Ang blog ng School Lump Organization na ito ay nagsusulat tungkol sa kapaligiran sa paaralan, kaugnay na impormasyong pang-edukasyon, at komposisyon sa panitikan na makakatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga sulatin, takdang-aralin at anumang mga output na kailangan nila para sa mga akademiko. Sa layuning hikayatin ang lipunan, lalo na ang kabataan na ipagpatuloy ang pag-aaral at literasi sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasaliksik.
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Huwebes, Agosto 12, 2021
SIKYO: BUHAY NG TAGAPAGBANTAY NG BUHAY AT HANAP-BUHAY
Biyernes, Oktubre 30, 2020
ALBULARYO
ALBULARYO
Sabado ngayon, ika-16 ng Marso taong 2013. Ito ang itinakdang araw ng grupo namin upang isagawa ang aming pag-iinterbyu sa isang albularyo na naninirahan sa isang bahagi sa Batasan Hills. Napagpasyahan namin na magkita-kita sa SM Fairview, sa harap ng Sizzling Plate sa may Foodcourt. Pinag-usapan namin na dapat ay saktong alas dose ay nandun na lahat ngunit, tulad ng inaasahan, nakumpleto ang aming grupo ng mga ala una na ng hapon. Nang makumpleto na kami ay agad kami dumeretso sa Batasan sakay ng bus. Mga ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami sa Sandigan Bayan, doon kami sinalubong ng isa sa aming kagrupo dahil nakatira siya malapit sa aming iinterbyuhin. Doon sa may terminal ay bumili kami ng pizza at sumakay na rin kami ng traysikel, dahil marami kami, hindi kami nagkasya sa isang traysikel kaya ang iba ay sa pangalawang traysikel na sumakay. Nauna ang pangalawang traysikel at yun ang nagging sanhi kung bakit kami nagkahiwala-hiwalay dahil hindi alam ng aming mga kagrupo sa pangalawang traysikel kung saan baba. Dahil doon,sinubukan naming habulin ang pangalawang traysikel ngunit mabilis ito at nabigo kami kaya bumaba nalang kami,ang iba pang mga kagrupo, sa unang traysikel at inantay ang aming mga kagrupo. Nang nagkasama-sama ulit kami, naglakad kami ng pagkalayo-layo dahil lumampas nga kami sa aming destinasyon. Nang makarating kami sa bahay ng aming kagrupo, nagusap-usap muna kami kung anu-ano ang aming itatanung sa aming iinterbyuhin. Habang nag-iisip kami ay sinabay na rin namin ang aming pagmemeryenda ng binili naming pizza at RC Cola.Nang matapos na kami sa paggawa ng mga katanungan para sa aming iinterbyuhin at sa pagmemeryenda, agad kami dumeretso sa lugar na tinitirhan ng albularyo, ngunit pagdating namin doon ay sinabi sa amin ng kinakasama ng albularyo na may pasyente pa daw na hinihilot, ng mga oras na yon ay sumabay ang konting pag-ambon kaya naisipan namin na bumalik muna sa bahay ng aming kagrupo upang doon mag-antay at sumilong. Doon sa bahay ay nagkwentuhan muna kami at naglaro ng Plants vs. Zombies sa kompyuter upang maibsan ang aming kabagutan. Mag aalas tres na ng hapon at wala pa kaming nagagawa, kaya saktong pagtila ng ulan ay dumeretso agad kami sa tirahan ng albularyo ngunit sa kasawiang palad ay hindi pa din daw tapos ang hinihilot nito. Ilang minuto na ang nakalipas, halos trenta minuto na ay hindi pa din tapos ang albularyo, sumasakit na ang aming mga binti at paa sa katatayo, halos bagot na bagot na lahat kami sa kahihintay. Upang mapawi ang kabagutan at pagod, ay kumuha muna kami ng mga litrato upang magsilbing alaala para sa amin at sa wakas, nang di namin namamalayan, tapos na pala ang hinihilot ng albularyo. Agad naming isinagawa ang pag-iinterbyu sa kanya, napagpasyahan namin na si Cyrus ang mag-iinterbyu sa kanya at si Ken bilang camera man. Ang lugar na kinaroroonan ng albularyo ay medyo masikip, ito’y saktong sakto sa iilang tao lamang. Sa unang kita namin kay Nanay Maring, di nya tunay na pangalan ngunit madalas na pinantatawag sa kanya, ay masasabing mabait sya at matulungin, makikita mo rin sa kanya na sya ay masiyahin at masaya sya sa kanyang ginagawa. Habang iniinterbyu si Nanay Maring, ay mapapanatag ka sa kanyang napaka malumanay na boses, habang sinasagot nya ang mga katanungan ay may halong ngiti sa kanyang mukha. Matagal ng albularyo si Nanay Maring, marami na rin syang napagaling na kanyang mga pasyente. May pagkakataon pa nga daw na may isang doktor na nagpagamot sa kanya, ayon sa doktor na kanyang pasyente, may mga sakit daw talaga na hindi kayang gamutin ng sensya. Ayon kay Nanay Maring ay kasya din naman daw agn kinikita nya sa pagiging albularyo, minsan nga, pag pinapalad sya, may mga intsik na nagpapagamot o nagpapahilot sa kanya na nagbibigay ng malalaking halaga, 1 libo pataas daw. Nakakagulat din ang sagot ni Nanay Maring sa tanong na kung saan nya nakuha ang pagiging albularyo. Sabi ni Nanay Maring ay biniyayaan lamang talaga siya ng talentong ito, hindi daw nya hahayaang masayang ang talent nya at gagamitin nya ito upang makatulong sa iba at kumita ng pera. Sa kanyang pag-gagamot, taimtim na DASAL lamang daw at PANINIWALA ang pangunahing kailangan niya upang makagamot. Nang matapos ang pag-iinterbyu ni Cyrus kay Nanay Maring, ay lumabas kami lahat kasama si Nanay Maring upang kumuha ng litrato bilang remembrance. Inabutan din namin sya ng pera upang pasasalamat sa kanya, kahit maliit na halaga lamang ito, ay makikita na masayang-masaya na si Nanay Maring sa munting regalo namin sa kanya. Sa etnograpiyang ito, masasabi nating totoo ang mga pag-gagamot ng albularyo, ngunit alam din natin na iilan lamang ang TOTOO. Kaya maging mapagmasid tayo at mag-ingat sa mga manloloko dahil sa panahon ngayon, gagawin lahat ng isang tao, kumita lamang ng pera.
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay
Magandang araw sa mga aking mambabasa, aking ilalahad ang mga kaganapang nangyari sa amin, sa paggawa ng isang proyekyo sa asignaturang Filipino. Ang proyektong ito ay nagpabago sa aming mga ilang paniniwala naming at sa mga katanungan namin sa aming sarili.
Tanong ko sa aking ina noong bata pa ako, “Mama ano po ba yung tawag sa box na mahaba? At bakit diyan po nakalagay si Tito?” nang itanong ko ang aking tanong sa aking inay ay kasalukuyang nakaburol ang namayapa ko ng tiyuhin. At ang sagot ng aking ina ay “Kabaong ang tawag dyan, lahat tayo hihiga din diyan pag dating ng panahon, pero siyempre matagal ka pang hihiga diyan kasi bata ka pa naman.”. Talagang tumanim sa aking isipan ang salitang kabaong nung bata pa ako. Dahil siguro sa kakaibang itsura nito o kaya ay unang beses ko lang na makakita ng ganoong bagay.
Aminado akong takot akong Makita ng patay, dahil siguro sa mga kwentong nakakatakot na tungkol sa mga patay. Ngunit dati pa naman yun at ngayon ay hindi na. Halos laman naman ako ng burolan sa anim tuwing mayroong patay sa pamilya. Pinsan, Tiyuhin, at Tiyahin, ang mga nakaburol. Kahit na namatayan kami ay ang saya kasi kapag naglalaro kami ng aking mga pinsan ng baraha, chess, scrabble, at word factory.
Naalala ko ang lahat ng iyon ng matapos naming ang pagbre- brainstorming sa asignaturang filipino. Ang paksa kasi na aming napili ay tungkol sa paggawa ng kabaong. Medyo eksayting para sa amin ang gagawin naming pag oobserba at pagpapanayam sa mga pupuntahan naming warehouse, kung saan ay daang-daang kabaong ang ginagawa.
Una naming ginawa ay nag-search kami tungkol sa mga kabaong. May ibat-ibang uri pala ngayon ng mga kabaong.May kabaong na may halong ginto, may kabaong na simple lang, may kabaong na talagang pang mahirap lang, may kabaong na bongga, at sa panahon ngayon ay marami nang bago at modern tulad ng, kabaong na nirerentahan, at kabaong na maaari mong bigyan ng disenyo ang ipipinta sa kabaong. Hindi rin syempre papahuli ang mga artistang namayapa na. talagang pinaggastusan ang kabaong. Katulad na lang Fernando Poe jr., Milyones ang halaga ng kanyang kabaong dahil may halo itong ginto. Kay dating presidente Cory Aquino naman sa mukhang simple, dahil simple lang naman talaga si dating pangulong Cory, ngunit milyones din ang halaga ng kanyang kabaong.
Nagpunta ang grupo namin sa isang purinarya upang magtanung-tanong kung saan mayroon pagawaan ng mga kabaong. Itinuro niya kami sa warehouse sa Marilao, Bulacan. Mabuti at sinamahan rin kami ng babaing nagturo sa amin kung saan may warehouse. Itinanong namin kung bakit hindi siya nag-atubili na sumama sa amin. Ang sagot niya ay “Yung tatay ko kasi, doon siya nagta-trabaho. Tamang –tama naman na dadalhan ko siya ng pagkain at manghihingi rin pati ako ng pera dahil inutusan ako ng aking nanay.”. Nilibre na lang naming ng pamasahe si Ate upang makabawi kami sa kanya. Ang pangalan nga pala ni ate nang aming tanungin ay siya raw si Mercy. Habang nasa jeep ay medyo kinakabahan ako. Baka kasi nanloloko ang babaing ito at baka iligaw lang kami. Pero, mali lahat ng mga haka-haka ko dahil dumating na kami sa warehouse. Grabe ang init ng ma panahong iyon dahil tanghaling tapat. Sinamahan na namin si ate Mercy sa loob at nakita na namin ang kanyang ama. Kamuntikan na nga kami ng mga kagrupo kong hindi papasukin sa warehouse wala daw kaming ID ng mga empleyado. Ngunit nakapasok kami sa tulong ni ate Mercy. Paglapit ni Mercy, ay ito ang sinabi ng kanyang ama, “sino sila? Di ba sinabi ko naman na wag na wag kang sumama sa mga taong hindi mo lubos na kilala, lalo na at puro lalaki pa yan!”. Galit na galit ang ama ni ate Mercy na napag-alaman naming si Mang Bert. Hinayaan muna namin ang mag-ama na mag-usap upang maumpisahan na namin ang pagtatanong-tanong sa mga ilang manggagawa ng mga kabaong. Nakikilala naming si kuya Raf, tinanong naman namin kung anong oras ang kaniyang pasok, ang sagot niya ay “7:00am hanggang 3:00pm lang naman.”. sunod naming tanong ay “kuya, magkano naman po yung sweldo nyo? Sapat naman po ba sa inyo?”. Ang sagot niya ay “ Hindi kasi kami kinsenas, lingguhan o buwanan. Susuwelduhan ka dipende sa ayos at kung ilang yung magawa mong kabaong. Kapag pangit kasi ay ipapaulit o reject yung kabaong na ginawa mo. Bale, 100 kada isang kabaong, any sizes naman yun, tapos kung may reject, doble yung ibabawas sa lahat ng ginawa mo.”. tinanong ko ulit si kuya “kuya anu pong ibig sabihin niyo sa doble yung ibabawas?” sagot ni kuya “halimbawa tatlo yung nagawa kong kabaong sa isang araw, tatlong daang piso yung kabuuang kinita ko, tapos reject, kaya menos dalawang daang piso kada isang kabaong na reject. Katwiran ng may-ari ay malalaking mga porinarya ang nagpapagawa sa amin at sayang daw yung materyales na nagamit. Ang trabaho nga pala ay taga gawa lang nga kabaong, iba pa yung nag pipintura nito.” Dagdag pa ni kuya ay kahit na ganun ang patakaran ay wala naming nagrereklamo at awa naman daw ng Diyos ay hindi pa siya nakakagawa ng reject na kabaong. Ang sunod namang tinanong namin ay si aling Bhess. Ang trabaho niya sa warehouse ay tagapag-inventory ng mga naidedeliver na kabaong. Nang aming tanungin kung magkano ang kanyang sinusweldo ay nahiya siyang sabihin sa amin, kontrobersyal daw ito. Hindi namin siya pinilit na sabihin kung magkano ang kanyang sweldo, malamang siguro ay mababa lang. Ang huli naming tinanong ay yung may-ari si Mr. Chua, tinanong namin kung malakas ba ang kita ng ganitong negosyo. Ang sabi niya ay kung ikukumpara sa mga nakaraang taon ay tumataas ang kita namin ngayon dahil dumarami na rin kasi ang mga porinaryang nagpapagawa sa amin ng mga kabaong. Ang sunod na tanong naming ay kung mayroon pa na ba siyang ibang negosyo maliban dito. Ang sabi niya ay mayroon naman, bakery, at may trabaho rin ako sa isang kumpanya ng mga contructors. Ang huling tanong namin ay kung may balak ba siyang iwanan ang ganitong uri ng negosyo o kung balak ba niyang ipamana sa mga anak niya. Ang sagot niya ay “maganda rin naman yung negosyong ito kaya hindi ko ito bibitawan pero, malabong ipamana ko ito dahil ayokong ito ang negosyo ng mga anak ko.”. nagpasalamat kami sa Mr. Chua at makalipas nun ay saktong uuwi na ang mag-ama na naatira sa litex. Nagsabay-sabay na kami pauwi.
Kinabukasan habang papunta ako sa eskwelahan ay may libing akong nakita, ang ganda nung kabaong. Kulay ginto talaga ang nakita kong iyon at kumikintab pa. Bagaman naaliw ako sa itsura ng kabaong ay nadama ko ang kalungkutan ng mga nakipaglibing dahil talagang todo iyak sila habang naglalakad sa ilalim ng tirik na araw.
Nang sumunod na linggo ay sa pagawaan ng kabaong naman kami sa Maynila pumunta. Sige, kayod nangg kayod ang mga trabahador. Tila wala silang kapaguran sa paggawa. Bago ami magtanung-tanong ay nagpaalam naman kami sa may-ari na si ginang Perly kung maaaring kaming mang-usisa, at magiliw naman naman siyang pumayag. Kay manong Nestor kami unang nagtanong, unang tanong namin ay kung magkano ang kanyang sinusweldo. At agad naman itong nagkwento, ang sagot niya “lingguhan kasi ang swelduhan dito kaya ang sweldo ko ay 1200, kada linggo. Ang trabaho ko rito ay tagapinta ng ng mga kabaong. Medyo sensitive nga ang trabaho ko dahil bawal talagang nagkamali kasi agad-agad akong sesermonan at tatapyasan ng sahod dahil sa nasayang na mataryales.”. sunod na tanong ko, “ano po ba yung mga usually na kulay ang madalas na ginagawa niyo?”. Tumawa si manong at sinabing “ayan ohh. Diba nakikita niyo naman na puro puti ang mga kabaong. Ehh di malamang puti”. Medyo nainis ako sa inasta ni manong kaya lumipat na kami ng matatanungan. Sunod naming nakilala si mang Thom. Nagpakilala kami at hindi naman siyang tumanggi sa aming panayam. Unang tanong namin ay kung ano ang trabaho niya dito. Ang sagot niya ay “gumagawa ako ng kabaong.”. Sunod naming itinanong kung magkano yung kanyang sinusweldo. Hindi agad siya sumagot bagkus ay medyo sumimangot siya. Pero ang sinabi niya ay “sakto lang sa pang araw-araw na pantawid gutom sa pamilya”. Ang sagot niyang iyon ay medyo may halo ng ngiti sa kanyang mukha. Nag-umpisa na kaming mang-usisa sa manggagawang si mang Thom. Tinanong namin kung bakit parisukat ang kabaong. Ang sinabi niya ay ipinapantay lang naman kasi yung kabaong sa taas at lapad ng tao. Sabi pa niya ay hindi naman pwedeng bilog ang kabaong dahil masyaong malaki. Tanong ulit namin, “may nagawa na po ba kayo ng kabaong na mali yung sukat?” ang sagot niya ay “marami na, lalo na yung mga nagpapasadya ng sukat dahil alanganin yung sukat ng kanilang anak o kamag-anak. May standard kasi na sukat yung mga kabaong kaya madalas, yung mga purinarya ang nakikipag-coordinate sa amin”. Sunod na tinanong namin ay yung manager, dahil wala daw yung may-ari. Ang tanong namin ay kung kailan yung month na malakas yung kita. Nagulat ako sa sagot niya dahil sa niya ay summer, marami raw kasi ang nagkakasakit sa sobrang init kaysa sa mga panahong malamig o umuulan. Pabiro kong sinabi “eh di lalakas na naman ang kita niyo kasi mag sa-summer na naman”. Tumawa lang ang manager na si Ms. Joy. Sunod na tinanong namin ay kung anu-anong mga purinarya ang umo-order sa kanila ng kabaong. Ang sagot niya ay “marami rin kasi eh. Hindi ko na iisa-isahin”. Ang huli naming tinanong nung araw na iyon ay si manang Violy, isa siyang janitress sa naturang warehouse. Madalas siyang huli kung umuwi at nag-iisa. Tinanong namin kung hindi ba siya natatakot kapag mag-isa siyang naglilinis at maraming kabaong na nakapalibot sa kanya. Ang sagot niya ay “hindi naman, nasanay na kasi ako. Tuwing naglilinis ako sa gabi, inisip ko na lang na mga Sofa yung mga kabaong yan at naglilinis lang ako ng sala. At inisip ko rin na dyan rin tayo hihiga kapag namatay na tayo”. Sunod na tanong namin ay kung magkano naman ang kanyang sinusweldo. Ang sagot niya ay “75 araw-araw, alam kong medyo mababa at hindi sapat sa pamilya ko, pero kasi wala naman akong choice kasi hindi naman ako nakapagtapos at yung asawa ko kasi ay walang permanenteng trabaho kaya dalawa kaming nagkakayod para maibuhay ang lima naming mga anak.” Nagpasalamat na kami dahil hapon na at kailangan naming umuwi. Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming mga gumagawa ng mga bulaklak ng mga patay, pinilit kong mang-usisa doon. Nagtanong kami kung magkano ang pinakamurang korona na bulaklak, ang sabi niya 500 ang pinakamura at 10,000 ang pinakamahal. Ang mga bulaklak na malilit naman ay nagkakahalga naman daw ng 300 hanggang 1,000 ang halaga.
