Nobela2 | The Hitler Girl I Know
6. Suicide mode
[MIKO SALVADOR's POINT of VIEW]
Bago tabunan ng lupa ng mga supulturero ang kabaong ko sana maglaglag ng mga puting rosas o kaya yellow tullips, (yung paborito kong bulaklak) yung mga makikiramay sa libing ko. Para kahit papano maramdaman ko rin na may nag-aalala sakin o may nagmamahal sakin. kahit wala na dun si Cherryl!
Hindi ko parin matanggap yung sinabi niya "S-sorry M-Miko.." I don’t have any idea why she's crying kanina sa mall.
“Sorry for what?” dahil baka sa pangit ang surprise gift niya sakin? Mangingiti na sana ko kasi masyado siyang bother sa gift, kahit ano naman matatanggap ko basta galing sa mahal ko... kaso, sinundan pa ng nakapagpawindang sakin nang husto.
"Miko gusto ko muna ng space, pero wag mong isiping ikaw ang dahilan, kundi ako. ako yung may problema," alam kong pangarap niya ding maging astronaut dahil gusto niyang makarating sa outer space. Pero hindi ko matanggap na humihingi siya sakin ng space sa relasyon namin!
Ayoko! Gagawin ko lahat para makarating siya sa Outer space, mangkikidnap ako ng mga NASA personel o kokontakin ko ang mga aliens kahit di ko alam kung pano gagawin yun, pero basta! Maibigay ko lang sa kanya ang pangarap niya na makarating sa outer space. Pero ang space sa relasyon namin! Hindi! Whoaaaaa! Tsk! Di ko kaya! AYOKO!!!!!!
Space? E, kapag bumibisita ako sa kanila wala siya, kapag nagyaya ako na mag-bonding kami -busy siya o may importanteng lakad! Shet na space yan! Shet Space Tab! Shet Spaceshi(t)p! Space her face shet!!
"Huwag kang humingi ng sorry sakin, Di pa naman ako pumapayag na mag break tayo e, At hindi ako papayag," sa sinabi ko, alam kong wala na kong magagawa, patayo na siya nun at iiwan na ko.
Alam kong pinagpalit niya na ko sa iba, doon sa mas may kaya! Dun sa mas may pera na di gaya kong hamak na guro!! Kainis din! Kung makikita ako ng mga estudyante ko ngayon nakakahiya ako. Tsk!! Pasensya na tao din ang mga guro, may puso din sila! Pwede rin silang magdrama! Parang kanina, feeling ko rin ang drama ko... alam mo yun, lumuhod ako sa isang babae. Begging for love. Kahit na alam kong wala na, na wala na kong magagawa!
...Pero sinubukan ko na mabago ang isip niya, pero di niya ko pinakinggan! Tsk! Alam mo bang birthday ko bukas! Happy Birthday SAWI! Happy birthday Miko -ito gift ko sayo isang box na may lamang duguang puso na kailanman hindi na titibok! Ang sweet ng Hon ko! Ampotek! Ayoko ng Ampalaya juice, pero parang tumungga ako nito ng pitong bote!
Siguro, may mahal na nga siyang iba o nanlamig na siya sakin o... o kaya... o bakit kasi hindi niya pinaliwanag kung bakit siya nakipag-break!
"wag mong isiping ikaw ang dahilan, kundi ako. ako yung may problema," Ayoko na! Ayoko na! Ansarap ituloy ng iniisip ko! Ang magbigti o tumalon sa building!
...Pero kung makikita ko si Cherryl sa libing ko, at kasama pa ang kung sinong butiki na pinagpalit niya sakin, babangon talaga ko sa kabaong ko at mumultuhin sila! tapos sila ilalaglag ko sa hukay! Huhuhuhuh! Ampotek talaga! Masyado na kong bitter! kulang na lang itlog para pwede nang prinitong apdo!! Eww! Special Scrambled bitterness, ready to serve!
Pasensya na kung masyado akong madrama ha, kanina pa ko sa mall hanggang sa pag-uwi dito sa bahay parang tanga lang, andrama ko! curse the author, alien yan e! pero sorry talaga di ko kasi mapigil ang umiyak e, hindi ako bakla! Hindi naman ata kabaklaan ang umiyak , e sa kanina pa ko iyak nang iyak. E sa nakakaiyak e, lalo na ngayong nandito ako sa kwarto ko at nag-e-emo! Wow, teacher na emo?! anong itsura ko kaya ngayon! youth parin naman ako ah! 22 years old pa lang ako... kaya accepted parin ang sitwasyon ko. Waaaaaaaaaaaahhhh!!
Nagbabalak talaga akong mag suicide kaya lang hindi ko alam kung paanong paraan. Para naman ma-feel ko yung pakiramdam ng mga kabataang nagsu-suicide... Minsan tinalakay naman yun sa klase e, sabi nga ng mga estudyante ko → "what they're doing -the suicide thingy of an EMO- is so sucks!"
Nasasabi natin na sucks ang bagay na yon kasi hindi naman natin nararamdaman kung anong nararamdaman ng isang nag-e-emo e! So, for the sake na maramdaman ko man lang -Trinay ko talaga kanina yung magbigti... kaya lang "Tanga lang" masyadong marupok yung lubid nasira ko pa yung ceiling fan, ambobo lang doon pa naisipang isabit.
Sorry ulit, e wala na ko sa tamang pag-iisip e! Sinubukan ko naman maglaslas, kinuha ko yung kutsilyo sa kusina -pinagalitan pa ko ni ate jenny kasi hindi daw ako marunong magbalik ng mga gamit! -hindi ko siya pinakinggan, sige kayo na marunong magbalik ng gamit!! Naalala ko bigla yung box na binalik sakin ni Cherryl! Sucks!!
Nag-lock ako ng kwarto at dahan-dahan na hiniwa ang balat sa may bandang pulso, at waaaaaaaAAHHHH!! Ansakit! Hindi ko kaya! Bakit ba ansakit magpakamatay! Pero feeling ko am already dead.
Higher than the sky above you
Clearer than blue
Brighter than the rays of sunshine
Warmer than what you feel
More than all the wonders you see
It’s the most wonderful thing
nag-vibrate sa bulsa ko yung cp ko with true tone ng One Love (Spring Waltz Ost) Lyrics by Acel Bisa , dapat ko na ring palitan ito! Si Cherryl ang naglagay ng tone ng CP ko e, kung gusto kong maka-move on agad, tingin ko kailangan ko na ring burahin ang lahat-lahat ng mga mga bagay na magpapa-alala sakin tungkol kay Cherryl. Pero gusto ko ba siyang kalimutan?! Bakit?
Baka hindi, galit lang siguro ako. Nasaktan lang siguro ako, pero ang kalimutan ang almost 2 years mo nang girlfriend? TSK!!!
Calling... Co-F Neil. Bakit kaya tumatawag si Sir, alam ko nasa Bar siya kasama ang iba pang ka-department namin e "Sir, sunod ka dito sir -" di ko masyadong marinig, anlakas ng disco sound, mukhang nagkakasiyahan sila a,
"Sir, Nagtatampo kami sayo, di mo sinabi kanina, e Birthday mo pala.. " hindi ko nga sinabi sa kanila. Kasi nga e wala din naman akong balak na mag-imbita at wala rin naman akong balak maghanda - siguro si tatang magluluto lang ng spaghetti o Carbonara na para lang samin. Konting salu-salo ng pamilya with Cherryl sana...
Ayt! birthday ngayon ng co-faculty namin -si Mam. Kristine. Magkasunod kami ng birthday hehe.
"Sir Bukas pa birthday ko! Pasensya na kung di na ko nang-invite, Sir A-ayos lang po ako, mag-enjoy lang po kayo," ang hirap sabihin ng salitang ayos lang -kahit ang totoo hindi ka talaga ayos. At ano na bang kahulugan ng salitang ayos? Ewan!
"Anduya mo Sir, dapat ngayon na mantreat ang Birthday celebrant," ang kulet nila, naririnig ko yung mga tawanan ng mga co-faculty ko.
"Sir Saturday bukas e, wala naman pasok, wait ka namin dito ha.. Bilis sir ha!" hala, ibinaba na. Putik pupunta ba ko dun? 8:30 pa lang naman e, maaga pa. Pero tinatamad ako sa buhay, ayoko ngang lumabas ng kwartong 'to kasi feeling ko anumang oras magko-collapse ako dahil sa sobrang depresyon. Haixt. Stress sa pagtuturo, stress sa bahay at pati sa love life nae-stress!! “Help! Pwede magrequest ng taong magbibigay sakin ng Stress Tab! I need medicine!"
Pupunta ba ko? Kung susunod ako sa Padis point ngayon, sana makabawas ng bigat ng nararamdaman ang pag-inom ng alak. Kahit never akong uminom. Waaahhh! first time ko talagang iinom pag nagkataon, laking kumbento ako e, pasensya naman! pero kung ang pag-inom ng alak ay isang paraan ng pagsu-suicide? SIGE NA!!
Mawala lang tong sobrang hapdi sa dibdib ko. Sa parteng puso, WaaaaAAAHH!! Lulunurin ko ang sarili sa isang basong alak!!
*** *** ***
Higher than the sky above you
Clearer than blue
Brighter than the rays of sunshine
Warmer than what you feel
Magbibihis na lang sana ako nang nag-vibrate Cellphone ko. 1 message receive. +63999*******
number lang, sinu naman kaya to!!
"SIR SIR!! HITLER GIRL's HERE!!
I GOT UR NO. IN UR FB SIR!! PLEASE SIR! SAVE MY NO.
AHHHMM... HAV U READ MY STORIES SIRS? HOW IS IT SIR?"
Nagkamali yata ako nang in-accept ko tong batang to! Naku talaga Casandra Malaya, You're true HITLER GIRL!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento