March 25, 2012
Haribol! nilaanan ko ang sarili ko ng tatlong minutong katahimikan, pumikit nang dahan-dahan, taimtim na bumigkas ng salita, "Focus!". Ang gulo ng buhay ko ngayon, kulu-kulubot, buhol-buhol. Basta, parang binagyo ng trouble kahit summer na! Wew! Andami ko nang naiisip na lugar na pwedeng puntahan, pagliwaliwan, paglalakwatsa... minsan naglalakbay na nga ang isip ko kung saan, nauuna nang nagbabakasyon. Tapos, magugulat na lang ako nang biglang may tatapik sa aking balikat. "Ayus ka lang?", magbabalik ako sa realidad. Ngingiti, tatango sa nagtanong. Tsk! Hindi pa pala pwedeng magsaya, andami pang dapat gawin, at dapat unahin at tapusin. Kailangan ko pang gumawa ng mga bagay-bagay. Pero ewan ko kung dulot ito ng katamaran, o dahil sa wala lang talaga akong focus sa dapat pagtuunan talaga ng pansin. Kailangan ko pa ng Narrative Report, Requirements sa Aplikasyon sa nalalapit na pagtatapos, minumulto pa kami ng tesis na hanggang ngayon hindi pariun tapos (actually, papabookbind na lang! kaso ewan, walang oras sa pagpapabookbind o pwede ring tinatamad magpabookbind ), requirements pa sa aking kritikong guro, utos pa sa bahay. Haaay!
Minsan nasisigawan ako ng guro ko sa Dulaan kapag tulala ako't iba na naman ang ginagawa sa dapat na unahin, pokus!!! "CAPITAL FUCK!! FOCUS"
Minsan nasisigawan ako ng guro ko sa Dulaan kapag tulala ako't iba na naman ang ginagawa sa dapat na unahin, pokus!!! "CAPITAL FUCK!! FOCUS"
Ang hirap magkaroon ng Focus ngayong panahon na ito, andaming nasa paligid na makakakuha ng atensyon mo, mang-aagaw ng pansin mo at itutuon ka sa ibang bagay. Parang ngayon, dapat gumagawa ako ng journal para sa aking ulat pasalaysay pero anong ginagawa ko, nagpapakahirap magtayp para lang maisulat ang kaisipang tumatags sa panipis kong bunbunan. FOCUS Mon! FockusS!