"Slow..."
.
Iniisip kong di pa sapat ang kakayahan kong maging pera ang pagsusulat, back-out sa pag-aaply bilang full-time writer, baka lang kasi mawindang ang lolo mo sa mga pressured deadlines. Hindi ako sanay nang minamadali. Pagong ako noon pa man, mabagal ang galawan. "Slowly but surely," gaya ng madalas sinasabi natin. Pero tingin ko rin, hindi ako sure kung ang ginagawa ko nang mabagal ay 'sure' ba talaga. Madalas din kasi palpak ako. Sa bagal ko kasi mas mabilis pa kong maunahan ng kaba. Gaya ng sa kanya, kay Jessica (di tunay na pangalan). Ramdam ko nang mahal niya na rin ako pero nang ang diskarte ko ay 'slowly but surely'... ayon, may boyfriend na siya. Ayos!
Ayoko na maging mabagal, pero hindi talaga ako nagpa-function nang mabilisan. Kahit ata in-adrenaline-rush, nasa slowmo mode ako. Kahit nga itong pagsulat ko dito, walang iniisip na kung anuman, basta lang magsulat, haha, sobrang bagal din -one word per second. Pero naisip ko, marami din ang nagagawa ng mga mababagal sa paggalaw, halimbawa: yung paborito mong pagkain ay kinakain mo nang mabagal, so yung sarap nung food mas mahabang oras mong mararamdaman. Yung iba kasi inuubos agad-agad. So tipid ka kaysa kanila. Yung iba ubos na nila, yung sayo sisimulan mo pa lang. Ayos. May narinig ako na tawag dito - 'delaying tactics' o delayed gratification. Iyon bang pinatatagal mo muna yung oras bago mo ienjoy. Like, ipon na di nagagastos. Aba'y lalaki nang husto yun. Yung iba kasi sa tindahan/malls nag-iipon. Be wise, use the delaying tactics. Yung hindi lahat sinasamahan mo para mag-enjoy, kung minsan ka lang mag-enjoy, tapos kapag nandiyan na siyempre susulitin mo yun, mas maaapreciate mo yun. Buti na lang hindi araw-araw ang pasko (nuche buena) kasi nakakaumay yun. Buti na lang hindi mo siya nakikita madalas physically pero love na love mo siya, may pagkasabik kang mararamdaman kapag magkikita na kayo, kasi nga hindi kayo madalas magkita. Yung iba kasi na nagsama na, matapos ang mahabang di paghihiwalay ay nawawalan ng excitement, nagsasawa din. Kaya dapat may pagkasabik, may pagde-delay sa enjoyment para mas ma-enjoy mo. Imagine mo, araw-araw kang nagsu-swimming sa beach, wow outing! Pero kalaunan, hindi ka na rin mag-e-enjoy. Basta iyon na yun. Marami akong bagay na nakuha at naranasan nang dahil sa hindi ko pagmamadali, madalas nakakapulot ako ng pera sa daan dahil nga mabagal akong maglakad. Hindi ako masyadong naging adik sa mga bagay-bagay kasi nga hindi ko gina-grab lahat ng opportunity na mag-adik. Hindi naging magastos dahil walang gf. (Uy, hindi ko sinasabing gastos lang ang magka-gf, bukod doon may dapat kang ilaan na oras para sa inyong dalawa, wala akong time na magsulat niyan kung may-gf ako. Haha. Kahit ngayon palang wala, hindi parin ako nakapagsusulat.) Time. Biglang nag-alarm ang CP ko. 5am na pala. GOODMORNING! hay... naiisip ko parin siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento