SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

9. MY HITLER GIRL

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

9. My Hitler girl


Isang himala (ata) ang nangyari kanina. Paglaglag nila sa semento mula sa mataas na kampanilya ng simbahan, una ulo. Basag ang bungo ng dalawa at nagkalat ang utak sa kalsada.
Ewww, durog ang katawan... nagsigawan ang mga tao, nagtilian ang mga babae, tinatakpan ng palad ang mata ng bunsong anak.

Dumating ang mga Soco... tinakpan ang katawan. Nilagay sa stretcher. Pero deretso na sa purenarya ang kanilang bangkay. Ino-autopsy ang wasak-wasak na katawan..

Biglang lumabas mula sa usok na galing sa kung saan ang isang nilalang na naka-hood. May hawak itong malaking hook, na kumikinang ang talim.
"HINDI NIYO PA ORAS!!" nakakatakot ang boses ng lalaki

"KASI... Ahhmmn, kasi nasa chapter 9 palang kayo..." tumawa nang napakalakas ang lalaking naka-hood. BWAAHAHAHA BWAAAAHAHAHHHHHH!!!!


[MIKO SALVADOR'S POINT of VIEW]


AAAAAAAHHHHHH!!! Habol ko ang hininga, hallucination lang ata ang lahat. O hindi? T-teka.. Nasan na ba ako? puti ang lahat, puting kwarto. walang ibang kulay? Nasa langit na ba ako?
Walang katok sa pinto nang bumukas yun, bastos ang nilalang na ito, hindi man lang kumatok? Inaasahan kong anghel ang iluluwa ng pinto pero anong hitsura ba ng mga anghel dito sa langit?

Sumilip siya. Maganda ang mukha niya, may kaputian at b-blondeeee? Blonde ba ang buhok ng mga anghel dito sa langit?? Ngumiti siya..

"Cassandra? Y-you're here?" I can't speak clearly nanghihina pa ko masyado.

"MY SIIIIIIRRR!!! Buti po buhay pa kayo!! " umalingawngaw yung boses niya sa kwarto. Ay! Hitler Girl talaga! Laging nakasigaw. Nakakabingi masyado ah.

Lumapit siya at wala akong makitang hitsura ng pag-aalala, "Siiirr, alam niyo po bang nabalita kayo sa T.V? " ewan kung nang-iinis pa 'tong babaeng to!

"Ayos na po ba kayo sir?" nagulat na lang ako nang yumakap siya sakin. Kaya lang nakadama ko ng sakit. Napangiwi ako. Masakit ang braso ko at hindi ako makagalaw masyado, masakit ang buo kong katawan. Hindi ito Heaven, this Hitler Girl -a devil one. Nasa hell ako.

"Aahhhww.." makayakap naman! "Nagtangka daw kayong magpakamatay dahil broken hearted kayo?" wait? Ano daw? Pati ba yon ibinalita sa T.V? May sumusunod ba saking paparazzi?
How did this girl know that I'm a brokenhearted?

wait.. I saw another angel in front of the door. "Ahhh M-miss, Masakit pa po yung braso ng pasyente, kalalagay ko lang po ng benda sa kanya, bagong tahi po iyan,"

Lumapit siya sa kama ko. Naisip kong hindi nga hell ang napuntahan ko. Langit nga ito. May totoong anghel e... teka, pamilyar ang mukha niya. Nagkatinginan kami. Pilit kong kinikilala ang mukha niya, J-Jessica? Siya bang bestfriend ko. As I looking into her eyes, my heart beats faster and faster... I saw, crystal clear, tears in her eyes.. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Jessica? I-ikaw ba tal'ga yan?"
"B-Bes, Mikko, k-kala ko hindi mo ko makikilala e," siya nga. Gusto kong tumayo at yakapin siya, ang matagal ko nang hinahanap.. Ang aking lost besfriend.

Suddenly, she hugged me. And I longed for this for a long years.
"Bes, Namiss kita," i felt her tear drops fall on my neck.

"J-Jessica, ikaw ba talaga?" hindi ako makapaniwalang nasa harap ko ang kababata ko, ang bestfriend ko. "A-antagal naming hinanap kayo, nang masunog ang bahay nun.. hindi na namin kayo nakita. Hi-hindi na kayo nag-iwan ng contact number, ng address.."

Bes, namiss kita,”


***

[Author's Note → MARIA CASANDRA MALAYA'S POINT of VIEW sana ito, kaya lang sobrang ikli nang pwede niyang sabihin kasi nga isip niya lang ang gumagana bye this time... gaya nitong:
Long Lost Bestfriend? Grabeee lang haa, ngayon lang nagkita? Nice venue!!
This nurse.. yung kaninang bumangga sakin. Bobita siya ah, Oh well -two-idiots.. same feather flocks together nga naman, it's true! two idiots together!! AHAHHAAHA
Sana hindi siya maging hindrance, to the plot of my own play.
This is my story, and.. and two antagonist will helps to make it exciting!

Great conflicts for my own stories!






[MIKO SALVADOR'S POINT of VIEW]

Para akong isinilang ulit. May nawala sakin nung para akong namatay at may nagbabalik naman ngayon sa muli kong pagkabuhay. Si Cherryl. Hindi ko alam ang dahilan ng pagkawala niya pero salamat na rin dahil natagpuan ko dito sa hospital na 'to ang matagal ko nang hinahanap ang matalik kong kaibigan.

"Pumunta ka daw sa japan? Doon ka daw tumira?" Kayakap ko si Jessica nakita kong nakakunot ang noo ni Cassandra. Well, nainterupt nga ang conversation namin. Nakalimutan kong bukod samin ay nandito siya. Ipapakilala ko sana si Cassandra, ang aking estudyante sa Bestfriend ko. Pero biglang may pumasok sa kwarto. Isang babaeng may edad na at isang lalaking matanda na rin.

"IKAW?! Asan ang anak ko? " ako? itinuro niya ko, napalingon kami sa babae.. "Kung magpapakamatay ka, huwag ka nang mandadamay! Nasan nang anak k-"

"Calm down. Tita Manda, she's not here" wika ni Cassandra. Nagkatitigan sila. Magkakilala sila, tita?

"Oh, Cassandra my dear? I-I'm glad that you're here? Nabalitaan mo agad ang nangyari sa ate mo?" the old women slow down her voice as she saw Cassandra. Wait, Cassandra's elder sister pala yung babae na kasama kong naaksidente? Sister ba? Bakit tita? Ang liit ng mundo? Ano ba to reunion?

"Ah, Mam, the patient is still at Emergency Room, inaayos lang po yung room niya, she will transfer to another room in any moment, the doctor waits to talk to you Mam," nurse Jessica open a help for them, before they leave, Jessica nodded at me as a sign of asking permission for her to continued her job description. She's a registered nurse here. I'm happy for here.

***
Naiwan akong mag-isa sa kwarto, gusto ko nang tumayo dito. Wala naman na akong masamang nararamdaman, alam kong kaya kong tumayo. Buti ganito lang nangyari sakin.. Wew, dun sa babae? Anong mangyayari sa kapatid ni Cassandra? This is my fault! All in my fault!!
AHHH!!! Hindi pa natatapos ang araw na 'to. Gusto ko munang matulog baka bukas magising na ko, iniisip ko parin na panaginip ang lahat ng ito.
Ganun daw iyon e, kapag too good to be true o sobrang imposibleng mangyari dahil sa ganda e hindi na siya makatotohanan. Kapag too bad to be true -sobrang imposibleng mangyari dahil sa sobrang pangit -hindi na siya makatotohanan.

"Arrgghhh!!!" I need peace of mind! I need to sleep! I need rest! I close my eyes.. But I feel the pain. Literally, pain ng sugat, sa kanang braso ko. Mapalad ako't ito lang ang nangyari sakin. Sana... walang masamang mangyari sa babaeng iyon. Yung stepsister ni Cassandra nasa E.R pa daw siya. Baka nasa panganib yun a, kung tutuusin niligtas niya ko?
Napadilat ako nang bumukas uli ang pinto.

"Cassandra.. " she wore a fake smile, i know. Nag-aalala siya sa kapatid niya. At I feel guilty.

Mamula-mula ang mata ni Cassandra. Yung mukha niya parang yung una ko siyang pinagsabihan, na huwag siyang attention seeker. Maluha-luha siya nun. like this, I dont want to see a girl whose crying in front of me.
"Cassandra.. H-how is she? your sister, is she fine.. what the Doctor says?"She step closer at my bed. Placing a launch box at the table beside me. Preparing a food for me? sana wala naman siyang ilagay na lason. Ano 'to, revenge of the sister? Wag naman sana.

She exclaimed, then answered, "Thankful po ako na niligtas kayo ng sis... step-sister ko," she paused. Nilapit niya sakin yung lauchbox. What's that? Mushroom soup? WAAAAHHHHHHHH!!! May pagka-HITLER pa naman 'to? LASON YAN?! LASON YAN!!
"Sir.. hindi pa 'to pwedeng kainin ng step-sister ko, kaya sayo na lang.." ? mahina lang yung pagkasabi niya, malungkot na naman.

"Cassandra, w-why?" her smile suddenly fades and totally turn to a sad face.

"she's not okay sir, she's in comma right now," tears fell down. My Hitler girl is crying.. I try to get up to hug her, but I can't.

"Cassandra, I-I'm so sorry for what happened to your sister," I felt so guilty, I know my apologize is not enough to cease that tears in her eyes.
she sighed then smiled at me,

"Buti na lang sir, nandoon ang step-sister ko. Niligtas niya po ang buhay niyo," I smiled back.

Ewan kung nangungunsensya siya. Iniisip niya marahil na bayani ang step-sister niya. I want to tell to her, hindi naman ako nagpakamatay e, nalaglag nga ako dahil sa ate niya. arrgghh! Bad idea, di yun makakatulong ngayon.

"Tahan na..." Umiiyak din pala 'tong Hitler Girl ko.
She offer the soup. Tinanggap ko na lang, iniisip ko ng ito na ang kaparusahan ko. This is my last supper, naiisip ko habang sinusubo sakin.

This is My Hitler Girl punishment..


Sumalangit nawa ang kaluluwa ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...