Nobela2 | The Hitler Girl I Know
17. Doll feelings
[Cherryl point of view]
"miss nurse, kapag namatay ako, pwede bang i-donate ko 'tong puso ko sa ibang taong nangangailangan.."
Tinignan lang ako ng nurse, naaawa na siguro sa kalagayan ko. Andrama ko naman kasi e, bakit ba ko ganito. Bakit kasi ganito ang story ng buhay ko, pang maalaala mo kaya o pang magpakailanman.
Parang nasa shooting na nga ako e, nasa loob ako ng kwartong ito ng hospital. Kausap ang nurse na nag-aasikaso sakin, si nurse jes.
"hindi ka pa mamamatay ano ka ba, bakit pa kami nandito? Bakit pa may gamot tsaka doktor?" gusto ko na namang maiyak. Kanina pa ko drama aktres dito.
"Miss Cherryl, kasi di kami nawawalan ng pag-asa na gagaling ang mga pasyente namin, gaya mo, " Hay! Pati tuloy si Nurse Jessica napapadrama na rin.
"hindi sa nawawalan po ako ng pag-asa, salamat po sa inyo.. Pero, kung di po ako makaligtas ang operasyon, kayo na pong magsabi ha,"Anu ba yan! Lahat na lang ata ng tao napapaiyak dahil sakin.
"mam, nurse wag po kayong umiyak," nagpahid ng luha ang Nurse ko, at hinawakan ang kamay ko,
"maraming nakakaligtas sa ganyang sakit," sana isa ako dun, kaya lang...
"Mama ko po namatay din sa Brain cancer e, kaya tanggap ko na po naman e. Tsaka nagpaalam na po ako sa mga mahal ko, salamat po sa pagpapalakas ng loob ko," Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Nurse Jes,
"pero, seryoso po iyon, ido-donate ko po ang puso ko," umiiyak na naman ako, ano ba yan! Pagod na kong umiyak e.
"utak ko lang naman po ang di na mapapakinabangan di ba?," dahil may sakit ako ng pagkatanga. At walang gamot sa sakit na 'yon.
"kaya lang, second hand na po itong puso ko, tsaka may laman po 'to," at hindi na mawawala si Mikko dito sa pusong ko kasi alam ko,
"..ayaw niyang maalis e, ewan. Naka-stock na po siya dito e, sa puso ko, si mikko ko, hindi na yata aalis dito, kahit kailan, kahit pa na ma-donate ko ito sa ibang tao, tiyak ko pong titibok lang 'to para sa kanya,"
"may boyfriend ka?" di ko alam isasagot kay nurse Jes, nakipag-break na ko sa kanya, at antanga.. Ang tanga-tanga ko para gawin yun. Mahina kasi utak ko e, damn mind.
"Che, siya ang gawin mong inspirasyon para mabuhay... para magkaroon ng mas malaking pag-asa, mabuhay ka para sa boyfriend mo,"Nurse jes, Huli na! Pero kung pwede kong hilingin yun bakit hindi, kaya lang...
"nasaktan ko siya, iniwan ko po siya para di na siya masaktan, pero ang bobo ko po talaga, mas nasaktan ko po ata siya," anu ba 'to. Hindi ko na maintindihan mga sinasabi ko. Miko...
"nakipagbreak ka na sa kanya?" break??
"hindi lang po ata basta break yung ginawa ko, hindi ko alam kung tama po yung ginawa ko, pero kasi, kasi po, ayaw kong mas masaktan siya kapag nawala na ko,"
"alam mo po, panatag akong aalis sa mundong 'to," Mahal na mahal ko si Mikko, siya lang ang minahal ko nang ganito, pero "mas mabuti na pong palayain ko siya.. Sa bago niyang mahal. Mas mabuti na po iyon," mas mabuti na yon kay Mikko, at dun sa mahal niya.
"Iniwan ka niya sa kalagayan mo?" hindi po siya, a-ako-
"hindi niya po alam ang sakit ko, hindi po siya ang nang-iwan, ak-ako po. Tsaka nakapag pasya na po ako,"Na ipagkatiwala siya sa babaeng maaring pumalit sakin, mag bigay ng hindi ko na maibibigay pa kapag nawala na ako.
Naaalala ko pa... kung anong binilin sa babaeng yun,
"please, Cassandra, take care of his heart," nakikita ko sa mata niyang trustworthy siya. Kaya kahit masakit, maganda si Cassandra at prangka.
"he deserves to be happy," mahal ko si Mikko, pero alam kong darating ang araw na masasaktan ko siya. Mahal ko siya kaya hindi na ko nagdalawang isip pa.
Si Cassandra, nag confess siya sakin, I never knew this girl pero kilala niya si Mikko nakipagkita siya sakin sa isang mall at "ayaw kang saktan ni Miko, kaya hindi niya masabi sayo, may bago na siyang mahal, at ako yun," sa sinabi niyang yun sakin, parang pinana yung puso ko, tagos-tagusan, pati nerve ko sa utak, parang sasabog. Totoo ba yun? Hindi ko man lang naramdaman, ang tanga ko talaga.. At alam kong kasalanan ko 'to..
"hindi sa nanunumbat ako, pero.. Ako ang nagpuno ng pagkukulang mo, hindi 'to kasalanan ni Mikko, dahil unang una. Ikaw ang nawalan ng oras para sa kanya, may iba ka na bang mahal?" sabi ng babaeng yun? Sino ba 'tong nasa harap ko, para pagsalitaan ako? Bakit nakakapagsalita siya nang ganito, talaga bang may iba na si Mikko?
Kasalanan ko?
"nagkulang ako sa kanya, i admit it, pero wala akong iba," ayokong makipagtalo, masyado pa kong mahina, kagagaling ko lang sa hospital para sa CT scan ko,
Tsaka, dahil sa sakit ko, lumayo sakin ang loob ng mahal ko, at nandito sa harap ko ang babaeng ito na pumupuno sa pagkukulang ko. How dare you.
Umiiyak na naman ako,
" i have only my favor, please take care of his heart." pakiusap ko sa kanya,
"He deserves to be happy," tama lang ang magiging desisyon ko,
"Cassandra.." but i need make sure,
"do you love him?"
"Do you really love him,"sana nga tama ang desisyon kong layuan na lang nang tuluyan si Mikko at ipaubaya siya sa iba. Cassandra, i don't know ur motiff of telling me this.
"answer me please-"
"No need to answer this, it's so hard for me to tell you this, but i want to be true to myself, kung di hindi mo na siya mahal, ako mahal ko sya-" seryoso ang babaeng 'to. Sa mga mata niya, nakakatawa para kong nakikita ang sarili ko sa kanya. Parehas naming mahal, mahal na mahal si Miko.
"love him more than how i love him,"
***
Alam kong mas sasaya siya kung iiwan ko siya makakalimutan niya rin ako balang araw kahit na, masakit "aaahh, ah..." na yung kirot parang binibiyak yung bungo m "aaahhhh, awwww" binabarena sa sakit yung utak ko,
"m-miss Cherryl, miss, dooc, doc ang pasyente po," nurse, wag mo nang tawagin ang doktor. Ayos lang ako, "aaaahhhhhhrgg", please, pipikit ko lang 'to, aargghh, dont panic po, "doc ang pasyente po,"
"ate che, ate che-che kooo", si Intoy ba yun.. Teka, "intoy" Intoy, huwag kang iiyak, huwag-
"strecher please, please! You keep out. Labas ka muna," doc, ansakit. Intoy.
"ateeehhhHH," Intoy tahan na,
***
Manhid ang buo kong katawan and my heart beat, slowly factioning in abnormal rate. I see a shadow, illuminating the light, someone calling my name. Narinig ko ang boses ni intoy... Intoy, mabait kang bata. Huwag kang gagaya sa masasamang tao ha,
[INTOY's POINT of VIEW]
"papasukin niyo ko ano ba!!" letse kayo, ate kong nasa loob, parang awa nyo na papasok,
"bitaw, papasok ako, ate ko pong nasa loob!" bakit ba ayaw niyo kong papasukin?
"hindi nga pupwede!! Bawal pulubi dito" putaragis kayo, "aarggggg" sige, putaragis ayaw n'yo kong bitawan ah, sige, "hindi kita bibitawan,"
"ARAARRRAAAYYY!!!" ayaw mo ah. Ang kunat ng tenga nung gwardya na yun, pwee! Anpait, me luga pa ata.
Teka, nurse na nakaputi, nurse, kailangan kong malaman kung saang kwarto dinala si ate Cheryl ko,
"Nurse! saan pong ate ko, si Cheryl pong pangalan yung..." putaragis,
"si ate cherryl po, saan pong kwarto nya?"
"bata, punta kang reception, dun ka magtanong-" ang bobo mo. Nurse ka paman din dito sa hospital nyo! Bulok.
"HOOOYYYY!! " naloko na, putaragis, pumito pa si manong guard. Bakit ba ang hihilig ng mga 'to sa habulan, putaragis di naman manalo nalo!
"tigiill!!" bwiset,
"PADAANNN!!," andami pang haharang-harang e, bwiset,
"TABEEE!!" sige humarang giba, may humahabol saking tukmol na guard. Paikot-ikot na ko ah. Ang daming kwarto kasi, ate Cherryl saan ba yun.
" AAAAHHHH" boses, yung sigaw, boses ni ate che yun, narinig ko yung boses ni ate Cherryl ko, "DOC, DOOC" dun sa isang kwartong pinasukan ng doktor, teka,
"atee che, Si ate cherryl yun," boses ni ate Cherryl yun. Doon sa kwarto,
"tabi-tabi, papasok ako. " nakaharang pang mga nurse, putaragis naman oh. Tabe na kasi!
"bawal dito, nurse strecher, sa emergency room, faster!”
si ate che nga, hiniga sa kamang may gulong "ATEE"
"PUTARAGIS KA!!"
"PINAHABOL MO KO, WALANG 'YA KA!" bitaw, puta. Hinawakan ako bigla ng pulis. Si ate cherryl, kelangan ako ni ate che,
bitawan mo ko,
"BAWAL PULUBING MAGNANAW DITO SABI E!" hindi ako pulubi, gagoo pala to, bitaw! ayaw mo kong bitawan! putaragis ka, akin na ngang baril mo,
Paghablot ko ng baril, biglang pumutok. Isang alingawngaw ng putok, teka, hindi, "aaahhh," hindi, pumutok, dugo, putaragis kasi pumutok ang baril at tumama ito sa isang gwarya, nanginginig ako.
"HOOY!!" sa likod may isa pang pulis, putaragis na mga buwaya kayo, ate cherryl, babalik ako. Babalikan kita,
"I-intoy?" tawag? ako bang tinawag, sa kwarto dun sa pinaglabas ng mga doktor tsaka kay ate cherryl, isang nurse, hindi kita kilala putaragis..
"BITAWAN MO YANG BARIL!!" teka, hindi ko sadya toh,
ayoko nang tumakbo, pero, si ate Cherryl, kailangan niya ko, "HOY!!!"
"PUTA!! TABI TABI!!" tumatakbo na naman ako, may humahabol na naman sakin bigla akong natumba nang may pumatid sakin, paglingon ko nakita ko si Mr. Kurbata,
"ikaw na naman!!” bakit ba lagi 'tong nakaharang sakin?“bitawan mo koo," bwisit kang kurbata ka, "bitiwan mo ko!!" Ba't pati dito Mr. Kurbata! Bitiwan mo ko!! Gagoooo ka!
"hindi kita bibitawan!! andami mo nang atraso sakin!" ikaw ang madaming atraso sakin, "puta ka, bitaw,"
"aawww," tagiliran ko puta, ang sakit... yung pulis sinakaran ako sa tagiliran. taama na!!
"huwag nang pumalag, put-!" ate cherryl, babalik ako. Babalikan kita,
"TARAA NA! Huwag ka nang pumalag Intoy!" sinakay na naman ako sa mobil, wala na, bartulina na naman ito! Aahhh. Wala ng maglalabas sakin sa kulungan, patay na si master, ang malas,
"tatakas ka pa intoy, di biro ang tinira niyo ng master mo ha," pag nagkataon lang ako, pati ikaw titirahin ko, babasagin ko bungo mo! dapat di ko hinagis yung baril e,
"dyan ka! wala nang tutubos sayo, niratrat na namin katawan ng master mo,"
"raratratin ko din panti ng nanay mu!! mga putaragis kayo!," mga walang kwentang batugan na parak!! Wala kayong kwenta! Mahihina lang kaya niyo!
"bastos ng bibig mo ahh!" sige! bugbugin niyo man ako, gagoo kayo hindi niyo ko mapapapatay,
"aah..." tamaaa na..
"tsuu!" hehe, "gago kang bata ka nandura ka pa!"
Aaahhh, kahit anong gawin nyo, hindi ko na iniinda, "dyan ka! mabulok ka dyan! bukas silya elektrika ka Intoy, malas mo lang, Mag nobena ka ng dasal, baka sakaling pagbigyan ng panginoon mong dyablo, hahahah,"gago ka! Ikaw ang diablo, pero di ako magdadasal sayo.
"bartolina, putah! Nandito na naman ako... putaragis. PUTARAGIS KAYOOO!! " hindi na umiiyak si intoy pero... pero kasi e,
"si ate, Che, si master din, puta.. Kasalanan ko to, kasalanan ko to e. Putah, pumalpak ako, si master, " paglabas namin sa bangko, siyang niratrat ng swat. Pinaulanan ng bala yung katawan niya
"Anggago mo intoy", naduwag ako! Gago ka Intoy! Hindi mo binaril yung SWAT! Binitawan ko pa yung sako na may lamang pera, putah, pinaghirapan yun ni master e -ng tatay ni ate Cherryl, para yun sa pampagamot ni ate Cherryl! Kagago ko! Waaahhhhh!
Panggamot yun ni ate che e. Putaragis! Ate Cherryl, patawad po, binigo ko kayo ng tatay mo, ni master, patawad te chee, umiiyak na naman si intoy, nakakahiya ako!
ATE CHERRYL patawad po...
***
"intoy ayokong masayang ang buhay mo," handa kong mamatay ate cherryl, mapagamot lang yung sakit mo, opera ba yung paraan para gumaling ka lang,
Wala akong kwenta, di niyo ko kaano-ano pero kinupkop mo ko. Nawalan ako ng malay sa kalye noon, kayo lang ang pumulot sakin, sinakay sa fx taxi nyo. Kala ko mamatay na ko, gusto ko nang mamatay rin nun,
Inalagaan niyo ko... Pero ito lang ginanti ko sa inyo.
Naging maayos ang lagay ko, "lumayas ka na! Hindi ka na namin responsibilidad ngayon," sigaw sakin ni master noon, pero nagpapasalamat ako sa kanya, kahit pa mainit ang dugo niya sakin,
"tay, wag niyo nang palayasin si intoy, mabait po si intoy," ang pigil sakin ni ate Cherryl noon,
"HINDI!! LUMAYAS KA!! Lumabas ka! Wag ka nang magpabigat sakin,"
"tay, ako?? pabigat po ba ako sa inyo? Dalawa na lang po kami ni intoy ang aalis, para wala na po kayong pabigat!" inawan siya ni ate Cherry, wag mo na kong pagtanggol, aalis na lang po ako...
"anak!!" master salamat sa kabutihan niyo noon.
"TAYY kung paaalisin niyo si Intoy, pati ako aalis na rin!" si ate che, siya ang tagapagtanggol ko. Mula noon nang tinaggap na ko ni master, ansaya ko, kasi parang nagkaroon ako ng bagong pamilya. Namatay ang buo kong pamilya, pero pakiramdam ko nabuhay uli sila, si ate cherryl, parang nabuhay sa kanya ang ate ko, ang kapatid ko.
Pero, ako atang malas. Ako atang malas, nawawala lahat ng nasa paligid ko, kasalanan kong lahat ng ito. Waaaahh! Ate cherryl, babalikan kita sa ospital. "diyos ko, pagalingin mong ate ko! Paki naman! Parang awa nyo na! Kahit nang buhay kong kapalit!! Wag lang si ate che! Wag lang siya!!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento