Nagmamadali na ang pananabik na ang tintaĆ½ kumalat sa dahong burador na ito, ang anyong jargon o pinakanto sa talipapa nitong “Mga Pahina ng Pagkatao (ni Don Felimon Poserio)” Blog ng nilalang na walang magawa.
Bilang sagot sa puzzle ng kanyang realidad; ang “Mga Pahina ng Pagkatao(ni Don Felimon Poserio)” ang koleksyon, mga tala at minadaling katha ay ang bagong machine gun ng dila ng may akda ay nagpapaliwanag ng kandila tuwing brown-out o kung naputulan na ng linya ng jumper sa meralco (sabi nga "may liwanag ang buhay kung walang bantay")
Ang wika na gamit sa koleksyon ay halaw sa English Carabao at sa pinalalim na salitang balbal na mabisang reperensya ng mga taong di nagbabasa, ng mga bungangera, Tsismosa, mga pastol, mga nag-aaral sa labas ng paaralan at sa mga nangangaral, o maging sa mga napapagal, walang hilig magmahal at sa mga tulad naming hangal. Ang diwa ay antigong tagalong-itlog sa limliman ng klasikong nagmamaka-makata ( ang totoo'y utak-tilapya). Sa kanyang paJaporms na salin ng katauhang hindi matanto, katangian at di maunawaang kalinangan sa wikang Filipino at wikang E.T na matutukoy sa konteksto ng mga salita, instraktural ng mga talata, pagkakasunod-sunod ng salitang wala sa ayos, at balarilang di malasahan kung totoong tama o kung totoong hindi totoo. pero gaya nga ng sabi ko, hangarin ay magpakatotoo.
Ayon sa tala, ang “koleksyong ito” ay isa lang sa di mabilang na kathaing pinagwagian ng di nagmamaliw na kantyaw at panghuhusga sa may-akda…
Sa lahat ng babasa, pagkaumay ay huwag nawang manariwa… again,
"welcome to the JUNGLE!!"
"welcome to the JUNGLE!!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento