DAIGDIG NG TAG-INIT
Nobela1 | Daigdig ng Tag-init
1. Uno
Samyo ng alingasaw ;
The pugad-langaw
Chum: namiko oroshi / tuna sashimi at chicharon bulaklak
Mukhang sosyal yung babae, nandidiri pa habang hinuhubaran ang inalok na bugok daw na itlog:
Babae: may matigas?!
Lalaki: isubo mo lang!
Babae: may balahibo, o?!
Lalaki: ganyan talaga!
Babae: ew!
Lalaki: anong ew? Higupin mo na!
Babae: a-alin?
Lalaki: 'yang sabaw
Lalaki: kadiree!
Narinig kong pag-uusap ng magdyowa habang kumakain ng balot.
Magandang pwesto ang napili ni Tatang, mukhang kaunti lang ang karibal, mahina ang kompetisyon. Malapit pa sa tao, pero mukhang malapit din yata sa gulo.
Ano nga ba ang aasahan ko sa lugar na ganito, ang daming lasing sa lansangan, ang daming tambay sa daan, kabilaan ang ipot ng mga kalapati at tila mauutak ang mga tao (mahirap lamangan), alam kasi nilang magtipid ng elektrisidad. Pansin ko kasi sa umaga, halos walang kumukonsumo ng kuryente, sa gabi lang talaga. Parang haunted house in christmas season na mga bahay, puros may christmas lights.
Alam ko, multo lang ang gumagala kapag hating gabi, tao nga kaya sila?
Kabilaan nga ang videoke bar: Lanao disco bar, Amihan, Carinderia del Sansala, Georgetown, Titanic alive, Sayaw-one club at iba pang bahay-aliwan, lugar lasingan at kantahan. Pero kailan lang, may isang bar na pinadlak/ pinasara ng DTI, dahil sa may kakaiba raw na raket yung mga guest relation officer (GRO) sa bar na iyon. Kumakain ng apoy, tapos ay nagpapakain nang buo sa nag-iinit na apoy, at live ang show. Binansagan ang lugar na 'pugad-langaw' sa dami ng cabaret at mamimili ng aliw. Tila agiw sa inulilang kubo ang lugar.
Mukhang napaaga ang hatid ko ng pagkain ni Tatang. At mukhang hindi pa nga niya maaasikaso ang maghapunan. Andami pa kasing mamimili. Sabay-sabay. Mabentang-mabenta dito ang balot. Lalo't kapag pumatak na ang 9'oclock hanggang 3'oclock am. Hindi nakapagtataka, andami kasing nangangailangan ng dagdag na resistensyang dulot ng mahiwagang balot ni Tatang Carling.
Ang hiwaga raw ayon kay mang Lucas (isang biyakerong hapon) ay nakapagpapatibay sa tuhod ng mga kalalakihan, lalo't higit ang mga may-edad na gaya niya na gusto pang maglaro ng apoy, jack stone, at jack en poy. Mas mura pa kaysa sa bayagra.
Pampatibay nga raw ng tuhod ang balot para sa mga lalaki. Kaya ilang beses kong sinubukan (noon) na kumain ng balot. Pero wala yatang epekto sa akin. Bagsak parin ako sa limang oras na pagluhod sa sahig na may asin, habang may librong nakapatong sa magkabilang palad (hindi nakatutuwang parusa sa amin ni inang para sa maliit na kasalanan). Apo yata sa bunbunan ni Hitler si inang. Hindi rin namin siya masisi. Paano't palagi nang mainitin ang ulo, iritada palagi sa buhay. Nag-umpisa ito noong malumpo si Tatang dahil sa isang aksidente sa talyer –mekaniko ang dating trabaho ni tatang bago ang pagtitinda ng balot. Naipit ang dalawang paa niya sa makina. Kwento ni Tatang: nasa ilalim siya ng kinukumpuning makina ng truck nang biglang dumagan ang isa pang tine-test drive na sasakyan sa kanyang pang-ibabang bahagi ng katawan. Napailalim sa tora-tora. Durog ang mga buto sa paa (na parang pusang dinaanan ng pison) kaya hayon! Hindi na nga naisalba pa maging ang batuta nitong namatayan pa ng dalawang alaga, napisa nang wala pa sa oras. Para bang nanganak nang hindi pa kabuwanan, at siguro ito na rin ang dahilan kung bakit nanlamig si nanay kay Tatang. Ni hindi na makapaghagaran-gahasa kay Tatang. Sayang nga't ni hindi na niya matutupad ang pangarap na magkaroon ng isang dosenang supling (apat na lang sana, maisasakatuparan niya na iyon, tsk! sana?! )
Sa panlalamig ng pagsasama nila ni Tatang ay halos umuusok ang ilong nito kapag nagagalit. Nananakit. Ilang beses na kaming bumili ng tabo dahil sa laging nabubutas, bali-bali rin ang hanger, ang panungkit na bakal na bumaliko sa tigas ng katawan ko. Lahat ng ito, dumadapo sa aming hindi labanos na balat. Kung anong madampot ni nanay, iyon na ang ipapalo sa amin, ihahampas, ihahambalos, ibabato, ipupukol, ibabalagbag. Salamat na nga lang at nadapa si inang sa madulas na overpass na kulay rosas (bago pa gawing berde ang lahat ng dating pink dahil sa bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)) na ang apakan ay nagpapawis. Mula sa itaas ng kulay pink na tulay-pantao ay gumulong siya paibaba. Nabagok ang ulo. Basag ang lahat ng bitbit niyang itlog. (malaki ang kalungkutang nadama namin nang kumain kami nang walang ulam)
Maraming mamimili si Tatang. Iyan na nga rin ang dahilan kung bakit hindi niya maihinto ang pagtitinda ng balot. Limang taon na siyang nagtitinda nito; limang taon na noong nawala si inang; limang taon na niyang napatunayan na hindi siya isang inutil gaya ng pinagduduldulan ni nanay sa kanya; limang taon na mula nang muling bumalik ang kapayapaan sa bahay (o limang taon pa lang namin nararanasang maging payapa ); limang taon ko nang hindi naririnig ang tsismisan ng mga kapit-bahay na bungangera nga ang nanay ko, kesyo walang kwentang asawa ni nanay, kesyo pinikot niya si Tatang noon dahil pokpok nga siya. At masakit makarinig ng katotohanan. Bukod sa totoong bungangera siya ay napatunayan ko ang isang tsismis noong bumili ako ng Bonamil at Huggies diaper sa Mercury drug doon sa isang kanto ng pugad-langaw. Nakita kong nakakandong siya sa isang lalaking nakasumbrelo, magara ang suot nitong polong Lacoste ang tatak. Hinihimas-himas ang mahaba't matigas na baril, habang si inang umuusok ang bibig, nilalaro-laro sa daliri ang mahabang stick ng sigarilyong hindi Marlboro lights ang brand, tapos ay pahalik nang pahalik (ako naman kilig na kilig). Pero matagal na iyon, noong bata pa ako. Alam kong nagbago na si nanay ( nagbago ng posisyon) kaya nga siguro kinuha na rin siya (sa wakas) ng panginoon o baka sinundo na talaga ni Lucifer ang nawawala niyang kampon.
“sayonara”, pangusong sambit ng isang dalagita sa isang lalaking pasuray-suray ang lakad sa paglabas. Makikita sa namumulang mukha ng lalaki ang kaligayahang natamo sa pinanggalingang bahay-aliwan. Aliw ang karaniwang binibigay ng mga babaeng nakaabang sa harap ng mga disco-bar sa pugad-langaw. Sila'y mga kababaihang puno ng kolorete ang mukhang pinaputi ng face powder, may chandelier ang magkabilang dulo ng tenga. Karaniwang nakalugay ang kulot o straight na may kulay nilang buhok. Mga kababaihang karaniwang nakadamit ng wala, kundi maliit na panyong ginagamit lang samin sa pukpok palayok kapag may birthday o fiesta. Sana mata na lang ang kanilang tinakpan, para hindi nila makitang nakahubad na rin sila sa suot nila. Biro nga ni Jessica sakin, sila'y karinderyang bukas para sa lahat ng gutom at nauuhaw, parang sim ng Sun Cellular 24/7 unlimited service and always open). Nakaaakit ngang hubog ng katawan, may matatayog na bukas, malusog na hinaharap. Kung hindi ako nagkakamali ito yung binabanggit sa kantang “you touch my trala-la” ano nga ba ang trala-lang gustong pahawakan sa kanta? Noon, kapag inaaway ako ng ate ko, lagi niyang panakot, “wag kang titingin-tingin sakin dudukutin ko 'yang mata mo! Gusto mo ihagis kita sa bundok ng trala-la?!” Emphasis yung 'sa bundok ng trala-la' -ibig sabihin niyon, may kinalaman ang bundok sa kantang 'you touch my trala-la'. Tulad nga ng mga kababaihang ito, may matatayog na bundok at malamang ay natural na hubog. Malabo kasing magpaopera. Alam kong mahal iyon o sobrang mahal at mayayaman o mga artista lang ang nagpapadagdag ng dibdib. At dahil sa walang ganoong halaga ang mga kababaihan ng pugad-langaw para sa dagdag na dibdib. Para magpa-opera. Pero hihirit si Jessica, “tanga! Bakit si ate Patricia nakapagpa-opera ng suso niya. Tingnan mo ang laki-laki ngayon, parang yung akin”, matatawa ako sa hirit na iyon, sa huli niyang sinabi. Pero kumunot ang nuo niya,
“bakit ka tumatawa?!”Tanong niya.
“w-wala,” pakli kong tugon (tumatawa parin)
“gusto mong makita?' Siya uli. Hihinto ako sa pagtawa. Mapapakamot ako ng ulo (masakit siyang mamatok) at hindi ko alam kung anong maaaring isagot...
“ilang minutes?” Tanong ko.
“Gago!!!” Makikita kong mamumula siya, at makikita niyang mamumula ako matapos may dumapong sampal sa pisngi ko. Magkabila.
“bakit mo 'ko sinampal?!” Tanong ko habang hinihimas ang namamaga na yatang pisngi.
“gago ka e,!”
“p-pero seryoso, operado dibdib ng ate mo?” Tila humahanga sa rebelasyong iyon tungkol kay ate Patricia. “paano?!”Usisa ko.
“a-ano daw, basta sabi niya, doon daw sa parlor noong una. May bakla raw do'n na nagtuturok ng silicon. P 100 lang. Yung silicon na pangpadagdag ng laman para tumambok o lumaki yung… Kung ano mang gustong lumaki. Yun! Pero hindi daw pinatos ni ate, may nag-offer kasi sa kanya doon sa clinic ni Mrs. Capara. Itetesting daw yung bagong paraan ng pagdagdag ng suso. Kinuha siyang tester. Pinagpraktisan. A-ayus naman daw. Tsaka ang mahalaga kasi dun e, nakalibre siya.”
Isang mahabang “aaahhh” lang ang naisagot ko. Sino nga bang aayaw sa libre sa panahon ngayong nagtataasan at nagmamahalan lahat ang presyo ng mga bilihin. Ako na lang yata ang hindi tumataas! Pero mukhang nagmamahal. Sa sinabi ni Jessica mukhang nagbago ang pananaw ko, hindi nga yata natural ang hubog ng dibdib ng mga kababaihan sa pugad-langaw. Pero hindi ko nilalahat, kasi baka magalit uli si Jessica at baka hindi niya ko pagbigyan sakaling itanong ko, “may I touch your trala-la?”
Huminto ang isang itim na sasakyan sa tapat ng Sayaw-One Club. Ford ang tatak. Halatang pang-mayaman. Bumaba ang sakay nito- isang lalaking naka-all black. Nagsilapitan agad ang mga babae ng Club sa kabababa lang na lalaki. Agad kumapit sa bisig nito ang isa. Mahigpit na kapit. Mukhang walang balak pakawalan… yung lalaki wala rin yatang balak pumalag. Buenas nga ata ang nakauna, isang malaking isda sa lambat ni Magdalena. Agad, inalalayan nito ang lalaki papasok sa kwebang puno ng patay-sinding ilaw. At sumunod ang dalawang langaw.
Bumukas uli ang pinto ng sasakyan sa bandang gilid. Ito rin yung kaninang kotse. May lumabas, isang lalaking mistisuhing naka-short lang. Matanda na, mukhang nasa 50's pero hindi halata kasi matikas ang tindig nito. Mukha ring hindi ito napansin ng mga kababaihang nag-aabang ng customer. Nag-umpisa itong maglakad, papalapit samin.
“iho, pagbilhan mo nga ko ng balot, mga lima,” agad akong tumalima. Naglabas siya ng pitaka. Makapal.
“ito po”
Sabay abot ko sa kaniya, sabay abot niya rin sakin ng isang daan. Nagbilang ako ng pera na dapat isukli sa kanya, pero hindi niya kinuha. Keep the change daw. Galante. Nagpasalamat ako. Tumango siya.
“marami na bang tao sa loob?” Tanong niya sa akin. Tinutukoy niya 'yong Sayaw-One Club kung puno na ba.
“pangalawa pa lang po 'ata kayo. Maaga pa po kasi e, maya pang bignight,” maagap kong tugon.
Alam kong iyon ang gusto niyang malaman. Hindi na siya nagtanong pa. Bago siya bumalik sa magara niyang sasakyan. May sinabi siya sakin. Yung naka-all black daw na unang bumaba, na pinagkaguluhan, na pinagkaunahan at pinagkaagawan ng mga GRO's ay driver niya.