SANLA
(Kwento)
Alahas:
"mga magkano po ba sanla n'yan?" tanong niya sa kahera ng cebuana lhuillier. Sinipat maigi ng babae ang iniabot niyang gintong kwintas.
Kumuha ito ng kung anong likido, acid solution, ipinatak at sinipat. Tapos ay tinimbang uli.
"magkano po bang kaya?" tanong niya ulit.
"sandali ah," tanging sagot ng ale sa sanlaan, pansin niyang maingat ang ale sa ginagawa, ang kapinuhan ng isang sanay sa pustura pa lamang mapapansin na sa tindig, sa pananamit, sa dampi ng pulbos sa mukha na malabnaw na pula sa pisngi.
"sasagad na po ba? Aabot po ng kinse mil," napalunok siya sa sinabi ng babae. Kinsi mil? Ilang libong madami yun, di niya alam ang laki ng ganung bilang..
Ni hindi pa nga siya nakakahawak ng isang libo e. Sa isip niya, ilang libong ibong may dagit ng ginto ang dadapo sa kanyang palad. Tapos, naisip niya rin, kahit ilang bulaklak sa dangwa, yung bukey ba tawag dun, pwede niyang bilhin o pwedeng mga prutas at gulay sa palengke para kay dhalia at marami pang iba.
"sige po," sagot niya sa babae.
Muli siyang napalunok ng sariling laway, pinunasan niya agad ang malapot na pawis na namumuo sa kanyang noo, nababahala siya. Kinakabahan. Kahit na walang dapat ikabahala o walang dapat ikakaba sa kung anong isipin ng kahera sa kanyang hitsura.
Sa isip niya, hindi naman siguro iniisip ng kaherang ito na ninakaw niya yung kwentas na yun na sinasanla niya.
Hindi dapat isipin ng kahera na siya -si lucas de gracia ay tahimik na nag-aabang, aali-aligid, sinusundan ang isang matabang babaeng pusturang mayaman, doon sa kahabaan ng simbahan ng Quiapo, nangingintab sa suot ng mga alahas.. Ngunit saglit lang. Kasing bilis ng kidlat nang hablutin ang gintong kwintas sa leeg ng babaeng mayamaya na lang ay parang ginagaroteng baboy, mapatid-litid na pagsigaw,
"tulooonggg!! Tulooooongg! Magnanakaw!" paulit-ulit na isisigaw nito.
"miss hindi ko yan ninakaw noh!" gusto niyang sabihin sana sa babaeng kahera ng sanlaan.
Hindi siya magnanakaw at hindi naman pagnanakaw ang pagpupulot ng basura sa malawak na karagatan ng estero sa Baseco. Wala namang nagmamay-ari ng mga basura ngunit para sa kanya isa itong napakahalagang pag-aari.
Noong nakaraang linggo, nakaabang na ang kanyang sako sa kayamanang naglulutangan sa malawak na karagatan. Sasagwan siya gamit ang mahabang patpat na kawayan nang umayon sa nais na direksyon.
Ang paglalayag gamit ang etayrofor bilang bangka-bangka. Gaod dito, gaod doon... At walang hinto na paggaod ang kakailanganin niya kung lilibutin ang kabuuan ng estero na iyon sa ilalim ng tulay sa isang look ng Maynila.
Ngunit gaya ng mga araw na minamalas sa pagbabasura, ang kahapong pangangalakal ay hindi naging maganda. Wala halos nailaman sa sako nilang bitbit, paano'y napakalakas ng ulan noong mga nagdaang araw. Inanod malamang ng ragasang tubig-ulan ang mga kayamanan sa estero. May bagyo na naman, signal no. 2 sa balitang narinig sa radyong de baterya ng kapitbahay.
"malas todits!" nag-uusap ang magkakaibigan habang naghihiwalay ng mga kaunting napulot na basura.
"paksyet na bagyong yan!" sabi nung isa.
"pakshet ka lukas, e tatay mo kaya ang bagyo!" paasar ni carmelo alyas melotots, sa kanya.
"sabihin mo ke mang milenyo, hinay lang todits!"
"kung hindi naku! Magtatampo si aling bebang martis, the chicharong gulays, wala nang benta junkshop niya," dugtong nito.
"baka biglang pumayat yon!" hirit ng isa at bulalas ng tawa.
"pakyu ka noy, wag mo nang asahan tatay ko, wala nang pag-asa yun!" pagtatanggol ni lucas sa sarili.
"dehins todits!" sabay akbay kay lucas nitong si ninoy alyas abnoy at short for noy.
"kanina lang nakita ko tatay mo! Nangutang sa tindahan nila pipay ng 'sang kahang pag-asa!!" at tumawa siyang bigla.
"eberlasting hope!" hirit uli ng isa.
"tsaka dios!" hirit uli ni buknoy!
"dios??" tanong niya.
Tumango ang tinanong, "ou, pomelo dios, may kasama pang gin!" tawanan uli sila.
"gago!" sabay batok kay buknoy na kasalukuyan namang pinipitpit ang incan at alum na napulot. Tawanan uli sila. Tawang wagas!
"oh, lucas, lucas.. Pag-asa ka ng bukas..." si Melotots.
"damit mo butas-butas," dugtong ni Raprap.
"bumili ka na ng sardinas, at 'sang kilong bigas," pang-aalaska ni Melo na kumukumpas pa sa hangin.
"boom!"
"tumula ang makata-e wagas!" putol ni abnoy at tawanan uli sila. Mas malakas na tawa. Bwahahahahaha.
"lupit mo boy-bakat!"
"pwede na mag-asawa, bilog na utot!" dugtong ng isa pa.
"hahahaha" at mas lumakas pa sa kanina ang tawanan nila, maliban kay lukas na biglang natahimik.
"todits anu yan???" tanong ng isa kay lukas na may hawak ma garapon na nakuha sa kanyang sako.
"ewan," isang garapong may lamang plastic na transparent.
"baka kayaman ng onepiece, tsong alahas yan!"
"bukasan mo dali!" napatigil silang apat na magkakaibigan: si lucas, Raprap, Carmelito, at Abnoy, lahat sila namangha sa nakita pagkabukas ng garapon.
Bilog ang mundo para sa lahat, hindi mo nga lang alam kung kelan ka mapupunta sa itaas o mapupunta sa ibaba. Para sa limang ito, hindi pa bilog ang mundo. Ayaw pa kasi nilang maniwalang bilog nga ito, na maaari nang umikot paitaas.
Kumikinang na singsing na may bato, pulseras, pares ng hikaw at kwintas ang nasa garapon.
"parang japeks!" kinuha ni Raprap ang singsing at kinagat.
"todits! Matigas?" tanong ni Lucas sa kaibigang biglang napahawak sa pisngi, nadurog ang isang bulok niyang ngipin. Inamoy pa niya at napasinhot, biglang bulalas ng tawa ang apat.
"tunayntipayb!" sagot niya.
"lucas, bakas kami dyan ha, hating magkakatropa, todits para peyr," mungkahi ni abnoy.
"jakpat todits, trilyonaryo na tayo!"
Si lucas lang ang di nagsasalita, di makapaniwala sa natapuan, paanong magkakaroon ng kayamanan, sa isang estero at sinong baliw na magtatapon ng kayaman, ang mga nasa isip niya.
"isasauli natin 'to, hindi to satin," wika ni lucas.
"AY BOKLOGS!" napakamot ang lahat sa ulo. At parang biglang naging biyernes santo ang mga mukha ng magkakaibigan, maliban kay Lucas..
***
Ahas:
"mga magkano po ba sanla n'yan?" tanong niya sa kahera ng cebuana lhuillier. Sinipat maigi ng babae ang iniabot niyang gintong kwintas. Kumuha ito ng kung anong likido, acid solution, ipinatak at sinipat. Tapos ay tinimbang uli.
"magkano po bang kaya?" tanong niya ulit.
"sandali ah," tanging sagot ng ale sa sanlaan, pansin niyang maingat ang ale sa ginagawa, ang kapinuhan ng isang sanay sa pustura pa lamang mapapansin na sa tindig, sa pananamit, sa dampi ng pulbos sa mukha na malabnaw na pula sa pisngi.
"sasagad na po ba? Aabot po ng kinse mil," napalunok siya sa sinabi ng babae. Kinsi mil? Ilang libong madami yun, di niya alam ang laki ng ganung bilang..
Ni hindi pa nga siya nakakahawak ng isang libo e. Sa isip niya, ilang libong ibong may dagit ng ginto ang dadapo sa kanyang palad. Tapos, naisip niya rin, kahit ilang bulaklak sa dangwa, yung bukey ba tawag dun, pwede niyang bilhin o pwedeng mga prutas at gulay sa palengke para kay dhalia at marami pang iba.
"sige po," sagot niya sa babae. Nakikita niya ang perang binibilang ng ale, hind niya akalain na ganun ang halaga ng alahas na yun, hindi nga yun japeyk.
binigay sa kanya ng babae ang papel na dapat pirmahan, kukunin na niya sana ang ballpen nang may humawak sa kanyang kamay, "Boy, nasan na yung alahas?? " lumingon siya, binigwasan siya ng mamang nakasumbrero. Napaluhod siya, iniinda ang sakit, nakita niya yung mama na may hawak na baril at nakatutok sa kahera, tatlong lalaki na nakabonnet, nakatutok ang baril sa nag-iisang gwardya. Nang pumalag ito ay biglang pinaputukan sa bandang dibdib. tumili ang nasa loob ng sanlaan, nanginginig. "lahat, lahat ilagay mo dito!" may ibinigay na itim na supot ang mama doon sa kaherang takot na takot, nakatutok ang baril sa kanila. Nanginginig ang kamay ng babaeng kahera sa paglagay ng mga alahas sa loob ng supot, nang natapos na ay kumindat muna ang mama sa kahera, sabay alis ng mga ito.
Tatayo pa sana si lucas nang may naramdaman siyang matigas na kung anong humampas sa kanyang ulo, bago siya mawalan ng malay, nakita niya ang kanyang mga kaibigan, "m-melo? rap? tray - trayd- or kayo," umalis ang magkakaibigan, naiwan siya.
Ang blog ng School Lump Organization na ito ay nagsusulat tungkol sa kapaligiran sa paaralan, kaugnay na impormasyong pang-edukasyon, at komposisyon sa panitikan na makakatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga sulatin, takdang-aralin at anumang mga output na kailangan nila para sa mga akademiko. Sa layuning hikayatin ang lipunan, lalo na ang kabataan na ipagpatuloy ang pag-aaral at literasi sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasaliksik.
SCHOOL LUMP ORGANIZATION
Sabado, Oktubre 3, 2020
SANLA
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...
-
Ang Kabaong: Higaang Panghabang-Buhay o Patay Magandang araw sa mga aking mambabasa, aking ilalahad ang mga kaganapang nangyari sa amin, sa...
-
ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento