Nobela2 | The Hitler Girl I Know
31. ELEHIYA
[abNORMAL POINT OF VIEW]
MAINGAY SA LOOB NG BAR. Tahimik ang utak ni Miko, wala siyang ibang maisip, walang tumatakbo sa kanyang isip, hindi niya naririnig ang sigawan at hiyawan ng mga nagkakasiyahan, mga sumasayaw.
Malungkot ang awit sa puso ni Miko, pero gusto niya ring sayawan ang tugtog na ito.
"Sir, bill niyo po," nangangamba yung waiter dahil sa dami ng nainom ng lalaking yun.
"hinde pa ko tapos umenum diba?! bigyan mo pa ko," ani ng lalaking iyon sa bar tender na napapakamot na lang ng batok, nagdadalawang isip ito kung bibigyan pa ba siya ng ino-order na alak,
"binge kab ba ha, shabe ko, bigyan mo pa ko ng alak!!"
"ANO BA??! ME PERA KO O HETONG WALLET KO!! Mukang nangmamata kayo ha," may lumapit na binata sa kanya,
"i-it's okay! just give him the last,"
"Master, Yong Jing,"
"sige lang," naupo ang binata sa tabi ng naglalasing,
"mukhang mabigat ang problema mo ha, are you okay," hindi man lang siya nilingon ng lalaki,
"tsk! m-master?? tunog hari ah! anak mayaman ka ibeg shabihin me pera kayo, at kaya niyong magbayad ng kahit ilang drum ng alak? pero di niyo kayang bayaran ang kaluluwa ng tao, di niyo ko mabibili!!"
"master, tatawag na po kong security?" umiling lang ang binata sa sinabi ng bar tender.
"DI NIYO KO PWEDENG PAGLARUAN!!" nagulat ang ilang nasa paligid sa biglang pagsigaw ng lalaki.
Agad namang lapit ng dalawang bouncer at binuhat ang nagwawalang lalaki. Nagpapalag at sumisigaw ito kaya napiliting sapakin ito ng isang bouncer -hinagis papalabas ng bar hub.
Lupasay ang lalaki, mga ilang minuto ay nagising. Pasuray-suray na naglakad, may humintong FX taxi at agad itong sumakay.
Sa loob ng sasakyan, naiirita ang ilang katabi niya, pipikit siya at maya maya'y malalaglag ang ulo,
"ay anu ba yan," babae pa naman ang katabi niya, mapapadilat ito.
"Kayo, hinde niyo ko maiishahan, ibaba niyo ko dito!! alam ko mga magnanakaw kayo! tsk! hindi ako tanga, kilala ko na kayo naku! anong gusto niyong kunin sakin ngayon ha? wallet ko -"
"pare wag kang mag-iskandalo," ani ng driver.
"ako? TSK!! wag kayong magtitiwala sa tao!! kahit na mukhang anghel pa. Alam niyo kung bakit? kasi may sa demonyo yun! Kilala niyo si Cassandra tsk! Hindi yun mukhang anghel, alam niyo kung sino siya -siya si HITLER GIRL! Kailangang mawala din yun sa mundo!"
napapangisi na lang ang ilang mga pasahero, "kuyang driver, pababain niyo na lang po, lasing e,"
"ano, sisipain niyo ko palabas? bababa ako, kaya kong bumaba ha!!"
huminto ang FX Taxi, "sige, sige bumaba ka na!!" bago siya tuluyang makababa narinig niya pa yung sinabi ng babaeng katabi niya, "iino-inom e di naman pala kayang sarili," humalakhak lang siya, naglalakad
nang pasuray-suray.
"Aily, anong ginagawa mo dito- umuwi ka sa bahay," May nakita siyang pusa na akala niya ay yung alaga niyang pusang si Aily.
"ming ming ming ming, Aily dito ka lang!" parang natakot pa yung pusa nang tumakbo ito ngunit sinundan naman agad ng lalaki.
"HOY AILY!! DI MO NA BA KO KILALA -ARRRFFF, ARRRFFF-HAY ANG HIRAP MO NAMANG TURUAN," umiwas lang ang pusa sa kanya.
"SIGE LUMAYO KA- PATI IKAW LAYUAN MO KO- MING MING MING MING," pati ikaw layuan mo ko, ang paulit ulit niyang inuusal.
Sinundan niya lang ang pusa, Ortigas at Robinson's Galleria, pinagtitinginan siya ng mga tao -habang sinusundan yung pusa.
"Teka ming," huminto siya sa kasusunod sa pusa, luminga linga siya, naiihi ata. Walang sumasagot sa kanya kaya tumalikod na lang, tinitignan siya ng mga tao
"HOY!!" May pumipito, lumapit sa kanya ang pulis.
"WALA KANG MODO AH?! binabastos mo si Mama Mary, bakit d'yan ka umiihi??" napalingon ang lalaki, nasisilaw siya sa flashlight na hawak ng pulis -gusto niyang humarap pero hindi pa siya tapos umihi.
sabi niya sa pulis, "WAG KANG TRAYDOR!! NAKITA NANG NAKATALIKOD YUNG TAO TSAKA KA BABANAT!!" tumawa yung mga nasa paligid, huminto yung isang mobil ng pulis, lumapit yung isa at kinapkapan agad ang lalaki "boss tsip, di ako magnanakaw. wala kang dala- naiihi lang yung tao,"
"public scandal yung ginagawa mo, sa presinto ka muna magpahinga para mawala yang hang-over mo,"
***
Wala siyang magawa at dinala siya ng mga pulis, pinasok sa kulungan. Mabigat ang pakiramdam niya, nahihilo, nasusuka si siya, "Hoy wag ka ditong-"
"uwaaaakk, waaakkk!" isinuka ng lalaking ang kanyang kinain, umiikot ang kanyang paningin, lunod sa alak ang tiyan.
galit naman ang mga naroong mga preso sa loob ng kulungan, "putragis ka, sinabi nang wag ka dito susuka",
nagsitayuan sa kani-kanilang pwesto yung mga preso, galit na lumapit sa kanya, at nginudngod sa pinagsukahan niya-"ADRE, TURUAN MUNA NATIN NG TAMANG ASAL- boss tsip-magpapaalam po kami, tuturuan lang po namin ang 'sang ito para magtanda," paalam ng isang presong puro tatoo ang katawan,
"sige, wag niyo lang tutuluyan," tugon ng isang pulis na nandoon at naglalaro mag-isa ng baraha.
lumapit sila at itinayo si Mikko, unang bumanat yung pinaka mayor doon -hinawakan siya sa magkabilang kamay at sinikmuraan. Namilipit ang lalaki, kasunod naman ng sipa, tadyak, sundok, kaldag ng ibang mga preso.
*** *** ***
[Maria Cassandra Malaya's Point Of View]
"Yong Jing anong chords nung please make my 1st serenade?" I am with my friends, jamming session here at the Liberty Club House, bar and restaurant with ZHENZOUS Band -Xhiang Chios ang cousion ko ang lead guitarist, Yong Jing the drumer/vocalist (kararating niya lang galing sa isang bar na pinamamahalaan niya), Zheng Zheng the basist, and Ming Yong Xu the rhythm acoustic guitarist at ako?? epal. bwahahaha. Guitarist ako no! pero hindi pa ko ganun kagaling.
"here's the chord pattern o, just move 1 fret higher, follow the whole chords," binigay niya sakin yung song book
"okay" sarado ang bar na ito ngayon, katatapos lang kasi ng private party dito kaya ayun maaga kaming nagsara.
"kamusta sa Bar Hub?" tanong ko kay Yong Jing na hindi agad humahawak ng drum stick, ayun nagsalin ng el perignon sa baso
"ayus naman, business is okay may isa lang na nagwala -hehe he drunk a lot but a poor guy na halatang walang pambayad,"
"ba't nagpapapasok kayo ng beggar?" tanong ni Xhiang Chio na tumabi kay Yong Jing at kumuha ng baso.
"bawal sayo 'to, yan sayo san mig light," kinuha ni Yong ang bote ng alak at ipinalit ang isa.
"andamot mo!" bumusangot ang mukha ni Xhiang Chio, hehe, bagay na bagay itong dalawang to. YongXhiang love team? Sana magkatuluyan silang dalawa.
"Master Yong ako din," hirit ni Zhen Zheng ang cousin namin na mainggitin, kapag nakitang may ibinigay sa isa kailangan ay bigyan din siya.
ano kayang nangyari dun sa nagwawalang lalaki, "binugbog ba nila B1 at B2??" nag-aalala ko kasi karaniwan kapag may nagwawala dun lagot talaga sa bouncer na nandun, kasing laki ng katawan ni Batista yung katawan ng dalawang yun e.
"bakit mo ba tinatawag na B1 at B2 yung bouncer namin, hindi naman mukhang bananas and pajamas yung dalawang yun ah?" hehe, hindi naman yun yun e.
"hindi, kamukha kasi nila yung bouncer doon sa face to face e," yung sa palabas ni Amy Perez, kung may problema tawanan mo pero wag na wag mo tatalikuran, harapin mo, pag-usapan natin yan face to face. Crap kabisado ko? hahahaha
"Yack ate case ha, you watch that show??" hay naku Xhiang palibhasa hindi ka nanunuod ng local channel e.
"sikat kaya yun! di ba ate Cassy," buti na lang kakambi ko si Ming. Ang cool at astig na Math wizard.
"Anyway, pinabugbog mo yung nagwala?" madalas kasi kapag ganun, na walang pambayad e ginagawang ponching bag nila B1 at B2.
"nope, mukhang namatayan e, he's look so pathetic, so they just trow the guy outside the hub," mabait talaga itong mga pinsan ko, kahit papaano nakikisimpatya sa tao
"wait may tumatawag e, sagutin ko lang,"
number lang? sino naman ito e gabi na ah, "hello... yes, miss hitler??”
Miss hitler? si sir Mikko lang naman tumatawag saking hitler ah? Hindi naman ito kaboses ni Sir, “Cassandra po ang name ko, sino sila?"
Miss hitler? si sir Mikko lang naman tumatawag saking hitler ah? Hindi naman ito kaboses ni Sir, “Cassandra po ang name ko, sino sila?"
"e, kasi Ms. Cassandra kayo po yung isinulat na contact ni Mr. Salvador. Nandito po siya sa presinto," ano?? si sir Mikko nasa presinto?? bigla kumalabog ang dibdib ko ito na naman yung earthquake sa heart ko, nasa presinto si Sir Mikko. bakit naman? anong ginawa nun, anu ba yan. wait, kailangan kong puntahan si Sir.
"G-Guys mauna muna ako, ahmmn, Xhiang can you come with me, pahiram na rin ng kotse,"
"ate Case, saan tayo pupunta?"
"Just come on, may pupuntahan tayo," kailangan kong magmadali, kailangan ako ni Sir Mikko.
"Pupunta tayo sa presinto, " ewan parang kinakabahan talaga ko kung ano bang nangyari kay sir. sumasabay pa 'tong kalabog sa dibdib ko na parang may masamang nangyari at dapat akong magmadali.
"Ate Cassandra e sino pong nasa Presinto??"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento