SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

13. BONDING -PART 2

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

13. Bonding -part 2

[INTOY'S POINT OF VIEW]

"HOY TIGIL BATA!!", sa likod ko galing yung sigaw. Siya na naman, yung Mr. kurbata sa Fx Taxi at sa simbahan, hanggang sa tuktok ng simbahan sumunod. Tss. Takot naman sa mataas..

"Ay kapit tuko, kelangan ko nang bilisan" TATAKBO na ko, habulan gusto mo ha. Sige, habol Mr. Kurbata. papasok na rin siya ng simbahan, tagu-taguangusto mo o mataya-taya? Habol lang nang habol, walang mananalo kay Intoy sa takbuhan, ikaw pinaka magaling e, sige the best ka na sa takbuhan, tsaka sa akyatan.

"Ay! putik na bogalogs.. mister kurbata.. " ambilis din pala nitong tumakbo, nasa harap ko na agad, pero mas marami akong alam na daan. sige sunod ka sakin a-

"ay! putaragis! bos tsip!" itong lolong buwaya pa! nalintikan nang.

"SIR HULIHIN NIYO YAN! MAGNANAKAW YAN", syete naman malas! malas, kelangan kong makasibat bago pa makalapit si Mister kurbata.

"Teka lang boss tsip, wag niyo kong hulihin, wala akong ginawa,",

"Sir, Ayan po, nakita ko yang nagnakaw sa isang ale," putik, sumbungerong Mister Kurbatang 'to!! Tsk!

"Sir, wag kang mag-alala, matagal na talaga namin 'tong tinitiktikan e, kami na pong bahala," matagal nang tinitiktikan, gago rin 'tong si Bos tsip e, pakitang-tao pa, matagal mo na nga po kaming dinedelhensyahan. Bwiset! Bopols ka Intoy!

"Sir, wag niyo pong pakakawalan yan, dapat pinaparusahan ang mga yan e, pati sa simbahan nagnanakaw,"


"Sige po, Wag kayong mag-alala, sa kulungan pong tuloy nito,"

"Sige po," arrraaaayy, ang higpit makahawak talaga nito ni tsip. Parang bakal ang kamay. Arrrggh. Ang hirap pumalag, bibitbitin na naman ako sa presinto. Malas. Malas!

"Teka lang boss tsip.. p-pakawalan-mo-na-ko! hetong nadelhensyahan ko, sayo na muna ito sir, bos tsip"

"tsk! tumigil ka, hindi kita pwedeng pagbigyan ngayon, puro ka na tantos sakin, bingo ka na Intoy!" syeteng kumag na 'to, ngingisi-ngising demonyo. talaga naman oh! grabeng makakapit sakin, tadyakan ko kaya 'to, buset! Hindi ako makapalag. Arrgghh.! talaga naman o, malas. Malas!


"wag ka nang magtangkang pumalag, sumama ka nang maayos, Intoy wag mo kong suhulan, alam mong may tsapa ako, at nakayuniporm, hindi mo ko madadaan dyan! hehe, mas malaking delhensya ang ibibigay ng master mo sakin,"

"sige pasok! ikaw! kaya magdasal kang tubusin kaagad.." kaladkad, hatak ako ng baboy na 'to, bigla kaya kong pumalag, mahugot ko lang 45 nito sa tagiliran, isang baril lang sa ulo, tumba to!
"aaraay ko! tsk!"

"wag na kasing magtangka!" tsk. Nandito na naman ako, walang ya kasing Mister kurbatang yun oh! Anlakas makahabol

"ui, PO2 Cabrera! Sir bakas kami d'yan ha." yung isa niyang kasamahang bundat din, magkakamag-anak sila na buwaya! Ngingiti-ngiti pa tong baboy na 'to! Bwisit lang talaga!

Ito pang mga 'to... pag nagsama-sama pang mga katsokaran nito mas lagot na! bantrip! bantrip! lagot na naman ako ke master nito, tsk!

"sige mam'ya me pang inom tayo, pag tinubos na 'to!"

"ay! putik mga sunog bagang puta!" at sarap isigaw ng mura, nakapasok na naman ako sa presintong 'to. Wala silang sinasanto dito, minor ako, kaya lang di sila kumikilala ng bata bata. si Tikboy nga tinumba nila dito e, pagmabigat ang atraso mo, ingat na.. isang putok lang ng baril sayo, yung katawan mo kung di iiwan sa basurahan, tiyak sunog.. buti ako, umit-umit lang.

"dyan ka!!" nandito na naman ako sa loob. Hawla ng mga putragis. Nakawala na ko dito, balik uli.


"ui, intoy! lika nga dito.." si bos Jigs ang mayor ng selda 13.

"long time no see ha! lumalaking malusog tong alaga natin ah." lapit na lang ako kung ayaw kong masaktan.. "Musta sa labas?" tanong niya sakin

"master Jigs, t-tahimik naman po sa lugar natin, tsaka noong nakaraang kagahapon, linggo ata e, nireyd sila kuya Benben, di po namin napuslit lahat.. me ilang pakete pong nakuha. bigla pong dating ng mga parak e," tumalim ang tingin sakin ni bos, kala ko magagalit. Pagtayo nito, pinatong niyang kamay niya sa ulo ko, tapos ginulo lang yung buhok ko.

"kayo na munang bahala sa negosyo, Ha intoy?"

"ah, o-opo." sagot ko, ako? Dakilang mensahero lang ako ni sir Jigs. May maliit silang bisnes ng weeds, tagabitbit lang ako ng paninda. Bigtime tong bos namin, pinatitikim kami minsan. Mas masarap ang tsongke kaysa rugby, pinalapit ako ni bos, binulungan tapos pinaupo muna sa tabi niya, hilot-hilot ng paa.. Nakakainis... Anong oras pa kaya 'ko dito. Tsk!

umingay dahil sa kalampag ng batuta sa rehas, yung pulis na dumating, "Intoy Cajepe II bata, labas na, may sundo ka na!" si master nandito na. agad? "s-salamat po!" napalingon ako sa mga kaselda ni bos, yumuko na lang ako


"Intoy, magpakabait ka ha! Ingatan mong sarili mo...ingatan niyo" bago ako lumabas nagpaalam pa sakin si bos jigs. Alam ko na yung kindat niya. Ingat daw ako, hindi para sakin yun, baliktad yun, ibig-sabihin nun ingatan ko daw yung weeds niya, yung marijuana niya. Maswerte ako't pinagkakatiwalaan na nila ako sa negosyo nila.


"opo, mayor. sige po" natutuwa ako pagkalabas ko, nandito na agad si master, natutuwa ako na natatakot. Natutuwa ako't madali nila kong tinubos ngayon. Noong nakaraan kasing kagahapon, inabot ng dalawang araw, gutom gutom ako sa loob, putaragis, di naman sila nagpapakain dito sa presinto.

"master, p-pasens-.. aaagghh" putang aaaaray. Pasalubong ni master, putaragis hindi ko napaghandaan, sinikmuraan ako. Halos maduwal ako, Ang sakit. Ansakit. Namimilipit ako sa sakit..

"wala kang delihensya, perwisyo ka pa? Intoy lugi na ko sayo, " galit si master, nakakatakot,

"m-master, pasensya na po.." hindi, pwedeng umiyak.. hindi pwedeng babakla-bakla. pero naluluha ako,

"tara na umuwi na tayo," pagkasabi ni master, naglakad na siya palabas, ni di ako hinintay. Iika-ika akong naglakad palabas. Sumakay sa Fx Taxi niya. Hindi ako iyakin. Hindi na umiiyak si Intoy. Puta kasi. Mr. Kurbata lagot ka sakin kapag nakita kita.

"oh Intoy... bakita ka umiiyak?" ate Cherryl. Hindi ko mapigilan ang magsinok-sinok.

"Ate Cheryl, sori pooooo," Intoy bawal ang umiyak. Nakikita ka ni ate cheryl. Nakakahiya ka.

"Tahan na Intoy," ate Cheryl, "Ayos lang yan," buti pa si ate Cherryl ambait-bait sakin, at lagi na lang akong nginingitian. Salamat po ate Cherryl. Che, pag laki ko pakakasalan kita... promise po.

"Salamat po ate Che,"

***



[MIKO SALVADOR'S POINT of VIEW]


"NURSE!! NURSE!" ang tawag ko sa labas ng kwarto. Hindi ako maaaring magkamali. Nakita kong gumalaw ang kamay ng ate niya. Dumating ang Doktor, kasama ang nurse.. Tiningnan yung kalagayan ng pasyente. Hindi ako namamalikmata gumalaw yung kamay ng ate ni Cassandra.

Nakatingin lang ako sa doktor, hinihintay ang sasabihin niya, hawak ko ang kamay ni Case. Sumisinok-sinok parin siya dahil sa pag-iyak niya kanina sa pagkukwento niya sa Mom niya, "Patient is responding, there's a big chances that any moment she'll going to awake. What you see is a good sign... Lumalaban ang pasyente"

Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Case, magandang balita ito para sa kanya, "We have a lot of case of comatose here, they survive because of the unfailing hope, strength and effort of their relatives... keep on fighting for her, talk to her... I know that she hear you,"


"Thanks doc, Salamat po sa inyo. Alam po naming gagaling siya," tumango ang doktor at inayos yung machine na nakakabit sa pasyente at maya-maya umalis na rin.

Akala ko talaga gising na ang ate ni Case, pero sabi ni Doktor -hindi man nagigising pa si Kristina, pero it's a good sign naman daw e. So, we must not to loose hope. Napansin kong nagbuntong hininga si Case, feelings of dismayed?

Ganun pa man, may maganda namang nangyari, mas naging open si Case sakin. Open, I mean, nagkwento siya tungkol sa private life niya, sa secret niya, ganun! I hug her.

"Case are you alright?" ngumiti siya, kahit na namumugto parin ang mga mata niya.


"Sir pwedeng.." hindi niya na tinapos sasabihin niya, sumandal siya sa dibdib ko. Nakaupo kami sa bench, maya-maya, naramdaman ko na lang na tulog na siya.

Pero may problema, ambilis ng heart beat ko. Sana hindi maistorbo ang pagtulog niya dahil dito sa malakas na kabog ng dibdib ko. This girl. My Hitler girl... is not bad at all.


"Sleep tight Case, tomorrow.. is.. Ahhhmn.. Another day?"

Tama! Tomorrow is another day!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...