakapanood nito. Ito yung usapin ng accountability, may pananagutan tayo sa iba, dahil everyone are struggling with temptation, please give help or remind everyone so that we can escape or atleast avoid to fall into it.

Kung ikaw ang magpapayo, make sure na yung payo mo ay makakatulong para malampasan yung problema ng papayuhan mo, remember people seek help kasi kailangan nila ng tulong.

3. PLEASURE AND PAIN. Masarap ang bawal, yan ang madalas kong naririnig. Pero alam nating lahat ng bawal, kapag nilabag mo maaaring may kaparusahan ito, o kaya ay may balik ito sayo na hindi maganda. Be aware on the pleasure and pain. Kung magpapadala ka sa temptasyon ano ba ang mapapala mo? pleasure o pain?

Remember this, kung ayaw mong malagay sa mas malalang sitwasyon, we need to be aware to this temptation that telling us to grab this, choose this, like this, do this for this is pleasurable... pero di mo alam sa dulo pala nun e mas marami ang dulot nitong PAIN. So be aware on it, kasi kung nahulog ka sa tukso, you fall into temptation ay walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili din. Natutukso tayo kapag nadadala tayo ng ating masidhing pita. I mean, kung ano yung ginugusto natin, so choice mo parin kung bibigay ka sa temptasyon.

MASARAP ANG BAWAL? mahirap pigilan ang sarili sa pagpili ng kung anong magpapasaya sa sarili o sa mga bagay na sa tingin natin ay magbibigay satin ng masarap na pakiramdam, ng kasiyahan (kahit na mali ito para sa ibang tao, kahit na masama na ito, o kahit na kasalanan na ito) hindi natin mapigilan ang sarili, kaya nadadala parin tayo. I agree, sin is pleasurable, but things that was pleasurable are temporary and the pleasure itself are temporary while pain will goes on and on.

Halimbawa, ang sarap gumastos, kaya kapag may pera sige ang gastos, masarap makabili ng mga bagay na gusto mo, it is pleasurable... pero kapag naubos agad ang pera sa kabibili, wala ng pera e kasesweldo pa lang, doon na mapapaisip, pagsisisihan, na dapat hindi ako bili nang bili -and that was PAIN. Isang buwang pinagtrabahuhan ang perang kinita, pero ginastos lang sa loob ng ilang araw... kapag naubos na, mangungutang na naman siya dahil sa wala nang panggastos sa pang-araw-araw;

SEE THE END RESULTS, if you fall into temptation. Mas pinili mo ang maglaro ng computer games kaysa pumasok sa isang subject mo, magiging masaya ka sa una, kasi makakapaglaro ka na naman, pero di ka nakakuha ng quiz, pero wala kang attendance, pero di mo alam minsan na nga lang mag-discuss ng lesson si sir tapos absent ka pa, ito ang mas malas kasi pagdating ng exam -nganga na naman. Saan ka kukuha ng sagot, sabihin na nating may teknik kang alam para makakuha ng sagot, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakapangopya ka, paano na lang kung yung lesson na yun sa isang subject mo e kailangan mo in the future, sa trabaho... you can't apply something that you haven't learn!

Isipin mo, yung taong nasa malalang sitwasyon ngayon? nagkaroon sila ng pagkakataon na mamili noon, pleasure o pain? Mas pinili nila ang pleasure without the consciousness na temporary lang ang pleasure, at mas matagal ang PAIN. Bawal sayo ang kumain ng matamis, pero hindi mo mapigilan ang sarili na kumain ng matamis... kaya kumain ka, mga ilang minuto lang naubos mo, oo nasarapan ka, pero maya-maya aatakihin ka ng sakit mo, lalala diabetes mo, o yung kumplikasyon mo, isusugod ka sa hospital, ang daming maaabala pero no choice sila kasi di ka nila maiwan, bibili sila ng gamot (di mo pa alam kung saan sila kumuha ng perang pambili nun) at gagaling ka, na akala mo tapos na ang lahat pero hindi pa pala dahil patuloy ang epekto ng ginawa mong pagkain lang ng matamis.

Sa lahat ng mga bagay na magte-tempt sayo, isipin mo kung mas madami ba ang pain o mas madami ang pleasure. At kung mas marami man ang pleasure, isipin mo rin na panandalian lang ang pleasure, walang permanente sa mundong ito. Yung pamantayan mo ng maganda, maaari pang mag-iba, yung bagay na nagpapasaya sayo ay maaaring magpalungkot sayo, yung MINAMAHAL mo pwede kang MURAHIN balang araw. Yung pinag-ipunan mong pagkamahal-mahal dati, nabili lang ngayon ng ibang tao nang napakamura. Be aware on the pleasure and pain, when we talk about temptation.

Iniisip ko nga rin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo nahuhulog sa temptasyon?? Dahil sa tao lang tayo? Dahil sa mahina tayo? Dahil sa pasensya na, tanga lang. Siguro may kanya-kanya tayong dahilan. Pero isa sa maaaring dahilan ng lahat, dahil sa pagiging materialistic natin. Dahil sa attached tayo masyado sa mga bagay-bagay, kaya kapag nandyan na ang temptasyon sa paligid -ang hirap tanggihan. Karaniwan pa naman, kung saan ang weakness natin doon ang temptasyon natin. Materialist people are tempted by material things for this is their weaknesses.

Sabi, the root cause of being a materialist is because of false bodily identification natin. Mali ang pagkakakilala natin sa ating sarili. kung ano tayo at kung sino talaga tayo, kapag tinanong tayo kung sino tayo? malamang ang sagot natin ay ang pangalan natin, ang ating description sa sarili natin, ang ating katangian, like... I'm Reymond, a college student, tall dark and... lier, a book reader etch... but see, all of this is just a labels, katawagan lang natin para may pagkakakilanlan ang isang bagay but some of us we're not conscious that we re not this body.

This body is our tools to live, isang kagamitan lang ang ating katawan, gaya ng isang damit na sinusuot, isang machine na ginagamit, isang kotse na sinasakyan -this body is just our tools. Pero kung ang pagkakaalam natin na ang ating katawan ay tayo mismo at hindi isang kagamitan? what will happen? Hindi na ikaw ang magkokontrol sa katawan mo kundi makokontrol ka ng katawan mo. Your body will control you, na kung anong sabihin ng body mo ay gagawin mo naman dahil hindi mo alam na ikaw dapat ang nagkokontrol ng iyong katawan. Like a car, it needed a driver, if the driver was controled with the car, that's too unnatural. Pero ito ang realidad, maraming nagpapakontrol sa kanyang katawan, dahil nga sa maling pagkakakilala niya sa kanyang sarili.

See, for our material body are matter -matter is anything that occupied space and has mass, kaya tawag natin sa katawan ay material body pero the material body are attached with material things, parang magnet na laging dumidikit sa kapwa niya magnet, o sa iba pang metal. Kaya nga sabi ko kanina na laging nandiyan ang temptasyon, madidikit at madidikit ka sa mga bagay na magtetempt sayo, pero kung kokontrolin natin ang magnet na mailayo sa kapwa nito magnet o sa mga metal, gaya ng katawan natin kung tayo ang kumokontrol sa katawan natin -maaari tayong makaiwas sa pagdikit o sa pagkahulog sa temptasyon.

Halimbawa, kahit na alam mong di naman talaga kailangan ng katawan mo ang yosi, dahil bad nga yun, at ito ang 1st cause kung bakit may lung cancer e dahil nga natural na dumidikit ang katawan sa material things, na para sa katawan ay masarap yun, ay sumusunod ka sa gusto ng katawan mo -dahil ang pagkakaalam mo ay ito na rin ang gusto mo, pero kung conscious ka at alam mo na ikaw ang may hawak sa katawan mo, magagawa mong kontrolin ang iyong katawan at maiwasan na huwag madikit sa temptasyon sa sigarilyo... o sa ano pa mang ginugusto ng katawan natin na hindi mo naman talaga kailangan. Hindi mo naman talaga kailangan na bumili ng bumili kapag may pera, that was your body na nagsabi na bumili ka dahil ito ang magbibigay sayo ng kasiyahan but it ends up into worst scenarios.

