Doon na lang sa Starbucks...
Excited na naman ako na makapagsulat ulit ng mga obra habang nagkakape sa starbucks at dahil inaasahan ko ring doon ay makikita ko siyang muli. Excited ako. Pero nae-excite ako dahil sa makakapagsulat uli ako ng obra... teka, ewan ko ba, ang totoo yata kahit wala akong maisulat na obra basta lang makita ko siya sa starbucks na 'yon. Oo, at hanggang ngayon, tingin ko walang kinalaman ang pagsulat ko ng akda sa starbucks dahil kahit naman wala ako sa Starbucks ay nakapagsusulat ako, pero kung wala ako doon sa Starbucks ay hindi ko siya makikitang muli. Ewan ko nga ba bakit ginagawa ko ito, nagkakape ako -kahit na hindi naman talaga ako mahilig na magkape -kahit na magbayad ako ng mahal (Kahit na nagtitipid naman ako) baka dahil gusto ko lang talaga siyang makita doon. Kapag nasa harap ko na ang mainit na (ginituan atang) kape ay maiisip ko yung binayad ko ay pwede ko nang pamasahe nang isang buong linggo papunta sa paaralan kung saan ako nagtatrabaho -pero pupunta parin ako dahil wala akong magawa, iyon lang ang paraan para makita ko siya, kung pwede nga lang pumunta doon nang hindi na oorder ng kape, basta uupo ako doon para lang makita ko siyang muli. Kaso hindi pwede yun! paulit-ulit akong lalapitan ng crew ng Starbucks at ipaparamdam sakin na dapat akong umorder dahil bawal ang mukhang nakiki-WIFI lang (kahit na hindi ko naman habol ang WIFI o ang matry ang kape nila -na para sakin parang kalasa rin lang naman ng 3 in 1 na tig 6pesos yun) Kaya lang na-realize ko sa bahay kahit na may kape doon na kalasa din ng kape ng Starbucks, wala naman siya -wala paring kwenta. Kaya wala akong magawa, dahil iyon lang ang paraan para makita ko siyang muli. Teka... bakit nga ba wala akong magawa?? Lahat ng mga bagay may paraan, basta gugustuhin mo. Pwede akong maghintay sa tapat ng Strabucks na iyon at hintayin ko siyang lumabas, kahit na ilang oras pa, o kahit na gabihin pa ko, kahit na mag-overtime pa siya maghihinta ako sa kanyang paglabas, nang sa ganun malapitan ko siya, lalapit ako sa kanya at magpapakilala. Pwede kaya yun? (e diba, may kasabihan tayong do not talk to strangers?) Teka, e kung i-add ko na lang kaya siya sa FB account ko, ise-search ko ang name niya at makikipag-friend ako sa kanya para kapag friend na kami sa facebook itsa-chat ko siya kapag online siya... Tama! Pero paano kung hindi niya I-accept ang friend request ko? Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Ang hirap, wala akong sapat na lakas ng loob, kaya wala akong ibang magawa kundi pumunta sa Starbucks na yun, habang nagkakape ay miminsang matatanaw ko siya, sapat na yun para sakin. Ayos na sakin ang ganoong set-up, basta lang makita ko siya sa loob ng starbucks. Kahit na hindi niya ko makilala pa... -Sa Starbucks na lang...Ang blog ng School Lump Organization na ito ay nagsusulat tungkol sa kapaligiran sa paaralan, kaugnay na impormasyong pang-edukasyon, at komposisyon sa panitikan na makakatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga sulatin, takdang-aralin at anumang mga output na kailangan nila para sa mga akademiko. Sa layuning hikayatin ang lipunan, lalo na ang kabataan na ipagpatuloy ang pag-aaral at literasi sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasaliksik.
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Huwebes, Agosto 12, 2021
Doon na lang sa Starbucks...
Profesional
Naalala niya, habang nasa taxi kung paano
siya nagbago para lang kay Dave. Ang blush-on, Glossy Red Lipstick, Pearl
Earings, tube, 2 piece swimsuit, 5’ high heels, cigarette, LD’s, Tsoktong at
iba pang kaugnay nito ay kinalimutan niya. Itinago, ibinaon sa limot, lahat!
Para lang kay Dave.
Nakilala niya ito sa simbahan bilang
assherette, kaya’t di siya makapaniwala sa nabasa sa text ng isang babae sa
cellphone ni Dave na palihim niyang kinuha sa ilalim ng unan ng asawa.
Huminto ang taxi sa isang hindi kilalang Inn.
Room 207. Walang katok katok, sumugod siya. Hindi niya matanggap na inilihim
niya rin maging ang pagiging professional.
Sinampal niya si Dave, at inirapan ang isa.
Huwebes, Disyembre 10, 2020
"Slow..."
Huwebes, Oktubre 29, 2020
Lumang tipanan (when they play at the tree-house)
Lumang tipanan (when they play at the tree-house)
Reymond Cuison
Lumang tipan; henesis
Wala na kong alam na batis na kasing lamig at linaw ng sa yungkuban. Malinaw ang pagkakagaya nito sa kanyang mukhang walang bakas ng pangamba. Nakikita ko sa kanyang mata na hindi na nga siya binabagabag ukol sa desisyon ng mga kurro. Ayus lang, at mangyayari din naman ‘yon sakin –balang araw kapag nakahanap na sila ng kapapanagayan ng loob para sakin.
Kumula ang tubig sa pagkanlaw ng kanyang paa. Lumabo ana pigura ng tubig, kasabay ng pagbuo ng alon bunga ng pagkahampas. Muli siyang pumwesto na aktong sisisid muli. Ang bikas niya, hiniling ko’y sana maipagkasundo rin ako sa tulad ni ka Badjo. Kung kasing bait at tapang niya ang kabiyak ko’y wala na kong mahihiling pa. at muli siyang sumisid. Bumilang ako sa isip, at humula ng bilang ng kanyang pag-ahon. Madalas inaabot siya ng singkwentang bilang, at aahon na siyang gagap ang hininga. Noo’y tinuruan nya kong sumisid para naman daw makasali ako sa paliksahan nilang patagalan ng hininga sa ilalim. Pero nabubusog lang ako sa tubig pagdaka’y iiyak sa kanyang bisig dahil sa takot kong malunod. “tahan na sirin, hindi naman kita hahayaan malunod e,” ang maririnig ko sa kanya. At hihinto nga ‘ko sa pag-iyak.
Dapat lumitaw na siya. Sa pagbilang ko’y dumoble ang hinulaan kong oras ng pag-angat ng kanyang ulo. Nag-alala ako, “ka jo! Wag kang magbiro ng ganyan!” lumapit ako pag k’wan tahimik na ang tubig. Sa pangalawang pagkakataong pagtawag ko’y hinatak niya ang mga paa ko’t dinala sa tubig. Lumatay ang lamig sa aking lalamunan. Akala niya’y matutuwa ako sa birong ‘yon. Hindi ko nga tinigilan ang palo ko sa kanya, kahit pa namumula na ang mga braso ko sa tigas ng dibdib niya.
…kinumutan kami ng mga dahong nalalaglag. May dakot ng init ang kanyang paghinga. At kay gaan ng pakiramdam kong may kakaibang pagpintig sa puso. kung ilang oras din ang nakalipas ay hindi ko na alintana. Bagama’t napakasaya ko’y may takot ding umuusbong saking isip, dumudungaw sa bintana.
“magdadapit-hapon na…” ang kulay ng ulap ay hindi na bughaw nang oras na iyon.”Tama na nga ang paglalaro’t baka kaganina pa tayo pinaghahanap ng inang… marahil nag-aalala na ‘yon,” aniya. Marahil nakita niya ang aking pagkabagot. Inilahad niya ang kanyang palad upang tuluyan na kong tumayo. –ang kamay nya’y sing tigas ng sa bakal, tanda ng kasipagan. “Pwede na ‘to…” at binigay nya ang kamiseta kong pinatuyo sa sikat ng araw. “Suutin mo na madali’t baka pa magkasakit ka” hinatak nya ang tali ng bintana. At inayos ang ilang kalat sa lapag. Paanong hindi niya liligpitin ang kalat at mag-ayus sa bahay na itong nasa itaas ng puno. Ay pinagpaguran nya ang paggawa nito, na sabi niya’y para sa akin daw –kahit na pakakasal siya sa iba… Andito ang alaala naming dalawa, mula ng bata kaming madalas manguha ng mga kaimito’t santol… Nagpatiuna siyang bumaba upang alalayan naman ako. Ang ingay ng lagaslas ng tubig sa batis at ang alingasngas ng mga dahon at sanga –ng punong ito ay magkasabay kong naririnig. Pumipintig ang lupa at nararamdaman ko. Muli’t muli; tuwing muling lalapag ang aking paa sa tuyot na mga dahon. Wari’y pagpintig sa sinapupunan ng lupa ang sa akin…
Miyerkules, Oktubre 28, 2020
Ang Tableta
Ang Tableta
Napuno ang kanyang palad ng mga butil na gamot. Doon, sa kanyang kama ay dahan-dahang n’yang inilapag ang walang lamang botelya. Tinitigan ang nasa kanyang kamay at napako ang tingin niya dito…
Nasa isip niya marahil ang ginhawang matatamo matapos na maisubo ang lahat ng ito, pagkat nais nyang gumaling ang sugat ng kanyang pusong kasalukuyang kumikirot.
Pinahid nya ang nangingilid na likido sa kanyang mata at umayos ng pagkakaupo sa malambot na kama. Pagdaka’y dumakot ng isang butil (kung matalab ang isa’y paano pa ang marami –ang tila namamayani sa kanyang isipan sa pagkakataong iyon)
Sinentro nya sa maliit na takip ng botelya ng gamut ang kanyang hawak. May tatlong dipa trin ang layo ng takip, at sa tulad nyang may salamin ang mata at mahirap ang pag-asinta nito…
Initsa nya ang unang tableta, ngunit kapos. Ang pangalawa, at kapus din. Ang pangatlo, ngunit kapus parin… Hanggang ang pangdalawampu, ngunit wala paring pumapasok saloob ng takip… ni isa.
Lilimang butil na lang ang nasa kaniyang palad. Malapit na maubos… ang mitsa ng kanyang oras na sinisindihan ng kirot ng kaniyang puso –ay malapit ng matapos… kaya’t kinalkula ni Shiela ang paghagis sa isa sa limang natitirang tableta. Ang distansya mula sa timog kung saan sya naroon papuntang hilaga kung saan naroon ang takip ay aabutin ng 0.012 milya kada minutong itinatakbo ng isang paghagis.
At napangiti siya. Pumasok sa loob ng takip ang isang tableta. Agad siyang napatayo at tinungo ang takip. Nandoon ang isang tabletang ipinasok niya. Saglit na inayos ang suot na salamin, pinunasan ang lente nitong nabasa na nang tuluyan ng likidong hindi inaasahang magdaraan. Isinubo nya. Dumaloy sa bituka pababa sa gilingan sa tiyan -ang tableta’y nagkaroon unti-unti ng bisa. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam. Kala niya’y aatakihin na siya… ng kaniyang pagkabagot!
Galit na galit ang isang babaeng nakaputi. Halos nagkakasalubong ang kilay at wari’y umuusok ang ilong. Masama ang tingin nito kay shiela. “Ang kulit mo talaga! Hindi ka ba magtatanda! Walang ano anu’y sinabunutan niya ito, mahigpit na hinawakan sa buhok at hinampas sa pader. Sinasayang mo ang gamot mo?! Sige! nang wala ka nang maiinom pa! Dinampot nito ang ilang nagkalat na tableta at walang habas na ipinasak sa bibig ni Sheila. Halos maduwal ito sa biglang pagkapuno ng bibig. Tinakpan ng babae ang bunganga ng pinagagalitan. Madiin at marahas na pagtakip sa bibig ng kaharap. Kung hindi pa tumirik ang mata’t bumula ang bibig ng bata’y hindi pa niya sana titigilan ito.
Sabado, Oktubre 3, 2020
DOON NA LANG SA STARBUCKS...
Doon na lang sa Starbucks...
Excited na naman ako na makapagsulat ulit ng mga obra habang nagkakape sa starbucks at dahil inaasahan ko ring doon ay makikita ko siyang muli.
Excited ako. Pero nae-excite ako dahil sa makakapagsulat uli ako ng obra... teka, ewan ko ba, ang totoo yata kahit wala akong maisulat na obra basta lang makita ko siya sa starbucks na 'yon.
Oo, at hanggang ngayon, tingin ko walang kinalaman ang pagsulat ko ng akda sa starbucks dahil kahit naman wala ako sa Starbucks ay nakapagsusulat ako, pero kung wala ako doon sa Starbucks ay hindi ko siya makikitang muli.
Ewan ko nga ba bakit ginagawa ko ito, nagkakape ako -kahit na hindi naman talaga ako mahilig na magkape -kahit na magbayad ako ng mahal (Kahit na nagtitipid naman ako) baka dahil gusto ko lang talaga siyang makita doon. Kapag nasa harap ko na ang mainit na (ginituan atang) kape ay maiisip ko yung binayad ko ay pwede ko nang pamasahe nang isang buong linggo papunta sa paaralan kung saan ako nagtatrabaho -pero pupunta parin ako dahil wala akong magawa, iyon lang ang paraan para makita ko siya, kung pwede nga lang pumunta doon nang hindi na oorder ng kape, basta uupo ako doon para lang makita ko siyang muli. Kaso hindi pwede yun! paulit-ulit akong lalapitan ng crew ng Starbucks at ipaparamdam sakin na dapat akong umorder dahil bawal ang mukhang nakiki-WIFI lang (kahit na hindi ko naman habol ang WIFI o ang matry ang kape nila -na para sakin parang kalasa rin lang naman ng 3 in 1 na tig 6pesos yun)
Kaya lang na-realize ko sa bahay kahit na may kape doon na kalasa din ng kape ng Starbucks, wala naman siya -wala paring kwenta.
Kaya wala akong magawa, dahil iyon lang ang paraan para makita ko siyang muli.
Teka... bakit nga ba wala akong magawa?? Lahat ng mga bagay may paraan, basta gugustuhin mo. Pwede akong maghintay sa tapat ng Strabucks na iyon at hintayin ko siyang lumabas, kahit na ilang oras pa,
o kahit na gabihin pa ko, kahit na mag-overtime pa siya maghihinta ako sa kanyang paglabas, nang sa ganun malapitan ko siya, lalapit ako sa kanya at magpapakilala. Pwede kaya yun? (e diba, may kasabihan tayong do not talk to strangers?)
Teka, e kung i-add ko na lang kaya siya sa FB account ko, ise-search ko ang name niya at makikipag-friend ako sa kanya para kapag friend na kami sa facebook itsa-chat ko siya kapag online siya... Tama! Pero paano kung hindi niya I-accept ang friend request ko?
Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Ang hirap, wala akong sapat na lakas ng loob, kaya wala akong ibang magawa kundi pumunta sa Starbucks na yun, habang nagkakape ay miminsang matatanaw ko siya, sapat na yun para sakin.
Ayos na sakin ang ganoong set-up, basta lang makita ko siya sa loob ng starbucks. Kahit na hindi niya ko makilala pa...
-Sa Starbucks na lang...
Biyernes, Oktubre 2, 2020
PROFESSIONAL
HALIMUYAK
LATA
MINA…
BANAL NA ABO
Kahon, Numero, Sundalo at iba pa...
Huwebes, Oktubre 1, 2020
Guho
Mapa ng Pilipinas
Linggo, Abril 2, 2017
"Kapag di na April, mag-usap tayong uli"
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...
-
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay Magandang araw sa mga aking mambabasa, aking ilalahad ang mga kaganapang nangyari sa amin, sa...
-
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...