SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

10. DYES. ANG AKYAT-BAHAY AT SI TULO-LAWAY

Nobela1 | Daigdig ng Tag-init

10. Dyes

Ang akyat-bahay
at si tulo-laway


Chum: 2 case San Miguel Beer pilsen/ Pika-pika

        “Jess?!” Ang gulat ko bigla sa kanya nang pagkamulat ng mga mata ko’y siya ang nabungaran. Nakatingin lang siya sa akin at halata kong pinagtatawanan niya ko kanina pa. Siguro kanina pang mula sa kasagsagan ng mahimbing na paglalakbay ng isipan. Bumangon ako. Nagpunas ng mukha gamit ang kumot. Butil-butil na pawis sa noo. Nakahihiya, naisip ko.

“bakit ka andito?” Agad kong tanong sa kanya nang mabaling ang isipan niya sa dapat isagot. Tumindig siya sabay namewang.

“pumasok na ko. Kanina pa kayak o kumakatok!” Aniya na mababakas ang pagkayamot sa hilatsa ng kanyang ayos. Pusturang ewan. Mahabang damit na pang-gangster na tinernuhan ng maikling shorts na may mga tastas at butas.

“tawag ako nang tawag kanina pa, ala namang sumasagot,” dugtong niya pa na sinamahan ng pagtaas ng kilay, na hindi ko masyadong pinansin dahil abala kong nagpupunas na ng laway-laway sa bibig. Nagtatanggal ng namuong muta mula sa saglit kong napahimbing na idlip. Sumagi sa isip ko ang sabi niyang pagtawag sa pangalan ko, tumagos nga yata sa panaginip ko.  Doon sa uwang ng bubong. Panaginip lang yon? Pusang ama talaga, mukhang hindi yun panaginip, mas magandang sabihing bangunot. Pati sa bangungot nandoon ka. Tsk!

“paano ka nakapasok dito?” Kunwari’y painis kong sabi ko sa kanyang pang-iistorbo.

“binuksan ko yung pinto,” paliwanag niya sabay sampa sa katre ko at panatag na inihiga ang sarili, “hindi ka naman kasi nag-la-lock”

Nanghablot ng unan na akala yata’y nasa sariling bahay ang hinayupak.

“kala ko nga walang tao. Tapos andito ka lang pala!”

“pinanonood mo kong matulog?”

“hindi no! … Ang himbing nga ng tulog mo,” tumingin siya sakin na parang nang-iinis.

“may halinghing pa. Ah! Ah! …yak! Siguro nagwe-wet dreams ka?! Pinagpapantasyahan mo ko no?”

Napahinto ako bigla.

“ew!” Napakamot ako ng noo, wala ako sa wisyo para makipagbanatan ng salita.

“may napanaginipan ako, pero hindi yon wet dreams! Isang bangungot!” Ani ko sa kanya na ngingiti-ngiti lang sakin. Tanda na hindi kumbinsido. Tumayo ako at pagdaka’y lumabas ng kwarto.

“pagpantasyahan ka? Ew! Ang ganda mo naman,” sabi ko habang papunta sa banyo. Napansin kong sumunod rin siya. Akala ko’y hanggang sa loob. Mabuti’t hindi.

“maganda ako talaga, ayaw mo lang aminin.”

Nangisi lang ako sa sinabi niya. Sinindi ko ang ilaw ng palikurang kahit papaano ay nakatiles na (salamat sa kapitbahay na nag-renovate ng bahay, yung ilang patapong tiles na hindi na nila kailangan ay ibinigay samin. Sana nga nilubos na nila’t samin na rin ibigay ang mga hindi na nila kailangang appliances).

Napalingon ako nang bumukas ang t.v nakaupo na siya agad sa sofang hindi de kutson. Hawak-hawak ang remote ng telebisyon. Bigla, lumipat ng tsanel kahit hindi siya pumipindot sa remote. Nakita kong napakunot siya.

“ayos to ah, otomatik. Ahahaha!” Tumawa siya ngunit hindi ko na lang pinansin. Ewan kung matatawa ako o mahihiya.

        Binuksan ko ang gripo at sinahuran ang balde. Pamilyar na pakiramdam ang naramdaman ko sa pagdampi ng tubig sa aking mukha. Doon sa kaisipang iyon. Si mang Ismael sa panaginip ko. Nakita kong bigla nang mapapikit ako sa pagsabon ng mukha, pati si aleng Elena. Alam ko parehas wala na sila. Matagal nang patay. Hindi ko alam ang dahilan pero alam ng lahat na inulila na sa magulang sina ate Patricia at si Jessica.

Kung ikwento ko kayak ay Jess yung tungkol sa panaginip na iyon, tungkol sa magulang niya. Pero baka lang siya maiyak at emosyunal pa naman ang hinayupak. At hindi ko na naman maalala ngayon ang buong detalye. Yung lagablab lang siguro, maliwanag na silahis na nakasisilaw. Daigdig ng napaka-init na apoy. Daigdig ng apoy. Daigdig ng init, yung ganoong konsepto. Yung ibang eksena wala na sa isip ko, kaya huwag na lang.

        Kinapa ko ang tabo nang maramdaman kong masakit na sa mata ang sabon. Ngunit inabot niya sakin. Hindi ako medyo makadilat. Mahapdi sa mata. Banlaw. Banlaw. Banlaw. Pagkawala ng sabon nakaupo na siya sa bowl.

“anong ginagawa mo diyan?!” Bulalas ko nang nabigla sa di man lang naramdamang pagpasok niya. Napatayo ako.

“bawal na ba umihi?” Sambit niya sabay alok ng isang nakalolokong ngiti. Dali-dali akong lumabas ng banyo. Nakatalikod na ko pero parang nakikita ko parin ang anyo niya roon habang nakaupo. Ang lantad na bahaging iyon ng maputi niyang hita. Napailing ako. Kinawag ang ulo sa kabastusang gumuguhit sa imahinasyon. Nabura. Ngunit bigla ang pagtunog ng kung anong bumagsak sa banyo. Napalingon ako agad. Gumana kahit hindi iniisip na paganahin ang voluntary muscles para agad na sumaklolo sa kanya.

Ayon, malambot, matayog ang hindi sinasadyang nasapo ng aking kaliwang kamay habang kalong-kalong ng kanan ang kanyang ulo. Ilang sentimetro na lang sa kanyang pagkabaldog sa flooring na nakatiles at pagkaalog ng kanyang matigas na ulo, na kung mauuwi sa amnesia –makakalimutan niya kung sino siya at lahat-lahat sa paligid niya. Kaya bago pa ako makalimot sa sarili at kung ano pang magawa ko, agad ko siyang inangat nang tuluyang makatayo… Pero madulas ang sahig dahil sa nagkalat na sabon… Bigla, hindi gaanong kagaanan ang dumagan sakin. Lapat na lapat na parang nakabaliktad na bundok sa kapatagan. At ang kapatagang iyon, nakadama ng kung ano nang malamang bundok ang nakapatong sa kanya. Isang matayog na bundok na hindi pala isa kundi dalawang bundok na nagpabilis sa tibok ng puso ng kapatagang iyon. At ayon, parang huminto ang lahat…
Ang mga mata niya, kapag tinitigan ay ganoon kaganda, parang may kristal ang loob… At ang labi niya mapula-pula na manipis at mukhang masarap tikman na… Bakit ganoon ang amoy.

“nakainom ka?” Bulalas ko, pero hindi ko kailangan ng sagot dahil tiyak ko yun. Tanto ko na kung bakit kakaiba ang ikinikilos niya, hindi normal.

“ilang shot lang,” sagot niya sabay ngiti. “bakit mabaho na ba hininga ko?”

Napailing ako, “medyo lang. H-hindi masyado” kasabay ay mabilis na pagtayo ko. Baka kung ano pa ang isipin niya. Matapos makasuhay, tinulungan ko siyang makatayo. Ngingiti-ngiti lang siya habang itinataas ang hindi pa pala nasusuot na maikling shorts. Hindi ako nakainom pero ramdam ko ang biglang pamumula ng mukha ko. Tumalikod. Lumabas ng banyo. Matapos ay lumabas din siya, ngunit dumeretso sa kwarto ko. Napakunot na naman ako ng noo. Anong gagawin niya doon. Mukhang pahiwatig na yun ng kung ano. Sign from heaven? O it’s a sign to heaven? Kailangan ko bang sumunod? Pero bata pa ako para dito… Susugod ba? Hindi. Hahakbang na ko, pero ayos lang naman kung…

Lumabas siya, dala ang charger ng cellphone niya na hiniram ko kahapon sa kanya.

“empty bat’ ako, hindi ko matext yung dyowa ko e,” wika niya pagkalabas ng kwarto. Lumiwanag ang nalalabuan kong isipan, pero bigla ring dumilim.

“sinong dyowa mo?” Bulalas ko.

Ngumiti siya,”biro lang! Selos ka kaagad e ‘antaray mo nga!”

“abnormal ka!”

“tsk! Alis na ko,” putol niya na may pagkayamot ang tono. Wala na kong magagawa.

“sige lang,” tugon ko.

“nga pala me inuman sa bahay. Birthday ni ate tricia.”

“hindi siya pumasok? Di ba panggabi yon?”

“maya pang eight,” aniya. “punta ka na lang”

“di ako umiinom e”

“tsk! Wala nang lalaking hindi umiinom ngayon!” Napangisi siya at waring nanunukat.

“ako”

“tsk!”

“ikaw?”

“beki ka alam ko yon!”

Nagpanting sa tenga ko ang salita niyang iyon.

“sino? Sino?!” Nagpukol ako ng matalim na tingin sa kanya. Humakbang papalapit.

“ulit?” Gumanti siya ng tingin, at naglaban kami ng matalim na tingin.

“ikaw! Ikaw!!”

“Bading. Chokla! Si-la-his! Beki, pamint-”

Napahinto siya. Mariin ang pagkalapat ng aming mga labi. Huminto ang orasan ng bahay namin. Matagal din.

“aray!!” At nahinto ang sandaling iyon. May tumulong dugo mula sa manipis niyang labi. Nataranta ako at agad pinunasan ng hinlalaki ang pagdaloy niyon. Napansin kong namula siya.

Umandar muli ang oras. Mabilis siyang nawala sa harap ko. Tumakbo papalabas ng bahay, habang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Iling. Nagising ang diwa at pagdaka’y sinubukan kong sundan ng tingin kung saan na siya napunta. Luminga-linga sa paligid.

Wala na siya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...