Your body tempted you to fall inlove with this girl/boy, na kapag maging boyfriend o girlfriend mo lang siya ay sasaya ka na, but still hindi parin, kahit maging kayo it doesn't give you a 100% satisfaction, sometimes nagiging sanhi pa ng mas matinding PAIN sayo. Sa huli na lang kasi natin madalas nare-realize na dapat hindi tayo nagpadala, dapat nag-isip muna tayo, "dapat pinigilan ko ang katawan ko," pero huli na ang lahat, you are now suffering because you fell into temptation, remember masarap ang bawal pero alam nating may consiquences ang anumang maling nagawa natin.

Control your body by being conscious that this pleasure is temporary, may give you dis-appointments, but the pain may be goes on and on. Kaya kung ngayon pa lang ay alam mo na ang materyal na bagay ay temporary lang at maaaring may dulot ng pain, o paghihirap sayo, kahit paano aware ka sa maaring mangyayari, you control yourself para di mauwi sa mas malalang sitwasyon.

Isa pang realidad, we are dominated on the different factors in life, we canno't control things sa paligid natin. Masaya na sana ang buhay kung lahat ng gusto natin ay makukuha natin, pero ang realidad ay ito- hindi lahat ng bagay ay maari nating makuha, madalas nga yung mga bagay na hawak mo na ay nawawala pa.

Masaya na sana ang buhay kung makakapag-computer ka lagi, pero di mo kontrol ang sitwasyon, maaari kang maubusan ng pera, wala kang pamusta, maaring may mas mahahalagang bagay na dapat unahin kaysa sa paglalaro. Maraming dumarating sa buhay natin na hindi natin kontrolado, na kapag hindi ka aware na ganito ang nangyayari e malulungkot ka, maiinis ka, madi-discourage ka. kala mo basta kasama lang siya okay na ang lahat pero hindi parin pala... dahil kalaban ninyo ang sitwasyon, ang iba't ibang paktor ng buhay, ang pagbabago. Isipin mo yung nalulong sa drugs? Okay na sana ang life kung laging high na high siya at laging nakakatake ng bawal na gamot, but still may factors parin na hindi niya kontrolado, paano kapag naubos ang drugs, paano kapag wala na ang epekto, paano kapag nahuli siya? e di kulong, e di gagawin niya ang lahat para makakuha ulit ng drugs na yun. Root cause? Dahil sabi ng katawan niya ay masarap ang drugs na yun, nagpadala siya, so his body controls him.

Things are temporary, di yan tumatagal... kahit na ang temptasyon maaaring di rin tumagal kung ikaw ay matatag at if you are strong enough to escape with this or to say NO with this. If the temptation is like a virus o sakit? Be immune with virus of temptation, yung may bakuna ka na panlaban sa sakit. This will happen if your mind are fix! If your body are well being used -maaari kang makaiwas sa temptasyon. Maari mong matanggihan kung ano man ang idinidikta ng ating katawan.

The reality is this, you are not your body, but you are the life within the body -you are the soul. Remember these lines, our body is just a tools, gaya ng isang machine na ginagamit, ng damit na isinusuot, ng kotse ng sinasakyan. The question is, sino yung gumagamit, sino yung nagsusuot o sino yung sumasakay?? That is you! Your real identity, the life within the body, the soul.

if someone will say, ANG BORING NAMAN NG LIFE KUNG WALANG MATERIAL THINGS NA MAGBIBIGAY SAKIN NG KASIYAHAN?

No, if you are in the consciousness of being the soul, material things is no longer gives you dis-appointments -for the material things is not the source of the soul's pleasure, of the soul's hapiness. For example, kung yung Goldfish ay inalis mo sa kung saan siya dapat... kahit na bigyan mo yan ng anumang kayamanan, 1 billion dollars, kotse, house and lot, luxurious things etch. Hindi parin magiging masaya yung goldfish dahil ang kailangan niya ay yung tubig, yung lugar kung saan siya dapat. Same with us, if we are on our natural being, we have our natural needs then we will have the real happiness, to real satisfaction. You 'the Life' needed the source of life -and it is God.

Ibig kong sabihin, kung tayo yung soul, the real essence of the soul is to attached to the things of the soul, and the sources of the pleasure of the soul. We need to be in the source of the soul, which is the Supreme Soul -our God. We are just a servant, not a master, for we are not the controler! Katawan nga natin ang hirap kontrolin di ba? So, accept the fact that there is the Supreme Person that controling the whole universe, the whole factors in life... pero tayo hindi natin kontrol yun, may mga bagay na hindi natin makukuha, may mga plano tayong hindi natutupad, may mga bagay na gusto nating kontrolin pero maraming hadlang at hindi natin magawa.

If you are striving and trying to enjoy material things, this will dis-appoints you -dahil ang totoong ikaw ay hindi ang material body mo, kundi ang buhay sa loob ng katawan na yan. Kapag kasi pinagbigyan mo ang katawan mo, mas lalong nangangati yan. Yung kapag nangati, tapos kinamot mo mas lalong nangangati di ba? sabi nga the more you scratch it , the more it itches and the less you scraych it the less it itches. So dapat kontrolin ang pangangati ng katawan. Control your body.

DONT SERVE YOUR BODY, na ibibigay mo yung gusto ng katawan mo, na magpapadala ka sa temptasyon dahil lang sa idinidikta ito ng katawan mo. HUWAG! Para kang alipin ng katawan mo niyan. Remember this, we are not a master of our own, we are a servant of the real Controler of everything. At ang real function o ang dapat ginagawa ng isang servant is to serve, but this time... we will serve not our body, but to God. Render ourself to the loving service of God, your soul -the real you -will get the real satisfaction, the real happiness.


"My desire, is my suffering... before, when I was in a delusion,
striving for the material satisfaction, but ends into dis-appointments,
purify the mind, to realize that the real satisfaction can only be find
to a humble service to our Supreme God,"

Sabado, Oktubre 3, 2020

SHADOW

SHADOW
(Bible)

Shadow- ito ay itim na imahe (a dark image) na nabubuo kapag ang anumang bagay ay natamaan ng liwanag. Tumapat ka sa liwanag at makikita mo sa likod mo yung shadow mo o anino. Noong bata ako, takot ako sa anino ko, kasi nakikita kong sumusunod ito kung saan man ako pumunta, pero noong nalaman ko na kung ano ito ay nawala na yung takot ko, at ngayon kapag nakakakita ako ng batang natatakot sa anino, naaalala ko ang sarili ko dati.
Naisip ko, kapag nalaman mo yung kinatatakutan mo e isang simpleng anino lang pala ay malamang mawawala yung takot mo. Natural na may anino, ang hindi natural ay ang takot sa anino.

Ang takot ay number 1 enemy ng tao, gusto nating kalabanin ang ating mga takot. ang pangit nga naman kasi kapag may takot tayo sa mga bagay bagay sa paligid, there is a lot of names of fear, i-search nyo names of fear, madaming lalabas,

Tulad ko, may fear of heights ako, ayoko sa matataas, nalulula ako nang sobra, kaya nga never pa kong nakakasakay sa mga rides e, kahit noong nakaraang linggo pumunta kami ng enchanted kingdom, ako lang talaga ang hindi sumakay, sayang yung rides all you can ko, (so what! e I CAN'T e, sa filipino nun -sumakay ka sa lahat ng KAYA MO! e hindi ko kaya) well, libre naman nila yun. Ang dahilan ko na lang sa mga kasama ko ay masakit ulo ko. kaya ayun, naging tagabitbit na lang ako ng mga gamit nila. pero sabi nila para mawala daw yung takot ko sa matataas ay kailangan kong harapin ang takot ko, dapat as long as na kinatatakutan mong umakyat sa matataas dapat kang umakyat sa matataas para masanay ka at mawala na ang takot mo.

Anyway, may nabasa lang ako na isang scripture about sa Fear, and that is the fear of the past.
Karamihan sa atin ay may fear of the past, may kinatatakutan sa mga nakaraan, kahit bata, matanda, lalaki o babae ay nakaranas nito. At walang taong hindi nagkaroon nito. wait, yung shadow pala ay pwede rin nating sabihing our past, naganap na o kaya multo ng ating nakaraan, masasamang nangyari sa buhay natin. Clear na ba yun??

Sabi dun, there are 4 types of shadow of the past:

1. Fear of the Bad Things you have done in your past.

-fear of the wrong things that you have done in your past that confuses or troubles you at the present time, or some says it is a karmaic reaction of our bad deeds. Wala naman sigurong taong hindi nakagawa ng bad? I admit, marami akong nagawang bad sa buhay ko.

Noong 4 years old ako nun, natakot ako lumabas ng banyo, nasa loob ako ng CR. katok sila nang katok sa pinto ng Cr, pero hindi ko binubuksan, natatakot akong makita nila ang nagawa ko, nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at ayun, nakita nila yung nagkalat na dumi sa paligid ng Cr, hanggang sa flooring ang dumi talaga. Yacky yun,

Naalala ko, I lie to my neighbor, natakot ako na baka malaman niyang ako yung nagpakain sa tuta nila na chuwawa na namatay na lang bigla, pinakain ko pa naman yun ng natira naming ulam na pork adobo, sayang naman kung itatapon kaya ibinigay ko na lang sa aso. Hindi ko naman alam na babara yung buto ng baboy dun sa lalamunan nung aso. Sumalangit nawa ang kaluluwa nun.  I never confess to my neighbor, kahit na hanggang ngayon binabayaran ko parin ang kapit bahay namin na si Burnok para manatiling lihim ang aking lihim, si Burnok kasi ang kaisa-isang star witness sa nagawa ko. Sana itigil niya na ang pamba-black-mail niya sakin. (Feeling ko minumulto ako tuwing madaling araw nung chuwawang iyon. sana feeling ko lang yun).

Nagdudulot ng takot sa atin ang mga nagagawa nating mali, dahil sabi nga, anumang itinanim mo ay siyang aanihin mo.
Nagtanim ka ng masama, malamang may masamang balik yan sayo -That's the law of karma. Naalala ko tuloy yung librong nabili ko sa booksale, 150 pesos yun pero nabili ko lang ng 20 pesos, dahil sa tag price na madaling natatanggal. anlaki ng nabawas sakin... pero ang masakit nun, pag-uwi ko naman, nadukot yung wallet ko na may lamang 200 pesos, mas malaki yung nawala. Ewan ko ba, paano kaya kung binili ko na lang yung libro nang 150 at hindi ko na naisipang ipagpalit yung tag price nung isa pang libro na 20 pesos, hindi kaya ako madudukutan??

I have a yogist family and they are so much aware about karmaic reaction, at nakatutuwa ang bagay na iyon, yung tipong dahil sa takot na makarma ka ng anumang masamang gagawin mo ay nakakaiwas kang gumawa ng masama.

2. the fear of the bad experience.

yung takot sa mga masasamang naexperience mo, halimbawa nung bata ka nakaranas ka ng pagmamaltrato. kaya may trauma ka sa mga ganung karanasan at ayaw mong maulit yun, natatakot ka tuwing naaalala ang mapait na nakaraan na yun.
Nakaranas kang magkasakit, halimbawa gumaling na canser- tapos hindi mo na maiwasang isipin na baka bumalik yung cancer na yun, may tumubong bukol sa mukha mo -nasa isip mo canser na agad -kahit na tagyawat lang yun.

You keep on saying and anticipating the bad experience na karaniwang humahantong sa mga fear natin sa buhay, nakaranas kang makagat ng aso -kaya ayaw mo nang makakita ng aso, na kapag nakakakita ka ng aso kinakagat mo, kasi takot kang baka makagat ka! hehe joke lang!

kala mo lahat ng kahawig ng ex mo e manloloko, kaya you fear them. you judge them na hindi sila gagawa ng mabuti sayo. Results, you always fear their shadow.

3. Fear of the emotional pain.

-ito naman yung takot na baka masaktan uli, you feel being rejected or cheated by someone in your past, at kaya hanggang sa present kinatatakutan mong ma-cheat uli o ma-reject.

May nakilala akong matanda, ang pangalan niya felimon, tumandang nag-iisa ang lalaking ito, yung dapat kasing pakakasalan niya ay itinanan ng iba, since then hindi na daw siya nagbalak umibig uli, o pinigilan niya na ang sarili na umibig uli, kasi nga natatakot siyang maulit ang dating sakit na iwanan.
gaya nang sobra mong minahal tapos niloko ka lang, kaya ngayon ayaw mo na talagang magmahal. kapag ito ang nararanasan natin, isa pang naidudulot nito ay ang lost of capability to forgive, ang hirap na nating magpatawad. kasi nga takot na tayo na baka kapag nagpatawad ka, lolokohin ka uli, kapag nagtiwala ka e bibiguin ka lang uli.

 4. fear of the past failure

-karaniwan ito sa mga goals natin sa buhay, literal dreams natin. halimbawa pagkabigo sa negosyo, sa own business. you raise your own business, kaya lang hindi pumatok -1 mistake, give up na agad. Sobra kasi yung fear sa mistakes, masakit mabigo, given na yun.

Masakit nga namang masaktan, at kapag naulit at paulit -ulit kang nasasaktan sa parehong dahilan  ay parang antanga na natin nun. pero ang sakit ay hindi dapat maging dahilan ng ating paghinto, we feel pain para magkaroon ka ng strength to endure challenges  and battles in life. lahat naman kasi ng labanan, talagang kailangan mong lumaban para magtagumpay ka, nandiyan yung masasaktan ka talaga o masusugatan ka. pero okay lang yun, natural yun na masugatan sa ating mga labanan sa buhay, pero gumagaling naman ang sugat di ba??
     kasi ang katawan natin ay may own tissue na kayang pagalingin yung sugat, kahit na hindi mo lapatan ng treatment. Isipin mo nga yung mga bata sa lansangan, pag nasugatan sila hindi naman nila karaniwang dinadala sa doktor o iniinuman ng kung anung gamot yung sugat nila, kasi gastos lang yun at wala silang budget para dun, kaya hinahayaan nilang kusang gumaling yun.
Isa pa, time can heal your wounds sabi nga ng iba. Ngayon kung mainipin ka, at hindi mo trip ang paghihintay... punta ka sa doktor.

Kung may mga bad past ka, okay lang yan, di mo dapat katakutan o gawing dahilan yan ng paghinto. sabi nga, walang nananalong umaatras o humihinto sa laban. kung tinuldukan mo na yung sarili mo dahil lang sa takot na baka hindi na naman mag-succeed, baka mabigo ka na naman. Well, that is a natural state of man's life, sometimes we need to feel pain to be able to learn, to endure hardships and to realize our mistakes. gaya nga ng nabasa ko, isipin mo na lang kung walang pain, ano kayang mangyayari --> try mo idikit sa apoy yung kamay mo, kung hindi ka nakakaramdam ng pain, siguro tutong na lahat-lahat yung kamay mo pero di mo parin napapansin, masusunog ka na pero dahil hindi mo naman maramdaman yung sakit e  hindi ka iiwas sa apoy. Pain give us this quick reaction to escape or avoid worse case. Sa tagalog, Babala: bawal tumawid nakamamatay.

Sa love kapag there is pain, pause for a while... dapat walang pain ang love if that is true love, e kapag nakakasakal na at nakakasakit na yung tinatawag na love na yan, stop ka na muna, wait lang, tanungin mo sarili mo kung love pa nga kaya ito??


SEE how we face the fact that we fear about our past.
pero sabi nga di ba, PAST IS PAST.
Ang nakalipas ay nakalipas na at dapat na lang kalimutan, o kung ayaw mong kalimutan, wag mo na lang katakutan. They are all done and gone. Kapag nalaman mong anino lang yan ng masamang pangyayari sa buhay mo, dapat hindi ka na takot, dapat na harapin mo. At gaya ng sinabi ko nung una, ang anino ay itim na imahe (a dark image) na nabubuo kapag ang anumang bagay ay natamaan ng liwanag. Tumapat ka sa may liwanag at makikita mo sa likod mo yung shadow mo.

Ang problema kung bakit tayo natatakot sa anino na ito ay dahil sa nakaharap tayo sa anino, hindi doon sa liwanag. We must to face to our present, forget the past.

Ngayon nalaman ko na kung bakit noong bata ako, takot ako sa anino ko, hindi lang dahil sa sumusunod ito sa akin kung saan man ako pumunta kundi dahil bata pa ako nun, at hindi ko pa nalalaman ang mga bagay-bagay. Being matured is one of the key to be fearless on our dark shadows.

Meanwhile, mayroon namang 2 shadows you must have.
dapat ito yung meron ka imbes na sa bad experience ka nakaharap o kung ano mang kinatatakutan mo -dapat ito na lang.
Ang isipin mo o ang dapat na magkaroon ka ay ang dalawang ito:

1. The shadow of experience with God.

-anything good is a gift from God, if that is bad that's not by God. Kung yung shadow ay tumutukoy sa mga past experiences natin, ibig sabihin ng the shadow of experiences with God is about good experiences in life. Isipin mo yung mga mabubuting bagay na nangyari sayo o ginawa sayo ng Diyos, mayroon yan. Kasi kung wala, parang ang perfect naman ng buhay mo, perfectly bad. e sabi nga di ba, nobody is perfect.
Iyan ang dapat nating tignan, yung mga shadow of good deeds with God, mga miracle sa atin ng Diyos ang lagi mong isipin. I-Meditate ang mga miracles na ginawa sayo ng Diyos.

Sabi nila manakawan ka na, wag ka lang masunugan kasi mas panget yun, isipin mo kapag nasunugan ka, lahat ng mga gamit mo magiging abo -hindi na mapapakinabangan. Pero kapag nanakawan ka, mapapakinabangan ng nagnakaw yung gamit mo e di nakatulong ka pa sa tao and that is good deeds in some way sa part mo. Last year lang hindi kami nanakawan, nasunugan kami -included other 70 family, nakakatakot talagang masunugan, napakapanget na experience yun, pero kung iisipn ko lagi yung panget na nangyari dun nakakadown lang e, naiiyak ako at nasisisi ko kung sino-sino, ang worst sisihin mo si God, pero naisip ko nasunugan lang kami, atleast  walang namatay samin, atleast nagkaroon ng sense of care yung buong community samin that time na ang lakas lakas ng apoy, na dati naman walang pakilamanan kaming mga magkakapitbahay; atleast hindi kami nanakawan at hindi maiistress masyado kakasumpa doon sa walang hiyang hudas na nagnakaw ng mga gamit namin! kasi nga di kami nanakawan nasunugan lang ;atleast mapapalitan ng bagong gamit ang mga nawala, yung bulok naming t.v maiisipan nang palitan; atleast nawala yung kinaiinisan ko gabi-gabi at dahilang ng hindi ko pagtulog nang maayos -dahil kasamang natupok sa apoy ang mga walang hiyang surot sa bahay namin. Anak ng surot talaga, naisip ko, madaming nangyaring magagandang pangyayari sa buhay ko after that suffering, iyon ang binibilang ko. Count your blessings, instant relief yan, promise.

Imposible namang walang mabuting ginawa sayo si God, yung simpleng paggawa sayo ni God. Yung pagkabuhay mo sa mundong ito- mabuting experience yun di ba?
Maraming mga fetus na iniiwan lang sa tabi-tabi, kasi nga inaabanduna at pinaaabort ng nanay, sayang yung mga fetus na yun na kung sana ay nabuhay, bagamat makakaranas ng problema sa buhay atleast ay naranasan niyang mabuhay.
Ikaw buhay ka, maraming mga tao na kapag namommroblema e mabilis bumibigay -yung iba nagsusuicide, yung iba sinisira na lang yung buhay. kung nakagawa ka ng mali, may pagkakataon ka pang itama ito by doing right at your life today dahil hindi pa binabawi sayo ng Diyos ang pagkakataon.

Meditate for the goodness of God, yung ikaw ay makakilala sa Diyos, na buti ka pa may Diyos na kapag nangangailangan ka at kapag parang di mo na kaya ay maaalala mo na may Diyos na handang tumulong sayo at hindi mo kailangang mawalan ng pag-asa.

Huwag ka kasing palaging nakaharap sa likuran mo, sa iyong mga masasamang nakaraan, sa pagkatakot sa mga bad past experience mo, kasi nga bad nga iyon e, hindi ito magdudulot sayo ng ikabubuti mo. kapag palagi kang nakaharap sa panget, hindi yun magiging maganda sayo, kasi nga ampanget nun. Face to the lights which is the reason why there is the shadows. Naalala mo, kung bakit may shadow ay dahil sa lights, bad shadows man yun ay light parin ang dahilan. Sa buhay natin kahit may mga masasamang pangyayari, si God parin ang puno't dulo -binigyan ka niya ng trials o pagsubok para maitest ka niya, at para din maipakit ng Diyos ang kapangyarihan niya, ang kanyang liwanag. Sa Diyos ka magfocus, wag dun sa dark shadow of your past.


2. The Shadow of Good things you've done in the past.

-ito yung mga bagay na ginawa mo sa past, doon ka dapat nakatingin. Gaya ng sabi ko, nakagagawa tayo ng masama, oo! pero hindi naman ibig sabihin nun e puro masama lang ang nagawa natin, mayroon kang magagandang experiences sa buhay mo -yung mga nagawa mong maganda, yun dapat ang itinatago natin o doon tayo dapat nakatingin.
kahit na nabigo ka sa pag-ibig, wag kang tumingin dun sa iyong pagkabigo kundi doon karanasan mo habang umiibig ka.

Hindi lahat ng shadow ay nakakatakot, there is a good shadow sa buhay natin. Isipin mo yung malaking puno sa gitna ng tirik na tirik na araw, di ba nagbibigay ng lilim yung nabubuo niyang shadow?
sa buhay natin may ganito tayo, na yung mga shadow natin ay nagsisilbing lilim at nagdudulot ng maganda sa ibang tao.

Isa akong guro, nagtuturo ako sa isang paaralan, yung karanasan kong iyon ay may magandang dulot sa iba, dahil good shadow yun. Natuturuan ko ang mga estudyante ko at natututo din ako sa mga estudyante ko. (sana nga may natuturo akong maganda sa kanila :)hehe )

Our good deed is our capital. Mag-ipon ka nang mag-ipon ng mga good deeds dahil unang una maganda ito kasi nga good deeds yun, ikalawa maganda ang balik niyan sayo. Good karmaic reaction, halimbawa nagbigay ka ng tulong sa iba, darating ang araw may mga taong tutulog din sayo. Remember king Ezecaia's prayer to God nung malapit na siyang mawalan ng pag-asa, nung panahong mamamatay na siya, sabi niya "Lord, remember me now, I walk with your righteousnes," pwede rin pala yung ganun, marapat lang siya para sa hinihintay na magandang bunga dahil may maganda naman siyang naitanim. After nito, dininig siya ni God at inextend yung buhay niya ng 15 years pa. (2kings20.3)
okay lang yung ganito, pero wag kang magbibigay dahil sa inaasahan mo lang na kapalit, give because it is a good thing to do, do good because it is right.

Hanggang nabubuhay ang tao, makakaranas siya ng mgaraming karanasan sa buhay. Ngayon pipili ka na lang kung anong klaseng shadow o past ang gusto mong gawin, tandaan mo yung law of karma, what you saw is what you reap. kung puro masama ang ginagawa mo sa buhay mo e di puro masama ang magiging nakaraan mo, pero kung puro mabuti ang ginagawa mo sa iyong present, ang mga past mo ay magiging maganda. Wala kang magiging dark shadows na kakatakutan mo balang araw.
Ayusin mo yung present mo, magiging maayos din ang iyong past at syempre magiging mas maayos ang future mo.

Dahil diyan may iiwan lang akong isang tula:

Shadow
by donfelimonposerio

Everytime the dark take its route
by the ocean of the sky and stars road
my heart was filled with solemn mood
speechless cries, doing naught I could

Shadow of the past running through my veins
The weight of wounds seems tragically untraced
though it's been a years that fades as rain
that nothing can wash this feeling at pain

Pushing to forget was so hard to do
with the one whom you love so true
to your heart the strength have been tried to cope
even though you are losting your hope

Can't stop the feeling of blaming inself
moreover this pain is because of you
even if you don't meant or you didn't knew
the shadow means to leave the old views.
-033009


/JC-tgbtg

WORRY FREE

WORRY FREE...

(Bible)

                      Naalala ko ang linya ng kantang ito "Don't worry -be happy! Don't worry -be happy!",
Naalala ko ito dahil sa aking problema kanina, bakit nga ba ko nag-aalala, bad trip tuloy ang araw ko e. "Don't worry -be happy! Don't worry -be happy!", naisip ko wala naman kasing taong walang problema -o kung meron man malamang poproblemahin niya rin kung bakit wala siyang problema! None of us are immune from the problems of life but sometimes it tend us to worry. Lagi tayong nag-aalala, nangangamba o natutuliro kapag may problema na.
But as we all know, when we worry, we double all our problem. Imbes na isa lang problema mo, nang nag-worry ka na ay naging dalawa na. Gaya nang sumulat ng kantang "sana, dalawa ang puso ko, di na sana nalilito..." ang problema ng lalaki ay kung sinong pipiliin sa dalawang babae, syempre dahil kailangan niya nang pumili ay nalilito siya, nagwo-worry na siya, nag-aalala siya kung pipiliin niya yung isa ay baka mawala naman yung isa at ang resulta nito -humiling siyang sana dalawa na lang ang puso niya. E yung isa nga lang ang puso niya ay problema na, paano pa kaya kapag naging dalawa ang puso niya? e di naging dalawa ang problema niya?! dagdag alalahanin pa ang nangyari, di ba?
Ganyan ang nangyayari kapag nag-aalala tayo, wag masyado mag-alala sa mga problema, hindi nakakatulong ang pag-aalala. Negative karaniwan ang dala ng worry.
As the question says, (27.) "which of you by worrying can add one cubit unto his stature?"
Sagot --> WALA! Hindi madadagdagan ng kahit ilang sentimetro ang buhay mo kapag nagwo-worry ka!

Ang worry ay kaisipan, larawan, emosyon na negatibong kalikasan ng tao na nabubuo sa isip.
Sa ibang paliwanag, ito ay labis na  reaksyon sa isang sitwasyong karaniwang di pa nagaganap.. means OA Syndrome, over acting.
-kapag sobrang worry naman ito ay anxiety disorder (sakit na pag-aalala), ito ay karamdaman na ibig sabihin dapat ay ginagamot. Dahil kung pinabayaan ay lalala, at hindi makatutulong sayo dahil sa epekto nito.
It affects our physical and mental aspects:
A. physical
*Sweating - lagi kang pawisan, dahil sa hindi normal na paghinga kapag nagwo-worry ka, nabubuo ang init sa katawan -yung body heat na yun ang pilit lalabas sa mga butas sa ating katawan, turned into sweat. pag piniga mo yung panyo mo -makakapuno ka ng isang timbang pawis.
*Increase Heart Beat / Blood Pressure - anlakas ng kalabog ng puso mo lagi. Abnormal na yung heart beat mo, minsan dahilan pa ito ng heart attack
*Shortness of Breath- halos di ka na makahinga dahil sa problema mo, ang normal breath -hindi yung hingal aso na putol-putol, dapat pag-inhale mo lolobo ang iyong tiyan, kapag nag-exhale liliit ang tiyan (iyon yung balloon breathing) para normal ang daloy ng hangin sa iyong katawan -at maayos ka nakakapag-isip dahil umaabot ang hangin hanggang sa iyong brain, narerefresh ang mind mo.
*Chest Pain and Stomach Ache - dahil sa abnormal rate ng tibok ng puso kapag nagwo-worry tayo sumasakit naman ang ating dibdib. kaya nga kapag may problema ka 'huwag mo masyadong dibdibin, dahil may likod ka pa!" hindi yan joke! dapat talaga na hindi mo dinidibdib ang problema -dahil ang gagana sayo ay ang iyong emosyon, ang iyong damdamin, e hindi naman nakakapag-isip ang puso -ang utak dapat ang paganahin dahil kung puso - it causes another problem. gaya ng
*stomach ache, dahil sa halos di ka na makakain kakaisip ng problema mo ay wala ka nang gana. busy masyado sa kakaisip, gutom na ang sikmura di mo pa pinapansin dahil pag nagwo-worry ka, isip ka nang isip sa problema mo, para kang nagpapakain ng utak mo. Ang pagkain ng utak ay mga ideya kahit negative o positive na ideya pagkain yan ng utak. busog na ang utak mo sa mga negatibong ideya dahil sa pag-aalala (pero dahil negative na ideya iyon ay hindi naman nakakatulong, para kang kumakain ng junk foods) pero kung positive ang ideyang pinapakain mo sa utak mo -may benepisyo yun sayo, maiisip mong dapat ka pa lang kumain, para may lakas kang harapin ang iyong problema)
*Pacing Back and Forth
-pabalik-balik na lakad, paroon-parito, nakakahilo ang taong makikita mong ganito, ang dahilan nito ay ang disturbed mind, gulong-gulo ang isip na halos nagre-reflect na sa physical.
*Negative Self-Talk - yung naiisip mo, nasasabi mo na, kaya lang negative naman ang lumalabas sa bibig mo. Halimbawa, may problemang parating, nag-aalala ka masyado sa problema na yun..
"may  exam sa lunes, may exam sa lunes, me exam?! baka bumagsak ako baka bumagsak ako," isang linggong iyan ang bukambibig mo -kaya dumating ang araw ng exam, ayon bagsak nga.
*Tensyonado/ muscles weaknesses -halos di mo na makontrol yung galaw ng kamay mo, nanginginig ka na sa sobrang panic. minsan nagiging mali-mali na, nagtitimpla ng kape -ang nailalagay ay asin imbes na asukal. ambilis magulat at matakot.

B. And worries  affects your mental aspects:
*Unfocused/ Lost of Consentration -kapag nag-worry ka, imbes nakatuon ka sa solusyon sa problema ka nakafocus, sa problema ka mismo nakatingin dahil sa andaming gumugulo sa isip mo, di mo na maisip ang tamang isipin.
* Unrealistic Fear- yung tipong takot ka sa mangyayari, kahit di ka pa naman siguradong mangyayari. parang pagkatakot sa multo dahil lang may nagsabi sayong nakakatakot ang multo ay takot ka na rin sa multo, kahit na hindi ka pa naman nakaranas makakita nun; takot lumabas ng bahay baka mautangan, takot lumabas ng bahay baka singilin ng inutangan. Fear because of worry.
*Uneasiness - nag-aalala kang baka di mo magawa dahil na negatibo ang nasa isip mo, "di ko kaya ito, ang hirap-hirap naman nito!" dahil sa worry, yung maliit na problema, lumalaki, noong una magagaan lang naman yung problema pero dahil sa pag-aalala mo bumibigat tuloy, resulta? hirap na hirap kang dalhin, uneasiness.
*Restlessness /Insomia - walang peace ang utak mo kakaisip sa problema. kaya ayon pagod na ang utak, hindi tuloy maalalang dapat din palang natutulog kapag oras ng pagtulog. at hindi maganda ang nagpupuyat ka kakaisip sa problema
Naapektuhan ka masyado sa problema, ang hindi mo alam it affects you a lot.
Meanwhile, may tinatawag tayong good worry and it has a positive affects, ito yung mga precautionary:
halimbawa, you must to fasten yourseat belt, dahil mahirap na baka kapag nabunggo ang sinasakyan mo e hindi matagpuan ang bangkay mo;
kumuha ka ng life insurance dahil kailangang nakakasiguro ka na kapag may natigok, hindi ka mabibigla at mananangis - dahil sa napakamahal na gastos sa pagpapalibing. Dahil sa mahal ang mabuhay, mahal din ang mamatay;
babagsak ka na sa trigonometry subject mo, kaya kailangan mong mag-focus sa pagrereview.
This precautionary tends you to do what is right thing to do, by such situation in order to avoid the risk or worse result, but when talk about excessive worry, it happens when we problems our problems. yung sobrang worry ka dahil sa pinoproblema mo nang husto ang iyong problema, resulta? problemado kang talaga!
                    So, wag kang magworry kapag may problema ka instead, Focus on the solution of your problem- gumawa ka ng hakbang para malaman mo ang solusyon sa problema mo. Ano ba yung issue? dapat alam mo muna kung ano ba talaga ang problema? Mamaya nagpapanic ka kaagad e mali naman ang pagkakaintindi mo sa problema. Analize your problem, kung alam mo ang problema, makakahanap ka tamang solusyon.  Be worry Free, have a good mind, anyway... The best solution lies upon the words of our superior and it is written in the scripture:
But Seek first the kingdom of God and His righteousness and all these things shall be added to you. mat.6.33   imbes na andami dami mong hinaharap na problema ay humarap ka sa God. God is the solution of our problem! How?? Seek God first, anuman ang mangyari sayo, ano man ang sitwasyon mo seek God first. God can make away and God is the way. :)

remember this song --> "Don't worry -be happy! Don't worry -be happy!", or replace the song "Don't worry -be faithful! Don't worry -be faithful!",


/JCtgbtg

REJECTED


REJECTED
(Bible)

"I am a rejected man but see how this natural state of every people turned into a big challenge for me who never quit!"-donfelimonposerio


                    Hindi lahat mapi-please mo. Maaaring yung iba tatanggapin ka, paniniwalaan ka, pero di mo maiiwasang may magre-reject sayo, hindi ka tanggap, busted ka, hindi ka paniniwalaan -in short, certified rejected.

Lagpas na sa mga daliri ko sa dalawang kamay ang bilang ng mga babaeng nambusted sakin noon. Masakit? Oo, syempre naman! asuming ba naman e. Ang mali ko siguro e masyadong mataas ang standard ng mga babaeng napupusuan ko. Since everyone looking for perfection in their life or at least almost at the rage of their standards -kaya ako ang rejected madalas, kasi nga aminado akong hindi ako aabot sa pamantayan nila. Pero hindi parin ako huminto, sabi nga 'try and try until you succeed! pero hindi na sa panliligaw kundi sa bawat hamon sa buhay!

Kapag nare-reject ako, oo, nakakadismaya, syempre masakit talaga, nakakawalang gana, nakakastress and worst? Mag-nervous breakdown ka! o mag-commit ng suicide.
kahapon nabasa ko yung balita tungkol sa batang uminom ng zonrox dahil sa nalamang nagpo-prosti ang nanay niya. Ayon, 50-50 siya pagdating sa hospital. Nang tinanong ng midya kung bakit siya nagtangka -ay dahil raw sa pang-aasar ng kanyang mga kaklase "na anak siya ng isang prosti!"
napakaraming kaso ng ganito, na dahil sa nararanasang rejection sa lipunan ay nasisira ang buhay, nagpapakasama, nagpapakamatay, nagiging rebelde, nagiging maramdamin at bumababa ang self-esteem.
Maraming napapabilang sa mga samahan ng mga rejected, "sovereign group of rejected one," mga kasamahan ni Hanamitshi Sakuragi -ang no. 1 busted pagdating sa mga babae. pero ang no. 1 busted na ito ang naging hari ng rebound, ang nagiging alas ng basket ball team ng syohoku -sa cartoon film na Slamdunk.

In real life, minsan kung sino pang mas maraming rejection ay iyon pang nagtatagumpay sa huli. Dini-discriminate noon, hinahangaan ngayon; binabalewala mo noon, hinahangaan at hinahabol mo ngayon.
Grade 1 ako dati ang taas ng tingin ko sa sarili ko -dahil ako ang pinakamatangkad sa klase, pero pagdating ng grade 4 -ang taas na ng tingin ko sa mga klaymeyt ko -tinitingala ko na sila -nagsitangkaran sila at ako? Consistent! hindi man lang tumaas kahit ilang sentimetro, naging grade 5, grade 6 -wala na talagang nadadagdag sa height ko at ang nakatutuwa, patuloy sa pagtangkad ang klasmeyt ko nung gradeschool ako. buti na lang noong ako pang mas matangkad sa kanila e wala akong binubully ni isa sa kanila, dahil andami pala nilang mambu-bully sakin kung nagkataon.

Na-realize kong hindi pala dapat talaga nangmamata ng tao -dahil hindi mo alam ang mangyayari balang araw. kung minamaliit mo ang mga bata sa ngayon dahil ang tingin mo ay mas may edad ka na. Asahan mong darating ang araw ay ikaw naman ang mamaliitin ng mga batang iyan, dahil sila naman ang tatayo sa pwesto mo -at ikaw ay tatanda at lilipasan din ng kalakasan, magiging matandang hukluban ka!
Tingnan mo si David - isang batang tagapag-alaga ng mga tupa pero nang nakipag-alaga ng mga tupa pero nang nakipaglaban siya kay Goliath at nanalo ay naging hari siya ng Israel.
Noong una, natatawa lang sila kay David, "Isa ka lang bata, hindi ka pwede dito! mag-alaga ka na lang ng tupa! hindi mo kakayanin si Goliath, ang laki-laki niyan!" nire-reject siya pati ng kanyang mga kalahi.
But this rejected man was exalted by God! It is written, pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. 28. pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga at walang kabuluhan sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang mga itinuturing na dakila sa sanlibutan. (1 cor. 1.27.28)
Nakakahiya nga naman kung yung dati mong nire-reject ang siyang magre-reject sayo? mas masakit iyon di ba? kaya nga kung tunay kang marunong -magha-humble down ka e, kasi alam mong hindi mananatiling bata ang mga bata -dahil tatanda din sila. ang mahihina ay maaaring maging malakas, ang mahihirap ay may kakayahang yumaman kung gugustuhin. Ang mga rejected ay maaaring man-reject balang araw.

sabi nga, no one is perfect! kaya huwag basta-basta magju-judge ng tao.
Hindi siya maaaring maging perfectly weak -o may perpektong kabobohan, perpektong katangahan, perpektong kapangitan -no one is perfect! ibahin mo ang pamantayan mo sa buhay. Consider people's imperfect qualities, ang kakulangan, at weaknesses ng tao.  Lahat naman tayo ay may kahinaan, at bandang huli mare-realize mong wala ding halaga yung pamantayan mong sinusunod sa buhay.
Kahit na sabihin mong ikaw na ang pinakamayaman, ikaw na pinakamatalino, kamukha mo na si haring Solomon sa bible -one of the richest and wisest man in the world in his time - pero bago siya mamatay sabi niya "vanity oh vanity, everything is vanity,"
galing yan kay Solomon, wala raw kabuluhan ang kanyang kayamanan, ang kanyang karunungan. why? bakit kaya? sapagkat nakalimutan niya si God! naimpluwensyahan siya ng kanyang 700 na legal na asawa at 300 na kabit (na may kanya-kanyang diyos na sinasamba) unknowingly he rejected God, what's the will of God in his life.  Sa bandang huli, God rejected him. That's the reason why he said that everything is vanity. kasi tanggap ka nga ng lahat, tinitingala ka ng lahat, pero rejected ka naman kay God, wala rin! gaya sa pamilya, kahit na ikinararangal ka ng ibang tao, pero hindi ang magulang mo e parang balewala din.
Mas mabuti pang isang mahirap pero may Diyos ka; Mas mabuti pang isang mangmang pero may Diyos ka, sapagkat iba ang pamantayan ng Diyos. Kung sa pamantayan ng iba ikaw ay rejected, sa pamantayan ng Diyos you are exalted!
Bakit? ano bang pamantayan ng Diyos?
              Kung ang tao ay may sariling pamantayan sa pagtanggap ng kapwa- gayon din ang Diyos -ngunit hindi siya sa mukha lang nakatingin, kahit na anong hitsura mo -wala siyang requirement na para matanggap ka ay kailangan you have a pleasing personality. At hindi sa utak, or sa I.Q mo, sa taba ng utak mo Siya nakatingin (na dapat kahawig mo si Einstein) dapat certified gifted child ka at ang ulo mo'y kasing taba dapat ng ulo ni Jimmy Neutron.
Sa puso nakatingin ang Diyos? pinili ng Diyos - si David na isa lamang pastol -na sa panahon niya ay pinakamababang uri ng trabaho.
Sa puso nakatingin ang Diyos, kahit na ikaw na may pinakamatabang utak ngunit hindi ayos ang puso mo -then you are rejected by God.
Kaya kung tayo man ay nakatanggap, nakararanas ng rejection, be still! huwag tayong mawalan ng pag-asa, wag kayong magpaapekto. Ano naman kung ayaw niya sayo? Ano naman kung nire-reject ka ng tao? you cannot please everybody -know what is more important and that is how you pleases God.

We may notice, between the professional preachers and eloquent speaker -are they the same? Even though they are speaks about same verses -or about bible?  It has a big difference -some speakers rely on their own ability -in their mind, but the true preacher relies on power of God, on the Holy Spirit that helps them to deliver the message of the Lord.

Imagine, even satan uses verses, scriptures. They know God too; pero God knows what's in their heart! alam ng Diyos ang nasa puso ng bawat isa sa atin!
kapag ang pamantayan mo sa isang tao ay hitsura at utak lang -mapapahamak ka! Look at their heart, ano ang desire ng kanilang puso. Anong nasa puso ng isang tao?
kasi kapag mayaman ka - hirap paniwalaan ng isang mahirap sapagkat angat ka sa kanila. kung ikaw ay taong matalino -ang hirap paniwalaan ng isang taong sa palagay mo'y mangmang -sapagkat angat ka sa kanila! Sapagkat iba ang pamantayan mo! That’s the reason why we rejects people! paano ka nga naman maniniwala sa taong average lang -e above average ka?
Mayaman sila -paano sila maniniwala sa isang mahirap na preacher?? kaya nga karaniwan sa mga Christian churches ay mga mahihirap. mas maraming mahirap kaysa mayaman. (When talks about economical)
Madalas, ang mayaman dahil may pera -may option pa siya  sapagkat may inaasahan pa siya -ang kanyang yaman. Pero ang isang mahirap dahil sa kawalan -mas nagiging masunurin, sapagkat kung mawawala pa ang Diyos sa kanila ay wala nang matitira para sa kaniya. sapagkat ang Diyos na lang ang kanilang pag-asa.
Kaya nga rin madalas kapag mataas ang tingin mo sa sarili mo, ikaw ang magre-reject.
Like in the writing -there are lots of grammar Nazis and an intellect one. bubuo sila ng pamantayan na dapat sundin -ang lihis sa pamantayan na ito ay mali, rejected, hindi katanggap-tanggap. magpapauso ang tao ng isang bagay na dapat gayahin kapag hindi ka ganoon o wala nun - hindi ka IN! Out of place ka! IN ka ma kapag may FB, Twitter, Instagram ka; IN ka kapag fans ka ng K-pop, In ka kapag may electric cigarette ka, In ka kapag kikay, or Bench body ang katawan mo; In ka kapag wala kang kilay; In ka kapag updated ka sa mga gadgets.
Pag hindi ka nakasabay sa pamantayan na ito, rejected ka.
Hey! Do not conform to this world. Huwag kang umayon sa sanlibutan -as long as umaayon ka sa pamantayan ng sanlibutan -you will always feel rejected.
Thus, conformed to our Lord because the ways of God is not the ways of this world. If you are rejected, kay God ka lumapit at kumapit.  He will understand you; Even Jesus Christ is being rejected by Jews people. Even the disciples are being rejected St. Paul rejects himself.

Kung nire-reject ka ng ibang tao lalo kang tumayo, lalo kang ma-challenge. Sabihan ka man, "wala kang kwenta! hanggang diyan ka na lang sa kinalalagyan mo!" wag kang magpapaapekto! patunayan mong may kwenta ka. ipakita mo sa kanilang nagkakamali sila! aangat ka sa buhay, mababago rin ang kalagayan mo!
sabihin mo sa sarili mo lagi, "mali ang sinasabi nila! balang araw!! "
Subukan mo ito nang ayos ang iyong puso at buong tiwala sa Diyos. God will give you strength to make things possible. huwag kang matakot sa rejection, pero wag mo ring tanggapin. labanan mo, 'SET YOUR MIND INTO POSITIVE!'
Sa utak ang labanan niyan e, think God and be positive! ang mas nakakatakot ay i-reject ka ni God! mas lalong wala ka nang kakampi.

"If God is with us who can be against us?
but if God is without us, who can be with us?"

:) (JC-tgbtg)

PROMISE, GAGAWIN KO LAHAT PARA SAYO

promise, gagawin ko lahat para Sayo
(Bible)

              Natatakot ako na baka isang araw, hatakin ako ng kahinaan ko.. at yung sinasabi ko Sayo na promise Ikaw lang ang mamahalin ko, at ibibigay ko Sayo yung the best ko. Natatakot akong mabigo lang Kita. Mahina ako. kahit na sabihin ko, lalayuan ko na yung mga bisyo ko. titigil ko na para Sayo. kahit ang hirap, parang nangangati yung palad ko, pati lalamunan ko. gusto kong takasan at kung maaari hinding hindi na lilingunin..
pero hindi madali para sakin.. masyado akong naimpluwensyahan ng mundo noon. matagal umikot sa kamunduhan ang buhay ko. noong wala Ka pa, kung sino-sino at kung ano-anong tina-try ko. napamahal ako sa bisyo ko. which is, ikinatatakot ko na mahatak ako nito at mapalayo Sayo ngayon. lalo na, nalaman kong mabilis Kang magselos, bagay na lihim kong ikinatuwa. sino Ako para Ikaw pa ang magselos. hindi ko nakakalimutan, ako yung nagpumilit na isiksik ang sarili ko Sayo. though I am not deserving for Your love. ewan kung noon naawa ka lang sakin kaya tinanggap mo ko. Pero sobrang thankful ako dahil doon, pero sana mas pagpasensyahan Mo pa ko. wag kang mag-alala, itina-try kong magbago kahit paunti-unti.. ASAP yun promise.

kung pwede nga, lagi akong nakablind fold para di matuksong tumingin sa iba.. kahit sabihin kong kaya kong pigilan ang sarili ko. hindi natin masasabi, mapaghangad ang laman. madaling mahulog sa pagkakasala. alam ko, mumultuhin parin ako ng nakaraan ko. hahanapin ko sa sistema ko ang mga dating kinahiligan, bisyo at libangan. kaya sana mas higpitan Mo ang kapit sakin, at ang pasensiya Mo. di ba nga, tao lang nagkakamali.
pero hanggat nandyan Ka kakayanin ko. huwag Mo lang akong iiwan. kahit anong mangyari.. please..

Sana kahit hatakin man ako ng mundo o ng anumang balakid satin, sana wag Mo kong bibitawan. Sana ipaglaban Mo ko.. at lalaban din ako, sa tulong Mo, ng care at incouragement Mo sakin at sa ipinapakita Mong pagmamahal magiging faithful ako Sayo at mabubuhay na pinanghahawakan ang sinabi Mo sakin, "Minamahal Mo ko.. noong una pa lang." ... Kaya thank you... wag Mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. promise, totoo yan!

AYOKONG MAWALA KA PA SAKIN

Ayokong mawala Ka pa sakin
(Bible)

               Noong nakilala kita, bless na bless ako. Mula nang maramdaman kong may care Ka rin sakin. sa lahat ng mga text ko at tawag, nagrereply Ka agad, nagrerespond. Ikaw na talaga! Kahit na sinasabi ng mga tropa ko na mahirap daw ang long distance relationship. pero di ko naman yun ramdam at kailanman, hindi Mo pinaramdam sakin na may distansyang nakapagitan satin..
Kaya nga buo na sa isip at puso ko, kakayanin ko lahat ng ito at lahat gagawin ko para marestore yung relationship natin.
Gusto ko yung forever na. hindi nanlalamig, nagdududa. walang lost of connection, walang cool-off at walang break-up.

           Basta ako, iisipin ko lang na Ikaw na ang una at huli ko, Sayo lang ang buhay ko, at walang ibang kukumpleto ng mundo ko kundi Ikaw lang. di ako maniniwala sa mga naninira satin o silang magaling magpayo na huwag daw akong masyadong stick-to-one, na bakit daw ba pinaprioritize Kita kaysa sa career ko. a, bahala sila! Mas mahal Kita kaysa sa kanila. Kung dota ba o Ikaw? Syempre Ikaw. Walang halong trash-talk. at first, ano bang pakialam nila satin. hindi naman sila ang nakakaramdam ng ganitong pakiramdam. tatakpan ko na lang ang tenga ko sa kung ano mang gusto nilang sabihin. Hindi na ko ulit makikinig sa kanila.. pinagsisihan ko na iyon dati nang nakinig at sumama ako sa kanila, sa mga tropa ko, thursday ng 7pm nun, magkikita sana tayo sa Q.C Circle. kaso, hindi ako nakarating. mahina pa kasi ako noon, tipong kapag naudyukan, sasama agad. sabi kasi ng mga kasama ko, saglit lang.. ilang minuto lang. e, napasarap ng kwentuhan. tapos, biglang naglabas ng hard-drinks (pasensya na, sabi ko Sayo hindi ako umiinom pero i lied! Sorry)
Nilansi nila ko nun. sabi ko, wait.. isang shot lang ha! May lakad pa kasi ako mga adre. Ang isang shot.. naging dalawa, apat, anim na shot. ayon! Bagsak. lulugo-lugo pauwi, tumatawag ng uwak. uwak. Maasim na suka.. nasa isip Kita pero masyado akong mahina to resist. sa mind ko, kahit medyo bangag, dala ng tama ng alcohol, umiikot ang paningin binabanggit ko yung name Mo.

Humihingi ng sorry sa isip. alam kong naghintay Ka sakin nun. sorry talaga.
After nito, pinangako ko na talaga sa sarili ko, promise.. last na 'to. di na ko tatayo sa daraanan nila. magyaya man uli sila sakin, di na ko sasama at mas pipiliin Kita.. at the fist place, dapat hindi na sila ang kasama ko. Lagi Mong sinasabi sakin, and I admit it - bad influences always lead you to distraction and ruin your life. for them kasi, na dapat i-enjoy lang ang lahat. no restriction. no law. but just the freedom to fulfil the emptyness of their senses. kumbaga, kung ano ang in, they hang-out!

                 Kinabukasan, lumuhod ako Sayo. I wait for the punishment. I know, I lied. what I have done, is worth for Your unforgiveness. but surprisingly, You've done nothing. akala ko hindi Mo na ko noon tatanggapin, kung ano-anong pumasok sa isip ko. baka sa isip Mo, kinasusuklaman Mo na ko, o isinumpa kaya.which is alam kong hindi ko talaga makakaya, kapag nangyari yung kinakatakutan ko na totally i-ignore Mo ko't hindi na pansinin kailanman, na kung mangyari, ikamamatay ng buo kong pagkatao pati kaluluwa ko.
Sa pagkakaluhod ko noon, itinayo Mo ko. hindi ako nahihiya, makita man ng iba na lumuluha ako na parang bata. pinahid Mo yung luha ko. binulong sakin, "pinapatawad na kita". parang malamig na hangin, alam kong narinig ko 'yon galing Sayo.
Bigla akong narevive, at nagpromise ako, crossfinger, cross my heart -magiging faithful na ko Sayo. bawat araw, bawat oras promise ko -Ikaw lang.

Blessed na bless ako noon. Siguro lahat ng taong makatabi ko halata nila 'yon. Hindi ko ililihim, hinahanap-hanap kita lagi. kahit nasa school ako, o nasa bahay at kahit saan man. bukambibig ang Iyong Pangalan. Tipong araw-araw kinasasabikan Kang makausap, makasama.
Tapos hinihiling na sana.. sana forever na 'to! Wala nang cool-off o break-up.

                  For me, distance is not a wall between us.
because our connection is from the deepest they could ever emagine -from eternity of our soul.

Psalms 108:1

DONT JUDGE THE BOOK BY ITS COVER

“Dont judge the book by it's cover"
(Bible)


Hey! Dont jugde the book by its cover
because we're not the cover but the essence of the book.

                   Tayo ay mga buhay na libro. May sari-sariling istorya, kwento, kasaysayan at esensya. Sinulat sa mundong ito ayon sa itinakda ng iisang Author -ang pinakadakilang Manunulat.
Sa henerasyon natin, na printed na ang pagkakagawa mahirap tukuyin kung alin ang talagang gawa Niya. Napakarami ng mga copy-paste na lang. Emitation from the original. It means wala nang originality. In our generation -the printed books, there's a lot of emitation. Kakaunti na lang ang unique, ang orihinal na kopya ng Diyos, cause even a books can multiply itselves, using photo-copying machine. Result? It is so hard to distinguish which is the original God's handwritten books?

           Anak ng manunulat ang kanyang mga libro ngunit dalawa lang ang kinapupuntahan ng anak. Kung masunurin na anak? Syempre ilalagay ka sa good shelves -sa maayos na lalagyan. Kasi nga ikaw yung libro na hindi sakit sa ulo. Doon ka sa safety ground. Kung anak kang suwail? Hindi nagpapagamit sa kanya? Ilalagay ka sa lugar na hindi masyadong pansinin, doon sa tambakan ng mga hindi na binabasang libro, kasama ang alikabok, ipis at anay at kung minalas? wala nang halaga ang pagiging mong libro. Pwede kang gawing pantaklob sa ulo kapag umuulan, madalas nababasa (ng luha ) o kaya'y pwedeng paningas sa de-uling na kalan... but still may pag-asa pa! dahil private library ng God ang world na ito...

Binabasa ng Manunulat ang kanyang isinulat -ang kanyang obra maestra. For God is a proof reader also, for any mistakes, mis-spelled, wrong grammar, He corrects it, by His will. All things work together for good.. at walang karapatan ang libro na magreklamo, bakit ganito ang nangyayari sakin, bakit lagi akong nahuhulog sa kamalian? Isa lang ang sagot! Were still in a proof-reading process para maisulat tayo nang perpekto sa mata ng Manunulat. Kaya nga sa lahat ng pagkakataong ini-edit tayo o nirerebays, magpasalamat ka dahil may katiyakan kang ang Diyos nga ang Author mo.

Because, satan is also a writer. But only an emitator, a die-hard fanatic of God's great books. Unfortunately, no one can ever copied nor duplicate the works of the Great writer. God's style of writing is one of a kind and satan is still a trying hard copy-cut! Satan's book always has a defect, worhtless, not good at all. Satan's dont know how to create a best awarded books. Then, he maybe asked that what is the secret of God? Is it in a cover?
So satan focus on the cover. The results? lots of living books are in a good cover, but still once you read every pages, as a whole, there's no quality, no perfection, or even no worth at all. A bad books without good contents, not realiable, not in a good wordings because satan is the author.

               Sabi nga, ang libro ay representasyon ng katauhan ng manunulat. Do the characteristic of the Great Writer can be read in you? You are the one can answer this and also it will reflects into your deeds and your words. Your character must be the author's like, to be able to say that you are created by God.

If I know that God is my Author, so what must I do now?

 1. First, Always remember your essence. Your not a cover of the book, you are the essence of the book... Cover may be washed out, fades, but not the true essence of the book. So dont be so Cover-sensitive? Or so much care of your cover.. Be the essence of the book! That's the only way to feel your worth, and true hapiness! So as the title says, “Dont judge the book by it's cover”. No one can say “hey! Look at me, I am better book than you are? Look at my cover? I am beautiful and you are a pitiful, ugly book!   
Rediculous, but truth will reveal. Only the Author can say, what is the most beautiful in His eyes.

2. Second, You are not the author of yourself!
You can not control your situation, you are the book! Not the author. Dont push yourself to control your life. It will only give you so much stress, for eagerly trying to change things or getting things whatever you wanted.. your trying hard, but then in the ends you fell dis-appointed. Hey! We are not in-controlled! And maybe, the Author put you some weaknesses to be able to see your strength. Dont be so much discourage with your imperfection because, God made you perfect in His time.

3. Lastly, Being a God's book, Serve Him as He is your author!
Dont serve your self, but serve your author. Be engage yourself in loving service of God. Some books are made to be a guide, so serve God for being as a guide!! Books are made to give wisdom and knowlegde, so serve God for giving wisdom and knowlegde. Some books are made to give rules and regulations, so serve God for giving rules and regulations. Some books are made to inspire others, so serve God as you inspire other! In short, be a good book! Magpagamit ka sa Lord. Know your ability.. then use it to serve God!

When the time is fulfilled, all bad books, books that He is not the author will be put on fire. For their every pages, every words, every sentences, and even the cover will turned into ashes.

Now, the question is... “Who is your Author?”

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...