SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

24. DOUBLE-DATE???

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

24. DOUBLE-DATE???

[MIKKO SALVADOR's POINT OF VIEW]

"Panginoon, nung sinabi ko bang time-out muna ako- nung andami-daming nangyari sakin, na nagkapatong patong na -nakakahiya pero umiyak ako nung gabing iyon, noong sinabi ko sayo na pwede bang time-out muna ako -iyon na ba iyon?"

"maraming naganap e, pagkatapos ng araw na paghihiwalay namin ni Cherryl...

yung pagpasok naman ni Cassandra sa buhay ko, ikaw bang nagpaplano nun-" kung nakaplano na ang lahat sa buhay ng tao, ano pa ba yung free will? hehe, ito siguro yung pagdarasal ko sa loob ng simbahan na ito, para lang akong tanga, free will? basta ang mahalaga masaya ako ngayon,

"Alam kong totoo ka, kaya... ikaw nang bahala sakin -sa lahat lah-"

"iho anong pinagdarasal mo?" putik! ayt! Nagulat ako na may tao pala sa likod ko. hehe. its already 5:30 pm nasa loob ako ng paborito kong simbahan, antagal naman kasing dumating nung dalawa, si Cassandra at ate niyang si Kristina. Paglingon ko sa likod nakita ko si lola, the superhero-ero,

"uy, lola kamusta na po kayo," hehe, nakakatuwa, dito lagi sa simbahan kami nagkikita. si lola yung tumulong sakin nung binubugbog ako nung mga bodyguard nung Kelvin na yun, putik may atraso pa nga yun sakin e,


"mabuti naman ako iho, ikaw, kamusta ka na... ay yung braso mo magaling na ba?"

hehe, matagal na pong magaling, may peklat na nga po yung sugat e, marka na lang ng alaala ang naiwan, "magaling na po lola, salamat po nung nilagtas niyo kami,"

"ay walang anuman yun... teke mukhang nag-iisa ka't di mo kasama ang iyong kasintahan, asan na ba siya? nag-away na naman ba kayo?"si Case ba yung tinutukoy ni lola? ang cute lang, kasintahan,

"lola, si Cassandra po ahhmn... hindi ko po siya girlfriend, estudyante ko po iyon at,"

"ano ka mo?? estudyante. Ay bakit, teacher ka ba iho?"
"ah opo, nagtuturo po ako sa isang private school, sa St. something academy po,"

"e hindi ka mukhang guro, ang bata mong tingnan," hehe, si lola talaga, wala naman sa hitsura ang pagiging guro e,

"hehe, baby face lang po... ay andyan na po sila.. ayon na po-" nakita kong papasok na ng simbahan sila -wait, una kong nakita yung lalaking iyon, si Kelvin ba yung name nun? bakit kasama nila yan? si kristina at si_? sino yun? kahawig niya si Cassandra?? teka, nasan na pala yung batang yun? Baka naman si Cassandra? e hindi na siya blondee?? naku lang... bwahahaha,



"anong tinatawa-tawa niyo po dyan sir?! kainis ka!" bungad niya sakin nang paglapit nila,

"Case, anong nangyari sayo?? sinung gumawa sayo niyan, bwahahaha"

"ang ganda mo iha," napatingin ako kay lola, KJ!

"uy lolang superherooo, nandito po kayo, kamusta po,"
sabi ko na e, makikilala niya rin si lola,

"wag nyo nga kong matawag tawag na superhero't naalibadbaran ako, me superhero bang inaatake ng rhauma, at nag-uulyanin," tawanan naman kami maliban kay ate Kristina at Kelvin, hehe, alam kong nagtataka rin itong dalawa e,

"wait, Case pakilala mo sila kay lola," aw, hindi ko alam kung makikilala niya si Kelvin, nakatikim kasi ng hampas ng abaniko ni lola tong lalaking ito e,

at iyon nakilala ni lola yung tatlo, hehe, ang kulit lang kasi parang bago naming kaibigan si lola...
nakipagkwentuhan samin si lola, naikwento namin dun kay kristina kung bakit namin siya tinatawag na superlola, hindi naman halos makatingin 'tong si Kelvin e, buti na lang hindi siya nakikilala ni lola, tawanan kami pero mahina lang kasi nasa loob kami ng simbahan e,

humaba ang usapan, ang kwento rin kasi ni lola, naikwento niya nga rin ang lovelife niya e, kasi parang mas naging reporter pa 'tong si Case, andami niyang tanong kay lola,

"o s'ya at akoy yayaon na, mauna na ko sa inyo" pamamaalam ni lola,

pero biglang sagot ni Case na ikinatawa namin, "LOLA WAG MUNA PO, MARAMI PA PONG NAGMAMAHAL SA INYO, "

"AY BASTOS KANG BATA KAH!!" bwahahahaha, Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa e,

"ibig kong sabihin e aalis na muna ako, at me aasikasuhin pa ko sa ampunan, maiwan ko na kayo dito, kaawan kayo ng poong me kapal,"

sabay-sabay kaming tatlo, "sige po, ingat po sa daan superlola,"


***

at iyon, sa loob ng simbahan, antahimik na namin nang nakaalis si lola.

pwesto namin: si kelvin sa dulo, katabi niya si kristina tapos si Cassandra tapos ako. Isang hilera lang kami, nasa gitna namin 'tong dalawang babae.

wew hindi ako makapag-concentrate sa pagdarasal e parang double date ang nangyari... dalawang putahe.. etse, dalawang binibini ang katabi ko, at hay ewan! We're in silent, ewan kung seryoso ang pagdadasal ng mga 'to. Ako? Lumilipad ang isip habang nakatingin sa altar,

kanina lang sa school, excited ako kasi hinulaan ko kung anong magiging hitsura ni Case, sa klase. sa isip ko: ayon, haggard siya, anlaki ng eye bags, parang zombie, lantang gulay at hihikab hikab.

Tapos pagpasok ko e absent naman pala ito...

anyway nagbonding naman pala sila ng ate niya, at syempre mas lalo silang gumanda, si Kristina model like talaga at si Cassandra ahhhmn, ewan! Naninibago ako sa mukha niya e, maganda ba o pangit??
"I don't know..."

"Sir? Anong I don't know??" ehhhh, Ano ba yan! Nasabi ko tuloy ang iniisip ko, hehe.

"W-wala... I don't know what will happen kung di ko kayo nakilala,"

"Ang drama mo sir!" I just smile, then continue saying a prayer. Hehe, hindi nga pala ako nakapagdasal.

Mga ilang minuto ang lumipas sa loob ng simbahan, nagyaya na kong umuwi but Kelvin ask for a dinner at sagot niya daw. Ayoko man -kasi kaldag yun sakin, sumisigaw ang ego ko -alam kong mayaman siya at ako isang hamak na isang kahig walang matuka at hindi pa kayang manlibre maski na donuts na walang butas sa gitna ... siguro fish ball lang o kwek kwek, kaya lang alam kong hindi kumakain ang mga mayayaman ng ganyan.

"Mang inasal tayo!!" hirit ni Kristina at dahil wala namang nagsasalita,

"okay tara na!! Deretso sa hospital, este Mang Inasal!" hehe, pero magkalapit lang ang hospital sa Mang Inasal e,
kapag napasobra ng kain sa Mang Inasal, dahil sinusulit ang 99 pesos -kaya naka 12 rice vs isang serve ng ulam.

Kala ko magko-commute kami, pero may sasakyan daw na dala si Kelvin kaya naki-ride-on na rin ako sa kanila sa magarang kotse nitong si pareng Kelvin, deretso kami sa Mang Inasal sa Sm Fairview.

***

"Kadireee ka sir!! ewww, I can't eat in bare hands po, what's the uses of this spoon and fork," nasa isang lamesa kami, magkatabi kami ni Kristina at tabi naman sila ni Kelvin.. Magkaharap kami ni Case, na kanina pa pinagmamasdan ang pagsubo ko, nagkamay kasi ako e,

"Case, Propessor mo ko.. konting galang ha," sita ko sa kanya,

"Sir, wala tayo sa school! Hindi ka nakauniform wala kang I.D, mukha ka lang Sir totoy dito Sir,"

napahinto ako sa pagsubo, ng malaking subo ng kanin na sinabawan ng maasim na sabaw,

"Sir mabulunan ka po," hehe, muntik na kong masamid.

*burppp* *BURRPPP* anlakas ng dighay ni Kristina, napatingin kami sa kanya at sabay Malakas na tawa Bwahahaha, tawa kami nang tawa!

oops, hampas... hampas hampas ko ang dibdib ko, hindi ako makahinga.

"S-sir??? " putik, may bumura sa lalamunan ko , waaahhh...

"S-sir, ayus ka lang po?? Sir..."

putik. "Tubig po, tubig ohh," inabot ko yung tubig, pero ayun di parin matanggal, nagulat na lang ako nang lumapit sakin si Kelvin...
at niyakap ako, binuhat at parang inalog, first aid. At ayun, effective! Natanggal yung bara sa lalamunan ko.

haaaaaayyy.. salamat! Succes- yung dalawang babae ang lagkit ng tingin samin.

Bigla kaming napakalas sa isa't isa. "EWWWWWW!! ang sweat niyo pong tingnan," buseet, putik na dalawang ito, kainis lang!! Bumalik sa pwesto niya si Kelvin,

"Bagay po kayooo, bwaahaahhahaha" imbes na mabwiset ayon natawa na rin ako at BWAAAHAHAHAAHA, tawanan na lang kami nang tawanan.

***

Hinatid muna kami ni Kelvin, mabait naman si Kelvin kung makikilala mo lang at sweet?? yackss! kadiree talaga yung kanina, syete lang talaga 'tong si Case.

Nalaman ko na yung bahay nila Cassandra at Kristina, nasa iisa silang bahay (malamang magkapatid nga sila e) at mukhang hindi yun bahay kundi palasyo? o Mansyon?
Basta ang laki e, kung ikukumpara siguro yung bahay namin -yung guard house lang nila yung sa amin. Sila na mayaman, nanliit tuloy ako kahit na alam kong maliit naman talaga ako.

at ayon bumaba na lang ako sa isang kanto malapit sa amin, kahit nagpipilit si Pareng Kelvin na ihatid ako yacks! Wag na!!
Hehe, nahihiya akong makita niya kung saang lungga ako nakatira.



"Hennywayy.. Burrppp!" napadighay pa ko! busog much e, andami ko atang nakain. Libre e, Sensya na -Alien lang e.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...