SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Larawan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Larawan. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Oktubre 3, 2020

SANTIAGO 5:4

Santiago 5:4

Sumisigaw
Laban sa inyo
Ang upa na hindi ninyo ibinigay
sa mga gumapas
sa inyong bukirin
Umabot sa langit
sa pandinig
ng Panginoong makapangyarihan
sa lahat
ang mga hinaing ng mga mang-aani
na inyong inaapi!

Biyernes, Oktubre 2, 2020

HARIBOL!

HARIBOL!
(Larawan)

May kapayapaan sa diwa ng walang hanggan,
sa kaisipan ng naglalakbay sa iisang daan
magsasama sama ang landas ng mga mata,
ng alingawngaw ng kaluwalhatian sa tenga,
at tamis ng pag-asa sa dila,
sama-samang lalanghapin ang talulot ng pagkabuhay
at ng pagkamatayng lahat ng pagkaalipin
sa mga bagay ng kamunduha!
Para sa kanyang kapurihan!
Haribol!

Kapag ang patak ng tubig ay kasiyahan

(Larawan)
Kapag ang patak ng tubig ay kasiyahan

Huwebes, Oktubre 1, 2020

The Exploration..

The exploration..


(Mond, Ate Sherly, and Luke)
 ... sa paglalakbay sa mga Dumagat Tribe, nakatagpo kami ng bagong pamilya, kaibigan! ...
 nice one antropolohiya! Masaya to!

Reunion 'to, pumunta ka ba?

Reunion 'to, pumunta ka ba?
Patio Isabel at marka
sa Videokeng lumalamon ng singko!
hindi masaya ang destinasyon, kung wala kayo...


puno ang baso ng galak
ibinuhos ang "The Bar" sa
Transparentong plastik Cup
hindi ang alak ang masarap,
kundi ang ating halakhak...

Sa ating pagpalaot
nalaman kong...
hindi lang pala pagkain ang nakabubusog,
at hindi laging pagkalunod...
ang dulo ng paglubog


hindi ko sinasabing, Sayang at wala ka,
sa IV-A's Reunion 'to, pumunta ka ba?!
pero huwag kang mag-alala't babalik ko ang iyong alaala,
para sa muli nating pagkikita
wala ka ng sakit na "Amnesia"

ANG BANDANA

ANG BANDANA

tumingin ka sa malayo
nakikita mo ba ang puno...
tingnan mo maigi,
iyon ay malago...

tumingin ka uli
iyon ay hitik sa bunga
igala mo ang iyong mata…
pagkat may nakaupo sa silong ng mangga

nandoon sila, naaalala mo ba?
masdan mo, sila’y masayang nakangiti…
pagkat sila’y tumatawa, ang iba’y ngumingisi
dinig mo ba ? unti unting lumalakas,
humahalakhak sila... hindi, pagkat ito’y hagalpak…

tingnan mong maigi nang iyong maalala...

pero pansinin mo...
isa isa silang nawawala, oras na masinagan sila ng araw,
unti unti silang naglalaho,
pagkat nawawala ang lilim...

baka wala na sila sa animnapu, hindi kaya?
Ilan na lang ba silang nakaupo sa silong ng mangga…
naisip mo ba?

wag kang sakim... ikaw ang puno


Liliman mo sila.

Isang mahabang kwento

Isang mahabang kwento

(boso-boso high land resort -lakbay aral 2011)
kung
paano
sila naglakad
nang sama-sama

,nakayapak
kahit
na madalas
madulas
maangas
ang landas
sa pagitan
ng mga tulay
na pababa...

at mahabang kwento
kapag
sinagot ko pa
ang tanong
mo
na
saan nga ba
nagsimula ang lahat
ng kapangahasang ito!
at

isasagot ko

nagmula
sa tuldok!

KAGAT!!

KAGAT!!



I’ve always said that in politics, your enemies can’t hurt you, but your friends will kill you.- Ann Richards

Pag kinagat ka ni biban sigurado, patay ka!

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...