SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

12. SHES MY SUPERHERO

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

12. Shes my SuperhERO

[MARIA CASSANDRA MALAYA'S POINT OF VIEW]


"HEY YOU TOO!! KISS STEALER, FINALLY I FOUND YOU," What he calls at me? a.. what? kiss stealer? BWAHAHAHAHA . Oo nga pala, siya yung lalaki sa starbucks. The guy who tasted my sweet lips.. Oh poor boy!!

Lumapit siya sakin, nagtanggal ng shades, then nakaturo siya sakin. "W-WHAT"S YOUR PROBLEM NOW?? YOU MISS MY KISS?" be brave Case, I must not show my weak points to him. But, I found his eyes ignites with angry something telling that he is serious.

"You are waste! How dare you to put a stein in my clear image? You stole my kiss, and it's now creates rumor to my avid fans!" nanduduro si poor boy! Aaahhh!! marunong pala siyang magsalita, at puro hangin ang bunganga niya.. "I know you plan this! I know you hire paparazzi to create an issue at the first place who are you to do that!"

Wow lang, galit siya non, ako maghi-hire ng paparazzi para gawan siya ng issue? Ano ka sikat?! "So whats yo- " I pause at my words when he took closer at me, seems he will kiss me.

Suddenly, I feel his lips. Waaaahhhh! Is was too quick. This.. This.. Gentle k-kiss.. His tongue trying to find a way in, forcefully finding open way to get in. Arrrggghh. I'm weak, This one. Telling me -please give back a response. Holy Shit!! I wont!! I refuse it. Arrgghh.. HEEELLPP!!!! my mind asking for help, but it taste so sweet..

What just I say? it taste so sweet.. Ano yun? yacks!! Erase that thought. Erase. Erase! I try to loose with his arms, at his kiss.. but his tongue moves so desperate to get in. Then, no. No, ahh! I lost my strength, my hedge collapse, he enters mine territory, playing around my mouth and... I want to shout for HEEELLLPPP!! Anyone!

Someone push him for good. "MYY SIIIIIRRRR!!" oh my hero, this Kevin fell down on the ground. Isang suntok sa bandang pisngi ang natamo niya mula kay sir Miko.

"PARE WAG KANG BASTOS SA BABAE!!" for the first time i saw my sir to get angry. Always in class he has a long temper, his not a hard headed one but now this,

Arrgghh, "SSIIIIIRRR, KEEEPP OOUTT!! AAYYY!" someone behind of my sir trying to attacks. My sirs fell down, another two bad boys came to him. Pinagtutulungan si sir, wala akong magawa...

"My Siirr.." aahhhww, baka di na mabuhay si sir. Sige lang ang tadyak at suntok ng tatlong bad boy. "ANYONE PLEASE HELP! PLE--"


"DIOS POR SANTO!! PINAGTUTULUNGAN NIYONG WALANG LABAN. TUMIGIL KAYO!! " nagulat ako, si Lola na kaninang may abaniko hinahampas yung bumubugbog kay sir.

"HINDI KAYO TITIGILL!!" nakita ko na lang nanghahampas na si lola pero hindi abaniko hawak niya kundi payong, si lola "WALA KAYONG MODO,” hala, si Lola nag super-sayans na! aambahan sana siya ng isa, but, “SIGE, SIGE!! PUMATOL KA SA MATANDA!!"... they can't. They just run away. Inakay yung Kelvin na yun na duguan ang labi! mabilis silang tumakbo, pasakay ng kotse..

Napansin kong nakatanga lang rin yung mga tao, at walang tumutulong samin, buti pa si lola, ahh, "Myy Siirr, ah are you okay?" namimilipit si sir, hala buti binuhay pa siya. Akalain ko bang may mga body guards yung lokong yun.

"Iho, hijo, ayus ka lang ba?" si Lola, buti na lang nandito si Lola, "Ayos lang po ako, m-medyo masakit lang 'tong braso ko," na-shocks ako nang makitang nagdurugo yung braso niya, oo nga pala hindi pa magaling yung tahi nya sa braso.

"Loko kang bata ka, anong okay, e may dugo ka oh, "

"Malapit na lang ang hospital dito," nagpara ng taxi si Lola, "sakay na kayo, ipagamot mo yan, baka maempeksiyon yan!" Wow, naluluha naman ako sa bait ni lola, nakakita kami ng instant superhero,

"Ikaw hija, alagaan mo 'tong nobyo mo't maging mabuti kang iniirog! Hala sige, sakay na kayo!"
nagpasalamat na lang ako kay lola, though ayoko ng sinabi niya. Maging mabuti kang iniirog..

Gusto kong matawa, same time ma amaze, at the same time maluha.


***

[JESSICA DELA VILLA's POINT of VIEW]

[ROOM 401]


"Nurse Jessica, pa-assist naman po yung pasyente sa room 401," dali-dali akong pumunta nang tinawag ako ng head-nurse namin, sa room 401, inaasahan ko na si Mikko yun at yung Cassandra na kasama niya. Hindi ako nagseselos pero, ayokong isiping bagay sila, parang hindi ako kumpiyansa sa babaeng yun. Parang may iba siyang ugali,

"Nurse Jessica at bestfriend ni Sir Miko, kilangan pong linisin yung sugat niya, kasi po nagdugo e," nag-alala ako sa sinabi ng Cassandra, at agad tinignan yung braso ng kaibigan ko.


"Nakipagsuntukan ka? Alam mong bawal pang isundok yan o pwersahin, wala pang isang linggo Mikko, bubuka lang yang tahi ng sugat mo," tinignan ko yung sugat, naku, at ayon na nga medyo namamaga at baka maimpeksyon pa, kelangang linisin to, at hahapdi ito mamaya, kailangan niya ng Amoxicilin o antibiotic yung mas mataas na dosage. "Sorry po nurse Jessica, hehe" ngingiti-ngiti pa 'to, kung hindi lang kita kaibigan e, Hay!


"Wait lang ah, kukuha ako ng gamot, kelangan mong makainom ng antibiotic, baka kumirot 'to mamya sige ka," Naku talaga, bakit kaya ganun, tuwing makikita ko ang bestfriend ko laging masama ang kalagayan niya.

Lampahin talaga 'tong si Miko, kahit noong bata pa kami. Kaya hindi nakikisali sa laro ng mga kaibigan niyang lalaki e, noong una ko siyang nakita, napansin kong naglalaro ng luksong baka sila tikboy, tisoy at mga kaibigan niya, pero siya nagmumukmok sa isang sulok.

Ako naman curious, baka mas gusto niyang maglaro ng bahay-bahayan kaysa luksong baka. Kaya inalok ko siya, pero ayaw niya rin. Hay, para hindi siya malungkot noon, tinabihan ko na lang siya, sinamahan ko siyang manood na lang ng mga batang naglalaro ng luksong baka, tapos natatawa na rin kami sa napapanood namin. That time, sobrang wierd nito ni Mikko, ayaw niya yung mga gusto ng iba, at kakaiba yung gusto niya -yung tipong aayawan naman ng iba...

"Nurse Jessica ako na lang po maglilinis sa braso ni Sir. pwede po?" napatingin ako sa kanya, itong babaeng 'to. Alam kong masama ang ugali niya...ay! ansama ko, pero promise... humanda lang siya sakin kapag sinaktan niya ang kaibigan ko.


"Okay, sige, ikaw na bahala,"

"Miko, wag mong kalimutan ang gamot mo ha, sige maiiwan ko na kayo, kung may kailangan kayo tawagin niyo lang ako, mag-aasist lang ako sa ibang patients, " sige na, tingin ko, nakahanap na si Miko ng taong makakasama niya at magpapasaya sa kanya.

Cassandra humanda ka kapag ikaw ang naging dahilan ng kalungkutan ng bestfriend ko.. Subukan lang.



[MIKO SALVADOR's POINT of VIEW]


Hindi ako ang pinakapasyente dito ha, sa loob ng kwartong ito ng hospital room 401 inilipat ang ate ni Case, pang limang-araw niya ng nakahiga at ni hindi gumagalaw. Lahat kami ipinagdarasal na sana magising na sana siya sa pagka-comatose niya. maliban ata kay Cassandra na hindi naman naniniwala sa Diyos, kaya ewan kung marunong siyang magdasal..

"Hoy Case, pinagpi-pray mo ba ate mo mabilis gumaling?" habang naglalaro siya ng PSP, nasa kanan ng kama ng ate niya siya nakapwesto at ako naman nasa bandang bintana ng kwarto at nilalantakan ang sitsiryang binili.


"Sir, kung lalaban siya magigising siya, and there's no magic that can heal... in reality we our selves can heal our wounds, " paliwanag ni Case, na hindi man lang natinag sa pagkakatutok sa nilalaro.

"Anbait mo noh, parang di ka tunay na kapatid," sa sinabi ko napahinto siya. She grinned at me, then sighed as a sign of the nonsense thought to be discuss.

"wait, as I remember... di ba sinabi mo sakin na only cute child ka lang?" napansin kong nagulat si Case sa sinabi ko, at napahinto sa paglalaro.

"She's my step sister, sa ama, pero only cute child ako ng papa ko at ni M-Mom," she paused then, nalungkot ang mukha niya, at napansin ko yun nang pagkabanggit niya ng huling salita.

"Nang nawala si Mama, pumasok sa buhay namin sila.. tita Manda"

"at isa nitong anak sa pagkadalaga, si a-ate Kristina,"


"N-Nawala? If you dont mind ... anong kinamatay?" nang tinanong ko yun, Case seriously look straight into my eyes, naitanong ko ata ang hindi na dapat itanong. Matagal na katahimikan. Ayos lang naman kung hindi niya sasabihin. Baka masyadong personal

"My Mom..." putol niya sa mahabang katahimikan sa loob ng kwarto, tapos... antagal ulit bago siya magsalita. May galit pero malungkot na boses ang narinig ko.

"SHE'S STILL ALIVE!!” pasigaw niya yung sinabi, “I-I believe she's still alive, pero sila Dad, naniniwalang patay na si Mom," oh, she's crying now, napakalungkot ng boses niya. Napahinto ako sa kinakain ko, napalapit ako kay Case, ayokong may nakikitang babaeng umiiyak sa harap ko, lalo't ako yatang dahilan. Kailangan ko siyang patahanin.

"Hanggang ngayon.. buhay pa si Mom at matatagpuan ko rin siya" lalapit sana ako para yakapin siya, i-comfort..

"Si Mom, fourth year college siya noon, civil engineering sa isang university sa Manila.."

"Isang leader ng mga aktibista si Mam, Sabi ni Dad, five years old na ko noon, dahil maagang nabuntis si Mam sakin. Iyon ang bagay na lagi nilang pinag-aawayan.."

"Isinasama pa ko ni Mam sa mga lugar ng maraming nag-rarally e, siya madalas ang nagsasalita sa gitna, wala pa kong malay noon, kala ko lang namamasyal kami sa kung saan, I realize then, I proud to my Mam," ang lungkot ng pagsasalita niya, nang umiiyak. naiiyak na rin tuloy ako.

"One day... Without any marks, without any evidence... My.. My Mom got lost, " at napatakip na lang ng palad si Case, iyak na siya nang iyak.

"H-Hindi na siya umuwi... Ilang linggo rin yun, hanggang sa..."

"Hanggang sa, may inilibing silang katawan," hindi ko na kinaya, napayakap ako kay Case, damang-dama ko yung lungkot na dinadala niya e,

"sunog ito nang matagpuan, at si Mam daw yun, Sir si Mam daw yun"

umiiyak siya habang yakap ko siya, sorry Case, Sorry, "Ayaw ko... Ayaw kong maniwala, Mom still alive! SHES STILL ALIVE SIR!!"

"huhuhuhu... hahanapin ko siya, hahanapin ko siya sir"

I hugged her nang mas mahigpit, sana ma-comfort ko siya kahit papaano. Now she's totally crying out loud. I feel the longingness inside the room.

"I help you to find your Mom," she cried so hard, at lalo pa siyang napahagulgol.


Napahinto ako nang nakita kong gumalaw yung kamay ng nakahigang pasyente,

"Teka, ang ate mo,” nakita kong gumalaw ang kamay ng ate niya.

nakita kong gumalaw yung kamay ng ate mo...”

“NURSE, NURSE!!"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...