SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sanaysay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sanaysay. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Oktubre 6, 2020

WIKA AT KALIKASANG SAPAT, PARAISONG BUKAS ANG KATAPAT

WIKA AT KALIKASANG SAPAT, PARAISONG  BUKAS ANG KATAPAT

SA WIKA NG DIYOS NAGMULA ANG KALIKASAN
Sa wika ng Maykapal naganap ang lahat!
Nang mangusap  ang Diyos sa sangkawalan...
Nalikha Niya ang langit at ang lupa (Gen. 1:1)
 At sa  magkakasunod na  anim na araw ay sinabi ng Diyos ang ganito:
Magkaroon ng liwanag;”(3)  … at naganap! 
Magkaroon ng kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. (6) …  at nangyari!  Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako. (9)  tunay na kamangha-mangha!
Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kanyang binhi sa ibabaw ng lupa. (11)  … at nagkaroon ng hininga ang daigdig!
“Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan  ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw, at mga taon; (14)   at itinakda ang bilang  ng pagdaan ng nakalipas, pagharap sa kasalukuyan at paghihintay sa kinabukasan!
“Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.  (20)  Walang magugutom!  Mga kinapal ay may kalayaan!
Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa ---  maamo, mailap, malalaki, at maliliit. (24)   balanse ang lahat!  Itinakdang komplimentaryo at magkatuwang ang magkasalungat!
“Ngayon, likhain natin ang tao Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliliit  (26) utos Niya:  Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig at kayo ang mamahala nito. (27) At silay nalikha na babae at lalake!  Nilikha silang  may iisa ring wika!
Tunay na sa Wika ng Diyos nagsimula ang lahat!  Kalikasan ang una Niyang nilikha, sapagkat dito iinog ang buhay,  ito ang pagmumulan ng kulay, ng emosyon at ekspresyon at ng panibagong paglikha, at maging ng panibagong wika.
Sagana ang sangkalupaan; walang nagmamay-aring sinuman;  Lahat ay nakikinabang.  Sa malawak  na kagubatan, kahit sino, kahit ano, maaaring manginain, maaaring mag-angkin.  Ang mga nilalang sa kagubatan, may kasapatan sa pangangailangan!
Sa walang hangganang katubigan ay makukulay at di mabilang ang mga bakawan; ang mga isda at iba pang may buhay na sa tubig namimilbi ay nakikipaghabulan sa along nilalaro ng hangin sa kalawakan.  Sinasalamin ng langit ang kanyang mukha sa nagkukulay-asul ding tubig ng karagatan.  
Walang sumapat na pakpak ng ibon upang malibot ang kalawakan.  Sa mga punong malalabay sumisilong ang mga ibon kung abutin ng pagod, ng ulan, ng init, o kung nais makipaglampungan sa mga dahon.  
At kung mauuhaw ang mga halaman at puno ay aalon ang karagatan o kayay bubuhos ang ulan upang matighaw ang pagkauhaw.  Sisikat naman ang haring araw upang magbigay-init at sasabayan  ng hanging mahalumigmig  upang malamigan.  
Sa kamatayan ay may buhay.  Magsisilbing pagkain ng mga insekto ang mga patay na hayop at magsisilbing pataba ng mga halaman ang labi nito.  Ang insektong kumain ng patay na hayop ay magiging malakas makalilipad makagagapang makalilikha ng sarili niyang mapagsisilungan.  Ang matabang lupa ay pananahanan ng mabungang mga halaman;  yayabong at tutuluyan ng mga  ibon at ng iba pang sa himpapawid ay nakikiraan.  Kailangan ng mga halaman ang kamatayan ng mga hayop na nagpataba sa lupang sa kanya ay bumubuhay; Kailangan ng hayop ang mga halamang kanya ring pagkain na pang-araw-araw. Ito ang balikang relasyon ng kalikasan;  ang maging kapakinabangan ng isat isa upang mapanatili ang sirkulo ng buhay.
PAG-ASAM SA KABILA NG  KAWALAN
Nang itinakda ng Diyos na makapangyari ang tao sa lahat,  ipinagkaloob ng kalikasan ang lahat ng  kailangan ng tao  nang walang pagtutol kahit pa ito ay nagdulot ng kapahamakan sa siyang nagbibigay ng kapakinabangan. Ngunit ang anumang inaabuso ay nauubos o kayay nanghihina at kumukupas; at sa halip na itoy muling payabungin, palakasin at pakinangin;  pinalitan ng artipisyal at ang natitirang pagkalinga sa likas na yaman ay dahil sa itoy maaari pang pakinabangan; at ang mga hindi na itinuring na likas na bunga ng pagtungo sa kawalan. 
Nang pinatag ng mga tao ang mapunong bundok at kinalbo at ipinantay ito sa kabukiran ay nawala ang sumasangga sa mga along humahampas sa mga bundok  at sumasalo sa mga ulang iniluluwa ng kalangitan.  Ang dating nakikipag-ulayaw na mga alon at ulan sa bundok ng katatagan, at pinipigil ng mga ugat ng mga punong sabik sa kanyang lamig na hatid ay tumagos sa kapatagan at nagpakita ng pagluha na nagpalubog sa mga kabayanan.
Nang hinuli ng mga tao ang mga kidlat at ikinulong ang tubig sa mga dam, nalikha ng tao ang  elektrisidad na nagbibigay-enerhiya upang paandarin ang ibat ibang makinaryang makapagpapadali at makapagpapabilis ng produksyon.  Ginawang kombinyente ang pamumuhay;  samantalang walang pagkalinga ang sa may kaloob ng luho ay ibinigay. Sa sama-sama, sabay-sabay at walang kapahingahang paggamit ng elektrisidad ay nakaramdam ng pagkahapo ang mundong sa atiy kumakalinga. Sa tindi ng init na kanyang tinitiis, nabutas ang kanyang balat na nagbibigay-proteksyon sa mga nilalang na kanyang kinakanlong. 
Kung nakuntento sana ang tao sa pamamaypay o kayat pakikipag-ulayaw sa hangin sa halip na gumamit ng aircon o lectric fan  ngunit hindi!  Kung napagtiisan sana niyang maglakad nang mahaba-haba at itoy maybunga pang pampalakas ng katawan, sa halip na umarkila ng sasakyang bumubuga ng usok na nakapagpaparumi ng hangin  ngunit hindi!  Kung napagpasyahan sana ng tao na gamitin ang kanyang mga kamay at bisig sa pagkutingting at pagkukumpuni;  ang kanyang mga paat binti sa pagpedal at paghakbang sa halip na gumamit ng mga de susi at de butones na makinarya, disin sanay marami ang may hanapbuhay  na ang lakas ng isandaang nilalang ay di makasisira ng kalikasan kumpara sa iisang makinaryang oo ngat mas higit ang produksyon,  ngunit nang-agaw ng hnapbuhay, at kumitil pa ng maraming buhay ng likas nating yaman  ngunit hindi!
Kinasanayan na ng tao ang kombinyenteng pmumuhay na  tinatamasa ngayon.  May mangilan-ngilang   marahil ay ibig humakbang pabalik, urong-sulong, ngunit parang nahihiyang magpakabayani! Pagpapakabayani ang pagtatanim ng puno.  Nakahihiyang pumulot o pamulutin ng basura.  Sakripisyo ang pagpipigil sa pamimigil ng paninigarilyo. Nakahahapo ang paglalakad sapagkat kahit malapit lamang ang pupuntahan ay nagsasasakyan.  At sa halip na gumamit ng mga kasangkapang maaari pang paulit-ulit na gamitin ay bibili na lamang ng mga kagamitang minsan lamang magagamit, bastat wala nang huhugasan, wala nang liligpitin, bagkus, itatapon na lamang.
Ang isang kislot ng liwanag ay pag-asa ng mga taong nasa gitna ng kadiliman; ang isang patak ng tubig ay dagat ang katumbas sa disyertong puro buhangin; ang liwanag na di mapigil ay nakabubulag ng paningin; ang ulang walang patid, lumulunod ng pananim at gutom ang hatid.  Kung ganito ang iyong kalagayan, pagpapakabayani ba ang  humakbang nang  pabalik? 
Pagpapakabayaning itinuturing ang pagtungo ng mga ama o ina ng tahanan sa ibang bayan  dahil naisasalba nila ang ekonomiya ng bansa mula sa mga dolyar na naipapasok nila sa sariling bayan. Kahit giyera sinusuong  ng mga OFWs, di alintana  ang sariling kapakanan, dahil diumano, may naipapakain sa pamilya, kahit pa walang katiyakan kung hanggang kailan makaiiwas sa bala.  Sa pangingibang-bayan ay may oportunidad na nakikita upang tugunan  ang pangangailangan ng pamilya.  Ang isalba ang sariling pamilya sa kagutuman ay pagpapakabayani!  Ang gampanan ang responsibilidad bilang haligi o ilaw ng tahanan ay pagpapakabayani!  
Marahil ay gusto rin nating magpakabayani upang sagipin ang nag-iisa nating daigdig!  Hanggat may panahon pa!  Hindi kailangang umiwas sa bala!  Hindi rin kailangang iwanan ang pamilya!  Ang dapat, may adbokasiya!   Di dapat mag-urong-sulong Di dapat mag-agam-agam! Huminto nang saglit.  Tanggalan ng laman ang iyong isip.  Isandal nang banayad ang sarili.  Ipikit ang i mga mata.  Huminga nang malalim.  At sa muling pagmulat ng mga mata, mungkahi ko,  manindigang ito ay tupdin:
Sampung Utos Pangkalikasan
 Ibigin mo ang kalikasan, pangalawa sa Diyos at sa iyong sarili;
Huwag kang puputol nang pananim kung walang ipapalit;
Igalang ang mga karapatan ng mga likas na yaman;
Iwasan ang pagtangkilik sa mga kagamitang ngbubunga ng polusyon:  sa hangin, sa tubig,  o sa lupa man;
Itapon ang mga basura sa tamang pagtatapunan;
Panatilihing malinis ang sarili at ang kapaligiran;
Bawasan ang pagbili ng mga di kailangang bagay;
Gawing kapaki-pakinabang ang mga bagay na itatapon na maaari pang gamitin;
Paghiwa-hiwalayin ang mga bagay na nabubulok, hindi nabubulok at maging ang mga maaari pang iresiklo;
Maging mapanuri sa pagtangkilik;  mapamaraan sa paggawa; at  higit sa lahat mapagmahal sa Inang bayan!
Ngayon ay panahon ng  teknolohiya at pag-unlad.  Panahong ang lahat ay pinadadali at minamadali.  Maging ang panahon ay pinagmamadali.  Mabilis makamit ang anumang ibig, mabilis ding pinatatanda ang buhay ng daigdig.  Isang buton lang ang kapalit, at lahat-lahat ay makakamit.  Isang buton din lamang ang ipihit at lahat ay maaaring masawi.  Hindi nga bat nang nilukob  ng isang higanteng kabute ang langit sa Hiroshima at Nagasaki, tinawag man ang lahat ng kilalang santo ay di na napigil ang pagdating ng impyerno!
Kayat ngayon pa lamang, maging handa sana ang lahat na magbago.  Magsimula kay Ako, haplusin at gisingin si Sila, at mangagkapit-bisig Tayo. Mahirap mang humakbang pabalik, kung nasisilip na sigla ng mga sanggol na isisilang ay may pag-asang muling masisilayan ang  pagbagsak ng talon ng Hinulugang Taktak at makapagtatampisaw sa Ilog Pasig; muling  mayayakap ang hanging malamig na papawi sa matinding init ng araw at mga makinaryang  nakapalibot na sa daigdig; muling maririnig  ang sagutang huni ng ibong nagpapalipat-lipat sa mga punong masaya rin namang  nakikipaglaro. Isanib sa kasalukuyan ang buti ng nakalipas sa pagtanaw na may mayabong na  likas na yaman pa sa hinaharap.
BANAL ANG WIKANG LIKHA NG DIYOS
Nang pasimula pa lamang ng pagkakalalang, kasama ng mga kalikasan ang mga katawagan kung paano ito ngangalanan:  ang liwanag ay tinawag na araw, ang dilim ay gabi; langit ang itinawag sa kalawakan, lupa sa katuyuan, at dagat naman ang kapisanan ng tubig.   Wika ang nagtakda sa lahat!  Kalikasan ang itinakda ng wika ng Diyos! Banal ang wika at kalikasan, kaloob tangi ng Maykapal!
Kaya ngat  noong unay sinamba ng  tao ang mga puno, mga hayop, mga bundok, ang araw, ang buwan, at maging ang tubig at kalawakan!  At sa kanyang pagsamba, wikang may tinig, wikang may himig, wikang nagsusumamo, wikang nagsasaya, at wikang nagdadakila ang kaloob ng tao upang ang kalikasan ay magpatuloy sa biyayang ipinagkakaloob nito. 
Iisang wika ang ipinagkaloob ng Diyos sa tao.  Tanging wika na ang Diyos at ang tao lamang ang nagkakaunawaan.  Ito ang tanging tulay kung paanong kakausapin ng tao ang Diyos, kung paano ring kakausapin ng Diyos ang tao.  Hindi ng tao sa hayop; hindi ng tao sa halaman.  Hindi rin ng Diyos sa hayop; at  hindi ng Diyos sa mga halaman.  
Sa wikang kaloob ng Diyos sa tao, bumuo ang tao ng bagong lungsod at itinayo ang Tore ng Babel.  Ang wikang kanyang ginagamit sa pakikipag-usap sa Diyos ay ginamit niyang kasangkapan upang higitan ang sa kanyay naglalang.  Sa isang iglap ay binawi ng Diyos ang wika ng unawaan!  Nagkagulo. Nagkaawayan. At ang dapat sanang tore na bunga ng unawaan ay naging tore ng kalituhan! 
Sa saganang biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, hindi niya kailangang magbanat ng buto upang palipasin ang maghapon; kalikasan ang tumutugon sa araw-araw na pagkaing nagbibigay-lakas; nagbibigay-proteksyon sa lamig at init; nagtitighaw ng uhaw; at musikang nagbibigay-aliw sa pamamagitan ng paghuni  ng ibon, malamig na haplos ng hangin, at sa pag-indak ng dahon sa saliw ng lagaslas ng tubig na malayang namamalisbis sa mga batuhan. 
Sa kabila ng kabutihang-palad na tamasa ng tao, anupat nalinlang ang tao sa wikang kanyang narinig!  Nang kausapin si Eva ng palalong ahas sa gitna ng Eden,  pinili niya ang prutas na ipinagbabawal bunga ng kyuryosidad at sariling kapakinabangan.  sa halip na makuntento  sa biyayang nasa kanya ring palad.  Tinikman ang bunga ng kanyang kapangahasan.  Ganyan talaga ang kahihinatnan, kahit pa sapat ang naipagkakaloob ni Inang Kalikasan, tila kung ang wala at bawal ay  makamtan, ay siyang masasabing dagliang tagumpay ngunit habampanahong pagsisisihan. At  ang  saglit na  lasap ng sarap, nagpalayas kay Eba at Adan sa hardin ng pangarap.
Sa maling gamit ng wika ay naguho ang  ugnayan ng tao sa Diyos.    Sa  kamit na kapakinabangang pansarili gamit ang kalikasan ay panghabang panahong pagbubungkal at pagpapawis ang kapalit.  Sa kawalan ng responsibilidad na gamitin ang wika at kalikasan sa tamang paraan, taong may sala nito ang nagdusang tunay.    
Ngunit tunay na mapagpatawad ang Diyos sa tao.  Kung noong panimulang panahon ay biniyayan ng Diyos ng iisang wika ang mga tao upang ganap silang magkaunawaan, at ang hindi wastong paggamit dito ay nagbunga ng kapahamakan at pagkakawatak-watak,  sa pagkakawatak-watak ay wika rin ang nagbuklod.  May magkakatulad na  wika ang may magkakatulad na ugali, kapaligiran,  pananampalataya  at pakikipamuhay. At may mga katawagang natatangi para sa pangkat na kinabibilangan.  Ang mga kaalaman sa uri ng isda at lamang-dagat ay karaniwan sa mga naninirahan sa katubigan, samantalang ang mga katawagang pangkalupaan ay higit na batid ng mga nasa kapatagan; gayong ang sa mga hayop at halaman ay simple lamang para sa mga nasa kabundukan at kagubatan.  
Pinatunayan ni Conant na may  pepet vowel rule ang mga Ilocano; may R language ang mga taga-Rizal; mag-alopono ang /e/ at /i/ ng Tagalog at Hiligaynon; may ekspresyong ala, eh ang Batangas, ga ang Bicol at Visayas, at bang  sa halip na ang ang mga taga-Angono.  
Kinakapitan ng san ang ngalan ng mga hapon bilang tanda ng respeto; samantalang sa mga Pilipino, marapat na may po o opo ang pagtugon kung ang kausap ay nakatatanda.  Aspirado ang /t/ ng mananalitang Ingles-amerikano kung ang tunog ay nasa inisyal  na posisyon; gayong wala itong tinig kung bibigkasin naman ng Pinoy.  Tunay, makikilala sa dila ang magkakalahing  binubuklod  ng wika.
Ngunit ang wika ay isang bagay na likas na nagpapalit-palit.  Umaayon ito sa takbo ng panahong lumilipas at dumaraan din.   Itinatakda  ang wika ng  pangangailangan ng mga nilalang at nakaagapay ito sa  kung ano ang kalakaran sa pagpapatakbo ng kanyang kapaligiran.  Hispanisado ang mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila;  Amerikanisado naman, noong panahon ng Amerikano, sabi ni Panganiban.  
Nang Hispanisado ang mga Pilipino ay  kinutab ang mga puno at ginawang santo.  Sinamba ang mga punong inanyuan na noong unat binabale-wala at ginagawang panggatong lamang.  Ang mga bagay na libre o walang bayad, nang lumaon ay binibili nang itoy maanyuan.  May kapalit na buti ang pagyukod at pag-aalay ng indolhensya. Inalayan ng mga prutas at gulay si San Isidro Labrador, kasama  ang kalabaw ng magsasaka na tila isang bayaning tagapagligtas sa kagutuman.   Panalangin ng mga mananampalataya, mas masaganang ani (na sa mga ganid at hindi sa mga Pilipino  napupunta) ang sana ay makamit.  Anupat ang lahat ng nananalig at umuusal ng wikang-panalangin,  iisa ang pangarap  ang makabalik sa Lupa ng Eden,  sagana sa lahat ng bagay; walang gutom at walang pagod, lahat ay pawang masaya  kapayapaan ay walang hanggan. Ang Bayang nilikha ng Diyos sa banal na wikang kanyang ipinangusap.
 Nang Amerikanisado ang mga Pilipino ay nagbago ang wika nito. Pinalasap ang buting dulot ng language  of convenience kapalit ng language of identity.  Dolyar  at edukasyon ang bunga ng maalam sa bagong wika ng dayuhang mapagkandili, mapagpalaya at mangingibig ng demokrasya. Ang pagpapagamit ng wika ng mananakop sa Pilipinas na kanyang sinakop ang nagpatibay sa bigkis ng mananalita sa wikang kanyang gamit.  At higit itong mapang-alipin!  Higit na matibay ang epekto ng  ilang panahong pananakop ng mga Amerikano  sa Pilipinas, gamit ang wikang kinasangkapan;  kumpara sa tatlong daang   pananakop ng mga Kastila  na nagkait ng kanilang  wika sa mga Indyo.  
Sa kabila ng ganitong kalagayan  ay may tungkulin ang wikang mapanatili ang pagkakakilanlan ng kanyang lahi, mapalakas ang pagka-ako upang mapatibay ang kakanyayahan at kagalingang pagkamamamayan.  Ika ni Dr.Pineda sa tulang Pilipino: Isang Depinisyon: 
Ilukanoy Ilukano,
Kapampangay Kapampangan
Bikulanoy  Bikulano, 
Pangasinay Pangasinan
Ang Pilipinoy Pilipino!lano, pangasina', ako'sa at pagsulat


Ang malakas na rehiyonalismo at ang matibay na pagka-Pilipino ang   pinakamalakas na sandata ng bansa upang   mapanatili ang sariling identidad.. ang sariling kaakuhan.   Binubuklod ng wikang Ilokano ang mga Ilokano; ng Kapampangan ang mga Kapampangan; ng Bikolano ang mga Bikolano; ng Pangasinense ang mga taga-Pangasinan;  at ng wikang Pambansang Filipino ang mga Pilipino.
 Malayo  na ang nilakbay ng Wikang Filipino.  Mula sa kawalan ng katawagan dito bilang wikang pambansa at masalimuot na pagpapatanggap bilang tagapagbuklod ng lahing pinaghiwa-hiwalay di lamang ng mga kapuluang binuklod ng tubig, kundi maging ng daan-daan ring wika na dito ay ginagamit,  sa katawagang Tagalog, Pilipino at Filipino, sinasalita  at kinikilala na di lamang mula sa pinakahilaga at pinakatimugang bahagi ng bansa, kundi maging sa mga kapit-bansa. 
Habang pinagkakakilnlan ng lahi ang unang wika, pinag-uugnay naman ng iba pang mga wika ang mundo.  Sa pamamagitan ng sariling  wikang nakikipag-ugnayan sa mga wika ng kalapit-kalayong-bansa,   nakilala ng buong mundo ang Pilipino; at kinikilala ng Pilipino ang buong mundo. Sa ganito napananatili ng wika ang kanyang buhay sa patuloy na pakikipagsalimbayan sa ibat ibang wikang pinatitibay ng kalikasang kanyang pinaghahanguan ng hininga at buhay.
Ang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga kalapit-kalayong mga bansa ay naghahatid sa bagong anyong Filipino.  Ito ang takda sa wika.  Ang patuloy na magbago.  At sa pakikisabay sa  pagbabago, napananatiling  buhay at nakikiayon sa sirkulo.   
ANG UGNAYANG WIKA AT KALIKASAN
Kung ang mga bagay sa paligid na nilikhaan ng katawagan ay lumilipas at nagpapanibagong sibol; at kung  maging ang tao na pangunahing gumagamit at lumikha ng wika ay namamatay, nangangawala rin ang mga katawagang panumbas sa likas na yaman, na ngayon ay halos di na rin masilayan.  Nang walang pakundangang harangan ng mga iskwater  ang mga batis at sapa upang pagtayuan ng kanilang matutuluyan, nagmistulang kanal ang daluyan ng tubig, kanal na pinagtapunan ng anumang ibig.  Umitim ang tubig. Bumaho.  Nagbara. Hanggang sa tuluyang naglaho.  Naglaho ang batis. Naglaho ang sapa.  At kapag tinukoy ang kanal, ang nasa isip ay tubig na marumi, mabaho, at nagdudulot ng sakit. 
  Hindi na kilala ang mga katawagang talon, at bukal na libreng nagkakaloob ng ginhawa at kalakasan; bagkus hinalilinan ng dam at reservoir na sa tuwing aangat o kukulangin sa timpla ng tubig ay nagdudulot ng kaba.  At ang bawat patak, may presyong katapat.  Kung walang maipambayad, dilat sa gutom at uhaw ang mararanasan.   Simple ang pahiwatig sa itaas.  Naglalaho ang katawagan ng mga nangawawala ring kalikasan.  Kung nangawawala ang kalikasan, magbubunga ng kasalatan.
Masasalamin ang pahiwatig ng Diyos sa tao.  Para sa tao ang wika.  Para sa tao ang kalikasan.  Tao ang mangangalaga sa wika.  Tao rin ang mangangalaga sa kalikasan.  Kung wika ay mapababayaan tao ang may responsibilidad.  Kung kalikasan ay mapababayaan tao rin ang may likha ng kapahamakan.  At kung suliranin ay kakaharapin,  tao rin  ang papasan ng krus ng kasalanan. 
At sapagkat nilalang ang tao na di lamang bibig at sikmura ang taglay;  kasama sa arkitekto ng pagkakalalang sa kanya ang pagtataglay ng dalawang kamay, dalawang mata, dalawang butas ng ilong, dalawang tenga, dalawang paa, dalawang hemispera ng utak at isip at pusong  titimbang  sa mabuti at masama; maliwanag at madilim, maliit at malaki; masarap at mapait; malungkot at masaya.
Sa uganayang tao at kalikasan, ang taong makapangyayari sa lahat ay huhuli ng isda na kanyang kakainin upang siyay maging malakas;  kung siyay malakas na ay maaari niyang diligin ang mga halaman, tistisin ang mga puno at pangalagaan ang mga hayop.  Ang mga puno at halaman ay magkakaloob ng hanging mabuti sa katawan at bungang magbibigay-nutrisyon sa kaninuman.  Sa mga hayop matatagpuan ang iba pang pantuwang upang malunasan ang gutom.  Sa pagtutuwangang ito, mag-uusap ang mga tao kung paano pangangalagaan ang lahat.  Kung mag-uusap, wika ng unawaan ang gagamiting kasangkapan.  
Ganyan din dapat maging balanse ang wika at kalikasan; dalawang pananaw ang nararapat na  tingnan: pananaw-wika at pananaw-kalikasan.  Kung pananaw-wika ang titingnan, marapat na sapat ang mga katawagan at tuntunin sa paggamit at pangangalaga ang kailangan.  Kung may pagkilala, marunong   gumamit, kung may karunungang gumamit, marunong dapat na magmalasakit.  At kung pananaw-kalikasan ang sisipatin, hindi lamang ang biyayang dulot nito ang nararapat na tingnan;  kundi maging ang epekto ng  lakas ng taong sa kanya ay itinakdang mangalaga.  Ang epekto ng dalawang kamay, dalawang paa, dalawang mata, dalawang butas ng ilong , dalawang hemispera ng utak, at tagapagbalanseng puso at isip na taglay ng tao.  Ang buti kayang dulot ng kalikasan sa tao, ay buti ring dulot ng tao sa kalikasan?   Sapagkat kung hindi,  ang kakulangan ng pananaw sa isa, ay magdudulot ng panganib sa dalawa!  Sa kalikasang nagkakaloob ng pangangailangan!  At sa taong may sapat na isip na siyang binibiyayaan nitong kalikasan.  
Wika ang isa sa mga dahilan kung paano pangangalaagan ang kalikasan, Dagdag ang mabuting puso ng nilalang at tamang pagpapahalagang sa kanya ay naikintal, walang imposible sa  dakilang layuning muling matamo ang balanseng biyaya ng kalikasan. Ang pagpapahalaga sa pangangampanya upang magkaroon ng wasto at sapat lamang na paggamit at makatotohananag pagmamalasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng wikang unawa ng lahat,  mawawala ang kamangmangan; at ang mga bagay na di alam o di inaalam ay tiyak na mapagkakasunduan.  At dahil may pagkakasundo, maaari nang mangarap na makakamit muli ang paraisong bukas. 
Huwag ring kalimutan na tanging Pilipino ang magmamalasakit sa likas na yaman ng Pilipinas, ipanalanging kamtin natin ang masaganang bukas.  Kaya sa tinatangi ring wikang alam ng lahat,  nawa ay tumimo sa bawat puso, ang panata ng isang Pilipinong may pag-ibigs a bayan, sa wika at sa kalikasan:
Panata ng Makabayan sa Matapat na Pangangalaga ng Kalikasan 
(hinalaw sa Panatang Makabayan)
Iniibig ko ang Kalikasan,
Ito ay aking iingatan;
Ito ay aking pangangalagaan;
Akoy kanyang binubusog at pinasisigla
Upang maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang.
Bilang ganti ay iiwas akong pumutol ng mga puno at halaman kung walang kapalit na pagtatamnan;
Pangangalagaan ko ang mga hayop at insektong kapaki-pakinabang;
Tutuparin ko ang pag-iwas sa paggamit ng styrofor at mga kagamitang nakabubutas sa mga ulap at kalangitan;
Paglilingkuran ko nang walang pag-iimbot si Inang Kalikasan ;
Sisikapin kong maging kasangkapan sa pagpapanatiling malinis ng kapaligiran, sa isip, sa salita, at maging sa gawa.
Harinawang isang masagnang bukas ang sa ating lahat ay naghihintay.

