SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

38. ANG KASAYSAYAN NG WALANG SAYSAY NA KASAYSAYAN

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

38. Ang Kasaysayan ng Walang Saysay na Kasaysayan



Muntik nang madapa si tatang sa paglapit sa kaninang tumawag na matandang babae,

"Milinda, ikaw nga,"

Gusto nilang magyakap pero nahihiya sila, bawal ang PDA at hindi sila pwedeng pa-PBB teens -parehas puti na ang kanilang buhok. Hindi inaasahan ng dalawa ang pagkikita, hindi inaasahan ng nasa paligid na makakakita sila ng dalawang matandang kanina pa nagkakatitigan. Hindi makapaniwala sa isa't isa.

(insert background music -angels brought me here)

Tumakbo si tatang para salubungin si Milinda pero dahil iika-ika si tatang hindi iyon mukhang takbo.

May background music parin sa utak niyo, nagkayakapan ang dalawa, hindi na mapigil ang bugso ng kanilang damdamin, maluluha sila. Nang magkaharap ay hindi alam kung sino ang unang magsasalita. Zoom out sa camera, focus sa mga audience na hindi naman binabayaran ng talent fee e ume-extra sa eksena -may mag-asawang napahinto sa pagkukutuhan at nakatingin lang sa umeeksenang dalawang matanda, (focus out, mahahagip parin ng camera na kinakain na ng isa yung kuto ng kabiyak dahil sa pagkaantig sa pinanunood)


"Milinda... antagal mong nawala, akala ko- a-akala ko- hindi na kita makikita," naiiyak si tatang habang nagdi-dealever ng dialogue.


"Akala ko pa-patay ka na, ang buong akala ko iniwan mo na ko,"

"Hindi Milinda, kailanman hindi ko nagawang iwan ka,"

Parang nag-uusap din ang kanilang mga mata -they trying to blutooth on each others burden, and longingness -pero mahina ang kanilang signal - nagkakatanungan ang dalawa, mga tanong na ngayon lang muling magkakaroon ng kasagutan... biglang magbu-blured ang camera, akala'y effects lang sa camera, o nagkaroon ng malabong signal -mayamaya'y biglang lilinaw...

[Flash back - a long long years ago, panahon pa ng mga dinosaurs -tumama ang isang asteroids na pinangalanang Nebula Y Planet sa Earth- and after that doomsday, ng pagkayanig ng earth na naging sanhi ng pagkamatay ng mga dinosaurs ay magkakaroon ng fastforward -mapupunta ito sa panahon nila Milinda when she is 17 years old (as Granny in the future) at Felix -25 years old (tatang Felimon in the future)


Umuulan ng panahon na iyon at sobrang lakas ng ulan dahil sa bagyo sa bansang Taiwan, pero wala tayong pakialam sa ibang bansa, ang setting ay nasa Maynila -sa isang lungsod ng Tundo -sa isang Unibersidad kung saan ay lihim na nag-uusap ang dalawa,

"Tumingin ka nga sa akin, anong nangyari diyan?" tanong ni Mr. Salvador sa kanyang lihim na katipan. Puro pasa ito.

"Nalaman ng papa ang tungkol sa atin, pinagmalupitan ako ni papa, Felix natatakot ako,
na baka paghiwalayin niya tayo,"

Niyakap niya ang babae, pinapadama niya dito ang pagmamahal -na handa siyang manindigan para sa minamahal
"Felix -hindi na ako makakapasok pa simula bukas -sa Hongkong ko na lamang daw ipagpapatuloy ang aking pag-aaral, alam ng papa ang tungkol sa atin -gusto niya tayong paghiwalayin," hinigpitan niya ang pagkaka akap sa katipan,

"Huwag kang mag-alala, Milinda -mahal na mahal kita, mahal na mahal -hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo,"


"pe-pero anong gagawin natin? nalaman ko Felix na -sa susunod na linggo ako'y dadalhin ng papa sa ibang bansa, ayokong mawalay sa iyong piling Felix,"

"Gayun din ako Milinda," hinagkan niya ito sa palad, "ako ba'y sinisinta mong tunay?" tanong ng lalaki.

Nangungusap ang kanilang mga mata, anupa'thindi na kailangan ang tugon sa naitanong -"higit sa aking buhay, higit sa anupaman, Minamahal kitang tunay," tapat na wika ni Milinda,

"Mahal na mahal din kita, kaya't bukas na bukas din – magtatanan tayo,
sumama ka sakin upang tayo'y lumaya na,"

"p-pero paano ka, ang iyong pagiging guro?" umiling siya sa inaalala ng babae,

"ikaw ay higit din sa anupaman, ikaw ang kailangan ko sa buhay kong ito, malaman ko lamang na ikaw ay mawawalay sa akin -tila baga'y sinasaksak ang puso ko ng matalim na kalis -nang paulit -ulit,"

"ang OA mo Mr. Felimon Poserio Salvador!"

"walang halong biro, sasama ka ba saking magtanan?" nang tumunog ang alarma ng eskwelahan -hudyat na kailangan na nilang bumalik sa kanya-kanya nilang silid, hirap silang maghiwalay,

"Hihintayin kita,"

"ako'y paroroon mahal ko, hihintayin kita," isang halik sa noo ang iginawad ng katipan sa kanilang paghihiwalay.

[End of flash back]

Ang oras ay bumalik sa natural na takbo, ang mga biglang nagfreeze ay nanumbalik sa paggalaw. Maging ang luha sa mata ng dalawa na papatak na sana na biglang huminto ay ayon tuluyan na ngang bumagsak.

[Milinda 'a.k.a Granny' Malaya's Point Of View]

"Naghintay ako sa tagpuan natin noon, Milinda hindi ako umalis don, pero di ka dumating," Filex, parang kailan lamang ang aming kasunduan na yun, ako ang may kasalanan,

"Hindi ako nakarating, patawad. "
Noong araw na yun, nang huling pag-uusap natin -iyon na pala ang huling araw ng ating pagkikita. Hindi ko alam na nakatakda na pala kaming umalis papuntang Hongkong. Ayoko mang umalis dahil nga may kasunduan tayo -gusto kong magpaalam sayo sa huling pagkakataon -ngunit hindi ko alam kung paano.

"Milinda, pero bakit hindi mo sinasagot ang mga liham ko sayo-" anong mga liham yun??

"Felix, wala akong natatanggap ni isa mang liham na galing sayo,"

"Nagpapadala ako, sa mama mo," ni isang liham wala akong natanggap, even one. Sa Hongkong, i focus myself in studies, habang nangungulila ako, while I'm thinking of you here. Nangamba rin ako na darating ang panahon makakalimutan mo rin ako. ni liham wala akong natanggap? naalala ko,

"Felix kala ko patay ka na ngang talaga, ang papa, nagpadala ang papa ng isang liham -naroon ang balitang kinawian ka raw ng buhay," hindi mo alam kung paano ko yun hinarap.

"buhay ako, Milinda," Felix, I'm glad, that you are still alive,


"Granny, okay na p-" oh here's my son,

"Scooth," gusto kong ipakilala ang anak ko sa kanya,

"Tatang ano pong ginagawa niyo po dito? dadalawin niyo po si Cassandra?"

"Scooth -??" they knew each other? how come? Felix?


"Ikaw si Granny?" ano ka sa buhay ng apo ko? -

"I am Cassandra's Grand mother, wag mong sabihing anak mo yung lalaking -bastardo-" ??!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...