SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

35. I THOUGHT THAT'S THE END

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

35. I Thought That's the END


Walang ending ang true to life story dahil habang buhay ang character na nandito -tuloy ang kwento.

Patuloy ang buhay ng mga nakapaloob sa kwentong ito, pero dahil may tinatawag tayong ENDING, kailangan nating tapusin ang lahat ng nasimulan.


Maulan ang araw na iyon ng pagbabalik ni Mikko sa Pilipinas.
Hindi niya sinabi sa pamilya niya na uuwi na siya, balik niyang surpresahin ang kanyang pamilya,

basa ang mga puntod sa paligid, naroon siya nakatayo sa lugar kung saan nakalibing ang katawan ng dating kasintahan,

"kamusta na Che,
pasensya na ha,
kung ngayon lang ako nakadalaw ulit,
madami kasing nangyari e,
Che patawad ha,
kasi andami kong pagkukulang sayo noon.
Kasalanan ko yun,
hindi ako naging mabuting boyfriend sayo,"
lumuluha ang langit maging si Mikko. hinuhugasan ng kanyang luha ang duming nasa lapida ng minamahal.

Tumalikod na siya sa puntod upang harapin ang buhay, may dahilan kung bakit siya umuwi. Kasal ng kanyang ate Jhenny, sa susunod na linggo, balak niya sanang magpakita sa mismong kasal na lang. 30 years old na ang kanyang ate, dapat na nga itong mag-asawa, kahit na sinabi niya sa ate niya na hindi siya makakapunta sa kanyang kasal

Nasa loob siya ng mall at naghahanap ng pwedeng mairegalo sa kapatid. Marami siyang naisip, appliances? kama? computer? o anumang gamit sa bahay? papunta na siya sa cashier para bayaran ang napili nang nakita niya ang babaeng matagal niya nang gustong makita. Si Cassandra, sa oras na yun, hindi galit kundi pananabik ang higit niyang nararamdaman.
Gusto niyang lumapit, yakapin ito, sabihing mahal na mahal niya ito. na kahit anumang mangyari , mahal niya parin ang babaeng iyon subalit napahinto siya nang mapansing may kasama itong lalaki, kinuha nun ang dala ni Case.

Napansin niyang malaki ang tiyan ni Cassandra. Napaatras si Mikko, "buntis si Case?" nausal na lang niya, nakikita niyang masaya si Case, at sa lalaking iyon na asawa niya marahil.

Biglang may kumirot na lang sa dibdib ni Mikko, naalala niya ang masasayang araw na magkasama sila ng babae.
Malaki ang nagbago sa hitsura ni Maria Cassandra Malaya, itim ngunit maikling buhok, mas gumanda ito ngayon, napatingin ito sa suot na pangyapak?

Bigla ang katanungan sa kanya, papaanong? yung Drose shoes na Adidas na binili niya noon para sa birthday ni Case, natatandaan niyang hindi niya yun naibigay sa babae. Pero paanong nasa kanya ito?
Hindi namamalayan ni Mikko na sinusundan na niya ang dalawa, palabas ng stall, hanggang sa labas ng mall - nakita niya na sumakay ito sa humintong sasakyan, napansin niya yung nagmamaneho -si Xhiang Chio iyon, mali ang hinala niya sa lalaki -hindi siya asawa ni Case kundi maaaring boyfriend ni Xhiang dahil hinalikan nito ang lalaki.

Umandar ang sasakyan, nakatanaw lang si Mikko.

Saktong may humintong taxi na agad niyang pinara -marami siyang isip nung sinusundan niya yung sasakyan nila Cassandra? sinong ama ng pinagbubuntis ni Case, kamusta na ang buhay ng pamilya nito, si kristina , si Kelvin? si Mr. Scooth... bumalik na lang siya sa realidad nang huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na lugar para sa kanya.


Napansin niya na hindi lang pamilyar ang lugar na ito, lugar nila yun! doon siya nakatira, anong gagawin nila dito? tumingin siya sa paligid, anlaki ng pinagbago ng lugar pero hindi siya maaaring magkamali, bumaba siya sa taxi. "asan na ang bahay namin??" wala siyang alam sa mga nangyari sa kanilang lugar, inaward na sa mga taong nandoon ang lugar na iyon. Nabili ng isang private sector na nagngangalang Edward Than -isang business tycon -father ni CEO Issias Kelvin Than.

Pumasok ang tatlo sa isang may kalakihang bahay na halatang bagong gawa lang, nagulat siya ng sinalubong sila ng kanyang ate jenny, "shet! ano bang nangyayari dito?? ilang buwan lang akong nawala ah,"

Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan, mula sa bukas na pinto, nakita niya si tatang na wala nang saklay? nakakalakad na si tatang? nakita niya si dayang -ang kapatid niyang adik sa Naruto -malaki ang tinangkad nito.

Napaatras siya nang napansin niyang may palabas, nagtago siya.
Gulong gulo ang isip ni Mikko, ano bang nangyayari? asan ang dating bahay namin? bakit nandito sila Cassandra, bakit kasama niya ang pamilya ko-

napahinto siya nang may kumalabit sa kanyang isang bata, nanlaki ang mata ni Mikko nung makilala ang bata, "ikaw na naman, bakit nandito ka?!"

umiling lang ang batang iyon, parang walang narinig na kung anuman, "nakatakas ka naman sa kulungan noh?"

hinawakan niya ang braso ng bata, parang unti-unting bumabalik yung galit sa dibdib niya, ang batang iyon, "Intoy -Bakit nasa labas k- ka? " napatigil siya nang marinig ang boses ng kapatid, “M-Mikko!”

"Ate Jhen," ngumiti ang kanyang ate sa kanya, lumapit ito at niyakap ang kapatid,

"hindi mo sinabing uuwi ka?" ang sorpresa sana sa pagbabalik niya ay siya palang sosorpresa sa kanya,

"a-ate nalilito ako, anong nangyayari dito?" kailangan niya ng kasagutan sa oras na yon.

"Nangyayari sa lahat lahat, asan ang bahay natin, bakit nandito ang batang ito? bat nasa loob sila Cassandra?" gusto niya ng kasagutan, naguguluhan siya, nalilito. Kalahating taon lang naman siyang nawala pero parang sobrang dami ng naging pagbabago,

"andami mo namang tanong e, sa loob na muna tayo,"

"SAGUTIN MO KO NGAYON NA!" Napataas siya bigla nang boses, dahilan ng paglabas ng mga nasa loob ng bahay, nagkitinginan sila ni Cassandra.

Patakbo sanang lalapit si Cassandra nang magsalita siya sa tonong may galit, "BAKIT KA NANDITO?! Ano na namang kailangan mo?!"


Nagsalita si jenny, "MIKKO ANO BA! umayos ka nga,"

"sila Case ang tumulong satin, sa pagpapagawa ng bahay natin s-"

"tumulong? bakit kailangan natin ng tulong nila?" Lumapit siya kay Cassandra at mariing hinawakan sa braso.

"para ano? bakit kailangan mong gawin ito? para makabayad sa mga kasalanan mo?"

"MIKKO ANO BA!" sigaw ng kanyang ate,

"hindi sapat ang pera para bilihin kami!,"

"kuya hindi nila tayo binibili, sila ang tumulong satin, sa mga tao dito," paliwanag ng kapatid. Walang magawa si Cassandra, nasasaktan man ngunit hindi siya makawala sa pagkakahawak sa kanya,

"tsk! tulong? ate jenny alam mo kung anong nangyari kay Cherryl, "

"OO ALAM KO!, nagkasakit si Cherryl, mas pinili niyang iwan ka dahil ayaw ka niyang masaktan
at isa pa, buntis si Cassandra,"

Tinignan ni Mikko si Cassandra, "ou, e malandi 'tong batang t-" hindi pa man natatapos ang sasabihin niya ay sinampal siya ni Cassandra, na naroon at umiiyak na rin.


Napabitaw siya dito, "C-Case, a-ayus ka lang," agad ang pag-aalala ng nasa paligid.

"aaarggh," lumapit si jenny sa buntis na ayon -biglang nanakit na lang ang tiyan,

hindi makaimik si Mikko, "kuya ano ba! tulong!" sa sigaw ni Xhiang Chio ay tumulong siya, binuhat si Cassandra at isinakay sa kotse,

Natataranta na rin si Mikko sa pagmamaneho, "sir. ako na pong magmamaneho, baka po madisgrasya pa tayo," boluntaryo ni Yong Jing. Nanginginig na kasi si Mikko. Nagpalit sila ng pwesto.

Nagle-labor na si Cassandra, sumisigaw ng sakit na nararamdaman, "Case, malapit na tayo, nandito lang ako," paulit ulit na banggit ni Mikko, hawak niya ang kamay ni Case, ayaw niyang mapahamak ang babae.

Kung may mangyari dito, hindi niya mapapatawad ang sarili, kasalanan niya ito. kasalanan niya ito.


***


Nasa labas sila ng operating room, lahat sila naghihintay sa kung anong mangyayari. para kay Xhiang Chio at Yong Jing -parang nauulit lang ang nangyari noon nang inooperahan si Case -napagtagumpayan niya yun, pero iba ngayon dahil dalawang buhay ang dapat mailigtas. "sana maayos na makapanganak si ate Case,"

Maya-maya ay dumating sila Mr. Scooth, kristina at kelvin, sila Manong Dio at Manda, at ang bestfriend niyang si Jessica, "tatagan mong sarili mo ayus lang ang mag-ina mo, magiging ayus lang ang lahat,"

magiging ayus lang ang lahat, iyan ang kanina pang inuusal ni Mikko, pero yung kasasabi lang ni Mr. Scooth, ang mag-ina ko? ako? mag-ina?

"Mikko, hindi ko nasabi sayo noon nung paalis ka, buntis si Cassandra," pagtatapat ni Mr. Scooth, buntis si Cassandra at ako ang ama? Ang bulong niya sa sarili.

Pagkatuwa ang naramdaman niya nang mga oras na yon, buntis si Case? dinadala nito ang anak niya? "Pinagtapat sakin ni Cassandra ang tungkol sa inyo, gusto kong magalit pero mahal ko ang anak ko at wala akong magagawa kundi tanggapin kung sinong mahal niya,"

Umiiyak na si Mikko dahil sa naririnig, "Mahal ako ni Cassandra?"

"Do you still love my daughter too?" tumingin siya sa mga mata ng nagtanong,

"I really love your daughter -may I marry her??," the sincerity in his eyes reveals his truthful, honest and pure love.

"why not, my son," Mr. Scooth answers with proud.

Lumabas ang doktor, may dalang papel, kinausap si Mr. Scooth at si Mikko,

Napamura na lang nang di oras si Mikko, "lakasan mong loob mo," ang sabi ni Mr. Scooth sa manugang, biglang napatakbo si Mikko, lumabas siya ng ospital. Hindi niya matanggap ang sinabi ng Doktor sa kanila.

***
Papunta siya sa simbahan, mabigat ang damdamin niya nang mga oras na ito, "marami na kong atraso sayo,"

walang patid ang pagsusumano niya, nakaluhod, nananangis para sa kanyang mag-ina. Nasa loob siya ng paborito niyang pinupuntahang simbahan,
"Please, pagbigyan mo ko, hindi ko kayang mawala ang anak ko, hindi ko rin kakayaning mawala si Case, please, spare their life, mahalaga sila sakin, huwag mo silang kukunin, " mabigat ang desisyong dapat piliin, sabi ng doktor ay 50-50 ang lagay ng pasyente. Mahina ang kapit ng Baby, at mahina ang puso ni Cassandra. Isa lang ang pwedeng mabuhay, ang bata? o ang ina?

"hindi ko kayang pumili, mahal ko sila, mahal na mahal, iligtas mo po ang aking mag-ina,"

Hindi niya na malaman kung paanong papahirin ang luha, "magaling na sila hijo, puntahan mo na ang iyong iniirog,"

Boses ni lola yun, napadilat siya, napalingon sa likuran, "lolang superhero??" hanap hanap niya ang may ari ng boses. Walang tao sa paligid, tahimik ang simbahan pero hindi siya maaaring magkamali. "Si lolang superhero,

lola?? lola narinig kita,"

napatayo siya, napalabas ng simbahan, narinig niya si lola e, hindi siya maaring magkamali, siya ang nagsabi nun, "magaling na sila, puntahan ko na ang aking iniirog??" Cassandra, bago siya umalis ng simbahan ay, yumukod siya, nagpasalamat.


***



[Mikko Salvador's Point Of View]


Hindi ako nagkakamali sa narinig ko, si lola yun, ang pamilyar na boses -lagi siya dito sa simbahan. Alam ko... Alam ko, narinig ko yun mula sa kanya, "Magaling na sila hijo, puntahan mo na ang iyong iniirog, "


Noon binalewala ko lang ang tungkol kay Cassandra, "Wala na kong pakialam sa batang iyon,"
nasabi ko yun noon kay Mam Kristine bago ako umalis. Galit ako noon, nasabi ko yun dahil sa galit, dahil lang sa galit.


"kaya ba hahayaan mo lang siyang mawala?" hindi ako nag-alala o naapektuhan man lang sa sinabi noon ni Mam Kristine. "Mawala siya kung mawala, wala na kong pakialam!!," noon. Noon yun, pero ngayon, iba ito...

Hindi ko kayang mawala si Cassandra o ang aking anak. mahal ko si Cassandra, mahal ko ang batang yun, hindi ko hahayaang mawala siya dahil mahalaga siya sakin, pati ang anak ko.

"Panginoon, ang anak ko, ingatan mo siya... ingatan mo sila, please, please -ingatan mo po sila, lahat gagawin ko para lang gumaling siya,"

*peep peep* peep peep *

Tsk! trapik pa! umuulan pa! kailangan kong makabalik agad sa hospital. Nagtaxi na ko kala ko mabilis akong makakarating, hindi umaandar ang mga sasakyan, "Go na! tsk! Harang e,"

*peep -peep -peeeeeep*

Bababa na sana ko nang taksi nang may tumatawag, calling +063930******

Nanginginig akong sinagot ang phone, "Hello?? sino 'to?" nasa isip ko lang ang sinabi ni lola, 'magaling na sila hijo, puntahan mo na ang iyong iniirog,'

"kuya, si Xhiang 'to-"


"X-Xhiang ka-kamusta na sila?" maayos na kaya ang mag-ina ko, sana hindi sila napahamak...

"Xhiang?? MAGSALITA KA!"

"kuya nanganak si ate, kuya ligtas na sila -ligtas na po sila," ligtas na sila -para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko,

"Xhiang totoo ba 'to?
totoo ba 'to?" s-salamat, thank you po Lord.

"Opo, ligtas na sila... pero kasi - k-kuya kasi -wag ka na munang pumunta dito,"

"tatawagan ko na lang po kayo kapag pwede na," wag pumunta?

"papunta na ko diyan, kailangan ako ng mag-ina ko, a-anong wag munang pumunta, kala ko okay na?"

"ku-kuya kasi e-" lalo akong pinag-aalala nito ni Xhiang e, "ANO BANG MERON?! bakit ba, okay na ba talaga sila?"


"Ligtas na po sila, wag na po kayong mag-alala,"

"oh okay naman pala e,"

"BAKIT WAG MUNA KONG PUMUNTA? DERETSUHIN MO NGA AKO?
Xhiang ano bang problema?" naiinis na ko, ayus na tapos wag munang pumunta -nanloloko ba 'tong batang 'to!!

"p-pero po, baka kasi - Sir tatawag na lang po ako ulit kapag pwede ka nang pumunta dito Sir,"

"Basta Sir, wag ka munang pupunta dito," what?? Putik ka,

"ANO BA?! HINDI AKO NATUTUWA XHIANG HA," putika, ano na bang nangyayari doon?


Mas lalo tuloy akong nag-aalala, "Xhiang -Xhiang?! XHIANG?!"
putik talaga, binaba pa. Wag munang pupunta? bakit wag munang pupunta? ayus na nga ba talaga sila??

*peep peep* peep peeep*


Kailangan ko nang magmadali, hindi naman gumagalaw ang mga sasakyan mukhang may bagyo pa ata oh!

"Cassandra anak ko... parating na ko,"

"Sir pasensya na po, hindi ako makasingit e, mukhang malalim na pong baha sa banda dun, e baka po tumirik tayo," napatingin ako sa labas ng taxi, walang tigil parin ang ulat at mas lalo pang lumalakas.

No choice, "kuya okay lang po, bayad ko po oh," pagkaabot ko kay manong taxi driver ng bayad bumaba na ko, wala akong payong alam kong mababasa ako,

"Sir, teka sukli niyo po," hindi ko na pinansin si Manong, tumakbo na ko. Hindi na talaga gumagalaw ang mga sasakyan. Kailangan kong sumuong sa ulan. kailangan kong makarating agad sa hospital.

Lalo pa tuloy akong kinakabahan, ligtas na nga ba talagang mag-ina ko? bakit niya ko pipigilang pumunta doon?

Ano bang meron, pinahid kong luha ko sa mga mata ko, si Case -at ang anak ko -malapit na ko, please... saglit lang. Andyan na ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...