SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Biyernes, Oktubre 2, 2020

HARIBOL!

HARIBOL!
(Larawan)

May kapayapaan sa diwa ng walang hanggan,
sa kaisipan ng naglalakbay sa iisang daan
magsasama sama ang landas ng mga mata,
ng alingawngaw ng kaluwalhatian sa tenga,
at tamis ng pag-asa sa dila,
sama-samang lalanghapin ang talulot ng pagkabuhay
at ng pagkamatayng lahat ng pagkaalipin
sa mga bagay ng kamunduha!
Para sa kanyang kapurihan!
Haribol!

LOVE ABOUT ALL

LOVE ABOUT ALL
(Poem)

Sun's breath will last no end
and light your love unscented
for once discern the beat
heat boils till eyes be wet.

Now you are turning mild complete
a fragrance flow as wild as wind
most comes from imperfect marriage
died for a while, burning love turned freeze.

Old mind goes farther door
couples scent but new born
for thou ant but prison.
heart's flame now troublesome.

Night hailed for thy prouding silent
ceased odor's pride gained sweetest scent
from sparks of coil, longings melted
inspiring breath would last, its end.
-030108

MAGSAYAWAN KITA SA GITNA NG ULAN

Magsayawan Kita sa Gitna ng Ulan
(Tula)

Huwag mong pipigilan ang natural na daloy
Huwag mong pipigilan ang natural na lakbay ng tubig sa ilog
na nagpapatuloy hanggang sa karagatan
hanggang sa higupin ng kaulapan
hanggang sa lunurin muli ang kapatagan
hanggang sa linisin nitong muli
ang kalsadang duguan
A, magsasanib ang tubig-ulan
at ang dugo ng mga napahandusay na katawan
na kanina lang, matibay na nakatayo, nakikipagsapalaran,
nakataas-kamao o nakikipaglaban sa buhay
ngunit nangudngod sa kalsada
pinahalik sa lupa, sa putik, sa burak
Kung may dugong dumanak, dugong pumuslit, dugong umalpas
sa balat na nagnaknak, nawasak, nalantang gulay, nagkalurayluray,
ay muling sasanib sa tubig-ulan, ang dugo
Sabay na dadaloy sa estero
Sabay na lalakbaying muli
ang natural na daloy sa ilog
Magpapatuloy hanggang sa karagatan
Hanggang sa muling higupin ng kalupaan
hanggang sa maging ulan

Tama, huwag mong pipigilan
natural na bagsak ng ulan
pagkat ang ulan ay dugo ng sambayanan
at dugo ng mga bayaning lumaban,
ng mga bayaning patuloy lumalaban
dugong muling lilinis sa sandaigdigan
muling ididilig sa lupang sakahan:
huhugasan nito ang mga kamay
na ilang daang taon nang nakalublob sa putikan;
paiinumin nito ang mga uhaw na lalamunan
na hingal-aso na sa pagpasan
ng tone-toneladang kahirapan sa pabrika
na nangangamba pa ngang mapatalsik ng mga makina;
pupunuin nito ang mga batyang nakasahod sa alulod
ng mga plangganang nananakit na ang gulugod,
nanginginig ang tuhod sa pagkukusot;
hahayaan nitong magtampisaw sa kanya
ang mga mumunting paa na nakayapak
na nagbibitak-bitak na paltusing mga paa
tangan ay kalahig, sako at muta
sa kabundukan ng basura;
At hahaplusin nito ang mga mag-aaral na kabataang nasa kalsada
na nag-aaral humawak ng sandata
o ng matalim na pluma
A, magsayawan muna kita
sa gitna ng ulan
hayaang kahit minsa’y maipagdiwang
ang biyayang ulan ng mga nag-alay
para sa bayan

Tama, tayong lahat, sa langit titingala
Hahayaang buong katawan ay mabasa
Tama, hindi natin pipigilan ang natural na daloy
ng luha sa mga mata
Habang sa gitna ng ulan...
Habang sumasayaw kita
ang luha, ang luha na damdamin ng kaluluwa
ay may layon ding maglakbay
kasama ng tubig sa ilog, ng dugo, ng pawis, maging ng pluma
na sa huli
mangagsisiindak rin sa katauhan ng ulan
Kasama ka!
Tara! Magsayawan muna kita

-010112

PROFESSIONAL

Professional
(Dagli)

Naalala niya, habang nasa taxi kung paano siya nagbago para lang kay Dave. Ang blush-on, Glossy Red Lipstick, Pearl Earings, tube, 2 piece swimsuit, 5’ high heels, cigarette, LD’s, Tsoktong at iba pang kaugnay nito ay kinalimutan niya. Itinago, ibinaon sa limot, lahat! Para lang kay Dave.
Nakilala niya ito sa simbahan bilang assherette, kaya’t di siya makapaniwala sa nabasa sa text ng isang babae sa cellphone ni Dave na palihim niyang kinuha sa ilalim ng unan ng asawa.
Huminto ang taxi sa isang hindi kilalang Inn. Room 207. Walang katok katok, sumugod siya. Hindi niya matanggap na inilihim niya rin maging ang pagiging propesyunal.
                Sinampal niya si Dave, at inirapan ang babaeng kakompitensya.

HALIMUYAK

Halimuyak
(Dagli)

Isang batang lango sa halimuyak ng rugby ang umawit,
“Walang hangganan ang isip”, himig niya sa saliw ng kung-anong musika sa paligid. 
Umindak siya
“Walang hangganan ang isip”, paulit-ulit
“Walang hangganan ang isip”

LATA

Lata
(Dagli)

Karaniwang araw para kay William ang umupo sa pang labing tatlong baiting ng overpass sa Aurora, Cubao habang nakatanghod ang kamay sa mga akyat-panaog na di maubos na taong nangagdaraan.
Ang di karaniwan, nang di sinasadyang masipa ang latang hulugan ng baryang kanyang napalimusan, na hayon nagkalat sa daan, dali-dali siyang tumayo at pinulot ito isa-isa, nakalimutan niyang bulag pala siya.

MINA…

Mina…
(Dagli)

Hot Spot Tourist Attraction iyon noon, ang dalawang bundok sa pinilakang tabing, mabenta ang advertisement sa telebisyon, pinipilahan ng tao at hindi lalangawin sa industriya ng hubad na katotohanan na marami na ring nagmina sa katas at sustansiya ng dalawang bundok na ito na dating tago, magubat at malusog.
Ngunit tumabang ang panlasa ng mga turista sa dami ng mga nagsisulputan: Katya Santos, Diana Subiri, Angelica Panganiban, Maui Taylor at iba pa. It’s more fun in the Philippine! Double Check!

SA PAGKABUNTIS NG BUSLO NI DAMASO

Sa Pagkabuntis ng Buslo ni Damaso
(Tula)

Itago mo Damaso
sa iyong Condo yunit sa forbes
o sa Mansion sa Makati
o sa sariling Bangkong naitayo
maingat mong itago
 ilang mga buslo
na idinedeposito sa simbahan
ng mga nauuto mong kordero
iyang tangang buslong kumakalansing
mga perang kusing
mga salaping maningning
na pinupuno araw-araw, linggo-linggo
ng libo-libong katao
ng di mabilang mong deboto
sina Juana't Juang nangagsisitango
sa mga sitas mo't pang-uuto

Damaso, Ipagkatago-tago mo
sa likod ng iyong santo-santo
at ipagdasal na rin
huwag nawang matanaw
ni mapadungaw
sa iyong kabang yaman
silang kapwa mo magnanakaw...
baka mangagsisi sa huli
baul ng kayamanan
biglang mangalahati

Nanganganib pa naman
mga lahing saserdote
kauring obispo't mga prayle
sa termino ng nakadilaw na ginoo
hayang natutong mang-isnab
sa inyong banal na payo
hayang abolisyon con todo
sa pagbabawal niyo't mando
natutong iitsapwera
ang payo mong metodo kalendaryo

Naku! Damaso, papaano ang buslo
kung kompresor iyang balak
ng itinuturing na apo
pigilan ba namang dumami ang tao
paano na kaya lalago
mga desipulong tagapuno
ng iyong mga buslo
paano mananatili
sa iyong poder ang mga nauuto
kung maaadik sila sa langit
na hatid ng mga condom,
kung sa bawat kadyot
nasusupot mga anghel
na biyaya ng may kapal
masasayang ang pinaglalawayan mong kupal
taling hindi na mapipigtal
hingal lang nang hingal
hangal!

Damaso! Damaso!
kung ikaw na'y kuntento
sa paghalinghing sa banyo
itong RH bill ay hindi para sayo...
kung ikaw ang lalamas
sa suso ng tigang na lupa
kung ikaw ang mag-aalab
sa dampa ng mga abang naglalaro ng baga
kung ikaw ang makapipigil
sa pagdami ng mga tuta
sige!tahol!
tumahol ka nang pagtutol

Ngunit, lumulobo ang mundo, Damaso!
at hindi sapat ang basbas mo
sa nagbabanal-banalang mga kordero
di nila makakain mga sitas mo't payo
di pa ba sapat
sayo ang ganito
wala ka nang upa sa lupa
pati langit ng iba
sasagpangin mo!
huwag kang masyadong swapang Damaso!
mapupuno parin naman
 iyong mga buslo

huwag ka lang titigil 
sa pang-uuto.

SA PASIMULA AY ANG WIKA

Sa Pasimula ay ang Wika...
(Tula)

sa pasimula ay salita
oh! makapangyarihang wika
ginagahasa nang walang habas
ng mga pinagpala
instrumento ng kanilang pandurugas
nilalaspag sa kanilang mga dila
waging pinagpipitagan
maging titulo-panigurado ng mga walanghiya
nililiha ng mga makakapal ang mukha...

Mula sa hanay ng mahahabang upuan
Narinig ko ang tunog bakal na kadena
nakagapos sa leeg ng banal na libro
hawak-hawak ng naka-abitong
nagtatalumpati sa pulpito
waring sinasaniban
nina Birgil at Horacio
o ni Cicerong orator  sa kanto ng
Santo Romano Avenue...

tinakpan ko aking tenga
nang hindi na muling marinig
ang paraan ng panggagahasa niya
sa pinabubuting balita...
ngunit, biglang nahagap ng aking ilong
samyo ng kalis
ayoko nang alamin
kung laman nito ay dugo
na umaalingasaw sa pagpapanggap...
tinakpan ko aking ilong

ngunit, napansin ko bigla
si Poncio Abitong may krus sa noo 
na nakatayo sa pulpito
at sa likod niya ang isang demonyo
na bumubulong

ng tamang paraan ng sermon at turo

ENHINYERO

ENHINYERO
(Tula)

lahat ay naganap
nang naaayon sa plano...

Isang malaking bangungot
ng pagpapanggap
lulan ng nakagigimbal na lohika
ng henyong ganap...

ang huwad na pagpako sa mga palad

BANAL NA ABO

Banal na Abo
(Dagli)

Bukas ang bintana , kayat malayang naglalagos ang malamyang hanging pang hating gabi sa sa isang kabahayang puno  ng mga santo. Iba't ibang hugis, laki, bigat, hitsura ng mga niluluhurang banal na kahoy. Mula sa banal na kamay na umukit nito: may Santa Mariang mula sa banal na sicamorro; Santa Fe na mula sa mahogany na nakuha pa sa banal na kabundukan ng Trala-la; Santa Maria Magdalena mula sa punong hindi pa napapangalanan; ang maliit na banal na Nazarenong gawa naman sa tsok -na hindi mauuri bilang banal, pero dahil pinangalanan ay banal na rin; Santo Antonio na mula pa sa isang matandang paring Dominikano noong panahon pa ni Rizal; at may mga marmol ding banal. Isa si Santo NiƱong puno ng mga beads ang nangingintab na damit. Sinulsi ito ng mga deboto sa Parokya ng Kristong Banal Church. Tangan ang Krus at koronang kulay ginto sa kaliwang kamay ng Santo NiƱong naghihimala raw tuwing magiging kulay asul ang itim nitong mga mata; At marami pa.


 Ang ilan ay magkakasama sa banal na altar. Isang lamesang laging may haing kakanin at arnibal at hindi pinapatiran ng pagtirik ng kandila. Araw-araw may nakatakdang magtirik ng kandila rito at magdadasal ng Ave Maria nang tatlong beses ang sinumang hindi tutupad sa kanyang takdang tungkulin.  


                    Ngunit nang gabing iyon, bukas ang bintana. Humihip nang malakas ang hanging mabilis naglagos sa buong banal na lugar. Natatangay ang bagong labang kurtina ng bintana, hanggang napalapit sa pakalahati ng kandila. Napadikit. Matutumba ang kandila at mabilis na kakapit sa tela ng damit ng mga banal na santo. kakalat sa bagong labang kurtina. Gagapang sa kabuuan ng bahay. Ilang banal na kahoy na ang nagliliyab. Naglalagablab. Natutupok na dahil sa kandilang kanina naman ay malamlam ang pagtanglaw ngunit biglang lumikha ng nakasisilaw na liwanag.


Ang paglitaw ng nakasisilaw na silahis na madaling tutupok ng buong banal na lugar na iyon. kabilang ang ilang banal na kahoy na sa malao't madali ay magiging banal na abo na.


Amen.

Ave Maria, Ave Maria


Ave Maria, Ave Maria
(Tula)

Pitong santo sa altar
May kandilang tumatanglaw
 Rosaryo sa kamay
“Ave Maria.. Ave Maria…”
Taimtim ang pagdarasal
Ni aleng Bebe
Nang bigla siyang napatayo at napasigaw
“Putang ina niyo!Nagdarasal ako!!
Ang iingay ng mga letseng bata ito!”

At mabilis na tumakbo
Palayo
Ang mga bata
Papunta sa simbahan
Ave Maria, Ave Maria
Magpupunas ng uling sa mukha
Maglalagay ng lata
At saka hihilata
Palad ay ilalahad sa madla

Padaan si Konggresman
Maglalabas ng makapal na pitaka
Magmamasid sa paligid
Wala pang taong makakakita
Maghihintay muna
Na mapalingon ang mga kababayang magsisimba
Ave Maria, Ave Maria
Kaya’t inihulog niya
Papel na pera
Sa lata ng gusgusing bata
Napangisi siya nang maalala
Ang balota

At umpisa na ang misa
Hindi pari mapakali
Sa paglingon ang isang binata
Ave Maria, Ave Maria
A, nag-aabang ng dalagang masisila

At si Nena
Di parin natitinag sa pagno-nobena
Pangpitumpung ulit na
Ave Maria, Ave Maria
Pinagdarasal na huwag positibo
Ang pregnancy test niya

Ave Maria, Ave Maria
Napupuno na ng grasya
Itong buslo ng mga sakristan
Amen.

MESSIA

Messia
(Sanaysay)

Muling bumalot ang kahindik-hindik na pagmamani-obra ng mga bendisyon ng mga Kato(k)lisismo, mula sa planadong Messia hanggang sa alagad niyang nagpapakalat ng Pinabuting balita. Ilang dekada nang tumatanggap ng benipisyo ang mga kaparian; ilang dekada nang umuulit ang siklo ng pagpapalaganap at pambubulag; ilang dekada nang umiinit sa kamay ng simbahan ang tinangang paniniwala sa mga Santo’t espirito na patuloy na nagmumulto sa isipan ng mga tao, ang pinabanal na larawan, pinabangong pangalan,at dinakilang kapanyakan ng kanilang hinirang…
Sa “Sa Dagat na Apoy ng mga Bendita” ni Prof. Rogelio OrdoƱez inilabas ng may akda ang sigaw ng rebolusyon. Sinangkutsa ang mga pinabanal na katawagang pansimbahan at hinalo sa maanghang na pag-aalsa. Dito’y nanaig ang simbolismo’t rasyunal na pagtingin, gaya ng ilan:  Ang pagluluwa sa may lasong ostiya na simbulo ng pagtanggi at pag-papalagay sa masamang dulot ng pagkain ng ganitong paniniwala; Ang pagtaas ng kalis na bungo at pagbuhos ng dugo sa santong rebulto at mukha ni kristo na maaaring pagpapakita sa  mukha ng katotohanan ukol sa pagpaplano ng mirakulo ng pagpapanggap; Pulpito ang puso ng masa gayong lubos ang panggagamit ng simbahan sa lipunan ay ba’t di naman papaghariin ang damdamin ng masang lumalaban; papagkumpisalin at paluhurin mga pari at mongha palabasin sa panty ng panginoon ang nagkukubling mga alagad ng pinabuting balita, sa gayon mabigyan man lamang ng hustisya ang hindi mabilang na pagkakasala ng mga ito sa bayan/ sa lipunan- ilang nobela kaya ang mabubuo sa buhay ng bawat isang kaparian; Estampita’t mga kandelabra sa altar ng dusa,butil ng rosaryo, malibag na kalmen at bibliya ng pera ang ipambabala sa nilikhang kanyon ng pakikibaka, itaboy pabalik sa kanilang mukha ang instrumentong kanilang pananggalang, na patuloy ibinambubulag sa lipunan; krus ng ubaning santo ilang libong taon ng naghihintay ang pinaasang kaluluwa, sa langit hindi malamang makita si pedrong may tangan ng susi sa pangakong mansyon sa kalangitan, pagkat naririto pa siya sa lupa, nagsasabong; ang layang kinulong ng puting demonyo  bantad ang pagbabawal ng simbahan sa simpleng kalayaang nagpapakita raw ng kaimoralan, simbahang hindi nagbabayad ng buwis, simbahang may sungay na sa politikang usapin, ang pagbabalatkayo ng mga may akda ng kaputian ay nawa’y matanggalan ng maskara nang malantad sa masa ang likas nilang bunto’t at sungay; at ang ilan pang halimbawa ng mga ginamit na simbolo sa tulang ito’y nagpapakita ng paglaban sa mahiwagang bendisyon ng pananampalataya.
Bakit hindi ang pag-aalsa? Gayong ilang libong taon na tayong minumulto ng mga anito; ng mga santo, ng mga papa’t pari sa mga kapilya’t kumbento; at matatakot nga tayo sa kaparusahan ng hindi pagsunod sa mga ito. Matatakot muli sa multong gawa-gawa rin lang ng malikhain, mapanlinlang na kaisipan… ngunit hindi mananatiling bulag ang mga tao, sasaan pa’t makikita rin ang pagbabalat kayo ng mga benduho, ng mga banal, ng mga kapariang negosyante at kriminal.
Nalunod na tayo sa kanilang taktika, at mula pagkasilang itinuturok na satin ang bakuna ng Pinabuting balita, pagbabayad natin ng utang na loob sa pagpapakilala nila sa atin ng nag-iisang Messia ay pag-iimpok naman nila ng masaganang benipisyo’t salapi sa kaban ng kanilang bilbil at bulsa. Hindi nakapagtatakang kung sa pagtatantya ay umabot ang pera ng simbahan noon sa $8,000 million, at sa kasalukuyan ay $35 billion na. napakalaking halaga para sa bansang Pilipinas na patuloy sa paghihikahos. Subalit anong gagawin ng simbahan sa salaping ito. Baka iyan na mismo ang ipambili nila ng mansyon sa langit upang ang mga kaluluwang ilang dekada ng naghihintay kay san pedrong may tangan ng manok at susi ay hindi na magdarasal ng mararahas na nota ng pakikibaka…

LIBREA

Librea
(Tula)

Libro de caja
El fuente lucrativo
Limos palmada
Limos patizambo
Por pobres
Sin casa y bobo
Sitas el un amigo
Suyo demonyo
Saludos a todos
Pueblo impokrita
Si pabor
Kuno des iglesya litanya
Tang ina, Tang ina

FLOWER DOLL

FLOWER DOLL
(Poem)

Man of taste bud took of proud
Scared of losing jewel on his box
Another page turns out without talking
After a few sentences he leave it open
Love is a bud that has a scent
That has untamed feeling inside its heart
Love at the first beat sprouts uncertain
Unless you have thorn, it is given
Never turn out after nourishing the eyes
Which always lean on the next days
-012809

INAKAY

INAKAY
(Tula)

Likidong luminis sa sikmurang kumakalam
dumadaloy sa dugo hindi na mabilang
sa tawag ng pangangailangan na gumapos sa katawan
titimbang ng higit sa kanyang pangalan

Sa ilang inakay na hindi malimliman
sa baba ng lipad dagit lang ay langgam
tuka sa kadilimang tinuka ng ilan
pakpak na ginapos ng kahirapan


Pambili ng aliw ang ibinentang aliw
sa inakay ng kalapati sa lipon ng tingting
sikmurai'y ano pang maipapakain
malibing naman ay walang maglilibing

Dagitab na ilaw sa gaserang basag
kanyang liwanag man ay aandap-andap
lubhang pasalamat sa mga bumanaag
 sa pagsapit ng dilim muling dadapo sa bitag.

-090908

EFIGY 2011

EFIGY 2011
(Tula)

Bugok kang itlog na lumabas
Sa sinapupunan ng nagdaang rehimen
Na pinutakti ng katiwalian
Kahirapan, kurapsyon, krimen
At hindi na mabilang na anomalya
A, nagsalamin ka pa sa mata
Hindi mo naman makita
Sambayanang patuloy naghihirap
Nagdarahop, busabos, alipin at pinagsasamantalahan
Nagsalamin ka pa
Hindi mo naman makita
Na kuba na sina  Juana’t Juan
sa kakakayod
hindi naman sapat ang pasahod
lugmok parin ang bayan
sa tanikala ng paghihirap
pagkalam ng sikmura
basahang damit, tirahang barung-barong,
tagpi-tagpi, nilalangaw na kabulukan
pinagpipyestahan ng bangaw, langaw
ang kabugukan
Isinakay ka sa sasakyan ng Militar
na disenyong U.S
Waring mula pa noon
Magkasama na kayo
Sa paglalakbay
Sa tuwid na landas
Wari ika’y pinagmamaneho
Ng Imperyalitang Amerikano
Kaso, hindi na kayo
aabot pa
Sa daan niyong pinaplano
Hindi sa sobrang mahal na
ng litro ng krudo
 kundi nalalapit na

ang pagiging niyong abo. 

PAGNINIIG

PAGNINIIG
(Tula)

Ipininta ng pagtatagpo
Ang ikaw at ako
Itinakda marahil
Ang pagiging buo
Mula ulo hanggang paa
Mula buhok hanggang kuko
Magtatali ang ugat, bituka o puso
Mag-iisang anyo
Ako ay ikaw
Ikaw ay ako
Malaya nating samyuhin
halimuyak ng isa’t isa
malayang hagkan
yakapin nang walang pangamba
malayang mong sipingan
ang aking isip
o pasukin ang panaginip
sabay nating pakinggan
impit ng ating tinig
o ng pusong kay bilis ng pintig
sabay nating lasapin
pulot na kay tamis
ang lasa ng ako ay ikaw
at ikaw ay ako
At kapwa langit lamang

Ang dulo ng pagtatagpo

BAHALA NA

BAHALA NA
(Tula)

Bahala na ang gapos
na punpon ng kalawang ang bumigay,
ang siyang magbigay ng dahilan
upang wag mawalan ng ganang muli pang huminga
kahit ang hanging pumupulupot
sa seldang ito'y alingasaw ng halo-halong amoy,
ng dugo, pawis, ihi, ng bulok na taong patay
na naaagnas na ang balat,

natutuklap ang lamang inuuod. . .


Bahala na ang kalawang ang sumira
nitong gapos na bakal. . .
'makakalaya rin kami'
-022889


Bahala na ang gapos na bakal ang magpasya
manali man sa kamay kong wala nang gana pang igalaw. . .
sa buhay kong wala ng araw -022890


Bahala na
ang media ang kumausap
sa aming mga kaanak
at magsabi, "tahimik na ang kanilang kalagayan"
-022890 11:45pm


Bahala na
ang konsensya ang pumatay sa mga naghahari, PNP
(sakaling makadaplis sa metal nilang puso)
-kung sakaling di na namin magawa ang magpatuloy. . .
-022890 11:59pm


"Mamamatay kami para mabuhay ang konsensyang papatay sa kanila"
-022809

HANGAD NAMIN ANG INYONG PAGGALING

Hangad namin ang inyong paggaling
(Tula)

Hangad namin ang inyong paggaling
nang ika’y amin nang makapiling
sa croma de habla
sa korte ng (in)hustisya
La Gloria!
Magpagaling ka!

Subalit La Gloria
labis kaming nangangamba
May side effect daw kasi
ang itinuturok na gamot
Maaaring makapagpapanot
Maaari daw makalimot
Kung ganoon, La Gloria
Baka mahirapan ka nang makaalala
Baka makalimutan mo na kung sino ka
Maging ang paboritong sayaw na Cha-Cha
Malilimutan mo na
Maging ang pagkaKonggresista
Sa lungsod ng Pampanga
Maging ang Jueteng Payola
Baka makalimutan mo na rin ang iyong asawa
Imbes “Hello Mike?”
Magiging “Hello Garci?” na
Makakalimot ka sa romansa
Malilito ka rin kung fertilized egg ba
O Fertilizer scam
ang nahihinog sa bahay-bata
Magtataka ka kung bakit
Nare-renew ang Marriage Contract
At hindi ang ZTE-NBN Contract
Makakalimot ka sa mga kaibigan
dating kaalyado, dating amo
Hindi mo na makikilala sila Bush, De Venecia
Esperon, Garci, Palparan at iba pa
At higit sa lahat
Baka makalimutan mo
Kaming masang pinagsamantalahan
Inabuso at pinagmalupitan
Hindi! Hindi namin kaya
La Gloria
Kaya’t magpagaling ka na
Nang matapos na
ang taktika mo
na hindi maubos-ubos  na mediko sertipiko
La Gloria
nawa’y pagalingin ka na
ng ating banal na Hesu Kristo


HILING KO'Y NANDITO KA

HILING KO'Y NANDITO KA
(Tula)

kung ang dilim ng pangungulila'y lumatag sa paligid
muli bang maaaninag ang tamis ng iyong paghimig
ang yakap mo’t lambing na kikitil sa panginginig
hiling ko'y nandito ka nang luha’y di na muling mangilid

Pakigapos ang kaluluwa sa panaginip ko'y gumagala
lagyang buhay kung ang hininga’y pinatid na ng pangungulila
pawiin ang pagtangis, na sa oras o minuto'y isa nang baha
dinggin nawa ang pagsigaw bago ang pintig ay mawala

Hiling ko'y wala ng araw pagka't ika'y tanging bituin
hiling ko'y lumilipad nang sa alapaap ika’y makapiling
o sa oras ay makapaglakbay nang di sayo'y nalulumbay
subalit pano pa kung layo mo’y walang sukat na taglay

Ika'y kidlat sa pusong nagpaningas sa kaluwalhatian
ang baga sa damdaming lumulusaw ng katahimikan
ikaw ang tanging dahilan, ikaw oh, tanging ikaw lamang
naway nandito ka nang hindi na naghihintay sa kawalan.
-121508

PEACE TALK

PEACE TALK
(Tula)

Mapanlinlang ang bunganga
ng mga sinturyon
bukod sa mabaho
Naamoy na namin
ang alingasaw ng taktika
na ikahon ang hawak naming sandata
Armalite, M-16 at iba pa.
Para ano pa?!
kung muli niyo sa aming ibebenta
At sasabihin niyong nasawata na naman
ng mga gerilya, terorista
At muling iikot ang eksena
sa rolyo ng inyong sistema

Kaya nga’t hindi kami makapapayag
na mademobilisa
Halang ang bituka
ng mga asong lobo
sa kagubatan ng mga pinagpala
baka dukutin kami isa-isa
baka traydurin ng mga sultana
kung hindi kami magsasama-sama
bubulagta na lang
ang sinumang makita
ng inyong nag-aapoy na mga mata

Hindi kami papayag
na magbalik-loob
Hindi! Hindi kailanman aanib
sa mga bahag ang buntot
Hindi! Hangga’t ang sistema
ay pinananatili niyong baluktot!

HANAY NG REBOLUSYON

HANAY NG REBOLUSYON
(Tula)

Pinilit kong kalimutan
Ang hindi malimot na pag-iral
Kalawang sa puti kong blusa
Matsang pula ng ubaning panahon
Ngunit ibinabalik parin ng pagkakataon
Ang gunita ng kahapon
Sa lansangan ng kalayaan
Sa hanay ng rebolusyon

Pinilit kong kumbinsihin
Huwag nang makisangkot
Ngunit buhay ang katotohanan
Mahapdi ang pagnanaknak
ng sugat ng realidad
sa hantad na inhustisya
sa panlilinlang ng mga huwad
sa maputik na mga palad
at sa mga pasa at latay sa balat

Pinilit kong kimkimin
ang galit at pagtitimpi
ngunit lalong sumidhi ang adhikain
Umaapoy na ang kamao
Nag-aalab na ang puso
Lumiliyab na ang isipan
at hindi na mapipigilang tumupok
Kakalat ang apoy
sa puso ng mga binusabos
Lilikha ng sariling barekada
sa nagbabagang hanay ng masa
Ang sigaw,
ay hudyat ng punglo sa kalangitan
aalingawngaw ang palahaw
Hindi na matitinag, matatag
Barekadang nag-aalab
Kapit-bisig sa pagsulong
Walang umuurong!
 Walang umuurong!
Isinusulong ang pagbabago
na mula sa pagwasak
isinusulong ang pagbangon
na mula sa pagbagsak
Ibagsak! Ibagsak!
Burukrata-Kapitalismo
Propetaryo’t Asendero
Ibagsak! Ibagsak!
Pyudalismo, Pasismo, Imperyalismo
Pagbabago tungo sa pagbangon
babangon tungo sa pagbabago
Pilit mang harangan
Ang hanay, ang layon
Wala nang  dahilan upang hindi  sumulong
Rebolusyon! Rebolusyon!


-112011

PHENYLPROPANOLAMINE II

PHENYLPROPANOLAMINE II
(Tula)
(kay ate jhenny)

Bumibigay na ang utak,
Hindi kaya ng Phenylpropanolamine
Ang sintomas ng ganiyang sakit
Tumulong man ang tinawag na albolaryo
Sa batis ng Croma
Pinilit lang akong ayusin
ang tila palaisipan na sudoko sa mga kamay…
Hindi ko lang malimot ang lalim ng pantheon
tuwing mapapahinto sa ganoong pagkakataon.
May nagsabi pang, “Pag nasa Roma,
Kumilos Romano ka”
Magmukha ka mang hipokrito
Na humihilik sa boses espanyolita!
Walang makapagpapagaling
Sa ganyang karamdamang masidhi ang hatid
ng pinagmulan
Maging marahil  ang ibong Adarna
na namumugad parin sa kabundukan ng Tabor
ay walang bisa ang awit na pinagpipitagan
ngunit nawa’y paniwalaan
ako’y maging tanggulan
tulutan nawang pahirin ng aking palad
ang iyong pag-ulan
 
Iniisip ko lang,
Kung muling aaliwalas ang buwan
at walang pag-alulong na magaganap
Naalala ko lang
na baka maulit ang iyong yakap,
Halik, at siil sa matamis na labi…
Iba na ang hugis ng mga ulap tuwing gabi,
Iba na ang kislap ng tala sa mutyang dalamhati,
Iba na ang kulay ng pag-iyak…
katulad  ito ng alulong ng buwan,
Tulad ng mapanglaw na kalawakan,
Tulad ng sandaigdigan
Na patuloy umiikot sa kanya-kanyang patutunguhan,

Wari’y pag-ikot mo sa aking isipan…  
-080810

Mukha ni P-noy sa Baryang Piso

Mukha ni P-noy sa Baryang Piso
(Tula)

(pasintabi sa ika-150 kaarawan ni
Gat Jose Rizal)

May sikreto sa sumbrelo ni Rizal
Ikinubli malaking ulo
May sikreto sa ulo ni P-noy
Walang sumbrelo
Malaki ulo
Kung bigat ng halaga ang titimbangin
Malaking lalagyan
Umaapaw ang laman: Rizal
Malaking lalagyan
Wala namang  laman: P-noy

Nang isinulat ni Gat jose
Itong Noli Me Tangere
Binasa ni P-noy
na ‘No-Limit-anger-e’
na dahilan ng pagkapanot
nang dumalas na uminit ang ulo,
na manggalaiti,
nang batikusin, pag-usapan
ang kanyang mommy, at ate,
ang pagkaPresidente
A, Kapag namatayan ka ng ina
Pwede ka nang presidente ng bansa
Siyang ina ng demokrasya
At siyang anak ng demokrasya?
De puta!
Mula noong pinaupo sa upuan
Siyam na taong binayaran
ng sambayanan
Sa Konggreso’t Senado
Ngunit nanigarilyo lang naman
At naglaro ng laway
A, malaking lalagyan
Wala namang laman
Edad na singkwenta
Utak pang-kwarenta
A, nang tumayo
Wala namang naitayo
Batas na sa isip lang nabuo
o sa hinagap wala namang titulong mahahango
Ngayon? Paano na kaya ang plano 
sa daang matuwid?
Papunta na ba sa baliko?

Nagreseta si Dr. Jose Rizal
para sa kanser ng lipunan?
Reseta rin ang kailangan ni P-noy
para sa sakit ng kanyang bunbunan?
A, ang reseta ng sambayanan
Rebolusyong tinatahak ng bayan,
ang daan sa tunay na lunas
sa sakit ng bayan
patungo sa tunay
na Pambansang katubusan!

SA LAKBAY NG TAGUMPAY

Sa Lakbay ng Tagumpay
(Tula)

Huwag mo na akong samahan
Sa paglalakbay
sa daigdig ng puson
Ang taludtud ng pag-ibig
ibaon sa lupa o ihulog sa balon
Sa paglulupasay sa kalungkutan
ako’y ibangon
Nang takipsilim  ang magpatila
ng ating mga ambon

Samahan mo na lang ako
sa lakbay ng mga ibon
sa kanilang nililiparan
sa kanilang langaylangayan
habang umiihip ang hanging amihan
na nagpapasayaw
sa amorseko ng isipan

A, Taluntunin man natin
bawat imbay ng punong akasya
na nagpapaindak
sa mga damong ligaw
Huni man ng mga naroong mga maya
kung minsa’y mapait na agunyas
Alam natin
na ito ay tanda lamang
na bawat dahon na nalagas
tiyak na magbubukas
ng isang bagong landas

ang tagumpay ng ating pag-aaklas!

TABLETA

TABLETA
(Kwento)

Pinahid nya ang nangingilid na likido sa kanyang mata at umayos ng pagkakaupo sa malambot na kama. Pagdaka’y dumakot ng isang tableta ng gamot, sinentro niya sa maliit na takip ng botelya ng gamot na kanyang hawak. Aasintahin niya ang takip na may tatlong dipa rin ang layo mula sa kanyang pwesto. Sa ganoong layo, mahirap din ang maipasok ang isa man.

Initsa nya ang unang tableta...

        Kanina nasa isip niya marahil ang ginhawang matatamo matapos na maisubo ang hawak na gamot, maaaring ang mabilis na paggaling o ang paghupa kaya ng iniindang sakit, ang kirot, hapdi o latay ng kapangahasan ng mga sandali ang naglalaro sa kanyang isip. Kaya't ibinuhos niya ang laman ng botelya at  napuno ang kanyang palad ng mga butil na gamot at dahan-dahan niyang inilapag ang walang lamang botelya. Tinitigan ang nasa kanyang kamay at napako ang tingin niya dito…

“Maglalaro tayo. Halika, huwag kang matakot! Di ba gusto mong maglaro tayo?!”         ipininid ng kanyang kuya ang pinto at sinigurado ang pagkasara.

“Ako ang tatay, ikaw daw ang nanay!” anito.

“Sige, matutulog na raw tayo” wala siyang pagtutol sa simula kahit marahas ang paggapang ng kamay sa pagkakalatag ng kanilang katawan. May bagyo sa kanyang isip, malakas ang pagbabadya ng hangin sa tanggulang katawan ng kanilang bahay-bahayan. Sa lakas ng hangin na waring kumakatok sa pininid na pintuan ngunit anong lakas niyang pagbuksan ang hangin ay wala rin pala siyang lakas na hindi ito papasukin. Ang kaya niya lang ng mga oras na iyon ay ang matakot, ang mangamba na baka malagot ang pundasyon. Nakatatakot ang panginginig ng haligi at ilang mga larawang nakasabit sa dingding dahil sa lakas ng bagyo sa kanyang isip. Malakas ang buhos ng ulan. Ang bagsak ng bawat patak na kasing laki ng sa kamao, kasing bigat ng sa yapak ng paa. A, mahapdi ang bagsak ng patak ng ulan. Halos maluha-luha ang bubong ngunit sa mahapding bagsak ng malakamaong ulan ay ano ang magagawa niya. Pipi ang bubong. Kahit na may bibig o kahit pa may boses…

             ...ngunit kapos ang kanyang inihagis. Hindi pumasok ang unang tableta sa takip na may tatlong dipa rin ang layo mula sa kanyang kinauupuan. Umiling-iling siya at ngumiti nang bahagya, nang patago na waring ikinahihiya sa kung sinumang makakakita ng kanyang kakarampot na ligaya na nagpapahiwatig rin  na ayos lamang ang mintis sa unang paghagis. Ang tagumpay ay malimit na nasa pangalawang subok o sa mga susunod na paghahagis.

Kaya’t dumakot siyang muli. Tatlong tableta ang nasa kanyang palad at mabilis na initsa iyon patungo sa takip. Muli siyang umiling-iling. Bumaling-baling ng tingin sa kaliwa at sa kanan. Wala siyang nakitang tao.

“Eee! A-ayaw! Aaaa!” nadinig niya. Hinanap niya ang pinanggagalingan ng boses.

“Tanga! Tatanga-tanga ka! Di-ba-ilang-ulit-ko-nang-sinabi-sayo…!” at kinaladkad siya ng asawa ng kanyang kuya. Hila-hila ang kanyang patilya. Wala siyang ginawa kundi ang magpatianod kung hindi lang sa matinding kirot. Huminto sila sa isang kabinet na yari sa isang matibay na kahoy. Hinawi ang laman niyon at pagdaka’y itinulak siya papasok sa loob. Nauntog pa sa bandang sintido nang bigla siyang sipain. Nang tuluyan siyang mabuwal, ikinandado ang pinto ng kabinet. Palahaw ang kanyang pag-iyak, nalalasahan ang pagtulo ng sariling sipon, pawisan. Masikip at mainit at madilim,

“A-ayaw! Ateeee!!” Sa pagitan ng daigdig ng kahon na iyon , walang nakaririnig sa kanya. Walang nakaiintindi ng kanyang boses kahit na may boses siya.
  
            Basa na nang luha ang kanyang mukha, tuluyan nang dumaloy ang likidong hindi inaasahang magdaraan. Nangingiig ang palad nang dinakot niya ang lahat ng tableta sa sahig at mabilis na initsa sa kinaroroonan ng takip.

At napangiti siya.
Pumasok sa loob ng takip ang isa sa maraming tabletang iyon. Agad siyang napatayo at tinungo ang takip. Nandoon ang isang tabletang ipinasok niya. Pupulutin niya na ito nang bigla siyang napahinto, natigilan… Sa sahig nakita niya ang isang puting unan.

“N-naa. A-aaah! Nanaaa!” at niyakap niya nang pagkahigpit-higpit ang unan. Tumatangis at waring wala nang kasing pait ang kanyang naramdaman sa unan na natagpuan sa sahig. “Aaaah. Nanaaa!”

Bumukas ang pinto.

Galit na galit ang isang babaeng nakaputi. Halos nagkakasalubong ang kilay at wari’y umuusok ang ilong. Masama ang tingin nito kay shiela.

“Walang hiya ka talaga! Hindi ka ba magtatanda!” At walang ano-ano’y sinabunutan niya ito, mahigpit na hinawakan sa buhok at iniuntog sa pader.

“Sinasayang mo ang gamot mo?! Sige! nang wala ka nang maiinom pa!”

 Dinampot nito ang ilang nagkalat na tableta at walang habas na ipinasak sa bibig ni Sheila. Halos maduwal ito sa biglang pagkapuno ng bibig. Tinakpan ng babae ang bunganga ng pinagagalitan. Madiin at marahas na pagtakip sa bibig ng kaharap. Kung hindi pa tumirik ang mata’t bumula ang bibig ng bata’y hindi pa niya sana ito titigilan.

Uncounted Bliss

Uncounted Bliss
(Reunited Bliss/11/11-13/11)
(Poem)

The shadow of days shed the yells
the moonlight covers the wounded dreams
the blissful bonds build my fears
of longing in days of unceasing hails
We cross the river of mud as a passageway
and hike the heights of the mountain
obstacles at amazing race that we play
even without taking a bath, sleep or brushing of teeth
well, it gives me something to be learned
as we hold the torch which symbolized our team
we hold as well the friendship we've gained
now before the night broke our feast
I wanna say "Thank you" for this uncounted bliss
as I fell longing for the place
You belong to surely I will miss

Ikaw na Tenga ng Lupa

Ikaw na Tenga ng Lupa
(Tula)

Iyon marahil ang pula
dugo ang amoy niyon
may alingasaw na nanunuot
sa ilong
mabagsik ang sangsang
-sa pagragasa ng dugo
mula sa nagnanaknak na sugat ng alimpuyo?

sa pagitan ng tunog –bakal na pader
matigas na rehas ang lunsaran ng hilahil
may naroong nagluluksa
dinig parin ang alingawngaw ng hikbi
“tulong!,” anilang paulit-ulit
Bulag ako nang maaninag ng aking kamay
ang kanilang anyo… nang mahipo
at hindi lang pala iisa ang humihikbi
na ngayo’y nananangis
laksa-laksa silang humihingi ng tulong
dumadaing
ng kanilang paghihirap, dusa at pait
na tinuring nang sumpa o walang lunas na sakit

laksa-laksa silang humihiling
tanikala ng pagkaalipin
sa leeg ay lagutin
damit ng kabusabusan
tuluyan nang hubarin
"husto na! "
bakit, kumukulilig sa tenga ko
laksa-laksang humihingi ng tulong
gaya ng kulog na sa langit dumadagundong
nagpanting sa tenga ng lupa
at tumugon ng pagkawalang bahala
bulag ako't hindi sila makita
ngunit naaninag ng aking kamay
ang kanilang anyo

nahipo ko’y bungo
-102509

CONTROL

Control
(Poem)

Wild wind blowing heavy storms
I know I can’t stop it
I can’t control
So I’m waiting
till the sky draws rainbow
then the seas will calmed down
and rivers follow its flows

Everything will come and go
these things we always know
So why worrying so bad
Why getting so mad
We can’t have everything we want
Why worrying so bad
Why getting so mad
Time isn’t in our hand

Walking through
croak places that unfold
but I know
there’s God for us to hold
Stop compromising
just walk while chanting
the holy names of the Lord
and show his light to the world

ISANG PANGAKO SA WAITING SHED

ISANG PANGAKO SA WAITING SHED
(Kwento)

That's the beauty of above ground tomb here in the Philippines...
Kalahating oras na akong nakaupo sa waiting shed. Nag-aabang ng dyip habang nagtetext sa kaibigan. Nakakainip maghintay ng masasakyan, lalo na kung hindi mo alam kung sasakay ka talaga. “kelan lang ay nag-alay ako ng bulaklak sa puntod ni Rhiza,” sabi ng katabi ko. Ewan, kung ako ang kausap niya. Pero sakin siya nakaharap. Dalawa lang kami sa upuan na ‘yon sa waiting shed.
“kay laki ng pinagbago ng lugar. Wala na iyong puno sa harap ng puntod. Iyon lang sana ang nagsisilbing payong ni Rhiza sa mga oras na tirik na tirik ang araw. Duhat ‘yon. Puno ng Duhat na sa tuwing dadalaw ako’y walang bunga. Di ko alam kung nagkakataon lang o baka nakararamdam rin ang punong iyon ng panganib na dulot ng aking pagbisita. Wala na rin nga yung nilagay kong palatandaan sa lugar. Tinanggal na siguro ng bagong bantay sa mga puntod.
Ngayon sigurado na akong ako nga ang kausap niya. Nakalimutan ko ng magpapara pala‘ko ng jeep. Nakakapraning si manong e, lakas trip… di muna ko sasakay.
 “Masisisi ba nila ‘ko kung hanapin ko sa kanila yung bandanang dilaw, doon sa rehas ng bakod. Na siyang palatandaan na katapat niyon ay ang kinalalagyan ni Rhiza. Tinanong ko lang ang Guwardiya. Sabi nilang hindi nila alam. Hindi nila alam at wala silang pakialam… pero hindi pwedeng hindi nila alam. pakiusap!! pakiusap!! ang paulit-ulit kong sabi sa kanila. At hindi ako tumigil kahit na dumudugo na ang noo ko nang mahampas sakin ang baril ng isa. Lumuhod ako sa harap nila… pakiusap kong walang tigil”
Wow! Daig pa ni manong si Lea Salongga sa Cinderella, sa isip-isip ko. Ang bilis magpalit ng damit ni Manong. Siguro dating Artista sa teatro. Characterized ‘yung dialog… “Pasalamat ko ng malaki nang ipakita ng bantay ang dilaw kong bandana. S-si Rhiza. Nasaan na po si Rhiza?!” pinatayo ako ng guwardiya at itinuro niya ang banda roon. Hindi ko maulinigan, at madilim ang hapong iyon. Wala akong makita. Tinungo ko ang banda roon. Gagap ko sa isip ang lapidang may ukit na pangalan ni Rhiza.
Ang hanay ng ataul ay hindi ko nilaktawan sa paghanap kay Rhiza. Wala akong Makita! Wala na ang harang na pumapagitan dati sa puntod ng mahal kong si Rhiza. Saan nga ba? Saan po ba? Muli kong pakiusap at sinabayan ko ng pag-uyog sa manggas ng unipormeng kaki ng bantay. Ngunit di ko maunawaan kung bakit nila ipinagkakait ang madalaw ko ang puntod ni Rhiza. Kahit ang puntod lamang niya… ang banda roon, ay mga sako lang naman na may kung anong laman. Itinuro ng gwardiya na tanggalin ko sa pagkakasara ang isa sa mga sako.
At nakita ko ang aking anak. Rhiza?… Rhiza, ikaw nga! Kamusta na ang anak ko… ang maganda kong anak… Rhiza! Rhiza…”
OA sa emote si manong. Para siyang may kargang hangin. Inuuyog. Idinuduyan ng bisig. Parang baliw. Parang may sapak. Gusto kong makisakay sa trip ni Manong. Kaya, hinipo ko ang ulo ng karga niya. Malamig ang hanging para kong tangang hinaplos. Oo nga… at maganda si Rhiza nang makita ko siya sa aking isip. Pero si manong, nagulat ako nang siya ay napahinto. Sabay titig sa akin. Nagulat ako sa pinukol niyang tingin. Nakita ko ang nanlalaki niyang mata, walang tinag na nakatitig sa akin. Agad akong kinabahan, pero ngumiti siya pagdaka at tumakbo nang mabilis… papalayo. Na walang lingon-lingon sa kanan o sa kaliwa… maliwanag kong nakita ang masaya niyang pagtakbo bago siya tuluyang matumba. Humagis pang parang papel nang masagi siya ng isang malaking bus. Bigla akong napatayo sa’king kinauupuan sa lilim ng waiting shed.

May bakas ng pulang likido ang salamin ng bus.

Napasigaw ang ilang nakasaksi. Ang tingin ng lahat ay sa taong nakahiga… habang tikom ang bibig kong tila nangatal sa pagkabigla. Si Manong… Napalunok ako ng hangin at hindi parin makapaniwala. Nakita kong ngumiti siya sa akin bago tuluyang mapapikit. Ang ngiti ni Manong… parang sinasabi sa aking alagaan ko si Rhiza. Napatingin ako sa langit. Bughaw ang ulap. Alam kong mahal na mahal niya ang kanyang anak. Malinaw kong nakitang kumapit sa kamay ko si Rhiza at lumuluha pang nagpapaalam sa kanyang ama –si Manong. Napaluha ako. Pagdaka’y bumulong ngunit matapat na pangakong nagmumula sa’king puso. Mabagal kong sinabi ang mga kataga… Aalagaan ko si Rhiza. Pangako, aalagaan ko siya. 

REACHING HIGH

REACHING HIGH
(Poem)

Everytime i wanted to climb and reach
mountains of my doubts and goals of my life
holding my faith, my trust, my all to teach
what is the good, the better not to hide

measuring what i can, be apportion
such good things to prove myself has strength
to do all things have better position
and ventured to reach with trusting no bend

reach the highest mountain which all i own
and we're the one to choose where's life going
even night was coming and dark scion
dont ever take haze cause truth we're knowing

that when if we're heard the echos of harp
that is the time we had lighten our dark.
-012006

PAGPANAW


PAGPANAW
(raven hawk's suicide note)
(Tula)

Lumalangoy ang isip
sa dagat ng kaisipan
umaasang maapuhap ng makwentuhan
ang kariktan nitong nakagapos sa kawalan.

Sa lalim ng pagsisid ay nais ng sumuko
humihinga sa misteryo, at tunay na mundo
kinukubli ang huwad kaysa sa totoo
gagapiin ang luha sa pagpanaw nito

Ginagapos narin ang bawat salita
minimina sa hangin at kinakata
nakikinig sa boses na walang makaunawa
ang hanay ng mga hinuha
marapat lang ipakita.

Pero, hitik na ang blangkong papel
at ang hiwag nito'y sakin lang nakatanim
ang tulang ginawa- sa lilim ng patay na araw
kumata'y-hindi matanaw.. . .
kathang-walang matanaw. . .

-022208

NUCLEUS (Looking back to alaala)

NUCLEUS (Looking back to alaala)
(Kwento)

Binuklat ko ang dating diaryng inaamag na sa sulok ng kabinet ko. iyon yung binayaran namin ng 60pesos kay Mam. Corazon bilang project namin sa VALUES. Binili namin 'yon ng wala pang design. yung pang project talaga na ikaw mismo ang bubuo, magdedesign.
kumpleto ang materials: isang mini diary book (dedesignnan), may mga maliliit na butones, durog na marmol, pinulbos na ascobar, glitters (na mahirap tanggalin sa mata), at isang plastik ng malagkit na glue -na mabaho (yung pangdesign).
sa iyong artistry, sa kung anong design mo gusto, sa mahika ng krieytibiti mo ibabase ni Mam yung makukuha mong grade. no count kung pinag-ipunan mo man ang ipinambayad mo o niluhuran ng katakot takot sa magulang ang 80pesos na pambayad ng nasabing project. (yung bente para sa pagod) pero ang sabi ni Mam, basta't walang design, wala ring grade... as is.
ang gusto ni mam, may malawak na emahinasyon, may effort talaga, yung makulay, yung ginamitan daw ng utak at puso (yung gamitan ng utak pwede pa, pero pag gamit sa puso. parang malabo) highblood kaya tatay  ko. na namana ko pa bago siya mamatay.
malawak kasi ang emahinasyon ni mam -madalas siyang magkwento ng kababalaghan tungkol sa iskul namin (oo't marami kaming nauto niya) kung idedescribe: madalas siyang nakabestida, yung medyo may kaluwangan -na hindi masasabing mataba siya. dahil tago ang nag-aalugang mga beltbags (bilbils) sa loob ng damit. hindi naman masyadong mataba si mam. (medyo chuby lang konti ang pagka-chubbiness) tapos parang pilit pinaliliit ang leeg sa kanyang suot na kwintas (oo nga naman, napapansin kasi ng mata -yung mga bagay na makintab o kumikinang, nakalagay man yun sa putik o tae ng kalabaw) na kung pumupulupot yung kwentas sa kanyang leeg ay para siyang ginagaroteng inahing baboy sa paraang pagsakal ng lubid pero walang talab (kasi hindi makabaon) sa halos lumuluwang taba ng buong katawan (yung balakang ko hita niya lang)
naninilaw madalas si mam sa suot niyang gintong alahas: hikaw, singsing, pulseras, relos at kwintas. walang dudang ginto ang mga 'yon. -mayaman kasi si maam. siya lang ang alam kong may pinakamagarang kotse na nakapark sa tapat ng covered court ng eskwelahan namin na hindi naman sadyang ginawa bilang parking lot. ewan ko kung galing sa mayamang pamilya si mam. o galing sa pamilyang mayaman ang yaman ni mam. (baka  nakapamikot ng Rich -na bulag) o kaya, maaaring galing sa hirap at pagod ni mam ang kanyang yaman ngayon mula sa ilang taong pagiging guro; pinag-iisipan pa lang daw ng mga magulang ko na buuin ako e, nagtuturo na siya - ibig sabihin (napakaraming estudyante ang hindi agad grumadweyt, dahil sa kanya) si mam ay isang masipag at matipid na guro (sa tipid niya nabawasan ang paborito niyang pampalipas ng oras -ang pagkaing hindi na limang beses sa isang araw -4 1/2 na lang).
sa katipiran niya: malamang inipon niya lahat ang mga nakolekta sa mga sobrang class fund (may hinala akong hindi talaga alamat ang pagkawala ng class fund namin), naitatabi niya lahat ang mga gamit ng Bond paper, mga papel, written report, mga test paper at paper profile ng kanyang nagiging estudyante. syempre sa tagal niyang nagturo -malamang nakaipon siya ng ilang truck ng mga papel, o ilang bodega, o isang planetang puno ng papel. tiba-tiba siya sa halaga nun oras na maipatimbang na sa junkshops. o kung tutuusin maaari siyang magpatayo ng ng ilang pabrika ng mga recycled paper- yung mga luma't gamit ng papel ay gagawing bago uli, o kaya pabrika ng Artworks, Displays-Handicrafts na mula sa naipon niyang papel... dahil may malawak na imahinasyon nga si mam, hindi na siya siguro nahirapan sa pagdedesign. malamang ring yumaman siya dahil sa pagpapaclearance ng mga estudyante. (lagot ang mga incomplete)
Sa dami ng mga hinihinging requirements para sa mahirap at nakakapagod na gawaing pagpirma sa clearance sheets ng mga masisipag nilang mag-aaral… bawat estudyanteng magpapapirma ay magbibigay ng basahan , bunot at floorwax o folder at manila paper… syempre mas malaking halaga kapag nabenta na ito. Walang puhunang nilabas (maliban sa ilang pawis at dugong pumatak sa mahirap at nakakapagod niyang pagpirma) at grabe ang kita. Pero tiyak mas ikakayaman ni Mam ang kumbinasyon ng lahat ng ito; sabi ng ilang mga naging guro ko hindi ka raw yayaman sa pagiging titser. Ganun? Siguro nga , lalo na sa panahon ngayong machine base na ang eleksyon. (since 2010). Mawawala na siguro sa mga phonebook nina mam sila palakaibigang Politiko.

Marumi na ang balot ng diary book ko. Sira na rin yung Design (kung design man Ć½on) na talagang pinagkapuyatan kong pagandahin (at sa tingin koĆ½ pinakamaganda na Ć½on sa lahat ng mga proyekto kong in-Overnight din)
Karamihan sa mga klasmeyt ko ginawa nilang Autograph Book o Dedication book Ć½ong Diary Book nila. Dahil sa last month na namin sa highschool noon –tinuring na naming last message yun sa isa’t isa “mi ultimo aDios…” ang tema. Gumaya rin ako. Kainggit naman kung hindi gagaya sa mga nauna nang nainggit na gumaya rin sa iba… pinasulat ko sila, pinasulat nila ‘ko. Nagsulatan kami ng mga last message namin sa isa’t isa. Naaalala ko pa kung ano yung mga sinulat ko sa mga Diary con Autograph nila. Ɲung mga salitang hindi ko akalaing isusulat/maisusulat sa mga ganoong pagkakataon, na may ganitong konotasyon:
Insert:
The Counted Bliss…

The shadow of days shed the yells
The moonlight covers the wounded dreams
The blissful bonds built my fears
Of longing in days of unceaseless hails

The river will flood the passageway
A path of past by the river of years
So hold the torch with fire this day
To burn the look warm cheery play

But before the night destroy our feast
I’ll bondage the scars of ours to heal
I’ll vomit all my unchewed will
To bring back the smile to seal

And I’ll calmly wait to the counted bliss
My inkless mind longs these places
I knew it brings luck not untraced
With tears of parting yet undigested

At ilang pangyayaring hinihingan ng hindi paglimot kundi ang pagsariwa sa nakaraan. Ilang mga larawan na nabubuhay sa loob ng apat na sulok ng kwadrado ng ating isipan, na patuloy na hihitik, mamumunga at uugat sa ating pagkatao, ng ating pagiging tao. Mga larawan ng kasalukuyang pangmumuni patungo sa nagdaang mga araw –ang larawan ng nakaraang kahapon, ang mga alaala ng noon, ng nilimot ng panahon…

Binasa ko uli Ć½ung mga nakasulat sa inaamag ko ng Diary Book sa sulok ng kabinet –yung mga last message ng mga naging kaklase ko… na hindi ko lang naging mga kaklase–kundi naging kaibigan ko pa: na kahit isang taon ko lang sila naging kaklase sa loob ng masikip na silid –na walang bentilador (kundi butas na mga salamin ng bintana ang lagusan ng hangin, ay parang kilala na nila ko, nakakatawa, /nakatutuwa ka!, ayus ka!, mabait ka!... mga ganitong pagkilala. Parang kilala? Parang lang. hindi pa kasi nila ko talagang kilala. Yung kilalang kilala. Sabi nila ang makakakilala lang ng tunay na ikaw ay ikaw mismo. ...pero parang malabo pa Ć½on ngayon, kasi yung ako mismo na kikilala sa tunay na ako e, hindi parin kilala ang tunay na siya. Parang...naghahanapan. parehas missing Identity. Yung hindi pa alam kung sino siyang talaga. Iyong totoong siya. Parehas naghahanapan ng tunay na pagkatao. Ɲung totoong tao:
Naghanap sila sa bundok ng basura, sa sta. Mesa, sa malaria, sa amparo, sa baguio, sa tala, sa balara, sa pasay, sa laguna, sa mga mall… pero Wala ?!
Binungkal nila ang lupa, binutasan ang daigdig, nakita ang mantle layer, pati yung core… nabutas ang ibabaw at ilalim ng daigdig –parang earth axis na pagkakabutas… Pero Wala ?!
Hinanap sa kung saan, gumawa ng Space Rocket… at itinali sa sarili yung Space Rocket, (o sarili ang itinali sa Space Rocket ) …naghanap sa Space, bagamat pinabagal dahil sa Gravity… Pero Wala?!
Tapos bumalik uli sa umpisa, parang isang mahabang Koro ng kanta. Tapos, magfe-fade after instrumental habang patuloy na naghahanap… walang sinasayang na oras sa pagsasayang ng ilang pilas ng mga papel, patuloy na naghahanap –di tumitigil hanggang may mapala. Bumigkas ng Quotes, “wala pa naman ang wakas, ngayon palang ang simula.“

SMILE

SMILE
(Poem)

It grows in every blinks of laughter
For an outer face beyond shed and fears
From the morning, wipes by unexpected rain
Let smile gloom for a shower be summer’s lane

It proves the color of dark and white
As a pool for nicer your pride be hide
Other as a falls for truthful your Brights define
But ornament at all though impressions of dust

Smile is everywhere if heart beats
If a bud hears your laugh, it too inside
For itself a smile could be found deep of heart
Was better and true a reply of not just proud

So let your smile flows by the water of red
And let you grows from dry of dieing roses scent
Place it to the sun, moon and universe
For innocent quails should be inverse

-102907

Shadow

Shadow
(Poem)
/panambitan ni Kathleen

Every time the dark will take its route
Through ocean of the sky ang stars road
My heart was filled of solemn mood
Speechless cries ang doing naught I should

Shadow of the past running through my veins
The weight of wounds seems tragically untraced
Though it’s been a year that faded as rain
That nothin’ can cease this feeling at chain

Pushing to forget was so hard to do
With the one whom you made love so true
To your heart the strength have been tried to cope
Even if you knew you’re going to last hope

Can’t release the feeling of blaming inself
Moreover these pain causes by you
Even if you don’t meant or you don’t knew
The shadow means to leave the old view
-033009

Kahon, Numero, Sundalo at iba pa...

Kahon, Numero, Sundalo at iba pa...
(Dagli)
Sa pagbagsak ng Dice…

             Papailanlang ang malakas na ingay ng pagsabog. Kasabay ng ilang mga putok ng malalaking armas. Sunod-sunod ang kalabit ng gatilyo at pagbunot ng ditsa ng Granada, sabay hagis. Mangagsisiliparan ang mga tinamaan, sa ere ang nagsikalasang mga bahagi ng katawan ay isa-isang mahuhulog sa lupa, kalat-kalat, hiwahiwalay. Ang binti, ang braso, katawan, ulo at mga daliri ay tila mga parte ng jigsaw pasel na laruan. Mahirap tukuyin kung alin ang magkakarugtong, ang magkakapares.
Wasak ang ulong may baluti na pang matikas na kawal. May bumaong bala sa nuo. Kasabay ng di mapigil na pag-agos ng dugo, lamang ay hihinto oras na masaid na sa mga ugat ang pulang likido. Apat na sundalo ang bumulagta sa lupa. Hiwahiwalay silang nagsibagsakan.

           Sa pagbagsak ng Dice… ang tumapat na numero ay anim,

Nakatutok sa kanilang puso ang paningin ng bala. Sinisilip sa lente ng teleskopyo ng isang mahabang baril. Sniper. Nakasilip sa may asintahan hinahanap ang tinutudla, kaalinsabay ang pagpulas ng galit at pagtilamsik ng dugo mula sa nabutas na dibdib, tagos sa puso, labas sa may likod. Magkakaroon ng kaunting liwanag ang nabutas na katawan.
Gumapang ang isang sundalong may bitbit ng kanyon. Pumwesto. Nakapasak na ang bala. Pumailanlang sa ere at matamang binabagtas ng mapanirang bala ng kanyon ang pinatatamaang kampo. Isang malakas na igtad ng mga nahagip. Natupok ng apoy ang tanggulan, ang pinagkukutaan ng ilang sugatang kawal. Ang isang sundalo’y paulit-ulit umiikot sa damuhan, gumugulong–gulong, pilit pinapatay ang apoy na mabilis na kumakalat na sa kanyang ulo, sa kanyang mukha. Ang amoy ng sunog na buhok, balahibo, hibla ng kilay at pilik-mata, ng buong mukhang nilalamon unti-unti ng apoy… Tinutupok ng galit. Sa huli ay magwawagi ang nagngangalit na apoy. Iiwang nakaratay ang sunog na bangkay at magiging abo, na pagdaka’y liliparin ng hangin. Anim na katawang bumagsak… wala ng pagpintig… wala ng buhay.
Muling inihagis sa ere ang Dice, at tumapat sa bilang na isa. Nag-isip ang naghagis, kung isa lang ang matutumba ay bakit hindi ang may hawak ng kanilang tapang, ng kanilang lakas, ng kanilang pinaghuhugutan ng pag-asa… ang siyang mawala.
Sa pagitang ng mga putok at pagsabog at pag-igkas ng mga palahaw ng pangamba at takot, may isang sundalong mula sa kabilang hanay na ang tanging mithiin ay makalapit sa may tanging kampilan. Hawak ang matalim na tabak na may sariwa pang dugong tumutulo, mula sa mga ibang nangahas humarang . isang matalim na pagdatal sa leeg sa pinaka may ranggo. Ginilitan. Agad na sumirit ang dugo sa leeg. Tumalsik pa sa mukha ng gumilit, laslas ang litid at wakwak ang lalamunan. Unti-unting pinapanawan ng ulirat, ng dugong walang tigil sa pagpulas. Matapos sa leeg ay hiniwalay nito ang ulo sa katawan, sa pagkakadugtong. Pinugot. Hawak ng pumugot ang tapyas na ulo ng pinakapinunong sundalo. Matamis na tagumpay. Tumikhim ang may hawak ng pugot na ulo ng dugong tumutulo sa kanyang patalim. Nilasahan ang dugo. Iwinagayway sa kanyang mga kawal, sa mga kalaban, sa lahat, “ang inyong pinuno!! Ang aming tagumpay! Ang inyong pagbagsak!!!” “Andres!” ang tawag ng ale sa anak. “Andres! Pumarito ka’t may iuutos ako,”
“sandali po!” ang tugon nitong may pagkabagot. Dali-daling tumayo at at tumugon sa inuutos ng ina.
Sa kabilang banda ang mga laruang sundalo (ng magkabilang kampo) ay naiwang nakakalat… ang ilang nakatumaba, ang mga nawasak na tanggulan, ang dugong bumaha…

          Bukas ang bintana nang humihip ang malakas na hangin. Dali-daling pumasok sa may bintana at tinangay ang parihabang laruang may mga bilang.
Sa muling pagbagsak ng Dice… walang numero ang makikita. Blangko. Walang bilang, “walang dapat mamatay!” ang sigaw ng isa. “kayo ang dapat mawala!!” “hindi!! Kami ang matitira sa hanay!”
“kayo ang dapat mamatay!!!” ang giit ng isa.
Muling nagpatuloy ang gyera…

Life in the Meadow

Life in the Meadow
(Poem)

Ignorance of ones sprout is acceptable
Yet becomes a grass thru others must be useful
It must be quiescent in vintage time for cleansing
Must not a headache for the flower that growin'

The sense of life is depend to the one who hold
But holding for naught thought and in their fate that fold
Are means all null that have turn life miserable?
No venture at all; how a grass be colorful?

As an ornament rather a trash undisplace
A grass as “trees’s leaf of our land” shows work amaze
Accepting unfortunate fate is’nt an aid
Hold on tight on stand’s ground for others have made

Their footstep is not a cross cause you’re strong
Seems colourful as long as you’re not doing wrong

-090707

Hindi ko na maitatakwil ang mga naisulat ko na…

Hindi ko na maitatakwil ang mga naisulat ko na… 
(Tula)

Subalit para yung anak ko na hindi ko pala kadugo, 
hindi talagang sa akin,
hindi talaga ako ang sumulat. 
Siguro iniisip mo ngayon na kasinungalingan lang ba ang lahat.
Isa lang bang malaking pagpapanggap. 
Tingin ko, hindi naman. 
Hindi naman sa ganun. 
May mga bagay lang 
na sabihin na nating nagkaroon ng linaw. 
Nawala ang  piring sa mga mata ko. 
At nalaman ko kung sino  ba talaga ako
. Oo. 
Yung tunay na ako na matanggal ng nakatago
, na matagal nang naghihintay sa akin 
para magkakilalan kaming dalawa. 
Sasabihin ko na rin sayo
kung sino ba talaga ako. 
Tama hindi nga ako
yung matagal mo nang kilalang ako. 
Akala mo ako iyon. 
Pero hindi!
ako rin gaya mo 
–nagkamali rin sa pagkakakilala kung sino nga ba akong talaga. 
At ngayon ko lang rin nalaman
na ako pala ay hindi ako
ang nakilala mong ako.
Hindi ako ang hugis, agwat, espasyo
Hindi ako ang konkretong inaakala mong ako.
Hindi ako ang laman, balat, litid, apdo
, atay, ugat o dugo. 
Hindi ako ang panlabas na anyo. 
Pagkat ako ang diwa ng kaluluwa. 
Ang diwang hindi makikita ng literal mong mga mata. 
Ako ang diwa ng kaluluwa
na gaya ng bulaklak ng lotus na payapa ang diwa
sa gitna ng maruming ilog. 
Ako ang diwa ng kaluluwa 
na ang tungkulin ay ang maglingkod.
Diwa akong makikilala mo ngayon. 
At hindi ka na magtatanong
kung bakit ko laging pinupuri
ang pangalan ng aking Panginoon. 

Haribol!

UN-NECK-DOTA

UN-NECK-DOTA
(Tula)

Pasensya na...
medyo nag-eemote lang ever
sa pag fly-fly may mga etchings etchings
kung dehins Carino brutal ang effectiveness-
Devastated naman ang heartache
Trying hard... crumacryola

Mas malayong binuview ang future
beyond unfortunates kong past... at destructions
pang turtore-kwek kwek na japeyk
Dios Mil, piratang DVD's at pills:
Mas malabong magpasaksak o magpamasaker
Ampatuad de ladlad at parti-less...
nagpapaturok sa patag na dibdib
MaLuz Baldes lang 'tong des honares.
...doble Kara ('y Crus) pang effect
sa mamihan at pares pares

pasensya na...
medyo mag-iispyuk ang bandirittas
i-ban daw ang tita mo sa kader-der na politiks
so chaka daw kasi kapag kaming maglutas
sa unsolvebables na poorest nationg may tigdas...
paano ihiheal ang illinoisiest cities
-like pinas?

pasensya na...
We’re not macho papa's tulad ni R'meo
tipong sumasayaw ng low-low-low
Tirintas ang kilay at nakashaging eyebrow
ngunit nagpapatuloy...
ang dugong Bayani sa mga nerves nagfoflow
...though

Birdugo ng pangarap,
Siento por sientong waley pang clap-clap...
from alapaap-
Heaven to earth ang paglagapak
waley mang pakpak...
But we swear, pang oath na itich
pagkat magandang bukas ang ikoCrosstich
Promise!

Cause we can make-over, for Free!
...necessarily,
At trulalong di puro drawings

...Trust me!
-020910

The Farting Time

The Farting Time
(Kwento)

Nipa hut at the pool side/interior/umaga

Sa gilid ng pool, sa loob ng kubbol, sa mesang may laman ng iba’t ibang chitchiria at tatlong Bottled Drinks na ang laman ay “The Bar” at Nestea Juice na ipinagbabawal ng Resort sa mga Minor De edad na dahil may pinanghahawakan silang kasabihang “Masarap ang Bawal”! ay hindi nila iintindihin ang Regulasyong ito!
Mga ilang Segundo lang ang nakalilipas ay mangangalahati na ang isang Bottled Drinks. Maya-maya pa ay tila biglang magugunaw ang mundo dahil sa lakas ng pagsabog na ‘yon. Walang tunog pero malakas ang epekto! At mapapatakip ng ilong ang lahat.

Galileo: (pasigaw) Takte! Ambaho tal’ga!!!
(ito yung unang nagtakip ng ilong)

Jasper Kepler: Sinu ba yun?! Aroma de put@! Parang binurong daga ng ilang libong Years!
(Magkakatinginan ang lahat, may magpapaypay ng kamay sa hangin, sa tapat ng ilong, at magsisi-ilingan ng pagtanggi!)

Ienstein: ka bastos naman, parang walang Good Manners and Right Conductivity!
(kukunot ang noo ng karamihan, mapapaisip tuloy yung walang gaanong isip!)

Sigmund: (kay Ienstein) Anung Conductivity?! Teoryang Eng-Eng ka lagi noh! Ganyan ba ang epekto sayo ng Gatsby Wax! Good Manners and Right Conducts Yun, Bugok!!!
(maririnig sa paligid ang malakas na tawa ng karamihan, mapapatingin ang ilang naliligo sa pool sa kanilang pwesto!)

Ienstein: Tange! Conductivity, yung Transmission of heat through a solid by body… yun bang passing energy mula sa isang particle patungo sa isa pang particle! Ibig sabihin, wala sa tamang transmission yung utot ng kung sinuman sa lugar ng pinatunguhan! Right Conductivity. Haler! Nursery pa lang ako itinuro na ‘to!
(biglang lalakas ang hiyawan at palakpakan ng mga nakapalibot, isang mabilis na lipat ng camera kay Sigmund na mahuhuling nagpupunas ng tissue sa kanyang ilong na nagno-nose bleed)

Franklin: (magkakamot ng ulo) WoW! Nose blood!

Sigmund: (HABANG NAKANGISI) Tsk! Fetus ka pa lang alam ko na ‘yan! Talagang dapat ay nasa tamang lugar tayo bago umut…(mapuputol ang sasabihin niya dahil biglang eeksena ang Cellphone ni Galileo na may True tone na EENIE MEENIE ni justin bieber, at mafofucos ang Camera kay Galileo)

Galileo: (nagtaas ng kamay) P're, Back-out muna! May tawag ako e,
(sabay sibat na hawak sa kanang kamay ang CP habang ang kaliwang kamay ay nakatakip sa puwet)
Jasper Kepler: Unlimited Call ha! Call of Nature kamo! Pwe!
(tawanan ang lahat maliban kay Marry jury na kasalukuyang binabanatan ang pulutang Junkfoods sa mesa)

MJ: kaya pala kanina pa Ambaho, nagpipigil lang si Gagolei! Paano kasi katabi si Antonnete! (sabay siko sa katabing kasalukuyang nagsasalin ng Chaiser)

Taumbayan: Uuyiee! (nagduet ang lahat. Duet ba ‘yon o koryo? Basta, nagkaisa silang tuksuhin ang HotDiva ng Grupo)

MJ: teka, Teka?! Umamin ka samin, Naka First-Base na noh? (lilipat ang camera kay Antonnete na magmemake-face pero walang anumang emosyon)

Taumbayan: UuyiieE! (mas malakas na tuksuhan ulit sabay tawanan yung iba, maliban kay Nina dahil Hagalpak ang sa kanya. Tawang walang bukas)

Antonnete: Guys! Please Stop Connecting me with that yucky Guy! (habang nagsasalin uli ng Chaiser at The Bar sa Plastik Cup) I have my Taste! And He is not my Type of person, owkey! (paliwanag niya with matching nguso at wiggling of head)

Eistein: OWS?! (hirit niyang parang hinuhuli ang dapat mahuli)

Antonnete: So don’t believe if you don’t! If I know Nagseselos ka lang!

Taumbayan: BuUH!!! (Lights spread-out) tawanan lang ang maririnig! At syempre mahuhulaan nating ang huling boses na malakas paring humahagalpak ay kay Nina!)

end

Kulay sa Ating Panulat

kulay sa ating panulat
(Tula)

Tama na ang luhang pumapatak
katambal ang ulan sa pagtangis
wala nang pagpinid sa haba
walang hinto, walang panuto
hanggang maulit muli ang siklo
hanggang masaid ang pagtulo
...ng plumang nagdurugo

kung payak lang na dura
umaapaw man na salita
kung sinilang lang ng dila
ay wala paring naipunla
walis na winawasiwas ang tingting-kapal
walang nadampot... puros paghingal
umaatungal ng pabulong
walang punyal
...ang tintang hangal

kung batis ng puso
pulot ang luha sa galak at samyo
lantay na pag-ibig
busilak na himig
at ilang mga dakilang pag-awit
tapat na paghimig
...ang makatang panitik

Kung may baga, naglalagablab
bawat titik ay may apoy, may alab
tutupok sa katawan ng mga salabusab
lumilikha ng bitag, matatag
handang pumatay, handang bumuhay
nagpapakilos, nagpapalaya
...ang pulang tinta

Ito'y kulay ng ating panulat
mula bughaw na tinta
sa papel ng lipunan
nakasulat sa puso
ng mga mayayaman
elitista, burgesya,
mga boss ng multi-bilyong korporasyon
mga hindi  nagpapasweldo
kapre sa palasyo, senatong, tonggreso
at iba pang swapang, abusado at berdugo
mga may dugong-bughaw
na nagkakalat, nagpapakalat ng tintang itim
sa kabayanan ng karimlan
sa kagubatan ng dilim
Itim na bukas sa mga naggagapas
itim na lunas sa mga buhay na mauutas
itim na awas sa mga gutom na obrero
itim na agas sa ilog ng panangis
na dumadaloy sa puso ng mga nagdarahop
itim na nagpatiim-bagang,
masidhing nagpakuyom ng palad
at nagpaalab sa dumadaloy na pulang dugo
ng masang sa galit ay punong-puno
tintang pula sa oda ng mga punglo
tintang pula sa hanay ng mga nakataas-kamao
tintang pula ng mga rebolusyunaryo
tungo sa pag-iibang kulay ng sistematikong kabulukan ng lipunan
ang tintang pula sa himno ng pagbabago
patungo sa iisang yugto

kalayaan ang kulay ng dugo
-080209

"Pennykulang Pilipino”

“Pennykulang Pilipino”
(Tula)

Nena… Nena… gumising ka!
Tapos na ang palabas
Lumabas na ng sinehan ang lahat

Humarap tayo sa katotohanan
na sa likod ng pinilakang tabing
may sistemang nagdidikta
sa pelikulang Pilipino.
Malayung-malayo na tayo
sa mga madulaing sarswela
Wala ng mga sumasayaw
ng pandanggo sa ilaw
nakasuot ng baro’t saya
at may panyong pula.
A, salamat sa ating makanluraning pundasyon
na lubhang kapitalista at anti-Pilipino
na hindi nagtatalakay ng pambansang sitwasyon
Walang pagtaas sa antas
ng pulitikal at kultural na kaalaman
Anong Pambansang pagkakakilanlan?
Walang sariling katauhan

Nena… Nena… gumising ka!
Tapos na ang palabas
Lumabas na ng sinehan ang lahat
Silang tulad mong bumili 
ng pagkamahal-mahal na tiket
silang nagbayad
para lang tumakas saglit sa realidad
silang lumimot saglit sa magulong buhay
habang sa malaking kahon nakatunghay
A, silang sa pambubulag dinala
Nabusog ang mata sa Pelikulang basura

Nena… Nena… gumising ka!
Huwag ka nang managinip
Mas makulay ang pelikulang ilusyon
Pangarap mo ang itinutunghay ng malaking kahon
Halika’t sabay kayong lumuha ni Nora Aunor
o makipaglaban gamit ang espada
ni Ramon Bong Revilla Jr.
o pasakitin ang tiyan sa katatawa
o painitin ang puson sa digmaang pangkama
muling ginilingan ng kamera sina Sharon Cuneta,
Dolphy, Vic Sotto, Dingdong Dantes at Marian Rivera,
o silang nagpapaluwal ng mas mabilis na kita
A, monopolisasyon sa indutriya
Viva! Kontratang Regal, Star-studio, GMA films etchetera
Viva! Booking System ng mga nagsisipagyamang artista
Viva! Kolonyalismo at tatak kapitalista, Viva!

E, paano sina Lino Brocka?
Ishmael Bernal, Eddie Romero, Mike de leon at Marilou Diaz Abaya?
o ang mga susunod pa sa kanila
Na silang makapagsisimula
ng malawakang pagbabago
Sila! Sila dapat ang pinanonood mo Nena!
Nena… gumising ka!
Tapos na ang palabas
ng may bahid ng kolonyalismo’t kapitalismo
Umiikot na ang rolyo
ng tunay na Pelikulang Pilipino


Si nena ay mayroong JUNKSHOP sa Diliman, sa Q.C
Sabi pa, kiumikita si Nena sa mga Basura,
kaya mahal na mahal niya ang mga basura
Nena… gumising ka!
Humarap sa katotohanan
at kumilos para sa pagbabago!

-080311 

Babalik ako para sabihing 'Ayoko na!'

Babalik ako para sabihing 'Ayoko na!'


"Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan"
-Roman 6: 23

Ang kasalanan ko lang ay ang mahalin ka...
Ngayon, hindi ko man nais, ngunit kamatayan ang kabayaran nito. Patay na ang alab,ang init, ang baga ng pintig ng puso;     My Freinds use medicinal gadgets, but still it is with no response, the bloody heart function is not working. Ngayon, ipagluksa mo ang pagyao ng inalay na pag-ibig, buong lumbay mong itangis.
Kabaong ng namatay ang nasa ating harap, at mula sa salamin na iyan, makikita mong nakahimlay ang pag-ibig; maluha-luha ko pang titingnan ang bangkay na iyan, na hindi mo napapansin, may make-up din pala ang patay na pag-ibig na nakahimlay. Dinala iyan sa punerarya, pinaliguan muna ng imbalsamador, pinasakan ng tubo sa katawan nang masaid muna ang dugo, tinanggalan ng laman-loob, nilagyan ng formalin, at muling binihisan ng damit na babaunin ng patay  na pag-ibig sa kanyang huling hantungan -ang lupa.

...ang kasalanan ko lang ay ang mahalin ka;
ngayong kamatayan nga ang kabayaran ng kasalanan, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili, pagkat wala akong pinagsisisihan nang sa iyo ko naibaling ang pag-ibig na ito. Patawarin nawa ako ng sarili ko...

Malalim na ang hukay ng lupa, mabilis maghukay ang inupahang tagapagpala. A, ang huling hantungan: lupa. sabi, ang nanggaling sa lupa ay magbabalik sa lupa, gaya ng mga tuyot na dahon; gaya ng mga alon, gaya ng mga nilalang na umusbong sa lupa na nahihimlay muli sa lupa.
Ikaw! Ikaw na siyang dahilan kung bakit naging kabayaran ng aking kasalanan ay kamatayan, pagmasdan mo ang dahandahang pagbababa sa hukay ng kabaong ng aking pag-ibig. Pagmasdan maging ang pagtatabon ng lupa.



"Rest in Peace" -ang mababasa sa lapida.
Ang aking Pag-ibig
(Born: nang umibig sa'yo;     
Died: nang tinanggihan mo)
basahin mo ang elehiyang inukit ng mga patak ng kandila. Nakasulat sa semento ang ganito:



"Here lie I, Ang Aking Pag-big from Q.C,
Promising: I will come back
to say that ' I'm through
with love"





...At nang bumuhos ang ulan, sabi sa ulat ng PAG-ASA: signal no. 2 sa Kamaynilaan dahil sa bagyong Juaning na pumasok sa area of responsibility ng Pilipinas kamakailan lang, ang takbo ay pahilagang kanluran ng Rehiyon V.

Oh! tubig na ragasa, anurin mo ang pait, o lunurin kaya ang hapdi o ang kirot ay isama mo sa muling panunumbalik sa kaulapan: as the evaporation process takes place by the help of sun’s heat. But don’t let the continuation of the process turn back this sorrow as the rain comes down again and again.

Pero hindi lohikal ang ganoong epekto. Ang sugat sa balat, kapag gumaling, nag-iiwan ng marka, ng balat… na sa tuwing makikita ito ay magbabalik ang alaala, ang dahilan ng sugat! Iyon ang masaklap, iyon ang mahirap!

Though, Vicky Belo’s medical group expertise about skin abnormalities such: scratches, marks, skin clots, birth marks etcetera.
Oh, Vicky Belo na nagpakasal sa isang Doktor na itago natin sa pangalang Hiden ay hindi natin itatago ang peklat sa kanyang nakaraan, o tinatawag na ‘Dance of fire while the song Careless Whisper plays a rhythm of their body –now,may you touches my skin.

E, ang kasalanan ko lang naman ay ang mahalin ka;
     Ganunpaman, ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan –Roman 6:23
Sa napipintong hatol , naroon ang inalay na pag-ibig, nagmumunimuni. Ito na ang huling araw ng kanyang abang buhay. Kung paano mamamatay, ito ang katanungan. Paano ba isasakatuparan ang kamatayan?
 Sintensyang natural: nagkasakit ang pag-ibig, inapoy ng lagnat, kinumbulsyon, dumura ng dugo at doon mamamatay; maaaring habang tumatawid sa pedestrian lane, may humahagibis na truck na nawalan ng preno –nahagip ang pag-ibig, tumilapon sa kalsada, bumaha ng dugo at doon na papanawan ng ulirat, ng buhay; A, huwag naman sanang maging mas malala ang mangyayari: Pisat, durog, lasog-lasog ang duguang pag-ibig –ang ten wheeler truck mabilis na nakatakas. A, sabi ng mga pulis, “ Hit ang Run”.
Matapos nito, sinuway ng ambulansya ang kautusan na bawal na ang wangwang sa kalsada. Sinuway ito, para lamang maisalba pa; But the beats of his heart is at critical condition. No, Doctor said, Sorry! The patient’s case is dead on arrival.
     Kalunos-lunos. Bakit hindi na lang payapang pagkamatay: naglatag ng higaan –yung kutson: malambot, mabango at masarap higaan; may unan pa –magic pillow, hotdog pillow, cotton like pillow o kung ano mang katawagan sa uri ng mga unan.
Pumikit ang Pag-ibig, natulog… nang mahimbing. Sumapit ang kadiliman ng buwan at sumikat ang araw –hindi na nagising. Tuluyan nang natulog ang Pag-ibig na hindi na kailanman didilat

A, nagising bigla sa pagmumunimuni. 
Naisip na, naging mapagpatawad ang Diyos,hindi lang pitong beses kundi pitumpu’t pitong beses pa at hangga’t  ang nagkakasala ay inaamin ang kanyang pagkakamali at sa huli’y humingi ng kapatawaran, nagsisi at nangakong hindi na muling uulit –A, walang dahilan para hindi ka patawarin sa iyong pagkakasala.

Umamin na akong nagkamali ako, pero hindi ko pinagsisisihan iyon. Humingi ako ng kapatawaran. At nangangako,
”Promise, babalik ako para sabihing ‘ayoko na!’”

Kapag ang patak ng tubig ay kasiyahan

(Larawan)
Kapag ang patak ng tubig ay kasiyahan

SALAMAT SA'YO: Ikaw na dahilan kung bakit kami nandirito sa lansangan ng pakikibaka

SALAMAT SA'YO: Ikaw na dahilan kung bakit kami nandirito sa lansangan ng pakikibaka
(Tula)

Ilang taon kna ring nakatayo ka sa popeye
hawak ang mikropono
salamat at umaangat ang aming pang-unawa
sa katayuan, sa estado
salamat at mukhang isinasakripisyo mo ang lahat para dito
suot lagi ang kupasing maong
at fitted black T-shirt,
hindi ka napapagod
na humawak ng plakard
baner, poster, habang nakataas-kamao

nakalimutan ko, isa ka ring estudyante
sa unibersidad na ito
A, tulad ko
pinili mong magbigay ng marka
sa mga tao sa pulitika
bigay mo nga noon kay La Gloria
sa kanyang rehimeng pinutakti ng mga pag-aaklas, kilos-protesta
malaking singko ang ibinigay mo sa kanya
at ngayon kay P-noy
kamo matapos ang isang taong pag-upo sa palasyo
dapat lang bigyan ng bugok na itlog
ng nilalangaw na singko
bilang iskor niya sa pagiging tuta, inutil, bobo
tama, binigyan mo siya ng bagsak na marka
Tama, nang  sabihin mong masa ang magtatakda
masa ang tagapagtakda
salamat sa katibayan mo at pagiging ihemplo
Salamat sa'yo

Salamat sa isinasakripisyo mong pag-aaral
maipaglaban lang ang bayan
sukdulang sa mga rally ay masaktan
sa tulakan sa takbuhan,sa girian
maiwan man tsinelas sa lansangan
sa tama ng truncheon: duguan
at madalas pa ngang nangangalam ang tiyan
sa paglatay ng bala ng tubig sa balat, sa katawan
maipaglaban lang ang bayan, ang karapatan!


Salamat at wala kang pangamba
sa kung anuman ang itinatakda
ng paglalakbay ng hanay
isipan mo'y nakatuon
Lamang sa tagumpay
Salamat at iminulat mo kami sa katotohanan
Salamat sayo -Iskolar ng Bayan
nag-aalab ang iyong paninindigan
sa Pambansang kapakanan
Salamat sa iyo

ikaw na dahilan kung bakit kami nandito
sa lansangan ng pakikibaka
nakataas-kamao 

Phenylpropanolamine

Phenylpropanolamine
(reseta  sa  minamanhid na sistema )
(Tula) 

Sa batis ng Croma de Habla
Tumulong ang publiko abugado
At pumintig ang pag-asa
na mabulid silang akusado
kaso, ilang libong piso
ang halaga ng bawat proseso
ako'y aba na maging bulsa'y tinatrangkaso...
bumulong mga demonyo
iurong, iatras nang mabilis maasunto
reklamo'y kikita pa ng daan daang piso
Tarantado! hindi ko makita kung paano kumita
sa napakababoy na paraan
hinihipo ka't hinihimas, nilalamas
marahas na winawasak ang puri mo't dangal
sa gitna ng mga hayop, mga hangal!
pinagpasa-pasahan, pinagsasawaan
hindi ko makita kung paano kikita
ang kahubaran, lupaypay, sugatan, luhaan...
Gusto kong lumaban!
manhid man ang katawan
may tinig at boses na dapat pakinggan!

Diyos na mapagmahal
nakagigimbal ang mga hangal
sa iisang lamesa kasama ang piskal
Diyos ng mga napapagal
bawat subo nila'y may pagtalsik ng laway
may matamis na hagalhal
nang magbayaran na ng dangal
at kabanal banalang puon
korteng walang pusong mamon
atorni ko pa ay may ipinabaon
kapag tinanong raw
“iyo… iyo nga ni!” lang ang itutugon

pinilit akong amuin
palaisipaĆ½ naging sudoko sa kamay
kinakalamay aking salaysay…
binabaliko ang siyang tunay
“binanyuhay ang salitang hinalay”

Tangan ay martilyo?
Kaso ko ang pako…
At sa pagbagsak ng hatol gamit ang maso
Naalala ko si Pilato
Nang ikunla kamay sa plangganang may tubig
Pinaghugasang plangganaĆ½ kumulay ng dugo…

Tinurok sa sintido
Anestisya ng pagkadismaya
Pinaghalayan ng husgado
pinagahasa sa basura
sa manhid kong lipunan
saan ang hustisya?

ABAKADA

ABAKADA


ayokong magkasya lang sa iisang kahon
binabaliw sa sikip, sinisikil, kinakapon
kamangmangan ang itinuturo ng ilusyon
daigdig ng puson; puson ng daigdig
eksibisyon ng pambubulag ng engkantadong mangingibig
ginagapos mo ang galit, init, alab, tuwing kinikilig
hilig na paglalakbay sa taludtud ng pag-ibig
inaakay ka sa bitag, sa mapanlinlang na yungib
labas-pasok ang utak sa lagusan ng panganib
muni-munihin mong hindi pa natatapos ang laban
naroon sina Juana’t Juan: lugmok, alipin, pinagsasamantalahan
ngakngak ng palahaw, nguyngoy ng hapdi, kirot sa latay ng kanilang katawan
obrerong inalisan ng karapatan, magsasakang di makatikim ng pinagpawisan,
pikit-matang tinitiis ang pang-aalipin, pambubusabus sa masang anakpawis
rebolusyon ng tiyan, sikmurang malimit sa pagkalam
sikmurain ang iniiwasan mong makitang realidad, katotohanan
tuwing naglalakbay ang utak mo sa mundo ng kalibugan
unti-unting pinapanawan ng ulirat, nag-aagaw buhay ang sambayanan
wala kang ginagawa , di nakikisangkot, di kumikilos, di lumalaban!
yakap, kahalikan, kasiping lamang ang mga basura ng isipan.

A, BAKA DAhil takot ka!
A, BAKA DAhil takot kang masilayan, tunay na paglaya!
ABA! ABA! ABA! Wala nang maraming tanong sapagkat iisa lang ang aming sagot! LUMAYA!
KALAYAAN PARA SA ABANG BAYAN! 

Apoy ng Puso’t Isip

Apoy ng Puso’t Isip

Mababanaag, anag-ag, silab
Sa isip ng mga punyal
Na itatarak, wawakwak sa leeg ng mga hangal
Ipanlalaslas sa katawan
Ng mga bundat na buwaya, buwitre, at uwak
Na pusakal na tagapigtal
ng pagtitiis at pag-asa
ng masang pinakamamahal
Ang itinimo sa isip
Lilikha ng diwa, ng adhika
at isisigaw sa wakas ng silab
na pinaaalab ng lubhang pagsalabusab,
Pagkaduhagi’t pang-aalipin, pang-aalipusta,
Pagyurak, pangmamata,
Pagtratong hayop sa mga magsasaka,
Di wastong sahod ng mga manggagawa,
Pandurukot, pagpapasista sa unyon,
Pananakot sa protestang may layon
Ngayon, mula sa tumimong adhikang nag-aalab, naglalagablab
Isisigaw: Rebolusyon! Rebolusyon! Rebolusyon!

Mababanaag ang silab
Dingas sa kumukulong dugo
Simbuyo ng puso ng punglo
Sapat na aming pagtitiis
Para sa kasingilan
ng daang buhay na binuwis
Magniningas ang puso’t isip
Para sa Pambansang katubusan
Lilikha ng hanay
Kikilos para sa bayan
Lalaban para sa pagkamit ng kalayaan
Lalaya ang masa
Lalaya sa anumang paraan!

Taas kamaong tutungo
Sa iisang daan, sa iisang yugto
Kalangitan at lupang kulay dugo!

PAGKAKAIBA-IBA?

PAGKAKAIBA-IBA?
ni Raymond Cuison noong Miyerkules, Oktubre 27, 2010 nang 6:25 AM

Tulad ni kristo Hesus na may labindalawang alagad o sa pinagandang Tawag ay mga apostoles, si Lucifer sa kanyang mga Demonyeto’t Demonyetang alagad at si Santa Cluse na may mga Elves, ang mga Doktor ay may mga Nurse… Gusto kong maging Nurse noong 1st year highschool ako, iyon yung sinagot ko sa tanong ng Substitute teacher namin sa science –sa kung anong gusto naming maging paglaki. Ewan ko kung bakit tumawa yung katabi ko sa sagot ko… Inisnaban ko nga!!! Tapos inabangan ko yung isasagot niya, para ako yung unang tatawa sa kanya… ang sabi niya, gusto niyang maging Doktor. Tinawanan ko sarili ko.

Siguro, kaya naging Demonyo si Lucifer (Dating Anghel) ay dahil sa ayaw niyang magpasakop kay Hesus. Yung para bang nakaramdam ng inggit. Na si Hesus ang tangi niyang niyuyukuran, sinasamba, sinusunod; na may Boss siyang kailangang sambahin, na siya ay isang tagasunod, tagapagsilbi. Kaya naghangad na matulad kay Hesus, na may tagasunod/tagayukod; siguro ganun. O siguro masama nga yung kaisipan niyang ayaw magpalamang sa iba, pero masama rin kaya ang naisin mo kahit man lang ang ating pagkapantay-pantay. Yung walang Diyos, walang alipin; walang panginoon. Wala si GMA, walang mahihirap na lalong naghihirap… lahat ay pantay-pantay base sa lebel ng lipunan, ng karapatan, ng pag-aari, ng kaangkinan?, yung ganun, mas OK kaya? Pero pano na ang kagandahan ng pagkakaiba-iba? Ang kaibahan ng iba’t ibang nilalang. kung ano ang pinagkaiba natin sa iba o ng iba sa atin. Bilang natatangi. Bilang buhay na patunay ng kagandahan ng daigdig o bilang daigdig ng mga buhay.

Bakit ba tayo magkakaiba-iba? Dahil hindi tayo nakatira sa iisang lugar. Hindi makapagtatanim ng palay yung mga iskemo tulad ng mga magsasakang hindi makakapangisda sa bukid nang nakaSweater Jacket –dahil magkaiba ang Geological Location nila; Hindi sasamba’t yuyukod sina Scooby at pulgoso kay Garfield na Diyos ng mga pusa, o yuyukod at sasambahin nila Felix at Tom(sa tom and jerry) si Snoopy na diyos ng mga aso –kasi magkaiba ang kanilang Relihiyon; magkakaiba ang pananaw ng isa’t isa kasi may magkakaibang ideolohiya; hindi magsasalita ng Bisaya yung mga Amerikan Citizen (makaintindi man sila ng Gay lingo o G-words ng mga pinoy), tulad ng mga pilipino sa latin (bagamat wika na natin ang Ingles) –kasi nga magkaiba ang lenggwahe nila, natin sa kanila; Ano pa ang ita kung tulad din sila ng mga puti (mahahaba tit*); hindi naman nagsusuot ng Bahag o Barong-Tagalog ang Ibanag –at sasayaw ng Tinikling… -dahil iba ang kanilang Etnicity at Kultura; Kaya dumadami ang tao, kasi iba ang Gender ng babae sa lalaki. (iba rin ba yung sa bakla at lesbian? E, parehas lang naman sila ng Pag-aari. At bakit kaya patuloy ang pagdami ng mga bakla? Hindi naman sila nabubuntis?); Kaya nga nananatili ang Pilipinas bilang 3rd World Country kasi may 1st World Country na tagapagpalubog sa mga 3rd world Country na daan upang manatili sila bilang 1st –na maayos ang Economic Condition like European at Amerikan Country… Kaya asahan na nating mas maganda ang trabahong nilalaan ng Gobyerno ng 1st world sa kanyang mamamayan, kasi kaya nilang magpasweldo ng ilang daang presidente, ilan libong Government officials, ilan daang libong General… Pero yung Trabahong nakalaan sa mga mamamayan ng bansang nasa 3rd World ay hindi first come, first serve Basis. Iyon bang sa isang kompanya may isan daang Aplikante. Nauna ka man sa pila o nahuli o naningit lang –ay out of 100 na applicants, kalahati lang ang kukunin, o bente, o sampu, o limang mapapalad at Rumble Selection. Pero syempre yung salang –sala na nila. Dehado parin yung walang mataas na pinag-aralan sa mga may mas mataas na Credibility daw, at syempre kawawa ang mga HighSchool Graduate lang, dahil mas malaki ang pag-asa ng mga College Graduate na maging Boss yung kasabayan nilang nag-apply na may Masteral Degree… kasi nga, yung mga nakalaang pampasweldo (dapat) sa milyun-milyong magtatrabahong Pilipino sa Pilipinas ay nilaan na ng gobyerno sa suswelduhin ng Presidente, mga government official, at mga Generals… at iba pang kawaning-kapit ng Gobyerno, (Ganun yata, kaya nag-uunahang makaupo ang mga ito sa napupusuhan nilang pwesto, ilang beses man sila mandaya o madaya (kuno)), Pasalamat na rin daw tayo at may tira-tira pa para sa mga Social Services. Dahil nga sa Priority rin ng Gobyerno ang pagbabayad ng utang sa mga mababait na nagpapautang sa atin… at ganun nga siguro talaga, May mga lumulubog at may mga tagapagpalubog.

May kanya-kanya kasi tayong papel na ginagampanan sa mundong ito, kanya kanyang Gawain, (wag ng magtataka sa mga taong mapapel, dahil iyon na marahil ang papel nila sa mundo) at dito makikita ang malaking bahagdan ng ating pagiging iba sa bawat isa, ng pagkakaiba-iba sa kakayanan, talento, kalikhaan, panlasa at interes ng bawat isa. Dahil meron na tayong tinatayang 5,000 ethnicities sa buong mundo; sa ngayon 4,500 mga wikang naitala, buhay man o patay –ng mga sosyolohista; dahil ang mundo ay nahahati na sa kulang kulang 250 na bansa… dahil sa kabila ng lahat ng ito, merong babae at lalaki, mayaman, mahirap at mas mahihirap, at alipin (sagigilid man o mamamahay); itim at puti, may hepa, at kayumanggi; katoliko at Protestante, Rizalista’t Arabe, Hindu at Muslim; Dahil ang planeta natin sa ngayon ay tinitirhan na ng humigit-kumulang 6.5 billion na tao, (hindi pa kasama diyan ang mga kahayupang naglalagi sa ating pamahalaan, tulad ng mga Buwitre, uwak at mga Buwaya) at nadadagdagan pa ng 90 million kada taon. Ibig sabihin 6.5 billion tayo na may pagkakaiba-iba, at humihigit pa kada araw; Dahil lahat tayo’y larawan ng natatanging nilalang (unique human being) at may katangi-tanging pag-aari, propyedad, at kagalingan na humuhubog sa pag-unlad ng lahi ng tao. Ang pagkakaiba-iba ay dahilan ng ating problema at suliranin. Gayunman, ang solusyon at kasagutan ay natutugunan din ng ating mga pagkakaiba-iba. (Global Recall)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...