Nobela1 | Daigdig ng Tag-init
11. Onse
Bato- bato pik
sa saliw ng pangwakas na awit
Chum: 1 bottle mineral water/
Isang buntong hininga nang matiyak kong nakauwi na nga siya. Napatingin ako sa langit. Walang mga tala, walang mga ulap. Wala lahat.
Napatingin ako sa paligid, pinagala ang paningin sa kung saang kayang marating ng paningin. Nagmasid-masid. Maingay ang pag-alog ng tambyolo mula sa harap ng bahay nila Wilma. Umpukan na ang mga tao sa kanya-kanyang session sa bawat lamesa; sa kabilang banda, nagsasara ng beauty parlor si ate Kris -na dating siga, pero noong iwanan ng asawa ay naglaro na ng manika; katabi nun ang karinderya naman ni aleng Pilar na kanina pa bugaw nang bugaw ng langaw gamit yung manipis na istik ng kawayan na may nakatali sa dulo na ginupit-gupit na plastik bag –nilalangaw na siguro ang mga tinda niya; at sa katabi banda ay yung langaw at bangaw sa garbage bag na bitbit ni aleng Bebe. Tiyak nang deretso sa tabing ilog yung basura nilang hanggang dito sa amin umaabot ang bango ng alingasaw; sa tapat naman ng bahay nila Jessica, paparada pa lang yung tricycle ni kuya Monching. Pagarahe na sa tapat ng kanilang tinda-tindahan; habang takaw pansin naman ang mga pakendeng-kendeng na lakad ng mga wow sa hubog ng katawan. Saglit na natuon ang paningin ko sa kanila: ayus sa micro-mini-skirt na tinernuhan ng pang-itaas na masikip na tube na tanging pumipigil sa pagluwa ng kanilang mga dibdib. Puno ng kolorete ang mga mukhang pinaputi at pinakinis ng facepowder –ang residente ng pugad-langaw na nagbibigay aliw sa mga nais maaliw, mga parokyanong nais magpalipas ng gabi sa kanlungan ng mga anghel na ang hatid ay langit. Kapag nagkapera ako, papasok ako sa isa sa mga kwebang iyon na puno ng patay sinding ilaw. At para masaksihang muli ang misteryosong big night show tuwing holidays at holyweeks.
Yung mga extreme na palabas: yung mga naglalagablab na apoy sa kamay ng mga babaeng gumigiling-giling; yung mga lumululon ng espada. Sana madama ko rin yung pakiramdam na sayong espada naman yung nilululon; yung magic. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung ano kayang misteryo ang nasa likod ng pagkawala ng perang papel na iniipit sa bibig ng mga bote habang may gumigiling pababa sa ibabaw ng lamesa. Misteryong nais ko ring masaksihan nang harapan. Makita ng mga mata ko rin mismo. Wala na ang mga babae. Busog na ang mga mata ko pero mukhang bitin ang isip.
Sa pagpinid ko ng pinto, unti-unting bumubukas ang ilaw ng entablado sa aking isipan. Dumiretso ako sa banyo, isinara ang pinto. Ni-lock. Sandali akong napatingin sa bowl, at naalala ko (o pilit kong inaalala) ang pwesto niya roon. Ang bahaging iyon ng kanyang maputing hita at unti-unting nagiging kabuuan. Ang batang iyon sa pag-indayog ng balingkinitang katawan, may malusog na dibdib –may potensyal siya.
Napapailing tuloy ako, kinakawag-kawag ang ulo sa imahinasyon gumuguhit sa isipan. Ayaw mabura. Pinulot ko ang mabangong sabon sa sahig. Madulas at mahirap hawakan. Pumiglas, ngunit nadampot din. Nagsabon sa mukha, mga ilang pahid. Ilang pagkuskos. Binuksan ko ang gripo at sumirit ang tubig mula roon. Malakas ang bagsak ng tubig sa balde. Pinatagal ko ang sabon saking mukha. Nakakangalay. Naupo ako sa trono. Nagmuni-muni. Hawak ang sidron kahit wala ang paboritong kalatas ni bathalumang Approdite ng Romanya. Pero biglang nabasag ang saglit kong katahimikan nang narinig ko ang alingawngaw ng speaker na nagmumula sa katabing bahay. Nagpi-feedback. Masakit sa tenga, garalgal pa ang tunog nito. Maya-maya’y tumugtog ang isang pamilyar na kanta ng namayapang pop icon na si M.J –yung kantang ‘Yesterday’.
Isang buntong hininga, pinatugtog na naman ng pasikat na kapit-bahay ang bago nilang component. Mabuti na lang ay paborito ko yung kanta. Ang kanta ni pop idol Michael Jackson, na pinagpasa-pasahan ng mga nahilig sa pop songs ni M.J, na nagkaroon ng iba’t ibang bersyon. Mga humigit kumulang 2,000 na interpretasyon ng mga kilala at hindi kilalang artists. Yung kantang iyon na una kong narinig sa tricycle ni kuya Monching. Malakas na sound-trip habang nakasakay ako sa loob ng kanyang tricycle habang dumadaan kami sa lubak-lubak na daan.
Para akong napapaindak noon dahil sa kanta o dahil na rin sa lubak-lubak na dinaanan namin. Yung lubak na halos nang-aalog ng buong pagkatao, na para akong itlog na binabati sa isang bowl o parang ako yung nagbabati ng itlog. Ganoong pakiramdam. Nakatatawa at nakatutuwa na habang nakaupo sa trono –hindi yung pakiramdam na may background song na M.J. siguro ay yung pakiramdam na may dinadaanang lubak yung sinakyan kong tricycle ay para akong itlog na binabati o yung taong nagbabati ng itlog.
Umaapaw na yung tubig sa balde nang may kumatok. Pigil ko bigla ang salita. Si Tatang, naisip ko.
“may tao?” Katok nang malakas. Nakilala ko yung boses. Hindi pala si Tatang.
“walang tao!” Sigaw ko. Si Dayang ‘yon, ang isa sa tatlo kong kapatid na babae. Pinihit ko ang gripo.
“bilisan mo kuya, naiihi na ako,” mula sa labas ang tinig, natiyak kong naroon na nga silang tatlo. Kakauwi lang galing eskwelahan. Ibig-sabihin pasado alas-sais na. Ayus, wala pang pang-hapunan. Toka ko ngayon ang pagsasaing.
“sandali. Patapos na ko!” Ayus talaga. Agad ang pagtayo ko sa bowl. Dali-daling nagbanlaw. Banlaw. Bumaling muli sa bowl.
“bilis kuya! Sasabog na pantog ko!”
“oo na, saglit!”
Nagmadali na ko. Narinig ko pa yung pagbulusok ng tubig nang ibuhos ko ang isang timbang-tubig. Umiikot ang kung ano. Ikot. Ikot. Ikot. Ayaw lumubog. Buhos uli. At Ayos! Lumabusaw. May tumilamsik… dumampi sa paa ko. Mainit-init.
*wakas*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento