SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

5. SA LENTE NG KAMERA NI KRISTINA MALAYA

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

5. Sa Lente ng Kamera ni Kristina Malaya

[KRISTINA MALAYA's POINT of VIEW]


"Anong magandang lead? Hmmnn... murder? Crime? Blackmail, rape? Political Killings? So much usual lead story, wala nang bago sa Pinas.” same old and rotten news every day. I need new lead for my column.


Manong, I-over take mo na lang, singitan mo na!” sobrang tsismosa din nito ni manong e, kala mo reporter din, Bakit ba ang trapik sobraaa? Ano bang meron doon? I'm seeing a lot of commuters looking up in front of the catholic church. Oh! They’re causing heavy traffic. Tsk! Ganito talaga kasi sobrang trapik sa EDSA siguro may mga politikong nagpapasikat na naman, porket malapit na ang election.


Manong Dionicio, ano po bang meron dun?” Nakaupo ako sa backseat ng taxi ni Manong, nagta-taxi lang ako kapag papunta sa network sa opisinang pinagtatrabahuhan ko kung saan chief editor din ako ng dyaryo namin at may sariling column sa ibang pahayagan, suki ako ni manong kapag nagpapahatid ako sa kanya titext ko lang siya o tatawagan tapos maya-maya nandyan na siya.


M-Mam, may lalaki daw dun sa taas ng simbahan e, tatalon po ata, magsu-suicide po at- Mam? Mam Tina?”

Bumaba na ko ng taxi ni Manong, mukhang may magandang lead na binigay sakin si bathalumang ek-ek. Sino yun? Hehe, yung diyos ng mga barbero. Sa harap ng simbahan andaming usyusera't usyusero na nakatingin parin sa harap ng simbahan.


Excuse me, Excuse meee...” Inayos ko yung dala kong kamera. Zooming. Ambilis kumapal ng mga tao. Zoom-in... malabo parin.

Hindi maganda ang view sa pwesto ko, I need to come closer. Nang makalapit na ko sa tapat ng simbahan, sa lente ng kamera ko -isang lalaking, Ahmmnn... look so depressed. Mukhang nakatira ng shabu? Well, an office man I guess by his suit, a formal attire like an office staff. But a pathetic man of course that ends to commit suicide. How stupid!


***click shoot. Click shoot***


Ahmmn, Maybe his a hard-working employee but got a surprise when his big boss announced his termination. or... a brokenhearted man. Iniwan ng asawa because of third party? Ganyan naman talagang mga lalaki e. His wife caught him by act... at the old cheap appartel or motel? Or SOGO hotel kasi mukhang may kaya naman yung guy na to?


Hoy bumaba ka dyan baliw!!” sigaw ng isang lalaking may hawak na mga panindang balloons.

Wag kang magpakamatay, ang cute mo pa naman!” Tsk! letseng mga haliparot na mga babaeng 'to sa tabi ko, ansarap pakainin ng Chili Paper.


Kuya mahal ka ni Lord! Wag kang magpakamatay!"


"May plano sayo ang Diyos!! Kaya bumaba ka na dyan!” yung dalagitang may hawak ng rosaryo pero tingin ko ay buntis kasi bilog na bilog yung tiyan niya. At yung ilan sa paligid bulungan nang bulungan, merong mga hindi tumitigil sa pagsa-sign of the cross.



For God plans what is your future. That's why kailangan mong dumanas ng chaos, ng pain, ng mga,-


Ay, ANO BA YAN! Bastos na 'to!” napasigaw ako sa biglang bumunggo sakin na batang madungis. Muntik na tuloy mahulog yung kamera ko.
Letse! Buti na lang may lace ito't nakasabit sa leeg ko. Kung hindi naku! Hindi talaga ako nilingon ng walangyang batang yun na biglang pumasok sa simbahan pero ang awkward... kasi napansin kong may hawak siyang pouch. Pouch?


Ayy! Poka! Yung wallet ko?” kinapa ko yung bulsa ko, wala. Sa bag kong dala, shit wala talaga! Sa suot kong jacket? Wala din!

HOY! Magnanakaw yun! Snatcher. Help!” Sigaw ko bigla at turo dun sa batang gusgusing kumuha ng wallet ko pero walang atang may balak tumulong sakin, tinignan lang ako ng mga tao sa paligid. No choice, takbo. Kailangan kong mahabol yung batang yun. Nandoon yung pera ko, mga cards, atm pati credit cards ko, yung I.D ko.


Pagpasok ko sa simbahan. Hanap. Hanap. Asan ka nang walang 'ya ka. Kapag nahanap ko yun, tuturuan ko talaga yun ng leksyon -mga ABCDBABEBIBOBU o kaya Arithmetic para sumabog yung bungo nun pag nag-overheat yung utak, kung may utak nga yun. A-ayon paakyat ng hagdan.


HOY! TIGIL! TUMIGIL KA NGAYON DIN!!” paakyat siya ng hagdan


TIGIL!” napahinto ako bigla nung humarap yung bata. Ang lakas ng loob, nandidila pa, Benelatan pa ko. Tapos nag-dirty finger pa.


Hoy walangya ka!” ambilis, ang liksi niya, halatang sanay sa takasan. Tinanggal ko yung tsinelas ko, yung isa sa pares binato ko sa kanya kaya lang hindi tinamaan. Shet! Andulas kasi ng hagdan tapos pataas pa.


HOYYYY!!” sigaw ako nang sigaw, antaas naman nitong hagdan na to. Hintayin mo ko!


Tapos ewan, bigla na lang nawala sa paningin ko yung batang walang hiya. Ampota! Asan ka na? Nasa may kampanilya na ko nun.


"Lumabas ka magpakita ka sakin, isauli mong wallet ko!" Nasa harap ko tong malaking kampana, wala yung bata. Teka, nandoon siya siguro sa bintana, isa lang yung bintana dito, kaya baka doon siya nagtago. Lumapit ako. Nagtatago ka pa diyan ah, hindi ka makakaligtas sakin.
"Pipilayan talaga kita pag nahawakan kita," Dudurugin ko mga buto niya, anliit-liit pa, kawatan na!


Bigla kong binuksan yung bintana... nagulat ako nang may kumapit sakin. Shet! Sa pagkabigla ko hindi ako nakakapit. Tuloy-tuloy kami pababa. “AAAAAAHHHHHHHh!!!!!!”


Wooaahh! Tumalon na sila!!” sila?


Di'os ko po,” Narinig ko mula sa baba. Syete, itong lalaking baliw na tong tatalon. Pamilyar na mukha? S-sir Miko? “Aaaaaayyyyyy. Mahabaging Diyos” Mamamatay na ba ko?


H-Heeelp meee Lord!

"HHHHEEEEEEELPPPPPP!!!!!"


***BOGOGSSHH***




[JESSICA's POINT of VIEW]


Sa Emergency room. Ilang taon din ang lumipas, 7 years na rin siguro nang huli ko siyang makita dun sa dati naming nasunog na bahay sa liblib na eskinita na yun ng pugad langaw. Mula nang nasunugan kami, sila Miko, sila Tatang at mga kapitbahay namin... Hindi ko na ulit nakita. Si Mama pati na si ate nawala sakin kasama nang pagkawala at pagiging abo ng lahat.


Ngayon, tiyak kong si Miko yun! Ang nag-iisa kong bestfriend. Pero anong nangyari sa kanya, ang awkward naman ng sitwasyon.. Anong nangyari sa kanya? Bakit siya sinugod sa Emergency Room? At sino yung babaeng kasama niya??


Miko, sana ayos ka lang..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...