SCHOOL LUMP ORGANIZATION

SCHOOL LUMP ORGANIZATION
SCHOOL LUMP ORGANIZATION

Biyernes, Oktubre 2, 2020

MODULE SA SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN(SOSLIT)(Para sa Online Class set-up)

MODULE SA SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN
(SOSLIT)
(Para sa Online Class set-up)

Unang Linggo: 
Misyon, Bisyon at Buod ng Pagpapahalaga ng Paaralan

I. MISYON (mission) : 

II. BISYON (vision) :

III. BUOD NG PAGPAPAHALAGA (core values) :

IV. KAASALANG BIRTUWAL:

Pangunahing Tuntunin:
1. Tanging opisyal na pampaaralang account  ng mag-aaral ang gagamitin sa pag-sign up. 
2. Ang mga alyas at sagisag panulat ay hindi pahihintulang gamitin sa lahat ng sesyon. 
3. Inaasahan ang mag-aaral na gumamit ng pormal na wika sa birtuwal na klase.
4. Pairalin ang paggalang at pagbibigay ng konsiderasyon sa ibang mag-aaral sa lahat ng pagkakataon.  
5. Hindi pahihintulan ang mga birong mapanakit at sarkastiko sa birtuwal na klase.
6. Ipinagbabawal ang pagbabahagi ng isyu at impormasyong walang kaugnayan sa klase. 

Sa birtuwal na klase:
1. Kinakailangang mag-log in sampung minuto bago ang itinakdang oras ng klase. Hintayin ang guro upang makapasok sa birtuwal na silid. 
2. Magsuot ng kaaya-ayang pananamit sa klase.
3. Isara ang mikropono at bubuksan lamang ito kung pahihintulutan ng guro na magsalita.
4. Gamitin ang mga icon kung nais magbahagi o magsalita at hintayin ang pahintulot ng guro bago buksan ang mikropono upang maiwasan ang ingay at sabay-sabay na pagsasalita.
5. Ayusin ang inyong paligid bago buksan ang video screen at kung ito ay pinahihintulutang buksan ng inyong guro.
6. Maaaring gamitin ang chat box kung may katanungan at impormasyong nais ibahagi sa klase lalo’t kung may kaugnayan sa paksang pinag-uusapan. 

IV. TUNTUNIN NG KLASE 
- Tignan ang inyong Manual ng mga Mag-aaral

V. INAASAHANG BUNGA/PAGGANAP

A. Natatalakay ang Misyon, Bisyon at Buod ng Pagpapahalaga ng Paaralan.
B. Naipapabatid ang balangkas ng kurso, alituntunin sa loob ng klase, pamaraan ng pagmamarka, mga polisiya at kahingian ng asignatura.
C. Naipaliliwanag ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkatuto at pagtuturo na Face to face, Online at Modular.  

VI. PAGTALAKAY 

Kumusta? Handa ka ba sa iyong buhay kolehiyo? Maari mo bang maibahagi ang iyong iniisip at nararamdaman sa bagong yugtong ito ng iyong pag-aaral?

Nakatutuwa ang inyong mga ibinahagi kaya naman upang maging pamilyar ka sa magiging buhay mo sa kolehiyo. Alamin ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa ating institusyon. 

Nakatala rin sa ibabahaging balangkas ng kurso ang pamamaraan ng pagmamarka at iba pang pangangailangan sa asignaturang ito. Kaya tiyak kong maisasabuhay at magagabayan ka ng mga impormasyong ito sa pananatili mo sa ating paaralan.

Sa pagkakataong ito, subukin natin ang inyong pag-unawa sa ating aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Ipaliwanag ang Misyon ng ating paaralan?
2. Ilahad ang nilalaman ng Bisyon ng ating paaralan?
3. Paano mo maisasabuhay ang mga Buod ng Pagpapahalaga ng ating paaralan?
4. Bakit mahalagang mabatid mo ang mga sumusunod na impormasyon sa ating paaralan?
5. Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang mga ito sa labas ng ating paaralan?

VII. PAGLALAHAT

•Ang bawat institusyon ay mayroong misyon, bisyon at buod ng pagpapahalaga na nararapat mabatid ng mag-aaral.

•Mahalagang mabatid ng mag-aaral ang mga panimulang impormasyong sa kaniyang paaralan upang magabayan sa kaniyang pag-aaral.

VIII. GLOSARYO

Bisyon – malinaw at kapaki-paniwalang nakikita sa isip na impluwensyiya ng sikolohiko
Buod ng Pagpapahalaga – mga kaasalang nililinang sa mag-aaral na nagpapakita ng katangiang hinuhubog ng isang institusyon
Misyon – hangaring itinakda sa isang tao o pangkat 

IX. SANGGUNIAN

Student’s Handbook 
 Website ng paaralan o Facebook Page

X.  PAGTATAYA

1. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng Misyon, Bisyon at Buod ng Pagpapahalaga sa kinuha mong kurso sa kolehiyo. Bibigyang-pansin sa ang mga susunod sa gagawing pagsulat:

Nilalaman (Hindi nalalayo sa paksa) - 20 puntos
Kohirens (Pagkaugnay-ugnay ng detalye) - 10 puntos
Wastong Gramatikal - 10 puntos
Kalinisan at Kaayusan - 10 puntos
KABUUAN: 50 PUNTOS

XI. SINTESIS / PAGNINILAY
Gamit ang akronim na PAARALAN, itala ang inyong natutuhan sa araw na ito.

P - ____________________________________
A - ____________________________________
A - ____________________________________
R - ____________________________________
A - ____________________________________
L - ____________________________________
A - ____________________________________
N - ____________________________________


XII. TAKDANG-ARALIN

1. Kabisaduhin ang Misyon, Bisyon at Buod ng Pagpapahalaga ng buong puso. Humandang bigkasin ito sa ano mang oras at kung hinihingi ng pagkakataon. 


/ Modyul na Inihanda ni: G. Reymond Cuison

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPINO)

ILANG POSISYONG PAPEL NG IBA'T-IBANG ORGANISASYON, UNIBERSIDAD AT INSTITUSYON NG PAMAHALAAN SA PAGTATANGGOL DA WIKA AT PANITIKAN (FILIPI...