SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Linggo, Oktubre 4, 2020

ETHNOGRAPIYA: ISANG METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK

 ETHNOGRAPIYA: ISANG METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK

(ang kanilang pagsilip sa kalagayang sosyo-kultural na paksain) 

Ng:

SECTION ___

2nd Sem, S.Y. 2020-2019


Para sa kahingian ng Asignaturang

Filipino sa Iba't Ibang Disiplina (FILDIS)

Global Reciprocal Colleges

Gracepark, Caloocan City


February 2021


PAGHAHANDOG:

Ang Ethnograpiyang ito ay malugod na inihahandog unang-una sa Panginooon na may lalang ng lahat ng bagay sa daigdig at naging dahilan ng pag-iral ng sangkatauhan,

Sa mga magulang ng bawat isa, na laging nariyan upang sumuporta sa amin, sa pinansyal, sa pisikal at sa malawak na pang-unawa at pagmamahal,

Sa Global Reciprocal Colleges

Gracepark, Caloocan na aming paaralan, at sa bawat guro namin na matyagang nagtuturo, naghuhubog sa aming kaalaman at naglalaan ng kanilang mahabang pasensya sa bawat estudyante, 


Sa aming kamag-aral, na naging kabahagi sa bawat karanasan -lalo na sa pagbuo ng ethnograpiyang ito,  na nakasama namin sa panahon ng pag-oobserba at sa panahon ng paglalapat nito sa papel, 


Sa mga taong naging kabahagi ng aming paksa, mga nagpaunlak na maging pokus ng ethnograpiya ng bawat grupo, mga nakapanayam at malugod na nagbigay ng kanilang kaalaman, pahayag at opinyon, 

Sa mga susunod pang mag-aaral na gagawa ng ethnoggrapiya -sana'y maging ehemplo ito sa inyo -bagama't alam naming maraming pang dapat na isaayos upang mapaunlad ang kakayahang magsaliksik at magsulat,

Gayunpaman, sa lahat... para sa inyo po ito.

              -Mga Mananaliksik

                                                                 

PASASALAMAT:

  Lubos naming pinasasalamatan ang dakilang Diyos na makapangyarihan, na puno't dulo ng lahat sa daigdig at patuloy na nagbibigay ng pagkakataon sa bawat nilalang na masaksihan ang kagandahan ng kanyang nilikha,

 Salamat sa aming mga magulang na hindi nagsasawang gumabay sa amin, at sumuporta sa amin sa aspeto ng pinansyal, pisikal at sa kanilang pag-unawa, at pagmamahal na hindi matatawaran, 

 Salamat din sa Global Reciprocal Colleges

Gracepark, Caloocan na aming paaralan na aming lunduyan ng katalinuhan at karunungan,  at sa bawat gurong naririto na naghahandog ng kanilang kahusayan sa kanilang larangan, naglalaan ng kanilang oras, buhay at di matatawarang dedikasyon sa pagtuturo at paghubog sa aming kaalaman, salamat po mga mahal naming guro, 

 Salamat sa aming mga kamag-aaral, na nakasama namin sa proyektong ito, naging kabahagi ng ng bawat karanasang nabuo dahil sa etnograpiyang ito, 

sa mga taong nagpaunlak sa amin na makapanayam at maging kabahagi ng aming pananaliksik, maraming salamat po.

              -Mga Mananaliksik

  PANIMULA


  Ang Etnoggrapiyang ito ay isang metodolohiya ng pananaliksik na ang layunin ay tingnan ang kultural na kalagayan, kaugalian at kalikasan ng isang paksa -ang tao – kung saan ang pagtingin ay sa pamamagitan ng pag-oobserba at pagpapartisipa sa paksain. 


Gayundin, ito ay tumatalakay sa biyolohikal, sosyal at kultural na kaligiran na pangunahing talakayin sa “Antropolohiya” -bagamat naging popular na rin sa mga Agham-Panlipunan sa pangkalahatan ang gawaing ito.  Sa madaling sabi, ang ethnograpiya ay isang proseso ng pag-oobserba, pagtingin, pagsipat at pagbibigay ng analohikal na pag-unawa sa pamamagitan ng pagpapartisipa sa isang tiyak na paksa -grupo ng tao o indibidwal man. Inaasahan namin na makatulong ang gawaing ito upang maunawaan ang gawi o kalikasan ng isang henerasyon o ng iba pang grupo ng tao na nakasasalamuha natin sa araw-araw. 


Sa kadahilanang iba na ang takbo ng lipunan sa ngayon, at napakalaking pagbabago ang nagawa ng teknolohiya sa sangkatauhan. Isipin pa na pinapatakbo na ng makina, at teknolohiya ang buhay ng tao. Oo, na naglunsad ito ng sinasabing pag-unlad at mabilisang paglikha ng mga bagay-bagay sa lipunan ngunit hindi natin napapansin na may dulot din ito ng hindi maganda sa bawat isa sa atin. 


Mahirap na ang panlipunang pagtingin -lalo na sa mga kabataan- dahil sa epekto ng teknolohiya, nagiging makasarili ang ilan, at nawawalan na nang konsepto ng pakikipagkapwa. Ano nga ba ang pakialam natin sa hindi natin kauri, o ng iba sa atin? Bakit pa kailangang pansinin ang kalagayan ng iba, lalo na sa mga tinatawag nating nasa marginal society, o mga hindi napapansin sa lipunan? 

Isa sa katotohanan, nasa paligid natin sila at nakakasalamuha sa araw-araw, gaya din nating nakikipagsapalaran sa buhay para umiral, ano man ang kanilang kalagayan: 

Kaya nga, sinisikap ng ethnograpiyang ito na magamit ang sosyo-kultural na pananaw ng mga mag-aaral, upang maunawaan at makakuha ng aral sa buhay -hindi lamang sa pang-akademya kundi sa personal na pag-unlad, pakikipagkapwa, pagiging matulungin, maunawain at mapagmahal sa lahat ng nilalang ng Panginoon.

Nag-obserba at nagpartisipa ang mga mananaliksik batay sa kani-kanilang inihaing paksain, gamit ang kakayahan sa pag-unawa, at limang pandama: isinulat ng mga mananaliksik ang anumang kanilang narinig, nakita, nahawakan, nadama, o naamoy man o nalasan, maging ang sariling pagtingin sa naobserbahang kalagayan, anuman ang kanilang paksain:  pagtingin sa kalagayan ng pag-inom ng alak ng mga kabataan?  Ang kalagayan ng isang working student. Pagtingin sa kalagayan ng mga street vendor – sa kung paano kaya kung ikaw ang nasa kalagayan nila? Na buong maghapong nakatayo, nagtitinda, naghahanap ng perang maipangtatawid sa nagugutom na tiyan, na iuuwi sa kanilang pamilya -na paano kung hindi sapat ang kinitang pera? paano kung wala talagang nabenta?? at iba pa. 


Sa pag-aaral na ito, na may pamagat na ETHNOGRAPIYA: ISANG METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK (ang kanilang pagsilip sa kalagayang sosyo-kultural na paksain), tapat ang hangarin ng mga mananaliksik na maipakita, sa pamamagitan ng paglalarawan at pagsasalaysay ng kanilang karanasan upang maintindihan ang pagtinging sosyo-kultural, kritikal na pagsusuri, at kakayahang makaunawa sa kalagayan ng lipunan. Semi-pormal ang pagkakasulat ng bawat kwento, free style o malayang istilo ng pagsulat ang ginamit ng bawat pangkat upang mas mailahad nang matapat, magaan basahin (na di gaya ng mga nakakahong sistema ng pagsulat na hindi mo na makitaan ng pagkamalikhain, at ng kritikal na pagtingin). Gayunpaman, paumanhin sa mga mambabasa, kung makitaan man nang butas, pagkakamali, at kakulangan ang pananaliksik na ito - patunay lamang na dapat na magpatuloy ang ating pag-aaral at kaalaman, lalo na sa pagsipat sa tama at mali, sa kakulangan, at kasapatan ng isang gawain.

Sa wakas, masayang pagbabasa.

    G. Reymond S. Cuison

Filipino Instructor



"MAGHIHINTAY AKO SA MULI NATING PAGTATAGPO"

"Maghihintay ako sa muli nating pagtatagpo"


"Kung talagang para sa iyo ang isang tao, mawala man siya sayo nang mahabang panahon, magkikita parin kayo... kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang hindi dapat," donfelimonposerio
Nagkahiwalay tayo dahil mali ang sitwasyon, dahil hindi tayo dapat magsama. Alam nating ganun ang mangyayari mula pa noong una – pero ipinilit natin ang kagustuhan ng isa’t isa. Nagpakahulog tayo sa ating nararamdaman, hindi pinakinggan ang pagbabawal ng lipunan – dahil sabi natin sa isa’t isa – handa natin itong ipaglaban… basta mahal mo ko at mahal kita, basta magkasama tayong dalawa.
Umasa akong ganun nga ang mangyayari. Pinanghawakan ko yun. Itinanim sa isip ang pangakong di man sinabi ng ating bibig ngunit ipinangako ng ating mga puso. Nagbigay sakin yun ng kasiyahan, ng inspirasyon para maging masaya ang bawat umaga, maging kumpleto ang bawat araw na daraan. Naalala ko ang bawat madaling araw na tutunog ang alarm ng cp ko, 4am -magigising ako, hudyat para tawagan kita at gisingin na rin. Magkahiwalay man tayo, magkaiba ang lugar ngunit parang ang kilos mo at kilos ko ay iisa. Sabay nating ginagawa ang mga bagay kahit hindi tayo magkasama. Hanggang sa paglubog ng araw parang walang distansyang nakapagitan sa ating dalawa, hihigang muli, pipikit, iisipin ang isa’t isa. Magtatagpo tayo sa panaginip at doon ay nagiging malaya tayo. Walang iniisip na mapanghusgang lipunan. Walang hahadlang. Puno ng kasiyahan. Uupo tayo sa lilim ng punong mangga, magkahawak kamay at iisa ang musikang ating pinakikinggan. Pinagmamasdan kita habang nakapikit ka, di mo ko mapapansing nakatitig lang sayo… kinakabisado ko ang hugis ng iyong mukha, ang ayos ng iyong buhok, ang kabuuan mong larawan. Nais ko na kahit sa aking pagpikit ay makikita ko ang maamo mong mukha. Dahil alam kong sa ating pagdilat, magigising tayo sa panaginip, gigising muli ang pangunggulila.
Mahirap para sakin ang kalagayang hindi ko maaaring sabihing akin ka, o ipagmalaking minamahal din ako ng taong pinakamamahal ko. Dahil kahit na nais kong isigaw nang malakas, nang maririnig ng lahat na “Ikaw ang pinakamamahal ko, na masaya ako dahil kasama kita.” Oo, masakit isiping hindi ko ito magagawa. Hindi ko maaaring gawin ang lahat ng ito dahil nga mali, dahil nga hindi maaari.
Alam mo bang gusto kitang ipinta o gumuhit ng larawang doon ay magkasama tayo –para kahit papaano may titignan akong larawan natin. Dahil sa ayaw mo namang magpakuha ng litrato na kasama ako, dahil takot kang baka may makakita nito. Gusto kong maging makasarili at sabihin sayong, “Hayaan mo na nga sila! Wala naman silang pakialam satin e,” pipilitin kitang wag na lang intindihin ang lipunang mapanghusga pero hindi pwede. Alam kong hindi ka makikinig. Ang hirap ng ganito na nagtatago tayo sa mundo dahil lang sa di tama ang ganito o hindi pwede ang ating gusto.
Patawad. Patawad kung napapansin mong nagiging insenstitive ako, siguro dahil nasanay lang ako sa naging sitwasyon natin, bigla na lang nawawalan ako ng reaksyon, nagiging masyadong tahimik sa tuwing may ibang taong nasa paligid nating dalawa, o sa tuwing lagi kitang tinatanong kung masaya ka ba, kung di ka ba nahihirapan, kung kaya pa ba nating panindigan... Alam kong naiirita ka sa mga tanong ko, kaya noong minsang nagtampo ka sakin, ibinalik mo ang mga tanong na yan, "Ikaw! kaya mo pa ba akong panindigan?!" sabi mo sakin. Naghintay ka ng sagot pero wala kang nakuhang tugon. Nasa isip ko nung mga panahon na yan -mahirap ang sumagot, mahirap ang magbitaw ng pangako, dahil madalas tayo nitong binibigo, dahil na rin sa mga di natin kontroladong sitwasyon o hindi inaasahang pagbabago. Sabi ko, "Maghihintay ako, hanggang maging tama na ang mali o maging tama na ang hindi maaari." hindi ko na hinintay ang reaksyon mo. Tumalikod ako. Tumalikod ako upang humarap sa panibagong yugto ng paghihintay. Malayo man tayo sa isa't isa, malayo sayo, malayo sa paningin ng kinaiinisan nating lipunang mapanghusga. Ang mahalaga, may pinanghahawakan ako.
Kaya ngayon, hanggang di pa naitatakda ang ating muling pagtatagpo, araw-araw akong uupo sa krispy kreme at gagawin ang naipangako ng aking puso, "Maghihintay akong may pananabik, hanggang sa muli mong pagbabalik."

SORRY FOR LOSING YOUR TRUST

Sorry for losing your trust

(Bible)
                                                   09/15/14                          
Dear JC,

Hindi na ba talaga kita makikita ulit sa krispy Kreme.
Alam ko, sa paulit-ulit kong pagpunta doon, umaasa parin ako, naghihintay parin na muli kang darating, na muli kang magpapakita. Gaya ng dati, mula sa likuran ko, tatakpan mo ang aking mga mata ng iyong kamay at tatanungin mo kung anong pangalan mo. Hindi ako sasagot dahil hindi na kailangan. Kilala kita. Kilalang kilala ko ang boses mo, ang malambot mong kamay. Kilala na kita, kaya natakot ako nang nagkamali ako. Nasaktan kita at alam kong hindi madali sayo ang magpatawad dahil sa dati ka nang nasaktan, pero ngayon naulit lang... inulit ko lang. Kasalanan ko, nagkamali na ko. Alam kong malabo na ang lahat. Sorry.
I feel being sorry for losing your trust. Alam kong nagkamali ako... nang minsang nalito -nabanggit ko ang ibang pangalan nang minsang kasama kita. Hindi ko naisip na maaring kang magselos. Nahihiya ako. Maaaring iniisip mo -kasinungalingan lang ba ang lahat. Ang pangako na ikaw lang, na handa akong maghintay sayo, na ikaw lang ang mamahalin ko, forever.
Ngayon alam ko na ang pangamba mo -hindi natin kontrolado ang sitwasyon, na maaring sa isang iglap mabali ang mga pangako, ang iniingatang katapatan ay mapalitan ng kasinungalingan, ng paglilihim, ng hindi pagiging tapat. Oo, mali ako. Wala palang forever. Sorry. I did, lost your trust. Now I am afraid of losing you. I clearly see your face in everywhere, but now it slowly fading. No! Too late of fixing my eyes. I don't see any hope for your forgiveness. Your trust is like a mirror, once it is broken by someone, the pieces reflects the broken image to those who broke it. And now, it draws a guilt on my veins. Nahihiya ako na sa isang iglap mabago ang pagkakakilala mo sakin.

Ilang oras ang lilipas sa pagkakaupo ko sa Krispy Kreme, tatayo ako at uuwing nagsisisi, uuwing bigo. Ilalagay ang earphone sa tenga ngunit walang tunog. Dahil alam ko, kahit anong lakas ng kanta, mas malakas ang himig ng kalungkutan. It drives me to put my life to its end.
Bukas, may bagong umaga... pero ngayong gabi bubuo ako ng sariling araw, isasara ang daigdig sa iba upang papasukin ang himig na magtatakda ng huling kabanata. Sorry JC, sana mapatawad mo pa ako.


                                                                                                  - Yours,
                                                                                                     Donfelimonposerio

P.S. Siguro isipin mo na lang na di tayo nagkatagpo, o di mo ko nakilala para di mo maisip na sinaktan lang kita. Sana mabura sa isip mo ang nagawa ko, o kaya ay ako mismo. Patawad.   

LOVE IS A KALEIDOSCOPE

LOVE is a Kaleidoscope
By DonfelimonPoserio

(Bible)

Umibig ka na ba??
 Kung oo, mas makakarelate ka dito...
Alam mo ba yung kaliedoscope? (bakit umpisa pa lang andami ko nang tanong? Pati ito tan0ng din! Hehe,)
Kaliedoscope, it's a kind art work, ito yung parang telescope na kapag sumilip ka maraming kulay, iba't iba.
Sabi kasi, maraming kulay daw ang pag-ibig. Depende sa tao kung anong kulay ng pag-ibig para sa kanila, kulay pink? Yellow? Black? Red?


Well, hindi po literal na kulay ang ibig kong sabihin kundi pananaw tungkol sa pag-ibig.
Maraming ibig sabihin ang salitang love iba-iba.
Depende din sa nararamdaman mo o nararanasan mo, we experience it surely, whether is it, puppy love? First love, platonic love? Agape love? First love? Truly in-love? One sided love? True love?...
Napakarami di ba? Ano kaya ang naexperience mo na d’yan? Anyway, sabi nila, cloud nine daw ang pakiramdam kapag umiibig.

Feels like heaven??

Talaga? Ako kasi never ko pang ma-experience ang umibig. Weh? Hindi, joke lang.. Hihi. ( ^_^)v
Yung first love ko, naalala ko tuloy.. Hihi, pero alam ko one-sided love yun e, pero nakakatuwa lang, naalala ko yung laro dati nung tungkol sa ganitong, crush-crush, love-love.. Yung larong flames,
Yung isusulat mo yung name niyo parang equation:

Hal.     REYMOND CUISON    and              BRITNEY SPEARS
Tapos ang gagawin lalagyan ng cross o ika-cancel yung letters na may kapareha sa dalawang pangalan.
  Bibilangin yung letrang na natira, tapos ito-total,

R
eyMOnD CUisON =    5 BriTney sPEARS =     + 7                                         12

Kung ilan total, yun yung bilang na gagawin mo sa bawat letra ng salitang FLAMES.

F
- friendship L- love A- anger M- marriage E- engagement S- sweetheart
Result samin: SWEETHEART.

Nakakatuwa itong game na 'to dati, o hanggang ngayon ata may naglalaro niyan. Di ko nga lang alam kung anong napapalaya naman sa paggawa nun? Para kiligin?
Yung sakin? Hehe, hindi naman kapanipaniwala yung result nun e. kailan pa naging sweet, ang one sided love?
Anyway, Love has different taste: may mapait may maasim, may mapakla , may maalat may matamis.
May iba-iba kasi tayong pananaw pagdating sa love,  bawat isa may iba't ibang point of view sa love.. Parang ganito sa quotes

[normal point of view]
"if you love someone, set her free...
...if she comes back she's yours if she doesn't, she never was..."

[sa point of view ng OPTIMIST]

"if you love someone, set her free...
...But, don't worry, she will comeback."

[sa point of view ng SUSPICIOUS]
"if you love someone, set her free...
...if she ever comeback, ask her why."

[sa point of view ng IMPATIENT PEOPLE]

"if you love someone, set her free...
...if she doesn't comes back within sometimes, forget her."

[point of view ng PATIENT PEOPLE]
"if you love someone, set her free...

...if she doesn't come back, continue to wait
Until she comes back."

[point of view ng PLAYFUL]
"if you love someone, set her free...
...if she comes back and if you love her still,
Set her free again, repeat."

[point of view ng LAWYER]
"if you love someone, set her free...
...clause 1a of paragraph 13a-1 in the second amendment matrimonial freedom act clearly states that..."

[point of view ng BIOLOGIST]
"if you love someone, set her free...

"...she'll evolve."


 See? Iba-iba ang pananaw natin pagdating sa love.  ikaw, ano ang LOVE para sayo?
Love is full of sacrifice? Love is a rosary? Love is blind? Love conquers all Love seeks good and hates bad Etsetera etsera..

Kapag ang tao tinamaan ng love, hahamakin daw ang lahat, gagawin kahit na parang imposible, handang magtiis handang magsakripisyo para lang sa minamahal. If true is their love.
Si Jacob na-love at first sight kay Raquel na anak ni Mr. Laban. Dahil tinamaan si Jacob ng pag-ibig, kinausap niya si Mr. Laban para hingin ang kamay ni Raquel,
"sige pwede mong pakasalan ang anak ko... Pero magtrabaho ka muna sakin ng pitong taon,"
7 years ang nakalipas nG pagtatrabaho para lang sa pag-ibig niya kay Raquel, natapos niya yun.  disperas ng kasalanan, nagkaroon ng kasiyahan. Nalasing si Jacob at nagsiping sila ng mapapangasawa.


 Kaya lang kinabukasan, nagulat na lang si jacob na si Lea, ang katabi niya. Si lea na mas matandang kapatid ni Raquel ang ibinigay sa kanya. Si Raquel ang mahal niya at hindi si Lea.
So, nagalit siya, at tinanong si Mr. Laban, "anduga mo naman, bakit hindi si Raquel ang ibinigay mo sakin?  Pinagtrabahuhan ko sayo ng 7 years si Raquel,"
Sagot ni Mr. Laban, "sa tradisyon namin hindi pwedeng mauna na mag-asawa ang mas bata, si Lea ang panganay, siya muna pakasalan mo,"
"pero sige, mahal mo ba talaga ang anak kong si Raquel?"
"syempre, oo" sagot ni jacob.
" Magtrabaho ka ulit sakin ng 7 years ulit tapos pakasalan mo na si Lea, "


So, 14 years na nagtrabaho si Jacob sa kanyang byenan para sa mahal niya. Antindi di ba? Well, true love kasi ang naramdaman niya para kay Raquel.

Satin ngayon, 1 buwang nanliligaw, mahaba na yon, nawawalan na agad ng pag-asa, humihinto agad e, nagsasawa agad, e kasi hindi naman true love yun madalas,"
Ano ba ang kaya nating gawin kapag nagmamahal tayo?
Kaya ba nating magtiis? Magsacrifice..
Sabi ng karelasyon, “mahihintay mo ba ako? Hanggang makagraduate ako?”
"bakit pa natin hihintayin na makagraduate ka, e pwede naman nating itago ang relasyon natin,"
If true is your love, kaya ba nating maghintay ng tamang oras?
Kapag natuto tayong umibig, tipong "ayaw mo na, pero gusto mo pa.. Ganyan daw katanga ang umiibig," kahit pinagbabawalan, sige parin. Tuloy parin. Kahit may pader sa pagitan niyo, aakyatin yun, para lang sa pag-ibig.


 Iba talaga kapag nainlove ka na,
Parang nasa ilalim ng hipnotismo..
Minsan natatawa ako kapag nakakabasa, at nakakakita ng mga awkward ang tambalan: mayaman na umibig sa labandera; sobrang pangit sa sobrang ganda; gwapo sa bakekang; matangkad sa unano etsetera etsetera.
Bakit nagkakaganun?
Kasi, it's a nature of a man to be attached in their likes. To be so called, in love.

Ether, love or lust..
Men, always to fall in love by EYES..
And women, by their EARS..
Kahinaan ng mga lalaki ang mata.. Men are visually wired and tempted (and pornography are usually design for men)
Women are usually being tempted by their ears.
(madaling mabola gamitan lang ng mga magaganda't mabubulaklak na salita) sabihan ng maganda, kilig to the max agad.


 Kaya nga mas maraming babaeng naloloko dahil ambilis naniniwala sa mga salitang binibitawan sa kanila ng kanilang mga manliligaw. Kaya madalas maligaw. Nailigaw. Naliligaw).
Sa lalaki, we have a superpower like x-ray vision, sa mata ng mga gumagamit ng ganitong powers nakadamit ang babae pero ang nakikita ay kahubaran pati ng kaluluwa.
Lubb dubb. Lubb dugg. Ang bilis ng tibok ng puso, heart beats, hindi natin kontrolado ang tibok ng puso natin.  Pero madalas kapag nagde-decide tayo, mas pinipili natin ang kung anong tinitibok ng puso natin. Heart is so decietful, wala itong kakayahan para mag-isip. Tumitibok lang ito nang mabilis kapag nakakaramdam ka ng kakaiba sa mga crushes natin, sa mga pinapangarap natin.


               So, when deciding about love, dapat magkasama ang mind and heart.

 You always weighing, balancing the situation. Para iwas pagsisisi sa bandang huli. Para hindi mo sisihin ang puso mo na wala naman talagang kasalanan noong mga oras na kailangan mo nang pumili.
Tanga nga ba ang umibig? na kahit masakit ay umiibig parin?
Love is the fulfillment of our emptiness. But don’t fill up your emptiness with the lust that sometimes we call LOVE.


           Love does not harm.

Mahal mo, kaya ka naghihigpit? Mahal mo, kaya bawal siyang makipagkaibigan, magkaroon ng privacy? Mahal mo, kaya lahat na lang pinagseselosan sa kanya at pinaghihinalaan?
Kapag ang pag-ibig, nakakasakit na, nakasasakal na.. Hindi na yun pag-ibig.

Sino nga ba ang tanga?
Yung iniwan? O yung nang-iwan?
Yung nagmahal nang sobra o yung minahal nang sobra pero binalewala lang..
Hindi tanga ang sobrang nagmahal, mas tanga ang taong minahal nang sobra-sobra ay nakuha pang maghanap ng iba.
Kung ikaw naman ang iniwan?
Huwag mong sumbatan ang taong nang-iwan sayo, dahil hindi naman niya utang na loob ang pagmamahal mo. Isipin mo na lang gumawa siya ng paraan para makita mo ang tamang tao para sayo.
Kung gusto mo ng perfect love?


 Put first God in the center, then it follows in the right path!"
Love God, love other's and also love yourself.


 Umibig ka na ba? Siya, ako iniibig ka… 3

TEMPTATION

Temptation

Temptation
by Reymond Cuison
(Bible)
------------

I am struggling with temptation, I know that everyone does. Common naman yun sa tao. Kung hindi ka tao, siguro exempted ka.

Teka, naisip ko pati hayop ata nakakaramdam din ng temptation? Yung lamok? Alam nila kayang nakakaperwisyo sila dahil sa dala nilang dengue o basta ang alam lang nila ay hindi nila kayang labanan ang temptasyon na sumipsip ng dugo ng tao? ; o kahit yung aso, even sa public place basta makakita ng ka-partner, ayun parang magnet na magdidikit. Hindi nila malabanan ang temptasyon kahit na nakakahiya ang ginagawa nila in public, pati mga bata nakikita ang mga ginagawa nila (naalala ko tuloy dati nilagyan ko ng asin na may sili yung bahaging iyon na nagdudugtong sa dalawang aso, at ayun... karipas ang takbo nung lalaking aso, habang kinakaladkad yung babaeng aso, ngayon-ngayon ko lang nare-realize na bad pala yung ginawa ko) pero kasi naman, wala nang hiya-hiya, hindi na mapigilan ang temptasyon ng katawan.

Yung pusa ng kapitbahay naming kawatan, madalas nagnanakaw yun ng ulam sa bahay ng iba pa naming kapit-bahay, parang pinapangalandakan na magnanakaw ang pinanggalingan niyang pamilya, siguro nga pati hayop nakakaramdam ng temptasyon sa katawan, yung alagang baboy ng kapitbahay namin, parang kadire yung kinakain nila na kanin baboy, ang baboy nun! pero wala e, hindi nila kayang labanan ang temptasyon,

Like what we experience.

Yung temptasyon, maya-maya yan nandyan. parang kumakalat na epidemya, parang sakit, na lahat nahahawa. Lahat striving to survive. lahat humaharap sa temptation. sabi nga, abnormal ka kapag di ka nakakaranas ng temptasyon, na matukso ng kung ano man kasi normal yun. In the first place, hindi mo naman kasalanan na may magtukso sayo o may mag-temp sayo, ang kasalanan ay kapag bumigay ka! kapag nagpadala ka sa temptasyon, yung tipong naudyukan ka, natukso ka at hindi mo na napigilan sarili mo kaya ginawa mo.

Wait, hindi lang naman ito tungkol sa sexual thing e, yung tukso kasi o temptation ay nasa iba't ibang anyo. I mean, maraming ibang uri ng temptasyon.

Halimbawa, you are tempted to take revenge, yung tipong sinaktan ka ng tao, pero pinipigilan mo lang gumanti pero dahil may nag-uudyok sayo na gumanti e ginantihan mo (naapakan yung paa mo, ayaw mo na lang sanang kumibo pero yung nakaapak e nang-irap pa, tapos sabihan ka pang "haharang-harang ka kasi e", nung narinig mo yun... kahit na gusto mong pigilan sarili mo na wag na lang siyang pansinin, pero inudyukan ka ng ego mo at ng damdamin mong nasaktan, kaya nakipagsigawan ka sa nakaapak sayo, at sinapak mo siya);

Naalala ko, para manalo ang team sa basketball nung liga, I was tempted na patirin ang kalabang ace player na binabantayan ko, ayun... sumudsod sa floor ang mukha, dugo ang labi, kaya pinagpahinga, humingi ako ng tawad at pinaniwala silang hindi ko yun sadya, nawala ang ace player ng kalaban, kaya nanalo kami. Hindi ko mapigilan ang temptasyon na maging mayabang, inuudyukan ako ng sarili ko na itago na lang ang pagiging cute ... pero I failed, naipagyayabang ko parin (hehe! joke lang ang isang ito) meron namang hindi mapigil ang inggit at selos, you are tempted to feel that envy and jealousy - kahit na pinangako mo sa gf/bf mo na hindi ka na magseselos kahit anong mangyari kasi nga mahal na mahal mo siya, pero tuwing nakikita mong may kausap siyang iba, e naiinis ka, pinagseselosan mo lahat ng mapalapit sa gf/bf mo -ang ending? ayun, nagtatalo ulit kayo. Paulit-ulit na pagtatalo!

We are tempted to be impatient. Kahit na ilang new years resolution mo na ang pinangako mo na sana'y magkaroon ka ng mahabang pasensya ay hindi parin nangyayari, mainitin parin ulo mo, tinatanong ka lang e nakasigaw ka kaagad. Minsan kahit na gusto mong wag na lang magsalita -but there are always something tempted you to get angry, then next you are tempted to be violent.

Ate ko, di mapigilan ang pagkain, kahit na lagi niyang sinasabing nagda-diet siya: kakain ng konti sa gabi, sandamukal naman ang kakainin sa umaga. Ayun, naimpatso tuloy, sumakit ang tiyan, nagka-ulcer. Ako, kahit ilang beses ko nang plinano na mag-ipon, di parin matuloy-tuloy, laging napupunta sa tindahan ang perang binabalak kong ipunin. There are these temptation in our sorroundings. Temptation to spread gossips, yung di mo mapigilang ikwento ang buhay ng ibang tao, na kung minsan ay di maiwasang dagdagan pa ang kwentong ipinapakalat mo, or we are tempted to lie when we are cornered and other kinds of temptation.

All temptation is from satan. Kasi kung galing yun kay God e hindi iyon makakasira sa buhay mo o sa buhay ng ibang tao, o hindi ka ilalagay nito sa panget na sitwasyon. Pero kahit masama man ay nagagawa parin natin. Bawal man pero nahuhulog parin tayo. Sabi ng iba, kasi 'masarap ang bawal', pero alam natin na ang bawal kapag nilabag mo maaaring may kaparusahan ito, o kaya ay may balik sayo. Kaya kung ayaw mong malagay sa mas malalang sitwasyon, we need to be aware to this temptation. Kasi kung mahulog ka sa tukso ,if we fall into temptation ay walang dapat sisihin kundi ang ating sarili din. Natutukso tayo kapag nadadala tayo ng ating masidhing pita. I mean, kung ano yung ginugusto natin, so choice mo parin kung bibigay ka sa temptasyon o hindi.

Nasa paligid lang ang temptasyon, pero mas maganda kung alam natin kung paano ito maiiwasan o matatakasan. Hindi lang naman ikaw ang nakakaranas nito, may iba rin na nasa parehas na sitwasyon, sa hinaharap na temptasyon sa buhay, pero may ilan na kayang iwasan at takasan ang temptasyon na yun.

To help us para matakasan ang temptasyon, alalahanin natin ang ilang mga bagay na ito:

1. ENVIRONMENT. Maging aware sa mga lugar kung nasaan ang temptasyon, iwasan ang lugar na madalas kang nate-tempt, at huwag dumaan sa daanan ng mga taong laging nahuhulog sa temptasyon.

Para maiwasan ang maging tsismosa, huwag kang lalapit sa tambayan ng mga tsismosa. Halimbawa, sa tindahan kung saan madalas kang bumibili ng suka ay laging nandoon ang mga tsismosa na pinagkukwentuhan ang buhay ng may buhay, na kahit ayaw mong makarinig ng tsismis dahil baka maging tsismosa ka rin, e hindi mo maiwasang marinig ito. So, isip ka ng ibang paraan, pwedeng sa ibang tindahan ka bumili, hindi lang naman siguro iisang tindahan ang nasa lugar ninyo, kung wala namang ibang tindahan, huwag ka na lang bumili.

Basta ganun, be aware in our environment. Kung nagda-diet ka, stay away from eat-all-you-can restaurant; Kung gusto mo nang pigilan ang sarili sa bili nang bili tuwing may pera, stay away from Divisoria, mall or stores kung saan maraming magte-tempt sayo na gumastos; Ayaw mo nang mag-DOTA o mag-computer games, pero lagi kang nasa computer shop, pwede kang udyukan ng nasa paligid na maglaro ulit. Maaaring maging sabungero ang laging nasa sabungan o maging sabog ang laging nasa shabuhan. At gaya ng paalala ng meralco -DANGER: KEEP AWAY! HIGH VOLTAGE! Kasi maaari kang makuryente.

Just be aware on your environment, while we are in this material world, we are so attached on material things -but when we are out in this world -you can also dettached in material things, kaya maganda rin na meron tayong spiritual affiliation para kahit papano e hindi tayo laging naka-focus sa material things, na atleast you are considering spiritual things. You see, kung malayo ka sa tubig, malaki ang posibilidad na hindi ka mabasa at kung palagi ka namang nasa tubig, malaki ang posibilidad na hindi ka matutuyo.
Ganun talaga, your environment are your first potential temptation.


Dahil unevitable ang temptasyon, na bawat galaw mo e may mag-uudyok sayo na maging ganito o gawin ang isang bagay na ito kahit na ayaw mo o pinipigilan mo, dapat kang maging aware sa paligid mo, on your environment para kahit papaano ay makaiwas at hindi mahulog sa temptasyon. Kapag alam mo kung nasaan ang kanal, maaari kang makaiwas sa pagkahulog at kapag alam mo pa kung anong mangyayari sayo kapag nahulog ka ay gugustuhin mo ang huwag mahulog.

Isipin mo, isang bata na nalaglag sa kanal... kadire, ang baho-baho, nakakahiya kasi may tae-tae pa sa kanal na yun. Isipin mo pa na pagtatawanan siya ng ibang batang nakakita ng kanyang pagkahulog, "ang bobo naman! ay! tatanga-tanga!". Tapos pagagalitan pa yun ng nanay niya na mas masaklap e nahulog na nga, nagkagalos na nga, ayun at pinalo pa! tapos maririnig mo yung sigaw ng nagagalit na nanay "sinabi nang wag kang maglalaro BANDA SA KANAL e, AYAN TULOY NAHULOG KA! ANG TIGAS-TIGAS NG ULO MO! KAILAN KA BA MAGTATANDA!"

Then, we realized na tayo yung batang iyon noon, someone gave us a warning, keep away from the place where there's the unevitable temptation. But still, we did.

2. ACCOUNTABILITY. Kapag nahulog tayo sa temptasyon, wala rin namang ibang dapat sisihin kundi tayo rin. kasi nagpadala tayo, kasi hindi natin ito napaglabanan, dahil mahina tayo at mabilis matukso. Pero isipin mo na lang, nakita mong mahuhulog sa bangin yung kaibigan mo, tapos di mo man lang tinulungan, di mo man lang sinabihan, baka sisihin mo ang sarili mo sa pagkahulog niya... that's the issue of accountability.

Kailangan din natin ng makakatulong, ng payo mula sa ibang tao, sa kaibigan at sa pinagkakatiwalaan natin. Kung kaya mong mabuhay mag-isa, e di sana wala nang konsepto ng pamilya, ng mother at father mo, ng kapwa... dahil you can exist by your own. Pero hindi e, yung phrase na "No man is an island," walang buhay sa isang isla nang siya lang mag-isa, merong mga taong napapadpad sa isang isla (gaya nung sa temptation island) pero yung konsepto na "paano nag-exist yung tao doon sa isla? wala ba siyang tatay at nanay na nagluwal sa kanya?" syempre meron, kasi kung wala? ano yun si ADAN? isipin mo, kahit nga daw si Adan, hindi naman nag-exist lang nang siya lang sa sarili niya. I mean, there's was God who created the first man. Hindi ginawa ni Adan ang kanyang sarili, God created man, base sa bible.

Man can't survive by his own, he need to seek help from others. We need to seek help from the other people. When we are sick, we head for the help of the pediatrician or doctor, to albularyo, to manghihilot; you can seek knowledge to our teachers; noon, people confess to a priest para di siya makonsensya sa ginawa niyang kasalanan (kasi accountability ng priest yun); Every people are accountable to everyone. kaya nga, in some part ay may pananagutan ang magulang sa pagkaparewara ng kanilang anak, kung anong natutunan ng estudyante sa kanyang guro, kung anong kalagayan ng mamamayan sa isang bansa ay madalas nasisisi ang pamahalaan.

Yung batang nahulog sa kanal kanina, kung nakinig lang sana siya sa kanya matalak na nanay, sa babala nito na wag maglalaro sa malapit sa kanal, di sana siya nahulog, pero hindi siya nakinig. So, maganda rin yung may nagpapayo sayo at may nagpapaalala para makaiwas at makatakas sa temptasyon o sa tukso.

Pangarap kong tumanda nang single ako, pero itong pangarap ko na ito maaaring hindi ko pa matupad kasi lagi akong nate-tempt na manligaw, yung temptasyon na magkaroon ng girlfriend o ng karelasyon kasi yun ang uso ngayon, at parang ang hirap iwasan, kaya nga ang sabi ko sa bestfriend ko -paalalahanan niya ko lagi tungkol sa pangarap ko, na sabihan niya ko kapag nakikita niyang nate-tempt na naman ako. I badly needed the help of my friends, kasi kung ako lang mag-isa e ang hirap nun. kasi kahit na ipinangako ko sa sarili ko e hindi ko parin masasabi.

Nakakatuwa nga yung mga anak na open sila sa kanilang magulang, yung kaya nilang i-share yung secrets nila sa parents nila- kasi mas malaki ang posibility na magabayan sila, mapayuhan sila tungkol sa nararanasan ng anak, pero dahil hindi lahat ng anak ay ganun sa kanilang magulang o hindi lahat ng magulang ay ganun sa kanilang anak, ay atleast have a friend o people you can trust para matulungan ka sa pag-iwas sa mga temptasyon.

I do sharing my burden to my cat 'Aily', and it is a big ease kapag naikwento ko na yung problema ko about this temptation, kapag nagkukwento na ko sa pusa ko at hindi niya ko pinapansin -narerealize ko, na iyon ang payo ng pusa ko sakin, na yung burden ko dapat hindi ko pansinin. Kasi the more na nagpo-focus ka sa nagdudulot sayo ng temptasyon, the more the possibility na mahulog ka dito.

I do not mean, do a public confession, kasi di lahat ng tao mapagkakatiwalaan mo. Kung nakapanood ka na ng face to face, parang ang ganda kasi the program aims to reconcile the two sides na may conflict. pero paano yung public opinions? anong tingin mo sa kanila? anong tingin ng kakilala nila sa kanila? I did sometimes laughed with these people, na ang landi naman nung babae, ang bobo naman ng lalaki masyadong martyr, natapos man ang kanilang usapin dahil sa mga trio-tagapayo, pero pag-uwi nila sila parin ang usapin... ng kapitbahay, ng buong baranggay, ng bansa.

kung gusto mo maging sikat, okay sige, let it go!

i-share mo ang story mo sa publiko, at mag-abang ka sa sasabihin ng nakapanood nito. Ito yung usapin ng accountability, may pananagutan tayo sa iba, dahil everyone are struggling with temptation, please give help or remind everyone so that we can escape or atleast avoid to fall into it.

Kung ikaw ang magpapayo, make sure na yung payo mo ay makakatulong para malampasan yung problema ng papayuhan mo, remember people seek help kasi kailangan nila ng tulong.

3. PLEASURE AND PAIN. Masarap ang bawal, yan ang madalas kong naririnig. Pero alam nating lahat ng bawal, kapag nilabag mo maaaring may kaparusahan ito, o kaya ay may balik ito sayo na hindi maganda. Be aware on the pleasure and pain. Kung magpapadala ka sa temptasyon ano ba ang mapapala mo? pleasure o pain?

Remember this, kung ayaw mong malagay sa mas malalang sitwasyon, we need to be aware to this temptation that telling us to grab this, choose this, like this, do this for this is pleasurable... pero di mo alam sa dulo pala nun e mas marami ang dulot nitong PAIN. So be aware on it, kasi kung nahulog ka sa tukso, you fall into temptation ay walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili din. Natutukso tayo kapag nadadala tayo ng ating masidhing pita. I mean, kung ano yung ginugusto natin, so choice mo parin kung bibigay ka sa temptasyon.

MASARAP ANG BAWAL? mahirap pigilan ang sarili sa pagpili ng kung anong magpapasaya sa sarili o sa mga bagay na sa tingin natin ay magbibigay satin ng masarap na pakiramdam, ng kasiyahan (kahit na mali ito para sa ibang tao, kahit na masama na ito, o kahit na kasalanan na ito) hindi natin mapigilan ang sarili, kaya nadadala parin tayo. I agree, sin is pleasurable, but things that was pleasurable are temporary and the pleasure itself are temporary while pain will goes on and on.

Halimbawa, ang sarap gumastos, kaya kapag may pera sige ang gastos, masarap makabili ng mga bagay na gusto mo, it is pleasurable... pero kapag naubos agad ang pera sa kabibili, wala ng pera e kasesweldo pa lang, doon na mapapaisip, pagsisisihan, na dapat hindi ako bili nang bili -and that was PAIN. Isang buwang pinagtrabahuhan ang perang kinita, pero ginastos lang sa loob ng ilang araw... kapag naubos na, mangungutang na naman siya dahil sa wala nang panggastos sa pang-araw-araw;

SEE THE END RESULTS, if you fall into temptation. Mas pinili mo ang maglaro ng computer games kaysa pumasok sa isang subject mo, magiging masaya ka sa una, kasi makakapaglaro ka na naman, pero di ka nakakuha ng quiz, pero wala kang attendance, pero di mo alam minsan na nga lang mag-discuss ng lesson si sir tapos absent ka pa, ito ang mas malas kasi pagdating ng exam -nganga na naman. Saan ka kukuha ng sagot, sabihin na nating may teknik kang alam para makakuha ng sagot, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakapangopya ka, paano na lang kung yung lesson na yun sa isang subject mo e kailangan mo in the future, sa trabaho... you can't apply something that you haven't learn!

Isipin mo, yung taong nasa malalang sitwasyon ngayon? nagkaroon sila ng pagkakataon na mamili noon, pleasure o pain? Mas pinili nila ang pleasure without the consciousness na temporary lang ang pleasure, at mas matagal ang PAIN. Bawal sayo ang kumain ng matamis, pero hindi mo mapigilan ang sarili na kumain ng matamis... kaya kumain ka, mga ilang minuto lang naubos mo, oo nasarapan ka, pero maya-maya aatakihin ka ng sakit mo, lalala diabetes mo, o yung kumplikasyon mo, isusugod ka sa hospital, ang daming maaabala pero no choice sila kasi di ka nila maiwan, bibili sila ng gamot (di mo pa alam kung saan sila kumuha ng perang pambili nun) at gagaling ka, na akala mo tapos na ang lahat pero hindi pa pala dahil patuloy ang epekto ng ginawa mong pagkain lang ng matamis.

Sa lahat ng mga bagay na magte-tempt sayo, isipin mo kung mas madami ba ang pain o mas madami ang pleasure. At kung mas marami man ang pleasure, isipin mo rin na panandalian lang ang pleasure, walang permanente sa mundong ito. Yung pamantayan mo ng maganda, maaari pang mag-iba, yung bagay na nagpapasaya sayo ay maaaring magpalungkot sayo, yung MINAMAHAL mo pwede kang MURAHIN balang araw. Yung pinag-ipunan mong pagkamahal-mahal dati, nabili lang ngayon ng ibang tao nang napakamura. Be aware on the pleasure and pain, when we talk about temptation.

Iniisip ko nga rin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo nahuhulog sa temptasyon?? Dahil sa tao lang tayo? Dahil sa mahina tayo? Dahil sa pasensya na, tanga lang. Siguro may kanya-kanya tayong dahilan. Pero isa sa maaaring dahilan ng lahat, dahil sa pagiging materialistic natin. Dahil sa attached tayo masyado sa mga bagay-bagay, kaya kapag nandyan na ang temptasyon sa paligid -ang hirap tanggihan. Karaniwan pa naman, kung saan ang weakness natin doon ang temptasyon natin. Materialist people are tempted by material things for this is their weaknesses.

Sabi, the root cause of being a materialist is because of false bodily identification natin. Mali ang pagkakakilala natin sa ating sarili. kung ano tayo at kung sino talaga tayo, kapag tinanong tayo kung sino tayo? malamang ang sagot natin ay ang pangalan natin, ang ating description sa sarili natin, ang ating katangian, like... I'm Reymond, a college student, tall dark and... lier, a book reader etch... but see, all of this is just a labels, katawagan lang natin para may pagkakakilanlan ang isang bagay but some of us we're not conscious that we re not this body.

This body is our tools to live, isang kagamitan lang ang ating katawan, gaya ng isang damit na sinusuot, isang machine na ginagamit, isang kotse na sinasakyan -this body is just our tools. Pero kung ang pagkakaalam natin na ang ating katawan ay tayo mismo at hindi isang kagamitan? what will happen? Hindi na ikaw ang magkokontrol sa katawan mo kundi makokontrol ka ng katawan mo. Your body will control you, na kung anong sabihin ng body mo ay gagawin mo naman dahil hindi mo alam na ikaw dapat ang nagkokontrol ng iyong katawan. Like a car, it needed a driver, if the driver was controled with the car, that's too unnatural. Pero ito ang realidad, maraming nagpapakontrol sa kanyang katawan, dahil nga sa maling pagkakakilala niya sa kanyang sarili.

See, for our material body are matter -matter is anything that occupied space and has mass, kaya tawag natin sa katawan ay material body pero the material body are attached with material things, parang magnet na laging dumidikit sa kapwa niya magnet, o sa iba pang metal. Kaya nga sabi ko kanina na laging nandiyan ang temptasyon, madidikit at madidikit ka sa mga bagay na magtetempt sayo, pero kung kokontrolin natin ang magnet na mailayo sa kapwa nito magnet o sa mga metal, gaya ng katawan natin kung tayo ang kumokontrol sa katawan natin -maaari tayong makaiwas sa pagdikit o sa pagkahulog sa temptasyon.

Halimbawa, kahit na alam mong di naman talaga kailangan ng katawan mo ang yosi, dahil bad nga yun, at ito ang 1st cause kung bakit may lung cancer e dahil nga natural na dumidikit ang katawan sa material things, na para sa katawan ay masarap yun, ay sumusunod ka sa gusto ng katawan mo -dahil ang pagkakaalam mo ay ito na rin ang gusto mo, pero kung conscious ka at alam mo na ikaw ang may hawak sa katawan mo, magagawa mong kontrolin ang iyong katawan at maiwasan na huwag madikit sa temptasyon sa sigarilyo... o sa ano pa mang ginugusto ng katawan natin na hindi mo naman talaga kailangan. Hindi mo naman talaga kailangan na bumili ng bumili kapag may pera, that was your body na nagsabi na bumili ka dahil ito ang magbibigay sayo ng kasiyahan but it ends up into worst scenarios.

Your body tempted you to fall inlove with this girl/boy, na kapag maging boyfriend o girlfriend mo lang siya ay sasaya ka na, but still hindi parin, kahit maging kayo it doesn't give you a 100% satisfaction, sometimes nagiging sanhi pa ng mas matinding PAIN sayo. Sa huli na lang kasi natin madalas nare-realize na dapat hindi tayo nagpadala, dapat nag-isip muna tayo, "dapat pinigilan ko ang katawan ko," pero huli na ang lahat, you are now suffering because you fell into temptation, remember masarap ang bawal pero alam nating may consiquences ang anumang maling nagawa natin.

Control your body by being conscious that this pleasure is temporary, may give you dis-appointments, but the pain may be goes on and on. Kaya kung ngayon pa lang ay alam mo na ang materyal na bagay ay temporary lang at maaaring may dulot ng pain, o paghihirap sayo, kahit paano aware ka sa maaring mangyayari, you control yourself para di mauwi sa mas malalang sitwasyon.

Isa pang realidad, we are dominated on the different factors in life, we canno't control things sa paligid natin. Masaya na sana ang buhay kung lahat ng gusto natin ay makukuha natin, pero ang realidad ay ito- hindi lahat ng bagay ay maari nating makuha, madalas nga yung mga bagay na hawak mo na ay nawawala pa.

Masaya na sana ang buhay kung makakapag-computer ka lagi, pero di mo kontrol ang sitwasyon, maaari kang maubusan ng pera, wala kang pamusta, maaring may mas mahahalagang bagay na dapat unahin kaysa sa paglalaro. Maraming dumarating sa buhay natin na hindi natin kontrolado, na kapag hindi ka aware na ganito ang nangyayari e malulungkot ka, maiinis ka, madi-discourage ka. kala mo basta kasama lang siya okay na ang lahat pero hindi parin pala... dahil kalaban ninyo ang sitwasyon, ang iba't ibang paktor ng buhay, ang pagbabago. Isipin mo yung nalulong sa drugs? Okay na sana ang life kung laging high na high siya at laging nakakatake ng bawal na gamot, but still may factors parin na hindi niya kontrolado, paano kapag naubos ang drugs, paano kapag wala na ang epekto, paano kapag nahuli siya? e di kulong, e di gagawin niya ang lahat para makakuha ulit ng drugs na yun. Root cause? Dahil sabi ng katawan niya ay masarap ang drugs na yun, nagpadala siya, so his body controls him.

Things are temporary, di yan tumatagal... kahit na ang temptasyon maaaring di rin tumagal kung ikaw ay matatag at if you are strong enough to escape with this or to say NO with this. If the temptation is like a virus o sakit? Be immune with virus of temptation, yung may bakuna ka na panlaban sa sakit. This will happen if your mind are fix! If your body are well being used -maaari kang makaiwas sa temptasyon. Maari mong matanggihan kung ano man ang idinidikta ng ating katawan.

The reality is this, you are not your body, but you are the life within the body -you are the soul. Remember these lines, our body is just a tools, gaya ng isang machine na ginagamit, ng damit na isinusuot, ng kotse ng sinasakyan. The question is, sino yung gumagamit, sino yung nagsusuot o sino yung sumasakay?? That is you! Your real identity, the life within the body, the soul.

if someone will say, ANG BORING NAMAN NG LIFE KUNG WALANG MATERIAL THINGS NA MAGBIBIGAY SAKIN NG KASIYAHAN?

No, if you are in the consciousness of being the soul, material things is no longer gives you dis-appointments -for the material things is not the source of the soul's pleasure, of the soul's hapiness. For example, kung yung Goldfish ay inalis mo sa kung saan siya dapat... kahit na bigyan mo yan ng anumang kayamanan, 1 billion dollars, kotse, house and lot, luxurious things etch. Hindi parin magiging masaya yung goldfish dahil ang kailangan niya ay yung tubig, yung lugar kung saan siya dapat. Same with us, if we are on our natural being, we have our natural needs then we will have the real happiness, to real satisfaction. You 'the Life' needed the source of life -and it is God.

Ibig kong sabihin, kung tayo yung soul, the real essence of the soul is to attached to the things of the soul, and the sources of the pleasure of the soul. We need to be in the source of the soul, which is the Supreme Soul -our God. We are just a servant, not a master, for we are not the controler! Katawan nga natin ang hirap kontrolin di ba? So, accept the fact that there is the Supreme Person that controling the whole universe, the whole factors in life... pero tayo hindi natin kontrol yun, may mga bagay na hindi natin makukuha, may mga plano tayong hindi natutupad, may mga bagay na gusto nating kontrolin pero maraming hadlang at hindi natin magawa.

If you are striving and trying to enjoy material things, this will dis-appoints you -dahil ang totoong ikaw ay hindi ang material body mo, kundi ang buhay sa loob ng katawan na yan. Kapag kasi pinagbigyan mo ang katawan mo, mas lalong nangangati yan. Yung kapag nangati, tapos kinamot mo mas lalong nangangati di ba? sabi nga the more you scratch it , the more it itches and the less you scraych it the less it itches. So dapat kontrolin ang pangangati ng katawan. Control your body.

DONT SERVE YOUR BODY, na ibibigay mo yung gusto ng katawan mo, na magpapadala ka sa temptasyon dahil lang sa idinidikta ito ng katawan mo. HUWAG! Para kang alipin ng katawan mo niyan. Remember this, we are not a master of our own, we are a servant of the real Controler of everything. At ang real function o ang dapat ginagawa ng isang servant is to serve, but this time... we will serve not our body, but to God. Render ourself to the loving service of God, your soul -the real you -will get the real satisfaction, the real happiness.


"My desire, is my suffering... before, when I was in a delusion,
striving for the material satisfaction, but ends into dis-appointments,
purify the mind, to realize that the real satisfaction can only be find
to a humble service to our Supreme God,"

PINK BIG BOX

"Pink Big Box"
By Reymond Cuison
(Kwento)

Psychoanalysis ang tema ng story ko- magsisimula ang kwento sa pagfocus ng kamera sa isang medyo malaking box. Mababasa ang sulat kamay na address  at pangalan.
To: Mercy D. Patungkulan
Add: #37 Silver Heights, tabon Malaria Caloocan City.

Maririnig yung tunog ng nakangingilong masking tape na inilalagay sa palibot ng malaking box. Kamay ng isang lalaki sa unang tingin ang nagmamasking tape sa box. Oo, kamay ng lalaki yun,  malapad na kamay,  mabalahibo, may mga singsing at may polseras na parang sa buddha beads o rosaryo... magsu-zoom out ang camera at makikita hindi pala kamay ng isang lalaki yun, kundi kamay pala ng isang bakla, binabae,  syokla, beki (pero lalaki parin pala yun, kahit na femine ang kilos niya,  at kumekending tuwing naglalakad na parang nasa beauty con. na rumarampa, isa lang ang lagi niyang pinuproblema kapag lumalakad nang ganun,  yung umbok ng harap niya... mula pa noon,  iyon na ang problema niya, though may sulusyon na ngayon sa problemang iyon... kaya lang mahal ang magpaputol, hindi pa sapat ang ipon niyang pera. Tiis ganda muna sa pagma-masking tape ng problema niya.) Heto nga't pauwi siya at kaunti lang ang maipapadala sa pamilya. 
Tapos na siyang mag-masking tape. Yung box galing sa Japan kung nasaan siya,  na ipapadala niya sa mama at papa niya...


2nd scene... nasa airport na siya, may taxi driver na susundo sa kanya,  ang nasa isip niya ay yun yung taxing driver na kinausap ng tatay niya para masundo siya...


"Mam, dito po tayo, "
 sabi ng mamang driver ng taxi. Ako ba ang tinatawag ng mamang yun? Tanong niya,  at itinuro niya pa ang sarili,  teka siya ba ang susundo sakin?


"Manong teka may sundo po ako,"
 ang paliwanag niya pagkalapit.


"Ako po ang sundo ninyo,  tara na po, akin na po,  ako na pong magsasakay niyan,"

Kinuha ng mama ang mga bagahe. Sa wakas ay gumaan ang pakiramdam niya, mabigat ang kanyang bagahe kaninang pagbaba ng eroplanong galing Japan, iniisip niya kung paano yun ibababa, masisira ang pustura niya dahil sa baka pagkamalan siyang kargador,

"Andami po nito mam ah," natutuwa siya dahil sa magalang ang mama, pinagmasdan niya ito habang dala-dala ang bagahe, siguro mga nasa 30 na taon na, ang musscles parang puputok, banat sa trabago malamang -pero wag ka! Walang amoy, walang firecracker. "Mam okay ka lang?"


Nakita siya ng mama na napahinto na inaamoy niya ito, "may bonus ka sakin, anong pangalan mo kuya?"
Namula ata ang mama, "ay, hindi na po mam,"


Kampante siya sa pagkakaupo, iniisip ang magiging reaksyon ng kanyang pamilya sa kanyang pagdating... "kuyaaaaaaaa! Anong pasalubong mo samin? 
Sakin dapat dalawa, kasi yung isa regalo mo sa birthday ko nung Dec 21 tapos yung isa nung pasko..." 
Si JJ talaga, sana magustuhan niya yung binili ko sa kanyang PSP at Nike shoes - naku branded yun ha!
Kay Jelai- dahil dalaga na yun, kikay kit. Sureness magugustuhan niya yung bagong branded na make-up na dala ko. Babagay sa kanya yun, naku -masusulusyunan na yung mga naglalakihang tagyawat niya. Hahaha

Si Papa, alam kong magpaparinig na naman yun dahil dun sa luma na niyang cellphone, pangkaskas pa daw ng yelo yung gamit niya ngayon, hay! Si Papa talaga,  e natuto lang magtext, nawili na sa kanyang mga text mate - pati nga ako noon e pinapadaanan ng gm niya.  S3 para kay tatay... dapat ingatan niya yun kasi di ko pa tapos hulugan yun. 

Kay mama naman? Hay! Wala akong alam kung ano ang bibilhin para sa kanya kasi hindi naman yun nagsasalita sakin sa kung ano ang gusto niyang matanggap, okay na daw sa kanyang makitang masaya ang mga anak niya... hay! Si mama talaga, miss ko nang mayakap si mama. Sana kasya sa kanya yung binili kong bestida, may kasama pa yun na apron at mini oven, mahilig kasing magbake yun ng cup cake e...


Huminto ang taxi.

Hinatak siya papalabas at dinala sa isang abandunadong gusali. Paanong hindi niya nahalata ang taxi driver na yun? Dahil sa pananabik, nakalimot mag-ingat.
Hinaras siya ng drayber at ng dalawa pang lalaking nandoon, minaltrato, binugbog at sa dulo ay itinali... yung mga gamit pinagkukuha ng mga sanggano, wala siyang magawa kundi ang umiyak at sumigaw sa sarili, hindi siya makasigaw nang malakas dahil sa nakatarak sa dila niya ang isang patalim.
 Yung mga gamit na binili niya para sa kanyang naghihintay na pamilya... lahat ng gamit na yun pinapakita sa kanya kung paano ginagamit, sinusuot,  winawalang hiya ng mga sanggano. Sa huli papatayin siya at hiwahiwalay ang katawan na ilalagay sa box.


3rd scene, yung box dadalhin na sa bahay, doon sa address na nakasulat.
Tuwang-tuwa ang pamilyang nakatanggap ng balikbayan box. Inaasahan din nila ang kanilang ofw'ng kapatid ng mga sandaling iyon, ngunit wala siya. Nalungkot sila ng mga ilang minuto tapos bumalik na ulit ang tuwa nang maipasok na nila sa bahay yung box.

Tumili si Jelai, " ano kayang regalo ni kuya sakin? Dali! Buksan niyo na, buksan niyo na! "

"Teka, ano yun? Ang sakit sa ilong"
 sabi ni JJ. May naaamoy silang mabaho.

"Karne ata?"
 Sabi ng kanilang ina
 Sa isip nila - bakit kaya si kuya e hindi nag-iisip na pwedeng mabulok ang karne? Hay! (At pagkabukas sa box,  malalaman nila na iyon yung tinadtad na katawan ng mahal nilang baklang kapatid/ anak na inilagay sa isang plastik,  kala nila ay karne ng kung anong hayop)


"Bakit ito lang?"
 Ang bulalas nila. Dismayado, dahil hindi nila makita ang inaasahan. Nagtataka sila, bakit ang nandoon ay isang damit na pambabae (yung suot nung bakla kanina) nandoon rin yung suot niyang singsing, hikaw at mga wig)


"Joker talaga yun si kuya!"
 Ang nabanggit na lang ng bunsong si JJ.
Zoom- out nang konti/ internal/bahay: may ilang maliliit na box sa loob ng malaking balikbayan box. Kinuha yun ng ina at dahan-dahang bubuksan. Isang close up sa ina. Tapos, mangingilid yung luha niya, manginginig, kikilabutan, mabibitawan ang maliit na box.
Yung tatay... dali-daling tatakpan ang mata ng dalawang anak. Si JJ at si Jelai, hindi alam kung ano ang nangyayari? Kung ano ba yung nakita ng ina sa maliit na box. Maglalakas loob siyang tanggalin ang kamay ng tatay niya. 

Nang matanggal ang takip sa kanyang mata ay natawa siya, "kaninong titi yan?" Mababanggit ni JJ.
Initial reaction ng ama? Masasampal niya ang anak at yung dalawa ay paaakyatin sa kwarto. Maiiwan silang dalawang mag- asawa. Gulat. Kinakabahan. Kinikilabutan. Natatakot.


Niyakap ng lalaki ang kanyang asawa, mas lumakas naman ang pag-iyak ng babae, "Hayop sila! Sinong mga baboy ang gumawa nito sa anak natin?!!" Maririnig lang ang panangis ng ina.


***


"Wait lang" napahinto ako sa pagtatype sa biglang pagsasalita ni Mina.

"Kahit na pang indie- film yan na masyadong malaya sa style, maging conscious ka naman!"
 Napatingin ako kay Mina


"Conscious? ? In what sense?"
 Paano e sub-Conscious ko ang pinagana ko sa pagsusulat ng kwentong 'to

"Bakit yung parteng iyon pa? Pwede bang palitan mo, ang sagwa e," napakunot ako ng noo

"Alin? Yung titi?"


"Aray!"


"Bakit mo ko binatukan?"


"Binanggit pa talaga e noh!"


"Bakit kailangang may batok??"


"Gusto mo isa pa?" Tanong niya sakin. Napangiti ako.
May iba akong naisip sa sinabi niyang isa pa.

"One round tayo?" Tanong ko kay Mina. Kakaiba ang ngiti ko, nakakunot naman ang nuo niya,

"Aray! 
Ang sakit ha pangalawa na yan!" Binatukan niya na naman ako.

Sumeryoso ako, humarap uli sa laptop, "ano bang problema sa word? Iyon naman talaga ang tawag dun di ba? E kung... papalitan ko naman yung sinabi ni JJ, 'kaninong penis yan?' Hehe, parang ang awkward?'"

"Yun nga e, filipino readers don't like to read that...
Kaya palitan mo na lang ng ibang parte,"
Papalitan? e kasi... gusto ko sanang kahit papano e makalaya rin yung character kong bakla, mula bata siya parang nakagapos siya ng sistema dahil sa parte na yun na ayaw niya, atleast kahit man lang sa sandali ng buhay niya ay naramdaman niyang lumaya??   


"Sige, teka... pag-iisipan ko,"

Humarap ako kay Mina at nakatingin lang ako sa katawan niya, ano kayang bahagi ng katawan ang pwede? Napaturo ako sa dibdib niyang may kalakihan din...
Natawa naman ako, mukhang pwede kung breast na lang? Hindi ko naman nabanggit kung plat chested yung character o hindi e, so pwede yang bahagi na lang na -

" aray!Bakit nambatok ka na naman?!"


"Mikko alam mo, ang manyak mo talaga!

Kailangang ituro pa talaga?? Hay naku!
Sige na, tuloy mo na nga yan,"

Humarap ako ulit sa laptop ko at sinave ko yung nai-type ko at humarap ulit kay Mina, "ahmmn, tama na muna 'to, tinatamad na ko e,"

"E paano mo yan matatapos kung tinatamad ka?"
 E kasi naman e,


"Tuloy natin..."
 sabi ko.

"Tuloy natin?"
 Balik na tanong niya sakin. Nakakunot na naman yung noo niya.

"Alin? Yung story?"
Umiling ako, "tuloy natin..."
I grab her, "yung one round..."

"Ano ba Mikko!"

Sumimangot ako, "Grabe ka ha... nakatlong batok ka sakin kanina!Tapos ako, ni hindi man lang nakakaisa sayo,"


"Tsk! Ang corny-corny mo!"
 She kiss me.

"Cute naman," I give my response.

***

ALIPUNGA

Alipunga
(Tula)

Sa maghapong babad sa basa
noon'y palakad-lakad ka sa baha
sa isip mo, ito'y bagay na kalagayan ng dukha
nasanay ka, hanggang sa magka-alipunga
masakit, mahapdi, nakakairita...
Alipin nga ng pangangati
itong mga paang kinapitan ng alipunga ...
hindi maiwasang kamutin
kamay man ay sawayin,
A, mahirap labanan ang damdamin
ng isang maralita
gaya ng pagpigil sa pagkahumaling
o pag-angkin na bunga ng anumang pagkasakim
Oo, at sa bawat pagkamot
makadarama ka ng ginhawa
hanggang sa ang minsang pagkamot, uulit-ulitin,
kakainin ka ng sistema ng paulit-ulit na pagkamot
hanggang sa makalimot ka na
hanggang sa magdugo at matungkab ang balat,
hanggang sa magkasugat-sugat
hanggang sa magnaknak
himaymay ng laman ng iyong balat,
hanggang sa hindi ka na makalakad dahil sa alipunga
masakit, mahapdi, nakakairita...
kaya't, mananatili ka sa malambot mong kama
kakalimutan ang maghapong paglalakad sa basa
Oo, at di ka na sanay sa kung ano ang baha
binulid ka ng alipungang ikaw din ang gumawa

Ngayon, uubusin mo ang oras sa pagpapagamot
bibili ka ng mamahaling pampahid
kahit alam mong wala na itong bisa
dahil hinahanap-hanap mo parin 
ginhawa ng pagkamot sa paa
Alipin ka na ng iyong pangangati
at gaya ng maraming alipin,
maghahanap ka ng lunas...
ngunit wala kang balak gumaling. 

KUNG PAANO HINUHUBOG ANG MGA TANGA

Kung Paano Hinuhubog ang mga Tanga
(Tula)

Una, maging ignorante
nang maging masaya
sa kung ano mang mga bagay
na alam ng ating kaignorantihan
Ikalawa, Makinig sa dapat daw malaman
nang manatili tayong walang alam
A, masaya nga namang makinig
ng magagandang bagay
na ayon sa ating kaisipang sosyal
halimbawa, sasabihing marami nang nagbago
sa paraang tatango-tango lang tayo
na kahit ang totoo
hindi mo naman naramdaman
... dahil lang nais ng masa ang pagbabago.
Sasabihin satin
malayo na ang ating narating
sa paraang hindi mo iisipin
na ito'y paglalakbay lang sa hangin
ng ating imahinasyon, ng pananaginip
o ng pangangarap natin
... dahil sanay tayong mangarap.
Sa paraang hindi natin maiisip
na kung mahirap ka
wala kang karapatang mangarap
at ang may pera lang naman
ang talagang may nararating.
Ikatlo, dapat laging umasa
nang may pakinabang
mga pinaghirapan nilang salita
dahil para sa atin
kanilang retorika, pananalinghaga at pagtula
Ikaapat, huwag nang kumilos o kumibo
maliban sa pagpalakpak o pagtango-tango
isipin lang nating tayo ang boss
at ating mga alagad (kuno)
ang hayaan nang kumilos
sa paraang alam natin na tayo ang nag-uutos
Kahit hindi natin alam
kung ano ang nasa likod
ng kanilang mga ikinikilos
Ikalama, ganoon naman talaga
ang gawain ng isang boss
ang mahubog bilang ganap
na TANGA.

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...