 Author: Unknown

PAGSUSURI NG MGA TULA

Pagsusuri ng mga tula

ni Reymond Cuison

ABF III-I


Ipinasa kay

Prof. Rogelio Ordoñez

(1)

“Sa Dagat Ng Apoy Ng Mga Bendita”

 sa wordpress.com na plumaatpapel ni Rogelio L. Ordoñez (2007)(Tula)


Sa dagat ng apoy ng mga bendita

tayo’y magmimisa…

habang iniluluwa  may lasong ostiya

sa mga simbahan at mga kapilya

ating itataas  kalis na bungo

at bubusan ng sariwang dugo

santong rebulto at mukha ni kristo. 

sa dagat ng apoy ng mga bendita

tayo’y magmimisa…

pulpito natin ang puso ng masa

bayaang magsermon tabak at pulbura

papagkumpisalin lahat ng may sala

piliting lumuhod ang pari at mongha

pahaliking lahat sa paa ng indio

himurin  sugat ng mga anino.

sa dagat ng apoy ng mga bendita

titipunin natin namuong luha ng mga kandila…

bawat estampita’t mga kandelabra

sa altar ng dusa

butil ng rosaryo sa mga sakristiya

mailbag na kalmen sa dibdib ng masa

at bibliya ng pera 

ipambabala sa nalikhang kanyon

ng pakikibaka. 

sa dagat ng apoy ng mga bendita

bayaang  bungo’y mabiyak

habang nagmimisa…

isabog  dugo at utak sa mga kalsada

sa bukid at lungsod

sa burol at bundok

sa lupang binaog

ng salot na krus ng ubaning santo

at ng mga ganid sa mga kumbento. 

sa dagat ng apoy ng mga bendita

tayo’y magmimisa…

bendisyon ng tabak at koro ng bala

himno ng pulbura’t mga dinamita

wawasaking lahat mga bartolina

ng layang kinulong ng puting demonyo

at magbabanyuhay lahing Pilipino. 

sa dagat ng apoy ng mga bendita

dadasalin natin marahas na nota ng pakikibaka…

di na tayo luluhod na muli

habang nagmimisa

upang maglagablab  mga bulaklak

upang  amiha’y humalakhak

upang  talahib ay umindak

at sa basbas ng ngitngit ng lintik

iwawagayway natin  nagdurugong bandila

sa bawat dampa ng mga inalila

bawat luha’y magiging punglo ng paglaya! 


/ Sunday Inquirer, Enero 25, 1995

Ni Prof. Rogelio Ordoñez


(Pagsusuri)

Muling bumalot ang kahindik-hindik na pagmamani-obra ng mga bendisyon ng mga Kato(k)lisismo, mula sa planadong Messia hanggang sa alagad niyang nagpapakalat ng Pinabuting balita. Ilang dekada nang tumanggap ng benipisyo ang mga kaparian; ilang dekada nang umuulit ang siklo ng pagpapalaganap at pambubulag; ilang dekada nang umiinit sa kamay ng simbahan ang tinangang paniniwala sa mga Santo’t espirito na patuloy na nagmumulto sa isipan ng mga tao, ang pinabanal na larawan, pinabangong pangalan,at dinakilang kapanyakan ng kanilang hinirang…

Sa “Sa Dagat na Apoy ng mga Bendita” inilabas ng may akda ang sigaw ng rebolusyon. Sinangkutsa ang mga pinabanal na katawagang pansimbahan at hinalo sa maanghang na pag-aalsa. Dito’y nanaig ang simbolismo’t rasyunal na pagtingin, gaya ng ilan:  Ang pagluluwa sa may lasong ostiya na simbulo ng pagtanggi at pag-papalagay sa masamang dulot ng pagkain ng ganitong paniniwala; Ang pagtaas ng kalis na bungo at pagbuhos ng dugo sa santong rebulto at mukha ni kristo na maaaring pagpapakita sa  mukha ng katotohanan ukol sa pagpaplano ng mirakulo ng pagpapanggap; Pulpito ang puso ng masa gayong lubos ang panggagamit ng simbahan sa lipunan ay ba’t di naman papaghariin ang damdamin ng masang lumalaban; papagkumpisalin at paluhurin mga pari at mongha palabasin sa panty ng panginoon ang nagkukubling mga alagad ng pinabuting balita, sa gayon mabigyan man lamang ng hustisya ang hindi mabilang na pagkakasala ng mga ito sa bayan/ sa lipunan- ilang nobela kaya ang mabubuo sa buhay ng bawat isang kaparian; Estampita’t mga kandelabra sa altar ng dusa,butil ng rosaryo, malibag na kalmen at bibliya ng pera ang ipambabala sa nilikhang kanyon ng pakikibaka, itaboy pabalik sa kanilang mukha ang instrumentong kanilang pananggalang, na patuloy ibinambubulag sa lipunan; krus ng ubaning santo ilang libong taon ng naghihintay ang pinaasang kaluluwa, sa langit hindi malamang makita si pedrong may tangan ng susi sa pangakong mansyon sa kalangitan, pagkat naririto pa siya sa lupa, nagsasabong; ang layang kinulong ng puting demonyo  bantad ang pagbabawal ng simbahan sa simpleng kalayaang nagpapakita raw ng kaimoralan, simbahang hindi nagbabayad ng buwis, simbahang may sungay na sa politikang usapin, ang pagbabalatkayo ng mga may akda ng kaputian ay nawa’y matanggalan ng maskara nang malantad sa masa ang likas nilang bunto’t at sungay; at ang ilan pang halimbawa ng mga ginamit na simbolo sa tulang ito’y nagpapakita ng paglaban sa mahiwagang bendisyon ng pananampalataya.

Bakit hindi ang pag-aalsa? Gayong ilang libong taon na tayong minumulto ng mga anito; ng mga santo, ng mga papa’t pari sa mga kapilya’t kumbento; at matatakot nga tayo sa kaparusahan ng hindi pagsunod sa mga ito. Matatakot muli sa multong gawa-gawa rin lang ng malikhain, mapanlinlang na kaisipan… ngunit hindi mananatiling bulag ang mga tao, sasaan pa’t makikita rin ang pagbabalat kayo ng mga benduho, ng mga banal, ng mga kapariang negosyante at kriminal. 

Nalunod na tayo sa kanilang taktika, at mula pagkasilang itinuturok na satin ang bakuna ng Pinabuting balita, pagbabayad natin ng utang na loob sa pagpapakilala nila sa atin ng nag-iisang Messia ay pag-iimpok naman nila ng masaganang benipisyo’t salapi sa kaban ng kanilang bilbil at bulsa. Hindi nakapagtatakang kung sa pagtatantya ay umabot ang pera ng simbahan noon sa $8,000 million, at sa kasalukuyan ay $35 billion na. napakalaking halaga para sa bansang Pilipinas na patuloy sa paghihikahos. Subalit anong gagawin ng simbahan sa salaping ito. Baka iyan na mismo ang ipambili nila ng mansyon sa langit upang ang mga kaluluwang ilang dekada ng naghihintay kay san pedrong may tangan ng manok at susi ay hindi na magdarasal ng mararahas na nota ng pakikibaka… 


(2)

Kung ang tula ay isa lamang”

Ni Jesus Manuel Santiago


(Pagsusuri)

Ang tula ay damdaming nakapaloob sa mga piling salita. Sinasabing ang tula ay maaring masulat na ‘sang upuan lamang, sa madaling salita’y  madaling gawin. Ayon nga kay Alexander Sinitsit kapag nakasulat ka ng tula ay para ka lang isang batang nang-aagaw ng laruan sa kapwa mo bata, kapag nakasulat ka naman ng isang kuwento ay para kang mandurukot o snatcher, pero kapag nakasulat ka ng isang nobela para ka ng Bank rubberier.  Pero hindi lahat ay ganito ang pagtingin sa tula. Ang tula ay isang uri ng ating mayamang panitikan, masarap man o manibalang ang lasa ay isa paring obra. 

Ngunit paano nga kung ang tula ay isa lamang pumpon lamang ng mga salita? Gaya ng paksain sa tulang ito, “ kung ang tula ay isa lamang” sa unang linya palang sinabi na kung ang tula ay pumpon lamang ng mga salita ay mabuti pang bigyan na lang siya ng isang taling kangkong o bungkos ng mga talbos ng kamote na sa kung saan lang tumutubo ngunit mas makabubusog sa kanyang tiyan.

Ang ganitong mambabasa ng tula ay uhaw sa karunungan at gutom sa kaalaman. Gayon nga’y ang sikmurang gutom ay walang ilong at mata. Kaya’t hindi mapanglililo ng mga mababangong salita, magagarbong taludtud at mahuhusay na paghahabi ng wika. Masarap ngunit hindi nabubusog.

Anong damdamin nga ba ang makapupukaw sa bayan? Binubulag ng sistema ang mga tao, kaya’t  kay husay at mangyaring mabuhay ang mga tulang naglalantad ng katotohanan, lumalaban sa inhustisya at nagmumulat sa piniringang mata ng masa. Sa tulang, “ Sa Napakaingat na makata” ni Prof Rogelio Ordones ay may puntong: ang makatang nagtatago ng katotohanan at takot na magpalaganap nito’y walang kahihinatnang manunulat, walang lugar ang karuwagan sa isang mahusay na manunulat. Maraming sakit ang lipunan, maraming suliranin ang lipunan, maraming dapat na ihayag, patotohanan, at iulat sa bayan. 

Kaalinsabay ang sustansyang hinahanap sa isang magaling na tula. Mensahe ang pinahahalagahan ng isang manunulat, bagamat nakatutulong rin ang porma sa kasiningan ay hindi ito ang dapat mamayani. Yung mensahing mananatili o uukilkil sa kaisipan ng mga babasa. Yung mensahing may sustansyang hindi basta basta lang mawawala sa gunita. Yung mga tula sa pag-ibig o romansa, tumatagal ba sa panahon? Hindi. Parang making love rin, saglit lang. subalit ang mensahing maglulunsad ng pagbabago, ng pagkamulat, ay mananatili hanggat ang lipunan ay may sintomas ng ganitong sakit.

 Lunsuran ng masustansyang tula ay ang mayamang minahan ng brilyante ng karunungan -ang masa. Para sa mambabasa kung bakit tayo sumusulat, at ang kalakhang mambabasa ay ang karaniwang masa. Sa gayon ang bawat tula ay hindi na isa lamang pumpon ng mga salita. Mas malinamnam pa sa anuman, makakain, malulusaw sa tiyan, ngunit hindi ilalabas ng butas sa puwetan.



Kung ang tula ay isa lamang

Ni Jesus Santiago


Kung ang tula ay isa lamang 

pumpon ng mga salita, 

nanaisin ko pang ako'y bigyan 

ng isang taling kangkong 

dili kaya'y isang bungkos 

ng mga talbos ng kamote 

na pinupol sa kung aling pusalian 

o inumit sa bilao 

ng kung sinong maggugulay, 

pagkat ako'y nagugutom 

at ang bituka'y walang ilong, 

walang mata. 

Malaon nang pinamanhid 

ng dalita ang panlasa 

kaya huwag, 

mga pinagpipitaganang makata 

ng bayan ko, 

huwag ninyo akong alukin 

ng mga taludtod 

kung ang tula ay isa lamang 

pumpon ng mga salita.


(3)

“MAGIC”

Ni Prof. Arlan Camba


ibinistay sa ilusyon

ang nagitlang mga mata;

haka-hakang kinabaka

ng magulat sa dalumat

ang bigla mong pagkawala,

'di mahanap sa apuhap

kung saan ka nagpunta

'di makita sa hinagap

ang nadurog na gunita


'di ka man lang nagpaalam;

nang humilam sa paningin

ang biglaang pagkaparam

huwag naman...

huwag naman...

nakatitik, nakatatak

sa lapida ng labanan

sumipot kang sementado

sa loob ng isang dram!


(Pagsusuri)

“MAGIC”

Ni Prof. Arlan Camba


Mahika ng pagkawala. At sa pagkakataon na ito hindi kulay ng matatamis na ngiti ang kinukunla ng bawat salita, hindi muna ang pagkamangha. Kundi ang limos na awa. Muling umukit sa aking balintataw ang pagkawala ng isang kilalang babae – si Ruby Rose Barameda, matapos ang dalawang taong  paghahanap ay natagpuan sa loob ng dram, nakasimento. Isang karumal dumal na pagpatay, isang krimeng patuloy na nagaganap sa lipunan. Sa mga inusenteng buhay na tinutultukan ng mga maiitim ang budhi, ng mga walang sinasanto, ng mga demonyo ang pagkatao.

Sa mga pagkakataong naaalala ko ang pagkawala ng ilang mga kababayan, sa panahon pa ng rehimeng Marcos sa panahon ng batas Militar. Ang mga hanggang ngayong hindi pa nahahanap na mga Desaparacidos, na parang mahika rin, nawala, walang bakas, walang ibang alingasngas na narinig na tila may kung anong hokus-pokus ang gamit ng mga mahikero upang maglaho na lang na parang bula ang mga buhay.

Ang tulang itong nagpapaalala sa kung paano nagiging mapait ang mga pangungulila. Matapat sa kaisipan. Payak at madaling maunawaan ang damdaming nakapaloob.  Sumasaglit sa isip ko ang tulang “Sa Bayan ni Juan” ni Prop. Ordones tungkol ito sa mga nangyayari sa mga taong makabayan na lumalaban para sa bayan na isalampak-bugbugin, pahirapan, kaladkarin, pahirapan, at pagsamantalahan sa bayan ni juan ay hindi parin nawawala sa lipunan, pauli’t ulit. Iba’t iba lang ang dahilan, iba’t ibang pagkakataon.


(4)

“SONA Noon at ngayon sa Republikang mamon”

Ni Prof. Rogelio Ordoñez

(Pagsusuri)

Bagong kasaysayan ang gumuguhit sa bansa sa pagbabago ng administrasyon.  

Isang salitang “SANA” ang nilalaman ng tula. Matipid ngunit nandoon  ang damdamin ng paghahangad sa tunay ngang pagbabago, ng tunay na daang hindi baliko, ng hindi pagdaan sa dating daang binago lang ang katawagan at ginawang ‘Tuwid na daan’. SONA ngayon? Naganap ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong  Benigno Aquino III noong ika-26 ng Hulyo, 2010 sa Sandigan Bayan. Naging maditalye ang paghahain  ng pangulo sa  imbentaryo para sa kasalukuyang kahaharapin; ang naipamanang problema at ang mga tagong iregularidad ng nagdaang administrasyon.

Saan na nga ba tayo? noong nakaraang administrasyon ay kumakalat ang mga linyang, “Ramdam na ang Kaunlaran”. Bagay na hindi masakyan ng masa, sapagkat hindi naman pag-unlad ang naranasan ng mas maraming pilipino kundi ang lalong paglala ng kanilang sitwasyon, ang pagkakalugmok sa kahirapan.  

   Nagkaroon nga ba ng pag-unlad? Marahil hindi nga isang panlilinlang ang patalastas sa telebisyon na umangat ang GNP. Kaya nga marahil nagngangalit ang kuponan ni dating pangulong Arroyo Sa mga nasabing katiwaliang naganap sa kanyang pamumuno; wala raw sapat na batayan ang mga akusa ng pangulo, isa raw na gimik ang litanyang nabanggit at  walang katotohanan ang mga naglahong pananalapi ng bayan, ang mas lumaking 196.7 billion na utang, ang  hindi naabot na kuleksyong tinatayang 23.8 billion pesos, at ang nagastos naman na lumampas na sa kaukulang budget para sa taong 2010. Magkano na lang ang pundo ng pilipinas?  Hay,  kung tatanungin kaya natin ang pangulo na may lie ditector na nakakabit sa kanyang bunbunan ay sasagutin niya kaya ang tanong kung saan napunta ang pera?  (kung tulad ng karaniwan ay hindi siya magsabi ng katotohanan, lagyan natin ng kuryente yung kable ng lie ditector!) kung nakatira kaya kami sa distrito ng Pampangga masasagot ko kaya ang aking katanungan? Naglagak daw kasi  doon ng malaking pundo ang dating pangulo. Kung doon nga ako nakatira sakaling bumagyo nga bigla ay hindi kami masyadong maaapektuhan di tulad noong panahon ni pepeng  at ondoy na nariyang nalubog ang lahat ng damit namin, nawalan ng makain, at natulog ng basa!  At nakainom ng malaputik na tubig ng NAWASA? Ayos na nga yung maputik na tubig kaysa sa wala talaga sa kabuuan na mainom na tubig galing sa NAWASA?  At ang ilan pang nakaririnding balita ng mga hindi marapat, at makatwirang  proyekto ng dating rehimen, ang priority safety project; ang mga piling piling nakakuha ng benipesiyo na hindi yata kabilang sa mga midnight appointies; ang katiwalian sa masunuring NAPOCOR; ang pagbili sa naluluging operasiyon ng MRT, ang pundo ng NFA at ang ilan pang pahimakas ng maling kalakaran… 

Ang mahalaga daw ngayon ay kung saan tayo dadalhin ng bagong rehimen, ano-ano pa ang mga inaasahang tugon sa lumalalang krisis ng ating lipunan?  Marahil kung maihayag nga ng may pagmamahal sa bayan ng bagong Truth Commision sa pangunguna ni Chief Justice Hilario Davide, ang  mga katiwaliang ito, baka sakaling maging mas maayos ang bayan kahit papaano… magkaroon ng pagbabago, na  kukonti na kahit papano ang mga tiwali!  Nasa mahusay na layunin naman si P-noy , na pabor sa karamihan, na pabor sa interes ng mga mamamayan… sa gayon walang dahilan para hindi tayo umangat. Kung magtutulungan talaga, una sa pagiging tapat ng namumuno at sunod-sunod na ‘yan. 

Ang mahalaga ngayo’y kung paano bibigyan ng sulosyon ng pangulo at ng kanyang rehimen,  ang mga nasabi/nabanggit na suliraning kinakaharap natin.  Parang nanuod tayo ng teleserye na pang primetime sa SONAng naganap,  yung tipong aabangan natin ang susunod na eksena? Ano kaya ang mangyayari sa bayan? Sa pilipinas? Hindi kaya magbago ang pangunahing tauhan, sana hindi nakabase sa kung anong iscript lang ng mga writers at director ang masunod, ang maging batayan ng kanyang pamamalakad. 

Sana’y magkaroon nga ng tuwid na daan sa bagong administrasyon, sa gayon ay maiahon naman ang lumpong pagkatao ng mga pilipino. At masabi natin ng taas noo sa mundo na ako. Ako ay ang umuunlad na Pilipino. Sana.

  Sa unang SONA ni P-noy may pagkakaiba ba sa ilang SONAng narinig na natin sa mga nagdaang pang(g)ulo ng pilipinas na naghain ng kanilang  mga pangarap, plano, at paraan kung paano uunlad sa kasadlakang kinakaharap ang pilipinas.  Sana hindi lamang pagbabalat kayo ang mga pahayag, magaling sa pagkuha ng damdamin ang bagong pangulo. Sana naman matupad ang mga pagbabagong nabanggit sa kanyang Sona. SANA. Sana nga’y hindi natin malaman na ang pang-uuto na ito sa atin ng administrasyon ay  hindi isang taktikam ng muling pambibilog lang sa mukha ng Republikang mamon.


(5)

O, Inang Kalikasan

-Anthony Barnedo

Jan. 6, 2008


Ninais kong umakyat ng isang mataas na bundok

Umiiwas sa nakakaasiwang maitim na usok

Manatili sa paraiso't punan ang pagkasabik

Sa Inang Kalikasan na maaaring makahalik.


Ako'y tutungo sa isang napakadilim na daan

Lilisanin ang naghihikahos at mahal kong bayan

Maglalakbay para sa hinahangad kong katuparan

Marating ang magandang pisngi ni Inang Kalikasan.


At nakita ko ang liwanag sa isang hatinggabi

Tila alitaptap sa kabundukan ay humahabi

kamangha-mangha pagsalubong, ito'y di ko mawari

O, Inang Kalikasan, Paano nga ba ito nangyari?


Ako ay di mapangiti sa pagsapit ng liwanag

Itong aking natatanaw ay sadyang kahabag-habag

At sa gitna ng kabundukan, 'tong puso'y nabagabag

O, Inang Kalikasan, Ito ba ang iyong tugatog?


Kasuklam suklam na larawan itong pinagmamasdan

Ganito na ba ang tao sa kanyang sarili bayan

Naglalakihang istraktura't sangkaterbang tahanan

Nasaan na ang kagubatan, O, Inang Kalikasan.


(Pagsusuri)

O, Inang Kalikasan 

Ni Anthony Barnedo

Isang Tula para sa kalikasan. Pag-aalay at pagninilaynilay sa kapaligiran, napapansin kaya natin ang pagbabago nito. Ang wagas na pagmamahal ng isang manunulat sa kanyang kalikasan ay nakagagalak na pakinggan, kahit papano’y ang batid niyang may malaking gampanin ang tao sa kanyang tinitirahan. Kung ilalarawan natin sa isipan  natin at sa dadamahin ng ating puso ang paghihirap ni inang kalikasan ay maririnig natin ang kanyang daing. Ang pagsasamantala ng mga tao, lalo na ang mga ganid na kapitalistang ginawang pagkakapirahan ang likas nating yaman, higit ang pabubukas ng mga namumuno sa lipunan ng 100% pag-aari ng mga dayuhan. Ang pilipinas ay nagiging  bakasyunan na lang ng mga dayuhang may pag-aari dito. Ngunit ang karamihang Pilipino ay wala man lang sariling lupa sa pilipinas. Sino ba ang dayuhan, tayo ba o sila? Mas malawak kasi ang magmamay –ari nila sa lupain ng mga Pilipino.  Na nagiging daan naman ng malawakang pagkaubos, at pagkasira ng ating likas na yaman, n gating kapaligiran.

Ang pagwawaldas at pagkamkam sa mahahalagang yaman nito at pagyurak sa natural na kagandahan ni Inang Kalikasan. Ang patuloy na illegal at legal na pagpuputol ng mga puno. Hindi man uso ang kalbo sa ating henerasyon ay walang magawa ang kabundukan. Patuloy at patuloy ang pagkalbo sa mga ito. Gayun din ang pagsusunog ng  daing luntiang kaparangan,  gayun parin upang gawing hasyenda ng mga ganid sa salapi, at upang patirhan lang ng kanilang mga alagang mga hayop (livestock) , kung alam lang nila na ang livestock na ito ang pangunahing  dahilan ng global warming o 70%  sa kabuuang maliban sa mga pulusyon, usok at paggamit ng mga may C0C gas na nakabubutas n gating ozone. Ang pagtatapon ng basura ng mga responsableng Pilipino sa mga ilog at karagatan ay siyang tagapagsira ng ating yamang tubig, higit lalo na kapag may Oil spill sa karagatan, patay lahat ng mga hayop. Kung ikokonekta lang natin lahat ng mga pangyayaring o ang mga suliraning kinakaharap natin ay makikita natin na ang tanging may dahilan nito ay ang mga Kapitalista, ang mga Negosyanteng salapi lamang ang  mahalaga sa kanila.

Ang pagmamalasakit sa kapaligiran ay magandang bagay. Gaya ng tulang ito, na siyang pagmamalasakit sa Inang kalikasan.


Linggo, Oktubre 4, 2020

"MAGHIHINTAY AKO SA MULI NATING PAGTATAGPO"

"Maghihintay ako sa muli nating pagtatagpo"


"Kung talagang para sa iyo ang isang tao, mawala man siya sayo nang mahabang panahon, magkikita parin kayo... kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang hindi dapat," donfelimonposerio
Nagkahiwalay tayo dahil mali ang sitwasyon, dahil hindi tayo dapat magsama. Alam nating ganun ang mangyayari mula pa noong una – pero ipinilit natin ang kagustuhan ng isa’t isa. Nagpakahulog tayo sa ating nararamdaman, hindi pinakinggan ang pagbabawal ng lipunan – dahil sabi natin sa isa’t isa – handa natin itong ipaglaban… basta mahal mo ko at mahal kita, basta magkasama tayong dalawa.
Umasa akong ganun nga ang mangyayari. Pinanghawakan ko yun. Itinanim sa isip ang pangakong di man sinabi ng ating bibig ngunit ipinangako ng ating mga puso. Nagbigay sakin yun ng kasiyahan, ng inspirasyon para maging masaya ang bawat umaga, maging kumpleto ang bawat araw na daraan. Naalala ko ang bawat madaling araw na tutunog ang alarm ng cp ko, 4am -magigising ako, hudyat para tawagan kita at gisingin na rin. Magkahiwalay man tayo, magkaiba ang lugar ngunit parang ang kilos mo at kilos ko ay iisa. Sabay nating ginagawa ang mga bagay kahit hindi tayo magkasama. Hanggang sa paglubog ng araw parang walang distansyang nakapagitan sa ating dalawa, hihigang muli, pipikit, iisipin ang isa’t isa. Magtatagpo tayo sa panaginip at doon ay nagiging malaya tayo. Walang iniisip na mapanghusgang lipunan. Walang hahadlang. Puno ng kasiyahan. Uupo tayo sa lilim ng punong mangga, magkahawak kamay at iisa ang musikang ating pinakikinggan. Pinagmamasdan kita habang nakapikit ka, di mo ko mapapansing nakatitig lang sayo… kinakabisado ko ang hugis ng iyong mukha, ang ayos ng iyong buhok, ang kabuuan mong larawan. Nais ko na kahit sa aking pagpikit ay makikita ko ang maamo mong mukha. Dahil alam kong sa ating pagdilat, magigising tayo sa panaginip, gigising muli ang pangunggulila.
Mahirap para sakin ang kalagayang hindi ko maaaring sabihing akin ka, o ipagmalaking minamahal din ako ng taong pinakamamahal ko. Dahil kahit na nais kong isigaw nang malakas, nang maririnig ng lahat na “Ikaw ang pinakamamahal ko, na masaya ako dahil kasama kita.” Oo, masakit isiping hindi ko ito magagawa. Hindi ko maaaring gawin ang lahat ng ito dahil nga mali, dahil nga hindi maaari.
Alam mo bang gusto kitang ipinta o gumuhit ng larawang doon ay magkasama tayo –para kahit papaano may titignan akong larawan natin. Dahil sa ayaw mo namang magpakuha ng litrato na kasama ako, dahil takot kang baka may makakita nito. Gusto kong maging makasarili at sabihin sayong, “Hayaan mo na nga sila! Wala naman silang pakialam satin e,” pipilitin kitang wag na lang intindihin ang lipunang mapanghusga pero hindi pwede. Alam kong hindi ka makikinig. Ang hirap ng ganito na nagtatago tayo sa mundo dahil lang sa di tama ang ganito o hindi pwede ang ating gusto.
Patawad. Patawad kung napapansin mong nagiging insenstitive ako, siguro dahil nasanay lang ako sa naging sitwasyon natin, bigla na lang nawawalan ako ng reaksyon, nagiging masyadong tahimik sa tuwing may ibang taong nasa paligid nating dalawa, o sa tuwing lagi kitang tinatanong kung masaya ka ba, kung di ka ba nahihirapan, kung kaya pa ba nating panindigan... Alam kong naiirita ka sa mga tanong ko, kaya noong minsang nagtampo ka sakin, ibinalik mo ang mga tanong na yan, "Ikaw! kaya mo pa ba akong panindigan?!" sabi mo sakin. Naghintay ka ng sagot pero wala kang nakuhang tugon. Nasa isip ko nung mga panahon na yan -mahirap ang sumagot, mahirap ang magbitaw ng pangako, dahil madalas tayo nitong binibigo, dahil na rin sa mga di natin kontroladong sitwasyon o hindi inaasahang pagbabago. Sabi ko, "Maghihintay ako, hanggang maging tama na ang mali o maging tama na ang hindi maaari." hindi ko na hinintay ang reaksyon mo. Tumalikod ako. Tumalikod ako upang humarap sa panibagong yugto ng paghihintay. Malayo man tayo sa isa't isa, malayo sayo, malayo sa paningin ng kinaiinisan nating lipunang mapanghusga. Ang mahalaga, may pinanghahawakan ako.
Kaya ngayon, hanggang di pa naitatakda ang ating muling pagtatagpo, araw-araw akong uupo sa krispy kreme at gagawin ang naipangako ng aking puso, "Maghihintay akong may pananabik, hanggang sa muli mong pagbabalik."

Biyernes, Oktubre 2, 2020

MESSIA

Messia
(Sanaysay)

Muling bumalot ang kahindik-hindik na pagmamani-obra ng mga bendisyon ng mga Kato(k)lisismo, mula sa planadong Messia hanggang sa alagad niyang nagpapakalat ng Pinabuting balita. Ilang dekada nang tumatanggap ng benipisyo ang mga kaparian; ilang dekada nang umuulit ang siklo ng pagpapalaganap at pambubulag; ilang dekada nang umiinit sa kamay ng simbahan ang tinangang paniniwala sa mga Santo’t espirito na patuloy na nagmumulto sa isipan ng mga tao, ang pinabanal na larawan, pinabangong pangalan,at dinakilang kapanyakan ng kanilang hinirang…
Sa “Sa Dagat na Apoy ng mga Bendita” ni Prof. Rogelio Ordoñez inilabas ng may akda ang sigaw ng rebolusyon. Sinangkutsa ang mga pinabanal na katawagang pansimbahan at hinalo sa maanghang na pag-aalsa. Dito’y nanaig ang simbolismo’t rasyunal na pagtingin, gaya ng ilan:  Ang pagluluwa sa may lasong ostiya na simbulo ng pagtanggi at pag-papalagay sa masamang dulot ng pagkain ng ganitong paniniwala; Ang pagtaas ng kalis na bungo at pagbuhos ng dugo sa santong rebulto at mukha ni kristo na maaaring pagpapakita sa  mukha ng katotohanan ukol sa pagpaplano ng mirakulo ng pagpapanggap; Pulpito ang puso ng masa gayong lubos ang panggagamit ng simbahan sa lipunan ay ba’t di naman papaghariin ang damdamin ng masang lumalaban; papagkumpisalin at paluhurin mga pari at mongha palabasin sa panty ng panginoon ang nagkukubling mga alagad ng pinabuting balita, sa gayon mabigyan man lamang ng hustisya ang hindi mabilang na pagkakasala ng mga ito sa bayan/ sa lipunan- ilang nobela kaya ang mabubuo sa buhay ng bawat isang kaparian; Estampita’t mga kandelabra sa altar ng dusa,butil ng rosaryo, malibag na kalmen at bibliya ng pera ang ipambabala sa nilikhang kanyon ng pakikibaka, itaboy pabalik sa kanilang mukha ang instrumentong kanilang pananggalang, na patuloy ibinambubulag sa lipunan; krus ng ubaning santo ilang libong taon ng naghihintay ang pinaasang kaluluwa, sa langit hindi malamang makita si pedrong may tangan ng susi sa pangakong mansyon sa kalangitan, pagkat naririto pa siya sa lupa, nagsasabong; ang layang kinulong ng puting demonyo  bantad ang pagbabawal ng simbahan sa simpleng kalayaang nagpapakita raw ng kaimoralan, simbahang hindi nagbabayad ng buwis, simbahang may sungay na sa politikang usapin, ang pagbabalatkayo ng mga may akda ng kaputian ay nawa’y matanggalan ng maskara nang malantad sa masa ang likas nilang bunto’t at sungay; at ang ilan pang halimbawa ng mga ginamit na simbolo sa tulang ito’y nagpapakita ng paglaban sa mahiwagang bendisyon ng pananampalataya.
Bakit hindi ang pag-aalsa? Gayong ilang libong taon na tayong minumulto ng mga anito; ng mga santo, ng mga papa’t pari sa mga kapilya’t kumbento; at matatakot nga tayo sa kaparusahan ng hindi pagsunod sa mga ito. Matatakot muli sa multong gawa-gawa rin lang ng malikhain, mapanlinlang na kaisipan… ngunit hindi mananatiling bulag ang mga tao, sasaan pa’t makikita rin ang pagbabalat kayo ng mga benduho, ng mga banal, ng mga kapariang negosyante at kriminal.
Nalunod na tayo sa kanilang taktika, at mula pagkasilang itinuturok na satin ang bakuna ng Pinabuting balita, pagbabayad natin ng utang na loob sa pagpapakilala nila sa atin ng nag-iisang Messia ay pag-iimpok naman nila ng masaganang benipisyo’t salapi sa kaban ng kanilang bilbil at bulsa. Hindi nakapagtatakang kung sa pagtatantya ay umabot ang pera ng simbahan noon sa $8,000 million, at sa kasalukuyan ay $35 billion na. napakalaking halaga para sa bansang Pilipinas na patuloy sa paghihikahos. Subalit anong gagawin ng simbahan sa salaping ito. Baka iyan na mismo ang ipambili nila ng mansyon sa langit upang ang mga kaluluwang ilang dekada ng naghihintay kay san pedrong may tangan ng manok at susi ay hindi na magdarasal ng mararahas na nota ng pakikibaka…

PAGKAKAIBA-IBA?

PAGKAKAIBA-IBA?
ni Raymond Cuison noong Miyerkules, Oktubre 27, 2010 nang 6:25 AM

Tulad ni kristo Hesus na may labindalawang alagad o sa pinagandang Tawag ay mga apostoles, si Lucifer sa kanyang mga Demonyeto’t Demonyetang alagad at si Santa Cluse na may mga Elves, ang mga Doktor ay may mga Nurse… Gusto kong maging Nurse noong 1st year highschool ako, iyon yung sinagot ko sa tanong ng Substitute teacher namin sa science –sa kung anong gusto naming maging paglaki. Ewan ko kung bakit tumawa yung katabi ko sa sagot ko… Inisnaban ko nga!!! Tapos inabangan ko yung isasagot niya, para ako yung unang tatawa sa kanya… ang sabi niya, gusto niyang maging Doktor. Tinawanan ko sarili ko.

Siguro, kaya naging Demonyo si Lucifer (Dating Anghel) ay dahil sa ayaw niyang magpasakop kay Hesus. Yung para bang nakaramdam ng inggit. Na si Hesus ang tangi niyang niyuyukuran, sinasamba, sinusunod; na may Boss siyang kailangang sambahin, na siya ay isang tagasunod, tagapagsilbi. Kaya naghangad na matulad kay Hesus, na may tagasunod/tagayukod; siguro ganun. O siguro masama nga yung kaisipan niyang ayaw magpalamang sa iba, pero masama rin kaya ang naisin mo kahit man lang ang ating pagkapantay-pantay. Yung walang Diyos, walang alipin; walang panginoon. Wala si GMA, walang mahihirap na lalong naghihirap… lahat ay pantay-pantay base sa lebel ng lipunan, ng karapatan, ng pag-aari, ng kaangkinan?, yung ganun, mas OK kaya? Pero pano na ang kagandahan ng pagkakaiba-iba? Ang kaibahan ng iba’t ibang nilalang. kung ano ang pinagkaiba natin sa iba o ng iba sa atin. Bilang natatangi. Bilang buhay na patunay ng kagandahan ng daigdig o bilang daigdig ng mga buhay.

Bakit ba tayo magkakaiba-iba? Dahil hindi tayo nakatira sa iisang lugar. Hindi makapagtatanim ng palay yung mga iskemo tulad ng mga magsasakang hindi makakapangisda sa bukid nang nakaSweater Jacket –dahil magkaiba ang Geological Location nila; Hindi sasamba’t yuyukod sina Scooby at pulgoso kay Garfield na Diyos ng mga pusa, o yuyukod at sasambahin nila Felix at Tom(sa tom and jerry) si Snoopy na diyos ng mga aso –kasi magkaiba ang kanilang Relihiyon; magkakaiba ang pananaw ng isa’t isa kasi may magkakaibang ideolohiya; hindi magsasalita ng Bisaya yung mga Amerikan Citizen (makaintindi man sila ng Gay lingo o G-words ng mga pinoy), tulad ng mga pilipino sa latin (bagamat wika na natin ang Ingles) –kasi nga magkaiba ang lenggwahe nila, natin sa kanila; Ano pa ang ita kung tulad din sila ng mga puti (mahahaba tit*); hindi naman nagsusuot ng Bahag o Barong-Tagalog ang Ibanag –at sasayaw ng Tinikling… -dahil iba ang kanilang Etnicity at Kultura; Kaya dumadami ang tao, kasi iba ang Gender ng babae sa lalaki. (iba rin ba yung sa bakla at lesbian? E, parehas lang naman sila ng Pag-aari. At bakit kaya patuloy ang pagdami ng mga bakla? Hindi naman sila nabubuntis?); Kaya nga nananatili ang Pilipinas bilang 3rd World Country kasi may 1st World Country na tagapagpalubog sa mga 3rd world Country na daan upang manatili sila bilang 1st –na maayos ang Economic Condition like European at Amerikan Country… Kaya asahan na nating mas maganda ang trabahong nilalaan ng Gobyerno ng 1st world sa kanyang mamamayan, kasi kaya nilang magpasweldo ng ilang daang presidente, ilan libong Government officials, ilan daang libong General… Pero yung Trabahong nakalaan sa mga mamamayan ng bansang nasa 3rd World ay hindi first come, first serve Basis. Iyon bang sa isang kompanya may isan daang Aplikante. Nauna ka man sa pila o nahuli o naningit lang –ay out of 100 na applicants, kalahati lang ang kukunin, o bente, o sampu, o limang mapapalad at Rumble Selection. Pero syempre yung salang –sala na nila. Dehado parin yung walang mataas na pinag-aralan sa mga may mas mataas na Credibility daw, at syempre kawawa ang mga HighSchool Graduate lang, dahil mas malaki ang pag-asa ng mga College Graduate na maging Boss yung kasabayan nilang nag-apply na may Masteral Degree… kasi nga, yung mga nakalaang pampasweldo (dapat) sa milyun-milyong magtatrabahong Pilipino sa Pilipinas ay nilaan na ng gobyerno sa suswelduhin ng Presidente, mga government official, at mga Generals… at iba pang kawaning-kapit ng Gobyerno, (Ganun yata, kaya nag-uunahang makaupo ang mga ito sa napupusuhan nilang pwesto, ilang beses man sila mandaya o madaya (kuno)), Pasalamat na rin daw tayo at may tira-tira pa para sa mga Social Services. Dahil nga sa Priority rin ng Gobyerno ang pagbabayad ng utang sa mga mababait na nagpapautang sa atin… at ganun nga siguro talaga, May mga lumulubog at may mga tagapagpalubog.

May kanya-kanya kasi tayong papel na ginagampanan sa mundong ito, kanya kanyang Gawain, (wag ng magtataka sa mga taong mapapel, dahil iyon na marahil ang papel nila sa mundo) at dito makikita ang malaking bahagdan ng ating pagiging iba sa bawat isa, ng pagkakaiba-iba sa kakayanan, talento, kalikhaan, panlasa at interes ng bawat isa. Dahil meron na tayong tinatayang 5,000 ethnicities sa buong mundo; sa ngayon 4,500 mga wikang naitala, buhay man o patay –ng mga sosyolohista; dahil ang mundo ay nahahati na sa kulang kulang 250 na bansa… dahil sa kabila ng lahat ng ito, merong babae at lalaki, mayaman, mahirap at mas mahihirap, at alipin (sagigilid man o mamamahay); itim at puti, may hepa, at kayumanggi; katoliko at Protestante, Rizalista’t Arabe, Hindu at Muslim; Dahil ang planeta natin sa ngayon ay tinitirhan na ng humigit-kumulang 6.5 billion na tao, (hindi pa kasama diyan ang mga kahayupang naglalagi sa ating pamahalaan, tulad ng mga Buwitre, uwak at mga Buwaya) at nadadagdagan pa ng 90 million kada taon. Ibig sabihin 6.5 billion tayo na may pagkakaiba-iba, at humihigit pa kada araw; Dahil lahat tayo’y larawan ng natatanging nilalang (unique human being) at may katangi-tanging pag-aari, propyedad, at kagalingan na humuhubog sa pag-unlad ng lahi ng tao. Ang pagkakaiba-iba ay dahilan ng ating problema at suliranin. Gayunman, ang solusyon at kasagutan ay natutugunan din ng ating mga pagkakaiba-iba. (Global Recall)

Huwebes, Oktubre 1, 2020

"Kung ang tula ay isa lamang”


kung ang tula ay isa lamang 

ni jesus santiago

Kung ang tula ay isa lamang
pumpon ng mga salita,
nanaisin ko pang ako'y bigyan
ng isang taling kangkong
dili kaya'y isang bungkos
ng mga talbos ng kamote
na pinupol sa kung aling pusalian
o inumit sa bilao
ng kung sinong maggugulay,
pagkat ako'y nagugutom
at ang bituka'y walang ilong,
walang mata.
Malaon nang pinamanhid
ng dalita ang panlasa
kaya huwag,
mga pinagpipitaganang makata
ng bayan ko,
huwag ninyo akong alukin
ng mga taludtod
kung ang tula ay isa lamang
pumpon ng mga salita.

mula sa tula ni Jesus Manuel Santiago

Ang tula ay damdaming nakapaloob sa mga piling salita.      Sinasabing ang tula ay maaring masulat na ‘sang upuan lamang, sa madaling salita’y  madaling gawin. Ayon nga kay Alexander Sinitsit kapag nakasulat ka ng tula ay para ka lang isang batang nang-aagaw ng laruan sa kapwa mo bata, kapag nakasulat ka naman ng isang kuwento ay para kang mandurukot o snatcher, pero kapag nakasulat ka ng isang nobela para ka ng Bank rubberier.  Pero hindi lahat ay ganito ang pagtingin sa tula. Ang tula ay isang uri ng ating mayamang panitikan, masarap man o manibalang ang lasa ay isa paring obra.
Ngunit paano nga kung ang tula ay isa lamang pumpon lamang ng mga salita? Gaya ng paksain sa tulang ito, “ kung ang tula ay isa lamang”   sa unang linya palang sinabi na kung ang tula ay pumpon lamang ng mga salita ay mabuti pang bigyan na lang siya ng isang taling kangkong o bungkos ng mga talbos ng kamote na sa kung saan lang tumutubo ngunit mas makabubusog sa kanyang tiyan.
          Ang ganitong mambabasa ng tula ay uhaw sa karunungan at gutom sa kaalaman. Gayon nga’y ang sikmurang gutom ay walang ilong at mata. Kaya’t hindi mapanglililo ng mga mababangong salita, magagarbong taludtud at mahuhusay na paghahabi ng wika. Masarap ngunit hindi nabubusog.
Anong damdamin nga ba ang makapupukaw sa bayan?        Binubulag ng sistema ang mga tao, kaya’t  kay husay at mangyaring mabuhay ang mga tulang naglalantad ng katotohanan, lumalaban sa inhustisya at nagmumulat sa piniringang mata ng masa. Sa tulang, “ Sa Napakaingat na makata” ni Prof Rogelio Ordones ay may puntong: ang makatang nagtatago ng katotohanan at takot na magpalaganap nito’y walang kahihinatnang manunulat, walang lugar ang karuwagan sa isang mahusay na manunulat. Maraming sakit ang  lipunan, maraming suliranin ang lipunan, maraming dapat na ihayag,  patotohanan, at iulat sa bayan.
Kaalinsabay ang sustansyang hinahanap sa isang magaling na tula. Mensahe ang pinahahalagahan ng isang manunulat, bagamat nakatutulong rin ang porma sa kasiningan ay hindi ito ang dapat mamayani. Yung mensahing mananatili o uukilkil sa kaisipan ng mga babasa. Yung mensahing may sustansyang hindi basta basta lang mawawala sa gunita. Yung mga tula sa pag-ibig o romansa, tumatagal ba sa panahon? Hindi. Parang making love rin, saglit lang. subalit ang mensahing maglulunsad ng pagbabago, ng pagkamulat, ay mananatili hanggat ang lipunan ay may sintomas ng ganitong sakit.
 Lunsuran ng masustansyang tula ay ang mayamang minahan ng brilyante ng karunungan -ang masa. Para sa mambabasa kung bakit tayo sumusulat, at ang kalakhang mambabasa ay ang karaniwang masa.       Sa gayon ang bawat tula ay hindi na isa lamang pumpon ng mga salita. Mas malinamnam pa sa anuman, makakain, malulusaw sa tiyan, ngunit hindi ilalabas ng butas sa puwetan.

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...