SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

43. GOODNIGHT MY FOREVER INSTRUCTOR

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

43. Goodnight My Forever Instructor


Ito na ang pinakahihintay natin ang ending na nakakasawa dahil sa -bakit ba karaniwang natatapos ang dulo ng isang storya sa kasalan ?? Tradisyonal?? Walang maisip na setting?? Wala lang -trip trip lang!

Kasi nga we're a believer of the secrecy of ceremony in the wedding -ang dalawang pinag-isa ng Diyos ay hindi pwedeng paghiwalayin ng tao.

Tumunog na ang kampana.

[Super Lola's Point of View]


Tama! Paikot-ikot lang ang buhay "Isang sikolo ng walang katapusan, ngunit sa bawat isang ikot maraming pagbabago ang magaganap," pero,

"Intoy, mula umpisa nasa tabi mo lang ako, at kailanman hindi kita iniwan, kasama mo ako saan ka man napunta," sapagkat iyon naman dapat ang ginagawa ng isang ina. Kahit hindi mo alam, kasama mo ako sa mga pighati mo, sa mga kabiguan, sa pasakit at paghihirap, sa bawat ngiti, sa bawat kasiyahan na madarama mo.


Saksi ako sa mga ginawa mo sa loob ng simbahan ding ito -dito ka laging pumupunta. Masakit man para sakin ang makita ka Intoy, anak -manguha ng mga bagay na hindi sayo. Masakit para sakin ito Intoy, dahil nag-aalala ako sayo nang husto. Sa maling tao kita unang naipagkatiwala -ang ama ni Cherryl, "Si Master mo, hindi mo na nga pala natatandaan," mabuti na lang na nakalimutan mo na ang lahat ng iyon. Marami kang tiniis na hirap sa kamay ng lalaking iyon.

Ngunit hindi kita kailanman pinabayaan, muntik ka nang mabaril ng mga sundalo na humuhuli sa inyo noon, salamat sa Panginoon -dahil pinagbigyan niya ko.

Saksi ako nang minsang tumibok ang puso mo at masasabi kong nagbibinata ka na Intoy. Nang sabihin mong pakakasalan mo si Cherryl, ngayon alam kong gaya niya ay pupunta na rin ako sa kanyang pinuntahan - sa huling pagkakataon -iiwan na kita.


"ate tina, Ganda-ganda kuya Kelvin oh," Oo nga Intoy. Naglalakad na ang dalawang ikakasal,

Iyang Kelvin na yan, hanggang ngayon ay may kasalanan pa yan sakin, akala niya hindi ko siya nakilala noon? Inambahan ako ng hambog na yan!

hmmp! ngunit... natutuwa na rin ako sapagkat malaki rin ang pinagbago ng batang ito at alam ko, malaki ang nadarama niyang kasiyahan -kanina'y bago magsimula ang seremonya -buong galak niyang niyakap ang kanyang ama -dumating ang kanyang ama. Alam kong hindi rin siya matitiis ng kanyang ama, gayo ko sayo Intoy -alam mo bang hindi ko matiis na ikaw ay magdusa o maghirap sa buong buhay mo "Intoy basta't magpapakabait ka lang ha,"

"Op-opo mabait na si Intoy,
Nay, ang ga-ganda, hahah, ni ate Buntis oh, kuya Mik-ko-"

Ang magsing-irog na ito, nakatutuwang nagkatotoo ang hula ko sa dalawa -mula sa pag-aaway ng dalawang iyan, doon sa tapat pa mismo nitong simbahan! Saksi ako kung paanong nagbago ang damdamin ng isa't isa: Si Miko, ikinagagalak ko yang maging kaibigan. Saksi ako sa mga kadramahan ng batang iyan "Intoy anak, mas marami pa atang iniluha ang kuya Mikko mo kaysa iniluha ko noon nang nawalay kami sa piling mo, "


"You may now kiss your brides," itinaas na ng dalawang binata ang belo ng kanilang mapapangasawa, matapos masabi ng nagkasal "and now I announced you, husbands and wives," ang dalawang babae'y kakaiba ang kaligayahang maipipinta sa kanilang mukha.
Higit itong si Cassandra,

"Nay, ang ga-ganda,"

Alam kong pinagsisihan na ni Cassandra ang kanyang ginawa, saksi ako noong ilang beses siyang dumalaw sa puntod ni Cherryl- kung nakita lang ng batang ito ang pagpapatawad ni Cherryl sa kanya -lumaya din si Cherryl sa wakas at tumungo na sa lugar kung saan dapat ko ring kapuntahan ngayon.


Tumutunog na ang kampana, kailangan ko nang magpaalam,

"Intoy kailangan ko nang umalis, tapos na ang palugit na binigay sa akin...
mag-iingat ka ha, tandaan mo, magpapakabait ka Intoy,"


"N-nanay, pa-paalam po, ingat ka, na-nanay,"

ikaw din mag-iingat ka lagi anak.


***


"Intoy, sinong kausap mo?" tanong ni Jessica, bumabatingting na ang kampana, naghudyat na ang pari, nagsigawan ang mga naroon,

"WOOOHHH, MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" at kinakamayan nila ang dalawang pares na nagkaisang dibdib.


"Si na-nanay, kausap ko nanay," sagot ni Intoy kay nurse Jessica na naging private nurse na ng mga Malaya.

Tinuro ni Intoy ang kalapating puti na biglang dumapo sa itaas na bahagi ng simbahan. Ito yung tinutukoy niyang kausap niya mula pa kaninang magsimula ang kasalan.

"Intoy dove yun," ang pagtatama sa kanya ni Xhiang. “Hindi yun ang mama mo,”

“Hindi si-na- nanay yun,” 
pagpipilit ng batang si Intoy,

"tara -tara na, family picture na," pumunta sila sa harap, ngumiti sa harap ng kamera, habang si Intoy ay kumakaway sa isang kalapati na biglang lumipad papalabas ng simbahan.

Say cheez!”

*Click* Click* Click*




[Few days after the wedding]


Aanhin mo ang bahay na bato -kung ang nakatira naman dito ay kwago, batuhin ang kwago palabas ng bahay para matirahan ng tao. Masarap parin kasi ang tumira sa bahay na bato, kaysa sa pawid na bahay, kaysa sa kahoy o kaya plastik na bahay (kung meron mang ganun) kasi kapag bahay na bato, alam mong panatag ka, kapag may bagyo -wala kang aalalahanin na tumutulo. kung bahay na bato, hindi agad-agad magiging uling yung tinitirahan mo kung magkasunog, at ang mas masarap sa pagtira sa bahay na bato -hindi mo na iintindihin kung sakaling may mambato sayo.

Nakakabato ba??

Wag kang mag-alala, nakikinig ka na nga lang sa usapan nila e magrereklamo ka pa.

Sa labas may kwagong humuhuni, gising ang kwago dahil sa gabi na, sa loob ng kwarto may dalawang mag-asawang magkatabi, nakaharap sa isa't isa, ilang minuto na silang nagtititigan, walang natitinag. Wala rin namang nagsasalita, though parang nangungusap ang kanilang mga mata.


[Maria Cassandra Malaya Salvador's Point of View]


Andami kong gustong sabihin, pero walang lumalabas sa bibig ko, nakatingin lang kaming dalawa sa isa't isa, nakahiga sa iisang kama. First time kong matutulog na kasama si Mikko, kinakabahan ako. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko, ayaw niya namang magsalita. Walang gustong mauna,

"ah," crap sabay pa kami.

"sige ikaw na mauna," waahh, nagsabay na naman kami.


"Hindi ikaw na," three times na sabay, waahh, tinakpan ko na ang bibig niya.

"Sige mauna na ko," dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa bibig niya, ayokong magkasabay pa kami. Andami kong gustong sabihin,

" oh, anu??" shete ka Mikko, nagsalita na naman 'to!

"SAGLIT LANG WALA AKONG MASABI e," ay! sorry, napasigaw ba ko, hehe,

"e di ako muna magsasalita," tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakatakip ko sa tenga niya.


"Hindi! ako na, kapag hindi ko ito nasabi ngayon, hindi ko na 'to masasabi uli. Makakalimutan ko na 'to, kasi sabi ni Doktor -baka maging makakalimutin na ko, kasi nga di ba kapag cesarian daw -may epekto yun sa utak, hindi na ko smart-"

"na- cesarian ka? patingin nga, malaki ang tahi m- ouchhhh," Tsk! Ayan binatukan ko na! itaas ba naman ang damit ko, "ang manyak mu!" nakakainis 'tong lalaking ito,

"wow, conservative bang asawa ko?"

"nabawasan na ngang pagka-smart, tapos conservative pa? araaaaaaaay!"

"anung sabi mu?! ha?" tsk! nakakairita kang-

"mashakeeet, bitaw bitaw, patilya ko yan," huhu, ayan! nakatikim ka tuloy sakin. Masakit nga siguro yun, maluha-luha siya nang pinitiwan ko ang paghila sa patilya niya e,

"sorry-sorry" sabay bawi ko, hinalikan ko yung parteng nasaktan siya,

"tsk! okay na, okay na!" ui nagtampo,

"galit ka e!" tumalikod siya sakin bigla, kiniliti ko siya sa tagiliran dahilan ng pagkalaglag niya sa kama,
bwehehehe, "grabe brutal Case?"


"ui, sorry.. peace tau," halaa mukhang nagtampo, pagkatayo niya.

"epekto parin ba yan ng cerasian mo?! kala ko magiging makakalimutin ka, bakit di mo pa nakakalimutan pagka-HITLER MO?"

"Tsk! Ano yun?? Hindi na ko Hitler Girl noh! Basta! I just wanna say SORRY!!"

yan nasabi ko na, "I love you too," ay! engot din ang isang ito e,

"ang sinabi ko SORRY PO!! Sorry,"


"sabi ko, I love you too," hindi nga siya nabingi lang, pero anong connect?

"Hindi ko pa nga nasasabi yung I love you e," tapos may sagot na agad?

"O Yan nasabi mo na sakin, kakasabi mo lang
Kaya I love you too,"

Lumapit siya sakin sa kama, nakaupo na kaming dalawa, Nakangiti siyang parang mabait na chuwawa, "Hindi ka na ba galit sakin??"

Matagal siyang napaisip,"Galit parin," sabi niya

Tsk! sabi ko na e, "Galit na galit" Ha? Grabe?? galit na galit? yung galit nga lang siya syempre nakakalungkot na, tapos galit na galit pa?? Times two pa?

"Kaya nga nagso-sorry e,"

"Sige pinapatawad na kita, sa isang kondisyon," wow agad-agad,

wait, kondisyon? "Anu na naman yan??!" kinakabahan ako sa kung ano kaya ang kondisyon niya ha,


"simple lang, Be in a Deal! " whaaaat? Be in a deal?

"Ano na naman yang deal na yan! inaasar mo ba ko? nagso-sory na nga ko tungkol diyan e, alam kong mali yung ginawa ko nun. That idea na gumawa ako ng real life story na kasangkot ka- pero hindi ko na nga yun tinuloy e, kasi nga nakonsensya na ko di ba kasi-" He hush my lips with his index finger.


"Andami mong sinasabi- sabi ko lang be in a Deal!" so, hindi siya nang-aasar??


"E, Ano nga kasi yang deal na yan??"

"Be my Character," Crap! Sabi ko na e, nang-aasar lang siya.

"WHAT?? are you kidding me, Mikko naman e!!" Sabi ko na e, inaasar ako nito, tsk! pinagsisisihan ko na mga ginawa ko e,

"Im serious! Case seryoso ako,"

"wehh?? lelang mo!" gusto ko na naman siyang kurutin sa patilya, naiinis ako,

"Magsusulat ako ng story," sige Mikko, That's the way of your revenge? Pagbibigyan kita,

"Tungkol saan??"

"Its all about His Student, and her Instructor -Love story" Sige na, ginamit ko na siya noon. Pamukha na sakin, masakit na sige, nasasaktan na ko,

"Gaya-gaya ka naman e, walang originality!”

"NO!! Iba ito, ngayon naman fiction ang sakin," iba daw?

"Tsk! Ganun parin yun!"

"Iba nga ito! At may Title na ko!" ano na naman kaya yun?


"The Hitler Girl I Know,"

"What?? The Hitler Girl I know?? Tsk! Ampanget!" yan na talaga ang bansag niya sakin. Hitler Girl! Hindi na nga ko Hitler e!

"Tsk! Inggit! This story is a lifetime on going story ko," kinuha ko ang unan at hinampas sa kanya, hindi ako tumitigil.

"I'll gonnna kill you!! Sisiraan mo lang ako diyan e!" nakakinis ka!

"heeeheehhehehe, ano ba," tawa pa! Sige!

"Hitler ka naman talaga e, ouchh masakit ha,"

"Ayokong maging character diyan!! never!!" ayoko! Ayoko talaga!
"Ano ka ba, can you see the good side, Fiction nga yung story ko, e di pwede na kitang gawing mabait dun," wow ha? Anong ibig nitong sabihin, hindi ako mabait?!

"GRABE LANG MIKKO HA!!" kinuha ko yung isa pang unan at pinagpapalo ko sa kanya, grabe talaga!

"Arraaaay, tama na nga masakeeet! Hoy! Gumalang ka nga, bakit walang Sir ang tawag mo sakin??"Sir-Sir-in mo mukha mo!


"Bakit teacher ka pa ba??"

"Hindi na pero nagtuturo parin ako,
nagtuturo ako ng leksyon," napahinto ako sa pagpalo sa kanya ng unan,
bigla niyang kinuha yung unan na hawak ko,

"Anooo baaaa.. hahhahhaa, Tama na !! Wag diyaaannn, ehhahaha,"

"nakakakainiss ka na ahahhha," napahinto kami nang,


"uhaaaa! uha," hala! Biglang umiyak si baby sa crib, patayo na sana ko para tingnan kung napano na si Baby Cherryline,

"Hayaan mo muna si Baby, ngayon ikaw munang baby ko," crap! kinikilig ako, lumapit siya sakin, at kinarga ako, "waaaahh, ang bigat ko, anu ka ba!"

"uwaaaaaaaaa, uhaaaaaa!" teka,

"Hoy! Mikko, Cassandra, umiiyak yung bata," kumatok bigla si tatang sa kwarto namin, Kasama namin sila Tatang sa iisang bahay, si ate jenny kasi may sarili nang bahay at isinama niya si Dayang -ang kapatid ni Mikko,

"Opo, tatang, gutom lang siguro," ang sigaw ni Mikko.
Kinarga ko si Baby,

"Che-che, gutom ka na ba baby, sige padedehin mo na, Cassandra i-breast feed mo dali,"

Ano?? "Hindi ako nagbe-breast feed no!"Hay! alam ko nang nasaisip nito e! Manyak na 'to!


"Ou nga pala, wala ka palang b-"

"MIKKO!! IKAW!! Ikaw!!" nakakainis ang lalaking 'to, trashtalk talaga! Wala akong boobs? Tsk! "oh, si baby, si baby,"

"loko ka talaga!!" pasalamat ka karga ko si Baby,

"O! Ito matuto kang magtimpla ng gatas ng baby mo,"
binigay ko sa kanya yung baby bottle,
Pero! Tinitigan niya lang? Ow! Ignorante??

"Bakit nakatingin ka lang sa bote??"
ngiting palaka 'tong lalaking ito, alam ko na

"Hindi ako marunong"


aanak-anak tapos hindi marunong magtimpla ng gatas ng anak niya?? Tsk! "Teacher ka di ba? Turuan mo sarili mong magtimpla ng gatas ng anak mo!"

"ooh, tahan na, tahan na," pinabayaan ko na si Mikko, bahala siya kung anonng gagawin niya diyan,

"Che-Che, para sayo anak, mag-aaral ako nito," napapangiti naman ako, sa sinabi ni Mikko,

"magtitimpla ako ng gatas mo, para naman lumaki ka nang tama, at nang di ka magaya sa mama mo,"
tsk! wala talagang sinabing matino 'tong papa mo, Hay naku! Cherryline, paglaki mo bugbugin mo yan papa mo ha!

"Opps,Opps matatapon, matatapon, wag kang harot!!" kilitiin mo ang papa mo nang ganito!

"Tsk! ano ka ba?!!"

"Dapat matuto ka niyan Sir!" kasi

"kasi, You are my Forever instructor,"

*END*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...