Babalik ako para sabihing 'Ayoko na!'
"Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan"
-Roman 6: 23
Ang kasalanan ko lang ay ang mahalin ka...
Ngayon, hindi ko man nais, ngunit kamatayan ang kabayaran nito. Patay na ang alab,ang init, ang baga ng pintig ng puso; My Freinds use medicinal gadgets, but still it is with no response, the bloody heart function is not working. Ngayon, ipagluksa mo ang pagyao ng inalay na pag-ibig, buong lumbay mong itangis.
Kabaong ng namatay ang nasa ating harap, at mula sa salamin na iyan, makikita mong nakahimlay ang pag-ibig; maluha-luha ko pang titingnan ang bangkay na iyan, na hindi mo napapansin, may make-up din pala ang patay na pag-ibig na nakahimlay. Dinala iyan sa punerarya, pinaliguan muna ng imbalsamador, pinasakan ng tubo sa katawan nang masaid muna ang dugo, tinanggalan ng laman-loob, nilagyan ng formalin, at muling binihisan ng damit na babaunin ng patay na pag-ibig sa kanyang huling hantungan -ang lupa.
...ang kasalanan ko lang ay ang mahalin ka;
ngayong kamatayan nga ang kabayaran ng kasalanan, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili, pagkat wala akong pinagsisisihan nang sa iyo ko naibaling ang pag-ibig na ito. Patawarin nawa ako ng sarili ko...
Malalim na ang hukay ng lupa, mabilis maghukay ang inupahang tagapagpala. A, ang huling hantungan: lupa. sabi, ang nanggaling sa lupa ay magbabalik sa lupa, gaya ng mga tuyot na dahon; gaya ng mga alon, gaya ng mga nilalang na umusbong sa lupa na nahihimlay muli sa lupa.
Ikaw! Ikaw na siyang dahilan kung bakit naging kabayaran ng aking kasalanan ay kamatayan, pagmasdan mo ang dahandahang pagbababa sa hukay ng kabaong ng aking pag-ibig. Pagmasdan maging ang pagtatabon ng lupa.
"Rest in Peace" -ang mababasa sa lapida.
Ang aking Pag-ibig
(Born: nang umibig sa'yo;
Died: nang tinanggihan mo)
basahin mo ang elehiyang inukit ng mga patak ng kandila. Nakasulat sa semento ang ganito:
"Here lie I, Ang Aking Pag-big from Q.C,
Promising: I will come back
to say that ' I'm through
with love"
...At nang bumuhos ang ulan, sabi sa ulat ng PAG-ASA: signal no. 2 sa Kamaynilaan dahil sa bagyong Juaning na pumasok sa area of responsibility ng Pilipinas kamakailan lang, ang takbo ay pahilagang kanluran ng Rehiyon V.
Oh! tubig na ragasa, anurin mo ang pait, o lunurin kaya ang hapdi o ang kirot ay isama mo sa muling panunumbalik sa kaulapan: as the evaporation process takes place by the help of sun’s heat. But don’t let the continuation of the process turn back this sorrow as the rain comes down again and again.
Pero hindi lohikal ang ganoong epekto. Ang sugat sa balat, kapag gumaling, nag-iiwan ng marka, ng balat… na sa tuwing makikita ito ay magbabalik ang alaala, ang dahilan ng sugat! Iyon ang masaklap, iyon ang mahirap!
Though, Vicky Belo’s medical group expertise about skin abnormalities such: scratches, marks, skin clots, birth marks etcetera.
Oh, Vicky Belo na nagpakasal sa isang Doktor na itago natin sa pangalang Hiden ay hindi natin itatago ang peklat sa kanyang nakaraan, o tinatawag na ‘Dance of fire while the song Careless Whisper plays a rhythm of their body –now,may you touches my skin.
E, ang kasalanan ko lang naman ay ang mahalin ka;
Ganunpaman, ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan –Roman 6:23
Sa napipintong hatol , naroon ang inalay na pag-ibig, nagmumunimuni. Ito na ang huling araw ng kanyang abang buhay. Kung paano mamamatay, ito ang katanungan. Paano ba isasakatuparan ang kamatayan?
Sintensyang natural: nagkasakit ang pag-ibig, inapoy ng lagnat, kinumbulsyon, dumura ng dugo at doon mamamatay; maaaring habang tumatawid sa pedestrian lane, may humahagibis na truck na nawalan ng preno –nahagip ang pag-ibig, tumilapon sa kalsada, bumaha ng dugo at doon na papanawan ng ulirat, ng buhay; A, huwag naman sanang maging mas malala ang mangyayari: Pisat, durog, lasog-lasog ang duguang pag-ibig –ang ten wheeler truck mabilis na nakatakas. A, sabi ng mga pulis, “ Hit ang Run”.
Matapos nito, sinuway ng ambulansya ang kautusan na bawal na ang wangwang sa kalsada. Sinuway ito, para lamang maisalba pa; But the beats of his heart is at critical condition. No, Doctor said, Sorry! The patient’s case is dead on arrival.
Kalunos-lunos. Bakit hindi na lang payapang pagkamatay: naglatag ng higaan –yung kutson: malambot, mabango at masarap higaan; may unan pa –magic pillow, hotdog pillow, cotton like pillow o kung ano mang katawagan sa uri ng mga unan.
Pumikit ang Pag-ibig, natulog… nang mahimbing. Sumapit ang kadiliman ng buwan at sumikat ang araw –hindi na nagising. Tuluyan nang natulog ang Pag-ibig na hindi na kailanman didilat
A, nagising bigla sa pagmumunimuni.
Naisip na, naging mapagpatawad ang Diyos,hindi lang pitong beses kundi pitumpu’t pitong beses pa at hangga’t ang nagkakasala ay inaamin ang kanyang pagkakamali at sa huli’y humingi ng kapatawaran, nagsisi at nangakong hindi na muling uulit –A, walang dahilan para hindi ka patawarin sa iyong pagkakasala.
Umamin na akong nagkamali ako, pero hindi ko pinagsisisihan iyon. Humingi ako ng kapatawaran. At nangangako,
”Promise, babalik ako para sabihing ‘ayoko na!’”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento