SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Sabado, Oktubre 3, 2020

REJECTED


REJECTED
(Bible)

"I am a rejected man but see how this natural state of every people turned into a big challenge for me who never quit!"-donfelimonposerio


                    Hindi lahat mapi-please mo. Maaaring yung iba tatanggapin ka, paniniwalaan ka, pero di mo maiiwasang may magre-reject sayo, hindi ka tanggap, busted ka, hindi ka paniniwalaan -in short, certified rejected.

Lagpas na sa mga daliri ko sa dalawang kamay ang bilang ng mga babaeng nambusted sakin noon. Masakit? Oo, syempre naman! asuming ba naman e. Ang mali ko siguro e masyadong mataas ang standard ng mga babaeng napupusuan ko. Since everyone looking for perfection in their life or at least almost at the rage of their standards -kaya ako ang rejected madalas, kasi nga aminado akong hindi ako aabot sa pamantayan nila. Pero hindi parin ako huminto, sabi nga 'try and try until you succeed! pero hindi na sa panliligaw kundi sa bawat hamon sa buhay!

Kapag nare-reject ako, oo, nakakadismaya, syempre masakit talaga, nakakawalang gana, nakakastress and worst? Mag-nervous breakdown ka! o mag-commit ng suicide.
kahapon nabasa ko yung balita tungkol sa batang uminom ng zonrox dahil sa nalamang nagpo-prosti ang nanay niya. Ayon, 50-50 siya pagdating sa hospital. Nang tinanong ng midya kung bakit siya nagtangka -ay dahil raw sa pang-aasar ng kanyang mga kaklase "na anak siya ng isang prosti!"
napakaraming kaso ng ganito, na dahil sa nararanasang rejection sa lipunan ay nasisira ang buhay, nagpapakasama, nagpapakamatay, nagiging rebelde, nagiging maramdamin at bumababa ang self-esteem.
Maraming napapabilang sa mga samahan ng mga rejected, "sovereign group of rejected one," mga kasamahan ni Hanamitshi Sakuragi -ang no. 1 busted pagdating sa mga babae. pero ang no. 1 busted na ito ang naging hari ng rebound, ang nagiging alas ng basket ball team ng syohoku -sa cartoon film na Slamdunk.

In real life, minsan kung sino pang mas maraming rejection ay iyon pang nagtatagumpay sa huli. Dini-discriminate noon, hinahangaan ngayon; binabalewala mo noon, hinahangaan at hinahabol mo ngayon.
Grade 1 ako dati ang taas ng tingin ko sa sarili ko -dahil ako ang pinakamatangkad sa klase, pero pagdating ng grade 4 -ang taas na ng tingin ko sa mga klaymeyt ko -tinitingala ko na sila -nagsitangkaran sila at ako? Consistent! hindi man lang tumaas kahit ilang sentimetro, naging grade 5, grade 6 -wala na talagang nadadagdag sa height ko at ang nakatutuwa, patuloy sa pagtangkad ang klasmeyt ko nung gradeschool ako. buti na lang noong ako pang mas matangkad sa kanila e wala akong binubully ni isa sa kanila, dahil andami pala nilang mambu-bully sakin kung nagkataon.

