SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Miyerkules, Setyembre 30, 2020

The Farting Time

The Farting Time

 

Nipa hut at the pool side/interior/umaga

Sa gilid ng pool, sa loob ng kubbol, sa mesang may laman ng iba’t ibang chitchiria at tatlong Bottled Drinks na ang laman ay “The Bar” at Nestea Juice na ipinagbabawal ng Resort sa mga Minor De edad na dahil may pinanghahawakan silang kasabihang “Masarap ang Bawal”! ay hindi nila iintindihin ang Regulasyong ito!

Mga ilang Segundo lang ang nakalilipas ay mangangalahati na ang isang Bottled Drinks. Maya-maya pa ay tila biglang magugunaw ang mundo dahil sa lakas ng pagsabog na ‘yon. Walang tunog pero malakas ang epekto! At mapapatakip ng ilong ang lahat.

 

Galileo: (pasigaw) Takte! Ambaho tal’ga!!!

(ito yung unang nagtakip ng ilong)

 

Jasper Kepler: Sinu ba yun?! Aroma de put@! Parang binurong daga ng ilang libong Years!

(Magkakatinginan ang lahat, may magpapaypay ng kamay sa hangin, sa tapat ng ilong, at magsisi-ilingan ng pagtanggi!)

 

Ienstein: ka bastos naman, parang walang Good Manners and Right Conductivity!

(kukunot ang noo ng karamihan, mapapaisip tuloy yung walang gaanong isip!)

 

Sigmund: (kay Ienstein) Anung Conductivity?! Teoryang Eng-Eng ka lagi noh! Ganyan ba ang epekto sayo ng Gatsby Wax! Good Manners and Right Conducts Yun, Bugok!!!

(maririnig sa paligid ang malakas na tawa ng karamihan, mapapatingin ang ilang naliligo sa pool sa kanilang pwesto!)

 

Ienstein: Tange! Conductivity, yung Transmission of heat through a solid by body… yun bang passing energy mula sa isang particle patungo sa isa pang particle! Ibig sabihin, wala sa tamang transmission yung utot ng kung sinuman sa lugar ng pinatunguhan! Right Conductivity. Haler! Nursery pa lang ako itinuro na ‘to!

(biglang lalakas ang hiyawan at palakpakan ng mga nakapalibot, isang mabilis na lipat ng camera kay Sigmund na mahuhuling nagpupunas ng tissue sa kanyang ilong na nagno-nose bleed)

 

Franklin: (magkakamot ng ulo) WoW! Nose blood!

 

Sigmund: (HABANG NAKANGISI) Tsk! Fetus ka pa lang alam ko na ‘yan! Talagang dapat ay nasa tamang lugar tayo bago umut…(mapuputol ang sasabihin niya dahil biglang eeksena ang Cellphone ni Galileo na may True tone na EENIE MEENIE ni justin bieber, at mafofucos ang Camera kay Galileo)

 

Galileo: (nagtaas ng kamay) P’re, Back-out muna! May tawag ako e,

(sabay sibat na hawak sa kanang kamay ang CP habang ang kaliwang kamay ay nakatakip sa puwet)

 

Jasper Kepler: Unlimited Call ha! Call of Nature kamo! Pwe!

(tawanan ang lahat maliban kay Marry jury na kasalukuyang binabanatan ang pulutang Junkfoods sa mesa)

 

MJ: kaya pala kanina pa Ambaho, nagpipigil lang si Gagolei! Paano kasi katabi si Antonnete! (sabay siko sa katabing kasalukuyang nagsasalin ng Chaiser)

 

Taumbayan: Uuyiee! (nagduet ang lahat. Duet ba ‘yon o koryo? Basta, nagkaisa silang tuksuhin ang HotDiva ng Grupo)

 

MJ: teka, Teka?! Umamin ka samin, Naka First-Base na noh? (lilipat ang camera kay Antonnete na magmemake-face pero walang anumang emosyon)

 

Taumbayan: UuyiieE! (mas malakas na tuksuhan ulit sabay tawanan yung iba, maliban kay Nina dahil Hagalpak ang sa kanya. Tawang walang bukas)

 

Antonnete: Guys! Please Stop Connecting me with that yucky Guy! (habang nagsasalin uli ng Chaiser at The Bar sa Plastik Cup) I have my Taste! And He is not my Type of person, owkey! (paliwanag niya with matching nguso at wiggling of head)

 

Eistein: OWS?! (hirit niyang parang hinuhuli ang dapat mahuli)

 

Antonnete: So don’t believe if you don’t! If I know Nagseselos ka lang!

 

Taumbayan: BuUH!!! (Lights spread-out) tawanan lang ang maririnig! At syempre mahuhulaan nating ang huling boses na malakas paring humahagalpak ay kay Nina!)

 

end

NANG MAWALA ANG GANA MO SA PAGSASAYAW

NANG MAWALA ANG GANA MO SA PAGSASAYAW 
ni Donfelimon Poserio

Sana, noong una pang nakita mo akong nakatanaw pinagmamasdan ang indayog ng mabini mong mga galaw ay pinigilan mo ako... Pinigilan mo sana akong huwag masanay na sayo lang nakatingin na ikaw agad ang hinahanap sa bawat araw na dumarating ngunit sinanay mo ako... mula noong tinawag mo ako't inalok na sumabay sa sayaw mo kahit alam mong parehas kaliwa ang mga paa ko kahit alam mong nahihirapan kang turuan ako o nahihirapan akong umintindi at matuto ng mga tamang kumpas ng kamay, at giling ng bewang, ng pitik ng mga paa at gaslaw ng katawan. Sinanay mo akong nasa tabi mo, habang musikang naririnig ang bulyaw ng mga pang-aasar mo, sa kahinaan kong matuto sa mga tamang galaw. Ikaw, ikaw ang aking guro! At kahit alam kong lagpak ang bigay mong grado ay malalim ang naibaong aral nito sa aking puso: Natuto akong magmahal, at nasanay sa kung paano ka mamahalin, Natuto ako at nasanay na ilabas at sabihin ang lahat ng nadarama ko sayo, mahal. Natuto ako at nasanay na ibigay ang mga sorpresang magpapangiti sayo natuto ako ng mga bagay na ayaw mo at gusto, at nasanay sa mga ganun, ganyan at ganito mo, Natuto ako at nasanay na umintindi sa hindi ko maintindihan mong pagbabago natuto ako at nasanay na unawain ang di maunawaang dahilan ng iyong pagtatampo. Natuto ako at nasanay na tanggapin ang dulot nitong sakit ng ipinadadama mong pilit saking hindi rin naman ito magtatagal kaya't ang solusyon mo ay ang bigla na lang pagbitaw at madali lang para sayong sabihing isuko ko na ang kinapitan kong pag-asa nang sinabi ko sayong handa akong maghintay Bakit ngayon pa! Kung kailan ako natuto at nasanay... Sana'y noon pa! noong una pa lang na nakita mo kong nakatanaw pinagmamasdan ang indayog ng mabini mong galaw ay pinigilan mo ako... sana'y pinigilan mo akong matuto at masanay sa maraming bagay na ayaw at gusto mo, sana'y pinigilan mo ko mahulog nang labis sayo nang napigil ko sana ang di maawat na daloy ng luha sa mga matang 'to. Pero ikaw, ikaw ang aking guro, kahit wala nang magtuturo saking muli, sapat na siguro ang itinuro ng pait, sakit at hapdi at salamat dahil sa huli... natuto na ko, na wag masanay sa mga bagay na di mananatiling sayo, HUWAG MASANAY SA MGA BAGAY NA DI NAMAN TALAGA SAYO. At sa huling pagkakataon, gaya noong unang araw na nakita mo kong nakatanaw pinagmamasdan ang indayog ng mabini mong mga galaw ay huwag mo na akong pipigilan... Dahil ayokong mawala ang gana mo sa pagsayaw Dahil ngayon, pangako, ako na lang ang kusang bibitaw.


IMORTAL NA TAUHAN SA MGA KWENTO MO

 

 

IMORTAL NA TAUHAN SA MGA KWENTO MO 

ni Donfelimon Poserio

 

Natakot akong umibig sa isang manunulat

kaya ka niyang gawing immortal na tauhan sa kanyang mga panulat

Kaya niyang halukayin ang kasaysayang masaya man o masakit 

upang isiwalat upang maibulatlat kahit ang matagal nang lihim na peklat o sugat

at asahan mong magiging isa kang tauhan sa kanyang mga aklat

At oo, umibig ako sa isang katulad mong manunulat...

Hindi dahil sa gusto kong maging imortal

na hindi mamatay-matay kahit na duguan na't puno na ng latay 

ayokong maging immortal dahil mas gusto ko pang mamatay

matapos na durugin ang puso ko sa kaliit-liitang himaymay

hindi na ako makatatagal na manatiling buhay

habang pakiramdam ko'y hindi rin naman ako umiiral

ayoko nang maging anino lang, o naaalala kapag kailangan lang

at para saan pa ang buhay kung gamit mo lang akong GINAGAMIT na di pinahahalagahan; 

At oo, hindi ko rin gustong pag-usapan pa ang mga lihim

na sugat na matagal ko na ring pinilit pagalingin

na sa dinami-rami ng ginawa kong magaling ay sa mali ka parin nakatingin 

Hindi ko gustong mabasa ng iba ang kahihiyan, pag-iwan at paggamit mo sakin 

na matagal nang nakalipas ay babalikan parin 

upang isampal sakin at ipadamang nagkamali ako!

Nagkamali ako? Tama! Nagkamali ako na mahalin ka!

At tanggap ko 'yan na maluwag sa dibdib ko,

gaya ng di ko na mabilang na pagtanggap 

sa mga "Mali ko at kasalanan." 

na paulit-ulit mong binulatlat at isiniwalat natakot ako nung una, at sinabi ko yun sayo

natatakot akong magmahal dahil hindi pa ko sigurado

At gaya ng sabi mo kaya natin 'tong harapin, 

huwag kang matakot kaya natin 'tong gapiin,

At tama ka, nawala ang takot ko kaya't inibig kita

kahit alam kong maaari lang akong maging tauhan sa iyong mga akda

ay inibig kita, at sana... 

gaya ng mga aklat mo

na mas malimit pang bisitahin, kamustahin at inaalala

ay mahalin mo rin ako, 

Kahit ang ending nito,

isa lang akong tauhan sa mga kwento mo.


ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...