WORRY FREE...
(Bible)
Naalala ko ang linya ng kantang ito "Don't worry -be happy! Don't worry -be happy!",
Naalala ko ito dahil sa aking problema kanina, bakit nga ba ko nag-aalala, bad trip tuloy ang araw ko e. "Don't worry -be happy! Don't worry -be happy!", naisip ko wala naman kasing taong walang problema -o kung meron man malamang poproblemahin niya rin kung bakit wala siyang problema! None of us are immune from the problems of life but sometimes it tend us to worry. Lagi tayong nag-aalala, nangangamba o natutuliro kapag may problema na.
But as we all know, when we worry, we double all our problem. Imbes na isa lang problema mo, nang nag-worry ka na ay naging dalawa na. Gaya nang sumulat ng kantang "sana, dalawa ang puso ko, di na sana nalilito..." ang problema ng lalaki ay kung sinong pipiliin sa dalawang babae, syempre dahil kailangan niya nang pumili ay nalilito siya, nagwo-worry na siya, nag-aalala siya kung pipiliin niya yung isa ay baka mawala naman yung isa at ang resulta nito -humiling siyang sana dalawa na lang ang puso niya. E yung isa nga lang ang puso niya ay problema na, paano pa kaya kapag naging dalawa ang puso niya? e di naging dalawa ang problema niya?! dagdag alalahanin pa ang nangyari, di ba?
Ganyan ang nangyayari kapag nag-aalala tayo, wag masyado mag-alala sa mga problema, hindi nakakatulong ang pag-aalala. Negative karaniwan ang dala ng worry.
As the question says, (27.) "which of you by worrying can add one cubit unto his stature?"
Sagot --> WALA! Hindi madadagdagan ng kahit ilang sentimetro ang buhay mo kapag nagwo-worry ka!
Ang worry ay kaisipan, larawan, emosyon na negatibong kalikasan ng tao na nabubuo sa isip.
Sa ibang paliwanag, ito ay labis na reaksyon sa isang sitwasyong karaniwang di pa nagaganap.. means OA Syndrome, over acting.
-kapag sobrang worry naman ito ay anxiety disorder (sakit na pag-aalala), ito ay karamdaman na ibig sabihin dapat ay ginagamot. Dahil kung pinabayaan ay lalala, at hindi makatutulong sayo dahil sa epekto nito.
It affects our physical and mental aspects:
A. physical
*Sweating - lagi kang pawisan, dahil sa hindi normal na paghinga kapag nagwo-worry ka, nabubuo ang init sa katawan -yung body heat na yun ang pilit lalabas sa mga butas sa ating katawan, turned into sweat. pag piniga mo yung panyo mo -makakapuno ka ng isang timbang pawis.
*Increase Heart Beat / Blood Pressure - anlakas ng kalabog ng puso mo lagi. Abnormal na yung heart beat mo, minsan dahilan pa ito ng heart attack
*Shortness of Breath- halos di ka na makahinga dahil sa problema mo, ang normal breath -hindi yung hingal aso na putol-putol, dapat pag-inhale mo lolobo ang iyong tiyan, kapag nag-exhale liliit ang tiyan (iyon yung balloon breathing) para normal ang daloy ng hangin sa iyong katawan -at maayos ka nakakapag-isip dahil umaabot ang hangin hanggang sa iyong brain, narerefresh ang mind mo.
*Chest Pain and Stomach Ache - dahil sa abnormal rate ng tibok ng puso kapag nagwo-worry tayo sumasakit naman ang ating dibdib. kaya nga kapag may problema ka 'huwag mo masyadong dibdibin, dahil may likod ka pa!" hindi yan joke! dapat talaga na hindi mo dinidibdib ang problema -dahil ang gagana sayo ay ang iyong emosyon, ang iyong damdamin, e hindi naman nakakapag-isip ang puso -ang utak dapat ang paganahin dahil kung puso - it causes another problem. gaya ng
*stomach ache, dahil sa halos di ka na makakain kakaisip ng problema mo ay wala ka nang gana. busy masyado sa kakaisip, gutom na ang sikmura di mo pa pinapansin dahil pag nagwo-worry ka, isip ka nang isip sa problema mo, para kang nagpapakain ng utak mo. Ang pagkain ng utak ay mga ideya kahit negative o positive na ideya pagkain yan ng utak. busog na ang utak mo sa mga negatibong ideya dahil sa pag-aalala (pero dahil negative na ideya iyon ay hindi naman nakakatulong, para kang kumakain ng junk foods) pero kung positive ang ideyang pinapakain mo sa utak mo -may benepisyo yun sayo, maiisip mong dapat ka pa lang kumain, para may lakas kang harapin ang iyong problema)
*Pacing Back and Forth
-pabalik-balik na lakad, paroon-parito, nakakahilo ang taong makikita mong ganito, ang dahilan nito ay ang disturbed mind, gulong-gulo ang isip na halos nagre-reflect na sa physical.
*Negative Self-Talk - yung naiisip mo, nasasabi mo na, kaya lang negative naman ang lumalabas sa bibig mo. Halimbawa, may problemang parating, nag-aalala ka masyado sa problema na yun..
"may exam sa lunes, may exam sa lunes, me exam?! baka bumagsak ako baka bumagsak ako," isang linggong iyan ang bukambibig mo -kaya dumating ang araw ng exam, ayon bagsak nga.
*Tensyonado/ muscles weaknesses -halos di mo na makontrol yung galaw ng kamay mo, nanginginig ka na sa sobrang panic. minsan nagiging mali-mali na, nagtitimpla ng kape -ang nailalagay ay asin imbes na asukal. ambilis magulat at matakot.
B. And worries affects your mental aspects:
*Unfocused/ Lost of Consentration -kapag nag-worry ka, imbes nakatuon ka sa solusyon sa problema ka nakafocus, sa problema ka mismo nakatingin dahil sa andaming gumugulo sa isip mo, di mo na maisip ang tamang isipin.
* Unrealistic Fear- yung tipong takot ka sa mangyayari, kahit di ka pa naman siguradong mangyayari. parang pagkatakot sa multo dahil lang may nagsabi sayong nakakatakot ang multo ay takot ka na rin sa multo, kahit na hindi ka pa naman nakaranas makakita nun; takot lumabas ng bahay baka mautangan, takot lumabas ng bahay baka singilin ng inutangan. Fear because of worry.
*Uneasiness - nag-aalala kang baka di mo magawa dahil na negatibo ang nasa isip mo, "di ko kaya ito, ang hirap-hirap naman nito!" dahil sa worry, yung maliit na problema, lumalaki, noong una magagaan lang naman yung problema pero dahil sa pag-aalala mo bumibigat tuloy, resulta? hirap na hirap kang dalhin, uneasiness.
*Restlessness /Insomia - walang peace ang utak mo kakaisip sa problema. kaya ayon pagod na ang utak, hindi tuloy maalalang dapat din palang natutulog kapag oras ng pagtulog. at hindi maganda ang nagpupuyat ka kakaisip sa problema
Naapektuhan ka masyado sa problema, ang hindi mo alam it affects you a lot.
Meanwhile, may tinatawag tayong good worry and it has a positive affects, ito yung mga precautionary:
halimbawa, you must to fasten yourseat belt, dahil mahirap na baka kapag nabunggo ang sinasakyan mo e hindi matagpuan ang bangkay mo;
kumuha ka ng life insurance dahil kailangang nakakasiguro ka na kapag may natigok, hindi ka mabibigla at mananangis - dahil sa napakamahal na gastos sa pagpapalibing. Dahil sa mahal ang mabuhay, mahal din ang mamatay;
babagsak ka na sa trigonometry subject mo, kaya kailangan mong mag-focus sa pagrereview.
This precautionary tends you to do what is right thing to do, by such situation in order to avoid the risk or worse result, but when talk about excessive worry, it happens when we problems our problems. yung sobrang worry ka dahil sa pinoproblema mo nang husto ang iyong problema, resulta? problemado kang talaga!
So, wag kang magworry kapag may problema ka instead, Focus on the solution of your problem- gumawa ka ng hakbang para malaman mo ang solusyon sa problema mo. Ano ba yung issue? dapat alam mo muna kung ano ba talaga ang problema? Mamaya nagpapanic ka kaagad e mali naman ang pagkakaintindi mo sa problema. Analize your problem, kung alam mo ang problema, makakahanap ka tamang solusyon. Be worry Free, have a good mind, anyway... The best solution lies upon the words of our superior and it is written in the scripture:
But Seek first the kingdom of God and His righteousness and all these things shall be added to you. mat.6.33 imbes na andami dami mong hinaharap na problema ay humarap ka sa God. God is the solution of our problem! How?? Seek God first, anuman ang mangyari sayo, ano man ang sitwasyon mo seek God first. God can make away and God is the way. :)
remember this song --> "Don't worry -be happy! Don't worry -be happy!", or replace the song "Don't worry -be faithful! Don't worry -be faithful!",
/JCtgbtg
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento