Nobela2 | The Hitler Girl I Know
18. Awkward moments...
[MIKKO SALVADOR's Point of View]
"andrama ng kwento niyo sir!" sagot ng isang estudyante nang pagkatapos kong magbasa sa klase ng isang maikling kwento,
"kwentong barbero naman kayo sir!" sabat ni Cassandra. Basagan ng trip Case? Balik na naman sa klase at ang kanyang attitude na pa epal. Ok, may bagay lang na nag-iba, hindi ako makatingin nang diretso kay Cassandra.. Nagfa-flashback kasi yung sa hotel e. Nung pagpasok ko sa room, tapos nandoon siya sa loob.
"hindi yun kwentong barbero, yung binasa natin ay isang fictional story, " sinulat ko sa board yung detalye, "galing sa imahinasyon ng awtor, gamit ang malikhaing pagsulat at pag-iisip, ibig sabihin, hindi true to life ngunit nangyayari sa totoong buhay, basehan? Nasa sosyo-kognitibong pananaw ng awtor,"
"kwentong barbero nga sir," sabat naman ni Case, ayt! Hold your temper sir. Salvador.
"sir, kayo po ba yung awtor? Love story niyo po ba yun? " halaa! Be professional prof.
"titulo 'surpresa sa kahon'sinulat ni donfelimon poserio,"
"parang totoong nangyari po e," paliwanag ng isang estudyanteng babae, napansin kong maluha-luha siya, dahil sa nakarelate siguro.
Hehe, antatalino talaga ng mga estudyante e, naku mga bata pero magandang ganito sa klase, diskusyon, kanya-kanyang reaksyon. Ibig sabihin, i caught their attention, sa pagbabasa ko sa klase ng isang maikling kwento na tungkol sa paghihiwalayan o break-up ng magkarelasyong halos umabot ng 2 years pero walang sabi-sabi iniwalan na lang, nakipagbreak nang walang iniwang dahilan.
Some say parang totoo, at base sa experience ng author. Well, true to life nga iyon pero di ko na kailangang aminin sa kanila. Na ako ang talagang sumulat ng kwentong binasa ko sa kanila. Ang drama nga ng kwento, aminado ako.
Si Case lang ang hindi ko masabihan, di ko matingnan nang diretso. Ang awkward kasi e dahil sa nangyari dun sa hotel.
"ok, class dismiss, thank you class," sabi ko pagkatapos ng isang oras na lecture, at pagbibigay ng takdang gawain paalis na ko nang biglang lumapit si Cassandra, lunes na lunes di ba, kababalik ko nga lang ng eskwelahan after ng long week vacation ko, este sick leave..
"sir mamya po, aalis sila tita manda e, wala pong magbabantay kay ate kristina, pupunta po ako ng ospital, baka po gusto niyong samahan ako uli,"
Napatingin ako sa ibang estudyante ko, halaa. Baka kung anong isipin pa nila, "pasensya na muna case, marami akong gagawin e,"
"next time," tapos umalis na ko. Kelangan kong iwasan muna si Cassandra, baka
1 message receive. From Hitler Girl: sir, i lub you po XD!
Ay! potek lang,Hitler girl kang talaga, ganyan ka ba pumatay ng tao?
Sumasakit ang puso ko. Takte lang talaga! Bakit ganito yung pakiramdam. Ang sakit.
Reply ko: mauna ka na sa hospital, sunod na lang ako
Bakit kasi e, awkward! Kahapon lang yun nangyari,
Awkward moment, dalawa lang kami sa room ng Buddha hotel.
That, kiss.. Is not simply a kiss.. It brokes the wall in our dimension..
Nagsimula yun sa halik..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento