SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nobela2 The Hitler Girl I Know. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nobela2 The Hitler Girl I Know. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Oktubre 3, 2020

THE HITLER GIRL I KNOW

THE HITLER GIRL I KNOW
by cuison.reymond@gmail.com
/DonfelimonPoserio



SYPNOSIS:

It is a teacher's protocol na bawal ang magkaroon ng anumang attachment sa mga estudyante beyond student/ instructor relationship, ang lumagpas dun karumal-dumal sa harapan ng institusyon. Kung ipagpipilitan naman, kakailangan nilang itago ito sa iba. Bawal ipakita sa madlang pipol, ang teacher mo ay lover mo! It's a big NO! NO!

Pero ang dami-daming naman ng kwentong nagkaroon ng relasyon ang estudyante at guro, yung iba pa nga e nagkakatuluyan talaga. Yung case na ito ay kung maghihintay ang guro/estudyante, Sa case nila Cassandra at Sir. Mikko , wala atang dapat maghintay at walang dapat hintayin kasi nga wala naman talaga e... Hmmn?!

Well..

It is a Scripted and not true to life story.

PROLOGUE:

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

Prologue:


"BUT WHY HITLER GIRL? Why her?!" text ito ni Cassandra sakin. Tanong kasi nang tanong kung sino daw ba ang type ko sa klase nila. Sabi ko yung nakilala kong Hitler Girl. At natuwa siya nun...

She is the modern day Hitler. Sa account niya sa Facebook -nakasulat doon sa about me niya...
"I am smart. Very smart. If you think you are smart yourself, then I am smarter. And I am a go-getter. I don't give a fuck who you are but I know what I want and I will get it even if it means killing you if you won't get out of my way. I will be the ruler of the world and I wouldn't hesitate putting your ass on the line just to get my goals. Now shoo."

Grabeng maka shoo-shoo no?! Grabe lang makaracist di ba, pero Special yan sakin! Though I am not so special sa kanya, sino nga ba naman ako -ang instructor/ guro/ proffesor/ teacher niya. It is a student-instructor relationship!

As I said, Estudyante ko si Cassandra. A Writer. A Guitarist. A Bookworm. And Soon to be the ruler of the world...or so she plans.
Birthday: February 29 (Bihira ang magkaroon ng ganitong birthday, Leap year -every 4 years lang ang 29 ng february, kapag walang leapyear, sini-celebrate niya yung birthday niya tuwing 28. Astig!)
Sex: (Fe)Male --> hindi ako naniniwalang babae ito, kasi habulin siya ng mga babae, at sa sobrang cute niya nababakla ako sa kanya!! Hehe, joke lang!

Spoken Language: English, Mandarin Chinese, Korean and Filipino (yung FILIPINO lang yata ang wika na pwede kaming magkaintindihan -bukod pa sa nagkakaintindihan ang mga puso namin. Naks! Ano yon?)

"Hey, Save my another no. YOU HITLER GIRL!
ur writings seducing my innocent mind, I erotically sighed w/ this! Superb!" Writer kasi nga siya, pero puro pang ero-ero yung mga sinusulat niya. Yung mga may bed scenes at GRABEEEEEE para sa babaeng kala mo e napaka-bait. Nasa loob naman pala ang kulo -pero it is for real, mabait siyang estudyante kaya nga -I put a XD icon here. Pasensya na po, nahulog ako sa patibong niya e, but still It is my own will to fall. She's my forever student

and Soon to be the ruler of my world... or so we plans.

Chapter 1. WHY YOU ARE SHOUTING!!

THE HITLER GIRL I KNOW
by cuison.reymond@gmail.com

Chapter 1.
WHY YOU ARE SHOUTING!!


Tahimik ang buong klase, nag-aanounce ang Dean. Yung Dean dito sa St. Something Academy na kamukha ni Doraemon na may kaunting hawig sa predator --> wag lang bumusangot at baka magmukhang elien! "We will have a -College Night for all the FRESHMEN students, we will welcome you, our new student of the prestige St. Something Academy. When? It will held on Feb 14, 20?? So, it is a dual purpose, a valentines party for us and orientation for all Freshmen students and- abfksd.."


Hindi ko na pinakinggan yung karugtong kasi -->iisa lang ang kahulugan nito para sa akin, bilang instructor ng klase na graduate ng public na nagtuturo ngayon dito sa private school, all it means --> Income generating Devices! Nagpapayaman yata ang school na ito, at ayos lang yata para sa mga magulang ng mga estudyante ko, well mayayaman naman sila. Mga may pera, kaya nga pinag-aral sa private ang anak. Wala pa kong nakikitang mahirap na estudyanteng nag-aaral dito -exclusive school for May PERA lang itokasi nga mahal ang mag-aral sa private schools. Mas may pera pa nga itong mga estudyante ko sakin. First Job ko ang pagtuturo at fresh graduate lang ako at-

"Sir, Mikko, Thank you sa time, you may resume your lecture," nagpaalam na yung Dean. Ako, kelangan na ring magpaalam sa pagmumukmok. Tuwang-tuwa ang buong klase, may ilang grupong nagbubulungan tungkol sa kung sino bang makakapartner nila, It's a valentine’s day and not an ordinary day for them, pati yung grupo ng mga lalaki, nag-uunahan sa pagpili ng mga makakapartner, in short, ang INGAAAAAAAAAAAAAAAYYY!!


"HEY! Keep Quiet Guys! Alam kong masyado kayong excited pero after ng lecture na lang kayo mag-usap tungkol dyan" At deretso na ko sa naudlot kong pagtalakay,


"SIR ME KA-DATE KA NA SA VALENTINE'S DAY? PWEDE AKO NA LANG " nagulat ako sa biglang pagtayo ni Cassandra sa upuan at nadagdagan lang ang ingay dahil sa mga UIIIIEEEE!!! at Ang CHeessssyy! ng mga kaklase niya. Mas umingay lalo!

"May problema ba Cassandra?!" Hay naku, anlakas makabanat ng estudyanteng ito, "Hehe, Nothing Sir. Joke lang po, " sabay upo, wala ako sa wisyo makipagbiruan may hinahabol akong dapat mai-discuss na topic. Malapit na ang exam e, at naku lang! Marami akong gawain na dapat tapusin! Tsk!


(Author's note: He's their Filipino instructor, ang pinakabatang teacher ng St. Something Academy. Filipino teacher means --> huwag umasa na gagamit siya ng ingles. Neber yun! Spell "Neber?" N-E-B-E-R, baybay sa Filipino. See --> Trying hard mag-english, pero pinipilit mag-Ingles - para sa kanya: hindi daw porket Filipino Instructor e hindi na pwedeng mag-english! Kahit nga Native English speaker e nagkakamali parin sa kanilang grammar. Thought that counts naman daw e. Tsk! Ayaw pang aminin -Stupid Instructor!! hehe, peace!

22 years old pa lang siya, pero mukhang mas bata pa sa 22 yung hitsura niya. Wee? Sabi ng nanay niya, angal? And he take it as advantage, na kahit kaedaran niya lang ang mga estudyante, ginagalang naman daw siya. (minsan! huhu! ) kasi yung joke niya, madaling masakyan ng mga estudyante niya, though minsan lang naman daw siya magjoke. weeh? Joke ba yon?
Ito hindi joke, gusto ko sanang palitan yung subject niya na english instructor kaya lang baka mapasubo ako sa pag-i-ingles. hehe. Pasensya na alien lang)

***Bell rung***


Ow! Napasarap ata ako sa pagtatalakay, nagulat ako nang nag-alarm ang bell. "Sir, WHAT'S THE COVERAGE OF THE EXAM?" Nakataas ang kamay ni Cassandra (alangan namang paa ang itaas?!) Ikaw na most talkative Cassandra Malaya.


"The whole Page of Unit 1. in our reference book. Review your notes!" asa naman ako na may notes nga sila. After may lecture lalapit ang mga studyante with their i-phone 5, at pi-picturan ang board. Astig ang henerasyon na to! Ginagawang tamad ang mga tao ng mga nauusong gadgets.


"Goodbye class!" at iilan na lang ang sasagot sayo ng goodbye, yung ilang nakaintindi ng lesson mo. Kapag kaunti ang nag-goodbye -ibig sabihin marami ang hindi nakaintindi. Tapos, lalabas na lang mag-iingay pa. Hay! Sana may maimbento na na Ear's Volume Receiver Adjustable -yung gadgets na kinakabit sa tenga tapos pwede mo nang i-adjust yung hina at lakas ng naririnig mo. Magiging bilyonaryo ako kapag ako ang nakaimbento nun, tiyak ko kasi lahat ng teacher sa buong universe bibili nun. Walang teacher na hindi nairita sa kaingayan ng mga estudyante. At isa ako dun, -->dahil isa ako sa nangungunang nag-iingay nung estudyante pa ko.

Nakalabas na ang lahat, maliban lang kay Cassandra -the heck girl na may excessive demand ata sa atensyon at sobrang believe sa sarili dahil kanina pa umeentra sa lecture ko.


"Ms. Cassandra Malaya, may mga kapatid ka ba??" at ngumiti lang siya sakin.


"Sir, I have none sir, only cute child po ako sir!" hindi siya kinabahan sa sinabi niya na only cute child? Anlakas talaga ng self-esteem.


"I see! Now I know the reason," pagkasabi ko biglang tumaas ang kilay niya. Suspiciously looking with big question on her mind, sa palagay ko.


"REASON OF WHAT, SIR?" malakas na tanong niya sakin, waiting for the answer, ang cute lang ng mata niya, medyo may pagka-blue ang kulay. Teka, Instructor ako, hindi dapat ako maapektuhan ng kung sinuman, lalo na't estudyante pa.


"You always want the attention of everybody, Cassandra..." sinasabi ko yun as I fix my things before I leave. Ayaw ko nang tumingin sa mata niya, naiilang ako. "Being attentive, active is good.. But TOO MUCH is not really good!"


Haixt. nakakailang naman 'to. Biglang nalungkot ang hitsura niya, "Oh, Ahmmn.. I-I'm sorry for that Sir," biglang may nangilid na luha sa mata niya, "S-sir, they uttered that I'm so 'p-pampam' what's the heck means is that Sir?" Natawa ako bigla as I heard the word... Because it is true, hehe well, it's true.


"It means... KSP -kulang sa Pansin. Cassandra, stop being too much proud of yourself! I think you are smart enough to understand the feelings of the crowd. You are too attention seeker and-..." tutuloy ko pa sana sasabihin ko kaya lang biglang pumatak yung luha niya. Hala! Naiyak na siya dun? Wala akong balak pagalitan siya. Arrggh!! Here in this school, alam kong makapangyarihan ang mga estudyante. Mas may boses sila kaysa saming mga teacher. Hehe, so behave.


"S-sorry to tell you that, but I hope you'll take it as an advice, ok?" Natakot ako bigla, mamaya e, isumbong ako sa magulang. Nag-uumpisa ka pa lang Miko, masisira na agad ang career mo. Buti, she smile again, nagpahid ng luha at umaliwalas na agad ang mukha niya. Happy face again.


"S-Sir... I have my own written stories, I-I hope you'll read it and ahhh... you'll give a reviews?" Wow, nagsusulat si Cassandra? Weh? Ano naman kaya sinusulat nitong batang ito? Siguro mga sinusulat niya tungkol sa mga binu-bully niya o sa mga paBIDA niya sa klase. Ansama ko, nagmamarka ng tao!


"Give me the copy, I'll read it," curious ako, anong sinusulat kaya nito. Alam ko na talagang matalino siya pero- "SIR, Sir sa link po e, I don't have the hardcopy... I-se-send ko na lang po sa inyo yung link, "


Okay. Mag-ne-net pa ko nito. Wala pa naman akong computer. Pasensya na po ha, hindi ako techy na nilalang e. Tsaka mahirap lang ako, Marami pa kong utang na dapat bayarin kaya wala pang pambili ng computer. Pinagkagastusan ng mga magulang ko ang pagpapaaral sakin, yung -lupa sa Bicol naisanla, yung kalabaw kinatay para ibenta kahit na malnurish yun naka ilang kilo din ang nabili-para lang may pan-thesis lang ako, at yung pustiso ng nanay ko, hindi pa natutubos, naibenta pa sa iba ng pinagsanlaan, kahit na 2nd hand yun. (Joke lang yung sa pustiso , ang totoo hindi yun pustiso, braces ng tatay ko. Hehe) In short, baon kami sa utang.


"Sir! In-add po kita sa FB. Please sirs accept mo siya ha," paawa epek pa. Wala naman siguro masama kung i-accept ko siya. Marami na naman akong na-accept na friend request na student.
I nod "Okay, I'll wait for the Links," ngumiti siya ulit, ang cute lang ng dimple niya.She ran along the corridor with fancy face. Good Nasty Student! Nagbuntong-hininga ako. She's so cute.

2. IN OTHER WORDS...

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

2. In Other Words...

Libre WIFI, Bawat floor meron, maraming computers dito.
St. Something Academy is a computer college offering IT based education.
Ibig-sabihin dito lang ako nakakagamit ng computer na libre. So, sulitin.
5pm, tapos na ang klase ko. Uwian na. Nasa tapat ako ng monitor ng computer para i-check yung acount ko sa FB.
May isang friend request -si... CASE MALAYA?. I click the confirmation icon. Then check her profile...

ABOUT ME:

"I am a modern day Hitler. I am smart. Very smart. If you think you are smart yourself, then I am smarter. And I am a go-getter. I don't give a fuck who you are but I know what I want and I will get it even if it means killing you if you won't get out of my way. I will be the ruler of the world and I wouldn't hesitate putting your ass on the line just to get my goals. Now shoo."

Wew lang, grabeng self-esteem din ha. May blood sucks siya ni Hitler. The most Notoroust leader ng Germany. Sabi ko na e! May pagka-amasona ang babaeng ito. Racist to! Racist! Hitler girl pala ah. Sobrang Narcism -over admiration to herself. GRABEEE LAANG. I check her photos. And WoooooowW lang ha! Napakaraming picture niya at I admit ang cute niya sa mga picture ah. Model pala siya ng isang teen magazine and-

today : 4:06pm

Case Malaya : SIR! SIR! :)

biglang nag-appear sa chatbox ko. Si Cassandra nga ito.

Case Malaya : Thanks for accepting sir.

(Arrgg. Ano ba dapat isagot? Dahil sa kanya kung bakit ako napabukas ng Facebook Account ko! Hmmnn)

MIKO SALVADOR: :-)

Case Malaya : Ang cute ko noh sir? You like my photos? Sir, Brain and Beauty po 'to sir!

(Hay naku! Sana mabulunan tong babaeng 'to sa pinagsasabi niya)

MIKO SALVADOR: Ajejeje. And a joker too!

Case Malaya : :( You sir a JEJEMON! U Laugh ajejeje!

MIKO SALVADOR: Naku jejemon pala ah! You hitler girl...

(Ano yun? HITLER GIRL?! Siguro nga bagay sa kanyang tawaging ganun! Ugali niya sobrang kakaiba, narcist masyado!)

Case Malaya: Hehehe. And yes sir, I am indeed Hitler Girl! >:)

(Ok panindigan mo Cassandra!! Hehe, Sa History namin dati, Sobrang Idol ng college titser ko na nagtuturo ng Buhay, at Sinulat ni Rizal si Hitler,

Filipino imitation daw ni Rizal si Hitler. Dahil sa pagiging Idealist nito. The most Notorious Leader sa Germany. Siya rin nga ang nagsabi samin na pwedeng kamag-anak ni Rizal si Hitler, at maaring di lang basta kamag-anak, kundi anak...)

MIKO SALVADOR: You! Kilala ko tatay mo, Si Jose Rizal yun! At may evidence ko na nagsasabing siya nga ang tatay mo HITLER GIRL!!

Case Malaya: Hhhahaha, Sir why you said so? Cause Rizal was Smart too Sir? I see... WAAHHAHAH!!!!



[Casandra's Point of View]

Rizal? Huh?! How he fucking relates Hitler to Rizal? Tsk! Is there a history background? I hope he has references about it .. Well,

Oh well maybe another expeculation, I guess. Shooo!! Stupid Instructor indeed!!

MIKO SALVADOR: I think so :) Hey Hitler girl, mukha ka daw doll? How come?
(Oh! He checked my profile ang my cute Photos? Great voyeurism!)

Case Malaya: Ehhh!! How come, what sir? Napanood niyo po ba? Heheh!

(I believe he noticed me now. Nice one Case! Good chance for me now -if he watch my video -as a model of human doll-like in a program on the television)

He will fall to my hands! You'll gonna fall with me soon Mr. Salvador! I'll gonna use your stupidity -heck young teacher!

MIKO SALVADOR: No, I just saw in your profile, Lot's of your fans on your account. Hmm!

(I thought he took an effort to watch it! :-( Well, my plan is not yet started...)

MIKO SALVADOR: Bye the way, Hitler Girl! I thought u'll share with me your writings? I want to read it! I'm willing to be your critic in writing. hehe
But I wish you'll going to ransack my writings too :-)

Case Malaya: Hey sir sir sir! YES PO!! But the ones I have online are fan fiction writings, I can send them to you later one by one if I go online in my PC! Heheh, rated M po sila so brace yourself sir!
And yes, yes, I am already planning to ransack your page too! And please please! Please! I'll wait for your links too SIRS!

(Now, lick up my fist step my Stupid Sir! HEHE be indulged on my presence)

MIKO SALVADOR: My links here --> tintangputi.blogspot.com
http://www.wattpad.com/11723400-daigdig-ng-tag-init-filipino-daigdig-ng-tag-init
I don't want to disappoint you, I'm not a good writer, but still hoping that you will endure the boredom while reading my trash...
Salamat.

(Ano ba to! Nauna pa sakin magbigay ng link.. Kala naman I’ll waste my time to even visit in his site! Duh! Ako dapat ang magpa-good shot!)

Case Malaya: Hey, sir sir sir! Eto na po, eto na po, here they come, them files for you sir.
http://www.fanfiction.net/s/6927370/1/No-Other-Words
Woops, I lost the original file po of this, so I have to send the link instead. Your comment is so much appreciated don't hesitate, sir. And-

Miko Salvador goes Chat Offline. Ay! Puka! Bastusing prof naman oh, Arggghh!!! kaya I never believe with him sa lecture e, over sa no breading! Tsk! Squatters attitude talaga!! Nag-log-out bigla, without asking my permission. Kainis!


I logged out too. Fix my things, shutting down my mac book, I lost my appetite too. Kakawalang gana dito, hindi ko nga naubos 'tong Samoa Frappucino.. Wew, I’m so unlucky this day, No target subject to play around here! Tsk. Makauwi na nga lang!!


Patayo na ko nang biglang tumili yung ilang mga girl sa paligid.. "PAPA KELVIIIIIIIIN!!" A scream of a girl crew nitong starbucks, sino daw? Kelvin who? "Ang cute niya talaga. OMG!” Napalingon ako sa kakapasok lang na guy, I don’t know him, kasi hindi naman siya sikat o baka sikat siya pero, wala naman akong paki-alam sa mga sikat. They don't even deserve my affection, my appreciation. Even this... Kelvin? Sino ba yun? Weww lang ha!


Then, Flash a bulb of wise idea on my mind... as I stand up, then walk along his way and stop... I wait him until he cross my way. I grabbed his hand. And kiss his lips.. Not totally a torridly kiss... but enough to get shocked reaction of the irritating girls around. "Oh My God! Oh my God!!" her hands block her ugly face, totally shocked. "I-is she his g-girlfriend ?.."

Enough... I hang him up, I walk throughout the stall, and seems nothing happened.

3. GOOD DISTURBANCE

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

3. Good disturbance


[Miko Salvador's Point of View]


Hey, sir sir sir! Eto na po, eto na po, here they come, them files for you sir.
http://www.fanfiction.net/s/6927370/1/No-Other-Words
Woops, I lost the original file po of this so, I have to send the link instead. Your comment is so much appreciated don't hesitate, sir. and-


Cassandra still typing pero nai-log-out ko yung Facebook site ko. Nagulat kasi ako nang biglang lumapit si Sir. Neil -my co-teacher -pero magkaiba kami ng department. Filipino department ako at english naman siya.


"Sir, Anong gawa mo?! " tanong niya nang makalapit sakin.


Makapangyarihan ang 'Alt Tab'- buti na lang hindi dun sa site na yon yung nakita niya, though ayos lang naman ang magbukas ng ibang site, pero alam mo yun, nagtatrabaho ka, binabayaran ka ng company tapos nag-e-FB ka lang. Hehe.


"Wala po Sir Neil. May sine-search lang," ngumiti pa ko para hindi halatang nagpapalusot.


"Sir mamaya daw sama ka hah, magbo-blow out yata si mam Kristine..." ou nga pala, kanina pa ko inaalok ni mam Kristine na sumama, hehe. Dapat din daw double celebration kami -kasi magkasunod kami ng birthday. It means, ngayon ang kaarawan niya at bukas naman ang kaarawan ko. Which is si Mam kristine lang din ang nakakaalam ng birthday ko-maliban siyempre sa HR. Hehe, ayoko ngang i-broadcast ang birthday ko, unang-una wala akong pam-blow-out; Ikalawa, wala akong balak maghanda. Sa bahay kasi hindi naman namin sine-celebrate nang husto ang mga kaarawan. Simpleng handa lang na kasya sa aming pamilya.


"Ano Sir?" ayus lang naman siguro "Okay po Sir.", wala naman akong gagawin ngayon e, wala naman kaming usapan ngayon ni Cherryl -my girlfriend. At friday night naman. Wala kasi akong pasok kapag sabado. Kaya lang bukas... balak ko sanang makasama ang girlfriend ko. Syempre birthday ko yun, pero hindi naman siguro sila maglalasing nang husto. Ako hindi rin naman ako umiinom. Bonding lang siguro with them, ayus na.


"Sige Sir, Me klase pa ko e" lumabas si sir Neil ng faculty. Mamaya pang 5pm ang out nila, ako 4pm pa nag-out. Nag-bukas lang talaga ko ng FB account ko. Hay! bibili na nga ko ng sarili kong Laptop. Mamaya matyempuhan ako ng Dean namin na nag nage-FB, malagot pa ko.

Naisipan kong balikan yung nai-close ko nang website. Sayang naman, nag-log-out na si Cassandra. Binasa ko ulit yung last na naipost niya.


Hey, sir sir sir! Eto na po, eto na po, here they come, them files for you sir.
http://www.fanfiction.net/s/6927370/1/No-Other-Words
Woops, I lost the original file po of this so, I have to send the link instead. Your comment is so much appreciated don't hesitate, sir and-


clinick ko yung link -->http://www.fanfiction.net/s/6927370/1/No-Other-Words
Author: Visual Kei-SPM (Anong klaseng Pen Name to? Hmmmnn..)
Because he loves her. And she loves him. And the night is theirs. That is all that matters. NejiHina

(Manga fanatic pala tong Hitler Girl na to! Hindi ako pamilyar pero yung sa Profile Picture niya, karakter sa Naruto yun? Kapatid ko mahilig din kasi sa Naruto e)

Binasa ko yung unang linya.

"No Other Words" (Catchy naman yung title niya.)

"Oh god, I love you." He said in a voice that no one ever heard him use before. Must it be because he uses it only on her, no one will ever know. But it was something, for he never showed his weak side. Yet his voice was full of gentleness. (Anong klaseng story to?????)

He pulled her to him. On the bed. And his hand reached out to touch her face.

(Tsk! Parang hindi gawa ng isang babaeng gaya niya?

"Oh god, I love you." ? grabe lang ha! kaya pala sabi niya kanina "rated M po sila so brace yourself sir!" Pang mature naman pala 'tong sinusulat niya. Am so amazed na yung hitsura niya na cute na maliit na manikang yun, nagsusulat na ganitong pang erotic literature hehe, parang-

Higher than the sky above you
Clearer than blue
Brighter than the rays of sunshine
Warmer than what you feel


Napahinto ako sa pagbabasa, Nag-vibrate sa bulsa ko yung CP ko, 1 message receive. Hehe, cute ng message tone noh? Girlfriend ko ang naglagay niyan. Speaking of -
MyHoney Cherryl : HON, MEET TAU, 7PM @ ROBNSON,
pagkabasa ko sa text ni Cherryl parang bigla akong na-excite syempre magkikita kami. Anong meron? Namiss niya na ko siguro?


Pero I noticed, Naka-Caps Lock? parang galit? What-ever basta magkikita kami. Siguro... kasi- bukas birthday ko na kaya baka ite-treat niya ko? o bibilhan ng gift? o kung anuman yun atleast siya ang nagyaya sakin.


"Ok. Here pa me sa work honey, :) see yah 7pm. Miss you a lot." reply ko. Hehe, napatingin ulit ako sa monitor ng computer. Wala na kong gana magbasa. Next time na lang, sorry e may istorbo e pero 'Good Disturbance' naman! inayos ko agad yung gamit ko sa cubicle, 4:45 na, 15 mins. pa, 5pm na here at St. Something Academy.


Siguro talaga isu-surprize ako ng Honey Cherryl ko for my birthday, well lagi niya naman akong sinu-surprize e. Gaya nung last year: I thought she forget our Anniversary pero nagulat ako nang dumating siya sa meeting place namin, doon sa bench sa harap ng fountain sa Q.C Circle. While am waiting, nag-aabang ng reply niya, biglang may kamay na tumakip sa mata ko."Hulaan mo... Sino ko?" di ko na kailangang sumagot, napapangiti lang ako. Syempre kilala ko boses niya, at alam ko ang may ari ng malambot na kamay na yon.


"Honey happy aniv-" di ko na natuloy sasabihin ko kasi hinalikan niya ako sa labi.


"Hehe. Sorry am late, tara na. Hmnn... saan ba tayo ngayon magse-celebrate ng 1st anniversary natin?" tuwang-tuwa ako noon kasi prinayority niya yung anniversary namin. Dumating siya kahit hindi ko inaasahan na darating pa siya. Sabi niya kasi may emergency sa bahay nila noon at kailangan na kailangan siya. Kahit medyo dis-appointed ako sa reason niya, kasi nga sayang yung hinanda ko na private dinner date sa isang restaurant na pinag-ipunan ko pa, pero buti na lang dumating siya.



"Hey Sir. Miko, it's already 5 pm. Di ba you'll join us Sir, sa-Padis Point daw tayo ngayon. Tara," tinignan ko yung relos ko pass five na, ahhh, e magmi-meet kami ni Cherryl mamaya ng 7pm.

"Ay! Sir, Pasensya na po. Di muna ako Sir. Neil, May importante lang po akong pupuntahan ngayon e. Next time na lang Sir," biglang nalungkot yung mukha ng mga co-teacher ko. Pasensya na! Ang marami ay mas masayang kasama pero mas maligaya ka kapag makakasama mo ang iyong nag-iisa. Heheh corny!!


"O-ok. Sige una na kami sayo Sir," nauna na yung mga co-teacher ko. Tapos ko nang ayusin yung mga papers na dadalhin ko sa bahay, kahit sa bahay nagtatrabaho parin. Hehe, ganun talaga first work ko 'to e. Dapat din magsipag.


Nagmadali na rin ako. Gusto ko maaga ako sa Robinson para makapaglibot muna. Isang oras lang naman ang byahe, bale may 1 hour pa ko para maglibot. Balak ko rin kasing manood kami ng sine ngayon. Ilang buwan na rin yung huli akong nakapanood ng movie with Cherryl. Yung "The Last adventure" yata yung title nun. Sana may magandang movie ngayon.


***



[ISAIAS KELVIN THAN's POINT OF VIEW]


"PAPA KELVIN!!" Argghh, even here I have my fans, well, it's like a lullaby for me, their screams. Shouting my name. All their admiration deserves my handsomeness and gentle cute face.


"Ang cute niya talaga. OMG!” Yah, I definitely knew it. Since the very first day I exist in this ugly world, there is no name born to be hail, and cheer. Isaias Kelvin Than. Born to be the hottest teen fashion model of this era. Not just an ordinary wise-man ever live, but one of the greatest.


As I enter, I saw this cute little blonde girl na biglang napatayo sa upuan niya. Another usual situation na lagi naman talagang nangyayari. Seems like am always in a grand entrance then busy people got to stop what they are doing, give me the outstanding attention. So impressed with my character, seems they saw a fallen angel. She stood up, and I crossed in her way... but, got surprised when she grabbed my arms.


Then suddenly feel her luscious lips... She totally steal my kiss. I don’t expect it.. argghhhh! What happening? I stock on my position, I can't fucking move my body.. what's happening to me.


This kiss, is so much different -wishing that time had stop...forever. As I am enjoying this-

I got to myself, finally back to reality when I hear the girl utterances, "I-is she his g-girlfriend ?.." aaaaAAHHHHH!!!! I don’t have girlfriend!!


Shit! Where's that stealer woman!


I totally shocked with what she has done with me. By a sudden, She lost in my sight!

Who's that girl?!



[Miko Salvador's Point of View]


Sa Robinson's Galleria naglalakad. Nakita ko na si Cherryl my honey, at ang cute niya talaga. Straight black hair, with natural face na kahit walang cheche bureche sa mukha e lumalabas yung natural beauty niya. Palapit na ko kung saan siya nakaupo sa upuan sa paborito naming bilihan ng doughnuts, sa Kristy Kreme.


Napatingin ako sa wristwatch ko. 10 minutes siyang advance. Bakit kaya ang aga nito, excited din? Parang ako sobrang excited. "Hello hon. Aga mo ah? Here's for you." Binigay ko yung flowers na binili ko sa daan kanina, binigyan ko siya ng kiss sa cheeks, at ngumiti siya pero ang tipid.


"Ahh.. M-Mik-" umupo ako sa tabi niya. Mula pa noon kasi, hindi ako umuupo sa harap niya, ayaw niya daw na magkaharap kami, awkward daw kasi kapag kumakain kami. Tipong bawat subo pinapanood ng isa't isa. Hehe, mas ok pa daw na magkatabi kami. Well, tingin ko mas ok yun sakin.


"Do you have something to tell me honey?" mukhang naudlot siya at may gustong sabihin sakin.

4. BOX OF SURPRISES

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

4. Box of surprises



[Miko Salvador's Point of View]


"Ahh.. M-Mik-" umupo ako sa tabi niya. Mula pa noon kasi, hindi ako umuupo sa harap niya, ayaw niya daw na magkaharap kami, awkward daw kasi kapag kumakain kami. Tipong bawat subo pinapanood ng isa't isa. Hehe, mas ok pa daw na magkatabi kami. Well, tingin ko mas ok yun sakin.


"Do you have something to tell me honey?" mukhang naudlot siya at may gustong sabihin sakin.


"W-wala. Thanks pala dito sa flowers," ngumiti lang ako as a sign of appreciating her appreciation. What? Basta yun na yun!


"Alam mo, kanina pa ko nag-iikot ikot kung saan magandang puntahan dito... at actually bumili ako ng ticket ng movie. Gusto ko sana manood ngayon ng 'Life of PI' , based yun sa bestselling book by Yann Martel, at mag-" napansin ko yung box na nasa upuan sa tabi niya. Siguro Gift niya sakin para sa Birthday ko bukas kaya lang hindi siya naka-wrap at hindi siya mukhang birthday gift. Di ko sana muna itatanong kasi may hinala na kong yun yung surprise niya sakin, pero excited ako masyado e.


"Ano yan hon? Birthday Gift? bukas pa kaarawan ko ah? " napansin ko bigla siyang napayuko, parang may something na nagba-bother sa kanya. Nahihiya ba siya sa bibigay niya sakin, hehe. Kahit ano namang gift matutuwa na ko basta galing sa kanya. ? teka lang...


"Hon, u-umiiyak ka ba?" parang narinig ko na umiiyak siya, di ko nakikita yung mukha niya kasi natatakpan yun ng buhok niya sa pagkakayuko niya ngayon.


"something wrong? something bothering you hon?" humarap ako sa kanya, napayuko para tingnan yung mukha niya


"May gusto ka bang sabihin sakin, kaya mo ko tinext? Me problema ba," hindi ko pa pala alam kung bakit niya ko tinext kanina. Parang agaran kasi and I have no idea kung bakit siya nakipag-meet ngayon gayong kakasabi niya lang sakin kahapon na masyado siyang busy sa school niya these days dahil nga nagte-thesis na sila. At talagang busy kapag graduating na. 4th year college na rin si Cherryl, OAD (Office Administration) ang course niya sa isang unibersidad sa Caloocan.


"S-sorry M-Miko.." narinig ko na lang yung sinabi niya na natiyak ko ngang umiiyak siya. s-sorry yata yung sinabi niya. Sorry saan?


"Miko gusto ko muna ng space..."


"P-pero wag mong isiping ikaw ang dahilan, kundi ako. ako yung may problema," umiiyak siya habang sinasabi yon, ewan parang hindi pa nagpo-process sa isip ko yung mga line na binitawan niya. Pero parang bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko. Dahil sa kaba o dahil sa takot, ewan. Hindi ikaw ang dahilan, ako. ? Dahilan ng ano? Wala namang problema samin a. Hindi naman kami nag-aaway, wala naman kaming quarrel or something.


"Di kita maintindihan? Anong kelangan mo ng space?" Wala akong maisip na dahilan.


"S-space for what? Hindi ka ba makahinga, nasisikipan ka ba," umalis ako sa kinauupuan ko, sa kabilang seats ako umupo. Baka dyinu-joke niya lang ako, baka...baka... Anong space? She want space?


"O! A-ayan umusog na ko ha, Wag ka nang humingi ng space, ayoko," pilit kong pinapasaya yung boses ko kahit pansin yung pangangatal ko. Alam ko nakikipagbreak siya sakin, kaya lang ayaw tanggapin ng utak ko na ganoon nga yung kahulugan ng space na sinasabi niya. Nangingilid na rin yung luha sa mga mata kong di natitinag sa pagkakatingin sa kanya.

"Pasensya na pero tapusin na natin tong relasyon na to," Wala talaga akong maisip na dahilan, shet naiiyak na ko. Di naman ako iyakin pero, alam mo yung pakiramdam ng nakahawak ka ng yelo tapos maya-maya bigla kang mapapaso sa apoy.


"Miko S-sorry talaga," naramdaman ko na lang na nalaglag na yung luha sa mga mata ko. Ambilis na ng tibok ng puso ko, yung sorry niya sumigaw yun sa utak ko na parang isang pamamaalam. Tipong aalis na yung barko tapos kumakaway siya dun at ako nakatayo sa may pampang. Hindi ako makapagsalita, hindi ko matanggap yung sorry niya.


Labag sa loob ko. Ayoko!


"Huwag kang humingi ng sorry sakin, Di pa naman ako pumapayag na mag break tayo e, At hindi ako papayag," kanina space lang tapos ngayon tapusin na? Ano ba yon? Teka nga, may hindi ako maintindihan e, Anong dahilan?


"Ano bang problema natin?"


"Naaapreciate ko lahat ng mga effort mo, sweet ka sakin, at kelan man wala akong naging problema sayo..." wala akong pakialam sa paligid ngayon kaya lumuhod ako sa harap niya, kahit pagtinginan pa kami ng mga bumibili, yung mga katabi namin samin nakatingin.


"Yon naman pala e, wala tayong problema,"


"Miko, sakin meron, sorry pero... di na ko masaya e," kumapit ako sa paa niya nang tatayo na sana siya, para na kong batang nagmamakaawa sa harap niya. Wala akong paki kung bumaba man yung tingin nila sakin, ng mga nasa paligid. Basta ang alam ko hindi ko kayang mabuhay kung mawawala sakin ang pinaka mamahal ko.


"S-saglit. K-Kaarawan ko bukas di ba? Ininvite ka ni Tatang e... I-inaasahan niyang darating ang girlfriend ko sa Birthday ko. Pleease hon, for the sake of my birthday, " pagmamakaawa ko sa kanya, di ko na mapigil yung luha ko. Kusa na lang lumalabas sa mata ko. Huwag ngayon. Please naman wag mong gawin 'to sakin.


Kinuha niya yung box at ipinatong sa mesa. At nabigla ako nang mabilis siyang tumakbo papalayo. Iniwan niya ko sa ganoong pwesto, sa harap ng maraming tao. I hear a lot of Gossips, murmuring, uttering about my situation.


"Kawawa naman yung guy oh,"


"Baka iniwan kasi nalamang nambabae,"


"abakasdkfwf..." malinaw yun sa pandinig ko pero di ko yun pinapansin, mas malakas parin yung tambol sa aking dibdib na parang unti-unting binabasag yung eardrums ko, pati ng brain cells. Iniisip ko kung ano bang nagawa kong mali.


Masaya naman ako kanina e, excited pa nga ko nung binili ko tong ticket na to. May pupuntahan pa sana kami after nito. Pero anong nangyari? para kong binuhusan ng mainit na tubig, parang unti-unting nalalapnos yung balat ko.

"Sir, pasensya na po, pero natatakot na po yung mga customers," bigla akong napatayo nung tinapik ako ng sales lady. Pinahid ko yung luha ko at umupo muna saglit. Umalis na yung sales lady at pumunta sa may cashier and still nakatingin parin sa pwesto ko yung ilang customer. Naaawa ako sa sarili ko sa sitwasyon ko. Ang sakit.


Iniwan ni Cherryl 'tong box na ito dito sa table. Binuksan ko yon at naikuyom ko pa ang kamao ko. Nanginginig habang tinitignan yung laman ng box, nandoon yung mga letters ko sa kanya, birthday cards, mga letters na every monthsary namin ibinibigay ko sa kanya, yung roses nandoon rin pero yung tangkay na lang tsaka tuyot na rin yung petals, yung mga balat ng Tobleron, yung couple shirt namin, tapos nandoon din si Nemo, yung bear na napanalunan namin sa Tom's World at iba pang alaala na regalo ko sa kanya.


Bakit kailangang ibalik niya pa to sakin? Pwede naman sanang sinunog niya na lang o kaya itinapon sa basurahan. Kailangan na ibalik pa sakin? para ano? para habang nakikita ko ba ito mas masakit yung mararamdaman ko? Ansaya, grabe... ansarap magbigti o tumalon sa building!!

5. SA LENTE NG KAMERA NI KRISTINA MALAYA

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

5. Sa Lente ng Kamera ni Kristina Malaya

[KRISTINA MALAYA's POINT of VIEW]


"Anong magandang lead? Hmmnn... murder? Crime? Blackmail, rape? Political Killings? So much usual lead story, wala nang bago sa Pinas.” same old and rotten news every day. I need new lead for my column.


Manong, I-over take mo na lang, singitan mo na!” sobrang tsismosa din nito ni manong e, kala mo reporter din, Bakit ba ang trapik sobraaa? Ano bang meron doon? I'm seeing a lot of commuters looking up in front of the catholic church. Oh! They’re causing heavy traffic. Tsk! Ganito talaga kasi sobrang trapik sa EDSA siguro may mga politikong nagpapasikat na naman, porket malapit na ang election.


Manong Dionicio, ano po bang meron dun?” Nakaupo ako sa backseat ng taxi ni Manong, nagta-taxi lang ako kapag papunta sa network sa opisinang pinagtatrabahuhan ko kung saan chief editor din ako ng dyaryo namin at may sariling column sa ibang pahayagan, suki ako ni manong kapag nagpapahatid ako sa kanya titext ko lang siya o tatawagan tapos maya-maya nandyan na siya.


M-Mam, may lalaki daw dun sa taas ng simbahan e, tatalon po ata, magsu-suicide po at- Mam? Mam Tina?”

Bumaba na ko ng taxi ni Manong, mukhang may magandang lead na binigay sakin si bathalumang ek-ek. Sino yun? Hehe, yung diyos ng mga barbero. Sa harap ng simbahan andaming usyusera't usyusero na nakatingin parin sa harap ng simbahan.


Excuse me, Excuse meee...” Inayos ko yung dala kong kamera. Zooming. Ambilis kumapal ng mga tao. Zoom-in... malabo parin.

Hindi maganda ang view sa pwesto ko, I need to come closer. Nang makalapit na ko sa tapat ng simbahan, sa lente ng kamera ko -isang lalaking, Ahmmnn... look so depressed. Mukhang nakatira ng shabu? Well, an office man I guess by his suit, a formal attire like an office staff. But a pathetic man of course that ends to commit suicide. How stupid!


***click shoot. Click shoot***


Ahmmn, Maybe his a hard-working employee but got a surprise when his big boss announced his termination. or... a brokenhearted man. Iniwan ng asawa because of third party? Ganyan naman talagang mga lalaki e. His wife caught him by act... at the old cheap appartel or motel? Or SOGO hotel kasi mukhang may kaya naman yung guy na to?


Hoy bumaba ka dyan baliw!!” sigaw ng isang lalaking may hawak na mga panindang balloons.

Wag kang magpakamatay, ang cute mo pa naman!” Tsk! letseng mga haliparot na mga babaeng 'to sa tabi ko, ansarap pakainin ng Chili Paper.


Kuya mahal ka ni Lord! Wag kang magpakamatay!"


"May plano sayo ang Diyos!! Kaya bumaba ka na dyan!” yung dalagitang may hawak ng rosaryo pero tingin ko ay buntis kasi bilog na bilog yung tiyan niya. At yung ilan sa paligid bulungan nang bulungan, merong mga hindi tumitigil sa pagsa-sign of the cross.



For God plans what is your future. That's why kailangan mong dumanas ng chaos, ng pain, ng mga,-


Ay, ANO BA YAN! Bastos na 'to!” napasigaw ako sa biglang bumunggo sakin na batang madungis. Muntik na tuloy mahulog yung kamera ko.
Letse! Buti na lang may lace ito't nakasabit sa leeg ko. Kung hindi naku! Hindi talaga ako nilingon ng walangyang batang yun na biglang pumasok sa simbahan pero ang awkward... kasi napansin kong may hawak siyang pouch. Pouch?


Ayy! Poka! Yung wallet ko?” kinapa ko yung bulsa ko, wala. Sa bag kong dala, shit wala talaga! Sa suot kong jacket? Wala din!

HOY! Magnanakaw yun! Snatcher. Help!” Sigaw ko bigla at turo dun sa batang gusgusing kumuha ng wallet ko pero walang atang may balak tumulong sakin, tinignan lang ako ng mga tao sa paligid. No choice, takbo. Kailangan kong mahabol yung batang yun. Nandoon yung pera ko, mga cards, atm pati credit cards ko, yung I.D ko.


Pagpasok ko sa simbahan. Hanap. Hanap. Asan ka nang walang 'ya ka. Kapag nahanap ko yun, tuturuan ko talaga yun ng leksyon -mga ABCDBABEBIBOBU o kaya Arithmetic para sumabog yung bungo nun pag nag-overheat yung utak, kung may utak nga yun. A-ayon paakyat ng hagdan.


HOY! TIGIL! TUMIGIL KA NGAYON DIN!!” paakyat siya ng hagdan


TIGIL!” napahinto ako bigla nung humarap yung bata. Ang lakas ng loob, nandidila pa, Benelatan pa ko. Tapos nag-dirty finger pa.


Hoy walangya ka!” ambilis, ang liksi niya, halatang sanay sa takasan. Tinanggal ko yung tsinelas ko, yung isa sa pares binato ko sa kanya kaya lang hindi tinamaan. Shet! Andulas kasi ng hagdan tapos pataas pa.


HOYYYY!!” sigaw ako nang sigaw, antaas naman nitong hagdan na to. Hintayin mo ko!


Tapos ewan, bigla na lang nawala sa paningin ko yung batang walang hiya. Ampota! Asan ka na? Nasa may kampanilya na ko nun.


"Lumabas ka magpakita ka sakin, isauli mong wallet ko!" Nasa harap ko tong malaking kampana, wala yung bata. Teka, nandoon siya siguro sa bintana, isa lang yung bintana dito, kaya baka doon siya nagtago. Lumapit ako. Nagtatago ka pa diyan ah, hindi ka makakaligtas sakin.
"Pipilayan talaga kita pag nahawakan kita," Dudurugin ko mga buto niya, anliit-liit pa, kawatan na!


Bigla kong binuksan yung bintana... nagulat ako nang may kumapit sakin. Shet! Sa pagkabigla ko hindi ako nakakapit. Tuloy-tuloy kami pababa. “AAAAAAHHHHHHHh!!!!!!”


Wooaahh! Tumalon na sila!!” sila?


Di'os ko po,” Narinig ko mula sa baba. Syete, itong lalaking baliw na tong tatalon. Pamilyar na mukha? S-sir Miko? “Aaaaaayyyyyy. Mahabaging Diyos” Mamamatay na ba ko?


H-Heeelp meee Lord!

"HHHHEEEEEEELPPPPPP!!!!!"


***BOGOGSSHH***




[JESSICA's POINT of VIEW]


Sa Emergency room. Ilang taon din ang lumipas, 7 years na rin siguro nang huli ko siyang makita dun sa dati naming nasunog na bahay sa liblib na eskinita na yun ng pugad langaw. Mula nang nasunugan kami, sila Miko, sila Tatang at mga kapitbahay namin... Hindi ko na ulit nakita. Si Mama pati na si ate nawala sakin kasama nang pagkawala at pagiging abo ng lahat.


Ngayon, tiyak kong si Miko yun! Ang nag-iisa kong bestfriend. Pero anong nangyari sa kanya, ang awkward naman ng sitwasyon.. Anong nangyari sa kanya? Bakit siya sinugod sa Emergency Room? At sino yung babaeng kasama niya??


Miko, sana ayos ka lang..

6. SUICIDE MODE

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

6. Suicide mode

[MIKO SALVADOR's POINT of VIEW]


Bago tabunan ng lupa ng mga supulturero ang kabaong ko sana maglaglag ng mga puting rosas o kaya yellow tullips, (yung paborito kong bulaklak) yung mga makikiramay sa libing ko. Para kahit papano maramdaman ko rin na may nag-aalala sakin o may nagmamahal sakin. kahit wala na dun si Cherryl!

Hindi ko parin matanggap yung sinabi niya "S-sorry M-Miko.." I don’t have any idea why she's crying kanina sa mall.

Sorry for what?” dahil baka sa pangit ang surprise gift niya sakin? Mangingiti na sana ko kasi masyado siyang bother sa gift, kahit ano naman matatanggap ko basta galing sa mahal ko... kaso, sinundan pa ng nakapagpawindang sakin nang husto.

"Miko gusto ko muna ng space, pero wag mong isiping ikaw ang dahilan, kundi ako. ako yung may problema," alam kong pangarap niya ding maging astronaut dahil gusto niyang makarating sa outer space. Pero hindi ko matanggap na humihingi siya sakin ng space sa relasyon namin!

Ayoko! Gagawin ko lahat para makarating siya sa Outer space, mangkikidnap ako ng mga NASA personel o kokontakin ko ang mga aliens kahit di ko alam kung pano gagawin yun, pero basta! Maibigay ko lang sa kanya ang pangarap niya na makarating sa outer space. Pero ang space sa relasyon namin! Hindi! Whoaaaaa! Tsk! Di ko kaya! AYOKO!!!!!!

Space? E, kapag bumibisita ako sa kanila wala siya, kapag nagyaya ako na mag-bonding kami -busy siya o may importanteng lakad! Shet na space yan! Shet Space Tab! Shet Spaceshi(t)p! Space her face shet!!

"Huwag kang humingi ng sorry sakin, Di pa naman ako pumapayag na mag break tayo e, At hindi ako papayag," sa sinabi ko, alam kong wala na kong magagawa, patayo na siya nun at iiwan na ko.

Alam kong pinagpalit niya na ko sa iba, doon sa mas may kaya! Dun sa mas may pera na di gaya kong hamak na guro!! Kainis din! Kung makikita ako ng mga estudyante ko ngayon nakakahiya ako. Tsk!! Pasensya na tao din ang mga guro, may puso din sila! Pwede rin silang magdrama! Parang kanina, feeling ko rin ang drama ko... alam mo yun, lumuhod ako sa isang babae. Begging for love. Kahit na alam kong wala na, na wala na kong magagawa!

...Pero sinubukan ko na mabago ang isip niya, pero di niya ko pinakinggan! Tsk! Alam mo bang birthday ko bukas! Happy Birthday SAWI! Happy birthday Miko -ito gift ko sayo isang box na may lamang duguang puso na kailanman hindi na titibok! Ang sweet ng Hon ko! Ampotek! Ayoko ng Ampalaya juice, pero parang tumungga ako nito ng pitong bote!

Siguro, may mahal na nga siyang iba o nanlamig na siya sakin o... o kaya... o bakit kasi hindi niya pinaliwanag kung bakit siya nakipag-break!

"wag mong isiping ikaw ang dahilan, kundi ako. ako yung may problema," Ayoko na! Ayoko na! Ansarap ituloy ng iniisip ko! Ang magbigti o tumalon sa building!

...Pero kung makikita ko si Cherryl sa libing ko, at kasama pa ang kung sinong butiki na pinagpalit niya sakin, babangon talaga ko sa kabaong ko at mumultuhin sila! tapos sila ilalaglag ko sa hukay! Huhuhuhuh! Ampotek talaga! Masyado na kong bitter! kulang na lang itlog para pwede nang prinitong apdo!! Eww! Special Scrambled bitterness, ready to serve!

Pasensya na kung masyado akong madrama ha, kanina pa ko sa mall hanggang sa pag-uwi dito sa bahay parang tanga lang, andrama ko! curse the author, alien yan e! pero sorry talaga di ko kasi mapigil ang umiyak e, hindi ako bakla! Hindi naman ata kabaklaan ang umiyak , e sa kanina pa ko iyak nang iyak. E sa nakakaiyak e, lalo na ngayong nandito ako sa kwarto ko at nag-e-emo! Wow, teacher na emo?! anong itsura ko kaya ngayon! youth parin naman ako ah! 22 years old pa lang ako... kaya accepted parin ang sitwasyon ko. Waaaaaaaaaaaahhhh!!

Nagbabalak talaga akong mag suicide kaya lang hindi ko alam kung paanong paraan. Para naman ma-feel ko yung pakiramdam ng mga kabataang nagsu-suicide... Minsan tinalakay naman yun sa klase e, sabi nga ng mga estudyante ko → "what they're doing -the suicide thingy of an EMO- is so sucks!"

Nasasabi natin na sucks ang bagay na yon kasi hindi naman natin nararamdaman kung anong nararamdaman ng isang nag-e-emo e! So, for the sake na maramdaman ko man lang -Trinay ko talaga kanina yung magbigti... kaya lang "Tanga lang" masyadong marupok yung lubid nasira ko pa yung ceiling fan, ambobo lang doon pa naisipang isabit.

Sorry ulit, e wala na ko sa tamang pag-iisip e! Sinubukan ko naman maglaslas, kinuha ko yung kutsilyo sa kusina -pinagalitan pa ko ni ate jenny kasi hindi daw ako marunong magbalik ng mga gamit! -hindi ko siya pinakinggan, sige kayo na marunong magbalik ng gamit!! Naalala ko bigla yung box na binalik sakin ni Cherryl! Sucks!!

Nag-lock ako ng kwarto at dahan-dahan na hiniwa ang balat sa may bandang pulso, at waaaaaaaAAHHHH!! Ansakit! Hindi ko kaya! Bakit ba ansakit magpakamatay! Pero feeling ko am already dead.

Higher than the sky above you
Clearer than blue
Brighter than the rays of sunshine
Warmer than what you feel
More than all the wonders you see
It’s the most wonderful thing

nag-vibrate sa bulsa ko yung cp ko with true tone ng One Love (Spring Waltz Ost) Lyrics by Acel Bisa , dapat ko na ring palitan ito! Si Cherryl ang naglagay ng tone ng CP ko e, kung gusto kong maka-move on agad, tingin ko kailangan ko na ring burahin ang lahat-lahat ng mga mga bagay na magpapa-alala sakin tungkol kay Cherryl. Pero gusto ko ba siyang kalimutan?! Bakit?

Baka hindi, galit lang siguro ako. Nasaktan lang siguro ako, pero ang kalimutan ang almost 2 years mo nang girlfriend? TSK!!!

Calling... Co-F Neil. Bakit kaya tumatawag si Sir, alam ko nasa Bar siya kasama ang iba pang ka-department namin e "Sir, sunod ka dito sir -" di ko masyadong marinig, anlakas ng disco sound, mukhang nagkakasiyahan sila a,

"Sir, Nagtatampo kami sayo, di mo sinabi kanina, e Birthday mo pala.. " hindi ko nga sinabi sa kanila. Kasi nga e wala din naman akong balak na mag-imbita at wala rin naman akong balak maghanda - siguro si tatang magluluto lang ng spaghetti o Carbonara na para lang samin. Konting salu-salo ng pamilya with Cherryl sana...

Ayt! birthday ngayon ng co-faculty namin -si Mam. Kristine. Magkasunod kami ng birthday hehe.

"Sir Bukas pa birthday ko! Pasensya na kung di na ko nang-invite, Sir A-ayos lang po ako, mag-enjoy lang po kayo," ang hirap sabihin ng salitang ayos lang -kahit ang totoo hindi ka talaga ayos. At ano na bang kahulugan ng salitang ayos? Ewan!

"Anduya mo Sir, dapat ngayon na mantreat ang Birthday celebrant," ang kulet nila, naririnig ko yung mga tawanan ng mga co-faculty ko.

"Sir Saturday bukas e, wala naman pasok, wait ka namin dito ha.. Bilis sir ha!" hala, ibinaba na. Putik pupunta ba ko dun? 8:30 pa lang naman e, maaga pa. Pero tinatamad ako sa buhay, ayoko ngang lumabas ng kwartong 'to kasi feeling ko anumang oras magko-collapse ako dahil sa sobrang depresyon. Haixt. Stress sa pagtuturo, stress sa bahay at pati sa love life nae-stress!! “Help! Pwede magrequest ng taong magbibigay sakin ng Stress Tab! I need medicine!"

Pupunta ba ko? Kung susunod ako sa Padis point ngayon, sana makabawas ng bigat ng nararamdaman ang pag-inom ng alak. Kahit never akong uminom. Waaahhh! first time ko talagang iinom pag nagkataon, laking kumbento ako e, pasensya naman! pero kung ang pag-inom ng alak ay isang paraan ng pagsu-suicide? SIGE NA!!

Mawala lang tong sobrang hapdi sa dibdib ko. Sa parteng puso, WaaaaAAAHH!! Lulunurin ko ang sarili sa isang basong alak!!

*** *** ***

Higher than the sky above you
Clearer than blue
Brighter than the rays of sunshine
Warmer than what you feel

Magbibihis na lang sana ako nang nag-vibrate Cellphone ko. 1 message receive. +63999*******
number lang, sinu naman kaya to!!

"SIR SIR!! HITLER GIRL's HERE!!
I GOT UR NO. IN UR FB SIR!! PLEASE SIR! SAVE MY NO.
AHHHMM... HAV U READ MY STORIES SIRS? HOW IS IT SIR?"

Nagkamali yata ako nang in-accept ko tong batang to! Naku talaga Casandra Malaya, You're true HITLER GIRL!!!

7. COINCIDENTAL ACCIDENT

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

7. Coincidental accident

[MIKO SALVADOR's POINT of VIEW]


One love...
I love you so
Love is the beautiful one
I love you so
Love is the beautiful one
All we need is love

Calling... +63999*******
Ngayon naman tumatawag...

Wala ako sa wisyo para guluhin pa ang magulo kong isip,
kasi nga magulo na siyang talaga!! Tumatawag pa tong HITLER GIRL na 'tong makulit! Ayokong kumausap muna ng kahit sino!! at wala rin ako sa wisyo na magbasa ng mga stories niya ngayon.
Arrrgghh!! Anong gagawin ko..

...Real love

Marvel at the sight of greenfields
Amazingly seen

Calling... +63999*******

Ayokong sagutin! Ayoko munang kumausap ng kahit na sino. Kahit na sino!! Sa pagkatuliro,tinago ko sa ilalim ng unan yung CP ko para di ko marinig yung pag-ri-ring!
Kaysa naman i-cancel ko yung tawag, baka masaktan kapag di ko sinagot, maiisip niya na lang siguro na baka naiwan ko CP ko!
Ay bahala ka dyan!!

Hindi na lang ako nagpalit ng damit, naka-uniform pa ko. Ayos lang siguro, kararating ko lang naman e. Magpapakalunod na lang talaga ko sa alak this time! Baka sakaling paglasing na ko makalimutan ko itong hapdi sa dibdib ko.

Malulunod din ng espiritu ng alak 'tong nararamdaman ko!

***


Wala sa isip kong pumara ng FX taxi. Sa loob ng Fx, ewan.. pero lumilipad talaga ang isip ko, kahit ayaw ko na balikan ang mga nangyari kanina kusang nagpa-flash back lahat-lahat!
"Manong padis lang, " nagbayad ako, hindi ko alam kung magkano na yung paper bill na nakuha ko sa wallet ko, basta inabot ko yun.

Ano ba talaga!! Ano kayang dahilan ni Cherryl? Hindi e.. Kilala ko siya, hindi basta-basta na magde-desisyon yun nang walang dahilan!
Yung dahilan na yun -kung ano man yun... tingin ko, mabigat yun.
Baka may problema siya, magtu-two years na kami -hindi kami magtatagal kung hindi namin mahal ang isa't isa.. Alam kong mahal ako ni Ch-
"Wag ka nang papalag, may baril kami.." napalingon ako sa nagsalita. Paksh*t lang, mga nakabonnet na sila?

"Lahat ng gamit mo.. Amin na! Pati yang relo mo!" Mabagal ang takbo ng Fx Taxi, may nakatutok saking baril. Holdap? Hinu-holdap ba ko?

"Amina lahat-lahat ng gamit mo!!" hinablot ng isa na katabi ko yung kamay ko, tinanggal yung wrist watch ko. Babae yung katabi ko kanina sa pagkakaalam ko. Putik! Aaaaggghhh! Sinikmuraan ako nang isa nang subukan kong bawiin yung wrist watch ko.
Nakaramdam ako ng kirot... halos masuka ko sa pamimilipit.

"pwede na to.. puta, pulubi pala 'to e!!" binuksan ng isa yung pintuan ng taksi, sinipa pa ko palabas. Nalaglag ako sa upuan, bumagsak ako sa lupa. Napadapa ako. Bumaba yung isa, at tinutukan ako ng baril. Gusto kong aninagin yung mukha niya pero mata lang talaga yung kita. Napakadilim pa ng lugar, walang street lights. Hindi pamilyar sakin ang lugar, liblib masyado...

"S-SIGE PUTOK MO NA YAN!" sigaw ko, na kahit namimilipit ako sa sakit. Ngumisi lang yung lalaking nakabonnet. Kahit madilim, nakita kong naninilaw yung ngipin niya. Sinikaran lang uli ako sa tiyan.

"Adre, hayaan mo na yan!" sigaw ng isang may hawak ng wallet ko,

"Wag ka munang magtumba ngayon, batse na muna tayo.." bago umalis yung tumutok sakin ng baril, isang tadyak uli ang binigay sakin. AAAHHHhhGGGG!!

Ambilis nang pangyayari. Masyado akong natulala, nakakabigla. Lahat-lahat nakuha sakin -wallet ko, cellphone, relo ko, pati sapatos ko.
Nasaan ba ko ngayon?! Kalyeng sobrang dilim. Saang lugar ba to, bakit walang street signs. Parang tagong village sa kung saan.. mabilis na pinatakbo yung Fx Taxi. Shet lang wala silang placards. Para kong basang sisiw na iniwan dito sa madilim na kalye. Tumayo ako. Pilit tinatanggap sa sarili ang nangyari.

Iika-ika akong naglakad. Gabing-gabi na, naglalakad ako nang pasuray-suray. Hindi naman lasing pero bangag! Walang signs ng highway. Walang tunog ng kotse.

AAAHHHHHHH!!!! Answerte mo naman Mikko. Ambobo mo pa, bakit di mo nakitang mga holdaper yun! Antanga ko!

Habang naglalakad sa kalsada.. sinipa ko yung bato sa daan.. Kainis!!!
"AARRRGGGHH!! GGRHH!!RR AARRFFF AAARRFF!!" ano yun? waAAAHAHHAH! Ansyete!! Tinamaan ng sinipa kong bato yung asong naghahalukay ng kung ano sa basurahan.

“GGRHH!!RR!” kinagat ko yung dila ko, instinct defence. Kapag may aso daw na tinatahulan ka, kagatin daw ang dila para- "AAARRRGGHH!! ARRFFGGHH!!" Atras.. Syete talaga oh..takbo!!
putik lang talaga, na-straight bigla yung lakad ko! Takbo!

***

Napagod na rin siguro yung asong humahabol sakin.
Gusto ko ulit umiyak! Ang malas ko naman! May balat ka ba sa puwet??! Wala akong CP, pano tatawag sa pamilya ko? Wala akong sapatos o anumang sapin sa paa! Ansakit na nang paa ko. Literally nagdudugo na ang mga paa ko.

Nakakarinig na ko nang tunog ng sasakyan. Nabuhayan ako ng loob, malapit na ang highway, may masasakyan na ko.
"Ay!! Wala akong wallet! Tinangay lahat! Shet!!" Lahat-lahat!!
Nang nakarating na ko sa highway. Nakita ko yung simbahan, Lord, gusto ko munang magpahinga. Gusto ko munang umupo. Pumasok ako ng simbahan. Hingal-kabayo ako nang umupo sa isa sa mga hanay ng upuan na yon, sa bandang bukana ng simbahan. Marami pang tao..
Hindi ko alam kung anong dapat isipin. Nakatingin lang ako sa altar banda, sa mismong krus na malaki.

Gusto kong magtanong sa kanya. Sa Diyos. Bakit ba?! "Anong kasalanan ko sayo? Bakit.. Bak- TSK!!" Naramdaman ko na lang tumutulo na luha ko, galit ako! Galit ako sa sarili ko!
Ewan, hindi ko na rin nga alam kung galit nga ba itong nararamdaman ko o pagkaawa sa sarili. Tulala akong mahigit yata isang oras.. wala akong orasan.. kaya yata lang.

Napansin kong andami rin palang tao, na nagdadasal. Nakaluhod, nakikipag-usap sa Diyos.
ako? "Totoo ka ba?..." baliw na ko.. basta, gusto ko lang ng makakausap, ng matatakbuhan ngayon.

"may next pa ba dito? p-pwede bang time-out muna ko" umiiyak na talaga ako, parang hindi ako lalaki. Naiinis ako. Simbahan naman ito e, maiintindihan naman siguro nila kung bait ako umiiyak.

"May kasalanan ba ko sayo??"

"B-bakit kasi.... Tsk!! Bakit- !! Bab- Babalik pa ba sakin si Cherryl?" ewan! Nakuyom ko ang kamao ko.

"Bahala ka na nga!!!" tatayo na sana ko nang mapansin ko yung banda sa harap ko. Ilang hanay ng upuan mula sakin.
Yung ale, taimtim na nagdadasal. May rosaryo pa sa kamay, pero hindi yun yung tumawag ng pansin ko. Doon malapit sa upuan niya yung batang marungis na mukhang magnanakaw, nakita kong may kinukuha siya sa bag ng ale.

Nakatingin lang ako sa kung ano mang ginagawa niya. Gusto ko sanang sumigaw kaya lang marami akong maiistorbo. Sinusundan ko lang ng tingin yung batang pulubi na may hawak na isang malaking wallet.
Napalingon yung bata sa pwesto ko at nagkatitigan kami. Bigla siyang nagmadali. Sakto nasa dulo ako, sa bandang pinto ng simbahan. Kailangan niya munang dumaan pa sa harap ko pero bigla na lang umakyat yung bata dun sa hagdan.

"Bakit ba andaming magnanakaw sa mundo!!" dapat sa mga 'to pinuputulan ng kamay e!! nakita kong umakyat siya sa taas. May kataasan din pala itong hagdan. At... Ayon! nakita ko yung bata na binubuksan yung pouch ng ale.

"HOY!! SA SIMBAHAN KA PA TUMIRA AH!! BALIK MO YAN SAKIN!!!" tinitigan lang ako nung bata, tapos dinilaan ako.

"BEELLAAATT!!" Ay! binuksan niya yung bintana, nag-iisa lang na bintana dito, nasa ulunan namin tong kampana.

"SIGE HABULIN MO KO!!" biglang umakyat sa bintana, kala ko tatalon siya doon. May makitid pa lang tungtungan doon. Umakyat din ako.

"HOY! BUMALIK K-" ay! sanay na sanay yung bata sa pagpulas. para kong nakakakita ng spider-man, pababa na yung bata. Naduduwal ako. Nakatungtong na rin pala ako sa makitid na hambahan. Syete! Nalulula ako! May fear of heights ako, biglang sumara yung bintana... Argggh! Wala akong makapitan.
I need help, putik, nasa tuktok na pala ako ng simbahan.


Hoy bumaba ka dyan baliw!!” narinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa ibaba. Ako ba yon? Hindi ako baliw.. hindi ako makagalaw sa kinapupwestuhan ko, konting maling galaw mahuhulog ako.
Bakit ba kasi may fear of heights ako. AAAAAHHH!!!!!! Nakakainis! Naalala ko yung nangyari sakin noon kung bakit nagka-fear of heights ako.
Nasa taas ako ng bubong ng nasusunog naming bahay, may sinasagip ako nun, yung bestfriend kong si Jessica. Nalaglag kami sa bubong. After nun, dalawang linggo akong nakoma. na- 8 years nang nakalipas yun!

Napansin ko, unti-unting dumadami yung mga tao sa baba. At sakin lahat nakatingin, hindi ayos ang pakiramdam ko. Tae lang, may dumating pang may kamera, syete! Reporter pa ata! Ayokong pagkaguluhan ang buhay ko ng mga media, scandal express 'to pagnagkataon! ISANG GURO NA-STRESS, TUMALON SA TOKTUK NG SIMBAHAN!! Tsk! Hindi...

I need to be brave!
Hold your breath Mikko! Kaya mo yan! Kaya mo yan! Unti-unti lang ang galaw para-

Biglang bumukas yung bintana at may babaeng nagpakita, pero huli na nang makita ko kung sino siya. Napahawak ako sa kanya. At malas lang... Nalaglag kami!! Pray to God!
Sumalagit nawa ang kaluluwa ko...

***



Naririnig ko yung boses ng mga doktor pero di ko madilat mga mata ko, wala naman akong maramdamang masakit na bahagi ng katawan ko pero hindi ako makadilat, hilo parin ako, at unti-unting lumalabo ang paningin ko.

Nakapikit ako, pero gising ang diwa... may pamilyar na boses. Tinatawag niya ang pangalan ko.

"Miko!!! Miko!!" pahina nang pahina yung boses.. "Mik-..."

8. MY LONG LOST BEST FRIEND :-)

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

8. My long lost Best friend :-)

[MARIA CASSANDRA MALAYA's POINT of VIEW ]


"ARRRGGGHHH!!! WHY HE DON'T ANSWERING MY CALL!!" this idiot young professor. He can't ignoring me, how dare him.


Calling... MY PROF...

Yacky lang sa ring tone niya ha, he's a BADUY. I know, siguro kaya siya isinuko ng girlfriend niya. Though I'm still wondering why she said that words. Well, lahat naman nauubusan ng gana kung wala ng kwenta yung ginugusto mo. Tsk! nagsatsaga lang siguro yung Cherryl na yun sa Idiot na to? Arrggghh! ANTAGAL HA!!

"NANIII!! COME HERE PLEASEEE!!" He's just wasting my time. I'm too tired for dialing his number that I've got at his FB account, and another one -yacky lang yung mga picture niya ha. He's not a photogenic, not handsome rather, a poor guy with ugly face! But he fitted with my craft... A little patient Case! "NAAANNNIII!!!" I'm just started, my 3rd step of putting his life in chaos.

Mam Case Ano po yun?”

"Nani, can you please continue dial this number and-" 
Oh I'm so sorry, another idiot of this my poor country. How I wish I'm not here "Nani, pwede bang i-dial mo tong number... " my 'boba' maid just continue nodding.

"Tawagin mo ko kapag may sumagot na ha, please Nani" well, ambait ko pa niyan! Mabait akong anak. Kailangan ko munang maging maamo. My 'please' always pleases other. Tsk! To be able to get what I want. Everything I want. Isa sa taktika para mapasunod ang tao, amuin mo sila. Though I want to vomit all my words out of my mouth, well.. being a kind person is not so hard. Besides, it benefits mo a lot.


"Ok po Mam Cassandra, ito lang bang pipindutin? " pati pag-dial ng number Nani?! Boba talaga! I just Nod. I tired of giving instruction, common sense na lang.

"Ah, Mam. Emergency po pala. Me pinuntahan po ang Mama niyo sa-" w-what just she said?

"My step Mom, Nani!" I patiently correct her word. Manda is not my Mama. And she will never be my Mom. No one will replace my Mom! "A-ah opo, yung step Mom niyo po, nagmamadali po kanina e,"

okay. So what? "papunta saan?" though I don’t care about Manda, I just asked.

"di po sinabi e," aray ko po! So what's her point of telling this? Oh, my poor old maid, nakakainis, Bahala ka na nga dyan!

"Okay po, iinom lang ako sa baba po, tawagin niyo po ako kapag may sumagot ha," I'm almost lost my temper. Stop this stupid talk. Bumaba ako, dumeretso sa kitchen. Binuksan ang ref. I need to refreshed my mind. Nakaka-suppocate masyado ang mga tanga.

"NANNII, WHY YOU DIDN'T TURN-OFF THE TV? WALA NAMANG NANONOOD?!" lumapit si Nani, and she's in finding the remote when I see the news that suddenly flash. "Wait Nani," it's a flash News, ibinabalita ng reporter... Isang lalaki na tumalon sa kampanilya ng simbahan, nandamay pa ng isa? I saw the face of the guy...

"S-sir Mikko yan ah.." tapos yung girl, w-wait...

"M-MAM. S-si Mam Kristina po yun, s-si-" Nani's shouting in panic "WAIT NGA NANI!!" si Sir Miko. Great Scandal ha, si Sir. Miko yun.. at hindi ako nagkakamali. I grab the remote from her then push the power-off button.

"N-Nani, stop dialing that number. Akin na po CP ko... I need to go at the hospital Nani, " Hindi ko pa ubos itong milk coffee ko. Now, I feel so excited, I need to be there.

"Ah Mam, Did I, d-do I need calling Manong Lucas to.. to hatid you sa hospit-" nanginginig ang kamay ni Nani sa taranta,


"NAANII! " sigaw ko. Kinuha ko yung CP ko, yacky naman! Pasmado ang kamay ng matandang gurang na 'to!

"Hindi na ko magpapahatid. Magtataxi ako, malapit lang ang CMH, dont panic Nani ok!" hindi malayo ang Capitol Med Hospital dito. Ilang kilometro lang, to be exact sa likod lang ng Village na to, ang CMH at I knew the place.

"Favor pala Nani, can you make a soup, ahhmmn, mushroom soup for two," Pwede na siguro yun. "Pahatid mo na lang kay Manong," Hindi ko na hinintay ang sagot ni Nani. Excited akong puntahan si Sir Miko. I feel an urge with this curiosity in what reasons it would be, Sir Miko committing suicide. True blood Idiot!!!

Ano nga kayang reason? Nalaman niya kaya?? Nagsumbong kaya yung babaeng yun? Malabo, yung Cheryl na yun? pero siya na nga ang nagsabi sakin e,"Please Casandra.. Sa lahat ng mga pinagtapat mo sakin... I decided to let him go! Take care of his heart. He deserves to be happy," ewan, anlabo ng babaeng iyon. Ganun lang ang 2 years sa kanya? Hay! Ayoko nang isipin yun, parang hindi ako ang nakaisa, at mukhang ako ata ang naisihan! Ito taxi..

"Manong CMH po," mukhang payaso itong driver ng taxi, hugis kamatis yung ilong, ampula pa. Binabagtas na ni manong ang kalsada, naisipan kong magtanong, "Manong dati ka po bang taga-perya?" sa loob ko natatawa ako. hahahaha. "O-opo mam, marunong po akong mag-acrobat mam, " hindi inaasahang sasagot si Manong. BWAHAHAHAHAHH!!

"k-kaya lang po... e, nalaglagan po ako ng ilaw ng tent e, sumabog po yung bombilya sa mukha ko... m-muntik muntikan na nga po akong mabulag tsaka- abatsakjkjg" napaatras ang tawa ko. Ano ba 'to si Manong!!! Grabe lang, makapagkwento ng buhay talaga, wagas.

"k-kawawa naman po kayo," iyon na lang nasabi ko, tapos humaba yung kwento ni manong. Syete, epic fail. Talaga po Manong grabeng katangahan naman po ninyo. gusto ko sanang sabihin. Buti na lang mabilis din kaming nakarating ng hospital.

(Moral (na hindi) lesson --> Sometimes there is a taxi driver that need someone who will listen in all his tragic history of his life. So, marked the Plate number of that taxi, Sana di ko na siya masakyan ulit. Bwisit lang!!)



[JESSICA DELA VILLA'S POINT OF VIEW]


"OOUUCCHH!!” may bumunggo sakin at muntik na tuloy malaglag ang tray na hawak ko na may lamang mga medical equipments/ kit “So-sorry miss," paumanhin ko pero pagtingin ko sa kanya nakataas ang kilay niya sakin,

"Capitol Med. Hospital, Jessica Dela Villa, Nurse. " binabasa niya yung name plate sa uniform ko.

Ngumiti siya na mukhang nang-mamata, "Thank you po ha, pasensya na... Hindi ka po kasi tumitingin sa dinadaanan mo! " ako na nga ang binunggo ako pa ang sinabihang hindi tumitingin sa nilalakaran, siya ngang nagtetext habang naglalakad. "S-sorry po," may attitude din itong batang ito, bigla akong tinalikuran at mukhang nang-irap pa.

She ran along the reception area. This little blonde girl na mukhang otaku anime character. Ang cute sana kaya lang medyo rude ang attitude. She entered sa room 401 which is same room na pupuntahan ko. Baka kamag-anak ng pasyente, yung babaeng kasama ni Mikko.

"My Siiiiirrr!!!! Buti po ayos lang kayo!!" kakilala niya si Mikko? Sino kaya itong babaeng ito? Nakatingin lang ako sa kanila. Bakit Sir ang tawag sa kanya? Baka estudyante ni Mikko? Pero hindi ko alam na teacher na ang kaibigan ko. Grabe, antagal na nga siguro talaga ng panahong lumipas. Marami nang nagbago samin. Si Miko -ang bestfriend ko, mula pa pagkabata, doon sa nasunog naming bahay sa pugad-langaw sa Maynila- isa na pala siyang guro ngayon? Nakakatuwa.

"Siiirr, alam niyo po bang nabalita kayo sa T.V? " Andami kong gustong sabihin sa kanya ngayon, siya ang bestfriend ko na nagligtas sakin noon sa panganib, na dahilan ng huli na naming pagkikita. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya. Ay! naramdaman ko na lang na may luhang pumatak sa mga mata ko.

"Ayos na po ba kayo sir?" she hug my bestfriend. Ano ba 'tong batang ito, nakikita nang nakaratay sa kama at kalalagay ko lang ng benda sa braso niya. Hindi naman malalim ang sugat, mababaw na tahi lang.

Itong batang 'to? Mukhang close na close sila. Teka.. nabalita sa T.V? Ang bestfriend ko nabalita sa T.V. Mukhang may matindi siyang problema ngayon ah, sabi kanina ng mga rescuer, nang dumating ang ambulansiya -tumalon daw siya mula sa kampanilya ng simbahan, kasama ng isang babae...

Si Mikko? Bakit niya gagawin yon? Ang magsuicide? Hindi. Hindi niya magagawa yon. Kilala ko ang kaibigan ko, may malalim na pananaw yun sa buhay mula pa noon... hindi niya gagawin ang ganun. Pero baka iba na nga ang dati kong kilalang Mikko.

"Nagtangka daw kayong magpakamatay dahil broken hearted kayo?" grabe namang makapagsalita ito sa pasyente ko.

"Ahhh M-miss, Masakit pa po yung braso ng pasyente, kalalagay ko lang po ng benda sa kanya, bagong tahi po iyan," I have the rights to interrupt her, napatingin ako kay Mikko. Nagkatinginan kami. Kinikilala ang isa't isa, ako ito, ang bestfriend mo Mikko. Sana makilala niya ko. Kanina habang tinatahi ko ang sugat niya, habang wala siyang malay naiisip ko ang lahat-lahat samin, bumabalik lahat ng mga dati naming alaala...

"Jessica? I-ikaw ba tal'ga yan?" namukhaan ako ng kaibigan ko, 7 years nang nakakalipas mula nang huli ko siyang makita.

"B-Bes, Miko, k-kala ko hindi mo ko makikilala e," hindi ko namalayan, tuloy-tuloy na nalalaglag ang luha ko. Dala marahil ng pagkasabik sa matalik kong kaibigan.

"Miko..." niyakap ko siya nang mahigpit.

9. MY HITLER GIRL

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

9. My Hitler girl


Isang himala (ata) ang nangyari kanina. Paglaglag nila sa semento mula sa mataas na kampanilya ng simbahan, una ulo. Basag ang bungo ng dalawa at nagkalat ang utak sa kalsada.
Ewww, durog ang katawan... nagsigawan ang mga tao, nagtilian ang mga babae, tinatakpan ng palad ang mata ng bunsong anak.

Dumating ang mga Soco... tinakpan ang katawan. Nilagay sa stretcher. Pero deretso na sa purenarya ang kanilang bangkay. Ino-autopsy ang wasak-wasak na katawan..

Biglang lumabas mula sa usok na galing sa kung saan ang isang nilalang na naka-hood. May hawak itong malaking hook, na kumikinang ang talim.
"HINDI NIYO PA ORAS!!" nakakatakot ang boses ng lalaki

"KASI... Ahhmmn, kasi nasa chapter 9 palang kayo..." tumawa nang napakalakas ang lalaking naka-hood. BWAAHAHAHA BWAAAAHAHAHHHHHH!!!!


[MIKO SALVADOR'S POINT of VIEW]


AAAAAAAHHHHHH!!! Habol ko ang hininga, hallucination lang ata ang lahat. O hindi? T-teka.. Nasan na ba ako? puti ang lahat, puting kwarto. walang ibang kulay? Nasa langit na ba ako?
Walang katok sa pinto nang bumukas yun, bastos ang nilalang na ito, hindi man lang kumatok? Inaasahan kong anghel ang iluluwa ng pinto pero anong hitsura ba ng mga anghel dito sa langit?

Sumilip siya. Maganda ang mukha niya, may kaputian at b-blondeeee? Blonde ba ang buhok ng mga anghel dito sa langit?? Ngumiti siya..

"Cassandra? Y-you're here?" I can't speak clearly nanghihina pa ko masyado.

"MY SIIIIIIRRR!!! Buti po buhay pa kayo!! " umalingawngaw yung boses niya sa kwarto. Ay! Hitler Girl talaga! Laging nakasigaw. Nakakabingi masyado ah.

Lumapit siya at wala akong makitang hitsura ng pag-aalala, "Siiirr, alam niyo po bang nabalita kayo sa T.V? " ewan kung nang-iinis pa 'tong babaeng to!

"Ayos na po ba kayo sir?" nagulat na lang ako nang yumakap siya sakin. Kaya lang nakadama ko ng sakit. Napangiwi ako. Masakit ang braso ko at hindi ako makagalaw masyado, masakit ang buo kong katawan. Hindi ito Heaven, this Hitler Girl -a devil one. Nasa hell ako.

"Aahhhww.." makayakap naman! "Nagtangka daw kayong magpakamatay dahil broken hearted kayo?" wait? Ano daw? Pati ba yon ibinalita sa T.V? May sumusunod ba saking paparazzi?
How did this girl know that I'm a brokenhearted?

wait.. I saw another angel in front of the door. "Ahhh M-miss, Masakit pa po yung braso ng pasyente, kalalagay ko lang po ng benda sa kanya, bagong tahi po iyan,"

Lumapit siya sa kama ko. Naisip kong hindi nga hell ang napuntahan ko. Langit nga ito. May totoong anghel e... teka, pamilyar ang mukha niya. Nagkatinginan kami. Pilit kong kinikilala ang mukha niya, J-Jessica? Siya bang bestfriend ko. As I looking into her eyes, my heart beats faster and faster... I saw, crystal clear, tears in her eyes.. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Jessica? I-ikaw ba tal'ga yan?"
"B-Bes, Mikko, k-kala ko hindi mo ko makikilala e," siya nga. Gusto kong tumayo at yakapin siya, ang matagal ko nang hinahanap.. Ang aking lost besfriend.

Suddenly, she hugged me. And I longed for this for a long years.
"Bes, Namiss kita," i felt her tear drops fall on my neck.

"J-Jessica, ikaw ba talaga?" hindi ako makapaniwalang nasa harap ko ang kababata ko, ang bestfriend ko. "A-antagal naming hinanap kayo, nang masunog ang bahay nun.. hindi na namin kayo nakita. Hi-hindi na kayo nag-iwan ng contact number, ng address.."

Bes, namiss kita,”


***

[Author's Note → MARIA CASANDRA MALAYA'S POINT of VIEW sana ito, kaya lang sobrang ikli nang pwede niyang sabihin kasi nga isip niya lang ang gumagana bye this time... gaya nitong:
Long Lost Bestfriend? Grabeee lang haa, ngayon lang nagkita? Nice venue!!
This nurse.. yung kaninang bumangga sakin. Bobita siya ah, Oh well -two-idiots.. same feather flocks together nga naman, it's true! two idiots together!! AHAHHAAHA
Sana hindi siya maging hindrance, to the plot of my own play.
This is my story, and.. and two antagonist will helps to make it exciting!

Great conflicts for my own stories!






[MIKO SALVADOR'S POINT of VIEW]

Para akong isinilang ulit. May nawala sakin nung para akong namatay at may nagbabalik naman ngayon sa muli kong pagkabuhay. Si Cherryl. Hindi ko alam ang dahilan ng pagkawala niya pero salamat na rin dahil natagpuan ko dito sa hospital na 'to ang matagal ko nang hinahanap ang matalik kong kaibigan.

"Pumunta ka daw sa japan? Doon ka daw tumira?" Kayakap ko si Jessica nakita kong nakakunot ang noo ni Cassandra. Well, nainterupt nga ang conversation namin. Nakalimutan kong bukod samin ay nandito siya. Ipapakilala ko sana si Cassandra, ang aking estudyante sa Bestfriend ko. Pero biglang may pumasok sa kwarto. Isang babaeng may edad na at isang lalaking matanda na rin.

"IKAW?! Asan ang anak ko? " ako? itinuro niya ko, napalingon kami sa babae.. "Kung magpapakamatay ka, huwag ka nang mandadamay! Nasan nang anak k-"

"Calm down. Tita Manda, she's not here" wika ni Cassandra. Nagkatitigan sila. Magkakilala sila, tita?

"Oh, Cassandra my dear? I-I'm glad that you're here? Nabalitaan mo agad ang nangyari sa ate mo?" the old women slow down her voice as she saw Cassandra. Wait, Cassandra's elder sister pala yung babae na kasama kong naaksidente? Sister ba? Bakit tita? Ang liit ng mundo? Ano ba to reunion?

"Ah, Mam, the patient is still at Emergency Room, inaayos lang po yung room niya, she will transfer to another room in any moment, the doctor waits to talk to you Mam," nurse Jessica open a help for them, before they leave, Jessica nodded at me as a sign of asking permission for her to continued her job description. She's a registered nurse here. I'm happy for here.

***
Naiwan akong mag-isa sa kwarto, gusto ko nang tumayo dito. Wala naman na akong masamang nararamdaman, alam kong kaya kong tumayo. Buti ganito lang nangyari sakin.. Wew, dun sa babae? Anong mangyayari sa kapatid ni Cassandra? This is my fault! All in my fault!!
AHHH!!! Hindi pa natatapos ang araw na 'to. Gusto ko munang matulog baka bukas magising na ko, iniisip ko parin na panaginip ang lahat ng ito.
Ganun daw iyon e, kapag too good to be true o sobrang imposibleng mangyari dahil sa ganda e hindi na siya makatotohanan. Kapag too bad to be true -sobrang imposibleng mangyari dahil sa sobrang pangit -hindi na siya makatotohanan.

"Arrgghhh!!!" I need peace of mind! I need to sleep! I need rest! I close my eyes.. But I feel the pain. Literally, pain ng sugat, sa kanang braso ko. Mapalad ako't ito lang ang nangyari sakin. Sana... walang masamang mangyari sa babaeng iyon. Yung stepsister ni Cassandra nasa E.R pa daw siya. Baka nasa panganib yun a, kung tutuusin niligtas niya ko?
Napadilat ako nang bumukas uli ang pinto.

"Cassandra.. " she wore a fake smile, i know. Nag-aalala siya sa kapatid niya. At I feel guilty.

Mamula-mula ang mata ni Cassandra. Yung mukha niya parang yung una ko siyang pinagsabihan, na huwag siyang attention seeker. Maluha-luha siya nun. like this, I dont want to see a girl whose crying in front of me.
"Cassandra.. H-how is she? your sister, is she fine.. what the Doctor says?"She step closer at my bed. Placing a launch box at the table beside me. Preparing a food for me? sana wala naman siyang ilagay na lason. Ano 'to, revenge of the sister? Wag naman sana.

She exclaimed, then answered, "Thankful po ako na niligtas kayo ng sis... step-sister ko," she paused. Nilapit niya sakin yung lauchbox. What's that? Mushroom soup? WAAAAHHHHHHHH!!! May pagka-HITLER pa naman 'to? LASON YAN?! LASON YAN!!
"Sir.. hindi pa 'to pwedeng kainin ng step-sister ko, kaya sayo na lang.." ? mahina lang yung pagkasabi niya, malungkot na naman.

"Cassandra, w-why?" her smile suddenly fades and totally turn to a sad face.

"she's not okay sir, she's in comma right now," tears fell down. My Hitler girl is crying.. I try to get up to hug her, but I can't.

"Cassandra, I-I'm so sorry for what happened to your sister," I felt so guilty, I know my apologize is not enough to cease that tears in her eyes.
she sighed then smiled at me,

"Buti na lang sir, nandoon ang step-sister ko. Niligtas niya po ang buhay niyo," I smiled back.

Ewan kung nangungunsensya siya. Iniisip niya marahil na bayani ang step-sister niya. I want to tell to her, hindi naman ako nagpakamatay e, nalaglag nga ako dahil sa ate niya. arrgghh! Bad idea, di yun makakatulong ngayon.

"Tahan na..." Umiiyak din pala 'tong Hitler Girl ko.
She offer the soup. Tinanggap ko na lang, iniisip ko ng ito na ang kaparusahan ko. This is my last supper, naiisip ko habang sinusubo sakin.

This is My Hitler Girl punishment..


Sumalangit nawa ang kaluluwa ko.

10. BONDING -PART 1

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

10. Bonding -part 1

[Miko Salvador's Point of View]

Kinabukasan nun, umuwi na ko. Hindi ko kailangang mag stay nang matagal sa hospital. Pero five days nang in comma si Kristina Malaya -stepsister ni Case. Short for Maria Cassandra Malaya.

"WOORRFFFFFF !!! WOORRRFFFF!!!” kasama ko si Aily ang pusa namin, at yung kumahol? Ako yun, tinuturuan ko lang na kumahol ang pusa ko. Malay ba natin na matuto itong kumahol.

"AAARRRRFFFF!! AAARRRR-" aaarraayy. Masakit parin 'tong kanang braso ko, buti na lang e, kaliwete ako. Nakakahawak parin ako ng kutsara, nakakapaghugas parin ako ng pwet ko kapag dumudumi. Medyo makirot lang talaga minsan kapag nagagalaw.

Pero isang bagay ang gusto kong linawin, hindi ako nangangaliwa. Noong umagang pag-uwi ko, gulat na gulat sila ate, bakit daw may benda ang braso ko, tsaka bakit daw umaga na ko umuwi, nasayang daw ang tinira nilang ulam noong gabing yun. "Ui, salamat po sa concern ha... nag-alala kayo sa ulam" I sarcastically responce to my ate Jenny.

"Kuya anong nangyari ba sayo?" tanong ng bata kong kapatid na nanunuod ng Naruto DVD Collection niya. Umupo ako sa sofa at kinuwento ang lahat lahat, mula umpisa -chapter 1 hanggang chapter 9 ng buhay ko, mula pag-uwi ko sa eskwelahan hanggang pag-uwi kong may benda na sa braso.

"E, baka kasi nahuli ka ni Cherryl na nangangaliwa? Naku Mikko ayusin mo yang buhay mo," pang-aalaska sakin ni ate Jenny. Gusto ko sanang ibato sa kanya yung unan sa sofa pero humarang si Tatang samin,

"Anak, kamusta yung babaeng nadisgrasya mo?" ito rin si Tatang, ako bang may kasalanan? Ako na lagi!! Ako na pumatay kay lapu-lapu, ako na bumaril kay Rizal, ako na lahat!!

"Tatang, ako ang nadisgrasya. Yun yung may kasalanan," gusto ko pa sanang katwiranan yung sa side ko. Pero naalala ko si Case. Bago ako umuwi dun sa hospital, I apologize to their family, specially to her Mom. I also tend to tell the whole story what have happened before that accident... Napaniwala ko naman sila (ata).

1 weak akong on-leave sa St. Something School -though nagte-text na sakin ang mga estudyante ko at some student PM me sa FB account
"sir bakit ka absent?" sa chatbox ko. "Sir Bakit di ka pumasok? Drop ka na!" hay! Miss ko na rin ang mga estudyante ko maliban kay Hitler Girl kong estudyante. Si Case, bakit ko siya mamimiss e, five days ko na rin siyang kasama.


Friday night ngayon, wala siyang pasok bukas, buong magdamag kaming magbabantay sa hospital. Itinext niya ko, magkita daw kami sa "MInistop- malpit s Cpitol Med. Sir, Ingaatt!!! XD" Malapit din pala yun sa paborito kong Simbahan ngayon. Oo nga pala, nagulat din ako nang makita ko ang CP ko sa ilalim ng unan ko. 47 misscall from this no. +63999*******

Ngayon, nasasanay na rin ako sa text niya. "Ayoookkoo nga mag-iingaat!! XD!" send to HITLER GIRL. Yan ang pangalan niya sa CP ko. Hehe, pa-PBB teens lang!! 2 years lang pala ang gap age namin ni Case! 20 years old si Case at ako 22 pa lang. Sabi ko nga, ako ang pinakabatang prof sa St. Something School diba.

Pumara ako ng jeep, pero nang pasakay na ko biglang may humintong taxi tapos kinawayan ako. Wait... nagdalawang isip pa ko kung lalapit, e kasi nga may trauma na ko sa mga Taxi e, lalo na kapag FX Taxi.

Nakilala ko yung mukha niya. Siya yung lalaking matanda sa hospital na kasama ng Mom ni Case, o stepmom ni Case. "Manong.." sumakay ako at binati siya. "Dionicio po, Manong Dio na lang Sir," pagpapakilala niya.

"Huwag niyo po akong tawaging Sir, Ahhh.. Miko na lang po," mabait naman pala 'tong si manong e, teka. kaano-ano kaya nito sila Case?

"Pakibigay na lang pala ito kay Mam kristina, n-naiwan niya kasi ito dito bago siya maaksidente e, hindi niya ata napansin nahulog niya 'to," inaabot ni manong yung pouch na kulay asul. Kay Kristina ang Pouch na 'to. Yung babaeng kasama kong nahulog sa itoktuk ng samibahan.

"Manong kaano-ano niyo po sila Cassandra, sila kristina?" hindi ko pa naaabot yung pouch nalaglag ito ni manong, bigla kasing nataranta sa tanong ko. Masama ba yung tanong ko? Ahhmmnn, namula bigla yung tenga ni manong. Manipis na kasi buhok niya, kaya halatang biglang pamumula ng tenga niya.

"M-malapit po akong driver nila, p-private driver po ako dati nila Manda, nila Mam Manda" pautal-utal yung sagot ni manong, parang may bagay na gumugulo pa sa kanya. Bagay na itinatago, na hindi ko alam. Pinatakbo niya ang makina ng sasakyan.

"Hatid ko na po kayo, sa hospital din po ba kayo?" napansin kong iniba ni manong ang usapan, kung ano man yung tinatago niya. Sa kanya na lang yun! Solohin niya, ayokong mangialam sa buhay nila.

"Ah, manong dyan lang po ako sa Mini-stop, magkikita pa po kami ni Case e," tinext ko na si Cassandra. D2 n aq, asan k n? wg mal8, bgti n lng pg l8.

"Kayo po ba? Kelan po kayo pupunta sa hospital?” Tanong ko bago bumaba ng taxi niya. "Kung kelan po ako makakapunta"

"s-sige po, salamat manong Dio" tinago ko yung pouch na binigay ni Manong sakin, nilagay ko sa bag kong dala. 1 message recieve. HITLER GIRL --> TGAL NYO SIIIIRRRR!!! KNINA P Q D2!!

Hehe, hindi na ko nagreply, pumasok na ko sa Mini-stop, nakaupo siya sa upuan dun. Kumakain ng Footlong burger.

"WAAAHHH!!! Anong kinakain mo? Bakit di ka namimigay!!" bungad na bati ko nang pagkalapit ko sa kanya, hindi ko alam kong kung paanong naging close kami nang ganito, basta ganito na lang kami mag-usap.

"BAWAL PO MANGHINGI!! GUTTOM AKOOO!!!"

hindi pa ko nakakaupo, "TAARRAAA NAAA POOO SSIIIIRR!!!! " , ay!! nagyaya na agad umalis?! Bibili pa ko ng mangangatngat e, para naman hindi boring kung sakaling magpupuyat nga kami sa pagbabantay sa hospital.

"Teka lang, bibili pa ko nang pica-pica. Ano sayo?" kumuha ako nang basket, kinuha ang maisipan. Pumunta ako sa fridge, pumili ng maiinom. Kumuha ako ng dalawang VITAMILK. Soya milk yun, lagi kong binibili kapag napunta akong supermarket

"OH INUMIN MO, MABULUNAN KA SANA"


"Ang sweet niyo naman my sir! TARA NA PO," hindi ko pa nababayaran 'tong hawak kong lumabas na siya. Bastos din na estudyante to! Naku lang talaga!

11. REALLY IT IS (NOT) A BAD IDEA

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

11. really it is (not) a BAD Idea


"Sasakay pa ba tayo?" tanong ni Miko sa babaeng blonde ang buhok, na kanina pa nginangatngat ang kuko. Wew... Anlinis sa katawan, kaya pati kuko nililinisan gamit ang maliit at matibay nitong ngipin na naka-brace.

"SIR??! KANINA PA TAYO NAGLALAKAD DI BA? AYY!! ngayon ka pa sir nagtanong e ilang hakbang na lang dito ang CMed e," magalang na sagot ng babaeng itago na lang natin sa pangalang CASE, mabagal ang kanilang lakad.

"Patikim nga niyang kinakain mo!!" wika nito at kinagat niya ang daliri ng Babae, masaya nilang pinagsaluhan ang maduming kuko...



[Mikko Salvador's Point of View]

Pagkalabas ko ng Mini-stop nakita kong nasamid si Case sa iniinom na Vitamilk, “Ambilis ng Karma no? Ayan, andamot kasi ng isa d'yan! Kala mo may aagaw ng pagkain niya," tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay,

"Ampakla naman nitong binigay mo sakin, ano ba ito sir?" sabay na kaming naglalakad, andami kong bitbit, naka P 400+ din ako, para sa isang buong magdamag na pagbabantay, sana maubos namin ang lahat ng 'to.

"Gatas yan, Vitamilk nga nakasulat o,"

"Gatas ng ano? Galing sa dodo ng kambing? o sa dodo ng cow? ah?" I just laugh of it



"Soya yan! Hindi yan galing sa hayop," mabagal ang lakad namin madadaanan na namin ang simbahan na isip kong pumasok muna kaya kami, magdasal? Parang ang ganda lang ng ideya na pumasok kayong dalawa ng kasama mo sa simbahan at doon ay magdasal?
Bakit may tanong -MAGDASAL??? ewan, e kasi unang-una, hindi nagdadasal si Case. Kasi nga may pagka-HITLER siya e, tipong naniniwala rin siyang dapat ang mga taong perpekto lang ang pwedeng mabuhay sa mundo. At walang Diyos na nagsasabing dapat maging pantay ang turingan ng lahat. In short, hindi na ata siya naniniwalang may Diyos?

Kakatakot 'tong batang to!
"SSSIIIIIIRRRRRRRR!!! " sigaw niya bigla at nilapit pa sa kanang tenga ko

"OOOUUCCHHH!! Ano ba yon?!" ansakit ng tenga ko, kakatulili! feeling ko nabingi na ko ahh.

"Bakit tulala po kayo, Sir, upo muna tayo sa simbahan, baka may misa ngayon," then I amazed, puzzled?

"Nagsisimba ka? Katoliko ka ba?" curios ako kaya natanong ko, kasi nalaman ko noong nagpa-recitation ako. I ask Cassandra

"Do you believe in God?", then, she just tell that hindi na siya naniniwala na may Diyos?

"Hindi ako Catholics sir! Sila papa Catholic pero ako hindi. Ahmnn... gusto ko lang makarinig ng sermon ng pari, kasi, gusto kong mapag-aralan yung mga kasinungalingang pwede kong marinig..." kasinungalingan ba para sa kanya ang salita ng Diyos? BAD HITLER GIRL!!!

"Sir, may ginagawa kasi akong story about dun e, pano kaya ang point of view ng pari, how they think, they move or how they eats their words?"

"Ui, BAD YAN!! Para sa mga works mo, maninira ka?"

"Sir naman e, hindi ako maninira... ahmmn, I am just writing the reality of their life, In the first place sila naman ang sumisira sa sarili nila"

"I am just writing the life that they choose... ayaw nila yun nakakatulong sila sakin, Nakakagawa ako ng MASTERPIECE ko,"

"Naku Cassandra! Mas magandang makagawa ng MASTERPEACE ! as in PEACE! nakakasira kaya yung motif mo! Sa paningin ng iba hindi yun MASTER PIECE, that’s a craft, a trash!!!"

"Kung buhay ang mga WRITINGS natin, nagrebolusyon na yun!! DONT USE US FOR YOURSELF! STOP ABUSING US CASSANDRA!! STOOOOPPP!!" I am now a theater actor here, ang sama ng batang 'to kasi,

"TSk! Naman po e, my works are my creations, I am their GOD." Wew, hindi ko malunok yung mga binibitawan nitong salita, Hitler girl ka nga!! Anong I am their GOD?! You are their God?! Tsk! Andami kong nadi-discover sa babaeng 'to, grabe lang!!


"hahaha... but don't be God! Be their master, it's okay! but realize that we still have our own Master, own God" Napuno na siguro ako, kaya medyo napapabitiw na ko ng mga salitang ganito. Ang sitwasyon namin, malapit kami sa simbahan... mga dumadaan na magsisimba rin nakatingin samin. Mukha kaming nagsisigawan at nagduduruan!!

"BUT SIIR... I DON"T ACTUALLY BELIEVE IN GOD..." wow!!! Mananalo ba ko sa tigis ng ulo nito?! Sige, may kanya-kanyang kaisipan ang lahat ng nilalang.

"Okay..We have a different ideology.. but, Ahhmm, at least realize of God's existence" antalim lang ng tingin namin sa isa't isa. Nagtataasan ng kilay, at feeling ko napapataas na rin talaga ko ng kilay dahil sa kanya.

"But sir, pointless po e..."

"...cause you put already a point, as in... period of that thoughts!" napatingin ako sa paligid, ang awkward ng momentum na to! Arrrgghh!

"Pero sir, if I can prove that he does not exist, how can I believe that he exists?"

"huuhh? so, where's your prove that there is no God?" nagtitimpi lang ako, papunta kami sa hospital, at dalawa lang kaming magbabantay sa ate niya. Ayokong magkaroon kami ng alitan.. Calm down Mikko! Calm down, this Hitler Girl, kakainin din niya mga sinasabi niya in perfect time.

"w-well, i dont want to argue with you" sabi ko na lang.

"Hmmm, sir mahaba-habang proving po ito."

"Wag na tayong magtalo po, deretso na lang tayo sa hospital okay.." Ngumiti ako sa kanya, at nagsimula nang lumakad uli papunta sa CMH, na ilang hakbang na lang mula sa simbahan na 'to.

"but Case, I much awaits for you to believe me then.. I'll try ..." huminto uli't si Case sa paglalakad,

"Hmmm, let's just say sir, that I'd rather not believe in something I don't feel, but I am a good citizen, than worshiping something or someone, but does not act accordingly. None sense," at huminto uli't ako, arrgghhh! Ikaw na ayaw magpatalo!!

"let's say there is no God, what profits you to believe or know this? But if you know that there is really God, I can tell you the profits, something you will gain"

"and Maria Cassandra Malaya, to be good is not enough," ngumiti ako sa kanya,

"GOD IS NOT LIMITED WITH THAT..." ha, ewan, we can't discuss it here, I head again to walk.

"HAHAH, NO SIR!!! TO BE GOOD IS NOT ENOUGH, BUT TO NOT ACT GOOD AT ALL IS NOTHING SIRR," hala!! sigawan kung sigawan, hay! Namumula na yung tenga niya, alam kong hindi talaga siya magpapatalo, lalo pa her face turn lto grin. Napatahimik na lang ako. Nakakahiya kasi sa mga tao sa paligid... At napataas din kasi ng kilay yung matandang dumaan sa harap namin, at nag-antanda. Tapos, huminto... hinapas ako ng hawak niyang pamaypay na abaniko.


"Bakit mo inaaway ang nobya mo?! Bata-ka!! Kayong-mga-kabataan-ang pupusok ninyo, at nagpapaiyak pa ng babae, magmahalan kayo!! " habang iniiwas ko ang sarili sa pinampapalo niyang abaniko, pigil ang tawa ko. Nakatulala lang kaming dalawa ni Case. Umalis yung matanda, napahalakhak kaming dalawa

"BWAAHAHAHAHAH. KAYONG MGA BATA KAYO-MAGMAHAL.." hala, si lola nagsusupersaiyans? Hahahaha,

"Sir Adik lang??" hagalpak ang tawa namin, nakasunod lang ang tingin namin kay Lola papasok na siya ng simbahan. BWAHHAAHAHA- wait.. sa pagpasok ng matanda sa loob ng simbahan parang may nakita akong pamilyar na mukha.


"w...wait, freeze muna , I think i saw... someone," nakita ko yung batang gusgusing magnanakaw ng pouch. Pumasok uli siya sa loob ng simbahan.. Takteng bata ito oh!! Siya yung dahilan ng pagkakadisgrasya ko, dapat siyang makulong!!


"Who's sirr?" nagsimula akong sundan siya,

"Wow sir ha, iiwan mo talaga ako?" I heard Case, pero I have this urge na mahuli yung batang yun.


"ssiiirrr."



[Maria Cassandra Malaya's Point of View]


"SAAN NAMAN PUPUNTA YON? TSK!!" arrgghh!!

Bagay siyang tawaging INDIO, short for INSTRUCTOR IDIOT, kala naman magpapatalo ako sa kanya! Tsk! Fools Ideology again yung mga pinagsasabi niya. Nakikipagtalo pa e kala naman mananalo siya.

Unang una, if God really exist? 2000 years ago, same parin ang paniniwala nila -some says that I hears, malapit na dumating ang panginoon! Malapit na ang Paghuhukom!!

Mula pa noon, yan na ang sinasabi. Malapit na ang ganyan-ganito, hangga't hindi pa huli ang lahat, etsetera etsetera. Naku, hind mo na alam kung sinong paniniwalaan.
There's a lot of religion sa mundo na may kanya-kanyang paniniwala -which is really true??
Hay!! Dapat mawala ang religion sa mundong 'to! para hindi na magkaroon ng mga baliw sa lipunan... dapat pinapatay ang mga pari e, dapat ipinapasunog lahat ng scripture ng mga relihiyon, the bible na andami namang bersyon, pati koran, pati vedas, o kung anumang scroll ng mga santo, santa.

***PPIIIIIIIIIIIIIIPPPP *** PEEEEEEEEEEPPPP***

"AY!! SATANAS NA HUBAD" nagulat ako nang may bumusina nang malakas sa bandang gilid ko. Napalingon ako. Who's this stupid creature na 'tong manggugulat bigla sakin. Lalaking naka-shade? -nasisilaw ako sa front light ng sasakyan. Madilim na ang langit kaya mas masakit sa mata ang liwanag na nanggagaling sa sasakyan niya.

"Lumapit lang 'to sakin, makakatikim siya sakin ng suntok!" I whisper the word but kinabahan ako kung sino yung lalaki n-

"HEY YOU!!! Are you a FOOL? WAG KA NGANG BUMUSINA!! Alam mo ba ang sign na 'to?" tinuro ko yung sign na nakapaskil sa poste.

"It means NO BLOWING OF HORNS!! KASI NGA MALAPIT KA SA SIMBAHAN, TSAKA SINO KA B-" lumakad siya papalapit sa pwesto ko, wait... parang nakita ko na siya e... Arrggghh!

'AAAHHHH, si OMG PAPA KELVIN' pumasok sa isip ko ito! Naalala ko na! "IKAW YUN!!"

"HEY YOU TOO!! GIRL KISS STEALER, FINALLY I FOUND YOU," What he calls at me? a.. what? kiss stealer? BWAHAHAHAHA. Oo nga pala, siya yung lalaki sa starbucks. The guy who taste my sweet lips.. Oh poor boy!!

He took closer at me, seems he will kiss me. Suddenly, I feel his lips. Waaaahhhh.. Its was a sudden. This.. This.. Gentle k-kiss.. His tongue trying to find a way in, forcefully finding open way to get in.. Arrrggghh. I'm weak, This one.. Telling me -please give back a response. Holy Shit!! I don't!! I refuse it. Arrgghh. HEEELLPP!!!! my mind asking for help, but it taste so sweet..

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...