Nobela2 | The Hitler Girl I Know
39. Unfinished Business
[Milinda Malaya's Point Of View]
"I am Cassandra's Grand mother, wag mong sabihing anak mo yung lalaking.. bastardo-" talagang ang liit ng mundo hindi ko akalaing may ugnayan parin pala kami.
"Yan ang dahilan ng aking pagparito, pero di ko akalaing-" hindi ko rin akalaing ikaw ang ama ng isang iyon.
"Ikaw ang Granny -na nagpakulong sa aking anak?"
"Felix?"
"ako bang dapat sisihin? kung hindi, iniwan ng Mikko mo ang aking apo -tsk! Felix, parehas kayong -hindi niyo kayang ipinaglaban ang" inyong minamahal! Umasa akong hahanapin mo ako at susundan sa Hongkong.
"Milinda, ipinaglaban kita sa papa mo, ngunit pinagbantaan lamang niya ako -na ikaw ang magdudusa sa lahat- kaya wala na kong magawa...
pero... pero tapos na iyon (hindi na natin maibabalik ang lahat) -ang usapin ngayon ay ang mga bata,"
ou nga, ang nakalipas ay nakalipas na at we can't change the history now, pero..
"Alam mo ba kung bakit ako nagagalit?!
dahil tinakbuhan lang ng Mikko mo ang responsibilidad sa apo ko,"
"Granny pero-"
Scooth?
"Wag mo nang ipagtanggol ang batang iyon, ikaw na ama ngang dapat na magalit di ba," palibhasa ay isa ring duwag!
"Bago umalis ng Bansa ang anak ko, hindi niya alam -wala alam ang batang iyon, si Mikko , hindi niya alam ang tungkol sa pagbubuntis ni Cassandra,"
"Felix, anong hindi alam?! sabihin mo'y takot yang anak mo at walang paninindigan,"
"Granny, hindi ko pinaalam kay Mikko, before his flight, kinausap ko siya but I stop myself to tell to that young man about Cassandra,
kasi, naisip kong -mas mabuting ayusin niya muna ang sarili niya, para mapatunayan niyang nararapat nga siya sa anak ko,"
pero Scooth, isa ka ring inutil! "Anong napatunayan mo ngayon? ha?! nagmamagaling ka para sa mga apo ko,"
"Milinda, mahal na mahal ni Mikko ang apo mo, please para sa mga bata -bigyan mo siya ng pagkakataon -nais ko ring makita ang magiging apo ko, ako nang humihingi ng dispensa sa pagkukulang ng anak ko sa inyo-" Felix alam mong hindi matigas ang puso ko, gusto ko lang pag-ingatan ang pamilya ko dahil ayokong masira ito - ayokong masaktan sila,
"Milinda, lumuluhod ako para -para pagbigyan mong anak ko," ayoko ng makita kang ganyan,
"Hindi mo kailangang gawin yan Felix, tumayo ka diyan," Felix para sayo -alang alang sa pinagsamahan natin,
"Halika sa kwarto ni Cassandra, para makita mong apo natin, matutuwa ka pag nakita mong yun -ang lusog lusog nung sanggol."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento