Nobela2 | The Hitler Girl I Know
34. GOODNIGHT MY FOREVER STUDENT!
[Mikko's POV]
2 months na kong hindi pumasok sa St. Something School noon. Alam ni tatang nagresign na ko. Kay Aily ko lang ikunuwento ang lahat, sa pusa ko.
"kuyaaahh!! nandito si ate Kristine," nakakagulat na batang ito. Si mam? Bakit kaya napadalaw?
"papasukin mo dito," sakto, pipirmahan ko na lang ito tapos tapos na.
"Mam kamusta po?" Antagal ko na ring hindi nakita si Mam,
"Ayos lang ako.
Miko, kasi dalawang buwan na halos na hindi ka pumasok- may problema ka pala -e hindi ka lumalapit sakin," wala na kong maisip na lapitan e, kung alam mo lang ang nangyari sakin, sa buong buwan na para kong baliw!
"Sorry po, nervous breakdown lang, pero ayus na naman po ako,"
"may pinaaabot na letter ang school," inaasahan ko na ito,
letter ng pagpapaalis sakin, hehe, tinamad na kasi akong pumasok e,
"Termination letter yan mam? inunahan nila ko e, actually hetong resignation letter ko, kaya lang hindi pa ko makapunta sa school e,"
"ikaw na lang pong mag-abot nito,"
"sir Mikko, nag-resign na rin po kasi ako-" ha??
nagresign na rin pala si Mam? anu ba yan, parehas pala kaming umalis.
"tinapos ko lang yung contract ko for this sem, bakasyon na rin naman e,"
Ako, may dahilan ako kung bakit nagresign pero si mam? isa sa pinakamahusay na guro ito sa faculty parang walang pwedeng maging dahilan? "bakit ka naman nag-resign Mam?"
"ah-e, magpapaalam na rin pala ako. k-kasi magtatrabaho ako sa states e,"
wow! abroad? "kala ko biro lang pag-a-abroad mo, kaya pala binenta mo sakin to nun," itong laptop na ito na binili ko sa kanya ng 6 thousand,
"kala ko nga rin biro lang yung balak ko pero ayos na mga papers ko e, wala nang atrasan to, yung pera mo yung ginamit ko, pero ui, ingatan mo yang laptop ko ha,"
nakatulong pala ako sa pagbili ko nitong , "ui ka dyan! Mam akin na ito, binili ko na e,"
"sayo na nga yan, hehe, iyan lang ang maiiwan ko sayo Mikko," wow ang drama ha, parang wala nang balak na bumalik,
"mukhang hindi mo na kami babalikan ah,
ui, teka -si sir Neil? pinayagan ka?" e, di ba, magkarelasyon silang dalawa?
"hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya," kita mo nang girlfriend to, aalis pero di sinabihan ang boyfriend niya, naku
"w-wala na kami sir," break na sila? wala akong kaalam-alam ah,
" kelan pa po?"
"nung February pa, valentines day yun"
ouch naman yun, "e bakit naman Mam?"
hehe, tsismosong tunay ba ko, mukhang natahimik si mam bigla.
"siguro mas maganda kung m-magtapat na ko sayo, aalis na rin naman ako e,"
magtapat? anu yun? "dahil sayo sir kung bakit kami nag-break. kasi e, malay ko bang magseselos yung tao sayo," bigla ata kong natuyuan ng laway sa lalamunan, dahil sa-
"sakin talaga?" di ako makapaniwala, wala akong alam dun ah,
"Ou, remember, you give me a flower? yung bouquet na bulaklak, he saw us e, Mikko kasi matagal na kitang gusto, nakakahiya, halata pala yun ni Sir. Neil kaya -nagtapat na ko nang tinanong niya ko,
"sabi ko napilitan lang akong sagutin siya, kasi feeling ko malabong magustuhan mo ko, na totoo -malabo nga pala talaga," hala! feeling ko namumula ako,
"Mam, hindi po sa ganun, nakakagulat ka naman mam."
"wag kang mag-alala, paalis na rin naman ako sa isang linggo, tsaka tanggap na yun ni Sir. Neil,"
"Sa isang linggo na pala yun? pwede ba kong sumama?" parang ansarap din mangibang bansa e, lalo na ngayon.
"tsk! hindi na! hindi pwede dun ang alien noh!" umismid siya sakin. Antaray?
"Ay ang sama lang mam ha?!"
hahaha, "ikaw! may kasalanan ka pa pala sakin ha!"
"kasalanan?" wala naman akong matandaan ah? "wala naman akong utang sayo mam ha? alam ko binayaran ko na yung huli e," kasalanan?
"wag mo nang isipin sir, Ayan oh, basahin mo," kinuha ko yung maliit na papel.
Natatawa ako habang binabasa yung papel,
"akala ko pa naman para sakin talaga yung bulaklak na yun, kinilig pa naman ako, tapos malalaman ko"
hala ka! ito yung nakasulat:
HOY HITLER GIRL!
Bulaklak mo!!
kahit alam kong wala kang puso,
'HAPPY VALENTINES DAY!!'
Waaahh!! ngayon ko lang naalala, hehe
kay Case nga kasi yun, "p-pasensya na po dito ha, hehe, Hindi ko pala 'to natanggal,"
"so hindi pala talaga para sakin yon?!"
"hehe, pasensya na po," nakakahiya talaga ako. anu ba yun!
"anyway, kamusta na ba kayo nung HITLER GIRL MO?" Mam kristine? hala! kilala niya kaya kung sino yung HITLER GIRL KO??
"Alam niyo po kung sino yun?" nag-aalala ako, baka kumalat na sa school ang ganung kwento,
"syempre,
nababasa ko kaya sa wattpad yun,"
"weeehh??" nagbabasa siya ng account ko dun? hahaha
"hehe, joke lang, -kwinento ni Jenny e" haixt! loko talaga yun si ate jenny -mag bff sila ni ate.
"tsk! si ate talaga, walang lihim na maitatago dun e,"
"kamusta na nga si Case?" waahh! kilala nga ni Mam! malamang kasi estudyante niya rin si Case,
"ang huli ko pong balita, nagpapagaling daw po,"
"Pero wala na kong pakialam sa batang yun," kahit ilang buwan siguro ang lumipas, masusuklam parin ako sa batang yun. WALANG KWENTANG BATA, TSK!
"Wala na si Cherryl, Hindi naman kasalanan ni Case na namatay si-"
"Mam! ayaw ko pong pag-usapan yan!" kahit ano pang sabihin nyo, wala nang mababago,
"sirang sira na ko sa lahat! sa pamilya ko, sa faculty, sa nakakakilala sakin, dahil dun maraming nawala sakin," si Cherry, ang Carreer ko, ang lahat
"kaya ba pati si Case, hahayaan mong mawala? hindi mo ba siya dadalawin sa hospital," tsk!
"hindi mawawala yun, masamang damo yun!" at hindi lang basta masamang damo, damong dapat na tinatabas, kasi may tinik yun e, parang makahiya lang!
"hay naku, bahala ka na nga! alam kong masakit pero-"
"TAMA NA NGA!!
MAM KRISTINE, pasensya na po,
ahhhmn Mam, gusto ko rin pong mag-abroad, nakapag-decide na po ako, mag-aabroad din po ako,"
"iiwan mo sila tatang dito?"
"gusto ko munang makalimot, gusto ko muna ng bagong mundo" baka sakaling may future ako sa ibang bansa.
"tara sama ka na lang sakin sir Mikko,
ay wala ka pa palang passport visa e"
madali na lang yun," hindi na kailangan, Mam ilagay mo na lang ako sa maleta mo, flexible naman ako e,"
"hahahaha, sana nga magkasya ka sir,"
"Sa puso mo nga po nagkasya ako e, sa maleta pa kaya!" ahehe, hala! namula tuloy ang mukha ni mam, boom!
"sir naman e,"
"hehe, aalis po talaga ako, nakapagdesisyon na po ako," mag-a-abroad ako.
*** *** ***
Paging all passengers to flight no. 1110163 going to
Colorado U.S.A
Time to say goodbye, this is it.
"tatang, mauna na po ako, ate jhen kayo na pong bahala muna sa bahay, dayang tigil tigilan ang pag-a-adik sa naruto ha! " six months lang naman e babalik din ako,
dala ko na ang maleta ko, 1st time kong sasakay ng eroplano, aalis ng bansa para magtrabaho dun, hindi ko alam ang naghihintay sakin sa ibang bansa, bahala na si bathalumang ek-ek.
"Sir. Salvador, wait!" pamilyar yung boses na yun, ako bang tinatawag? paglingon ko, mukhang namalikmata ako kasi nakita ko si Mr. Scooth.
"Sir Salvador,"
Siya nga! Alangan akong lumapit, gusto ko rin sanang magpaalam sa kanya e para saan? hay! bahala na nga,
"hijo, hindi na ba mapipigilan ang pag-alis mo?"
"Mr. Scooth, bakit po kayo nandito?"
"I just want to say... Goodluck with your flight, patunayan mong kaya mong makipagsapalaran sa pupuntahan mo, plan for your future my son, " nakakapanibago si Mr. Scooth, hindi naman kami close at dapat nga galit ako sa kanya pero ewan! ibang iba talaga siya sa father niya.
"S-salamat po, pangako po aayusin ko ang buhay ko,"
Umalis ako nang masaya at nangako sa sarili, pagbubutihin ko doon.
***
Name: ADOLF HITLER
Most notorious leader sa germany
birthdate: April 20, 1889
-born in Austria, then moved to germany
-gassed & wounded during WW1
-a NAZI
-illegitimate child of Maria Anna Schicklgruber & Alors Hitler
Almost half year, mabilis lumipas ang oras. Marami nang nagbago sakin (sa tingin ko) May napatunayan na rin naman ako ngayon, I am now a head coordinator in research department ng isang kilalang local television network here at Colorado U.S.A,
Hindi ako nagsisi nang sinubukan ko ring umalis, mag-abroad, makipagsapalaran like Mam. Kristine, my co-teacher before.
Pero hindi naging madali yun sakin, ang bawat araw at ang bawat gabi.
Akala ko mabilis akong makakamove-on, pero mahirap makalimot. Parang sugat na hindi nagagamot, laging humahapdi kapag umaatake yung kirot. Gumaling man, mag-iiwan iyon ng marka na dadalhin mo na habang buhay. Si Cassandra para siyang sugat sa braso ko, nagdulot sakin yun ng sakit, mahapdi at makirot pero hanggang ngayon habang buhay na siyang nasa akin, nagmarka na siya sa buhay ko.
"How's the work? Mr. Salvador please settle all the paper works before to leave okay, "
"No problem mam, I almost done with my research, ahh, mam thank you for approving my vacation leave,"
"no, that's okay. I have my family in Philippines too, and I know the feeling of longing for your family. I miss my family too,”
mahaba ang panahong inilagi ko sa bansang ito, at nawalan ako ng panahon sa pagtatala ng mga bagay-bagay. Hindi na ko nagsusulat ngayon, gaya ng ginagawa ko sa Pilipinas, naalala ko kasi siya kapag ginagawa ko yun!
hehe, anyway. Do you have a wife there?" Mam. Cheska ask me,
wife? "I don't have Mam, only my family mam,"
"well, that's good, girlfriend? Or love-ones?" hala personal question yun ah?
"actually...abadfshmg," mahabang istorya, baka kung ikukwento ko e abutin ako ng...
Almost half year, mahabang panahon din yun, babalik na ko sa Pilipinas, by this 30th of October, Excited na kong umuwi. Nakakatawa, noon excited akong umalis ng bansa, ngayon excited na kong bumalik ng bansa. Atleast may excitement sa buhay ko, kasi kapag nawala daw ang excitement ng buhay natin parang wala ka ring buhay. living zombies, living dead.
Tommorow ang alis ko, I'm coming back home Phillippines.
Alam kong may another chapter ang life
[end]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento