Nobela2 | The Hitler Girl I Know
28. Resignation Letter
[MIKKO SALVADOR'S POINT OF VIEW]
Binigay sakin ni Mr. Scooth yung kamay ng kanyang anak -ano bang ibig sabihin nito? pinamimigay niya na ang kanyang anak?
Alam naman ni Mr. Scooth na instructor ako ng kanyang anak.
Kung ikaw na ama e nalaman mong may karelasyon ang anak mo at proffesor niya pa? anong gagawin mo? waaahhh! siguro pupunta ko sa school at kakausapin ang school director -tanggalin yang walang hiyang proffesor na yan! walang teacher's etiquette. At baka idemanda pa ko,
itong sapatos na ito,ewan ko ba kung ibibigay ko ito sa kanya.
Rerequest -request pa kasi e... ang hirap kayang hanapin nito. Tsk! Naku lang Cassandra.
"nak, bagong sapatos ah, panregalo??" nasa may hagdan ako ng bahay namin, si tatang lumapit sakin na may dalang kape at inabot sakin.
"May pagbibigyan lang po" Tinabi ko bigla yung sapatos,
"hhmnn, mukhang malalim yang iniisip mo ah," umupo si tatang sa tabi ko,
"Tay, w-wala po, may iniisip lang po kasi ako e," close naman kami ng tatay ko kahit papaano.
"ano bang iniisip mo," hay! tatang, dapat ko bang ikwento itong lahat?
"e, ano po e, balak kong mag-resign sa trabaho,"
napahinto si tatang sa paghigop ng kape, nabigla ata sa sinabi ko, "bakit? maganda nang trabaho mo dun ah, bilang maistro.. bakit mo naiisipang umalis?"
"kasi tatang.. ahh,"
"Masyado bang makukulit ang mga estudyante mo? Ganun talaga yun, dapat may mahaba kang pasensya," hindi naman sa makukulit e, pero...
"kaya ko pong pagpasensyahan ang mga estudyante ko. kaya lang... may estudyante akong -ano ahh, nakakaubos ng pagtitimpi e,"
"ano ka ba, kapag ikaw ang naapektuhan talo ka at kahit na mag-resign ka ay wala ka ring mapapala. Ikaw din ang talo dun,"
hindi naman yun ganun e, kung pagpapasensya lang kaya ko e, "hindi ka na ba masaya sa pagtuturo?"
Masaya? Ini-evaluate ko nga rin yun e, masaya pa ba ko sa pagtuturo??
"tumatawa kami sa klase, natututo ang mga estudyante ko (sa palagay ko) masaya naman ako pagkatapos ng buong araw na pagtuturo ko e wala naman pong problema," bakit nga ba kasi ako magre-resign, ano nga bang problema ko?? Hindi naman problema si Cassandra e, yung trabaho ko ang problema.
"o, e bakit ka magre-resign pa?" kasi, humigop muna ko ng kape bago magsalita.
"may gusto po akong estudyante ko e," pagkasabi ko nun, nasamid si Tatang sa iniinom ring kape at muntik niya pang mabitawan ang baso,
"Tatang bakit po? anong problema po??"
"Ah w-wala, ano ka ba Miko, tigilan mo yan ah, wag na wag kang gagaya sakin!" pagkasabi ni tatang nun ako naman ang muntik nang maibuga ang kape. Wala akong alam na naging guro din si tatang
"tay, naging guro din po kayo? weh?" matagal bago niya ko sinagot.
"Sa isang private school din, mga tsinoy ang mga estudyante ko dun, pero isang taon lang akong nagturo tapos umalis na ko,"
may lahi din pala kaming guro?? haha,
"umalis kayo?" iniisip ko kung bakit kaya umalis si tatang sa university na tinuturuan niya, gaya ko rin ngayon?
"ang totoo'y hindi ako umalis, natanggal ako. Nakatanggap ako ng letter ng management from president ng school, na-terminate ako dahil kay Milinda, former student ko, hehe, ano ka ba kasing bata ka!" patayo na si tatang,
"teka tatang, totoo po? nagkaroon po kayo ng affair sa estudyante niyo??" humigop si tatang ng kape, pero naubos na pala yung laman ng mug.
"ito pong kape ko sa inyo na lang," kinuha din ni tatang ang kape at uminom.
"kaya wag kang gagaya sakin! hala! kung gusto mong tumagal sa pagtuturo ingatan mo 'yang puso mo. Iwasan mong mga bagay na mag-iipit sayo sa sitwasyong hindi mo na matatakasan, anak... alam kong matalino ka at alam mong mas dapat piliin" pagkasabi ni tatang nun, tumayo na siya at pumasok sa loob. Iniwan niya na ko at naiwan ako sa hagdan, putik ano bang gagawin ko?
Mahal ko na si Cassandra. "Alam mong mas dapat piliin...
alam mong mas dapat piliin
alam mong mas dapat piliin
alam mong mas dapat piliin"
Tumayo ako. Nakapagdesisyon na ko magsusulat ako ng resignation letter. Alam ko na kung sinong dapat piliin.
"Mas pinipili ko si Case. Mas mahal ko siya kaysa sa career ko."
Patayo na ko nang dumating si Jessica.
"Ui Jes, tatang, tatang si Jessica po nandito"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento