SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

40. DNA NEVER FAILS

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

40. DNA Never Fails


Ang panaginip ay maaaring bahagi ng nakaraan sa ating buhay, maaaring pahiwatig sa magaganap sa hinaharap o maaaring matagal nang sagot sa katanungan sa ating pagkatao,

Mula nang makita ni Verona ang larawan ng kanyang anak, nagkaroon ng mukha ang dalawang tao sa kanyang panaginip...


Nagsasalita -ang isang tinig, ngunit hindi niya alam kung sino ito sa buhay niya, "Mama saan tayo pupunta, ma saan tayo pupunta?" malayo sa sa anino na nagsasalita sa kanyang panaginip pero nakikita niya ang kanyang sarili na kasama ang dalawang taong walang mukha, isang batang babae iyon at isang lalaki,


"Verona, please tigilan mo na yan, narito kami! narito kaming anak mo, kami na lang! kami na lang please... please, Verona kami na lang,"

Naroon siya, at nakikita ang sarili, naririnig ang mga ibang boses, maingay.


"Aaaaaahhh," tuwing babangon siya sa pagkakatulog iisa ang tanong niya, "sino ba sila sa buhay ko, bakit wala akong matandaan, bakit lagi silang nasa panaginip ko,"

Maraming mga katanungang naghihintay lang ng tamang oras para masagot, maraming mga tanong na di na kailanman masasagot at maraming mga tanong na akala natin ay tanong parin ngunit matagal na palang nasagot.


[Verona's Point of View]


Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito mula noong bumalik ang aking alaala -ang makita ang aking anak,

"totoo ngang kamukhang-kamukha kita, ang ganda ng anak ko -dalagang dalaga na,"


"Verona, lumaking maayos ang anak natin,"
nandito kami sa loob ng kwarto ng hospital, binabantayan ang aming anak,

"alam ko Scooth, at dahil hindi mo siya pinabayaan,"

"Matagal siyang nanabik sayo, ang batang yan, siya lang ang naniniwalang buhay ka pa nga.

patawad Verona kung inakala kong wala ka na,"

"Scooth," nanabik ako sa inyong mag-ama, nawalan ako ng alaala noon,


"kala ko kapag nagkaroon ka ng amnesia, mabubura ang lahat lahat -oo, nawala na kayo sa utak ko noon, kinalimutan na ng isip ko ang tungkol sa inyo pero ang puso ko laging nagpapaalala sa inyo, may sumisigaw dito sa puso ko. Tinitibok nito ang pangalan niyo Scooth,"

"Huwag ka nang aalis sa amin ha,"

"Hindi na ko mawawala sa inyo," Scooth, Cassandra, sa ngayon gusto ko muna kayong makasama, hanggang magising ang anak ko, pag-ayos na ang lahat kailangan kong balikan si Charlie, malaki ang utang na loob ko sa kanya,


"Verona, kala ko hindi na kita makikita pa,"
Ang mayakap kayo, ang makasama kayo. Hindi ko akalaing magkakasama pang muli kami, ang anak ko ang asawa ko at ang magiging apo ko,


"Malaking pasalamat ko kay Kristina at kay Kelvin, kasi hindi dahil sa batang iyon, hindi ako makakabalik dito,"

"Verona, pinagtagpong muli tayo ng tadhana," oo, tadhana ngang makasama ko kayong muli.


"M-Mam, mama?" Cassandra, gising ka na,

"Cas-" nagising ka na, "Cassandra anak ko,"

"oo, anak," ang mama mo nga ito,

"mamaaaaa," nasabik akong mayakap ka nang ganito, nang mahigpit, nasabik ako sayo anak.


"Mama buhay ka, nandito ka-"

"ou, Cassandra, buhay ako, buhay na buhay," alam kong nanatili akong buhay sayo,

"papa, s-si mama, sabi ko sayo, sabi ko na," parang panaginip lang ang lahat, kasama ko ang pamilya ko

"mamaa," ang mayakap ko kayong dalawa, parang sa panaginip ko, matagal na 'tong naganap,


"Cassandra"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...