Nobela2 | The Hitler Girl I Know
42. Almost Done
[Isaias Kelvin Than's Point Of View]
“Happy Ending na ata ang lahat ” This love story is about to end. Cassandra and Mikko; Mr. Scooth and his Ex Wife -Mam Verona; Si Mam Manda and Manong Dionicio; Yung batang si Xhiang and my cousin Yong Jing; Me and Kristina. Masaya na ang lahat. Masayang masaya na?!
Masaya na nga bang talaga? Okay na nga bang talaga? Tsk!
Still, I feel incomplete... parang may kulang pa sa pagkatao ko, ewan ko ba!
“Kelvin, kanina pa kita hinahanap ah, nandito ka lang pala,”
“Nagpapahangin lang ako,” My honey Kristina appeared from my behind. Napakasaya ko noong makilala ko siya, the one who put changes in my life. She fulfills my world.
“Hon, hinahanap ka kanina ni Granny e,” si Kristina,
nasa likod ko na siya, pero di ko siya nililingon, “Mukhang malungkot ka ah, anong iniisip mo,” tanong ni Kristina, bigla siyang yumakap sakin. Nandito kami sa tagong Garden ng Mansyon, itong gusto kong spot dito dahil sa fishpond.
I held her hands, I feel the warms on it “This pond, these fishes... nakakalungkot kasi ang paglangoy nila e,”
Kristina watches the fishes too, alam kong malabo ang sinabi ko. I just don't know how to tell to her what is my feeling right now.
“Alam ko kung bakit sila malungkot,” I am puzzled about she says,
“Why?”
“Even though nasa tubig sila, parang hindi sila makakilos dahil parang may kulang parin. This pond is artificial, this water, the happiness of what they feel when living here maybe are artificial. Cause they are all prisons here,” ang lalim naman nito, no question my fiancee is a poet, a writer, a columnist, researcher, news reporter, and a journalist -and also my beautiful future wife. “Do you think that's the reason?”
“I think they need freedom,” she said.
“So deep,” Freedom? These goldfish are prisons?
“Hindi mo malangoy?? hehe,” she held my hands tighter, habang dinadama ang simoy ng hanging panggabi.
“Kelvin, pupunta ba ang papa mo sa kasal natin?” Nabigla ako sa biglang tanong niya. Tina? Is she trouble about my quarrel with my dad.
“Pumunta man siya o hindi basta tuloy ang kasal natin ha,”
Alam kong nagalit si Dad nang pinilit ko ang sarili kong kagustuhan, nakipagtalo ako sa Dad ko. Feeling ko kasi masyado niya na kong sinasakal, hindi niya ko hawak o tau-tauhan. May sarili akong buhay, ayokong lagi na lang akong minamanduhan sa gagawin at ikikilos ko, malaki na ko at alam ko na ang gagawin ko sa buhay ko. Last night bago siya pumunta sa kanyang business trip sa Singapore, nagkasigawan pa kami. At nagalit si Dad nang sinabi kong hindi ko pakakasalan si Cassandra, hindi pa ko tapos magpaliwanag nang nagwalk-out siya. I wish that night I don't have my Father, seems -that's what I'm always feel. mula nang mamatay si Mama, parang anlayo-layo niya na sakin.
“Alam mo Kelvin, matagal kong hindi nakasama ang Father ko..." out of nowhere, I heard her broken voice, hon?
"mula nung baby pa ko. Sabi ng mama ko, iniwan niya raw kami -ng Dad ko. Dalawa na lang kami ni Mama nun. Lumaki akong walang papa -at naging mahirap yun para sakin- kasi lagi akong naghahanap ng sagot, na kung bakit niya kami iniwan,”
gusto ko sanang magsalita, bakit sinasabi sakin ito ni Kristina? “Pinangako ko sa sarili ko noon na hahanapin ko siya para...” naramdaman kong umiiyak na si Kristina, kala ko ba naman nang lumapit 'to e iko-comfort ako. Nagse-senti na nga ko, nagse-senti rin ang hon ko, hay! Wala kong magawa, hinigpitan kong yakap sa kanya,
"para isumbat ang ginawa niyang pag-iwan samin, But - but it never happens -kasi...
matagal ko na palang kasama ang Father ko, Si Manong Dio -na itinuring kong kung sino lang" Is it true?? Waaahhh,
"Si Manong Dio??" hala! Naalala ko, andami kong inutos dun ahh. Magpabili sa ganitong store, magpahakot ng mga mabibigat, tapos magpasundo at magpahatid sa ganon-ganito?? Tapos tatay ni Kristina??
"Alam mo ba, marami akong masamang nagawa sa kanya," hehe, ako rin, pero ayoko nang malaman mo pa Hon.
"Nang malaman ko ang totoo kay Mama, gusto kong sumbatan ang papa ko -kaya lang mas nanaig ang pagkasabik ko sa kanya... My Dad is My dad, kahit alam kong marami siyang pagkukulang sakin, He still my Dad,"
My Dad is my Dad?? Ang Dad ko andami niya ring pagkukulang sakin kristina, kaya lang sa sinabi mo, "Kristina.. I don't know what to say," I remember my Dad, when we were together with my Mam. My Dad is still my Dad,
Ihinarap ko sakin si Kristina, pununasan ko ang luha niya, "I'm still hoping... my Dad will come to our wedding,"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento