SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Martes, Oktubre 6, 2020

Tatang X : Pirata ka ba? o sadyang Pilipino ka lang?


Tatang X
Pirata ka ba? o sadyang Pilipino ka lang?
(Ethnograpiya)

Dapat bang ipagbawal ang pagbebenta ng mga pirated DVDs kung dito lang nakasalalay ang pamumuhay ng iilan nating kababayan? Kung ang tawag sa mga gumagawa at nagtitinda ng mga pirated na DVDs ay mga namimirata ano naman ang tawag sating mamimili? Pirata ba? Tama bang idahilan natin na kaya tayo bumibili ng mga piniratang gamit ay dahil tayo ay sadyang Pilipino na praktikal lamang? 
Ang layunin naming magkakagrupo sa etnograpiyang ito ay makapaglahad ng aming mga naobserbahan tungkol sa aming paksa upang mabuksan namin ang mga bulag na mata, bingi na tenga, at tulog na kaisipan ng ating mga kababayan. Gusto namin na mabigyan ng pansin ang mga mahihirap nating kababayan na gustong magkaroon ng trabaho, ang nangyayari kasi ngayon ay marami sa ating mga kababayang mahihirap ay kumakapit sa illegal na trabaho dahil kulang ang mga oportunidad sa trabaho dito sa ating bansa. Gusto din namin ipakita sa etnograpiyang ito na hindi lahat ng mga nagbebenta ng mga illegal na bagay ay masasamang tao, ang iba ay sadyang wala ng iba pang mapagkakakitaan pa dahil sa hirap maghanap ng trabaho; ang iba naman ay matatanda na, at yun nalang ang kaya nilang pagkakitaan, katulad nalang ng aming paksa na si tatang x.
Sa umpisa palang, alam naming magkakagrupo na ang pag-gawa ng isang written documentary o etnograpiya ay isang mahirap na bagay. Alam din namin na marami kaming haharaping mga problema sa pagkuha o pagkalap ng impormasyon sa aming paksa at sa pagbuo nito. 
Ang aming propesor ay nagpagawa ng isang aktibidades sa kada grupo, dapat daw namin isulat sa papel kung ano sa tingin namin ang magiging hadlang; kung ano ang mga inaasahan naming makuha pagkatapos naming magawa ang aming etnograpiya; kung saan dapat kami pumokus; at kung ano ang mga bigat o hirap na aming dadanasin sa pag-gawa ng etnograpiya. Nagtipon-tipon kaming magkakagrupo upang pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na ito. Mas madali kasing matapos ang activity na ito kung kaming magkakagrupo ay magbibigay ng kanya-kanyang mga ideya tungkol sa mga bagay na ito. 
Inuna naming pag-usapan ang tungkol sa mga takip o hadlang sa gagawin naming etnograpiya. Para sa amin, ang pinakahadlang sa lahat ay ang oras, bakit? Ika nga ng karamihan Time is Gold. Para sa amin, ang oras ay isa sa mga mahirap tantiyahin, kailangan munang magplano ng maayos bago gawin ang isang bagay upang hindi ito masayang ang oras. Kami ay mga estudyante, pumapasok kami simula lunes hanggang sabado at nag-uumpisa ang aming klase nang maaga at matatapos ito nang tanghali at minsan naman ay hapon. Konti lang na oras ang natitira sa amin, paano pa kung may mga takdang-aralin o proyekto o report saamin na ibinigay? Mas mahirap iyon, dahil baka kulangin kami ng oras sa paggawa ng etnograpiya namin dahil kailangan naming gawin ang mga proyektong naatas sa amin. Sabihin na nating pagkulang ang oras, kaunting impormasyon lang ang makukuha; pagkulang ang oras, hindi agad matatapos ang mga bagay na dapat tapusin. Kung ang oras ay sapat mas mapapadaling gawin ang isang bagay, hindi ba? Isa din sa mga hadlang ay ang lugar, ang lugar ay kaugnay ng oras. Pag malayo ang lugar ng aming paksa, kakain ito ng oras dahil sa byahe; Pag malayo ang lugar ng aming paksa, sigurado ang iba saamin ay hindi na makakasama dahil sa hindi sila pinayagan ng kanilang mga magulang. Isa din sa mga hadlang ay ang panahon. Kung sakaling may itinakdang araw na kami ng obserbasyon namin para sa aming paksa tapos biglang magsusungit ang panahon (bagyo), maaring hindi ito matuloy dahil sa delikado ito higit sa lahat, mahihirapan kaming sumakay: papunta sa lugar kung saan kami mag-oobserba at pabalik ng aming bahay. Kung sakali mang matuloy, ay maaring kokonti lang kami at baka hindi kami makapokus nang husto dahil ang isip namin ay nakatuon kung pano ang aming pag-uwi sa aming mga bahay, at kung maayos lang ba ang kalagayan ng aming mga pamilya. Yan ang mga hadlang sa ginagawa naming etnograpiya.
Pinag-usapan din namin ang tungkol sa bagay na pwede naming makuha pagnatapos namin itong etnograpiyang ito. May mga bagay kami na inaasahan na magiging kapalit ng aming paghihirap. Aminin natin na sa lahat ng ating mga ginagawa ay meron tayong mga kapal o inaasahang makuha. Ano nga ba ang inaasahan namin na makuha dito sa ginagawa naming etnograpiya? Inaasahan namin na marami kaming malalaman na dahilan kung bakit pa nagtitinda si tatang na kahit matanda na siya, ay sige pa rin siya sa pagtitinda at paglalako ng mga DVDs at kung bakit iyon ang napili niyang hanap-buhay sa kabila ng pagiging illegal nito. Inaasahan din namin na makakapulot kami ng maraming aral dito sa gagawin/ginagawa naming etnograpiya. Gusto namin na magkaroon ng ideya kung papaano namumuhay ngayon ang ating mga kababayang mahihirap; gusto naming marinig kung ano ba ang kanilang mga hinanakit, upang mabuksan ang mga diwa o isipan naming sarado o bulag at bingi; gusto naming marinig kung ano ang kanilang mga pananaw sa buhay upang kahit papano, mai-apply namin yun sa aming mga sarili. Higit sa lahat, inaasahan namin na magkakaroon kami na sapat na grade base sa aming ginawang etnograpiya. Kami ay mga estudyante, at alam naman nating lahat na, lahat ng estudyante ay naghahangad na makakuha ng sapat na grade sa bawat effort na ginagawa nila. Umaasa kami na makakakuha kami ng sapat na grade sa aming ginagawang etnograpiya para kahit papano, mapawi at masuklian ang aming mga paghihirap sa paggawa nito.
Ang taas ay pokus ng paksa. Ang pokus ay limitasyon. Sa aming etnograpiyang ginagawa, kami ay pumopokus sa aming paksa. Inilalagay lang namin ang aming tuon sa aming paksa upang ito ay hindi mapunta sa kung saan-saan na bagay. Ang aming paksa ay Tatang X dapat ito ay tungkol sa isang matandang nagtitinda ng mga pirated dvds; dapat ito ay tungkol sa buhay niya lamang, hindi dapat mapunta ang kwento tungkol sa alaga niyang namatay (kung meron man) hindi ba? masyadong malayo na kasi iyon sa paksa. Hindi na din dapat na halukayin pa namin ng husto ang buhay ni tatang, di na naming kailangan pang itanong kung ilan ang naging girlfriend niya nung kabataan o kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng kaniyang asawa, dahil iyon ay masyado ng pribado at sakaniya na lamang iyon at tiyaka hindi naman iyon konektado sa aming paksa.
 
Ang paggawa ng isang written documentary ay hindi madali. Kailangan itong punan ng mga makatotohanang mga bagay tungkol sa isang paksa. Kung gagawa ka ng isang etnograpiya, dapat ikaw ay pursigido at pasensyoso. Bakit? Kasi alam mong mayroon kang mga problemang susuungin matapos lang ito, parang kami, alam namin na isang mabigat na pasanin itong ginagawa namin kaya hinahabaan namin ang aming mga pasensya upang matapos namin ito ng maayos at kami ay nagpupursigidong matapos ito upang mailahad namin ang lahat ng mga bagay na aming naobserbahan sa aming paksa. 
Sa bigat makikita kung gaano kami nagkakaisa bilang isang grupo. Dito kasi makikita kung paano namin bubuhatin ang mga mahihirap na bagay. Para sa amin, ang isa sa mabibigat na bagay sa aming ginagawang written documentary ay ang pera. Alam nating lahat na ang pag-iipon ng pera ay hindi madali at alam nating halos lahat ng bagay ay kailangan ng pera. Ang paggawa ng isang etnograpiya ay nangangailangan ng pera, dahil sa pagpunta pa lamang sa lugar na aming oobserbahan ay kailangan namin ng pamasahe diba? Ang kada print ng aming ginagawang etnograpiya na na ipinapasa namin sa aming propesor, kailangan pa din ng pera diba? Ang pag-interview kay tatang, kailangan namin siyang bigyan kahit papano ng pabuya bilang isang pasasalamat dahil pinayagan niya kaming makapanayan siya, pera pa din. Sadyang para sa amin ang pera ay isa sa bigat sa amin dahil halos kaming magkakagrupo ay ibinabawas na lamang ang mga gastusin sa aming mga baon upang hindi na masyadong makadagdag sa matrikula sa aming mga magulang. Isa din sa bigat ay ang pagsabay-sabay ng mga proyekto. Pwede kasing mahati ang oras namin kung sabay-sabay ang proyekto na aming gagawin, katulad ngayon, malapit na ang pasahan ng proyekto namin sa isang subject, ayan tuloy naghahabol kami ngayon sa oras. Kaming magkakagrupo ay hindi masyado nagkakaisa ngayon dahil may kaniya-kaniya kaming ginagawang proyekto, kaya ang nangyayari ngayon ay hindi mabilis ang paggawa ng aming written documentary. 
Bago namin ilahad ang aming mga naobserbahan at ang mga impormasyon na nakuha namin sa pakikipagpanayam kay tatang nais muna naming ilahad ang mga bagay na aming napredik bago namin kapanayamin at obserbahan si tatang. Hindi naman talaga mawawala ang prediksyon o mga inaasahang mangyari sa kada gagawing proyekto hindi ba? Bago kami gumawa ng aming obserbasyon para sa aming etnograpiya, nagkaroon kami ng mga inaasahang mga bagay at prediksyon ukol dito. 
Una, kami ay mahihirapang mag-obserba tungkol sa aming paksa na si tatang dahil hindi kami sigurado kung kailan namin siya pwedeng maobserbahan o mainterview, kung saan-saan kasi siya naglalako ng mga pirated DVDs kaya mahirap siyang tyempuhan. 
Pangalawa, kami ay kukulangin sa oras na makapanayam si tatang dahil sa haba at tagal ng aming byahe. Ang epekto nito ay mahihirapan kaming makakuha pa ng maraming impormasyon tungkol sa aming paksa at malamang kokonti ang aming maoobserbang mga bagay-bagay na konektado sa aming paksa. 
Pangatlo, napredik namin na magkakahiyaan kaming magkakagrupo at ni tatang habang nangyayari ang pag-iinterview dahil sa hindi pa kami magkakakilalang lubusan. 
Pang-apat, inaasahan naming magkakagrupo na hindi lahat ng kaniyang nadanasan sa buhay ay maikwekwento niya at hindi lahat ng tanong namin sa kaniya ay masasagot niya ng maayos. 
Panglima, inaasahan namin na maraming mga bagay-bagay ang maituturo sa amin ni tatang tungkol sa pamumuhay dito sa mundong ibabaw; at marami kaming makukuhang aral tungkol sa kaniyang buhay na base sa kanyang experience.
At huli sa lahat, napredik namin na ang aming gagawing etnograpiya ay magiging maayos dahil kaming magkakagrupo ay magtutulungan sa pag-obserba sa aming paksa at sa paggawa nito. Inaasahan din namin na makakuha ng sapat na grado base sa aming ginawang etnograpiya.
Napagtanto namin na ang iba sa mga napredik at mga inaasahan naming mga bagay-bagay na mangyayari bago ang aming obserbasyon, ay nagkatotoo. Ngayon, ilalahad na namin ang mga naobserbahan at nakuha naming impormasyon tungkol sa aming paksa.
Ano nga ba ang pinagka iba ng orihinal na DVDs/CDs sa piniratang DVDs/CDs? Ang pinirata kung sa kalidad ng palabas. Ito ay kadalasang malabo, merong sakto lamang ang kalidad ng video, at kung magkakaroon man ng malinaw o halos katulad ng sa orihinal ay bibihira o tsambahan lamang. Kahit na iyong sabihin na depende sa may ari ng bala , ang piniratang CD ay mas mabilis masira kung iyong ikukumpara sa orihinal na kopya ng CD. Sa aking palagay ang ikinaganda lang talaga ng mga piniratang CD ay mas mababa ang presyo nito kaysa sa talagang presyo ng orihinal na CD. Ngunit ngayon hindi na lamang palabas ang kanilang mga pinipirata o binebenta sapagkat maski mga anti-virus , games , OS at iba pang mga application o gamit na pwedeng mai-install sa pc ay kanila na ring nagawan ng mga pekeng kopya o piniratang mga CD na halos o minsan ay kasingtulad na talaga ng isang tunay o orihinal na kopya. Ang mga Pilipino ay sadyang matipid kayat kung ito ay kanilang mapapakinabangan at kung maiintindihan o mapapanuod naman ng maayos ang kanilang biniling CD na kahit pa ito ay pinirata lamang ay kanilang mas pipiliing bumili ng pirata upang sila ay mapamura o mapababa ang presyong kanilang babayaran. 
Ang pagbebenta ng piniratang CD ay isang trabahong mababa man ang iyong makukuha ay mas maganda na sapagkat ito ay kadalasang mas tinatangkilik ng iba dahil ito ay mura lang kung iyong ikukumpara sa mga orihinal na kopya.  Sa aming palagay, dalawa ang uri ng paraan na kanilang ginagawa sa pagtitinda ng mga piniratang DVDs at CDs. Ang una ay ang pagtitinda na may pwesto at ang isa naman ay ang pagtitinda sa kalsada habang naglalakad at naglalako. 
Ang una kong ilalahad ay ang aming obserbasyon sa mga nagtitinda na may pwesto. Ang lugar na pinakapinagpe-pwestuhan ng mga nagbebenta ng piniratang CD ay ang palengke kung saan marami ang tao na nagtutungo. Kahit na sa kalagitnaan man ng init ng panahon o panahong maulan, kahit na roon ay may maalisangsang na amoy, mausok na hangin, maduming kapaligiran at kahit na dito ay maraming gulo at maingay. Sila ay patuloy na nagtitinda ng kanilang binebentang mga CD upang sila ay magkaroon ng kita na panggastos sa araw-araw. May mga araw akong nakitang maraming nagtutungo sa kanila upang bumili ng mga CD pero may mga araw rin namang matumal o kakaunti lamang ang tumitingin o bumibili sa kanila gayunman mas madalas pa rin naman ang araw na marami ang sa kanilay nagpupunta at bumibili sa kanilang mga binebentang CD. Base sa aking alam at naririnig-rinig ang presyo ng isang CD sa bangketa ay 35 pesos at minsan ay meron pang mga offer na 3 for 100 pesos o tatlong CD sa isangdaang piso kung saan ay makakatipid ka ng konti kahit papaano. Ang mahirap lang sa may pwesto ay ang dahil kapag ang pwesto ay hindi sakanila at kanila pang nirerentahan ay naibabawas pa sa kanilang kita at minsan ay nagkakaroon pa ng hulihan sa mga palengke na kadalasan ay pinaka maraming nag-bebenta ng mga piniratang CD kung saan sila ay nagmamadali upang sila ay hindi mahuli at hindi makumpiska ang kanilang mga binebenta. Bukod sa mga katunggali nilang ibang vendor din ng piniratang CD, isa pa sa pinaka-kalaban nila ay ang ibang mga pulis na nanghuhuli sakanila at kinukumpiska ang kanilang mga CD at ang iba naman ay hindi nga hinuhuli nangongotong naman o minsan ay nanghihingi ng libreng CD upang sila ay hindi hulihin. Kahit na ganoon sila ay bumabalik at patuloy parin na nag-aantay na may lumapit sa kanilang pwesto at bumili ng kanilang mga tinitindang piniratang CD at nang sila ay may maiuwing pera sa kani-kanilang mga bahay.
Ang pangalawa namang uri ng pagtitinda ng pirated DVDs/CDs ay ang paglalako sa kalsada o matatawag natin ito sa ingles na walking bazaar. Meron kaming nakita na isang matanda na nagtitinda ng mga pirated DVDs/CDs at siya ang aming inobserbahan.
Isang mainit at matirik na araw ang sumalubong sa amin nang matapos namin ang aming pagsusulit sa unang araw ng exam namin. Nararamdaman ko na ang tagaktak na pawis na tumutulo sa aming mukha papunta sa aking leeg. Maaga namin natapos ang pagsusulit namin kaya napagdesisyunan namin na yun na lang din ang araw na makakapanayam namin si tatang at sinabi na rin ng aming mga propesor na wala na kaming klase kinabukasan. 
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa Bagong Silang na kung saan ay doon namin makakausap at makakapanayam si tatang ay mapapansin sa mga mukha ng aking mga kasama ang excitement at kasiyahan na para bang ngayon lamang nakasakay at nakasama sa pagsakay sa pampublikong sasakyan.
Pagdating sa Maligaya, ay marami ng pasahero ang mga sumakay at tila para ba kaming mukhang sardinas na nagsisiksikan sa loob ng jeep at humihirit pa ang driver ng 5 pa. Mabute na lamang at payat ang aking mga katabi para mapagkasya ang mga hindi pa nakakaupo. Doon mas naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga pawis na kung iimagine-nin mo ang mga mukha namin ay kamukha na namin ang mga basang sisiw. Natatawa na nga lang ako sa aking kinauupuan habang tinitingnan ko ang aking mga kamag-aral dahil sa mga daan na tinatahak namin. May mga daan na maayos pero may nadadaanan din kaming lubak lubak, dahil doon ay para kaming nasa circus na lumulundag sa aming kinauupuan. At mas malala pa ay may parte sa aming kinauupuan ang may nakalitaw na pako at may parte rin na lubog, mabuti na lamang at nakapwesto ako sa parteng malambot kung hindi ay iiyak ang aking pwet sa kakataas baba ng aming katawan. Pero kahit ganoon ay di namin alintana yun dahil mas matimbang ang halakhak na maririnig mo sa aming mga bibig. Nang makababa na kami sa jeep, na kung saan ay sa tapat ng paaralan ng elementarya ay mapapansin na ang iba sa kanila ay pauwi na sa kanilang mga tirahan at ang iba naman ay papasok pa lamang kasabay ng kanilang mga magulang. Napansin ko na marami ang mga tindahan sa gilid ng paaralan na tila naging kolorete na sa paligid dahil sa mga ibat ibang kulay ng kanilang mga paninda. May mga tindahan ng school supplies at may iilan ding tindahan ng mga pagkain lalo na ang mga tumatambay talaga na kariton sa harap ng paaralan. Nang malapit na kami sa bahay nila Era, ay napansin ko na sila ay payuko kung maglakad. Nung tumingin din ako sa baba, ay muntikan na akong makaapak ng di kanais nais na bagay na nilabas ng mga aspin/askal na nagkakalat sa kanilang lugar. Tila pinababayaan na lamang ito ng mga tao doon na magkalat ng mga dumi ang mga aso doon. Kaya nagmumukhang palamuti na ang mga dumi doon at napapansin ko na walang nagkukusa upang linisin ito. Siguro kung may maglilinis man, magsisilbi itong bayani sa kanilang lugar. Alas dos na ng tanghali nang marating namin ang bahay nila Era ngunit wala pa doon ang aming puntirya.
Habang nag-aantay kami, kinulit ko muna ang nakababatang kapatid ni Era na si Ryu tutal mahilig ako makipagharutan sa mga bata. Gusto rin naman ni Ryu dahil wala rin sya kalaro kaya binabato nya ako ng bola at binabato ko rin sya ng bola. Mabuti na lamang at hindi pamatay sa kasiyahan si Ryu, kung hindi kanina pa sya umiyak sa lakas ng bato ko sa kanya sa ulo. Siguro nakaramdam na ng pagod si Ryu kaya kinuha nya ang remote control ng kanilang telebisyon at niyaya niya ko manuod nalang kaysa magbatuhan ng bola. May inaabangan siyang palabas ngunit napaaga ata yung bukas nya. Kaya wala siyang magagawa kundi mag-antay na lamang. Sumunod na rin ang iba kong kasama dahil wala rin silang ibang mapagkaabalahan. Ang palabas ay isang talk show tungkol sa kanilang mga kinahihiligan na koleksyon. Napansin ko na ang mga bisita doon ay mukha mayayaman at ang kanilang mga koleksyon ay siguradong mahal. Nagtanong ang tv host sa kanyang mga bisita kung orihinal ba lahat ng kanilang mga koleksyon, sagot naman ng isa ay Oo naman, hindi ako bumibili ng mga peke dahil mababa ang kalidad ng mga telang ginagamit nila at madali lang ito masira. Sa isip isip ko ay may punto naman siya sa mga sinabi nya pero paano naman ang mga mahihirap na di ito kayang bilhin? Habambuhay na ba sila makakaranas ng puro peke ang mga gamit na ginagamit nila? Siguro nga silang mayayaman kayang bumili ng kanilang mga gusto at mga kinahihiligan dahil may sapat silang kayaman para bumili ng mga ito. May isa pang humirit na galing din sa mga bisita nya Kung mangongloketa ka rin naman ng pansarili mong kinahihiligan ay dapat yung hindi na peke.
Napatigil na lamang ang pagtuon ko sa aking pinanunuod nang sumigaw ang nanay ni Era. Nandyan na si Tatang sa ibaba! Dali-dalian mo at tawagin na sya baka lumagpas na naman sya. Ang sambit nya na may halong pagmamadali at pagtataranta. Agad din namang sumagot si Era Opo ma! na agad-agad na humakbang sa hagdan. Kami namang tatlo ay dali dali naghanda ng aming mga kwaderno at panulat at agad na ring sumunod kay Era sa ibaba.
Unang pansin ko kay Tatang ay may kakaibang aura na di mo makikita sa ordinaryong vendor na naglalako rin sa mga kalye. Ngunit dala na rin ng sobrang dami ng problema na nararanasan natin araw-araw ay makikita mo rin kay tatang ang katatagan ng loob sa mga pagsubok na kinakaharap niya lalo na siya lang mag-isa ang kumakayod sa kaniyang pamilya.
May halong kaba at pag-aalinlangan ang nadama ko tungkol sa mga usapan na magaganap dahil ngayon lamang ako makakaranas ng isang panayam na ni minsan ay hindi man lamang namin ito kilala. Pero hindi ko ugaling isang tingin lang ay alam mo na agad ang ugali ng isang tao. Binugad namin sya ng isang ngiti at pagsambit ng pangangamusta. Ngiti rin naman ang kanyang naging kasagutan at ilang sandali ay sinabi rin nang marahan Okay lang naman ako. Halata sa kanyang boses ang kapaguran ngunit itinatago lamang ng ngiting pinakikita sa amin ni tatang. Marahil napansin ng kapatid ni Era na wala na siyang kasama doon manuod at sumunod ito sa ibaba at tinawag niya ang aking pangalan nang pasigaw. Bigla naman akong napalingon at bigla na lang ngumiti ang aking mga labi. Ewan ko ba at masyado akong malapitin sa mga bata na kahit minsan ay kinaiinisan ko ito dahil sa sobrang kakulitan nila o baka depende na rin sa nagiging mood ko. Agad ko namang narinig ang isang matinis na boses na galing sa ina ni Era, Ryu wag ka dyan! May ginagawa sila ate, halika dito at manuod ka nalang ng cartoons. Malapit na lumabas yung inaantay mo oh! Oh eto na yung Thomas and Friends. Dahil doon ay agad na pumanhik si Ryu at sinabihan akong Ate pagkatapos mo dyan, nood tayo sa taas ha?. Syempre bilang matanda at ugaling mang uto ng mga bata ay sinabi ko na lamang ay  Oo sige ba basta antayin mo lang ako doon ha? Bibilisan namin tapos laro tayo ng batuhan ulit ha? sabay tawa. Ang sagot na lamang ni Ryu nang makatuntong na sya sa itaas ay Opo ate na may halong tuwa ng sinabi nya iyon.
Umakyat si Era para kunin ang camera para maumpisahan na namin ang unang araw ng pakikipanayam kay tatang. Habang inaantay namin si Era na kunin ang kanyang camera, ay tinitigan ko si tatang. Ang kanyang kutis na tila kasing kulay ng isang tangkay ng puno na di naman maitatago dahil sa araw-araw na paglalako nya sa ilalim ng sikat ng araw. Sa kanyang mukha ay mapapansin ang kulubot ng kanyang balat at balbas sarado na aabot hanggang sa kanyang patilya. Sino ba naman ang hindi mangingitim kung araw araw ba naman nagtitinda at ang kanyang panangga lamang ay ang kanyang sumbrero, maikling manggas at pantalon na kupas. 
Sa kanyang paa na isa sa mahalagang kasangkapan upang makahanap sila ng mapagkakakitaan pang araw-araw. Saplot na goma lamang ang tanging nagsisilbing proteksyon nito sa matinding init ng singaw na nagmumula sa kalsada. May dala dala ring backpack si tatang na kung saan ay doon nya inilalagay ang mga DVD at CD na ibinebenta sa mga nagiging suki nya
Pagkababa ni Era mula sa kanyang silid, agad na namin inayos ang mga upuan at pinaupo na si tatang. Halata sa mga kilos ni tatang na medyo naiilang pa sya sa amin dahil nga ito ang una naming pagkikita. Agad naman nagtanong si Aprill nang may halong pagkuha ng loob ni tatang ng ano po buong pangalan nyo tatang? sabay ngiti. Ang buong pangalan ko ay Rufino a.k.a ROPENG Nedroda. Dahan-dahan nyang sambit. Sinundan ng tanong ni Aprill na kung ilang taon na siya, at ang sagot lang ni tatang ay Magse-72 na ako sa july 10. Napaisip na lamang ako na sa ganyang edad ay iilan na lamang ang may kakayahang magtrabaho pa rin kahit na matanda na sila. Si tatang ay may asawa na at may anim na anak sa huli niyang asawa. Siguro nga kaya may huling asawa ay baka marami na siyang napagdaanan na di maganda sa kanyang nakaraan. At mabuti ng wag nalang natin iyong alamin dahil masyado na iyong pribado. Mayroon siyang Labintatlong apo mula sa kanyang anim (6) na anak.
Hanggang sa nagkwento na si tatang ang kanyang naging buhay bago pa sya napunta sa pagiging vendor ng isang piniratang DVD at CD sa kalye.
Umabot siya ng sampung taon sa pagiging head checker sa North Harbor sa isang barko na kung saan ay naging maganda ang takbo ng kanyang buhay. Nag desisyon lang siya na mag-resign sa kaniyang trabaho noon dahil sa binenta ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya ang barko kung saan siya naka-assign bilang isang head checker; at dahil din sa hindi na niya nakayanan ang pang-gigipit ng mga empleyado sa kanilang opisina. Naikuwento nya ng pagmamalaki na kahit hindi siya tapos sa sekondarya ay siya pa rin ang napili sa mataas na posisyon. Dagdag niya pa kung bakit siya ang napili imbis na yung mga nakatapos na ng pag-aaral at may kaya sa buhay ay dahil mayroon siyang kakayanan na ipakita sa kanila na kahit hindi siya tapos ng pag-aaral ay mayroon siyang determinasyon at pagpapakita ng kagalingan sa kanilang trabaho. Nagsimula na siyang maging vendor ng ice cream (Magnolia) ngunit di rin iyong nagtagal dahil hindi ito tinangkilik ng mga tao. Hindi kasi sapat ang kinikita niya sa paglalako ng ice cream kaya hininto niya na lamang ito.
May isang kaibigan ang nag-alok kay tatang ropeng na pumasok sa pagtitinda ng mga piniratang DVD at CD. Siya naman ay pumayag na magtinda nito, sa kadahilanang wala na siyang mahahanap pang trabaho na tutugma sa kaniyang edad at sa kadahilanang wala ng ibang maasahan sa pamilya niya kung hindi siya lamang. Hanggang sa ngayon, ay patuloy pa din si tatang sa pagtitinda ng mga pirated DVDs at CDs dahil ito daw ay isa sa mabilis na paraan upang kumita ng pera upang matustusan ang pangangailangan nilang magkakapamilya sa pang araw-araw. 
Lingid sa ating kaalaman na ipinagbabawal talaga ang pamimirata at pamemeke ng mga kagamitan. Ngunit maraming tao ang gumagawa nito at sumasakay sa hamon ng buhay, gaya na lamang ni tatang na na-engganyong subukin ito dahil hindi ganoon kahirap ang paglalako ng mga produktong gaya ng mga ito. Minsan naisip din ni tatang Roping na bumalik ulit sa dati niyang trabaho kung bibigyan pa siya ng pagkakataon upang mas guminhawa ang kanilang buhay dahil sa aming pakikipag-panayam sa kanya sinabi niyang malakas pa ako, at kaya ko pang magbanat ng buto kung papalarin ulit akong makapagtrabahong muli sa barko ay iiwan ko na ang paghahango ng mga piniratang mga DVD at CD. Pumukaw sa aming damdamin ang mga binitawang mga salita ni tatang dahil ramdam namin ang mga paghihirap niya upang maitaguyod lamang ng maayos at ginhawa ang kanyang pinakamamahal na pamilya. Sa dami ng kanyang anak na hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral gaya nilang mag-asawa dahil sa hirap ng buhay ay mas pinili na lamang na magtrabaho ng maaga sa kanyang murang edad ay natutuhan ni tatang ang kapalit ng mga bagay na hindi niya naranasan noong siyay binata pa. Ang mga kasiyahan sa pag-aaral tulad na lamang ng JS prom, mga paligsahan, at ang pinaka masayang parte ay ang field trip at foundation day kung saan ginaganap ang selebrasyon ng pagtaguyod ng eskwelahan at mga aktibidades na ipinapagawa ng mga guro kapag nasa huling baitang na ng sekondarya gaya na lamang ng pagsasaliksiko pag-iinterbyu sa ibat ibang tao, ang mga ito ay parte lamang ng karaniwang estudyante. Sa kaso ni tatang, kabaliktaran ang kanyang mga karanasan sa buhay. Mas marami ang hirap na pinagdaanan nito ngunit sa kabila ng mga dagok sa kanyang buhay ay nalampasan naman niya ang mga ito. Maghapon man siyang maglako ng kanyang mga hinango para sakanya ay mas marangal naman ito. Sa aking palagay mas maganda naman ang kanyang hangarin sa buhay, kung ikukumpara mo ito sa mga masasamang taong walang halang ang mga kaluluwa na gaya ng mga holdaper, snatcher, at iba pang mga gawaing sangkot ang pananakit at pagpatay sa mga kababayan natin. Hindi naman porket nagtinda ng mga piratang plaka ay masama na siyang tao. Masama nga marahil ang pagtitinda ng mga ganitong produkto sa mata ng batas, ngunit sa mata ng mga nakararaming dukhang gaya natin ay marangal pa rin ang ganitong Gawain. Walang ibang pagpipilian si tatang kundi tanggapin ang inalok sa kanyang trabaho ng kanyang kaibigan. Sana ay makita rin ng ating gobyerno na ang kanilang mga repormang ipinaglalaban senado ay hindi ganoon kakumbinsido sa mga gaya ni tatang upang maging maginhawa ang pamumuhay. Dahil kung tutuusin ay hindi naman biro ang katayuan ni tatang ngayon at ng kanyang pamilya.  Isa pang panayam ni tatang ang tama na tumatak sa gaya naming mag-aaral na dapat sinusuportahan at pinag-aaral nila ang anak ng mga mahihirap na gaya namin, dahil wala pa rin pagbabago sa bansa natin, ang mga mayayaman lamang ang lubos na nakikinabang at payaman nang payaman samantalang ang gaya ko ay mahirap pa rin at di umuusad ang sistema ng pamumuhay. Hindi pa namin ramdam ang sinasabing pag-unlad ng bansa sabi ng pangulo nating si P-noy. Sana ay maipaabot sakanila ang hinaing ng tulad kong kapos sa kita. 
Ibinahagi sa amin ni tatang ang listahan ng kanyang kadalasang kita sa paghahango ng mga piratang plaka sa ibat ibang parte ng kalookan. Pinaka mataas tuwing papalapit na ang pasko ay 500, pinakamababa 200. Minsan sapat kadalasan hindi.
Binahagi din ni tatang ang kanyang sikreto upang mapanatili niyang suki ang mamimili sa kanya, na sa tuwing my bibili sa kanya ay binabalikan niya ang mga ito at binibigyan ng discount pakunswelo at pinapalitan ang mga my depektong mga plaka. Nakakapagod man ang kanyang trabaho ay hindi na ito iniinda ni tatang sapagkat sanay na siya sa ganitong ikot ng kanyang pamumuhay. Di alintana ang saya kapag siya ay nagkakaroon ng kalakihang kita sa paglalako bunga ng kanyang dugo at pawis. Sa kalagayan ni tatang ngayon ay kuntento na siya dito. Di man katulad ng laki ng kita niya sa dating trabaho sa barko ay nakakasama naman niya ang kanyang pamilya sa araw-araw. Ang kanyang asawa naman ay nangangamuhan sa San Juan bilang isang kasambahay na isa o dalawang beses sa isang linggo kung ito ay umuwi. Ang mahalaga kay tatang ay naibabahagi niya parin ang kanyang kita sa kanyang mga apo kahit na kapos sa buhay ay nabibigyan niya parin ang mga ito ng kaunting grasya na may kasiyahan sa kanya sa tuwing makikita niya ang mga ngiti sa mga labi ng mga ito. Balewala ang hirap niya kung ito naman ang kapalit ng kanyang mga pagsisikap. Ibinahagi din ni tatang na mahilig siyang tumaya ng lotto araw-araw kung may pagkakataon at nagbabakasali din siyang mabago pa ang katayuan nila. Na kung papalarin man na tumama ang kanyang mga taya ay siyempre ay bibitawan na niya ang ganitong hanap buhay at magsisimula ng panibagong maganda at legal na negosyo. Biniro namin siya ng kaunti na kung siya ay palarin na manalo sa lotto ay gugustuhin niya pa bang pumunta sa ibang bansa? Ito ang sagot niya sa kanyang panayam ay siyempre, gusto kong pumunta dun at pangarap ko yun kasama ko ang aking pamilya. At ibabahagi ang iba sa mga kamag-anak ko, at sa aking nanay. Sinabi niya din sa amin na kapag nakauwi siya sa kanilang lugar na kinalakhan ay hinihiling ng kanyang ina na pagawan ito ng kabaong at himlayan sa paghahanda ng kanyang nalalapit na pakikipaloob sa poong Diyos na maykapal. Sa mukha ni tatang ay mababakas ang kasiyahan sa pagkukwento tungkol sa kanyang buhay at siyempre ay lingid din naman sa aming kaalaman na nahihirapan siya siguro ay dala na din ng kanyang edad. Madami siyang pangarap sa buhay. At hanggang ngayon ay patuloy parin naman siyang nangangarap sa maginhawang buhay. Naibahagi din niya na kung may pagkakataon pa ay gusto naman niyang tapusin ang kanyang pag-aaral ngunit nahihiya na siya sa kanyang makakasama dahil malayo ang agwat ng edad ng mga batang nag-aaral sa sekondaryng di niya natapos. Nagsisilbing mabuting mamamayan parin si tatang dahil ang kanyang isip ay nakatuon pa din sa pagpapaunlad ng pamumuhay nila. 
Sa aming pangalawang araw ng pakikipanayam kay tatang ay di na alintana ang kaba o takot na naramdaman niya di tulad noong una naming siyang nakapanayam ay naiilang pa siyang magkwento dahil na rin siguro nakikiramdam siya sa mga taong kaharap niya. Sa pangalawang pagkakataon ay ikinuwento niya ng buo ang kanyang mga karanasan sa buhay na walang pag-aalinlangan na muntik na niyang ibulalas sa amin ang buong kwento ng kanyang buhay pag-ibig ngunit siyempre ito ay pribado na kayat hinayaan na naming itago niya iyon. Kung tutuusin ay maprinsipyo parin si tatang dahil busilak ang kanyang puso na walang masamang hangarin sa ibang tao. Kundi magtrabaho o magbanat lamang ng buto. Masaya ang aming naging karanasan sa aming pakikipagpanayam kay tatang. Noong una ay kinailangan talaga naming magtanong ng magtanong upang magsalita si tatang dahil kabado pa ito sa amin. Ngunit sa huling araw ng aming pakikipagpanayam ay nakapalagayang loob na namin siya nang lubusan. Nakikipagtawanan na siya ng walang ilang at magkwento ng kusa ngunit, di rin naman maiiwasang magtanong kami sa kanya kapag wala na siyang masabi tungkol sa kanyang mga naranasan. 
Natanong namin sakaniya kung ano ang kaniyang motto. Sabi niya ang kanyang motto ay time is gold wala siyang dapat sayangin na oras sa pagtatrabaho dahil kung hindi siya magbabanat ng buto ay magugutom ang kaniyang pamilya. Kami ay napasang-ayon sa kaniyang motto, totoo naman kasi ang kaniyang sinabi.
Bago matapos ang aming panayam kay tatang, humingi kami ng kaniyang opinyon tungkol sa ating ekonomiya ngayon. Ang sinabi niya ay:
Sabi ng iba, tumino daw ang ekonomiya ngayon. Para sakin, hindi naman ramdam ng mga mahihirap na katulad ko ang pagkatino ng ekonomiya. Ang mayayaman lang palagi ang nakakaramdam sa unti-unting pagkatino ng ekonomiya. Kumbaga, sila lang palagi ang nakikinabang sa mga benepisyo, yung mga lebel nila Henry Sy, yan lang lagi. Kung tatanggalin lang siguro sa ating sistema ang mga taong (opisyales) corrupt; kung tutuunan lang talaga ng pansin ng ating gobyerno ang edukasyon sa ating bansa; kung magbibigay lang sila ng maraming oportunidad para magkatrabaho; kung tataasan lang ang mga sahod ng mga manggagawa marahil maramdaman naming mahihirap ang pagkaganda ng ekonomiya.
Kung tutuusin, totoo ang mga sinabi ni tatang. Palaging merong limitasyon ang pagbibigay benepisyo ng gobyerno sa mga mahihirap. Kung gusto talaga nilang i-angat o tulungan ang mga mahihirap, dapat gumawa sila ng paraan hindi yung hanggang pangako na lamang, hindi ba?
Binigyan din niya kami ng payo, kaming mga kabataan:  
Bilang estudyante, dapat magsikap at mag-aral kayo ng mabuti dahil ito ang magiging paraan upang maging mas maginhawa ang inyong pamumuhay sa darating na panahon at sa inyong pagtanda, ito ay magsisilbing bahagi ng inyong alaala na kayo ay nagtagumpay sa isang bahagi ng inyong pagkatao, at ito rin ang magsisilbing pabuya sa inyong mga magulang kapag kayo ay nakapagtapos ng pag-aaral o magsisilbing sukli sa hirap ng pagpapalaki sa inyo ng inyong mga magulang. Dapat mas maging matatag pa kayo sa hamon ng buhay. Dahil umpisa pa lamang ito ng inyong pakikisalamuha sa mga taong mas nakataas. Huwag kayong basta-basta magpapaakit sa tukso dahil iyon ang makakasira sa inyong mga pangarap. Tandaan niyo lang lagi na ang lahat ng bagay ay makakapaghintay.”
Pagkatapos ng aming panayam kay tatang, Nagbigay kami ng kaunting pakunswelo sa kaniya at bumili din kami ng mga DVD sakanya upang magsilbing pasasalamat at tulong na din sa kanya dahil pinahintulutan niya kaming makapanayam siya. 
Ano nga ba ang pinagkatulad ng dalawang uri ng pagtinda ng pirated DVDs at CDs? Ang kanilang pinagkatulad ay ang ginaganawa nila ito upang sila ay magkaroon ng maipangkakain at maipantugon sa kanilang mga kailangan sa kanilang sarili, sa kanilang pamilya o sa kanilang bahay. Kahit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga piratang CD ay patuloy parin nila itong ginagawa dahil sa ito ay isa sa mga pinakamadaling trabaho na makukuha at hindi mo kakailanganin ng masyadong malaking kapital o puhunan at hindi namimili ng kung sino ang magtatrabaho. 
Talagang laganap na sa ating bansa ang mga piniratang mga gamit at sadyang tinatangkilik natin itong mga ito kahit alam natin na ito ay illegal. Hindi naman siguro tayo masisi kung patuloy nating tangkilikin ang mga ito, sino ba naman ang bibili ng mga gamit na pagkamahal-mahal kung pwede naman makabili non sa mura o abot kayang paraan? Ika nga nating mga Pilipino,"Maging praktikal tayo sa lahat ng oras" at yun na nga ang nangyayari ngayon, sa sobrang praktikal ng mga pinoy, ang mga gamit ng karamihan sa atin ay puro pirata na. Matatawag pa ba natin na pagiging 'Pilipino' lang ang mga pagbili natin ng mga pirated na bagay o dapat siguro ang itawag nalang saatin ay mga 'Pirata'? 
Ikaw, 'Pirata ka ba? o sadyang Pilipino ka lang?'





MGA BENEPISYO / INAASAHANG PAKINABANG:
Sa aming pananaliksik, karamihan sa mga mamamayang Pilipinong gaya namin,di makakaila na mas abot kamay nila ang mga murang pinaratang DVD/CD kesa sa pagbili ng mga orihinal na DVD/CD na nabibili sa mga kilalang pasyalan gaya ng SM Fairview. Kung titingin ka ng mga ibinebentang mga plakang palabas ay triple ng presyo na ibinibenta ni tatang x na kung tutuusin ang sobrang pera na maiipon mo kung ikaw ay tatangkilik ng pekeng plaka na hinahango niyang mga paninda ay mailalaan mo pa sa pambili ng pagkain ng iyong pamilya. At mas mapapagaan mo ang mabigat na mga patong na presyo sa mga orihinal na plaka.Kung tutuusin kaya naman nating bumili ng mga orihinal na DVD/CD sa mga taong may kaya sa buhay,dahil nakakatulong tayo sa pag-unlad ng ekonomiya sa ating bansa dahil tumatangkilik tayo ng mga produktong sariling atin gaya na lamang ng mga palabas sa nakaraang MMFF (Metro Manila Film Festival).Kung ang mga mayayaman o may kaya sa buhay ay manunuod ng sine sa halagang abot kaya nila ay mainam din naman para maramdaman natin ng kahit kaunti ang pag-unlad ng ating bansa. At sa mga kababayan nating di kaya ang kamahalan sa pagbili ng mga orihinal na plaka o sapat na pambayad sa panunuod ng sine, mainam na din siguro na hayaan natin silang tumangkilik ng mga produktong na sa mata ng batas ay ilegal gaya ng mga pineratang plaka upang sa ganoon ay maranasan naman nilang makapanuod ng mga may kayang tao sa mundo ng realidad na sa tingin nila ay kapag napanuod nila ay sasaya ang kanilang pamilya. Hindi naman siguro natin maiwasan na maging praktikal sa buhay dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon, na mataas ang bilihin ngunit di sapat na sweldo sa mga nagtatrabahong malaki ang populasyon ng kani-kanilang pamilya. Gaya na lamang na mama ng aming kaklase, sa aming nakita ay mas naging praktikal ito dahil mas pinili nitong bumili ng pineratang DVD upang makapanuod ng magagandang palabas na patok sa sinehan ngayon dahil malaki ang maitatabing pera at abala ito sa pag-aalaga sa kanila ng kanyang bunsong kapatid at abala din ito sa mga gawaing bahay kaya marahil mas pinili na lang nito na tangkilikin ang mga hinangong mga pirating plaka. Mas mapapdali ang gawain nito dahil sa maghapon ay nakagawian na nito ang mga gawaing bahay bilang isang ina at sa gabi ay kapag wala na itong ginagawa ay ito na lamang ang libangan nito sa kanilang bahay bilang pamukaw sa pagod nito. Ito ang pabuya niya Sa kanyang sarili.

AMA Computer College
Fairview Campus

Ipinasa nina:
Laxamana, Rochelle Anne May O.
Delos Santos, Aprill Marie R.
Origines, Patrick Brendonn
Mediavillio, Reybiezon B.
Garcia, Era Nikka F.
Bustalinio, Joshua
Paraiso, Audrey
Olesco, Micko

PAUNANG PAGSUSULIT SA FILI 02 PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Paunang Pagsusulit sa Fili 02
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik


I. Identipikasyon. Ibigay ang mga hinihinging kasagutan. (2pts. bawat isa)

______1. Isang sistematikong paghahanap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o aralin.
______2. Sa teoryang ito,  ginamit ni Noam chomsky ang Language acquisition Device na ang bata ay nagtataglay ng ispesyal na mekanismo para sa pagkatuto ng wika.
______ 3. Sa teoryang ito na ayon kay Jean Pigget, ginagaya ng bata ang matanda. 
______ 4.  Nakatutulong ito sa ekspresyon o pagpapahayag kung may malawak at extensibong kaalaman sa pagbuo ng salita. 
______ 5. Mga salitang partikular lamang sa isang grupo o nasa parehong propesyon.
______ 6. Paggamit ng malumanay na salita sa halip na maanghang, ginagawa ito upang maging magaan ang pagtanggap.
______ 7.  Ang abilidad na maunawaan, magreflek at matuto mula sa teksto.
______ 8.  Isang mental na interpretasyon ng mga nakasulat na simbolo na nagbibigay kahulugan sa teksto.
______ 9.  Tinatawag din na Outside-in ang teoryang ito, Mula sa teksto patungong mambabasa.
______ 10.  Pag-aaral ng kultura ng tao, bilang isa sa metodolohiya ng pananaliksik.
______ 11. Mga akda, sulatin, riserts at mga nakalimbag na materyal na isinusulat ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan.
______ 12.  Tinatawag itong pag-unawa sa binasa.
______ 13.  Ito ay isang dis-order na may karakteristiks na kahirapan sa pagpoproseso ng salita upang maging makahulugang impormasyon.
______ 14. Ang mga tekstong naglalahad o tumatalakay sa isang partikular na sabjek na isinusulat ng mga mag-aaral.
______ 15.  Ginagamit ang mga letra na nagrerepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita, gaya ng AMA bilang Amable Mendoza Aguiluz.


II. Pagpapaliwanag. Ipaliwanag ang sinasabi ng siniping pahayag: 
(5pts. bawat isa)

(1)
Malaki ang nagagawa ng wika sa paghubog ng kamalayan ng tao
  - G. Bayani Abadilla

(2)
 Mental food ang pagbabasa G. James Lee Valentine 

(3)
Ang wika ay kaisipan ng mamamayan JP Rizal

III. Pag-unawa sa pagbabasa.

Deployment Ban sa Israel, Mananatili

     Hangad ng gobyerno ng Pilipinas na protektahang ang lahat ng mamamayan nito saan mang dako ng mundo, partikular sa mga sentro ng kaguluhan.

     Ito ay kaugnay ng kahilingan ni Israeli Ambassador Menashi Bar-on sa Department of Foreign Affairs (DFA) na bawiin na ang deployment ban o pagbabawal sa pagpapadala ng mga overseas Filipino Worker (OFW) sa Israel, makaraang igiit na nagbalik na ang kaayusan sa nasabing bansa kasunod ng pagdedeklara ng ceasefire sa pagitan ng Israel at ng militanteng Hamas sa Gaza Strip na inaasahang tatagal ng tatlong buwan.

Ano ang dahilan ng pagpapatupad ng Deployment Ban sa Israel?(3pts.)
_____________________________________________________________________

      2. Para sayo, paano natin mapapangalagaan ang ating mga OFW na naiipit sa gitna ng alitan ng mga bansa? Ipaliwanag.  (5pts.)
_____________________________________________________________________

Mobile Classroom ng TESDA, nadagdagan

Tiniyak ng Tenchical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mas maraming kababayan natin ang matuturuan ng iba't ibang skills para makapasok ng trabaho o makapagsimula ng negosyo.

"We have just received another bus donation from Genesis Transport Services, Inc. for the skills training, assesment and certification of bus drivers and other skilled workers. With this, more and more Filipinos would benefit from the training programs we are delivering right at the doorsteps of our clients, " sabi ni TESDA Director General Joel Villanueva.

Lilibot ang TESDA Mobile Classrom sa  National Capital Reghon at Southern Luzon.

1. Ano ang magandang maidudulot ng pagdaragdag ng mga mobile classroom ng TESDA? (5pts.)  ___________________________________________________________________________

2. Sang-ayon ka ba sa pagkakaroon ng mga short-term courses na hatid ng TESDA? Bakit?(5pts.)   _____________________________________________________________________


SAWSAWAN

Ikinasal kahapon si Mama Sita,
Si Papa ketsup po ang napangasawa,
Umiyak ang karibal ng masuwerteng binata,
si Mang Tomas ito na nakakaawa!

Ang nagkasal po sa magkasintahan
Si Datu Puti na lider ng angkan,
namroblema naman bisita sa handaan,
sapagkat ang nakahain ay puro sawsawan!

1. Ano ang mahihinuha sa tula? (5pts.) ________________________
__________________________________________________________________

2. May iba pa bang kahulugan ang tulang ito para sayo? Ipaliwanag. (5pts.)
__________________________________________________________________

Naipasa rin ang FOI Bill

          Akala ng marami naghihingalo na ang Freedom of Information (FOI)

bill at wala nang pag-asang makarekober pa. Pero mali ang akala sapagkat buhay na buhay pa pala. Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng House Committee on Public Information an kontrobersiyal na panukalang batas. Pinagbotohan ito at kagila-gilalas ang resulta: pumabor ang 17 mambabatas at tatlo lamang ang kumontra. Pagkaraan ng dalawang taon, napagpasyahan din ang FOI. Ang pagpabor ng nakararaming mambabatas ay indikasyon na nananaig pa rin ang magandang hangarin para sa kapakanan ng mamamayan. Ang mamamayan ang nanalo sa pagkakapasa ng FOI Bill.

1. Anong magandang maidudulot sa lipunan ng pagkakapasa ng Freedom of Information Bill? (5pts.) _________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________

2. Bakit kaya nasabi ng may akda na “mamamayan ang nanalo sa pagkakapasa ng Freedom of Information bill”? (5pts.)  _______________________________
_________________________________________________________________________________________________________

Ang Pagdiriwang ng Aswang Festival

Bago sumapit ang Araw ng mga Santo at Araw ng mga Patay o Undas, nagsasagawa ng parada ang mga Capiznon bihis ng mga kasuotang animo'y mga aswang bilang pagdiriwang ng Aswang Festival. Bukod dito, itinatampok din ang mga pagkaing nakukuha sa dapat na pinagmamalaki ng mga Capiznon na siyang sinasabing makapagpapahalina sa mga turista. Bukod dito, ang Capiz ay mayroon ding magagandang dalampasigan at tanawin.
Matapos ang parada ng mga aswang, nagkakaroon ng trade exhibit, kung saan nagagawang ibenta ng mga negosyante rito ang kanilang produktong lokal para makatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng lalawigan.


1. Ano-ano ang magandang naidudulot sa mga Capiznon ng pagdidiriwang nila ng Aswang Festival? (5pts.) _________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________

2. Naniniwala ka ba sa aswang? Ipaliwanag. (5pts.) _____________________________________
__________________________________________________________________________________________________________

IV. Pag-iisa-isa. 

1. Ibigay ang dalawang uri ng teksto  (2pts.)
2.  Itala ang teknik sa pagbasa (8pts.)
3.  Proseso ng Pagbasa   (3pts.)
4. Ibigay ang anim na lebel ng komprehensyon sa pagbasa (6pts.) 

 
“Kung talagang para sayo ang isang tao, mawala man siya sayo ng mahabang panahon magkikita parin kayo... kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang di dapat.”

-Maligayang araw ng mga puso (    _RSC

VEGETARIANISM HELPS HEALTH, ENVIRONMENT

Vegetarianism helps health, environment
By Juanita King

March 17, 2005 - According to a recent survey in the National Post, approximately three per cent of Canadians are vegetarians. This may seem like a small number, but every day increasing numbers of people are switching to a meat-free diet.
Many people are changing their eating habits in light of growing obesity rates. Others decide not to eat meat out of concern for animal welfare. However, there are other reasons why vegetarianism is becoming an important part of life.
What many people do not realize is eliminating meat from their diets is not only good for themselves, but also for the environment. The Union of Concerned Scientists says eliminating beef is one of two lifestyle changes that most directly help the environment - the other is to drive a fuel-efficient car. However, it is not just beef production that takes a toll on the environment.
A meat-based diet requires seven times more land than a plant-based diet. Right now, there are approximately 14.6 million beef and dairy cattle, 13 million pigs, 8 million turkeys, and 96 million chickens alive in Canada. Like humans, all these animals require natural resources such as food and water. Raising livestock for human consumption places a huge strain on the environment.
Wilderness needs to be destroyed in order for animals to graze. In geographically vast Canada, people might think there is land to spare; but, it is important to remember the meat industry extends outside the country.
Tropical rainforests are routinely clear-cut to create land for grazing cattle. According to People for the Ethical Treatment Animals (PETA), an area equivalent to seven football fields is destroyed every minute. These rainforests provide many benefits to humans: They supply oxygen, moderate climate, and provide much of the world's medicine.
If more people cut meat out of their diets, less rainforest would need to be cut down for food. This would subsequently help tackle the devastating problem of global warming.
Steve Boyan, a retired political science professor at the University of Maryland, has published two books on environmental issues. He argues that eliminating meat from the diet reduces production of carbon dioxide, the most abundant human-produced greenhouse gas.
"Your average car produces [three kilograms a day of carbon dioxide.] To clear rainforest to produce beef for one hamburger produces 75 [kilograms of carbon dioxide.] Eating one pound of hamburger does the same damage as driving your car for more than three weeks," he said.
When we think about ways to help the environment, we often think about fuel efficiency. Many people do not realize that a simple cutback in meat intake can do so much for the environment.
The Worldwatch Institute also asserts that "belching, flatulent livestock emit 16 per cent of the world's annual production of methane, a powerful greenhouse gas."
Meat production also produces large amounts of waste and pollution. For every 40 kilograms of manure excreted by cattle, there is only one kilogram of edible beef produced. Although the industry attempts to use these byproducts, much of it ends up in rivers and groundwater as runoff. This contributes to nitrogen, phosphorus, and nitrate pollution.
The effect meat has on the earth's water supply is tremendous. According to Sandra Postel (a leading authority on international freshwater issues) and Amy Vickers in State of the World 2004: "With its high meat content, the average U.S. diet requires 5.4 cubic metres of water per person per day - twice as much as an equally (or more) nutritious vegetarian diet."
It is important, for the sake of the fragile environment, that people become more educated about matters such as deforestation, pollution, and dwindling water supplies. Small steps such as reducing one's personal meat consumption, or going all the way and becoming vegetarian, can go a long way to better the environment.

WIKA AT KALIKASANG SAPAT, PARAISONG BUKAS ANG KATAPAT

WIKA AT KALIKASANG SAPAT, PARAISONG  BUKAS ANG KATAPAT

SA WIKA NG DIYOS NAGMULA ANG KALIKASAN
Sa wika ng Maykapal naganap ang lahat!
Nang mangusap  ang Diyos sa sangkawalan...
Nalikha Niya ang langit at ang lupa (Gen. 1:1)
 At sa  magkakasunod na  anim na araw ay sinabi ng Diyos ang ganito:
Magkaroon ng liwanag;”(3)  … at naganap! 
Magkaroon ng kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. (6) …  at nangyari!  Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako. (9)  tunay na kamangha-mangha!
Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kanyang binhi sa ibabaw ng lupa. (11)  … at nagkaroon ng hininga ang daigdig!
“Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan  ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw, at mga taon; (14)   at itinakda ang bilang  ng pagdaan ng nakalipas, pagharap sa kasalukuyan at paghihintay sa kinabukasan!
“Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.  (20)  Walang magugutom!  Mga kinapal ay may kalayaan!
Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa ---  maamo, mailap, malalaki, at maliliit. (24)   balanse ang lahat!  Itinakdang komplimentaryo at magkatuwang ang magkasalungat!
“Ngayon, likhain natin ang tao Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliliit  (26) utos Niya:  Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig at kayo ang mamahala nito. (27) At silay nalikha na babae at lalake!  Nilikha silang  may iisa ring wika!
Tunay na sa Wika ng Diyos nagsimula ang lahat!  Kalikasan ang una Niyang nilikha, sapagkat dito iinog ang buhay,  ito ang pagmumulan ng kulay, ng emosyon at ekspresyon at ng panibagong paglikha, at maging ng panibagong wika.
Sagana ang sangkalupaan; walang nagmamay-aring sinuman;  Lahat ay nakikinabang.  Sa malawak  na kagubatan, kahit sino, kahit ano, maaaring manginain, maaaring mag-angkin.  Ang mga nilalang sa kagubatan, may kasapatan sa pangangailangan!
Sa walang hangganang katubigan ay makukulay at di mabilang ang mga bakawan; ang mga isda at iba pang may buhay na sa tubig namimilbi ay nakikipaghabulan sa along nilalaro ng hangin sa kalawakan.  Sinasalamin ng langit ang kanyang mukha sa nagkukulay-asul ding tubig ng karagatan.  
Walang sumapat na pakpak ng ibon upang malibot ang kalawakan.  Sa mga punong malalabay sumisilong ang mga ibon kung abutin ng pagod, ng ulan, ng init, o kung nais makipaglampungan sa mga dahon.  
At kung mauuhaw ang mga halaman at puno ay aalon ang karagatan o kayay bubuhos ang ulan upang matighaw ang pagkauhaw.  Sisikat naman ang haring araw upang magbigay-init at sasabayan  ng hanging mahalumigmig  upang malamigan.  
Sa kamatayan ay may buhay.  Magsisilbing pagkain ng mga insekto ang mga patay na hayop at magsisilbing pataba ng mga halaman ang labi nito.  Ang insektong kumain ng patay na hayop ay magiging malakas makalilipad makagagapang makalilikha ng sarili niyang mapagsisilungan.  Ang matabang lupa ay pananahanan ng mabungang mga halaman;  yayabong at tutuluyan ng mga  ibon at ng iba pang sa himpapawid ay nakikiraan.  Kailangan ng mga halaman ang kamatayan ng mga hayop na nagpataba sa lupang sa kanya ay bumubuhay; Kailangan ng hayop ang mga halamang kanya ring pagkain na pang-araw-araw. Ito ang balikang relasyon ng kalikasan;  ang maging kapakinabangan ng isat isa upang mapanatili ang sirkulo ng buhay.
PAG-ASAM SA KABILA NG  KAWALAN
Nang itinakda ng Diyos na makapangyari ang tao sa lahat,  ipinagkaloob ng kalikasan ang lahat ng  kailangan ng tao  nang walang pagtutol kahit pa ito ay nagdulot ng kapahamakan sa siyang nagbibigay ng kapakinabangan. Ngunit ang anumang inaabuso ay nauubos o kayay nanghihina at kumukupas; at sa halip na itoy muling payabungin, palakasin at pakinangin;  pinalitan ng artipisyal at ang natitirang pagkalinga sa likas na yaman ay dahil sa itoy maaari pang pakinabangan; at ang mga hindi na itinuring na likas na bunga ng pagtungo sa kawalan. 
Nang pinatag ng mga tao ang mapunong bundok at kinalbo at ipinantay ito sa kabukiran ay nawala ang sumasangga sa mga along humahampas sa mga bundok  at sumasalo sa mga ulang iniluluwa ng kalangitan.  Ang dating nakikipag-ulayaw na mga alon at ulan sa bundok ng katatagan, at pinipigil ng mga ugat ng mga punong sabik sa kanyang lamig na hatid ay tumagos sa kapatagan at nagpakita ng pagluha na nagpalubog sa mga kabayanan.
Nang hinuli ng mga tao ang mga kidlat at ikinulong ang tubig sa mga dam, nalikha ng tao ang  elektrisidad na nagbibigay-enerhiya upang paandarin ang ibat ibang makinaryang makapagpapadali at makapagpapabilis ng produksyon.  Ginawang kombinyente ang pamumuhay;  samantalang walang pagkalinga ang sa may kaloob ng luho ay ibinigay. Sa sama-sama, sabay-sabay at walang kapahingahang paggamit ng elektrisidad ay nakaramdam ng pagkahapo ang mundong sa atiy kumakalinga. Sa tindi ng init na kanyang tinitiis, nabutas ang kanyang balat na nagbibigay-proteksyon sa mga nilalang na kanyang kinakanlong. 
Kung nakuntento sana ang tao sa pamamaypay o kayat pakikipag-ulayaw sa hangin sa halip na gumamit ng aircon o lectric fan  ngunit hindi!  Kung napagtiisan sana niyang maglakad nang mahaba-haba at itoy maybunga pang pampalakas ng katawan, sa halip na umarkila ng sasakyang bumubuga ng usok na nakapagpaparumi ng hangin  ngunit hindi!  Kung napagpasyahan sana ng tao na gamitin ang kanyang mga kamay at bisig sa pagkutingting at pagkukumpuni;  ang kanyang mga paat binti sa pagpedal at paghakbang sa halip na gumamit ng mga de susi at de butones na makinarya, disin sanay marami ang may hanapbuhay  na ang lakas ng isandaang nilalang ay di makasisira ng kalikasan kumpara sa iisang makinaryang oo ngat mas higit ang produksyon,  ngunit nang-agaw ng hnapbuhay, at kumitil pa ng maraming buhay ng likas nating yaman  ngunit hindi!
Kinasanayan na ng tao ang kombinyenteng pmumuhay na  tinatamasa ngayon.  May mangilan-ngilang   marahil ay ibig humakbang pabalik, urong-sulong, ngunit parang nahihiyang magpakabayani! Pagpapakabayani ang pagtatanim ng puno.  Nakahihiyang pumulot o pamulutin ng basura.  Sakripisyo ang pagpipigil sa pamimigil ng paninigarilyo. Nakahahapo ang paglalakad sapagkat kahit malapit lamang ang pupuntahan ay nagsasasakyan.  At sa halip na gumamit ng mga kasangkapang maaari pang paulit-ulit na gamitin ay bibili na lamang ng mga kagamitang minsan lamang magagamit, bastat wala nang huhugasan, wala nang liligpitin, bagkus, itatapon na lamang.
Ang isang kislot ng liwanag ay pag-asa ng mga taong nasa gitna ng kadiliman; ang isang patak ng tubig ay dagat ang katumbas sa disyertong puro buhangin; ang liwanag na di mapigil ay nakabubulag ng paningin; ang ulang walang patid, lumulunod ng pananim at gutom ang hatid.  Kung ganito ang iyong kalagayan, pagpapakabayani ba ang  humakbang nang  pabalik? 
Pagpapakabayaning itinuturing ang pagtungo ng mga ama o ina ng tahanan sa ibang bayan  dahil naisasalba nila ang ekonomiya ng bansa mula sa mga dolyar na naipapasok nila sa sariling bayan. Kahit giyera sinusuong  ng mga OFWs, di alintana  ang sariling kapakanan, dahil diumano, may naipapakain sa pamilya, kahit pa walang katiyakan kung hanggang kailan makaiiwas sa bala.  Sa pangingibang-bayan ay may oportunidad na nakikita upang tugunan  ang pangangailangan ng pamilya.  Ang isalba ang sariling pamilya sa kagutuman ay pagpapakabayani!  Ang gampanan ang responsibilidad bilang haligi o ilaw ng tahanan ay pagpapakabayani!  
Marahil ay gusto rin nating magpakabayani upang sagipin ang nag-iisa nating daigdig!  Hanggat may panahon pa!  Hindi kailangang umiwas sa bala!  Hindi rin kailangang iwanan ang pamilya!  Ang dapat, may adbokasiya!   Di dapat mag-urong-sulong Di dapat mag-agam-agam! Huminto nang saglit.  Tanggalan ng laman ang iyong isip.  Isandal nang banayad ang sarili.  Ipikit ang i mga mata.  Huminga nang malalim.  At sa muling pagmulat ng mga mata, mungkahi ko,  manindigang ito ay tupdin:
Sampung Utos Pangkalikasan
 Ibigin mo ang kalikasan, pangalawa sa Diyos at sa iyong sarili;
Huwag kang puputol nang pananim kung walang ipapalit;
Igalang ang mga karapatan ng mga likas na yaman;
Iwasan ang pagtangkilik sa mga kagamitang ngbubunga ng polusyon:  sa hangin, sa tubig,  o sa lupa man;
Itapon ang mga basura sa tamang pagtatapunan;
Panatilihing malinis ang sarili at ang kapaligiran;
Bawasan ang pagbili ng mga di kailangang bagay;
Gawing kapaki-pakinabang ang mga bagay na itatapon na maaari pang gamitin;
Paghiwa-hiwalayin ang mga bagay na nabubulok, hindi nabubulok at maging ang mga maaari pang iresiklo;
Maging mapanuri sa pagtangkilik;  mapamaraan sa paggawa; at  higit sa lahat mapagmahal sa Inang bayan!
Ngayon ay panahon ng  teknolohiya at pag-unlad.  Panahong ang lahat ay pinadadali at minamadali.  Maging ang panahon ay pinagmamadali.  Mabilis makamit ang anumang ibig, mabilis ding pinatatanda ang buhay ng daigdig.  Isang buton lang ang kapalit, at lahat-lahat ay makakamit.  Isang buton din lamang ang ipihit at lahat ay maaaring masawi.  Hindi nga bat nang nilukob  ng isang higanteng kabute ang langit sa Hiroshima at Nagasaki, tinawag man ang lahat ng kilalang santo ay di na napigil ang pagdating ng impyerno!
Kayat ngayon pa lamang, maging handa sana ang lahat na magbago.  Magsimula kay Ako, haplusin at gisingin si Sila, at mangagkapit-bisig Tayo. Mahirap mang humakbang pabalik, kung nasisilip na sigla ng mga sanggol na isisilang ay may pag-asang muling masisilayan ang  pagbagsak ng talon ng Hinulugang Taktak at makapagtatampisaw sa Ilog Pasig; muling  mayayakap ang hanging malamig na papawi sa matinding init ng araw at mga makinaryang  nakapalibot na sa daigdig; muling maririnig  ang sagutang huni ng ibong nagpapalipat-lipat sa mga punong masaya rin namang  nakikipaglaro. Isanib sa kasalukuyan ang buti ng nakalipas sa pagtanaw na may mayabong na  likas na yaman pa sa hinaharap.
BANAL ANG WIKANG LIKHA NG DIYOS
Nang pasimula pa lamang ng pagkakalalang, kasama ng mga kalikasan ang mga katawagan kung paano ito ngangalanan:  ang liwanag ay tinawag na araw, ang dilim ay gabi; langit ang itinawag sa kalawakan, lupa sa katuyuan, at dagat naman ang kapisanan ng tubig.   Wika ang nagtakda sa lahat!  Kalikasan ang itinakda ng wika ng Diyos! Banal ang wika at kalikasan, kaloob tangi ng Maykapal!
Kaya ngat  noong unay sinamba ng  tao ang mga puno, mga hayop, mga bundok, ang araw, ang buwan, at maging ang tubig at kalawakan!  At sa kanyang pagsamba, wikang may tinig, wikang may himig, wikang nagsusumamo, wikang nagsasaya, at wikang nagdadakila ang kaloob ng tao upang ang kalikasan ay magpatuloy sa biyayang ipinagkakaloob nito. 
Iisang wika ang ipinagkaloob ng Diyos sa tao.  Tanging wika na ang Diyos at ang tao lamang ang nagkakaunawaan.  Ito ang tanging tulay kung paanong kakausapin ng tao ang Diyos, kung paano ring kakausapin ng Diyos ang tao.  Hindi ng tao sa hayop; hindi ng tao sa halaman.  Hindi rin ng Diyos sa hayop; at  hindi ng Diyos sa mga halaman.  
Sa wikang kaloob ng Diyos sa tao, bumuo ang tao ng bagong lungsod at itinayo ang Tore ng Babel.  Ang wikang kanyang ginagamit sa pakikipag-usap sa Diyos ay ginamit niyang kasangkapan upang higitan ang sa kanyay naglalang.  Sa isang iglap ay binawi ng Diyos ang wika ng unawaan!  Nagkagulo. Nagkaawayan. At ang dapat sanang tore na bunga ng unawaan ay naging tore ng kalituhan! 
Sa saganang biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, hindi niya kailangang magbanat ng buto upang palipasin ang maghapon; kalikasan ang tumutugon sa araw-araw na pagkaing nagbibigay-lakas; nagbibigay-proteksyon sa lamig at init; nagtitighaw ng uhaw; at musikang nagbibigay-aliw sa pamamagitan ng paghuni  ng ibon, malamig na haplos ng hangin, at sa pag-indak ng dahon sa saliw ng lagaslas ng tubig na malayang namamalisbis sa mga batuhan. 
Sa kabila ng kabutihang-palad na tamasa ng tao, anupat nalinlang ang tao sa wikang kanyang narinig!  Nang kausapin si Eva ng palalong ahas sa gitna ng Eden,  pinili niya ang prutas na ipinagbabawal bunga ng kyuryosidad at sariling kapakinabangan.  sa halip na makuntento  sa biyayang nasa kanya ring palad.  Tinikman ang bunga ng kanyang kapangahasan.  Ganyan talaga ang kahihinatnan, kahit pa sapat ang naipagkakaloob ni Inang Kalikasan, tila kung ang wala at bawal ay  makamtan, ay siyang masasabing dagliang tagumpay ngunit habampanahong pagsisisihan. At  ang  saglit na  lasap ng sarap, nagpalayas kay Eba at Adan sa hardin ng pangarap.
Sa maling gamit ng wika ay naguho ang  ugnayan ng tao sa Diyos.    Sa  kamit na kapakinabangang pansarili gamit ang kalikasan ay panghabang panahong pagbubungkal at pagpapawis ang kapalit.  Sa kawalan ng responsibilidad na gamitin ang wika at kalikasan sa tamang paraan, taong may sala nito ang nagdusang tunay.    
Ngunit tunay na mapagpatawad ang Diyos sa tao.  Kung noong panimulang panahon ay biniyayan ng Diyos ng iisang wika ang mga tao upang ganap silang magkaunawaan, at ang hindi wastong paggamit dito ay nagbunga ng kapahamakan at pagkakawatak-watak,  sa pagkakawatak-watak ay wika rin ang nagbuklod.  May magkakatulad na  wika ang may magkakatulad na ugali, kapaligiran,  pananampalataya  at pakikipamuhay. At may mga katawagang natatangi para sa pangkat na kinabibilangan.  Ang mga kaalaman sa uri ng isda at lamang-dagat ay karaniwan sa mga naninirahan sa katubigan, samantalang ang mga katawagang pangkalupaan ay higit na batid ng mga nasa kapatagan; gayong ang sa mga hayop at halaman ay simple lamang para sa mga nasa kabundukan at kagubatan.  
Pinatunayan ni Conant na may  pepet vowel rule ang mga Ilocano; may R language ang mga taga-Rizal; mag-alopono ang /e/ at /i/ ng Tagalog at Hiligaynon; may ekspresyong ala, eh ang Batangas, ga ang Bicol at Visayas, at bang  sa halip na ang ang mga taga-Angono.  
Kinakapitan ng san ang ngalan ng mga hapon bilang tanda ng respeto; samantalang sa mga Pilipino, marapat na may po o opo ang pagtugon kung ang kausap ay nakatatanda.  Aspirado ang /t/ ng mananalitang Ingles-amerikano kung ang tunog ay nasa inisyal  na posisyon; gayong wala itong tinig kung bibigkasin naman ng Pinoy.  Tunay, makikilala sa dila ang magkakalahing  binubuklod  ng wika.
Ngunit ang wika ay isang bagay na likas na nagpapalit-palit.  Umaayon ito sa takbo ng panahong lumilipas at dumaraan din.   Itinatakda  ang wika ng  pangangailangan ng mga nilalang at nakaagapay ito sa  kung ano ang kalakaran sa pagpapatakbo ng kanyang kapaligiran.  Hispanisado ang mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila;  Amerikanisado naman, noong panahon ng Amerikano, sabi ni Panganiban.  
Nang Hispanisado ang mga Pilipino ay  kinutab ang mga puno at ginawang santo.  Sinamba ang mga punong inanyuan na noong unat binabale-wala at ginagawang panggatong lamang.  Ang mga bagay na libre o walang bayad, nang lumaon ay binibili nang itoy maanyuan.  May kapalit na buti ang pagyukod at pag-aalay ng indolhensya. Inalayan ng mga prutas at gulay si San Isidro Labrador, kasama  ang kalabaw ng magsasaka na tila isang bayaning tagapagligtas sa kagutuman.   Panalangin ng mga mananampalataya, mas masaganang ani (na sa mga ganid at hindi sa mga Pilipino  napupunta) ang sana ay makamit.  Anupat ang lahat ng nananalig at umuusal ng wikang-panalangin,  iisa ang pangarap  ang makabalik sa Lupa ng Eden,  sagana sa lahat ng bagay; walang gutom at walang pagod, lahat ay pawang masaya  kapayapaan ay walang hanggan. Ang Bayang nilikha ng Diyos sa banal na wikang kanyang ipinangusap.
 Nang Amerikanisado ang mga Pilipino ay nagbago ang wika nito. Pinalasap ang buting dulot ng language  of convenience kapalit ng language of identity.  Dolyar  at edukasyon ang bunga ng maalam sa bagong wika ng dayuhang mapagkandili, mapagpalaya at mangingibig ng demokrasya. Ang pagpapagamit ng wika ng mananakop sa Pilipinas na kanyang sinakop ang nagpatibay sa bigkis ng mananalita sa wikang kanyang gamit.  At higit itong mapang-alipin!  Higit na matibay ang epekto ng  ilang panahong pananakop ng mga Amerikano  sa Pilipinas, gamit ang wikang kinasangkapan;  kumpara sa tatlong daang   pananakop ng mga Kastila  na nagkait ng kanilang  wika sa mga Indyo.  
Sa kabila ng ganitong kalagayan  ay may tungkulin ang wikang mapanatili ang pagkakakilanlan ng kanyang lahi, mapalakas ang pagka-ako upang mapatibay ang kakanyayahan at kagalingang pagkamamamayan.  Ika ni Dr.Pineda sa tulang Pilipino: Isang Depinisyon: 
Ilukanoy Ilukano,
Kapampangay Kapampangan
Bikulanoy  Bikulano, 
Pangasinay Pangasinan
Ang Pilipinoy Pilipino!lano, pangasina', ako'sa at pagsulat


Ang malakas na rehiyonalismo at ang matibay na pagka-Pilipino ang   pinakamalakas na sandata ng bansa upang   mapanatili ang sariling identidad.. ang sariling kaakuhan.   Binubuklod ng wikang Ilokano ang mga Ilokano; ng Kapampangan ang mga Kapampangan; ng Bikolano ang mga Bikolano; ng Pangasinense ang mga taga-Pangasinan;  at ng wikang Pambansang Filipino ang mga Pilipino.
 Malayo  na ang nilakbay ng Wikang Filipino.  Mula sa kawalan ng katawagan dito bilang wikang pambansa at masalimuot na pagpapatanggap bilang tagapagbuklod ng lahing pinaghiwa-hiwalay di lamang ng mga kapuluang binuklod ng tubig, kundi maging ng daan-daan ring wika na dito ay ginagamit,  sa katawagang Tagalog, Pilipino at Filipino, sinasalita  at kinikilala na di lamang mula sa pinakahilaga at pinakatimugang bahagi ng bansa, kundi maging sa mga kapit-bansa. 
Habang pinagkakakilnlan ng lahi ang unang wika, pinag-uugnay naman ng iba pang mga wika ang mundo.  Sa pamamagitan ng sariling  wikang nakikipag-ugnayan sa mga wika ng kalapit-kalayong-bansa,   nakilala ng buong mundo ang Pilipino; at kinikilala ng Pilipino ang buong mundo. Sa ganito napananatili ng wika ang kanyang buhay sa patuloy na pakikipagsalimbayan sa ibat ibang wikang pinatitibay ng kalikasang kanyang pinaghahanguan ng hininga at buhay.
Ang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga kalapit-kalayong mga bansa ay naghahatid sa bagong anyong Filipino.  Ito ang takda sa wika.  Ang patuloy na magbago.  At sa pakikisabay sa  pagbabago, napananatiling  buhay at nakikiayon sa sirkulo.   
ANG UGNAYANG WIKA AT KALIKASAN
Kung ang mga bagay sa paligid na nilikhaan ng katawagan ay lumilipas at nagpapanibagong sibol; at kung  maging ang tao na pangunahing gumagamit at lumikha ng wika ay namamatay, nangangawala rin ang mga katawagang panumbas sa likas na yaman, na ngayon ay halos di na rin masilayan.  Nang walang pakundangang harangan ng mga iskwater  ang mga batis at sapa upang pagtayuan ng kanilang matutuluyan, nagmistulang kanal ang daluyan ng tubig, kanal na pinagtapunan ng anumang ibig.  Umitim ang tubig. Bumaho.  Nagbara. Hanggang sa tuluyang naglaho.  Naglaho ang batis. Naglaho ang sapa.  At kapag tinukoy ang kanal, ang nasa isip ay tubig na marumi, mabaho, at nagdudulot ng sakit. 
  Hindi na kilala ang mga katawagang talon, at bukal na libreng nagkakaloob ng ginhawa at kalakasan; bagkus hinalilinan ng dam at reservoir na sa tuwing aangat o kukulangin sa timpla ng tubig ay nagdudulot ng kaba.  At ang bawat patak, may presyong katapat.  Kung walang maipambayad, dilat sa gutom at uhaw ang mararanasan.   Simple ang pahiwatig sa itaas.  Naglalaho ang katawagan ng mga nangawawala ring kalikasan.  Kung nangawawala ang kalikasan, magbubunga ng kasalatan.
Masasalamin ang pahiwatig ng Diyos sa tao.  Para sa tao ang wika.  Para sa tao ang kalikasan.  Tao ang mangangalaga sa wika.  Tao rin ang mangangalaga sa kalikasan.  Kung wika ay mapababayaan tao ang may responsibilidad.  Kung kalikasan ay mapababayaan tao rin ang may likha ng kapahamakan.  At kung suliranin ay kakaharapin,  tao rin  ang papasan ng krus ng kasalanan. 
At sapagkat nilalang ang tao na di lamang bibig at sikmura ang taglay;  kasama sa arkitekto ng pagkakalalang sa kanya ang pagtataglay ng dalawang kamay, dalawang mata, dalawang butas ng ilong, dalawang tenga, dalawang paa, dalawang hemispera ng utak at isip at pusong  titimbang  sa mabuti at masama; maliwanag at madilim, maliit at malaki; masarap at mapait; malungkot at masaya.
Sa uganayang tao at kalikasan, ang taong makapangyayari sa lahat ay huhuli ng isda na kanyang kakainin upang siyay maging malakas;  kung siyay malakas na ay maaari niyang diligin ang mga halaman, tistisin ang mga puno at pangalagaan ang mga hayop.  Ang mga puno at halaman ay magkakaloob ng hanging mabuti sa katawan at bungang magbibigay-nutrisyon sa kaninuman.  Sa mga hayop matatagpuan ang iba pang pantuwang upang malunasan ang gutom.  Sa pagtutuwangang ito, mag-uusap ang mga tao kung paano pangangalagaan ang lahat.  Kung mag-uusap, wika ng unawaan ang gagamiting kasangkapan.  
Ganyan din dapat maging balanse ang wika at kalikasan; dalawang pananaw ang nararapat na  tingnan: pananaw-wika at pananaw-kalikasan.  Kung pananaw-wika ang titingnan, marapat na sapat ang mga katawagan at tuntunin sa paggamit at pangangalaga ang kailangan.  Kung may pagkilala, marunong   gumamit, kung may karunungang gumamit, marunong dapat na magmalasakit.  At kung pananaw-kalikasan ang sisipatin, hindi lamang ang biyayang dulot nito ang nararapat na tingnan;  kundi maging ang epekto ng  lakas ng taong sa kanya ay itinakdang mangalaga.  Ang epekto ng dalawang kamay, dalawang paa, dalawang mata, dalawang butas ng ilong , dalawang hemispera ng utak, at tagapagbalanseng puso at isip na taglay ng tao.  Ang buti kayang dulot ng kalikasan sa tao, ay buti ring dulot ng tao sa kalikasan?   Sapagkat kung hindi,  ang kakulangan ng pananaw sa isa, ay magdudulot ng panganib sa dalawa!  Sa kalikasang nagkakaloob ng pangangailangan!  At sa taong may sapat na isip na siyang binibiyayaan nitong kalikasan.  
Wika ang isa sa mga dahilan kung paano pangangalaagan ang kalikasan, Dagdag ang mabuting puso ng nilalang at tamang pagpapahalagang sa kanya ay naikintal, walang imposible sa  dakilang layuning muling matamo ang balanseng biyaya ng kalikasan. Ang pagpapahalaga sa pangangampanya upang magkaroon ng wasto at sapat lamang na paggamit at makatotohananag pagmamalasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng wikang unawa ng lahat,  mawawala ang kamangmangan; at ang mga bagay na di alam o di inaalam ay tiyak na mapagkakasunduan.  At dahil may pagkakasundo, maaari nang mangarap na makakamit muli ang paraisong bukas. 
Huwag ring kalimutan na tanging Pilipino ang magmamalasakit sa likas na yaman ng Pilipinas, ipanalanging kamtin natin ang masaganang bukas.  Kaya sa tinatangi ring wikang alam ng lahat,  nawa ay tumimo sa bawat puso, ang panata ng isang Pilipinong may pag-ibigs a bayan, sa wika at sa kalikasan:
Panata ng Makabayan sa Matapat na Pangangalaga ng Kalikasan 
(hinalaw sa Panatang Makabayan)
Iniibig ko ang Kalikasan,
Ito ay aking iingatan;
Ito ay aking pangangalagaan;
Akoy kanyang binubusog at pinasisigla
Upang maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang.
Bilang ganti ay iiwas akong pumutol ng mga puno at halaman kung walang kapalit na pagtatamnan;
Pangangalagaan ko ang mga hayop at insektong kapaki-pakinabang;
Tutuparin ko ang pag-iwas sa paggamit ng styrofor at mga kagamitang nakabubutas sa mga ulap at kalangitan;
Paglilingkuran ko nang walang pag-iimbot si Inang Kalikasan ;
Sisikapin kong maging kasangkapan sa pagpapanatiling malinis ng kapaligiran, sa isip, sa salita, at maging sa gawa.
Harinawang isang masagnang bukas ang sa ating lahat ay naghihintay.

 Author: Unknown

LIHAM PARA SA OJT MASSCOM TAGALOG

LIHAM PARA SA OJT MASSCOM TAGALOG


Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika
Kagawaran ng Filipinolohiya
Sta. Mesa, Maynila


Ika- 9  ng Agosto  2010 


Ms. Sylvia Perez,
National Broadcasting Network
Visayas Avenue, Diliman, Quezon City

Mahal na Ms. Perez:

Pagbati ng kapayapaan! 

Isa ang National Broadcasting Network (NBN)  sa mga pangunahing kompanya kung saan ang mga mag-aaral ay nahahasa nang husto sa kanilang kakayahan sa pagsasanay sa larangan ng Komunikasyong Pangmadla. 

Bilang tugon sa kahingian ng asignaturang Filipinolohiya sa Larangan ng Komunikasyong Pangmadla (FILI 3143), magalang pong hinihiling ng mga nakalagda na mapahintulutan ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ng programang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (ABF), ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na makapagmasid at makilahok sa ibat ibang gawain ng inyong tanggapan sa loob ngn 150 oras. Ang mga mag-aaral na nabanggit ay sina:

Christo Rey S. Albason
Fe  B. Ancheta
Daryl John J. Daro
Alyssa Marie N. Hassan

Ang mga naturang mag-aaral ay napatunayang responsable, maasahan at handang makiisa sa mga gawaing maaring maitang sa kanila.

Pauna na po ang aming pasasalamat sa pagbibigay pansin sa kahilingang ito, lalo na po sa pakikiisa ninyo sa aming programa. Kalakip po nito ang mga kurikulum bita ng mga mag-aaral.

Lubos na gumagalang,




Prop. Robert Baldago
Tagapayo


Binigyang pansin:



Prop. Perla S. Carpio 
Tagapangulo, Kagawaran ng Filiponolohiya


PAGSUSURI NG MGA TULA

Pagsusuri ng mga tula

ni Reymond Cuison

ABF III-I


Ipinasa kay

Prof. Rogelio OrdoƱez

(1)

“Sa Dagat Ng Apoy Ng Mga Bendita”

 sa wordpress.com na plumaatpapel ni Rogelio L. OrdoƱez (2007)(Tula)


Sa dagat ng apoy ng mga bendita

tayo’y magmimisa…

habang iniluluwa  may lasong ostiya

sa mga simbahan at mga kapilya

ating itataas  kalis na bungo

at bubusan ng sariwang dugo

santong rebulto at mukha ni kristo. 

sa dagat ng apoy ng mga bendita

tayo’y magmimisa…

pulpito natin ang puso ng masa

bayaang magsermon tabak at pulbura

papagkumpisalin lahat ng may sala

piliting lumuhod ang pari at mongha

pahaliking lahat sa paa ng indio

himurin  sugat ng mga anino.

sa dagat ng apoy ng mga bendita

titipunin natin namuong luha ng mga kandila…

bawat estampita’t mga kandelabra

sa altar ng dusa

butil ng rosaryo sa mga sakristiya

mailbag na kalmen sa dibdib ng masa

at bibliya ng pera 

ipambabala sa nalikhang kanyon

ng pakikibaka. 

sa dagat ng apoy ng mga bendita

bayaang  bungo’y mabiyak

habang nagmimisa…

isabog  dugo at utak sa mga kalsada

sa bukid at lungsod

sa burol at bundok

sa lupang binaog

ng salot na krus ng ubaning santo

at ng mga ganid sa mga kumbento. 

sa dagat ng apoy ng mga bendita

tayo’y magmimisa…

bendisyon ng tabak at koro ng bala

himno ng pulbura’t mga dinamita

wawasaking lahat mga bartolina

ng layang kinulong ng puting demonyo

at magbabanyuhay lahing Pilipino. 

sa dagat ng apoy ng mga bendita

dadasalin natin marahas na nota ng pakikibaka…

di na tayo luluhod na muli

habang nagmimisa

upang maglagablab  mga bulaklak

upang  amiha’y humalakhak

upang  talahib ay umindak

at sa basbas ng ngitngit ng lintik

iwawagayway natin  nagdurugong bandila

sa bawat dampa ng mga inalila

bawat luha’y magiging punglo ng paglaya! 


/ Sunday Inquirer, Enero 25, 1995

Ni Prof. Rogelio OrdoƱez


(Pagsusuri)

Muling bumalot ang kahindik-hindik na pagmamani-obra ng mga bendisyon ng mga Kato(k)lisismo, mula sa planadong Messia hanggang sa alagad niyang nagpapakalat ng Pinabuting balita. Ilang dekada nang tumanggap ng benipisyo ang mga kaparian; ilang dekada nang umuulit ang siklo ng pagpapalaganap at pambubulag; ilang dekada nang umiinit sa kamay ng simbahan ang tinangang paniniwala sa mga Santo’t espirito na patuloy na nagmumulto sa isipan ng mga tao, ang pinabanal na larawan, pinabangong pangalan,at dinakilang kapanyakan ng kanilang hinirang…

Sa “Sa Dagat na Apoy ng mga Bendita” inilabas ng may akda ang sigaw ng rebolusyon. Sinangkutsa ang mga pinabanal na katawagang pansimbahan at hinalo sa maanghang na pag-aalsa. Dito’y nanaig ang simbolismo’t rasyunal na pagtingin, gaya ng ilan:  Ang pagluluwa sa may lasong ostiya na simbulo ng pagtanggi at pag-papalagay sa masamang dulot ng pagkain ng ganitong paniniwala; Ang pagtaas ng kalis na bungo at pagbuhos ng dugo sa santong rebulto at mukha ni kristo na maaaring pagpapakita sa  mukha ng katotohanan ukol sa pagpaplano ng mirakulo ng pagpapanggap; Pulpito ang puso ng masa gayong lubos ang panggagamit ng simbahan sa lipunan ay ba’t di naman papaghariin ang damdamin ng masang lumalaban; papagkumpisalin at paluhurin mga pari at mongha palabasin sa panty ng panginoon ang nagkukubling mga alagad ng pinabuting balita, sa gayon mabigyan man lamang ng hustisya ang hindi mabilang na pagkakasala ng mga ito sa bayan/ sa lipunan- ilang nobela kaya ang mabubuo sa buhay ng bawat isang kaparian; Estampita’t mga kandelabra sa altar ng dusa,butil ng rosaryo, malibag na kalmen at bibliya ng pera ang ipambabala sa nilikhang kanyon ng pakikibaka, itaboy pabalik sa kanilang mukha ang instrumentong kanilang pananggalang, na patuloy ibinambubulag sa lipunan; krus ng ubaning santo ilang libong taon ng naghihintay ang pinaasang kaluluwa, sa langit hindi malamang makita si pedrong may tangan ng susi sa pangakong mansyon sa kalangitan, pagkat naririto pa siya sa lupa, nagsasabong; ang layang kinulong ng puting demonyo  bantad ang pagbabawal ng simbahan sa simpleng kalayaang nagpapakita raw ng kaimoralan, simbahang hindi nagbabayad ng buwis, simbahang may sungay na sa politikang usapin, ang pagbabalatkayo ng mga may akda ng kaputian ay nawa’y matanggalan ng maskara nang malantad sa masa ang likas nilang bunto’t at sungay; at ang ilan pang halimbawa ng mga ginamit na simbolo sa tulang ito’y nagpapakita ng paglaban sa mahiwagang bendisyon ng pananampalataya.

Bakit hindi ang pag-aalsa? Gayong ilang libong taon na tayong minumulto ng mga anito; ng mga santo, ng mga papa’t pari sa mga kapilya’t kumbento; at matatakot nga tayo sa kaparusahan ng hindi pagsunod sa mga ito. Matatakot muli sa multong gawa-gawa rin lang ng malikhain, mapanlinlang na kaisipan… ngunit hindi mananatiling bulag ang mga tao, sasaan pa’t makikita rin ang pagbabalat kayo ng mga benduho, ng mga banal, ng mga kapariang negosyante at kriminal. 

Nalunod na tayo sa kanilang taktika, at mula pagkasilang itinuturok na satin ang bakuna ng Pinabuting balita, pagbabayad natin ng utang na loob sa pagpapakilala nila sa atin ng nag-iisang Messia ay pag-iimpok naman nila ng masaganang benipisyo’t salapi sa kaban ng kanilang bilbil at bulsa. Hindi nakapagtatakang kung sa pagtatantya ay umabot ang pera ng simbahan noon sa $8,000 million, at sa kasalukuyan ay $35 billion na. napakalaking halaga para sa bansang Pilipinas na patuloy sa paghihikahos. Subalit anong gagawin ng simbahan sa salaping ito. Baka iyan na mismo ang ipambili nila ng mansyon sa langit upang ang mga kaluluwang ilang dekada ng naghihintay kay san pedrong may tangan ng manok at susi ay hindi na magdarasal ng mararahas na nota ng pakikibaka… 


(2)

Kung ang tula ay isa lamang”

Ni Jesus Manuel Santiago


(Pagsusuri)

Ang tula ay damdaming nakapaloob sa mga piling salita. Sinasabing ang tula ay maaring masulat na ‘sang upuan lamang, sa madaling salita’y  madaling gawin. Ayon nga kay Alexander Sinitsit kapag nakasulat ka ng tula ay para ka lang isang batang nang-aagaw ng laruan sa kapwa mo bata, kapag nakasulat ka naman ng isang kuwento ay para kang mandurukot o snatcher, pero kapag nakasulat ka ng isang nobela para ka ng Bank rubberier.  Pero hindi lahat ay ganito ang pagtingin sa tula. Ang tula ay isang uri ng ating mayamang panitikan, masarap man o manibalang ang lasa ay isa paring obra. 

Ngunit paano nga kung ang tula ay isa lamang pumpon lamang ng mga salita? Gaya ng paksain sa tulang ito, “ kung ang tula ay isa lamang” sa unang linya palang sinabi na kung ang tula ay pumpon lamang ng mga salita ay mabuti pang bigyan na lang siya ng isang taling kangkong o bungkos ng mga talbos ng kamote na sa kung saan lang tumutubo ngunit mas makabubusog sa kanyang tiyan.

Ang ganitong mambabasa ng tula ay uhaw sa karunungan at gutom sa kaalaman. Gayon nga’y ang sikmurang gutom ay walang ilong at mata. Kaya’t hindi mapanglililo ng mga mababangong salita, magagarbong taludtud at mahuhusay na paghahabi ng wika. Masarap ngunit hindi nabubusog.

Anong damdamin nga ba ang makapupukaw sa bayan? Binubulag ng sistema ang mga tao, kaya’t  kay husay at mangyaring mabuhay ang mga tulang naglalantad ng katotohanan, lumalaban sa inhustisya at nagmumulat sa piniringang mata ng masa. Sa tulang, “ Sa Napakaingat na makata” ni Prof Rogelio Ordones ay may puntong: ang makatang nagtatago ng katotohanan at takot na magpalaganap nito’y walang kahihinatnang manunulat, walang lugar ang karuwagan sa isang mahusay na manunulat. Maraming sakit ang lipunan, maraming suliranin ang lipunan, maraming dapat na ihayag, patotohanan, at iulat sa bayan. 

Kaalinsabay ang sustansyang hinahanap sa isang magaling na tula. Mensahe ang pinahahalagahan ng isang manunulat, bagamat nakatutulong rin ang porma sa kasiningan ay hindi ito ang dapat mamayani. Yung mensahing mananatili o uukilkil sa kaisipan ng mga babasa. Yung mensahing may sustansyang hindi basta basta lang mawawala sa gunita. Yung mga tula sa pag-ibig o romansa, tumatagal ba sa panahon? Hindi. Parang making love rin, saglit lang. subalit ang mensahing maglulunsad ng pagbabago, ng pagkamulat, ay mananatili hanggat ang lipunan ay may sintomas ng ganitong sakit.

 Lunsuran ng masustansyang tula ay ang mayamang minahan ng brilyante ng karunungan -ang masa. Para sa mambabasa kung bakit tayo sumusulat, at ang kalakhang mambabasa ay ang karaniwang masa. Sa gayon ang bawat tula ay hindi na isa lamang pumpon ng mga salita. Mas malinamnam pa sa anuman, makakain, malulusaw sa tiyan, ngunit hindi ilalabas ng butas sa puwetan.



Kung ang tula ay isa lamang

Ni Jesus Santiago


Kung ang tula ay isa lamang 

pumpon ng mga salita, 

nanaisin ko pang ako'y bigyan 

ng isang taling kangkong 

dili kaya'y isang bungkos 

ng mga talbos ng kamote 

na pinupol sa kung aling pusalian 

o inumit sa bilao 

ng kung sinong maggugulay, 

pagkat ako'y nagugutom 

at ang bituka'y walang ilong, 

walang mata. 

Malaon nang pinamanhid 

ng dalita ang panlasa 

kaya huwag, 

mga pinagpipitaganang makata 

ng bayan ko, 

huwag ninyo akong alukin 

ng mga taludtod 

kung ang tula ay isa lamang 

pumpon ng mga salita.


(3)

“MAGIC”

Ni Prof. Arlan Camba


ibinistay sa ilusyon

ang nagitlang mga mata;

haka-hakang kinabaka

ng magulat sa dalumat

ang bigla mong pagkawala,

'di mahanap sa apuhap

kung saan ka nagpunta

'di makita sa hinagap

ang nadurog na gunita


'di ka man lang nagpaalam;

nang humilam sa paningin

ang biglaang pagkaparam

huwag naman...

huwag naman...

nakatitik, nakatatak

sa lapida ng labanan

sumipot kang sementado

sa loob ng isang dram!


(Pagsusuri)

“MAGIC”

Ni Prof. Arlan Camba


Mahika ng pagkawala. At sa pagkakataon na ito hindi kulay ng matatamis na ngiti ang kinukunla ng bawat salita, hindi muna ang pagkamangha. Kundi ang limos na awa. Muling umukit sa aking balintataw ang pagkawala ng isang kilalang babae – si Ruby Rose Barameda, matapos ang dalawang taong  paghahanap ay natagpuan sa loob ng dram, nakasimento. Isang karumal dumal na pagpatay, isang krimeng patuloy na nagaganap sa lipunan. Sa mga inusenteng buhay na tinutultukan ng mga maiitim ang budhi, ng mga walang sinasanto, ng mga demonyo ang pagkatao.

Sa mga pagkakataong naaalala ko ang pagkawala ng ilang mga kababayan, sa panahon pa ng rehimeng Marcos sa panahon ng batas Militar. Ang mga hanggang ngayong hindi pa nahahanap na mga Desaparacidos, na parang mahika rin, nawala, walang bakas, walang ibang alingasngas na narinig na tila may kung anong hokus-pokus ang gamit ng mga mahikero upang maglaho na lang na parang bula ang mga buhay.

Ang tulang itong nagpapaalala sa kung paano nagiging mapait ang mga pangungulila. Matapat sa kaisipan. Payak at madaling maunawaan ang damdaming nakapaloob.  Sumasaglit sa isip ko ang tulang “Sa Bayan ni Juan” ni Prop. Ordones tungkol ito sa mga nangyayari sa mga taong makabayan na lumalaban para sa bayan na isalampak-bugbugin, pahirapan, kaladkarin, pahirapan, at pagsamantalahan sa bayan ni juan ay hindi parin nawawala sa lipunan, pauli’t ulit. Iba’t iba lang ang dahilan, iba’t ibang pagkakataon.


(4)

“SONA Noon at ngayon sa Republikang mamon”

Ni Prof. Rogelio OrdoƱez

(Pagsusuri)

Bagong kasaysayan ang gumuguhit sa bansa sa pagbabago ng administrasyon.  

Isang salitang “SANA” ang nilalaman ng tula. Matipid ngunit nandoon  ang damdamin ng paghahangad sa tunay ngang pagbabago, ng tunay na daang hindi baliko, ng hindi pagdaan sa dating daang binago lang ang katawagan at ginawang ‘Tuwid na daan’. SONA ngayon? Naganap ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong  Benigno Aquino III noong ika-26 ng Hulyo, 2010 sa Sandigan Bayan. Naging maditalye ang paghahain  ng pangulo sa  imbentaryo para sa kasalukuyang kahaharapin; ang naipamanang problema at ang mga tagong iregularidad ng nagdaang administrasyon.

Saan na nga ba tayo? noong nakaraang administrasyon ay kumakalat ang mga linyang, “Ramdam na ang Kaunlaran”. Bagay na hindi masakyan ng masa, sapagkat hindi naman pag-unlad ang naranasan ng mas maraming pilipino kundi ang lalong paglala ng kanilang sitwasyon, ang pagkakalugmok sa kahirapan.  

   Nagkaroon nga ba ng pag-unlad? Marahil hindi nga isang panlilinlang ang patalastas sa telebisyon na umangat ang GNP. Kaya nga marahil nagngangalit ang kuponan ni dating pangulong Arroyo Sa mga nasabing katiwaliang naganap sa kanyang pamumuno; wala raw sapat na batayan ang mga akusa ng pangulo, isa raw na gimik ang litanyang nabanggit at  walang katotohanan ang mga naglahong pananalapi ng bayan, ang mas lumaking 196.7 billion na utang, ang  hindi naabot na kuleksyong tinatayang 23.8 billion pesos, at ang nagastos naman na lumampas na sa kaukulang budget para sa taong 2010. Magkano na lang ang pundo ng pilipinas?  Hay,  kung tatanungin kaya natin ang pangulo na may lie ditector na nakakabit sa kanyang bunbunan ay sasagutin niya kaya ang tanong kung saan napunta ang pera?  (kung tulad ng karaniwan ay hindi siya magsabi ng katotohanan, lagyan natin ng kuryente yung kable ng lie ditector!) kung nakatira kaya kami sa distrito ng Pampangga masasagot ko kaya ang aking katanungan? Naglagak daw kasi  doon ng malaking pundo ang dating pangulo. Kung doon nga ako nakatira sakaling bumagyo nga bigla ay hindi kami masyadong maaapektuhan di tulad noong panahon ni pepeng  at ondoy na nariyang nalubog ang lahat ng damit namin, nawalan ng makain, at natulog ng basa!  At nakainom ng malaputik na tubig ng NAWASA? Ayos na nga yung maputik na tubig kaysa sa wala talaga sa kabuuan na mainom na tubig galing sa NAWASA?  At ang ilan pang nakaririnding balita ng mga hindi marapat, at makatwirang  proyekto ng dating rehimen, ang priority safety project; ang mga piling piling nakakuha ng benipesiyo na hindi yata kabilang sa mga midnight appointies; ang katiwalian sa masunuring NAPOCOR; ang pagbili sa naluluging operasiyon ng MRT, ang pundo ng NFA at ang ilan pang pahimakas ng maling kalakaran… 

Ang mahalaga daw ngayon ay kung saan tayo dadalhin ng bagong rehimen, ano-ano pa ang mga inaasahang tugon sa lumalalang krisis ng ating lipunan?  Marahil kung maihayag nga ng may pagmamahal sa bayan ng bagong Truth Commision sa pangunguna ni Chief Justice Hilario Davide, ang  mga katiwaliang ito, baka sakaling maging mas maayos ang bayan kahit papaano… magkaroon ng pagbabago, na  kukonti na kahit papano ang mga tiwali!  Nasa mahusay na layunin naman si P-noy , na pabor sa karamihan, na pabor sa interes ng mga mamamayan… sa gayon walang dahilan para hindi tayo umangat. Kung magtutulungan talaga, una sa pagiging tapat ng namumuno at sunod-sunod na ‘yan. 

Ang mahalaga ngayo’y kung paano bibigyan ng sulosyon ng pangulo at ng kanyang rehimen,  ang mga nasabi/nabanggit na suliraning kinakaharap natin.  Parang nanuod tayo ng teleserye na pang primetime sa SONAng naganap,  yung tipong aabangan natin ang susunod na eksena? Ano kaya ang mangyayari sa bayan? Sa pilipinas? Hindi kaya magbago ang pangunahing tauhan, sana hindi nakabase sa kung anong iscript lang ng mga writers at director ang masunod, ang maging batayan ng kanyang pamamalakad. 

Sana’y magkaroon nga ng tuwid na daan sa bagong administrasyon, sa gayon ay maiahon naman ang lumpong pagkatao ng mga pilipino. At masabi natin ng taas noo sa mundo na ako. Ako ay ang umuunlad na Pilipino. Sana.

  Sa unang SONA ni P-noy may pagkakaiba ba sa ilang SONAng narinig na natin sa mga nagdaang pang(g)ulo ng pilipinas na naghain ng kanilang  mga pangarap, plano, at paraan kung paano uunlad sa kasadlakang kinakaharap ang pilipinas.  Sana hindi lamang pagbabalat kayo ang mga pahayag, magaling sa pagkuha ng damdamin ang bagong pangulo. Sana naman matupad ang mga pagbabagong nabanggit sa kanyang Sona. SANA. Sana nga’y hindi natin malaman na ang pang-uuto na ito sa atin ng administrasyon ay  hindi isang taktikam ng muling pambibilog lang sa mukha ng Republikang mamon.


(5)

O, Inang Kalikasan

-Anthony Barnedo

Jan. 6, 2008


Ninais kong umakyat ng isang mataas na bundok

Umiiwas sa nakakaasiwang maitim na usok

Manatili sa paraiso't punan ang pagkasabik

Sa Inang Kalikasan na maaaring makahalik.


Ako'y tutungo sa isang napakadilim na daan

Lilisanin ang naghihikahos at mahal kong bayan

Maglalakbay para sa hinahangad kong katuparan

Marating ang magandang pisngi ni Inang Kalikasan.


At nakita ko ang liwanag sa isang hatinggabi

Tila alitaptap sa kabundukan ay humahabi

kamangha-mangha pagsalubong, ito'y di ko mawari

O, Inang Kalikasan, Paano nga ba ito nangyari?


Ako ay di mapangiti sa pagsapit ng liwanag

Itong aking natatanaw ay sadyang kahabag-habag

At sa gitna ng kabundukan, 'tong puso'y nabagabag

O, Inang Kalikasan, Ito ba ang iyong tugatog?


Kasuklam suklam na larawan itong pinagmamasdan

Ganito na ba ang tao sa kanyang sarili bayan

Naglalakihang istraktura't sangkaterbang tahanan

Nasaan na ang kagubatan, O, Inang Kalikasan.


(Pagsusuri)

O, Inang Kalikasan 

Ni Anthony Barnedo

Isang Tula para sa kalikasan. Pag-aalay at pagninilaynilay sa kapaligiran, napapansin kaya natin ang pagbabago nito. Ang wagas na pagmamahal ng isang manunulat sa kanyang kalikasan ay nakagagalak na pakinggan, kahit papano’y ang batid niyang may malaking gampanin ang tao sa kanyang tinitirahan. Kung ilalarawan natin sa isipan  natin at sa dadamahin ng ating puso ang paghihirap ni inang kalikasan ay maririnig natin ang kanyang daing. Ang pagsasamantala ng mga tao, lalo na ang mga ganid na kapitalistang ginawang pagkakapirahan ang likas nating yaman, higit ang pabubukas ng mga namumuno sa lipunan ng 100% pag-aari ng mga dayuhan. Ang pilipinas ay nagiging  bakasyunan na lang ng mga dayuhang may pag-aari dito. Ngunit ang karamihang Pilipino ay wala man lang sariling lupa sa pilipinas. Sino ba ang dayuhan, tayo ba o sila? Mas malawak kasi ang magmamay –ari nila sa lupain ng mga Pilipino.  Na nagiging daan naman ng malawakang pagkaubos, at pagkasira ng ating likas na yaman, n gating kapaligiran.

Ang pagwawaldas at pagkamkam sa mahahalagang yaman nito at pagyurak sa natural na kagandahan ni Inang Kalikasan. Ang patuloy na illegal at legal na pagpuputol ng mga puno. Hindi man uso ang kalbo sa ating henerasyon ay walang magawa ang kabundukan. Patuloy at patuloy ang pagkalbo sa mga ito. Gayun din ang pagsusunog ng  daing luntiang kaparangan,  gayun parin upang gawing hasyenda ng mga ganid sa salapi, at upang patirhan lang ng kanilang mga alagang mga hayop (livestock) , kung alam lang nila na ang livestock na ito ang pangunahing  dahilan ng global warming o 70%  sa kabuuang maliban sa mga pulusyon, usok at paggamit ng mga may C0C gas na nakabubutas n gating ozone. Ang pagtatapon ng basura ng mga responsableng Pilipino sa mga ilog at karagatan ay siyang tagapagsira ng ating yamang tubig, higit lalo na kapag may Oil spill sa karagatan, patay lahat ng mga hayop. Kung ikokonekta lang natin lahat ng mga pangyayaring o ang mga suliraning kinakaharap natin ay makikita natin na ang tanging may dahilan nito ay ang mga Kapitalista, ang mga Negosyanteng salapi lamang ang  mahalaga sa kanila.

Ang pagmamalasakit sa kapaligiran ay magandang bagay. Gaya ng tulang ito, na siyang pagmamalasakit sa Inang kalikasan.


ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...