Na-realize kong hindi pala dapat talaga nangmamata ng tao -dahil hindi mo alam ang mangyayari balang araw. kung minamaliit mo ang mga bata sa ngayon dahil ang tingin mo ay mas may edad ka na. Asahan mong darating ang araw ay ikaw naman ang mamaliitin ng mga batang iyan, dahil sila naman ang tatayo sa pwesto mo -at ikaw ay tatanda at lilipasan din ng kalakasan, magiging matandang hukluban ka!
Tingnan mo si David - isang batang tagapag-alaga ng mga tupa pero nang nakipag-alaga ng mga tupa pero nang nakipaglaban siya kay Goliath at nanalo ay naging hari siya ng Israel.
Noong una, natatawa lang sila kay David, "Isa ka lang bata, hindi ka pwede dito! mag-alaga ka na lang ng tupa! hindi mo kakayanin si Goliath, ang laki-laki niyan!" nire-reject siya pati ng kanyang mga kalahi.
But this rejected man was exalted by God! It is written, pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. 28. pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga at walang kabuluhan sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang mga itinuturing na dakila sa sanlibutan. (1 cor. 1.27.28)
Nakakahiya nga naman kung yung dati mong nire-reject ang siyang magre-reject sayo? mas masakit iyon di ba? kaya nga kung tunay kang marunong -magha-humble down ka e, kasi alam mong hindi mananatiling bata ang mga bata -dahil tatanda din sila. ang mahihina ay maaaring maging malakas, ang mahihirap ay may kakayahang yumaman kung gugustuhin. Ang mga rejected ay maaaring man-reject balang araw.

sabi nga, no one is perfect! kaya huwag basta-basta magju-judge ng tao.
Hindi siya maaaring maging perfectly weak -o may perpektong kabobohan, perpektong katangahan, perpektong kapangitan -no one is perfect! ibahin mo ang pamantayan mo sa buhay. Consider people's imperfect qualities, ang kakulangan, at weaknesses ng tao.  Lahat naman tayo ay may kahinaan, at bandang huli mare-realize mong wala ding halaga yung pamantayan mong sinusunod sa buhay.
Kahit na sabihin mong ikaw na ang pinakamayaman, ikaw na pinakamatalino, kamukha mo na si haring Solomon sa bible -one of the richest and wisest man in the world in his time - pero bago siya mamatay sabi niya "vanity oh vanity, everything is vanity,"
galing yan kay Solomon, wala raw kabuluhan ang kanyang kayamanan, ang kanyang karunungan. why? bakit kaya? sapagkat nakalimutan niya si God! naimpluwensyahan siya ng kanyang 700 na legal na asawa at 300 na kabit (na may kanya-kanyang diyos na sinasamba) unknowingly he rejected God, what's the will of God in his life.  Sa bandang huli, God rejected him. That's the reason why he said that everything is vanity. kasi tanggap ka nga ng lahat, tinitingala ka ng lahat, pero rejected ka naman kay God, wala rin! gaya sa pamilya, kahit na ikinararangal ka ng ibang tao, pero hindi ang magulang mo e parang balewala din.
Mas mabuti pang isang mahirap pero may Diyos ka; Mas mabuti pang isang mangmang pero may Diyos ka, sapagkat iba ang pamantayan ng Diyos. Kung sa pamantayan ng iba ikaw ay rejected, sa pamantayan ng Diyos you are exalted!
Bakit? ano bang pamantayan ng Diyos?
              Kung ang tao ay may sariling pamantayan sa pagtanggap ng kapwa- gayon din ang Diyos -ngunit hindi siya sa mukha lang nakatingin, kahit na anong hitsura mo -wala siyang requirement na para matanggap ka ay kailangan you have a pleasing personality. At hindi sa utak, or sa I.Q mo, sa taba ng utak mo Siya nakatingin (na dapat kahawig mo si Einstein) dapat certified gifted child ka at ang ulo mo'y kasing taba dapat ng ulo ni Jimmy Neutron.
Sa puso nakatingin ang Diyos? pinili ng Diyos - si David na isa lamang pastol -na sa panahon niya ay pinakamababang uri ng trabaho.
Sa puso nakatingin ang Diyos, kahit na ikaw na may pinakamatabang utak ngunit hindi ayos ang puso mo -then you are rejected by God.
Kaya kung tayo man ay nakatanggap, nakararanas ng rejection, be still! huwag tayong mawalan ng pag-asa, wag kayong magpaapekto. Ano naman kung ayaw niya sayo? Ano naman kung nire-reject ka ng tao? you cannot please everybody -know what is more important and that is how you pleases God.

We may notice, between the professional preachers and eloquent speaker -are they the same? Even though they are speaks about same verses -or about bible?  It has a big difference -some speakers rely on their own ability -in their mind, but the true preacher relies on power of God, on the Holy Spirit that helps them to deliver the message of the Lord.

Imagine, even satan uses verses, scriptures. They know God too; pero God knows what's in their heart! alam ng Diyos ang nasa puso ng bawat isa sa atin!
kapag ang pamantayan mo sa isang tao ay hitsura at utak lang -mapapahamak ka! Look at their heart, ano ang desire ng kanilang puso. Anong nasa puso ng isang tao?
kasi kapag mayaman ka - hirap paniwalaan ng isang mahirap sapagkat angat ka sa kanila. kung ikaw ay taong matalino -ang hirap paniwalaan ng isang taong sa palagay mo'y mangmang -sapagkat angat ka sa kanila! Sapagkat iba ang pamantayan mo! That’s the reason why we rejects people! paano ka nga naman maniniwala sa taong average lang -e above average ka?
Mayaman sila -paano sila maniniwala sa isang mahirap na preacher?? kaya nga karaniwan sa mga Christian churches ay mga mahihirap. mas maraming mahirap kaysa mayaman. (When talks about economical)
Madalas, ang mayaman dahil may pera -may option pa siya  sapagkat may inaasahan pa siya -ang kanyang yaman. Pero ang isang mahirap dahil sa kawalan -mas nagiging masunurin, sapagkat kung mawawala pa ang Diyos sa kanila ay wala nang matitira para sa kaniya. sapagkat ang Diyos na lang ang kanilang pag-asa.
Kaya nga rin madalas kapag mataas ang tingin mo sa sarili mo, ikaw ang magre-reject.
Like in the writing -there are lots of grammar Nazis and an intellect one. bubuo sila ng pamantayan na dapat sundin -ang lihis sa pamantayan na ito ay mali, rejected, hindi katanggap-tanggap. magpapauso ang tao ng isang bagay na dapat gayahin kapag hindi ka ganoon o wala nun - hindi ka IN! Out of place ka! IN ka ma kapag may FB, Twitter, Instagram ka; IN ka kapag fans ka ng K-pop, In ka kapag may electric cigarette ka, In ka kapag kikay, or Bench body ang katawan mo; In ka kapag wala kang kilay; In ka kapag updated ka sa mga gadgets.
Pag hindi ka nakasabay sa pamantayan na ito, rejected ka.
Hey! Do not conform to this world. Huwag kang umayon sa sanlibutan -as long as umaayon ka sa pamantayan ng sanlibutan -you will always feel rejected.
Thus, conformed to our Lord because the ways of God is not the ways of this world. If you are rejected, kay God ka lumapit at kumapit.  He will understand you; Even Jesus Christ is being rejected by Jews people. Even the disciples are being rejected St. Paul rejects himself.

Kung nire-reject ka ng ibang tao lalo kang tumayo, lalo kang ma-challenge. Sabihan ka man, "wala kang kwenta! hanggang diyan ka na lang sa kinalalagyan mo!" wag kang magpapaapekto! patunayan mong may kwenta ka. ipakita mo sa kanilang nagkakamali sila! aangat ka sa buhay, mababago rin ang kalagayan mo!
sabihin mo sa sarili mo lagi, "mali ang sinasabi nila! balang araw!! "
Subukan mo ito nang ayos ang iyong puso at buong tiwala sa Diyos. God will give you strength to make things possible. huwag kang matakot sa rejection, pero wag mo ring tanggapin. labanan mo, 'SET YOUR MIND INTO POSITIVE!'
Sa utak ang labanan niyan e, think God and be positive! ang mas nakakatakot ay i-reject ka ni God! mas lalong wala ka nang kakampi.

"If God is with us who can be against us?
but if God is without us, who can be with us?"

:) (JC-tgbtg)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...