TAYUTAY
IBA’T IBANG URI NG TAYUTAY
A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING
1. Simili o Panulad (Simile) – naghahambing sa dalawang magkaibang bagay sa di-tahasang paraan. Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng mga sumusunod:
tulad ng mistulang kamukha ng
tila parang tulad ng
anaki’y gaya ng kawangis
Halimbawa: Tila porselana ang kutis ni Celia. (porselana at kutis)
2. Metapora o Pawangis (Metaphor) – naghahambing ng dalawang magkaibang bagay sa tahasang paraan. Hindi na gumagamit ng mga salitang pantulad.
Halimbawa: Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso. (ikaw at apoy)
3. Alusyon - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.
Halimbawa: Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo.
4. Metonomiya – pagpapalit – tawag ng isang bagay para sa isa pa.
Halimbawa: Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan (tahanan – paaralan)
5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.
Halimbawa: “Hanggang sa malibing ang mga buto ko”. (Buto – buong katawan)
B. PAGLALARAWAN
1. Hayperbole (Hyperbole) – naglalabis sa paglalarawan ng mga bagay
Halimbawa: ‘luha’y umaagos” (sobrang dami ng luha)
Nadurog ang kanyang puso
2. Apostrope – isang madamdaming pakikipag-usap sa isang tauhan na malayo, patay na o hindi kaharap na para bang nasa harap.
Halimbawa: “Celiang talastas ko’t malabis na umid… dinggin mo ang tainga’t isip”.
3. Ekslamasyon – isang paglalabas ng masidhing damdamin.
Halimbawa: Isa kang hanggal! “Flerida’y tapos na ang tuwa”.
4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o
pangyayari.
Halimbawa: Malayo ma’y malapit pa rin.
“Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin
Mahal ka ring lubha dini sa panimdim”
5. Oksimoron – salita o lupon ng mga salita na nagsasalungat.
Halimbawa: Banal na demonyo
Bantang matanda
C. PAGSASALIN NG KATANGIAN
Personipikasyon (Personification) – nagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay na abstrakto o mga walang buhay.
Halimbawa: Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
“Inusig ng taga ang dalawang leon.”
Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa malamig na simoy ng hangin.
D. PAGSASATUNOG
1. Onomatopiya – paggamit ng mga salitang may angkop na tunog
Halimbawa: Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
“tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak”
2. Aliterasyon – paggamit ng mga salitang magsintunog ang m,ga unang pantig.
Halimbawa: Gumagalang gutay-gutay na gagamba
‘mabigla magtuloy mapatid hiningang mahina.”
3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang
aspekto ng akda.
Halimbawa: Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.
Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (simile)
Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.
Halimbawa: Ang tao ay kawangis ng Diyos.
2. Pagwawangis (Metaphor)
Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
Halimbawa: Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Pagtatao (Personification)
Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.
Halimbawa: Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
4. Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole)
Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.
Halimbawa: Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.
5. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.
Halimbawa: Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan.
6. Panghihimig o Onomatopeya
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa: Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Panawagan (Apostrophe)
Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Halimbawa: Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.
8. Pag-uyam (sarcasm)
Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Halimbawa: Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay.
9. Paglilipat-wika o Transferred Epithet
Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa: Patay tayo diyan.
10. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.
Halimbawa: Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento