LIHAM PARA SA OJT MASSCOM TAGALOG
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika
Kagawaran ng Filipinolohiya
Sta. Mesa, Maynila
Ika- 9 ng Agosto 2010
Ms. Sylvia Perez,
National Broadcasting Network
Visayas Avenue, Diliman, Quezon City
Mahal na Ms. Perez:
Pagbati ng kapayapaan!
Isa ang National Broadcasting Network (NBN) sa mga pangunahing kompanya kung saan ang mga mag-aaral ay nahahasa nang husto sa kanilang kakayahan sa pagsasanay sa larangan ng Komunikasyong Pangmadla.
Bilang tugon sa kahingian ng asignaturang Filipinolohiya sa Larangan ng Komunikasyong Pangmadla (FILI 3143), magalang pong hinihiling ng mga nakalagda na mapahintulutan ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ng programang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya (ABF), ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na makapagmasid at makilahok sa ibat ibang gawain ng inyong tanggapan sa loob ngn 150 oras. Ang mga mag-aaral na nabanggit ay sina:
Christo Rey S. Albason
Fe B. Ancheta
Daryl John J. Daro
Alyssa Marie N. Hassan
Ang mga naturang mag-aaral ay napatunayang responsable, maasahan at handang makiisa sa mga gawaing maaring maitang sa kanila.
Pauna na po ang aming pasasalamat sa pagbibigay pansin sa kahilingang ito, lalo na po sa pakikiisa ninyo sa aming programa. Kalakip po nito ang mga kurikulum bita ng mga mag-aaral.
Lubos na gumagalang,
Prop. Robert Baldago
Tagapayo
Binigyang pansin:
Prop. Perla S. Carpio
Tagapangulo, Kagawaran ng Filiponolohiya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento