SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kasaysayan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kasaysayan. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Agosto 12, 2021

FERDINAND MAGELLAN

FERDINAND MAGELLAN
Fernando de Magallanes
Isang Portuges na manlalayag at eksplorador

Si Fernão de Magalhães (pinakamalapit na bigkas /fekh·néw ji ma·ga·lyáysh/) (1480–Abril 27, 1521; Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand Magellan sa Ingles) ay isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik sa Europa, 18 sa kanyang mga tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap na paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan sa Mactan.

Madaliang kabatiran: Fernão de Magalhães/ Fernando de Magallanes /Ferdinand Magellan, 

Kapanganakan at kabataan

Si Magallanes ay ipinanganak noong mga 1480 sa Vila Nova de Gaia, malapit sa Porto sa Probinsiyang Douro Litoral o sa Sabrosa malapit sa Vila Real sa Probinsiyang Trás-os-Montes e Alto Douro sa bansang Portugal. Siya ang anak nina Rodrigo de Magalhães, alcaide-mór ng Aveiro (1433–1500) (na anak nina Pedro Afonso de Magalhães at asawa nitong si Quinta de Sousa) at ni Alda de Mesquita. Siya ang kapatid ni Leonor o Genebra de Magalhães na asawa na may supling ni João Fernandes Barbosa. Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang mga magulang nang siya ay 10 taong gulang, siya ay naging isang pahe ni Reyna Leonor sa korteng makahari ng Portugal dahil sa kanyang angkan. Noong Marso 1505, sa edad na 25, si Magallanes ay nagpatala sa isang armadao ng mga 22 barko na ipinadala upang maging kinatawan kay D. Francisco de Almeida bilang unang viceroy ng Portuges na India. Bagaman hindi lumitaw ang kanyang pangalan sa mga talaan, alam na nanatili siya ng mga 8 taon sa Goa, Cochin at Quilon. Si Magallanes ay lumahok sa ilang mga labanan kabilang ang labanan ng Cannanore noong 1506 kung saan siya nasugatan. Noong 1509, nakipaglaban siya sa labanan ng Diyus at kalaunang naglayag kasama ng kanyang kaibigang si Francisco Serrão sa unang embahadang Portuges sa Malacca sa ilalim ni Diogo Lopes de Sequeira. Pagkatapos na dumating sa Malacca noong Setyembre, ang ekspedisyon ay nabiktima sa isang sabwatan na nagwakas sa pag-urong nito. Si Magallanes ay nagkaroon ng mahalagang papel na nagbabala kay Segueira at nagligtas kay Francisco Serrão na tumuntong dito. Noong 1511, sa ilalim ng bagong gobernador na si Afonso de Albuquerque, si Magallanes at Serrão ay lumahok sa pananakop ng Malacca. Pagkatapos ng pananakop, sila ay naghiwalay ng landas. Si Magallanes ay nakabalik kasama ang isang Malay na kanyang ginawang alipin at binautismuhan si Enrique ng Malacca. Siya ay bumalik sa Portugal noong 1512. Si Serrão ay lumisan sa unang ekspedisyong ipinadala upang hanapin ang "mga kapuluan ng pampalasa" sa Moluccas kung saan siya nanatili at nagpakasal sa isang babae mula sa Amboina at naging tagapayo ng Sulatan ng Ternate, Bayan Sirrullah. Ang kanyang mga liham kay Magallanes ay nagbigay impormasyon tungkol sa mga teritoryong lumilikha ng mga pampalasa. Pagkatapos niyang umalis nang walang pahintulot, si Magallanes ay nawalan ng pabor. Sa kanyang paglilingkod sa Morocco, siya ay nasugatan at nagtamo ng isang permanenteng ika. Inakusahan rin siya ng ilegal na pangangalakal sa mga Moro. Ang mga akusasyong ito ay napatunayang hindi totoo ngunit wala nang mga karagdagang alok ng trabaho kay Magallanes pagkatapos ng Mayo 15,1514. Kalaunan noong 1515, nakatangap siya ng isang alok bilang isang tauhan ng isang barkong Portuges ngunit itinakwil siya dito. Pagkatapos ng isang alitan kay Haring Manuel I noong 1517 na tumanggi sa kanyang patuloy na mga kahilingan na manguna sa ekspedisyon na maabot ang mga kapuluan ng pampalasa mula sa silangan (i.e. habang naglalayag pakanluran na iiwas sa pangangailangan na maglayag palibot sa dulo ng Aprika), siya ay lumisan patungo sa Espanya. Sa Sevilla, Espanya, kanyang kinaibigan si Diogo Barbosa at nagpakasal sa anak na babae nitong si María Caldera Beatriz Barbosa sa ikalawa nitong asawa. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na sina Rodrigo de Magalhães at Carlos de Magalhães na parehong namatay sa batang edad. Si María Caldera ay namatay sa Sevilla noong mga 1521. Samantala, kanyang inilaan ang kanyang sarili sa pag-aaral ng pinakakamakailang mga tala na nag-iimbestiga kasama ng kosmograpong si Rui Faleiro sa bukanan mula sa Atlantiko tungo sa Timog Pasipiko at ang posibilidad na ang Moluccas ay sa Espanyol ayon sa demarkasyon ng Kasunduan ng Tordesillas.


Sirkumnabigasyon

Ang hangarin ng mga paglalakbay ni Christopher Columbus sa Kanluranin noong 1492–1503 na marating ang mga Indies at magtatag ng direktang mga ugnayang pangangalakal sa pagitan ng Espanya at mga kahariang Asyano. Natanto ng mga Espanyol na ang mga lupain ng Amerika ay hindi bahagi ng Asya ngunit isang bagong kontinente. Ang Kasunduan ng Tordesillas noong 1494 ay naglaan sa Portugal ng mga silanganing ruta na umikot sa Aprika. Si Vasco de Gama at ang mga Portuges ay dumating sa India noong 1498. Naging mahalaga para sa Espanya na makahanap ng isang bagong ruta ng kalakalan sa Asya at pagkatapos ng pagpupulong ng Junta de Toro noong 1505, ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng Espanya na maglayag upang tuklasin ang ruta sa kanluran. Narating ng maglalayag na Espanyol na si Vasco Núñez de Balboa ang Karagatang Pasipiko noong 1513 pagkatapos tumawid sa Isthmus ng Panama at si Juan Díaz de Solís ay namatay sa Río de la Plata noong 1516 habang ginagalugad ang Timog Amerika bilang paglilingkod sa Espanya. Noong Oktubre 1517 sa Sevilla, nakipag-ugnayan si Magallanes kay Juan de Aranda na Paktor ng Casa de Contratación. Pagkatapos ng pagdating ng kanyang kasamang si Rui Faleiro at sa pagsuporta ni Arana, kanilang itinanghal ang kanilang proyekto sa hari ng Espanya na si Carlos I ng Espanya na naging Carlos V, Banal na Emperador ng Romano. Ang proyekto ni Magallanes ay magbubukas ng ruta ng mga pampalasa nang hindi pipinsala sa mga ugnayan sa kapitbahay na Portuges. Noong Marso 22, 1518, pinangalanan ng hari ng Espanya si Magallanes at Faleiro na mga kapitan upang makapaglayag sila sa pagtuklas ng mga 'Kapuluan ng Pamapalasa' noong Hulyo. Kanyang itinaas sila sa ranggo ng Komandet ng Orden ni Santiago. Sila ay pinagkalooban ng Hari ng mga sumusunod: monopolyo sa natuklasang ruta sa loob ng 10 taon, ang kanilang paghirang bilang mga gobernador ng mga natuklasang kapuluan at mga lupain, ang karapatan na magbuwis ng 1,000 ducat sa mga susunod na paglalayag na magbabayad lamang ng 5 porsiyento sa natitira, pagkakaloob ng isang kapuluan para sa bawat isa maliban sa anim na pinakamayamang isla, kung saan sila tatanggap ng ikalabinglima bahagi. Ang ekspedisyong ito ay pinondohan nang malaking ng Korona ng Espanya at nagkaloob ng mga barko na may mga suplay para sa dalawang taon na paglalayag. Ang bihasang kartograpong si Jorge Reinel at Diogo Ribero na isang Portuges na nagtrabaho para kay Carlos V noong 1518 bilang kartograpo ng Casa de Contratación ay lumahok sa pagpapaunlad ng mga mapang gagamitin sa paglalayag. Ang ilang mga problema ay lumitaw kabilang ang kawalan ng salapi, ang pagtatangka ng hari ng Portugal na pigilan sila at ibang pang Portuges na nagbibigay suspetsa sa Espanya at ang mahirap na kalikasan ni Ribeiro. Sa pamamagitan ng obispong si Juan Rodríguez de Fonseca ay nakuha nila ang pakikilahok ng mangangalakal na si Christopher de Haro na nagkaloob ng isang ikaapat ng mga pondo at mga kalakal upang ibarter.


Ang barkong Victoria na tanging barkong nakabuo ng sirkumnabigasyon.

Ang armadang ipinagkaloob ni Haring Carlos V ng Espanya ay kinabibilangan ng mga limang barko: ang Trinidad (110 tonelado, 55 tripulante) sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes, San Antonio (120 tonelada, 60 tripulante) na pinamunuan ni Juan de Cartagena; Concepcion (90 tonelada, 45 tripulante) na pinamunuan ni Gaspar de Quesada, Santiago (75 tonelada, 32 tripulante) na pinamunan ni Juan Serrano at Victoria (85 tonelada, 43 tripulante) na ipinangalan sa Santa Maria de la Victoria de Triana kung saan nanumpa ng katapatan si Magallanes kay Haring Carlos V at pinamunuan ni Luis Mendoza. Ang Trinidad ay isang caravel at ang iba ay mga carracks(Kastila:"carraca" o "nao"; Portuges "nau"). Ang 270 tripulante ay binubuo ng mga lalake mula sa ilang mga bansa kabilang ang mga Portuges, Kastila, Italyano, Aleman, Flemish, Griyego, Ingles at Pranses. Halos pigilan ng mga autoridad na Kastila ang ekspidisyon kaya pinalitan ang  karamihan ng kanyang mga tauhang Portuges ng mga Kastila. Gayunpaman, ito ay kinabibilangan ng 40 Portuges kabilang ang kanyang bayaw na si Duarte Barbosa, João Serrão, Estêvão Gomes at gayundin ang alipin ni Magallanes na si Enrique ng Malacca. Si Faleiro na nagplanong sumama sa paglalayag ay umurong bago sumakay sa barko. Si Juan Sebastián Elcano na isang kapitang mangangalakal na Kastila na tumira sa Sevilla ay sumama na humingi ng kapatawaran ng hari sa mga nakaraang kasalanan. Kabilang din na kasama sa paglalayag ang Venezianong si Antonio Pigafetta na humiling na maisama sa paglalayag at tumanggap ng pamagat na supernumeraryo sa isang katamtamang sahod. Siya ay naging striktong katulong ni Magallanes at nag-ingat ng isang tumpak na hornal. Ang isa pang kasama na nag-ulat sa paglalayag si Francisco Albo na nag-ingat ng isang pormal na logbook. Si Juan de Cartageña ay pinangalanang Inspektor Heneral ng ekspedisyon at responsable sa mga operasyong pangsalapi at pangangalakal nito.

Noong Agosto 10, 1519, ang limang mga barko sa ilalim ng pamumuno ni Magallanes na Trinidad, San Antonio, Concepción, Victoria at Santiago ay lumisan sa Sevilla, Espanya at tumungo sa Ilog Guadalquivir patungong Sanlúcar de Barrameda sa bukanan ng ilog. Doon ay nanatili sila ng higit sa 5 linggo. Sila ay naglayag noong Setyembre 20. Nag-utos si Haring Manuel I ng hukbong pandagat ng Portugal na habulin si Magallanes ngunit sila ay iniwasan ni Magallanes. Pagkatapos huminto sa Kapuluang Canarias, si Magallanes ay dumating sa Cape Verde kung saan ay nagtakda ng kurso para sa Cape St. Augustine sa Brazil. Noong Nobyembre 28, ang ekspedisyon ay tumawid sa Ekwador. Noong Disyembre 6, natanaw ng mga tripulante ang Timog Amerika. Dahil sa ang Brazil ay isang teritoryo ng Portugal, iniwasan ni Magallanes ito at noong Disyembre 13 ay nag-angkla sa ngayong Rio de Janeiro. Doon ay muling nagkalapat ng suplay ang mga tripulate ngunit ang mga masamang kondisyon ay nagpaantala sa kanila. Pagkatapos ay patuloy silang naglayag sa kahabaan ng silangang baybayin ng Timog Amerika na naghahanap ng isang kipot na pinaniwalaan ni Magallanes na tutungo sa mga Kapuluan ng Pampalasa. Narating ng armada ng Rio dela Plata noong Enero 10, 1520. Dahil sa labis na tagginaw, itinatag ni Magallanes ang temporaryong tirahang tinatawag na Puerto San Julian noong Marso 30, 1520. Noong Abril 1 at Abril, ang isang pag-aalsa ay sumiklab na kinabibilangan ng tatlo sa limang mga kapitan ng barko. Mabilis na kumilos si Magallanes. Si Luis de Mendoza na kapitan ng Victoria ay pinatay ng isang partidong ipinadala ni Magallanes at ang barko ay nabawi. Pagkatapos, ang kableng pang-angkla ng Concepcion ay palihim na pinutol at ang barko ay natangay tungo sa may armas ng Tinidad at ang kapitan ng Concepsion na si de Quesada at mga kasama ay sumuko. Si Juan de Cartagena na pinuno ng mga nag-alsa sa San Antonio ay kalaunang sumuko. Iniulat ni Pigafetta na si Gaspar Quesada na kapitan ng Concecion at ibang mga nag-alsa ay pinatay samantalang si Juan de Cartagena na kapitan ng San Antonio at isang paring nagngangalang Padre Sanchez de la Reina ay iniwan sa baybayin. Ang karamihan ng mga lalake at si Juan Sebastián Elcano ay kinalagan at pinatawad. Iniulat na ang mga napatay ay inalisan ng bituka at pinaghahati ang katawan at tinuhog sa baybayin. Ang kanilang mga buto ay kalaunang natagpuan ni Sir Francis Drake.


Kipot ni Magallanes

Ang paglalayag ay nagpatuloy. Ang tulong ni Duarte Barbosa ay mahalaga upang harapin ang kaguluhan sa Puerto San Julian na naging kapitan  ng Victoria. Ang Santiago ay pinadala sa baybayin sa isang ekspedisyong maggagalugad sa lugar ngunit nasira ito sa isang biglaang bagyo. Ang lahat ng mga tripulante nito ay nakaligtas at nagawang dumating sa baybayin. Ang dalawa sa mga ito ay bumalik sa lupain upang ipagbigay alam kay Magallanes ang nangyari at sagipin ang kanilang mga kasama. Pagkatapos nito, ay nagpasya si Magallanes na maghintay ng ilang mga linggo bago ipagpatuloy ang paglalayag. Sa latitudong 52°S noong Oktubre 21 ay narating ng armada ang Cape Virgenes at naniwalang kanilang natuklasan ang daan dahil ang mga katubigan ay maasin at malalim na panloob na lupain. Ang apat na barko ay naglayag sa 373 milya o 600 kilometrong daanan na tinawag ni Magallanes Trench na Estrecho(Kanal) de Todos los Santos dahil sa ang armada ay naglakbay dito sa araw ng todos los santos(Nobyembre 1). Unang itinakda ni Magallanes sa Concepcion at San Antonio na galugarin ang kipot ngunit ang huli na pinamunuan ni Gomez ay lumisan at bumalik sa Espanya noong Nobyembre 2. Noong Nobyembre 28, ang tatlong natitiran gbarko ay pumasok sa Timog Pasipiko. Pinangalanan ni Magallanes ang mga karagatan na Mar Pacifico o Pacifi Ocean dahil sa maliwanag na katahimikan nito. Si Magallanes at kanyang tripulante ang unang mga Europeo na nakarating sa Tierra del Fuego sa silangan ng panig na Pasipiko ng kipot. Sa paglalayag pahilagang-kanluran, narating nina Magallanes ang ekwador noong Pebrero 13, 1521. Noong Marso 6, kanilang narating ang Marianas at Guam. Tinawag ni Magallanes ang Guam na Kapuluan ng mga Paglalayag dahil nakita nila ang maraming mga naglalayag na bangka. Kanilang muling pinangalanan ang Guam na Kapuluang Ladrones o Kapuluan ng mga Magnanakaw dahil ang mga maliliit na bangka ng Trinidad ay ninakaw doon.

Kamatayan sa Pilipinas

Krus na ibinaon ni Magallanes sa Cebu noong Abril 1521.

Monumento sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Mactan kung saan namatay si Magallanes.
Noong Marso 16,1521(kalendaryong Kastila), natanaw ni Magallanes kasama ng kanyang 150 tauhan ang mga kabundukan ng ngayong Samar at pagkatapos ay dumating sa Suluan at mula dito ay narating ang Homonhon. Ang mga kasapi ng ekspedisyong ito ang mga unang Kastila na nakarating sa kapuluan ng Pilipinas ngunit hindi ang mga unang Europeo. Pagkatapos ng 2 araw, ang mga katutubo ay dumating sakay ng isang bangka at ang ilan ay sumakay sa barko ni Magallanes at tumanggap ng mga bagay gaya ng mga salamin, ivory at pulang damit. Kapalit nito, ibinigay ng mga katutubo ang lahat ng kanilang mga pagkain sa mga ito kabilang ang buko, tuba, saging, isda. Sa pamamagitan ng wikang pagsesenyas, ang mga katutubo ay nangakong babalik ng mga may sariwang pagkain at pagkatapos ay bumalik dala dala ang mga buko, tuba, kanin, mga kahel at manok. Sila ay sinamahan ng kanilang mga pinuno na inilarawan ni Antonio Pigafetta na labis na may tato at nahihiyasan ng mga ginintuang paha sa braso at mga hikaw at mga naburdahan ng sedang paldang bulak. Noong Marso 25, si Magallanes ay naglayag mula sa Homonhon at nakarating sa Mazaua. Ang mga katutubo ay dumating at tumanggap ng mga bagay mula kay Magallanes at pagkatapos ay lumisan. Pagkatapos ng ilang mga oras, ang dalawang mga balangay ay dumating kasama ng kanilang pinunong si Rajah Kolambu. Si Kolambu ay nagpadala ng ilang ng mga lalake sa barko ni Magallanes na nagdadala ng mga regalong isang ginintuang bara at mga luya ngunit ang mga ito ay tinanggihan ni Magallanes. Nagawang makipagtalastasan ni Magallanes sa mga katutubo dahil sa naunawaan ng alipin in Magallanes na si Enrique ng Malacca ang wika ng mga katutubong ito. Nakuha ni Magallanes ang tiwala ni Kolambu at nakipagsanduguan sa kanya. Noong Marso 31, 1521 ay idinaos ang unang misa ng Romano Katolisismo sa Mazaua. Noong Abril 4, 1521, si Magallanes at Kolambu ay naglayag patungo sa Cebu. Inalukan ni Magallanes ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon ng mga regalo at malakas na pakikipagkalakalan upang mapalapit dito. Noong Abril 14, 1521, binautismuhan sa Romano Katolisismo ang dalawang mga rajah na sina Humabon at Kolambu. Ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos I ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magallanes kay Juana ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa at ibinaon ang isang krus sa Cebu. Dahil sa impluwensiya ni Magallanes kay Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapulapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol. Tumangging tanggapin ni Lapulapu ang kapangyarihan ni Rajah Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Rajah Humabon at Datu Zula kay Magallanes na pumunta sa isla ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapulapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magallanes ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Visaya at umayon na pasukuin at patayin ang mapanghimagsik na si Lapulapu sa isang labanang tinawag na Labanan sa Mactan. Ayon kay Antonio Pigafetta, tinangka ni Magallanes na hikayatin si Lapulapu na sumunod sa mga kautusan ni Rajah Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magallanes ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng Abril 28, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magallanes na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapulapu at kanyang mga mandirigma at umatake kay Magallanes na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magallanes na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tao ni Magallanes ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapulapu. Walang opisyal na mga rekord ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magallanes. Ang mga kaibigan ni Magallanes na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magallanes at nanood sila mula sa kanilang mga bangka sa malayo. Inulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magallanes at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapulapu ay "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng mundo dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Rajah Humabon. Si Magallanes ay hinalinhan ni Juan Sebastián del Cano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si Del Cano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng mundo.

Pagbabalik sa Espanya

Ang paglalayag na Magellan–Elcano. AngVictoria na isa sa mga orihinal na limang barko ay umikot sa globo na nagtatapos ng 16 buwan pagkatapos ng kamatayan ng eksplorador.
Ang mga napatay sa Pilipinas ay nag-iwan sa ekspedisyon ng kakauntin upang maglayag sa tatlong mga natitirang barko. Noong Mayo 2, kanilang inabandona ang barkong Concepción at sinunog. Ang armada na nabawasan sa Trinidad at Victoria ay naglayag papakanluran sa Palawan. Kanilang nilisan ang isla noong Hunyo at ginabayan sa Brunei, Borneo ng mga pilotong Moro na makapaglalayag sa mga mabababaw na katubig. Sila ay nag-angkla sa hampulan ng Brunei sa loob ng 35 arw kung saan itinala ni Pigafetta ang kagaraan ng korte ni Rajah Siripada(ginto, dalawang mga perlas na may sukat ng itlog ng manko at iba pa). Sa karagdagan, ang Brunei ay nagmalaki sa mga maaamong elepante at mga sandatang 62 kanon na higit sa 5 beses ng mga armas ng mga barko ni Magellan. Kinutya rin ng Brunei ang mga kargo ng mga clove na napatunayang mas mahalaga kesa sa ginto sa kanilang pagbabalik sa Espanya. Binanggit ni Pigafetta ang ilang teknolohiya ng korte ng Brunei gaya ng mga porselana at mga salamit sa mata na parehong hindi makukuha sa Europa. Pagkatapos marating ang Kapuluang Maluku(Mga kapuluan ng Pampalasa) noong Nobyembre 6, ang mga tripulante ay iniwan. Nagawa nilang makipagkalakalan sa Sultan ng Tidore na katunggali ng Sultan ng Ternate na kaalyado ng Portugal. Ang mga dalawang natirang barko na puno ng mga mahahalagang mga pampalasa ay nagtangkang bumalik sa Espanya sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran. Gayunpaman, habang kanilang nililisan ang mga kapuluan ng pampalasa, ang Trinidad ay nagsimulang mapuno ng tubig. Tinangka ng tripulante na tuklasin at kumpunihin ang pagtagos ngunit nabigo. Ang Trinidad ay nangailangan ng mahabang panahon upang kumpunihin ngunit ang maliit na Victoria ay hindi sapat na malaki upang isama ang lahat ng mga natirirang tripulante. Dahil dito, ang ilan sa mga tripulante sa Victoria ay naglayag pakanluran sa Espanya. Pagkatapos ng ilang linggo, ang Trinidad ay lumisan at nagtangkang bumalik sa Espanya sa pamamagitan ng rutang Pasipiko. Ang pagtatangkang ito ay nabigo at ang Trinidad ay nabihag ng mga Portuges at kalaunang nawasak sa isang bagyo habang naka-angkla sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Portgues. Ang Victoria ay naglayag sa pamamagitan ng Karagatang India pabalik sa Espanya noong Disyembre 21 at pinamunuan ni Juan Sebastián Elcano. Noong Mayo 6, ang Victoria ay nakaikot sa Cape of Good Hope na tanging mga rasyon ng kanin. Ang 20 tripulante ay namatay sa kagutuman bago huminto sa Cape Verde na hinahawak ng mga Portuges. Dito ay kanyang inabandona ang 13 pang mga tripulante noong Hulyo 9 sa takot ng pagkawala ng kanyang kargo ng 26 toneladang mga pampalasa na clove at cinnamon. Noong Setyembre 6, 1522, sina Elcano at mga natitirang tripulante ay dumating sa Espanya sa huling barko sa armada na Victoria na halos eksaktong 3 taon pagkatapos nilang lumisan dito. Hindi hinangad ni Magellan na umikot sa mundo kundi humanap lamang ng isang ligtas na daan na paglalayagan ng mga barkong Kastila patungo sa Kapuluan ng mga Pampalasa. Si Elcano pagkatapos ng kamatayan ni Magellan na nagpasyang maglayag pakanluran na bumubuo ng unang paglalakbay sa globo. Kinapanayam ni Maximilianus Transylvanus ang ilang mga nakaligtas na kasapi ng ekspedisyon nang kanilang iharap ang kanilang mga saril sa korteng Espanyol sa Valladolid noong taglagas nang 1522. Kanyang isinulat ang unang salaysay ng paglalayag na inilimbag noong 1521. Ang salaysay na isinulat ni Pigafetta ay hindi lumitaw hanggang 1525 at hindi buong nilimbag hanggang 1800. Ito ang transkripsiyong Italyano ni Carlo Amoretti ng tinatawag ngayong Ambrosiana codex. Ang 4 na tripulante ng orihinal na 55 sa Trinidad ay nakabalik sa Espanya noong 1522. Ang 51 sa mga ito ay namatay sa digmaan o karamdaman. Sa kabuuan, ang mga 232 tripulante ay namatay sa ekspedisyon sa buong mundo ni Magallanes. Nang makabalik ang Victoria sa baybayin ng Espanya, ang tanging 18 katao mula sa orihinal na 237 lalake ay nakasakay pabalik. Kabilang sa mga nakaligtas sa ekspedisyon sina Antonio Pigafetta at Martino de Judicibus.

Ang mga nakaligtas ang sumusunod:

Higit pang kabatiran (impormasyon): 18 lalakeng nakabalik sa Sevilla, Espanya sakay ng Victoria noong 1522:
Juan Sebastián Elcano, mula Getaria (Spain) Maestro
Francisco Albo, from Rodas (sa Tui, Galicia) Piloto
Miguel de Rodas (sa Tui, Galicia) Piloto
Juan de Acurio, from Bermeo Piloto
Antonio Lombardo (Pigafetta) mula Vicenza Supernumeraryo
Martín de Judicibus, from Genoa Chief Steward
Hernándo de Bustamante, from Alcántara Marinero
Nicholas the Greek, from Nafplion Marinero
Miguel Sánchez, from Rodas (in Tui, Galicia) Marinero
Antonio Hernández Colmenero, from Huelva Marinero
Francisco Rodrigues, Portuguese from Seville Marinero
Juan Rodríguez, from Huelva Marinero
Diego Carmena, from Baiona (Galicia) Marinero
Hans of Aachen, (Holy Roman Empire) Gunner
Juan de Arratia, from Bilbao Able Seaman
Vasco Gómez Gallego, from Baiona (Galicia) Able Seaman
Juan de Santandrés, from Cueto (Cantabria) Apprentice Seaman
Juan de Zubileta, from Barakaldo

Huwebes, Oktubre 15, 2020

HOMONHON ISLAND

HOMONHON ISLAND
Homonhon

Ang pulo ng Homonhon ay ang pinaka-unang pulong namataan nina Magellan sa Pilipinas bago sila magtungo sa Butuan. Ang pulo ng Homonhon ay bahagi ngayon ng lalawigan ng Leyte.

HOMONHON ISLAND

Maaaring hindi alam at hindi pamilyar ito ay para sa ilan, ngunit ito ay isang lalawigan na dapat bisitahin ng mga Pilipino kahit na isang beses.  Ang Homonhon Island ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng Silangang Samar.  Ang baybayin ng lalawigan na ito ay nakaharap sa napakalaking Karagatang Pasipiko na siyang dahilan kung bakit ito napaka-espesyal.  Ang 20-kilometrong haba na isla ay bahagi ng munisipalidad ng Guiuan.
 Noong Marso 16, 1521 si Ferdinand Magellan unang lumapag sa Homonhon nang matuklasan niya ang Pilipinas.  Ang  kaganapan na iyon ay nagbigay sa isla ng Homonhon bilang isa sa makasaysayang lugar sa pilipinas.



 PAANO MAKAPUNTA DOON
 Ang Homonhon Island ay 3 oras lamang ang layo mula sa Guiuan Eastern Samar port na matatagpuan sa Barangay Lupok (Malapit sa Marcelino Restotel).  Ang pamasahe sa bangka ay 100 piso lamang at naka-iskedyul na umalis anumang oras mula 10 AM-11 AM.  3 oras ang layo ng Guiuan mula sa pinakamalapit na paliparan ng DZR Airport sa Tacloban City (TAC).

 Isang detalyadong blog tungkol sa Homonhon, bisitahin ang  

https://alroiabrantes.wordpress.com/2016/09/22/all-about-homonhon-island/?




Photo Credits: I Love Samar Facebook Page

PAMAMAHALA NI BENIGNO SIMEON C. AQUINO III (2010-2016)

Pamamahala ni Benigno Simeon C. Aquino III (2010-2016)

Benigno Aquino III, Pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.
Taong 2009 nang hikayatin si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na kumandidato bilang pangulo ng Pilipinas. Dahil dito, nabuo ang Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) upang mangalap ng isang milyong lagda sa buong Pilipinas para sa kanyang kandidatura. Pinagbigyan ni Aquino ang kahilingan ng maraming Pilipino. Siya ay tumakbo at nahalal na pangulo ng Pilipinas noong 2010.

Kung walang corrupt, walang mahirap. Ito ang isa sa mga islogan na gimanit ni Pangulong Aquino sa kanyang kampanya noong siya ay kumakandidato pa lamang. Sa kanyang inagurasyon noong ika-30 ng Hunyo 2010 nabanggit niya na ito pa rin ang prinsipyo na magiging batayan ng kanyang administrasyon. Batay sa kanyang talumpati, ang ilan sa mga hakbang na kanyang gawain upang maiangat ang bansa sa kahirapan ay ang mga sumusunod:
Pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno
Pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa transportasyon
Pagbibigay ng trabaho sa mga lokal na komunidad
Pagpapalakas ng koleksiyon ng buwis at pagsugpo sa korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas o Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs

PAMAMAHALA NI GLORIA MACAPAGAL- ARROYO(2001-2010)

Pamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010)

Humalili si Bise Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (ang anak ni Pangulong Diosdado Macapagal) sa posisyon ng Pangulo sa araw ng kanyang paglisan. Tinatayang hindi lehitimo ang pag-upo ni Ginang Arroyo sa pwesto dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng nakaraang pangulong Estrada. Naging mas lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan pagkalipas ng apat na buwan, kung saan nanalo ang kanyang koalisyon sa karamihan ng mga posisyon. Ang unang termino ni Arroyo ay nagkaroon ng hating politika ng mga koalisyon at isang kudeta sa Maynila noong Hulyo 2003 na naging sanhi ng pag-deklara niya ng isang buwang pambansang state of rebellion.

Sinabi ni Arroyo noong Disyembre 2002 na hindi siya tatakbo sa halalan noong 2004 ngunit binago niya ang kanyang desisyon noong Oktubre 2003 at nagdesisyong sumali sa halalan. Siya ay muling nahalal at isinalin sa puwesto para sa kanyang anim na taong termino noong ika-30 ng Hunyo 2004. Noong 2005, isang tape na naglalaman ng isang usapan ay lumabas na naglalaman ng usapan ni Arroyo at isang opisyal ng halalan kung saan inutusan ni Arroyo ang opisyal na itaas ang bilang ng kanyang mga boto upang manatili siya sa puwesto. Nagdulot ito ng mga protesta na humihingi sa pagbaba ni Arroyo sa puwesto. Inamin niya na kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit tinatwa niya ang mga alegayon ng pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto. Hindi nagtagumpay ang mga planong pagpapatalsik sa pangulo noong taong iyon.

PAMAMAHALA NI JOSEPH ESTRADA (1998-2001)

Pamamahala ni Joseph Estrada (1998-2001)

Joseph Estrada, Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.
Nanalo si Joseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni Ramos, sa halalan ng pagka-Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang kampanya ang pagtulong sa mga mahihirap at paunlarin ang sektor ng agrikultura sa bansa. Naging popular siya sa mga mahihirap. Noong panahon ng krisis na pinansiyal sa Asya na nagsimula noong 1997, ang pamamahala ni Estrada ay nagdulot ng mas malalang kahirapan sa ekonomiya. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho, lumaki ang kakulangan sa badyet at bumaba ang halaga ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas mabagal ito kumpara sa mga kalapit-bansa nito.

Sa loob ng isang taon ng kanyang eleksiyon, nawala ang popularidad ni Estrada dahil sa mga akusasyon ng kronyismo at kurapsiyon, at ang pagkabigo na masolusyonan ang mga suliranin sa kahirapan. Noong Oktubre 2000, inakusahan si Estrada na tumatanggap siya ng pera mula sa sugal. Siya ay isinakdal ng Mababang Kapulungan, ngunit ang kanyang paglilitis sa Senado ay hindi natuloy nang iboto ng senado na huwag eksaminahin ang tala sa bangko ng pangulo. Bilang sagot, nagkaroon ng mga demonstrasyon na naghingi sa pag-alis ni Estrada. Dahil sa mga rally, ang resignasyon ng mga kalihim at ang pagkawala ng suporta ng sandatahang lakas, umalis si Estrada sa opisina noong ika-20 ng Enero 2001.

PAMAMAHALA NI FIDEL V. RAMOS (1992-1998)

Pamamahala ni Fidel V. Ramos (1992-1998)

Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel Ramos, na inendorso ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga unang taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong Aquino. Ginawa niyang legal ang Partidong Komunista at nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban sa pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad sa mga rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan ng krimen habang nakikipaglaban sa mga rebelde. Noong Oktubre 1995, nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang nagtatapos sa kaguluhang rebelde. Isang kasunduang pang-kapayapaan ang nilagdaan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front (MNLF), isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad na maging malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na nagtapos sa pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon. Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na pangkat ng MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front ang pakikipaglaban. Maraming mga malalaking protesta ang kumontra sa pagsisikap ng mga taong sumuporta kay Ramos na susugan ang batas upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakbo muli para sa ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan.

IKALIMANG REPUBLIKA (1986-KASALUKUYAN)PAMAMAHALA NI CORAZON AQUINO (1986-1992)

Ikalimang Republika (1986-Kasalukuyan)
Pamamahala ni Corazon Aquino (1986-1992)

Bumuo kaagad si Corazon Aquino ng isang rebolusyonaryong pamahalaan para maging normal ang sitwasyon, na naging batayan ang transisyonal na Freedom Constitution. Isang bagong saligang-batas ang ipinagtibay noong Pebrero 1987. Ipinagbawal ng konstitusyong ito ang pagdedeklara ng batas military, pagtatatag ng mga nagsasariling rehiyon sa Cordillera at sa Timog Mindanao at ang pagbabalik ng istilong pampanguluhan ng pamahalaan at ang Kongresong may dalawang kapulungan. Umunlad ang bansa sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga demokratikong institusyon at respeto sa mga mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa administrasyong Aquino dahil sa mga kudeta ng mga di-apektadong mga kasapi ng militar. Ang paglakas ng ekonomiya ay hinadlangan ng serye ng mga kalamidad, kasama na ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991 na nagdulot ng pagkamatay ng 700 katao at ang pagkawala ng mga tirahan ng 200,000 na katao.

Noong 1991, ibinasura ng Senado ang kasunduang nagpapahintulot sa pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon. Isinauli ng mga Amerikano sa pamahalaan ang Clark Air Base sa Pampanga noong Nobyembre ng taong iyon, at ang Subic Bay Naval Base sa Zambales noong Disyembre 1992, na nagtapos sa halos isang siglo ng pamamalagi ng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Namatay si Corazon Aquino noong ika-1 ng Agosto 2009 sa Makati medical center sa Lungsod ng Makati sa kadahilanang Colon Cancer.

IKAAPAT NA REPUBLIKA

Ikaapat na Republika

Upang palubagin ang Simbahang Katolika bago ang pagbisita ng Santo Papa, si Papa Juan Pablo II, opisyal na ipinatigil ni Marcos ang batas militar noong 17 Enero 1981. Ngunit, pinanatili niya ang kapangyarihan ng pamahalaan sa paghuli at pagkulong. Ang kurapsiyon at ang kaguluhan sa lipunan ang naging sanhi ng pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya sa ilalim ni Marcos, na humina ang kalusugan dahil sa lupus.

Binoykot ng oposisyon ng halalan noong 1981, kung saan lumaban si Marcos at ang retiradong heneral na si Alejo Santos. Nanalo si Marcos ng 16 milyong boto, na pinahintulutan siyang manungkulan ng anim na taon. Nahalal ang Kalihim ng Pananalapi, si Cesar Virata bilang Punong Ministro ng Batasang Pambansa.

Noong 1983, napatay ang pinuno ng oposisyon, si Benigno Aquino, Jr. sa Pandaigdigang Paliparan ng Maynila sa kanyang pagbalik sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon ng pananatili sa ibang bansa. Nagdulot ito ng pagtutol sa pamumuno ni Marcos at ang serye ng mga pangyayari, kasama ang pag-aalala ng Estados Unidos, na nagsanhi ng halalan noong Pebrero 1986. Nagkaisa ang oposisyon sa biyuda ni Aquino, si Corazon Aquino.

Idineklara ng Komisyon ng Eleksiyon (Comelec), ang opisyal na tagabilang ng resulta ng halalan, ang pagkapanalo ni Marcos. Ngunit malaki ang pagkakaiba nito sa bilang ng Namfrel, isang pinagkakatiwalaang tagabantay ng halalan. Tinutulan ni Corazon Aquino at ng kanyang mga tagasuporta ang maling resulta ng halalan. Hindi rin kinilala ng mga dayuhang tagamasid, kasama ang delegasyon ng Estados Unidos, ang opisyal na resulta. Binawi ni Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Juan Ponce Enrile, ang suporta nila kay Marcos. Napatalsik si Marcos sa isang mapayapang demonstrasyon, tinatawag na Rebolusyon sa EDSA ng 1986 at ang paghalili ni Corazon Aquino bilang pangulo noong ika-25 ng Pebrero 1986.

BATAS MILITAR

Batas Militar

23 Setyembre 1972 - Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa isang pagbabalita sa himpapawid.
Dahil sa kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga Komunista, idineklara ni Marcos ang batas militar noong ika-21 ng Setyembre 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Tinanggal ni Marcos ang kalayaan ng pamamahayag at iba pang karapatan ng mga mamamayan, ipinasara ang Kongreso at ang mga kompanya ng pamamahayag, at iniutos ang pag-aresto sa mga pinuno ng oposisyon at mga aktibidad ng mga militante, kasama na ang kanyang pinakamalaking mga kritiko, si Senador Benigno Aquino, Jr., Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno. Ang deklarasyon ng batas militar ay tinanggap ng karamihan, dahil sa problemang panlipunang dinaranas ng Pilipinas. Malaki ang binaba ng bilang ng krimen matapos isakatuparan ang curfew. Maraming mga kalaban sa pulitika ang napilitang umalis ng bansa.

Isang konstitusyonal na kumbensiyon, na itinatag noong 1970 upang palitan ang Saligang-Batas ng 1935, ay nagpatuloy sa pagbuo ng bagong saligang-batas matapos ang deklarasyon ng batas militar. Nagkaroon ng bisa ang bagong konstitusyon noong 1973, na binago ang istilo ng pamahalaan mula sa pampanguluhan na naging parlamentaryo at nagpahintulot kay Marcos na manatili siya sa kapangyarihan matapos ang 1973.

Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan na ibinase sa mga kahalagahang panlipunan at pampolitika. Lumakas ang ekonomiya noong dekada 1970s, na nagkaroon ng sobrang salapi para sa budyet at pangangalakal. Tumaas ang Kabuuang Pambansang Produkto mula sa 55 bilyong piso noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita ng pamahalaan sa turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at ang kanyang maybahay, si Imelda Romualdez-Marcos sa paggawa ng kurapsiyon.

PAMUMUNO NI FERDINAND MARCOS (1965–1986)

Pamumuno ni Ferdinand Marcos (1965–1986)

Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal ay ang Pangulo ng Senado na si Ferdinand Marcos, isang kapwa Liberal. Sinasabing upang matamo ang pagtulong ni Marcos sa halalan noong 1961, lihim na nakipagkasundo si Macapagal kay Marcos na hindi siya tatakbong muli para sa reeleksiyon sa halalan ng taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong 1965, napatunayang masugit si Macapagal sa pagkandidato.

Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal sa pagkapangulo, at sa dahilang naanyayahang sumama sa Partido Nacionalista at samantalahin ang pagkakataon sa Kumbensiyon ng mga Nacionalista'y iniwan niya ang Partido Liberal at sumapi sa Nacionalista. Nagwagi si Marcos sa Kumbensiyon at naging opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo.

Sa una niyang termino, naglunsad si Marcos ng iba't ibang mga proyekto at nagtaas ng koleksiyon ng buwis na nakatulong sa pag-unlad ng bansa noong dekada '70. Dahil rin sa pag-utang niya at sa tulong pang-ekonomiya na nanggaling sa Estados Unidos, mas maraming mga daan ang naitayo ng kanyang administrasyon kaysa sa lahat ng daan na naitayo ng mga nakalipas na pangulo at mas maraming mga paaralan kaysa sa nakalipas na administrasyon. Nahalal muli si Marcos bilang pangulo noong 1969, na naging unang pangulo ng malayang Pilipinas na natamo ang ikalawang termino.

Hinarangan ng mga kalaban ni Marcos ang kinailangang lehislasyon para maisakatuparan ang kanyang mga plano. Dahil dito, nawala ang positibong damdamin sa kanyang ikalawang termino at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan. Dumami ang krimen at pagsuway ng mga sibilyan sa batas. Binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Bagong Hukbong Bayan. Nagpatuloy ang pakikipaglaban ng Moro Islamic Liberation Front para sa kalayaan ng Mindanao. Ang isang pagsabog sa pagtitipon ng Partido Liberal kung saan idineklara ang kanilang kandidato para sa Senado noong ika-21 ng Agosto 1971 ang nagdulot ng pagsuspinde ni Marcos sa writ of habeas corpus, na ibinalik niya noong ika-11 ng Enero 1972 matapos ang mga protesta ng publiko.

PAMAMAHALA NI DIOSDADO MACAPAGAL (1961-1965)

Pamamahala ni Diosdado Macapagal (1961-1965)

Nahalal si Diosdado Macapagal sa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang panukalang banyaga ni Macapagal ay humingi ng mas malapit na relasyon sa mga kalapit na mga bansa, partikular na ang Malaya (ngayo'y Malaysia) at Indonesia. Ang pakikipag-negosasyon niya sa Estados Unidos ukol sa mga karapatan sa mga base militar ay nagdulot ng negatibong damdamin sa mga Amerikano. Binago niya ang Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 na pinalitan ng Hunyo 12, upang gunitain ang araw na idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong 1898.

Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal nagpatuloy sa pagtaas ang halaga ng bilihin, ngunit naisagawa niyang kahit paano'y mapanatili ang mababang halaga ng bigas at mais. Gayunpama'y ang pagpupuslit ng mga kalakal na ipinagbabayad sa adwana'y laganap pa rin tulad ng dati. Si Macapagal sa kanyang sarili'y isang taong matapat, ngunit ipinapalagy ng mga taong siya'y mahina at hindi nababagay sa kanyang tungkulin, o kaya'y kinukunsinti niya ang katiwalian at kasamaang ginagawa ng mga taong malapit sa kanya o may lakas sa kanyang tanggapan.

Tangi sa pampalagiang suliranin na pangkabuhayan at pampamahalaan ang lumigalig sa kanyang pangasiwaan.

PAMAMAHALA NI CARLOS GARCIA (1957-1961)

Pamamahala ni Carlos Garcia (1957-1961)

Humalili si Carlos P. Garcia sa posisyon ng pangulo matapos ang pagkamatay ni Magsaysay, at nahalal rin siya sa apat na taong termino noong Nobyembre ng taon ding iyon. Ipinatupad niya ang patakarang "Pilipino Muna", na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na malinang ang ekonomiya ng bansa. Nakipag-ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang mga Amerikanong base militar sa Pilipinas. Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsiyon sa mga sumunod na taon.

PAMAMAHALA NI RAMON MAGSAYSAY (1953–1957)

Pamamahala ni Ramon Magsaysay (1953–1957)

Suportado ng Estados Unidos, nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong 1953 dahil sa popularidad niya sa mga tao. Ipinangako niya ang reporma sa ekonomiya, at napaunlad niya ang reporma sa lupa sa pamamagitan ng pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng mga mahihirap na tao sa Katolikong hilaga patungo sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit nakatulong ito sa pagbabawas ng populasyon sa Hilaga, tumaas ang tensiyong panrelihiyon. Ngunit naging popular pa rin siya sa mga mamamayan, at ang kanyang pagkamatay sa pagbagsak ng kanyang eroplano noong Marso 1957 ay nagdulot ng kalungkutan sa maraming mga Pilipino.

PAMAMAHALA NI ELPIDIO QUIRINO (1948-1953)

Pamamahala ni Elpidio Quirino (1948-1953)

Pinatawad ng administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maliban sa mga taong gumawa ng mga marahas na krimen. Namatay si Roxas dahil sa atake sa puso at tubercolosis noong Abril 1948, at humalili ang pangalawang pangulo, si Elpidio Quirino, sa posisyon ng presidente. Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1949. Natalo ni Quirino si Jose P. Laurel at nakamit niya ang apat na taong termino. Iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pilipinas na sira-sira at nawalan ng moral. Ang muling pagbangon ng bansa ay naguluhan dahil sa mga aktibidad ng mga gerilyang Hukbalahap ("Huks") na naging kalaban ng bagong pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga panukala ng pamahalaan sa mga Huk ay parehong naging pang-negosasyon at pang-supresyon. Ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Ramon Magsaysay ay nagsimula ng kampanya upang matalo ang mga rebelde sa pamamagitan ng militar at para makuha na rin ang suporta ng pamahalaan mula sa mga mamamayan. Unti-unting kumunti ang kampanya ng mga Huk noong dekada 1950's, at tuluyang nagwakas ito sa walang kundisyon na pagsuko ni Luis Taruc, pinuno ng mga Huk noong Mayo 1954.

MALAYANG PILIPINAS AT ANG IKATLONG REPUBLIKA (1946–1972)

Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946–1972)
Pamamahala ni Manuel Roxas (1946-1948)

Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang unang pangulo ng malayang Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos ang soberanya ng Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo 1946. Ngunit ang ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling umaasa sa ekonomiya ng Estados Unidos, ayon kay Paul McNutt, isang mataas na komisyoner ng Estados Unidos. Ang Philippine Trade Act, na ipinagtibay bilang isang kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa Estados Unidos, ay lalong nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang ekonomiya ng dalawang bansa. Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967).

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT ANG PAGSAKOP NG MGA HAPON

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon

Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanga noong 8 Disyembre 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito  ito ay pinasok ng mga Hapones noong ika-2 ng Enero 1942. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong 9 Abril 1942 at ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.

Sumama sina Quezon at Osmeña sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt. Inutusan si MacArthur na pumunta sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.


Jose P. Laurel, Pangulo ng Pilipinas mula 1943 hanggang 1945.
Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila ang Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang Oktubre 1943, nang ideklara nila ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan ni Jose P. Laurel ay hindi naging popular.

Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya. Lumaban ang pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga Hapones sa isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng mga Hapones ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan sa bansa. Ang pangunahing elemento ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.

Noong ika-8 ng Mayo 1942 hanggang ika-2 ng Setyembre 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935–1946) at ang sumali bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944.

Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Leyte noong ika-20 ng Oktubre 1944. Maraming pang mga sundalo ang dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila. Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong ika-2 ng Setyembre 1945. Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942.


Sergio Osmena, Pangulo ng Pilipinas mula 1944 hanggang 1946.
Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong ika-1 ng Agosto 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong ika-23 ng Abril 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.

PANAHON NG KOMONWELT

Panahon ng Komonwelt

Noong 1933, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-Cutting bilang ang Batas ng Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni Pangulong Herbert Hoover. Kahit ang batas na ito ay binuo sa tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ng Pangulo ng Senado, si Manuel L. Quezon, dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa mga base militar sa bansa. Sa ilalim ng kanyang impluwensiya, tinutulan ito ng lehislatura ng Pilipinas. Noong sumunod na taon, isang bagong batas na tinawag na Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng lehislatura. Isinaad sa batas na ito ang pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas na may 10-taong mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan. Magkakaroon ang komonwelt ng sariling saligang-batas at magiging responsibilidad ang pamamahala sa bansa, ngunit ang ugnayang panlabas ay responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay kailangan aprubahan ng pangulo ng Estados Unidos.


Manuel Quezon, Pangulo ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944.
Isang konstitusyon ang binuo noong 1934 na pinagtibay sa isang plebisito noong sumunod na taon. Noong ika-14 ng Mayo 1935, isang halalan ang ginanap upang punan ang bagong tatag na posisyon ng Pangulo ng Komonwelt na napanalunan ni Manuel L. Quezon ng Partido Nacionalista, at itinatag ang isang Pilipinong pamahalaan na ibinase sa mga prinsipyo ng Konstitusyon ng Estados Unidos. Ang komonwelt ay itinatag noong 1935, na mayroong malakas na sangay na tagapagpaganap, iisang sangay ng kapulungan, ang National Assembly at ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino sa unang pagkakataon mula noong 1901. Noong panahon ng Komonwelt, nagpadala ang Pilipinas ng isang halal na Resident Commissioner sa Mababang Kapulungan ng Estados Unidos (tulad ng ginagawa ng Puerto Rico ngayon).

Naging adhikain ng bagong pamahalaan ang pagtatatag ng batayan ng tanggulang pambansa, mas malakas na kontrol sa ekonomiya, mga reporma sa edukasyon, pagpapabuti sa transportasyon, ang kolonisasyon ng pulo ng Mindanao at ang promosyon ng lokal na kabisera at industriyalisasyon. Ngunit hinarap ng komonwelt ang problema sa agrikultura, ang di-tiyak na sitwasyong Diplomatiko at Militar sa Timog-Silangan Asya, at hindi maliwanag na lebel ng komitment ng Estados Unidos sa panghinaharap na Republika ng Pilipinas. Binago ang konstitusyon noong 1939–1940 upang ibalik ang kongresong may dalawang kapulungan at ang pagpapahintulot ng pagtakbo muli ni Pangulong Quezon, na nagkaroon lamang ng isang anim na taong termino.

KOLONYA NG ESTADOS UNIDOS

Kolonya ng Estados Unidos

Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa malayang pamamahala. Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur, Jr. Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.

Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga administrasyon. Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas. Ang Batas Jones, na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916, ay naging batayan ng pagtatag ng isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.

Naganap noong dekada 1920, ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga misyong pang-kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.

Ang pulitika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan ng Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan, naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito. Pinamunuan ito ni Manuel L. Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935.

DIGMAANG PILIPINO-PILIPINO-AMERIKANO

Digmaang Pilipino-Amerikano

Pangunahing artikulo: Digmaang Pilipino-Amerikano

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan. Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi. Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya. Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong ika-31 ng Marso 1899, ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.

Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong ika-23 ng Marso 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan. Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.

PANAHONG KOLONYAL NG AMERIKANO (1898-1946)

Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946)

Isang karikaturang pampolitika noong 1898 na ipinapakita si McKinley, pangulo ng Estados Unidos kasama ang isang "mabangis" na bata. Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa paghagis ng bata sa bangin.
Pangunahing lathalain: Pananakop ng Amerika sa Pilipinas
Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang labanan ang mga Kastila. Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar. Ngunit, dumistansiya ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas. Nagwakas ang relasyon ng dalawang bansa at tumaas ang tensiyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo.

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...