SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Filipino101. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Filipino101. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Oktubre 28, 2020

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA SA FILIPINO

 Wastong Gamit ng mga Salita 


 

Kila at Kina

Walang salitang kila. Ang Kina ay maramihan ng kay.

 

Hal. Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.

Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.

 

Daw/ Din at Raw/ Rin

Ginagamit ang daw/ din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig.

 

Hal. May sayawan daw sa plasa.

Sasama raw siya sa atin.

 

Kung at Kong

Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa Ingles; ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari

 

Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.

Nabasa ang binili kong aklat.

 

Kung Di at Kundi

Ang kung di ay galing sa salitang “ kung hindi” o if not sa Ingles; ang kundi naman ay except.

 

Hal. Aalis na sana kami kung di ka dumating.

Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.

 

Hagdan at Hagdanan

Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantalam ang hagdanan 

(stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.

 

Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan.

Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

 

Ikit at Ikot

Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.

 

Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.

Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas.

 

Hatiin at Hatian

Hatiin ( to divide) o partihin; Hatian ( to share) o ibahagi.

 

Hal. Hatiin mo sa amin ang pakwan.

Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

 

Nabasag at Binasag

Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.

 

Hal. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.

Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato.

 

Bumili at Magbili

Bumili- to buy; Magbili- to sell o magbenta

 

Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.

Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

 

Kumuha at Manguha

Kumuha- to get; Manguha – to gather, to collect

 

Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.

Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

IDYOMA

 Idyoma (Idioms Tagalog)

 Idyoma - Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.


1. butas ang bulsa - walang pera - Palagi na lang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal

2. ilaw ng tahanan - ina - Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto

3. alog na ang baba - matanda na - Kayo ay alog na ang baba para magbuhat ng mabigat.

4. alimuom - baho - Ang alimuom naman po ninyo.

5. bahag ang buntot - duwag - Bakit ba bahag ang buntot mo?

6. ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan - Ikurus mo na sa noo mo, akong bahala sa iyo.

7. bukas ang palad - matulungin -Napakabukas-palad mo.

8. kapilas ng buhay - asawa - Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.

9. nagbibilang ng poste - walang trabaho - Bakit ba siya nagbibilang ng poste?

10.  basag ang pula - luko-luko- Napaka basag ng pula mo.

11.  ibaon sa hukay - kalimutan - Huwag mo akong ibaon sa hukay.

12.  taingang kawali - nagbibingi-bingihan

13.  buwayang lubog - taksil sa kapwa

14.  pagpaging alimasag - walang laman

15.  tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli

16.  pantay na ang mga paa - patay na

17.  mapurol ang utak - mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip

18.  maitim ang budhi - tuso

19.  balat-sibuyas - mabilis masaktan

20.  pusong bakal - di marunong magpatawad

21.  putok sa buho - anak sa labas

22.  may bulsa sa balat - kuripot

23.  balat-kalabaw - matigas

24.  patabaing-baboy - tamad

TAYUTAY

 TAYUTAY


IBA’T IBANG URI NG TAYUTAY


A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING


1.      Simili o Panulad (Simile) – naghahambing sa dalawang magkaibang bagay sa di-tahasang paraan. Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng mga sumusunod:

tulad ng       mistulang      kamukha ng           

tila                parang          tulad ng                   

anaki’y          gaya ng        kawangis

Halimbawa: Tila porselana ang kutis ni Celia. (porselana at kutis)


2.      Metapora o Pawangis (Metaphor) – naghahambing ng dalawang magkaibang bagay sa   tahasang paraan. Hindi na gumagamit ng mga salitang pantulad.  

Halimbawa: Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso. (ikaw at apoy)


3.      Alusyon  - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa: Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa  delubyo.


4.      Metonomiya – pagpapalit – tawag ng isang bagay para sa isa pa.

Halimbawa: Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan (tahanan – paaralan)

 

5.      Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa: “Hanggang sa malibing ang mga buto ko”. (Buto – buong katawan)

 

B. PAGLALARAWAN

 

1.  Hayperbole (Hyperbole) – naglalabis sa paglalarawan ng mga bagay

Halimbawa: ‘luha’y umaagos” (sobrang dami ng luha)

                                          Nadurog ang kanyang puso

 

 

2.  Apostrope – isang madamdaming pakikipag-usap sa isang tauhan na malayo,  patay na o  hindi kaharap na para bang nasa harap.

Halimbawa: “Celiang talastas ko’t malabis na umid… dinggin mo ang tainga’t isip”.

 

3.      Ekslamasyon – isang paglalabas ng masidhing damdamin.

Halimbawa: Isa kang hanggal! “Flerida’y tapos na ang tuwa”.

 

4.      Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o 

                          pangyayari.

Halimbawa: Malayo ma’y malapit pa rin.

                    “Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin

                                Mahal ka ring lubha dini sa panimdim”

 

5.      Oksimoron – salita o lupon ng mga salita na nagsasalungat.

Halimbawa: Banal na demonyo

                         Bantang matanda

 

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN


     Personipikasyon (Personification) – nagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay na abstrakto o mga walang buhay.

Halimbawa: Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.

                  “Inusig ng taga ang dalawang leon.”

                   Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa malamig na simoy ng hangin.

 

D. PAGSASATUNOG

1. Onomatopiya – paggamit ng mga salitang may angkop na tunog

                Halimbawa: Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.

                                         “tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak”

 

2. Aliterasyon – paggamit ng mga salitang magsintunog ang m,ga unang pantig.

                Halimbawa: Gumagalang gutay-gutay na gagamba

                                         ‘mabigla magtuloy mapatid hiningang mahina.”

 

3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang 

                            aspekto ng akda.

 

                Halimbawa: Ito nga! Ito nga! Itong nganga.

                  Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?

 

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

 


Mga Uri ng Tayutay


1.      Pagtutulad (simile)

Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.

Halimbawa: Ang tao ay kawangis ng Diyos.

 

2.      Pagwawangis (Metaphor)

Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.

Halimbawa: Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

 

3.      Pagtatao (Personification)

Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.

Halimbawa: Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

 

4.      Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole)

Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.

Halimbawa: Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

 

5.      Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.

Halimbawa: Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan.

 

6.      Panghihimig o Onomatopeya 

Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa: Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.

 

7.      Panawagan (Apostrophe)

Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa: Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

 

8.      Pag-uyam (sarcasm)

Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.

Halimbawa: Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay.

 

9.  Paglilipat-wika o Transferred Epithet 

Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa: Patay tayo diyan.

 

10. Pagpapalit-tawag (Metonymy)

     Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.

      Halimbawa: Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...