Tumanim sa isip ko ang tanong bakit parisukat ang kabaong. Kaya naman kinabukasan ay nag-survey kami ng mga kagrupo ko. Nang nag tanong –tanong na kami ay ang unang sinagot sa amin ay “ewan ko porinarya ba ako, makatanong naman kayo sa akin”. Talagang nagpanting yung taenga naming lahat sa sagot niya. Kamuntikan na siyang sapakin ng mga kagrupo ko. Yung sumunod naman na sumagot sa amin ay ang sagot niya “siguro, kaya square ang kabaong ay para makuha ang sukat ng patay”. Ang sumunod naman ay ang sabi, “yung mga sinaunang tao kasi, square lang yung alam na sukat, kaya square yung kabaong”. Yung isa naman ay “kasi, itinulad ang kabong sa mga box, nung unang panahon kasi, yung mga patay ay nilalagay sa box at nililibing”. Matawa-tawa ako sa sagot ng iba kasi halatang inimbento lang ang mga historyang ikinuwento nila.
Nang sumunod na linggo ay sa mga purinarya naman kami nang-usisa. Una naming pinuntahan ay ang Angel’s Funeral, sa litex. Nagtanong kami kung magkano ang mga kabaong nila, yung pinakamura ay 2000 at yung pinakamahal ay 20,000. Nagulat ako dahil wala sa itsura ng purinarya na may ganoong presyo ng sila ng kabaong. Nagtanong din kami sa mga services. Ang pinakamurang service nila ay 8,500 at ang pinakamahal ay 30,000. Ang sunod naman naming pinuntahan ay St. Peter, medyo nag-alangan nga kaming pumasok dahil sikat at talagang maganda kanilang office. Nang magpaalam kami kung pwedeng magtanung-tanong ay pumayag naman ang manager. Pinasyal niya kami sa lugar kung saan ay nakalagay ang mga kabaong, talagang namangha kami sa ganda ng mga makikintab na kabaong. Ang pinakamura nilang kabaong ay 5,000, sa pangsanggol pa lamang daw iyon. Ang pinakamahal nilang kabaong ay nagkakahalaga ng kulang-kulang isang milyon dahil may mga artistang kumukuha ng service nila at talagang nagpapasadya ng kabaong. Hindi rin siyempre namin pinalampas na pumasok sa photoboot ng naturang purinarya, yung kabaong kung saan pwede kang magpa-picture, pero hindi ako himiga kasi kinikilabutan, baka magkatotoo ang na talagang hihiga ako sa kabaong. Nang umuwi kami ay naisip ko na sana ay humiga na lang ako sa kabaong para naman naranasan ko kung ano ba ang pakiramdam ng nakahiga sa kabaong. Ang pangatlong purinaryang pinuntahan naming ay yung malapit lang sa bahay namin sa Bagong Silang ang St. Matthew Funeral, iyan ang kinukuhang service ng aming pamilya sa tuwing may namamatay, dahil nga siguro sa malapit lang sa amin at may-discount kapag pamilya namin ang may namatayan. Nang magtanong na kami ay pinapasok agad kami kasi kilala ng manager yung pamilya naming. Nagtanong muna kami kung magkano ang mga service nila, ang pinakamurang service nila ay 7,500 at ang pinakamahal ay 25,000. Nang magtanong kami sa mga presyo ng kabaong ay 5,000 ang pinakamura at ang pinakamahal ay 20,000. Dipende kasi sa presyo ng kabaong ang presyo ng service nila. Ang huling purinaryang pinuntahan namin ay ang Almo funeral, ito yung purinaryang nagservice sa pinsan ko na sanggol, libre kasi ng gobyerno kapag sanggol ang namatay sa naturang purinarya, namangha ako sa serbisyo nila kasi kumpleto, at may libre pang-isang timbang biskwit at may mga lamesa’t upuan na at may kasama ding tolda. Nang pumunta kami sa office nila dito lang rin sa Bagong Silang ay nagtanung-tanong kami sa mga pahinante, “ate magkano po yung pinakamurang kabaong niyo dito at magkano naman po yung pinakamahal?” ang sabi ni ate “yung pinakamura namin dito ay 2,000 at pinakamahal naman namin ay 20,000. Yung sa sevice naman, 2,000 yung pinakamura plus yung presyo ng kabaong. Yung pinakamahal na service ay 50,000 plus presyo ng kabaong”. Medyo mahal din pala ang mga kabaong at ang mga serbisyo ng mga purinarya.
Nung umuwi ako sa probinsya namin sa Marinduque, ay kasalukuyan nakaburol ang aking tiyahin, nang pinagmasdan ko ang kanyang kabaong ay simpleng simple lang talaga. Nang mamatay naman ang tiyahin ko dito sa Bagong Silang ay yung kabaong naman ay kulay puti na makintab. Yung namatay naman yung lolo ko ay ang kulay naman ng kanyang kabaong ay kulay tanso. Talagang mabilis kong napapansin ang mga itsura ng kabaong sa tuwing may pinupuntahan akong patay. Nakikilala ko nga sa Marinduque nung nagbakasyon ako si Tiyo Buboy, ang trabaho niya ay gumawa ng kabaong kaya naman nung panahong iyon ay sumama ako sa pagawaan niya sa bahay nila, tinuruan niya akong gumawa ng kabaong na pang sanggol. Una ay inalam ko muna ang sukat ng sanggol. Tapos naglagari ako ng apat na plywood, dalawang rektangulo at dalawang parisukat. Sunod ay gumawa na ako ng porma gamit ang cocolumber. Sunod ay ikinabit ko na ang mga plywood. Sunod kong ginawa ang takip ng kabaong, tulad ng una, gumawa muna ako ng porma gamit ang cocolumber, medyo nahirapan lang ako kasi, pakurba ang naturang takip, kaya pakurba rin ang ginaw kong porma ng cocolumber. Sunod at kinurba ko muna ang plywood para hindi mahirap ikabit sa takip. Tapos ay ikinabit ko na nga. Si Tiyo na ang disenyo pero ako parin ang nagkulay. Una ay pininturahan ko muna ng puti. Sunod ay inisprayan ko ng gold na pintura para makintab. Nag-enjoy naman ako sa paggawa ng munting kabaong kahit na medyo nahirap.
Hindi natin alam kung hanggang kailan tatagal ang ating buhay. Maaaring sa susunod na taon, susunod na buwan, sa susunod na linggo, sa susunod na araw o kaya’y mamaya lamang ay kuhain na ang buhay natin. Basta isa lang ang natutunan ko sa paggawa ng etnograpiyang ito, iyon ay harapin ang takot ko sa kamatayan. Sa totoo lang kasi ay takot akong mamatay, o kaya’y makakita ng simbolo ng kamatayan. Pero nang matapos namin ang aming pagtatanung-tanong tungkol sa paggawa ng kabaong ay naliwanan at nasagot na ang mga tanong sa aming isipan, kung ano ba ang pakiramdam sa paggawa ng kabaong, at kung anu-ano ba ang mga karanasan nila sa trabaho nila. Basta isa lang masasabi ko sa lahat, sa ayaw at sa gusto mo ay hihiga’t hihiga ka sa kabaong sa oras ikaw ay malagutan ng hininga. Dito na po nagtatapos ang aming etnograpiya sa asignaturang Filipino 2.
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay
AMA Computer College Faiview Campus
Ipinasa nina: Kristian Renz Ezperanza; Jarley Adrian Duano; Steven Van Maceda; Lance Cedrick Cruz; Rommel Almonte; Joseph Musico; Mark Manalo
Ipinasa kay: Prof. Reymond Cuison (Abril 2013)
Modernong panahon (Nakatutulong nga bang totoo?)
Modernong panahon
(Nakatutulong nga bang totoo?)
Ang modernong panahon ay isang makabagong panahon kung saan ang lahat ay gumagamit ng teknolohiya. Naimbento para padaliin ang buhay ng isang tao sa pang araw-araw na gawain. Ngunit may mga ilan na nag sasabing ginagawang tamad ng modernong panahon ang tao ng isang bansa dahil hindi na halos kumikilos ang ilan. Isang halimbawa dito ay ang KOMPYUTER kung saan ito ang pinaka gamitin ngayong panahon. Tutuklasin natin kung ano nga ba naidudulot nitosa ating buhay.
Pag dating sa gadgets hindi nag papahuli ang mga Pilipino kahit na basura na sa ibang bansa, sa atin isa parin itong kayamanan. Sabi nga ng marami satin “May pera sa basura”, oo nga naman napagkakakitaan pa ng ibang bansa ang mga gadgets nilang luma na dahil binibili ito ng mga bansang medyo na huhuli na sa panahon katulad ng Pilipinas. Pero sa kabila ng lahat para sa akin ang pinakapatok sa mga tao ay ang KOMPYUTER. Kahit saan ka mapadpad dito sa pilipinas lagi may kompyuter shop kahit pa na mukhang alam niyo yung lugar eh may kompyuter shop parin, yun nga lang hindi kagandahan. Mas marami kasing nagagawa ang nito kesa sa ibang gadgets kaya mas nagging patok ito.
Mayroon namang mga cellphone na mala KOMPYUTER ang dating dahil sa laki nito, pwede kang mag WiFi, mag laro, makipag chat, mag install ng kung ano-ano at marami pang iba.Hindi natin makakaila na kahit na mga musmos pa lamang ay umagang-umaga ay kaharap na ang kanila kaibigan minsan pa nga ay mag hapon kung walang kahati. Ngunit napapaisip parin kung ano ba talaga ang naitutulong nito bukod sa nakakalibang ito, sabi ng DepEd na dahil sa mga computer games at gadgets kaya bumababa ang mga studyanteng pumapasa ng board at dumarami naman ang mga bumabagsak.
Layunin ng Etnograpiyang ito na ipaliwanag kung ano nga ba ang mga naiidudulot nito sa atin, masama man o hindi. Kung pano ang tamang pag gamit, kung ano ang epekto nito sa atin. Nais din namin na palawakin pa ang inyong isip sa mga ganitong bagay sa pamamagitan ngaming mga na obserbahan.Sa dinami-dami ng lugar dito sa Pilipinas, bawat kanto, bawat barangay, bawat street na makikita mo ay meron nito, kahit sa mga mall ngayong panahon may makikita ka naring portable na kompyuter kung saan pwede mo siyang dahilan kahit saan at tinatawag itong LAPTOP.
Nais din naming ipaalam sainyo kung ano ang aming mga ekspiryensa sa pag gamit nito upang makatulong sa inyo kung ano dapat at hindi dapat gawin. Kung may nararamdaman ng kakaiba dahil sa pagbababad niyo sa paglalaro, maaring mag pakonsulta na agad sa doktor upang malunasan agad ang inyong karamdaman dahil meron din mga sakit na pwedeng makuha sa pag gamit nito. Alam kong alam niyo na ang tungkol sa CARPAL TUNNEL ayon sa mga eksperto ito ay kung saan nananakit ang inyong mga kamay dahil hindi mo ito masyadong nagagalaw. Kaya galaw galaw din pag may time, kailangan ng tamang ehersisyo. Ayon din sakanila pwede rin tayong mabaog kapag pinatong natin sa ating hita habang ginagamit natin ang LAPTOP dahil sa init na nilalabas nito. Para sa iba pang kaalaman pwede kayong manaliksik sa internet ukol ater upang mapatunayan ang aking sinasabi.
Maraming pwedeng pag gamitan ang kompyuter pwede itong gamitin sa pag aaral, trabaho, komunikasyon, imbakan ng mga importanteng dokumento, pang aliw at marami pang iba. Nag punta ako sa iba’t ibang lugar upang malaman kung ano nga ba ang epekto ng mga kompyuter sa tao,nag tanong sa ibang tao kung pano nila ito ginagamit at kung ano ba talaga sakanila angkompyuter pati na ang pwedeng gawin nito.
Sa panahon ngayon isa na ang computer sa pinaka demand na ginagamit ng buong mundo. At sa panahon rin ngayon, napansin kong halos wala ng batang nagpapalipad ng mga saranggola, naglalaro ng piko, patintero, habulan, sipa, taguan, tayaan, holen at kung ano-ano pa.Dahil din dito ay maraming natututunan ang mga tao, nakakapaglibang din tayo gamit ito pati rin ang mga trabaho, napapadali nito-tulad sa accounting, dito na sila nagsusulat nung mga nire-record nila para mas maintindihan at madaling ikompyut ng tama at nakakatulong rin ito upang maging komunikasyon para sa mga kapamilyang nasa malalayong lugar na di tulad ng dati liham lamang ang ginagamit ngunit matagal itong nakakarating samantalang ang kompyuter wala pang segundo maari ng mabasa ng iyong mga mahal sa buhay. Madali rin itong magamit sa pagta-type kagaya nalamang ng pag gawa ng mga research paper, madali mo siyang ma e-edit samantalang dati ang ginagamit nila ay type writer kapag nag kamali lamang ng kahit isang letra o sentence ay kailangan na ulit umulit sa simula. Ang computer na rin ang madaling gamitin para sa kanilang pag reresearch katulad nalang ng google, Wikipedia at marami pang iba dahil dati rati kailangan pa nilang pumunta sa silid akalatan upang hanapin ang kailangan nilang basahin o hanapin para sa kanilang takdang aralin dahil doon sa silid akalatan marami ka pang kailangang gawin upang mahanap mo ang kailangan mo, katulad nalamang ng paggamit ng card catalog, samantalang sa computer isang type mo lang makikita mo na lahat ng impormasyon na hinahanap mo hindi kapa nagsayang ng oras at pagod.
Ang kompyuter ay madaling gamitin kahit na ang mga bata ay madali itong natututunan ngunit kahit na malaki ang naitutulong ng computer para sa ating lahat marami pa rin itong naiidudulot na masama . katulad nalamang ng pagiging adik na ng mga kabataan ngayon sa laro ng mga computer marami na ngayon sa mga kabataan ang nahihilig sa laro lalo na ang nauuso ngayong DOTA , LOL , o kahit ano pang online o lan games dahil dito natututo ang mga kabataan na gumastos ng malaki imbis na ginagamit nalang nila ang kanilang allowance sa makabuluhang bagay kagaya nalamang ng pagbili ng pagkain kapag nagugutom sila ngunit mas pinipili nilang gastusan ang sarili nilang pangkaligayahan ni hindi nga nila inisip na kung paano kung nahihirapan ang kanilang magulang sa pagtatrabaho para may maibigay sila sa kanilang anak na baon sa pagpasok. Kagaya nalamang sa mga estudyante na nakikita ko o mga kakilala ko natutunan pa nilang mag-cutting sa kanilang klase para lang makapag laro ng computer hindi ba nila naisip na pwedeng maapektuhan ang kanilang pag-aaral ? at meron pang ibang maaring di magandang idulot ito sa mga kabataan kagaya nalamang ng ibang website merong mga website kagaya nalamang ng youtube na may mga palabas na hindi karapat dapat makita ng mga kabataan kahit na sabihin natin sa henerasyon ngayon kailangan na ng mga kabataan na maging bukas ang kanilang isipin sa ibang mga bagay na kahit na hindi pa naman karapat-dapat para sa kanila kaya dapat kahit papano ay dapat pa rin disiplinahin o kontrolin ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak dahil baka ito pa ang maging dahilan upang masira ang kinabukasan ng kanilang mga anak.
Dahil ang mga bata ngayon ay puro nasa computer shop na. Abalang-abala sa mga nilalaro nilang computer games. Ganyan na lamang naging moderno ang ating bansa. Kung dati’y ang mga bata’y pakalat-kalat sa lansangan ngayo’y hindi na. Siguro’y sa mga susunod pang mga henerasyon ay makalimutan na ng mga susunod pang mga kabataan ang paglalaro sa labas ng kanilang mga tahanan kasama ang ilan pang mga bata. Naobserbahan ko yun dito sa aming lugar. Dati ay kaliwa’t kanan ang mga batang nagtatakbo sa aming lansangan. Takbo dito at takbo dun. Napakaingay ngaming lugar dahil sa mga batang tuwang tuwa sa paglalaro. Merong iyakan at tawanan. Iyakan dahil hindi naiiwasan ang madapa. Ngunit ngayon, tunog na lamang ng mga sasakyan ang iyong maririnig. Busina dito at busina doon. Ang mga bata’y pinuno na ang bawat computer shop sa bawat kanto.
At dahil nga sa ginagamit nating computer, napansin ko rin sa ilang estudyante na imbes BOOK sa school ang kanilang buksan ay FACEBOOK ang pinagkakaabalahan. Hindi lamang sa facebook, nandyan na rin ang twitter, tumblr, wattpad, blogspot at kung ano ano pang website na uso na ngayon. Parang ako, naobserbahan ko na rin mismo sa aking sarili na imbes gugulin ko ang mas malaking oras sa aking pag-aaral ay mas prioridad ko pa ang facebook. Hindi naman masamang maglibang kung minsan. Pero dapat ay isinasaalang-alang natin ang mabuti at masamang epekto nito sa atin. Magkaroon tayo ng konsiderasyon sa ating mga sarili. Isa pang napansin ko, ay ang mga nilalaman ng computer. Tulad na lamang sa facebook. Dahil gaya nga ng sabi ko ang mga kabataan ngayon ay puro ito ang pinagkakaabalahan. Napansin ko kasing ang ilan sa mga ipinapalabas sa fb ay hindi karapat-dapat o kanais-nais para sa mga bata. Pictures man ito o video. Hindi lang naman ito sa facebook, marami rin ito sa iba pang mga website na natutunan ng mga bata sa mga nakakatandang masamang impluwensiya para sa kanila.
Ang kompyuter ay hindi naman puro masamang epekto lang. nagiging masama lang naman ito kapag hindi natin ito nagagamit sa tamang paraan. Naobserbahan ko rin ang masama at mabuting epekto nito sa atin. Unahin natin ang masama nitong epekto. Nagiging masama ang paggamit ng computer kapag tayo ay nasosobrahan sa paggamit dito. Dahil ilan sa mga kabataan, ay mas pinipili na lamang mag-computer kesa pumasok sa eskwelahan para mag-aral ay mas pinipili nilang maglaro na lamang sa computer shop.
Gamitin natin ang computer sa magandang paraan at hindi sa mali na mag-uudyok sa atin sa maling tahakin. Ang sumunod naman ay ang mabuting epekto. Mabuti ito lalo na sa paggawa ng ating mga trabaho, reports, research, projects, assignments at kung ano-ano pa. Napapadali ng computer ang ating mga trabaho. Hindi lang dahil sa mga nilalaman nito, ngunit dahil na rin sa tulong ng internet. Nakakapag-search tayo sa google, yahoo, wikipedia at kung ano-ano pa. Sa ganitong paraan nalalaman din natin ang mga bagay na ngayon lang natin natuklasan. Tinutulungan rin tayo nito upang mapaganda at maging presentable ang gagawin nating reports para sa trabaho o maging para sa paaralan. Ang computer din ay ginagamit para sa paglilibang, tulad ng paglalaro ng kung ano-anong games na nakapagrerelax sa ating mga mata maging sa ating kaisipan. Malaking tulong talaga ito kung gagamitin natin ito sa tama. At kung alam natin kung anong limitasyon natin sa paggamit nito.
Isa rin sa mga naobserbahan ko, ang ating bansa ay talagang umaasenso na. Dahil sa mga hi-tech na bagay na inilalabas ng bawat bansa sa mundo. Tulad ng cellphones, laptop, iphone, itouch, ipad, at kung ano ano pa. Hindi lang naman computer ang maaari nating gawing; reference para sa mga bagay na kailangan nating malaman. Isa rin ang mga gadgets nayan upang makatuklas pa tayo ng iba’t-ibang bagay.
Ang tita ko ay isang teacher at nag tuturo nang subject na kompyuter sa Mataas na Paaralan nang Bagumbong. Sumama ako sa aking tita para makita at maranasan kung paano mag turo ang aking tita sa larangan nang kompyuter. Nakita ko ang mga estudyante niya na masaya sila sa pagpasok niya dahil ito ay mabait sa kanyang mga estudyante. At nang mag simula siyang magturo ay may nakita akong estudyanteng natutulog sa klase niya, hindi ko alam kung dala nang pagka-puyat o sinasadya niya lang talaga matulog sa klase nang tita ko, hindi ito pinansin nang tita ko pero alam niyang natutulog ito at nagpatuloy na lamang sa kanyang pagtuturo. Napansin ko na ang mga tinuturo niya ay medyo mahihirap na terminolohiyo pero ito ay naiintindihan ko pero sa ibang mga estudyante niya ay hirap na hirap kaya ang ginawa niya ay inulit niya ulit ito hanggang sa maintindihan nila ito.
At sa aking pag-oobserba ay may nakita ako na iilan lang ang mga nagsusulat na estudyante at may iba rin na usap lang nang usap na hindi related sa itinuturo nang tita ko. At nang pumunta na sila sa Computer Laboratory sa kanilang paaralan ay naobserbahan ko na malinis ito sa labas man o sa loob nang laboratory at maayos ang pagkakaligpit ng mga computer dahil ang mga estudyante sa kanilang paaralan ay disiplinado at napakikiusapan na iligpit ng maayos ang mga gamet sa Laboratory. At nang simulan na ng aking tita na buksan ang kanyang computer, saka binuksan ng mga estudyante ang kanilang mga computer dahil bilin nang kanilang guro na wag magbubukas ng computer hangga’t di nagbubukas ang teacher nang sarili niyang computer.
At nang buksan nila ang computer ay nagsimula na ulit mag turo ang aking tita at ang tinuturo niya ngayon ay kung paano gumawa ng HTML gamit ang notepad. May nagtaas nang kamay at isa yun sa estudyante ng aking tita na si Anna Flores na isa sa magaling pagdating sa klase ng aking tita. Nag tanong siya kung tama o mali ang kanyang sagot. At sinagot na naman ng tita ko na mali ito, dahil dito tinuruan niya si Anna kung paano gawin ang kanyang activity at hindi niya rin ito pinahiya dahil tinuloy ni Anna ang kanyang gawain at tinapos ito. At sa pag tapos nang araw nang aking tita ay napansin ko na sa computer din siya gumagawa ng grades. Tinanong ko siya tungkol dito at ang sabi niya ay mas madaling gumawa ng mga grades sa computer kesa sa mano-mano. Iba na talaga ang henerasyon ngayon, dati ay mano mano pang gumawa nang grades, pero ngayon ay may computer na handang tumulong sayo.
Nung ako’y High school palamang sumama ako sa aking nanay sa kanyang trabaho. Halos lahat ng tao dun ay may kanya-kanyang gadgets pero ang gamit nila sa pagtatrabaho ay kompyuter. Napapasin ko na hindi naman pala ganun kahirap gumamit kung alam mong gamitin pero ang ginagawa lang naman nila ay parang naglilipat ng dokumento na nasa papel at isusulat ulit nila ito sa kompyuter encoder ata ang tawag doon. Pero ang ginagawa ni mama ay iba iba, minsan nage-encode lang siya, minsan pinapagawa siya ng chart ng mga gastos ng kompanya nila siya narin ang humahawak sa pera minsan siya pa ang representative ng kanilang kumpanya. May araw na napagkamalan akong nag O-OJT doon dahil sinusubukan ko ang gawain ni mama kung kaya ko ba para pag-graduate ko ng IT meron na kong konting kaalaman ukol sa aking pwedeng maging trabaho. Madaling mag-obserba pero mahirap pala gawin dahil marami pa pala akong hindi nalalaman kaya yung ibang dapat kong gawin ay hindi ko magawa. Napag isip-isip ko na hindi lang pala sapat ang pagtingin sa ginagawa, dapat mo rin itong subukan. Sabagay puro kasi ako laro pag nagkokompyuter. Tinanong ko si mama kung napapadali ba ng kompyuter yung trabaho niya ang sabi “oo” mas mahirap daw kasi pag manual mas nakakapagod kasi kailangan mo talaga ng effort para matapos yung isang gawain mo kaya napaisip ako “ano kaya magging trabaho ko pag nakatapos na ko ?” kinakabahan kasi ako, papano nalang kung mahirap yung napunta saking trabaho,yung parang kahit gumagamit kana ng kompyuter eh mahirap pa din. Satingin ko naman wala naman talagang mahirap kung pag-aaralan mo nang mabuti.
Sa Computer shop naman ay marami kang makikita ditong iba-ibang klase ng tao, may sanggano, yung pala mura; may tahimik , may mabaho at amoy araw.May iba namang mga tambay lang at walang ginawa kundi manuod lang; yung ibang tambay naman ay nanggugulo pa at nag tuturo kung ano ang gagawin, kung saan sila nanunuod. Tambay din kasi ako dito dati eh. Mainit sa computer shop depende kung aircondition ito o hinde. Marami ring mga estudyante na dito nag ka-cutting classes at dito nag papalipas ng araw yung ibang istudyante naman ay dito nag reresearch at nagpapaprint. Kadalasang puno ang computer shop dahil maraming mga bata ngayon ang marunong ng mag computer at dito sila naadik. Marami ring mga bata na dito na tinatawag ng magulang para kumain dahil sa sobrang kaadikan. Meron din naman dito na nakikipag chat minsan nakikipag landian pa web cam web cam pa. Yung mga taong walang kakayahang bumili ng kompyuter at mag pakabit ng INTERNET ay sa computer shop napupunta kaya kung mapapansin niyo ang dami-dami nila kaya ang ibig sabihin madaming mahirap sa Pilipinas kaya marami sa ating kababayan ang nangingibang bansa upang kumita ng kwarta. Ginagamit nila ang kompyuter upang makipagkomunikasyon sa kanilang kamag-anak sa ibang bansa at isa na kami sa mga yun. Meron din namang ibang nanloloko lang na gagawa ng dummy account sa facebook o twitter at manloloko ng ibang tao minsan pa nga pagnaiwan mong nakabukas yung account mo eh bababuyin nila.
Malaki ang naitulong nito sa atin dahil hindi na natin kailangan bayaran ang bawat letra na gusto nating sabihin sa sakanila ngunit sa kasamaang palad nawalan naman ng trabaho ang mga taga hatid ng sulat o MAIL MAN sa ingles. Pero sa iba parang isang salot ito dahil sa mga manloloko, namimirata, nang bubully, naninira at marami pa. Hindi naman natin sila masisi kung eto yung paraan ng pag papapansin nila pero ang masasabi kong maling-mali ito. Mas pinadali rin ng kompyuter ang pag gawa ng mga takdang aralin ng mga studyante dahil isang copy at paste lang tapos na agad ito ng wala pang sampung minuto kaya hindi na ko magtataka kung bakit dumadami ang tamad sa mundo ultimo essay ng ginagawa nila kokopyahin pa sa internet.
May mga shop na mura ang renta, sa katunayan mayroon pa silang pa-promo na kung magbabayad ka ng 25 pesos ay dalawang oras ka nang makakarenta sa kompyuter shop. May mga oras na maingay, napakaingay dahil sa enjoy na enjoy ang mga kabataan sa paglalaro ng DotA. Sari-saring sigawan at bangayan ang maririnig sa pagpasok at paglabas ng kompyuter shop dahil nga sa intense o mainit ang kanilang laban. Napakaraming kabataan ang naglalaro at napansin kong mayroong CCTV camera doon siguro nga dahil sa mga pangyayari sa ating bansa na kahit computer shop ay pinagtatangkaang nakawan o holdapan ng mga mandurugas. Sa aking pagpasok sa isang kompyuter shop, dali-dali kong tinanong ang isang kabataan roon na tahimik lamang na nakaupo’t nanunuod sa isang bata rin na naglalaro sa kompyuter. “Boy, pwede ba kitang madistorbo saglit sa panunuod mo?” Sabi ko. “Oh, ano po ‘yon kuya?” Sabi ng bata. “Sa tinagal-tagal ng panahon at sa mabilis na pagdaan ng panahon, wala ka bang napansin?” Sabi ko. “Wala naman po ano po ba ‘yon?” “Ah, sige wala nevermind na lang. Salamat sa tugon mo.” Sabi ko sa bata. At tinapos ko na ang aming obserbasyon. Agad akong napaisip at muli kong binalikan ang nakaraan, ang nakaraan noong ako’y bata pa at naglalaro lamang sa kalsada, nadadapa, naglalaro ng piko, nakikipag tagu-taguan, nakikipag tumbang preso at iba pang laro. Heto ang aking naging obserbasyon, pagkalabo na lamang ng mata ang nangyayari sa ibang mga bata sa kakalaro ng kompyuter, imbis na nadarapa sila sa kakalaro ng mga larong kalsada. Bibihira nalang mapansin ang mga batang nagsisipaglaruan sa kalsada, kadalasan ang iba nakatutok at nakaharap na sa isang kompyuter. Sa bagay, hindi nga naman natin masisisi ang panahon sa bilis ng pag-unlad ng isang bansa, lalo na’t naiimpluwensyahan tayo ng mga produktong banyaga.
Wala akong magawa noong sumunod na araw kaya naglaro nalang ako sa labas. Napansin ko na kakaunti lamang ang mga nag-lalaro at ang iba pa ay estudyante. Hindi ko alam kung sila ba ay nagka-cutting class dahil ang aga-aga, naglilibang na sila. Napansin ko rin na mas marami ang naglalaro sa hapon kaysa sa umaga, siguro nga dahil sa kadahilanang may iba pang inaasikaso sa umaga ang mga nagrerenta sa computer shop. Sa unang tingin pagpasok sa kompyuter shop, walang nagbabangayan, nagpapalitan ng salita, nag-iingay o kung anumang kaingayan sa kompyuter shop siguro nga dahil sa wala pang enerhiya ang mga tao para sa gano’ng bagay. Kung maipagkukumpara ang pagpunta ko ng hapon ay maingay na sa kompyuter shop. Halo-halong ingayan ang madadatnan kumpara sa umaga na ang tahi-tahimik at maayos. Napansin ko rin na ang iilan sa mga trabahador at estudyante ay pumupunta tuwing umaga sa kompyuter shop upang gumamit ng internet, ang ilan nama’y nag-doDOTA bago pumasok sa kanilang pinagtatrabahuan at sa mga estudyante sa mga paaralan. Kung pwede ko lang isumbong ang mga batang naglalaro tuwing umaga at hindi na pinapasok ang kanilang klase dahil sa paglalaro, isinabi ko na ngunit baka nama’y sabihin nila akong KJ or Kill Joy dahil yun na nga lang ang kanilang kaligayahan, pipigilan ko pa. May mga bagay na sadyang hindi natin kayang pigilan kung nakasanayan na sa kadahilanang lagi natin itong ginagawa at napakahirap para sa isang tao na pigilan ito lalo na kung itong libangan na ‘to ay ang tanging bagay na makapagpapaligaya para sa sarili mo. Tulad ng iba, o tulad ko na nahilig na sa paglalaro at ang tanging masasabi ko nalang ay ang saya-saya. Ang saya ‘di ba? Iba’t-ibang tao ang nakilala ko sa pagpunta sa kompyuter shop. Nandoon si Masipag, masipag na naglalaro araw-araw makapagpa-level lang ng kanyang online game, nandoon si “Watcher”, na tiga-nuod maghapon magdamag sa kaibigan niyang magaling “daw” mag laro, nandoon si “Megaphone” na kung makapag-ingay ay wagas at nandoon din si Timer na kakalabit na lamang sayo bigla kung tapos na ang oras mo sa pag-rerenta ng kanilang PC.
Tuwing linggo at wala akong pasok ay lagi akong nagkokompyuter.Pag tapos ko palang mag almusal ay agad akong pumupunta sa kompyuter shop para mag laro, mga 8:00 palang ay nasa kompyuter shop na ko.Pagdating ko sa shop ay ako palang ang tao at ang bantay na si kuya noy.Sakto lang daw ang dating ko dahil kabubukas niya palang daw.Sa paborito kong PC ako naglaro at kung saan nakatutok yung elektrik fan dahil nga maiinit dun. At dahil nga buena-mano ako nung araw na yun ay may libre akong 30mns. Wala pang 20mns akong nakaupo ay marami na agad dumating na customer at yung ilan dun ay yung mga kaibigan ko na kalaro ko sa DOTA.
Nakailang laro din kami at nang matapos na ay umuwi na sila at akoy nagpaiwan dahil nga may gagawin pa akong takdang aralin at mag lalaro pa ako ng League of Legend. Nang matapos na ko sa takdang aralin ko ay nag laro na ako ng League of Legend at naka ilang game din ako at di ko napansin ung oras na nakaka 5 hrs na pala ako. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya nag pasya akong bumili na lang ng biskwet at Softdrinks. Pagkatapos kong bumili ay nag laro ulit ako. Naramdaman ko nalang nung nag lalaro ako ay biglang sumakit yung mata ko kaya nag pasya na akong mag-out, 70 pesos ang binayad ko, bali naka 7 hrs and 30 mns rin ako.
Araw na ng lunes at maaga na naman ang pasok mula alas nuwebe ng umaga hanggang ala una ng hapon. Pag-uwi ko ay agad akong kumain at naghugas ng plato. Pagtapos ko maghugas ay humingi na ko ng pera sa mama ko dahil sabi ko may iseserts lang ako at binigyan niya naman ako ng 40 pesos. Mga alas dos na ng hapon nang pumunta ako sa shop at naabutan ko yung mga kaibigan ko na nag-lalaro na.Sobrang init sa shop at iba ang amoy, amoy pawis at amoy paa. kaya nang lumabas muna ako ng shop at uminom ng soft drinks.Habang nakaupo ako sa labas ay nakita ko na nagsilabasan na yung mga tambay kaya pumasok na ako sa loob. Sobrang init talaga sa loob ng shop.Napansin ko parin na maraming tambay .At dahil may nakapwesto sa paborito kong PC kaya sa ibang pc ako umupo.At nakalaro ko pa ng isang game yung mga tropa ko bago sila umuwi. Nakailang oras na naman ako sa paglalaro ng kompyuter nang mapansin ko ang mga bata nag-kukumpulan sa kabilang PC kaya tinanong ko yung isa kung ano ginagawa nila at ang sabi nya ay nanonood daw sila.
Napag-isip-isip ko na dahil sa kompyuter ay natututo ang mga bata ng malalaswang pag iisip dahil narin sa mga site na porno na kahit nakalagay na “18 age below do not enter “ ay nagagawa parin nilang makapasok sa site na yun. Sinabi ko sa kanila na isusumbong ko sila sa may ari ng shop kaya dali-dali naman nila itong inalis. Natapos na ko sa paglalaro at umuwi na. Habang pauwi na ay napag-isip-isip ko na kahit moderno na ang panahon at sinasabing nakakatulong ang bagong teknolohiya ay mayroon parin itong masamang naidudulot.
Ang pagbabantay din ay may kabalikat na pagod, pagkainip, at pasensiya. Pagod dahil kapag napakaraming customer na dumating ay kailangan mo buksan ang kanilang mga computer at kapag tapos na sila ay kailangan mo naman itong patayin para makatipid sa kuryente. Pagkainip dahil kapag sobrang matumal ang pagdating ng kaniyang mga customer wala siyang gagawin kung hindi mag-antay kaya ang kaniyang ginagawa para mawala ang kaniyang ay nagpapatugtog siya ng mga napakaingay na mga kanta upang mawala ang kaniyang pagkainip at kapag may dumating na kaibigan ay makikipagkwentuhan ito para hindi siya mainip habang nag-aantay ng customer. Pasensiya, kasi minsan ang kaniyang mga customer ay maiingay lalo na ung mga nag-lalaro ng DOTA, kapag napasarap na sa laro mag-aasaran at magmumurahan na dapat sawayin dahil hindi lang naman sila ang customer niya. Kapag nagsasara siya ng computer shop at meron pang customer ay kailangan niya itong antayin matapos kahit na gusto niya ng matulog at magsara.
May nakilala akong isang nagbabantay ng isang computer shop. Ito ay isang mahirap nagawain dahil hindi ka lang uupo. Uupo lang siya sa server ng mga computer at mag-aantay ng mga customer at kapag may customer na dumating bubuksan niya lang ang computer at babalik na ulit siya sa kaniyang upuan. Kapag wala pa naman dumating na customer nag-aayos siya ng mga computer at naglilinis siya ng computer shop upang ang kaniyang computer shop na binabantayan ay maganda sa paningin ng kaniyang mga customer.
May dumating na isang customer na kakilala ng nagbabantay. Ang customer na ito ay maingay at madaldal habang naglalaro ay nakikikapagkwentuhan pa ito sa nagbabantay kaya ang nagbabantay ay umingay na rin. Dahil sa maingay na rin ang nagbabantay ang mga batang naglalaro ay nakisabay na rin sa ingay dahil wala ng sumusuway kaya ang buong computer shop ay maingay na rin. Lumipas ang oras may dumating pa na mga customer na kakilala din ng nag-babantay. Inaya ng nag-babantay ng computer shop ang mga kakilalang customer na mag-laro ng DOTA. Hindi pa nag-uumpisa ang laro ay maingay na sila kaya ang iba pang mga customer ay niistorbo. Nag-umpisa na ang laro patuloy pa rin ang sila sa pag-iingay kaya ang ibang customer ay napilitan na lang umalis kasi naiistorbo sila sa kanilang ginagawa. Napansin ko na habang tumatagal ang laro ay lalong lumalakas ang ingay dahil na rin sa ganda ng kanilang laro at katuwaan. Meron pa nga sa punto na nagkakamurahan na sila na hindi maganda sa mga batang naglalaro baka gayahin nila ang kanilang ginagawa pero buti na lang ay walang nagkapikunan at baka mapunta pa sa suntukan. Nung matapos na ang laro umalis na ang unang customer na kakilala ng nagbabantay at sinabi “utang ko muna ang laro ko” kahit na nakapaskil na bawal ang utang.
Hindi ko alam kung bakit pinagbigyan ito ng nagbabantay marahil siguro ay kakilala niya ito. Maya-maya pa ay umalis na rin ang mga customer na kakilala ng nagbabantay. Nang sila ay umalis tumahimik na ang computer shop at ang mga customer ay nagbayad hindi tulad nung nauna. Ginawa na ng nagbabantay ang kaniyang trabaho na aayusin sa pagkagulo ang mga computer at papatayin niya na ito at bumalik na rin ito sa kaniyang upuan. Umalis na rin ako lugar pagkatpos mag-ayos ng nagbabantay.
Pumunta ako sa isang computer shop kung saan ang nag-babantay ay kakilala ko. Kapareho lang ng lagi kong pinupuntahan sarado na kasi yung malapit samin. Nagbakasyon daw yung may ari. Maingay din, meron ding seguridad na CCTV pero ang computer shop ay naka-aircon, karamihan ang nag lalaro ng DOTA maingay rin ang mga bata at ang masama pa dito ay nagmumura na sa murang edad pa lamang. Tinanong ko ang kakilala ko,ng nagbabantay, “bakit ayaw mo patahimikin ang mga bata” at aking dugtong ay nakakahiya pa sa ibang customer at ang sabi niya ay kanina ko pa pinapatahimik ang mga batang yan ayaw lang makinig nakakahiya na nga sa mga customer. Meron na nga isang customer na umalis at ang sabi sa akin“ayoko na ang ingay ng inyong computer shop niyo ang daming istorbo”. Tinanong ko siya “mahirap bang mag-bantay ng computer shop”. Ang sabi niya, “oo mahirap magbantay katulad ngayon maingay hindi ko masuway ang mga naglalarong bata na maiingay kung masuway mo ang mga ito o hindi ay masasabihan ka pa nila ng masamang salita at kapag tapos pa nilang gumamit ay aayusin ko pa ang kanilang ginulo”. Nakakainip din daw magbantay kasi minsan daw walang customer na dumating kung may dumating man ay konti lang. Dito sa computer shop ay bawal ang utang kahit kakilala man niya ang umutang kasi mapapagalitan siya ng may-ari ng computer shop.
Binilhan na ko ng aking mga magulang ng kompyuter para daw hindi na ko maglaro sa labas at hindi narin ako gumastos ng malaking pera para sa renta. Maganda din daw ito para pag may mga project hindi ko na kailangan pumunta sa labas para gumawa at magpagabi, ayaw rin kasi nila noon kasi delikado dito samin. Simula noon halos walang patayan ang kompyuter sa sobrang pagkaadik ko, tumataas narin ang kuryente; mas naging tamad ako lalo; halos yung madadaling takdang aralin nalang ang ginagawa ko pagmahirap hinahayaan ko nalang pwede- namang mangopya sa susunod na araw. Hindi ko ba alam kung bakit ako nagkakaganito? Minsan nga parang gusto ko na lang magpahinga. Lagi akong pinupuyat ng kaibigan kong ito di ko ba lam kung bakit parang ayaw niya kong layuan kahit sa panaginip ko, pumapasok siya, naglalaro daw kami. Nung isang gabi nga habang natutulog ako nananaginip ako na naglalaro daw ako tapos bigla akong sumigaw ng sobrang lakas kahit sa kabilang kwarto eh narinig sabagay magkatabi lang naman yung kwarto ng magulang ko sa kwarto ko. Tapos iyon, ginising ako, maya-maya natatawa nalang ako kasi naaadik na ko talaga sobra kahit sa pag tulog ko naglalaro parin ako.
Minsan may nararamdam na kong kakaiba sa aking kamay na pag inunat mo ay masakit inisip ko na lang na baka kasi hindi ko na naigagalaw parati tulad ng dati. Marami akong hilig noong wala pa yung kaibigan kong ito, hilig kong maggitara, magpinta, mag-drawing at marami pang iba pero binago niya lahat. Kung dati sa isang araw halos lalagpas sa 5 gawain ang ginagawa ko kasama na doon yung paggawa ng takdang aralin, pagliligpit ng kwarto at iba pang gawain kahit nga pag-inuutusan ako di ko na sinusunod kasi naglalaro ako. Maganda lang nito sa sobrang curious ko kinakalikot ko minsan ang kompyuter ko. Marami naman akong natutunan. Kaya ko ng ayusin yung mga simpleng sira kahit yung mga application sa kompyuter na pang ayos ng palabas, pag hahalo ng kanta natutunan ko na din, kaya di na ko nagtataka kung lagi akong tinatawag ng lola ko para ayusin yung kompyuter nila kasi hindi makalaro yung maliliit kong pinsan ayaw ko naman kasing maranasan nilang maglaro sa labas tulad ng naranasan ko dati kaya pinipilit kong ayusin kahit di ko na alam kung pano. Nakakatulong din ito sa pag aaral ko dahil ang gusto ko paglaki ay isang IT. Pero ewan ko ba puro naman ako laro, hilig ko lang talaga maglaro hindi ang kompyuter. Gumigising din ako nang maaga pero natutulog din ng umaga para mag laro pero hindi sa lahat ng oras ay ganon ang dahilan, meron kasing project yung kapatid ko na gagawa daw sila ng video eh-may alam naman ako doon kaya ako nalang ang gumawa, basta siya gagawa ng gawaing bahay, para masolo ko yung kompyuter.Nagagamit ko siya sa maraming bagay: nagagawa ko siyang libangan kagaya nalamang ng paglalaro-dahil kapag ako ay naiinip ako ay naglalaro ng sims ang pinaka paborito kong laro ngayon dahil bukod nakakawala na siya ng stress, nagagawa ko pa dito yung gusto kong design na bahay at syempre hindi lang naman paglalaro ang pwedeng maging libangan dito pwede ka rin manood sa mga website kagaya na lang sa youtube o kaya mag download ng mga kanta pwede ka rin makipag chikahan sa mga kaibigan mo gamit naman ng facebook, yahoo mail o twitter.
Malaki ang naitulong ng karanasan ko sa aking buhay kaya bilang isang manlalaro ng kompyuter, nakakaadik, nakakatuwa, nakakatanggal stress, o kung anu pa man.Pero may mga oras na minsan nawawala na ang pagtutuon pansin sa aking mga gawaing eskwela.Nawawala ang aking pokus sa mga gawaing pang-eskwela dahil sa kalalaro ko ng mga games sa computer.Ang pagkaadik ko sa computer ay malala na.Dahil minsan gumagamit ako ng mga cards ng mga laro para lamang lumakas ako sa isang laro.Napapagastos ako sa laro na sana ay pinang kakain ko nalang nabusog pa sana ang aking sikmura.Hindi ko mapigilan mag load o bumili ng mga game cards dahil alam kong ako ay lalakas agad, yayaman, o kung anu pa man, depende sa iyong nilalaro. Imbis na ako ay nag iipon nalang sana pero nawawaldas ko pa rin ito sa mga game cards. Gaya ng aking unang sinabi, nawawala na ang aking pokus sa pag-aaral. Marahil eto na ang masamang epekto ng pagkaadik sa computer.
May mga Gawaing eskwela o takdang aralin akong naiisip pagnag ko-computer ako pero ang palagi kong sinasabi ay, “Mamaya ko nalang ito gagawin” hanggang sa hindi ko na ito nagawa dahil ako ay napagod na sa kaka-computer. Halos hindi na ko kumakain sa tamang oras, kung kakain man ako sa harap pa ng computer at hindi ako nakakasabay sa aking pamilya, at nawawalan ako minsan ng atensyon sakanila.Kadalasan malilipasan nako ng gutom kaka- computer ko. Kahit papano may control pa rin ako sa aking sarili sa paggamit ng computer kahit kaunti. Minsan nakakaya kong hindi maglaro ng computer. Pero kadalasan ako ay naglalaro mag hapon at puyatan.Kaya ang bill ng kuryente ay patuloy na tumataas, na imbis na magtipid ng kuryente dahil sa mamahalin na ang mga bilihin ngayon at imbis na makatulong ay nagiging pabigat lang ako. Marahil may mas adik pa saken sa paglalaro ng computer games.May mga nabalitaan akong maghapon naglaro ng computer ng walang tayuan at dire-diretso lang nag ko-computer. Maya-maya nalang ay binawian nato ng buhay.Siguro marahil sobrang napagod na ang katawan nito at kaharap mo pa naman ay computer na naglalabasan din ng radiation.Kaya naging aral na rin sakin ang balitang yun at medyo nabawas-bawasan ko ang aking pag-aadik sa computer.
Kahit ang aking kapatid ay mag-hapon na nag ko-computer at minsan ay hindi na niya kami sinusunod. Tila ba parang wala nang pakialam sa kanyang paligid, basta’t kaharap niya lang ang computer ay okay na sa kanya.Masasabi kong mas-adik pa rin siya kaysa sakin.Dahil minsan ako ay natutulog at nakakaramdam din naman ako nag pagod kahit papano.Ayos na sana ang teknolohiya ngayon ngunit napakaraming masamang epekto nito sa mga tao.Napadali nga ang ating buhay ng mga makabagong teknolohiya ngayon. Pero marami itong naging masamang epekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Lalo na sa mga kabataan ngayon na sobrang naadik na sa pag lalaro ng computer games. Nasisira na ang edukasyon ng mga kabataan dahil lang sa pag kaadik sa computer games.
Gaya ko nababayaan ko minsan ang mga aking takdang aralin. Pero sana mag bigay-aral satin na ang pagkaadik sa computer ay kahit kailan ay hindi magiging maganda. Ilagay rin natin sa isip natin kung magkakaroon ba tayo ng magandang kinabukas kung patuloy tayong mag papalamon sa pagkaadik sa computer.Lahat ng tao may kanya-kanyang desisyon. Dahil ako ngayon ay sinusubukan ko nang mag bago para saking kinabukasan.
Masama lagi ang sobra, dalhin mag kakaroon ito ng epekto sa ating katawan. Ang sobrang pag ko-computer ko ay may masamang epekto sakin. Yun ay paglabo ng aking mga mata, pag ka hilo, lalo na ang pagkalimot sa oras ng pag kain. Sa sobrang pagkalibang ko dito ay hindi ko na namamalayan ang oras. Nakakatanggal kasi talaga ng stress ang paglalaro ng computer games. Lalo na kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan. Minsan ako ay napapagalitan na dahil sa sobrang ka adikan ko . “Puro ka nalang laro-laro, wala ka nang ginawa kung di maglaro” sabi ng aking tiyahin. Pero saakin pasok sa isang tenga at labas sa isang tenga ko lang ang mga sermon na aking inaabot habang nag ko-computer. Nagiging lie-low ako sa buhay ko kapag naglalaro ako ng computer. Nakakalimutan ko ang mga iniisip ko at ang mga problema ko sa buhay. Madalas kasi akong ma-stress at maraming iniisip sa buhay. Kaya sa pag ko-computer ko nalang talaga nililibang ang aking sarili para lang makaiwas o hindi maisip ang mga problema ko.
Kapag ako ay nakakaramdam agad ng lungkot, nag ko-computer ako agad para malibang ang aking sarili. Walang araw atang hindi ako gumamit ng computer. Kahit na wala nang ginagawa sa computer eh tuloy tuloy pa rin ako. Mahilig kasi talaga akong maglaro kahit bata palamang ako. Una hindi pa computer ang aking ginagamit. Playstation lang ang aking nilalaro noon. Pero ngayon ay moderno na ang panahon, computer na ngayon ang aking kinahihiligan. Wala akong ibang ginawa kung di mag-computer,kumain,matulog. Wala nga akong sports kung di pag ko-computer lang ang aking hobby. Alam kong hindi lang ako ang ganitong tao at adik sa computer. Marami din akong kaibigan na kasing kaparehas ko ng kaso. Nakakalimutan naming ang lahat kapag kami ay nagsama-sama sa laro kagaya ng mga online games na pwede kayong magkita kahit na malayo kayo sa isa’t isa. Nung mga nasa elementary palang ako ay nung kami ay may computer shop pa noon sa SSS Housing North Fairview, mag computer ako halos 24/7 lagi. Minsan wala na talaga akong tulugan kasama ng mga tropa ko sa shop namin dati at sabay sabay kaming nagkakatuwaan at nalilibang sa paglalaro ng computer. Napabayaan ko ang aking katawan noon, nagkaroon ako ng mga sakit at naging anemic ako dahil sa aking sunod sunod na pagpupuyat at marahil doon sobrang lumabo ang aking mga mata. Humantong sa ako ay bigla nalang bumabagsak, palaging nahihilo, at walang gana.
Para akong isang bangkay sa sobrang laki ng aking mga eyebags at sa sobrang pamumutla ko. Mula noon hindi ko na inulit ang ganung gawain. Natututo rin naman ako kahit papano pero hindi ko na maibabalik ang kalinawan ng aking mga mata. Para saakin, masasabi ko mas maswerte ang panahon dati kaysa sa modernong panahon ngayon. Dahil dati ang mga bata nag lalaro pa sa mga kalye ng kung ano-anong laro. Ngayon ang mga bata ay naglalaro nalang sa loob ng kani-kanilang bahay dahil natuto nang mag computer. Paano nalang kaya sa mga susunod pang henerasyon? Baka makalimutan na nila ang kultura nating mga Pilipino. May mga magaganda bagay nga ang pagkamorderno pero para saakin mas marami ang hindi magandang nagawa ng modernong panahon. Sa pagkamoderno ng panahon ngayon, nawawala ang pakikitungo ng mga ibang tao sa isa’t isa.
Kagaya ko nalang na sobrang kaadikan ko sa computer eh minsan hindi nako nakikisalamuha sa mga ibang tao. Lagi nalang din akong nasa bahay at kaharap ang computer. Dahil sa pagkamoderno ng ating panahon, para na tayo nagiging robot sa ating mga galawan at kilos karamihan ay naglalaylo na lang sa buhay. Kadalasan naaapektuhan ay ang mga bata. Lagi nalang din nakaharap sa computer at pag mayroon namang pasukan ay nag ka-cutting classes naaapektuhan ang edukasyon ng mga kabataan ngayon. Minsan kailangan din nating kontrolin ang ating mga sarili para walang maging masamang epekto satin ang pag ko-computer. Dahil masama ang sobra at pwede kang magkasakit ng kung anu-ano ngayon dahil sa mga gadgets kagaya ng computer na mayroong radiation.Kailangan din natin mag ingat ingat paminsan minsan.
Likas na sa ating mga Pinoy angmakisabay sa uso, lalo na pagdating sa mga makabagong teknolohiya. Sa aking paglaki, nasubaybayan ko ang pag-unlad ng isang kompyuter. Mula sa napakalaking makinarya ay unti-unti na itong lumiliit, at mas nagiging “High-tech” ika nga ng ilang kabataan dito sa Pilipinas. Hindi ko rin maitatanggi na napakalaki ang naiambag ng kompyuter sa atin dahil mas napapabilis ang mga gawain.
Wala na akong masasabi sa pag-unlad at pagiging mas “High-tech” ng kompyuterdahil halos lahat ng kabataan ay bihira na lang makapaglaro sa kalye, at kadalasankaharap ang isang kompyuter. Pero hindi natin maiiwasang mag kasakit bunga ng pagkatamad natin dahil umaasa nalang tayo sa makina. Minsan kelangan pang maranasan ng ibang tao ang dapat hindi nila maranasan bago sila matuto. Sa bawat magandang nangyayari pag-inabuso mo laging may kapalit kaya mag-ingat tayo sa paggamit, sunduin ang mga panuto bago gamitin ang isang bagay, maging alerto sa mga pwedeng makuhang sakit dahil ditto-upang maiwasan ang magkasakit. Sana ay mayron kayong natutunan sa aming etnograpiya tungkol sa pag ko-computer dahil nga marami na satin ang naaadik dito.
AMA Computer College Fairview Campus
Ipinasa nina: Borong,Bradney; Tenorio,Troy; Lacanlale,Evy Rose; Romero,Christine Mae; Torres,Rene Jay; Dizon,Janne Arysse Mico; Servo,Jesster; Pascual,John Paul
Ipinasa kay: Mr. Reymond Cuison
Abril 15, 2013
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...
-
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay Magandang araw sa mga aking mambabasa, aking ilalahad ang mga kaganapang nangyari sa amin, sa...
-
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...