SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

29. IS IT A big JOKE?

Nobela2 | The Hitler Girl I Know

29. IS IT A big JOKE?
[NORMAL Point of View]

Patayo na ng hagdan si Mikko dahil ubos na rin yung kape niya, ay siya namang dating ni Jessica,
"Uy, tatang! tatang nandito po si Jessica," kaya lang mukhang biyernes santo ang mukha ng matalik na kaibigan,

"bes, napadalaw ka me problema ba, tara pasok," inalalayan ni Mikko si Jessica papasok,
"iha, kamusta ka na, naku anlaki laki mo na nga, " nagmano si Jessica doon sa matandang iika-ika.

"matagal ko nang sinasabi dito ke Mikko na yayakain ka naman dito sa bahay e,"
"pasensya na po e nalipat po kasi ako nang department, tsaka nawala po yung contact ko kay Mikko,"
"sige upo ka muna iha, teka," lumapit si Mikko kay tatang at nagpabili ng miryenda.
"tatang wag na po, k-kasi," biglang nalungkot ang mukha ni Jessica

"Miko, ka-kasi may mahalaga kang dapat malaman," napahinto sila sa kung anumang dalang mensahe ni Nurse,
"Mahalaga? ano naman yun?? mukhang bad news yan ah," pinipilit ni Mikko na maging cool kahit parang may hinala na siyang masamang balita ang dala ng kaibigan.
"napaka importante... pero bago yun, Mikko may tatanong lang ako-" tahimik ang lahat.

"M-may relasyon ba kayo ni Cassandra?" napasingkit lang yung mata ni Mikko, ano namang problema niya kay Cassandra?
alangan naman ang sagot ni Mikko," e-estudyante ko si Case, bes deretsuhin mo na nga ko,"
"Alam mo bang si Cassandra ang dahilan kung bakit nakipagbreak sayo si Cherryl?" malinaw na narinig ni Mikko kung anong sinabi ng nurse,
"teka, hinay-hinay, bobo lang ang kalaban... ano uli? si Cassandra ang??"
"Mikko, siya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sayo si Cherryl," baka mahina ang signal ng blutooth, mabagal ang loading ng meaning ng narinig ni Mikko,
"kilala mo si Cherryl? t-teka... paano,"
"Si Cherryl, wag kang mabibigla, bes akong nurse niya ngayon... at bu-bukas ang-ikalawa niyang operasyon,"
tahimik ang paligid, walang ibang ingay... mukhang lahat ay natutulala sa sinasabi ng Nurse, pati manok huminto muna sa pagtilaok, walang asong kumahahol o palakang nagkokokak, seryoso ang lahat "hehe, is it a joke? hindi ka mahusay mag joke, si Cherryl ooperahan?? ano ka ba?!" tumayo si Mikko, pumunta sa sala kumuha ng malamig na tubig at uminom namumutla si Mikko, pinagpapawisan nang malapot dahil sa nakawiwindang na balita ng nurse.
"Mikko, may brain cancer si Cherryl at..

That's a joke, tell me your just kiddin-” ayaw maniwala ni Mikko sa mga narinig. Iiling-iling siya, hindi, hindi totoo yun!

Mikko sorry, pero bukas ooperahan siya,
bubuksan ang ulo niya-" umiiyak na ang nurse habang sinasabi ito kay Mikko.
"shet- SHEEEETTT!!!" biglang napasigaw si Mikko.

"DAMN BES, KELAN PA 'TO?? BAKIT NGAYON MO LANG SINASABI??? PUT- AHHHH!!"
nilapitan ni tatang si Mikko, "Mikko, hinahon lang, walang magagawa yang pagsigaw mo," makikita mo ang galit sa nakakuyom na kamao ni Mikko.
"Miko, kasi... ayaw sabihin ni Cherryl kasi-"
"JESS, ANO BA!! MAHAL KO SI CHERRYL, AKO LANG ANG PINAGKAKATIWALAAN NIYA! ako lang..."
"BALIW KA MIKKO! Iniwan mo yung tao e, para sa iba mo -para dun sa Cassandra mo!"

"Teka.. hindi. Wala kaming relasyon ni Cassandra," gulong gulo na ang isip ni Mikko, ano bang kinalaman ni Cassandra?
"Hindi yan ang alam ko... bes, pinagtapat sakin ni Cherryl na si Cassandra ang dahilan ng lahat -kinausap ni Cassandra si Cherryl para sabihing -" lumapit si Mikko sa nurse na lumuluha
"sabihin na ano?" inaalog niya sa balikat ang kaibigan, "SABIHIN NA ANOOO??!"
"na hindi mo na mahal si Cherryl, na may iba ka na... at yung batang yun, ang pinalit mo sa kanya,"
"WHAAAAHH!!" Paulit-ulit na sinuntok ni Mikko ang pader, at tumigil lang nang mapagod at magdugo ang kamay.

"kinausap ni Case si Cherryl, para sabihin ang kasinungalingan na yan?!"
"Mikko mahal na mahal ka ni Cherryl pero iniwan mo siya, sa oras na kailangan ka niya -asan ka ?"
"TAMA NA NGA!! WALANG KATOTOHANAN YAN!! HINDI KAMI AT KAILANMAN HINDI KO INIWAN SI CHERRYL,"
"HINDI!!! HINDI KO SIYA INIWAN!! PUT@H! BAKIT NIYA GINAWA YUN?!! wala siyang puso!!
WAAAAAAAAAAAAHHHH!!" sinipa niya ang lamesa, at nagkalaglagan ang mga nandoon. Nabasag ang mga baso at plato.
"Mikko ano ba!!" pilit inaalo at pinapakalma ni tatang ang nagwawala.
"Dati pa ba? pinaglalaruan niya ba ko?? Arrrgghh!!"

"Miko, tama na! walang mangyayari sa pagwawala mo," pati si tatang tuloy umiiyak na dahil sa patuloy na pagwawala ng anak.
"MIKKO TAMA NA YAN!! MAS KAILANGAN KA NI CHERRYL NGAYON!!
hindi ko alam kung magiging succesful pa yung operasyon," napahinto ang nagwawala. operasyon? kailangan siya ni Cherryl ngayon.
"A-asan siya?? bes samahan mo ko, kailangan niya ko," kaillangan niya ako, sinasabi ni Mikko sa kanyang sarili. Kailangan niyang puntahan si Cherryl.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...